Kabanata 13
Hindi umalis si Jolo sa aking tabi habang nasa loob pa kami ng venue. Panay pa ang pang-aasar sa amin ng mga kaibigan pati na rin nina Nanay at Tatay. A glimpse of happiness was written all over their face.
"Okay lang ba kung tatlong pirasong rosas lang ang maibigay ko sa'yo bilang regalo? Pasensya na talaga, ha? Medyo gipit kasi talaga ako ngayon pero huwag kang mag-alala, babawi naman ako sa'yo kapag–"
I put my index finger to his lips so he can stop explaining and shut his mouth up. I noticed him stilled once again as his adam's apple moved harshly.
"Ano ka ba, Jolo? Para kang others." I chuckled and wet my lips. "Hindi mo kailangang magpaliwanag sa'kin, okay?" Kinuha ko sa kaniyang kamay ang rosas at malawak ang ngiti sa labing iyon ay tinitigan.
"Masayang masaya na 'ko sa kung anumang bagay na ibigay mo," dagdag ko pa bago siya inaya patungo kung nasaan sina Nanay at Tatay.
Nakaalis na sina Shaeynna at Kean kasama si Terrence dahil mayroong simpleng handaang inihanda ang parents ni Shae. Si Eloisa naman ay kasama ang aking magulang na naghihintay sa isang tabi. Hindi na kami naghanda pa, ang napag-usapan namin nina Nanay ay kakain na lang kami sa labas.
Bago pa man kami tuluyang makalapit sa kanila ay mayroong humarang sa dinadaanan namin. Awtomatikong nag-palpitate ang dalawang kilay ko nang magtama ang mga mata namin ng talipandas na si Kim.
"Ano ka naman d'yan, Kim? Papansin lang?" asik ko, dahilan para umangat ang sulok ng labi nito.
"Ang sungit mo naman, Trish. Gusto lang naman kitang batiin ng congratulations." He laughed and it irritates me more. Dumako ang paningin niya sa lalaking nasa tabi ko at mapanghusga itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Salamat. Alis na kami. . ." walang emosyong tugon ko.
Hinawakan ko ang pala-pulsuhan ni Jolo at akmang hihilahin na siya paalis nang muli na namang magsalita ang mayabang at talipandas na si Kim.
"I'm so disappointed in you, Trish. Akala ko pa naman ay mayroon kang taste sa pagpili ng lalaki. Hindi ko inaakala na kagaya ka rin pala ng kaibigan mong pokpok na kung sinu-sino na lang ang–"
"Huwag na huwag mong dinadamay ang mga kaibigan at kahit sinong parte ng buhay ko, Kim. Wala akong pakialam sa kung inaakala mo tungkol sa akin. Sa'yo na 'yan, saksak mo sa baga mong gago ka!"
It was supposed to be a delightful day for me, but that freaking Kim ruined the perfect mood! Akala mo naman ay kung sino siyang makapagsalita na pati kahit past mistake ng kaibigan ko ay dinadamay niya. Kung makapagsalita siya ay para bang alam na alam niya ang kwento at pinagdaanan ni Eloisa. Kung maliitin niya ako pati na rin si Jolo ay para bang ang taas taas niyang kupal siya!
"Hayaan mo na 'yon. Huwag ka nang mainis. . ." alo sa akin ni Jolo nang makauwi kami sa bahay.
"Hindi ko lang maiwasan na mainis sa walangyang Kim na 'yon. Akala mo talaga ay kung sino."
Pabagsak akong sumandal sa sofa at pinagkrus ang dalawang braso sa ilalim ng dibdib. Imbis na sumagot pa sa pagmamaktol ko ay lumuhod na lang si Jolo sa harapan ko at marahang tinanggal ang suot kong killer heels.
Hindi ko siya nilubayan ng titig habang ginagawa niya iyon. Kanina, habang kumakain kami sa labas kasama ang pamilya, si Eloisa at iba pa naming kamag-anak ay naramdaman ko ang pananahimik at pagkailang niya. Lalo na noong paulanan siya ng samu't saring tanong ng mga tao sa paligid namin. Their questions were too personal and too thoughtless.
However, despite him being uncomfortable with all of it, Jolo still managed to answer it honestly and sincerely.
At hanggang ngayon nga na makauwi na kami sa bahay ay pansin ko pa rin ang paglipad ng isipan niya kung saan, ngunit dahil sa kakadaldal ko ay pinipilit niyang makasabay sa akin.
Mabuti na lang ay nakaakyat na sina Nanay at Tatay sa kanilang kwarto. Pagod na raw sila at inaantok na rin kaya naman kaming dalawa na lang ni Jolo ang naiwan dito sa salas.
Well, it's already ten o'clock in the evening.
"Magbihis ka na muna. Sigurado akong pawisan ka kanina," malambing na aniya sa akin at ramdam ko ang paglubog ng sofa sa aking tabi.
"Hmm. . ." Tumango ako at namumungay ang mga matang bumaling sa kaniya. "Okay ka lang ba?"
He nodded, smiling a little. "Oo naman. Kung tungkol 'to roon sa nangyari kanina, wala naman 'yon sa akin. Sanay na ako kaya huwag ka nang mag-alala hmm?"
Umangat ang kaniyang isang kamay upang marahang haplusin ang aking buhok. Napapikit ako sa ginhawang dulot noon. Ewan ko pero pakiramdam ko'y ang sarap-sarap mapagod kung sa pagkatapos ng araw ay mayroon kang uuwian na magpapawi ng lahat ng iyon.
"At isa pa, alam mo ba na dahil sa sinabi noong Kim at mga tanong sa'kin ng mga kamag-anak mo, pakiramdam ko mas kailangan ko pang magpursigi sa buhay. Gusto kong talagang may mapatunayan ako sa'yo at sa mga tao sa paligid mo, Trisha. Ayaw kita biguin. Hindi ako puwedeng mabigo–"
I cut him off. "Jolo, hindi mo kailangang gawin 'yan para sa akin. Gawin mo 'yan para sa sarili mo. . . dahil ako tanggap ko ang mga bagay na kaya mong ibigay sa'kin. Kuntento na ako ro'n kasi gusto kita. . ." I trailed off and shook my head aggressively when I realized it's not what I exactly feel for him. "Ay hindi, mahal na yata kita."
Nalaglag ang kaniyang panga habang ang mga mata'y hindi makapaniwalang tumitig sa'kin. Ilang beses kumibot ang kaniyang bibig upang sumagot ngunit ni isa'y walang lumabas na salita mula sa kaniya.
Mula sa pagkakasandal ay umayos ako ng upo at ang buong katawan ay ibinaling paharap sa kaniya. Umangat ang isang kamay ko upang haplusin ang namumula at nag-iinit niyang pisngi.
"A-Anong ibig mong sabihin. . ." pabulong na anito ngunit sapat na para marinig ko.
"Mahal kita," buong pusong pagtatapat ko habang sinserong nakatitig sa kaniyang mga mata. "Masiyadong mabilis ang lahat pero hindi ko na kayang itago 'tong nararamdaman ko, Jolo."
"K-Kailan pa?"
I bit my lower lip and shook my head. "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, basta ang alam ko lang ay kapag hindi kita nakikita at nakakasama, hindi kumpleto ang araw ko. Basta ang alam ko lang, noong isang araw na gumising ako ay handa ko nang isuko ang lahat para sa'yo. Lahat lahat maging ang mga bagay na noo'y pinapaniwalaan ko," mahabang paliwanag ko.
"S-Shet. . ." he whispered.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi kasabay ng pagpasada ng mga daliri sa kaniyang mahabang buhok. "Wait lang bebe, ha? Na-shookt ako, eh. Ang lakas din ng hearts beatings ko." Madrama siyang humawak sa dibdib at nagpakawala ng malalim na buntonghininga.
A soft chuckle came out with my lips. "Heart beat kamo. . ."
"Close enough!" depensa niya.
Ngumuso ako at tumayo mula sa kinauupuan. Awang ang labi niyang tiningala ako. At mas lalong tumindi ang pagkabigla niya nang umupo ako sa isang hita niya at pinulupot ang dalawang braso sa kaniyang leeg.
"A-Anong gagawin–h-hoy tumayo ka riyan, jusmiyo marimar! Baka makita tayo ng magulang mo, bebe. Gusto ko pang–"
"Will you please shut your mouth? Kapag nagising talaga sina Nanay at naabutan tayong ganito ay talagang yari ka," pang-aasar ko pa.
He shifted his seat. "Bebe, tayo ka na. Sige na, sige na. I love you too. . ." I giggled when his lips landed on my forehead for a swift kiss, but it faded when he slowly pushed me away. "Tayo na bebe. Umakyat ka na sa taas at magbihis ka na–jusmiyo mahabagin!" gulat niyang reaksyon nang mas lalo ko pang idiin ang sarili sa kaniyang katawan.
Doon na ako tuluyang humagalpak ng tawa. Ngunit ang malakas na tawang iyon ay napawi nang marinig ang baritono at nakakakilabot na boses ng aking Tatay na madilim ang tingin habang nakatanaw sa amin mula sa hagdan.
"Hinayupak ka! Anong ginagawa mo sa anak ko, ha?!" Dumagundong ang malakas nito sa kabuuan ng bahay.
Agad akong tinulak ng natatarantang si Jolo. And the next thing I knew, kumakaripas na ito ng takbo palabas ng bahay habang hinahabol naman siya ng Tatay kong nagngingitngit sa galit at may hawak pang itak.
"B-Bye, bebe! B-Bukas na lang! Good night!" dinig ko pang sigaw ni Jolo sa akin habang tumatakbo palabas ng gate.
"Bebe, ha?! Talagang mabebengutan talaga kita, Jose, kapag naabutan kitang hinayupak ka–hoy bumalik ka rito! Matapang ka, 'di ba?!" sigaw ni Tatay pabalik at tumigil ito sa may gate habang tinatanaw ang tumatakbong papalayong lalaki.
Oh my. . . Lord, please guide him. Let him live.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro