Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

"Fix and complete all the requirements for your on-the-job training. Also, do your assigned tasks and pass it on time. I wouldn't accept any excuses. I wouldn't give any consideration," Our Professor, Mr. Romualdez, announced using a stern and strict voice, "Class dismissed."

Tamad ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng silid. Palihim na lamang akong napailing. Napakasungit talaga no'ng Professor na 'yon! Akala mo palaging pinagkakaitan ng ulam sa bahay dahil palagi na lamang parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha!

Nagsimula nang maglabasan ang mga tao sa classroom. Ito na ang panghuling subject namin ngayong araw. Half day lang kami tuwing Tuesday pero hindi rin naman nakakatuwa dahil napakaraming gawain. 4th year na kasi kami ngayon at ang pag-assikaso ng requirements para sa gaganaping OJT ang isa sa mga pinagkakaabalahan naming lahat.

"Tara na! Hindi pa ba tayo lalabas?" tanong ni Shaeynna kaya naman napairap ako.

"Mauna ka na! Magkikilay at mag-aayos muna ako! Ayokong lumabas ng classroom na 'to na haggard ako!" wika ko at kinuha sa bag ang pouch ng make-up.

Napakamot siya sa ulo. "Mauuna na akong lumabas, ha? Tatawagan ko lang si Kean!"

I threw her a death glare. "Puro ka Kean! Baka busy sa pagre-review 'yong tao?!"

"Hindi 'yon!"

"Anong hindi? Hindi siya busy ngayon?"

"Hindi 'yon tao!" She roared with laughter as she left the classroom.

Natatawa akong umiling at pinagpatuloy ang pag-aayos ng sarili. Sanay na naman si Shaeynna na maghintay sa akin nang matagal. Sa ilang taon ba naman naming pagkakaibigan hindi pa sila masasanay sa akin?

Sayang nga lang kung nandito si Eloisa siguradong sunud-sunod na talak na inabot ko ro'n. Argh, I miss my best friend! Iba pa rin talaga kapag kumpleto kaming tatlo–but I do understand her situation. Sadyang hindi ko lang talaga maiwasang manghinayang kung minsan.

Sa aming magkakaibigan, kaming dalawa na lang ni Shaeynna ang naiwan dito sa University. Kean and Terrence already graduated. Lumuwas ng Maynila si Kean para pumasok sa review center doon, paghahanda sa nalalapit na board exam. Si Terrence naman, ewan, siguro gano'n din. Hindi na kami masiyadong nagkakausap kaya hindi ko alam kung anong mga ganap niya sa life ngayon.

Basta ang mahalaga, maganda ako. On fleek na ang kilay ko at hindi na ako mukhang maputlang tingnan dahil nakapag-apply na ako ng make-up.

After thirty minutes of pagpapaganda, I was ready to leave the classroom. Habang binabalik sa pouch ang mga makeup na ginamit ko ay nakasimangot na pumasok muli si Shaeynna sa classroom.

"Hindi ka pa ba tapos dyan? 'Yong manliligaw mo hinahanap ka sa labas," hindi maipinta ang mukhang aniya.

My brows furrowed. "Sinong manliligaw? The one from the engineering dept or the agriculture guy?" naguguluhang tanong ko.

Mas lalong nalukot ang mukha ni Shaeynna sa tanong ko. Aba malay ko ba kung sinong tinutukoy niya!

"Wala sa choices, sis. The Business Ad guy..." she corrected me.

My mouth formed into a circle. Tumayo na ako at isinukbit ang strap ng itim kong shoulder bag sa balikat. Hinawi ko ang aking blonde at hanggang bewang na buhok.

"Mauna ka nang lumabas. Magtatago ako ro'n sa may pinto, sabihin mo wala na ako!"

A line appeared between her brows pero hindi na nagreklamo pa. Kibit-balikat itong tumalikod at lumabas muli ng classroom. Dahan-dahan ang hakbang ko patungo sa sulok ng classroom para roon magtago. Mula rito, dinig na dinig ko ang usapan nilang dalawa sa labas.

"Uuwi na kayo? Ako na ang maghahatid sa kaibigan mo," the Business Ad guy said happily.

"Ah eh..."

From my imagination, I can clearly pictured Shaeynna holding her nape, looking so problematic. Gusto ko na lamang matawa. Babawi na lang ako sa 'yo, kaibigan!

"Bakit? May problema ba?" the guy replied.

"W-Wala naman!" Shaeynna faked a laugh. "A-Ano kasi ang sabi kasi sa 'kin ni Trisha, sabihin ko raw sa 'yo na wala siya rito."

Mariin akong pumikit kasabay ng paglipad ng isang palad ko sa aking mukha. Jusko mahabagin, Shaeynna! Parang gusto kong magpalit ng kaibigan! Puwede pa naman, 'di ba? Hindi pa naman siguro huli ang lahat!

The guy chuckled bitterly. "Oh I see. I-I guess that's your friend's way to turn me down."

Hindi ko na nasundan pa ang mga kasunod na litanya niya. Basta nakahinga ako nang maluwag nang narinig ko ang mga yabag ng paa nito papalayo. Surang-sura ako kay Shaeynna habang naglalakad kami pauwi! Gusto ko siyang pektusahan! Idagdag pa 'tong si Kean na ka-video call namin at panay ang hagalpak mula sa kabilang linya matapos kong sabihin sa kaniya ang ginawa ng girlfriend niya kanina.

Well, today is one of the tiring hella days! Pagkauwi ko sa bahay ay saka ko pa lang naramdaman ang matinding pagod pero agad din iyong napawi nang makita ang magulang kong masayang naghaharutan habang nagluluto ng hapunan.

"Ah kaya pala kapag nagluluto ay hindi ako masaya, dapat pala may kasama..." bungad ko kaya naman mas lalo silang nagtawanang dalawa.

"Ang dami mong kalokohan. Magbihis ka na para makakain na tayo ng hapunan. May mahalaga rin tayong pag-uusapan mamaya," ani Nanay bago sumupil ang maliit na ngiti sa labi.

"Oh o-okay," I replied.

Nagtataka man ay wala na akong nagawa kundi ang tumalikod at maglakad patungo sa aking kwarto. Wala akong ideya kung anong pag-uusapan namin pero alam ko at kampante ako na hindi naman siguro 'yon masiyadong seryoso.

The dinner went well. Kwentuhan, asaran, at malalakas na tawanan ang bumuo sa aming hapunan. This is always something I've been looking forward to.

Sa umaga ay abala kaming lahat. Si Nanay at Tatay ay sa trabaho habang ako naman ay sa pag-aaral. Bumabawi kami sa isa't isa tuwing gabi sa pamamagitan ng kumustahan sa mga pangyayari sa buong araw naming lahat.

I couldn't say that I have a 'perfect' family. . . but one thing is for sure, I have the 'best' parents. They are my home. My family is my strength and, furthermore, my weakness. Palagi ngang sinasabi ni Shaeynna at Eloisa na sa aming tatlo, ako ang pinakamaswerte. Ako ang may pinakamagaan at mapayapang buhay–which is I definitely agree.

"Ano nga pala 'yong sasabihin mo, Nay?"

Uminom ako ng tubig habang hinihintay siyang sumagot. Saglit silang nagkatinginan ni Tatay bago ako sagutin.

"Ah gusto ko lang sabihin na malapit nang matapos 'yong pinapagawa nating bahay. Sa susunod na linggo puwede na tayong lumipat doon,"

My eyes widened in shock!

"Seryoso ba, Nay? Next week agad? Ang alam ko marami pang kulang na mga gamit don, ah?"

"Inaasikaso na ni Kuya Harrold mo 'yong mga kulang. Tutal pupunta naman daw siyang Maynila, isasabay na niya 'yong mga bibilhin," pagtukoy ni Tatay sa pinsan kong lalaki na mas matanda sa akin ng ilang taon.

I heaved a sigh and nodded my head slowly.

Hindi naman sa ayaw kong lumipat sa bago naming bahay. Gustong gusto ko nga, eh, kaso... ang hirap din naman i-let go nitong bahay na naging tahanan namin sa loob ng maraming taon. Dito ako isinilang. Sa bahay na 'to ako nagkaroon ng muwang at marami rin kaming masasayang alaala rito kaya hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot.

Pero kahit gano'n masaya pa rin naman ako. Matagal nang pangarap nina Nanay at Tatay na magkaroon kami ng sariling bahay. Pinag-ipunan nila nang matindi ang bahay na ipinagpatayo nila at ngayon nga na kaunting linis na lang ay puwede na kaming lumipat, naiintindihan ko ang sobrang kagalakan nila.

"Huwag ka ngang OA! Hindi naman tayo aalis ng bayan. Lilipat lang tayo ng bahay. Doon tayo bubuo ulit ng masasayang alaala at isa pa, ayaw mo ba no'n? Magiging magkapit-bahay na kayo ni Eloisa!"

Nabuhay ang mga lamang loob ko sa sinabi ni Nanay. Oo nga pala! Ilang hakbang lang ang layo ng bahay namin sa bahay nila. So it means, maaari na akong pumunta sa kanila para chumika anytime!

Matapos maghugas ng pinagkainan ay agad akong dumiretso sa kwarto para i-chat si Eloisa. Tiyak na matutuwa rin 'yon sa sasabihin ko. Ngingiti-ngiti ako habang nagtitipa para sa kaibigan kong chaka. Matapos kong pindutin ang send button ay sakto namang bumulaga ang isang mensahe mula sa hindi pamilyar at hindi rin nakarehistrong numero.

My brows furrowed when I opened and read the message. It was a fucking group message! Uso pa ba pala 'to? Napangiwi rin ako sa typings! Ang sakit sa ulo! Ang jejemon!

From: 09499xxxxxx

g00d eVeNinGGGG!! HaPpy aQ k4si b4liT4 Q maGiGinG n3iRborH00D Q n4 c Kr4ss!! m4kiKiT4 Q n4 ci4 3v3rYdaY!!

#J0L0 #J00OnLyLiv3oNc3 #S4v3MyNumb3r #S4v3m3I'mF4lLinGaG4in xD

My face heated after reading the whole text. Damn, that guy! Ilang taon na ang lumipas, patuloy pa rin siya sa pangungulit sa 'kin?! I groaned frustratedly! Nagngingitngit kong pinatay ang cellphone ko at tinanggal ang sim card para itapon iyon sa basurahan.

Ghaad, kung magiging kapitbahay ko lang din naman siya at palagi kong makikita ang mukha niya, pwes ayaw ko nang lumipat ng bahay!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro