Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

"Tay, umayos ka nga!" saway ko sa Tatay ko habang sinusundan siya palabas ng bahay.

Tumigil siya sa paglalakad at nanlilisik ang mga matang humarap sa akin na may kasama pang panduduro.

“Manahimik ka riyan, Trisha. Huwag mong pinapakialaman ang mga desisyon ko sa buhay," anas nito.

Napangiwi na lang ako at napakamot sa ulo. Hindi na ako sumubok pang magsalita ulit sa takot na muling masinghalan niya. Matahimik ko siyang sinundan hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng bahay. Dumiretso kami sa bakuran kung nasaan si Jolo na abala sa pagsisibak ng kahoy.

Kahit may kalayuaan ay tanaw na tanaw ko ang butil-butil na pawis na namumuo sa kaniyang noo. Masiyado siyang focus sa ginagawa kaya marahil ay hindi niya nararamdaman ang presensya namin ni Tatay.

Mariin kong kinagat ang aking labi upang pigilan ang mumunting hagikhik lalo na noong tumalikod siya at hinubad ang suot niyang puting muscle tee. Ngayon ay tuluyan nang nakabalandra sa harapan ko ang matikas at hulmadong-hulmado niyang likod na nangingintab sa pawis.

I clasped my hands together and heaved a dreamy sigh. He still looks drop-dead gorgeous and from here, I can quietly smell his manly perfume. Along with, his disheveled long hair suits him very well and it added more appeal.

Grabe, jojowain talaga. Kung hindi lang talaga umepal si Tatay sa amin noong isang gabi ay tiyak na mayroon na kaming label na girlfriend-boyfriend ngayon. Hindi na sana niya kinakailangan pang mahirapan ng ganito.

"Laway mo tumutulo. . ." Sinamaan ko ng tingin si Tatay nang bumulong si Tatay sa aking tainga.

Hindi ko napigilan ang mapairap at kapagkuwan ay pinagkrus ang dalawang sa ilalim ng dibdib. "Ewan ko sa'yo, Tay. Ano ba kasi 'yang pinapagawa mo kay Jolo? Hindi ka ba naaawa sa tao? Pinag-igip mo ng tubig sa poso roon sa kabilang kalye kahit na may gripo naman tayo. Pinagsibak mo pa ng kahoy kahit na mayroon naman tayong gas stove at gas–"

"Aba hoy, kung hindi mo naitatanong ay mas matindi pa ang pinagdaanan ko noong kapanahunan namin ng Nanay mo. Hindi mo alam kung ilang beses akong nagkabalik-balik sa manghihilot dahil sumasakit ang katawan ko," nakasimangot na mahabang litanya niya sa akin.

"Eh noon pa naman 'yon. Jusko naman!" I hissed.

He threw me a death glare. "Huwag ka ngang makialam, Trisha! Bumalik ka roon sa loob. Mag-review ka at ako na ang bahala sa lalaking 'to!" He then slightly pushed me towards the door.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Muli kong sinulyapan si Jolo at awtomatikong sumilay ang pabebeng ngiti ko sa labi nang magtama ang mga mata namin. Marahan kong inipit sa likod ng tainga ang aking buhok.

"Trisha, para kang umaga ko, maganda. . ." pambobola ni Jolo sa'kin.

I shyly laughed. "E-Enebe, pere keng tenge!"

Kung hindi pa ako sapilitang kakaladkarin ni Tatay papasok ng bahay ay hindi pa kami matitigil ng lalaki sa harutan.

Sa buong maghapon ay inabala ko ang aking sarili sa pagrereview para sa gaganaping board exam. Hindi na ako nag-abala pang pumasok sa review center kahit na ilang beses akong kinumbinsi ni Shaeynna na sumama sa kaniya sa Maynila. Para sa akin kasi ay hindi ko na kinakailangan pang gumastos para sa bagay na iyon. Kaya ko namang mag-aral nang mag-isa at malakas ang pananalig ko na maitatawid ko ang hamong ito.

I am vigorously anticipated because a few months from now, I can finally say those three words better than I love you and that is. . . "CPA na 'ko."

"Are you sure with your decision? You're ain't coming with me?" My cousin, Kuya Harrold, asked.

Bumisita siya ngayon dito sa bahay dahil sa kasunod na buwan na ang alis niya patungong ibang bansa para roon manirahan. Nakapag-out na siya sa family niya ng totoo niyang sexuality but sadly, just like what we had expect, itinakwil nga siya ng mga magulang niya. Bukod tanging si Rhys lang ang buong pusong tumanggap sa kaniya.

Mula sa binabasang libro ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. "Oo, Kuya. Sigurado pa sa sigurado."

Pabagsak siyang umupo sa aking kama bago humugot ng isang malalim na malalim na buntong hininga. "What made your decision changed, darling? Is this about that guy? Iyong pinsan ni Eloisa?"

"Honestly. . . yes,"

Kung mayroon man akong isang pinsan na labis na pinagkakatiwalaan nang wagas ay walang iba iyon kundi si Kuya Harrold. He will listen to you without giving any unreasonable judgements. For him, everything you made or whatever you feel is valid. As long wala kang sinasaktan at tinatapakang ibang tao.

"Okay." He nodded and heaved a sigh once again. "Wala naman na akong magagawa kung iyan ang desisyon mo. Pero if ever man na magbago ang desisyon mo, do not hesitate to hit me up, 'kay?"

Tinigil ko ang pagrereview noong araw na iyon at sinulit ang mga oras na kasama siya. Nanood kami ng napakaraming movie at dahil spoiled ako sa kaniya, kahit anong hilingin kong pagkain ay ibinigay niya sa akin. Binigyan niya ako ng napakaraming life and love advices na aniya'y huwag na huwag ko raw kakalimutan.

My heart bleeds quietly as I watched him bid his goodbyes to my family. I badly wanted to cry but I did my best to stop myself from doing it.

At kahit mabigat ang dibdib sa tuluyang pag-alis niya ay wala akong nagawa kundi ipagpatuloy ang buhay. Malaking tulong din na nariyan si Jolo upang pasayahin ko. Patuloy pa rin ang panunuyo niya sa aking magulang lalong-lalo na kay Tatay na sa tingin ko'y nag-iinarte na lang naman.

"Hindi ka ba napapagod sa mga pinapagawa sa'yo ni Tatay?" tanong ko sa kaniya.

Narito kami ngayon sa convenience store na madalas naming tambayan kapag hindi sapat ang pera namin para kumain sa mga fast-food chain o restaurants. Linggo ngayon, wala siyang trabaho at kalalabas lang namin mula sa pagsimba at dito kaagad namin naisipang dumiretso.

He shrugged his shoulders and sipped on his can of beer. "Hindi. Bakit naman ako mapapagod?"

"Eh kasi siyempre hindi biro 'yong mga ginagawa mo 'no! Paniguradong masakit 'yon sa katawan, to think na mayroon ka pang ibang trabaho. . ."

"Gusto ko naman ang mga ginagawa ko kaya kahit nakakapagod, masaya pa rin ako." He took a glance at me as his lips formed into a curve.

May sumilay na maliit na ngisi sa aking labi nang tumingala ako sa nag-aagaw na liwanag at dilim ng kalangitan. May kakaibang kapayapaang humaplos sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang itaas.

Everything seems extraordinary to me. An indeed irreplaceable memory. With a peaceful sky meeting the darkness, as the sun starts to set, accompanied by the man I love and having a simple talk with him. I couldn't ask for more, I must say.

"Worths it naman pati lahat," dagdag pa niya.

Bahagya akong natawa dahil ayan na naman siya sa wrong grahams niya pero dahil ayaw kong masira ang maayos na usapan naming dalawa ay hindi ko na lang iyon pinansin pa.

"Worth it? Bakit?"

"Kasi approve na 'ko sa Tatay mo. Ang sabi niya sa'kin noong isang araw ay buong puso na raw niyang ibinibigay sa akin ang tiwala para sa'yo." He bowed down and shook his head, a wide smile was visible in his lips. Animo'y kinikilig. "Grabe, sa sobrang tuwa ko, nayakap ko siya. Grabe, bebe! Ang epic!"

"Mabuti na lang ay hindi na ulit niya ako hinabol ng itak. Grabe, kinikilabutan pa rin ako kapag naaalala ko ang gabing 'yon! Akala ko katapusan ko na!"

"Ang OA mo!" Tumawa ako at binato sa kaniya ang binilog kong tissue. "Hindi ka naman tutuluyan ng Tatay ko 'no! Siguro nabigla lang siya dahil simula pagkabata ay alam na no'n ang hinahanap ko sa isang lalaki."

"Oo, lalaking may SSS, PAG-IBIG, PhilHealth, at life plan sa St. Peter." Mayabang siyang ngumisi at hinampas ang sariling dibdib. "Huwag kang mag-alala, mayroon na ako lahat no'n."

"Pero mayroon ka pang ibang pinangako sa akin noon, 'di ba? Ang sabi mo noon ay handa mong hanapin si Nemo at ang nawawalang 15 billion ng PhilHealth para sa 'kin."

Umawang ang kaniyang labi na tila pilit inaalala ang sinabi niyang iyon. Binasa niya ang pang-ibabang labi bago namumungay ang mga matang tumitig sa 'kin. "Pero ngayon ay iba na ang hinahanap ko."

"Huh? Ano?" My forehead creased.

"Oo mo. . ."

I was taken aback for a moment. Bumagsak ang paningin ko sa magkasalikop kong kamay at nang muli akong mag-angat ng tingin sa kaniya ay pinilit kong alisin ang kahit anong emosyon sa aking mukha.

"Pero may girlfriend ka na," ani ko sa malamig na tinig.

"H-Huh? Girlfriend? Ako? Sino?" nanlalaking mga mata na tugon niya at itinuro pa ang sarili.

I bit my lip to suppress my giggle. "Ako. ."

Nanatili siyang awang ang labi. Naguguluhan at hindi pa rin ma-proseso nang mabuti ang sinabi ko.

"H-Hakdog?" usal niya, "T-Totoo ba? O baka naman binibiro mo lang–"

"Totoo nga, ano ka ba? Sa susunod kapag may nagtanong kung sino ang girlfriend mo, sabihan mo lang ang pangalan ko." Tumayo na 'ko at isinukbit ang shoulder bag.

"OMG!" bulalas niya na siyang ikinatawa ko nang malakas.

Today, I marked this day I finally let my guards down and accept him to be the new protector of my heart.

It's been a long wait Jolo, now, you finally have me as a half of you.

new twttr account: @xxialejwp

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro