Kabanata 12
Tila hinahalukay ang aking tiyan dahil sa kabang nararamdaman. Gamit ang nanginginig na palad ay pinunasan ko ang namumuong pawis sa aking noo. Mabilis ang pintig ng aking dibdib at hindi ako mapakali sa aking upuan.
Ngayon i-a-announce kung sino-sino ang mga siguradong mamartsa sa stage para sa darating na graduation. Alam ko sa sarili kong ginawa ko naman ang mas best pa sa best para sa kursong ito.
I haven't got the faintest idea. For me, everything feels unreal. Halo-halong emosyong ang aking nararamdaman lalo na nang makumpirma kong kasama talaga ako sa mga magtatapos ngayong taon.
"Oh my gosh!" Para kaming timang ni Shaeynna na talon nang talon sa dahil sa labis na kagalakan.
Una niyang sinabihan ay ang kaniyang pamilya at si Kean. Gano'n din naman sa akin. Umuwi ako sa bahay dala ang magandang balita para sa magulang ko. Kitang-kita ko kung paano kumislap at umaliwalas ang mukha nila nang sabihin ko iyon sa kanila. Kagaya ko ay halos magtatalon na rin sa sobrang tuwa. Hindi pa nakaligtas sa mga mata ko ang pagkislap ng mga mata nila dahil sa nagbabadyang luha.
"Proud na proud kami sa'yo. Mahal na mahal ka namin, anak. . ."
Pumikit ako nang muling halikan ni Nanay ang aking pisngi. Si Tatay naman ay nakaupo sa sofa at masayang nakatanaw lang sa amin.
"Proud kayo kahit gra-graduate akong walang flying colors?" I asked and pouted my lips.
"Oo naman. Ang mahalaga naman ay makatapos ka sa pag-aaral," saad ni Tatay.
"At kahit minsan ay masakit ka sa ulo, naging mabuting anak ka pa rin naman sa amin. . ." dagdag ni Nanay.
Tila may mainit na kamay na humaplos sa aking puso. Ngumiti ako nang napakatamis bago muling ibinuka ang mga braso para sa panibagong yakap mula sa kanila.
Maswerte ako. Maswerte ako sa pamilyang mayroon ako. Maswerte ako sa mga kaibigan kong nakapaligid at walang sawang sumusuporta sa akin. At ngayon, mas lalo pa akong sumaya nang dumating rin si Jolo sa buhay ko.
"Masaya ako para sa'yo. Kaunti na lang ay tuluyan mo nang maaabot ang pangarap mo." Buong puso siyang ngumiti at marahang ipinatong ang isang palad sa ibabaw ng aking ulo.
"Salamat, Jolo. Ikaw din naman, malapit ka nang bumalik sa pag-aaral at siguradong maaabot mo rin ang mga pangarap mo. Hindi pa naman huli ang lahat, eh."
Bahagyang nililipad ng hangin ang nakalugay niyang buhok. Malalim na ang gabi ngunit narito pa rin kami sa labas ng bahay. Tanging ingay ng kuliglig na lang ang namamayani sa buong paligid. Nakaupo kami sa gutter ng hagdan malapit sa pinto. Sa kaniyang gilid ay mayroong isang bote ng beer habang ang sa akin naman ay sterilized milk.
Kalalabas pa lang niya ng trabaho nang sabihin ko sa kaniya ang magandang balita. Wala akong natanggap na reply mula sa kaniya kaya inisip ko na baka abala ito sa trabaho o baka maagang nagpahinga. Dapat rin ay sa sabado pa siya uuwi rito ng Lucban ngunit laking gulat ko nang saktong pagkatapos naming kumain ng hapunan ay may kumakatok na sa aming pinto.
At siya iyon.
May hawak pa nga siyang echo bag na punong-puno ng pagkain. Hindi ko ine-expect na kaya kong maging ganito ka-kuntento kahit sa simpleng setup lang. Ni kailanman ay hindi ko naisip na puwede palang maging masaya, na puwede palang lumundag ang puso kahit sa napakasimpleng pagsasama at pag-uusap lang.
Back then I was dreaming of a guy who could give me anything. A guy who can take me to fancy restaurants. A guy who can buy me extravagant gifts or anything. But when heaven gave me a chance to get to know this man beside me I realized that. . . it wasn't my dream anymore.
Because now, as I grasp mentally all my thoughts, I've realized that I don't need a man who could give me anything. Instead, I need a man who stays with me while he does nothing and still stays with me when he already has everything.
And again, it was him. Nothing but him.
Ang gabing iyon ang huling pagkikita namin dahil sa mga sumunod na araw ay naging abala na kami pareho sa mga kani-kaniya naming buhay. Siya, sa pagtratrabaho upang makaipon. At ako naman ay sa pag-pra-practice ng graduation march sa school.
Just like a blink of an eye, today is the day I most awaited for. Wearing my black tight-fitting bodycon dress, paired with black killer heels that look suitably made for me. While staring at myself in the front of a full length mirror, I can't help but to smile sweetly because the dress emphasizes every inch of my curve.
Regalo ito sa akin ni Kuya Harrold. Siya mismo ang nag-design at tumahi nito kaya naman tuwang-tuwa ako nang ibigay niya ito sa akin. Bumisita siya rito sa bahay noong isang araw upang personal na iabot ito sa akin at upang tanungin na rin kung tuloy pa ba ang pagsama ko sa kaniya sa ibang bansa na hindi ko nasagot.
Hindi ako nakasagot at hindi ko muna iisipin ang bagay na iyon.
Nauna na sa venue si Nanay at Tatay. Ang kasabay ko pagpunta roon ay si Eloisa na kanina pa inip na inip sa kahihintay sa akin. Ako lang kasi ang nag-makeup sa sarili ko at talagang siniguro kong magandang-maganda ako ngayon.
"Ano tuloy pa ba ang graduation? Kaya ba today?" sarkastikong tanong niya sa akin habang tamad na nakaupo sa sofa.
"Ito na nga, wait lang. S-Si Jolo ba?" Sumulyap ako sa aking wristwatch at nang mapagtantong malapit na mag-start ang program ay inaya ko na siya palabas ng bahay.
"Ewan, hindi naman nag-re-reply, eh. Baka hindi pupunta?" tugon nito sa akin.
I snorted and threw him a dagger look. "Huh! Pupunta siya. Nag-promise siya sa akin!"
"Promises are meant to be broken, sis. Huwag na umasa."
Umirap na lang ako at hindi na pinatulan pa ang pang-aasar niya. Huh! Pagdating talaga ni Jolo, isusumbong ko 'yang magaling na pinsan niya!
Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon habang umuusad ang programa. Napakahaba ng seremonya. Nakakainip ngunit mas nangingibabaw ang saya sa dibdib ko lalo na nang mahawakan ko ang diplomang pinaghirapan at pinagpaguran ko sa loob ng ilang taon.
Nang matapos ay hindi muna kaagad kami umalis. Nagpakuha muna kami nina Nanay at Tatay ng maraming litrato. Kasunod noon ay kasama ko naman ang mga kaibigan. Narito kasi si Kean na umuwi pa galing Maynila para kay Shaeynna and of course, nandito rin si Terrence at Eloisa. Si Reyster lang ang wala pero malapit na rin siyang bumaba ng barko dahil patapos na ang OJT niya.
Abala ako sa pagkuha ng larawan nina Shae at Kean nang maramdaman ang mahinang pagsiko sa akin ni Rence.
I glared at him. "Ano ba? Papansin ka?"
"Tangek! Hindi 'yon!" Mayroon siyang itinuro gamit ang nguso kaya naman sinundan ko iyon ng tingin.
My eyes widened as my mouth parted when I saw a familiar man looking around the venue. Tila ito ay mayroong hinahanap. Walang imik kong inabot ang camera kay Terrence. Hindi na ako nagpaalam pa sa kanila at agad nang tumalikod. I heard Eloisa shout my name but I didn't bother to give them a glance.
"Jolo!" I called him.
When our eyes locked, a wide smile automatically plastered on my lips. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siyang makalapit sa akin. Siksikan ang mga tao. Ang lahat ay magulo, maingay, at hindi magkamayaw sa galak. Ang mga ito ay abala sa kani-kaniyang pagkuha ng litrato at pakikipag-usap sa mga kakilala.
Pero kahit gano'n. . . kahit napapaligiran man kami ng libu-libong tao, ang buong atensyon ko'y nakatuon lang sa kaniya.
"Sorry, medyo natagalan ako. Nahirapan kasi akong maghanap ng masusuot kaya kinailangan ko pang manghiram ng damit–"
Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at agad ko nang sinakop ang natitirang distansya sa pagitan naming dalawa. Tumingkayad ako kasabay ng pagpulupot ng mga braso sa kaniyang leeg.
I felt his breath hitched and unable to move for a while. Ngunit kalaunan ay naramdaman ko ang unti-unting pag-angat ng kaniyang upang yakapin ako pabalik.
"Ayos lang ang mahalaga nandito ka," I heartily answered and tightened my hug even more.
Ang mahalaga ay kasama kita. Kasama kita sa isa sa mga pinaka-importanteng araw ng aking buhay. At simula ngayon, tinitiyak at pinapangako ko na kasama mo rin ako sa mga mahalalagang bahagi ng buhay mo. Makakasama mo ako sa saya at kahit sa mga araw na pakiramdam mo'y pinagkakaisahan ka ng mundo.
At ngayon, alam ko na yata ang dapat isagot sa katanungan ni Kuya Harrold. Hindi na ako aalis. Nakakatawa man ngunit napagtanto kong handa akong talikuran ang bagay na iyon para kay Jolo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro