Start Till End
Vanessa's POV
"Una na ako Sena"paalam ko sa ka dormmate ko bago umalis at dumeretso na papunta sa bago kong eskwelahan. Naglalakad lang ako tutal malapit lang naman yung school ko mula sa dorm namin.
I'm Vanessa nga pala. 16, Grade 10 student.
Nagulat naman ako ng may makabangga ako na nag dahilan ng paglaglag ng mga hawak kong libro at notebook.
"Sorry"paumanhin ng nakabangga ko habang tinutulungan akong pulutin yung naglaglagan kong gamit.
Nang mapulot ko na yung lahat ng gamit ko ay agad kong nakita yung nakabunggo ko.
Isang lalake na maputi at meroong salamin. Tingin ko gwapo ito pagwalang salamin.
"Sorry. Sorry talaga."paumanhin niya habang nakayuko at di makatingin sa akin.
"Nah. It's okay. Vanessa."pakilala ko habang nakalahad yung kamay ko sa harapan niya.
Napaangat naman siya ng tingin at tiningnan yung kamay kong nakalahad.
"Vince."saad niya habang nanginginig yung mga kamay habang nakayuko pa rin.
Mukhang wala siyang balak na abutin yung kamay ko kaya ako na mismo yung nagabot ng kamay niya naikitalon niya sa gulat. Mahina naman akong natawa sa naging reaksyon niya. How cute.
"Nice meeting you, Vince."sabi ko bago binitawan yung kamay niya.
"Sa CH ka rin ba nagaaral?"tanong ko habang nakatingin sa nakayukong siya. Tinanguan lang niya ako bilang sagot.
"Tara sabay na tayo. Dun din naman ako nag-aaral."sabi ko habang nakangiti sa kanya at nagsimula na kaming maglakad.
"Anong year ka na?"tanong ko sa kanya. Malay mo naman diba kaklase ko siya.
"10."tipid nasagot niya.
"Waahh! Same tayo."natutuwang sabi ko. Kalilipat ko lang kasi. Kaya natutuwa akong may friend agad ako sa school ko. Di ko naman classmate si Sena sa katabing school siya eh.
Tiningnan ko naman siya habang nakayuko pa rin. Napahinto ako kaya ganun din ang ginawa niya. Tiningnan niya lang ako ng bakit-ka-huminto-look pero nginitian ko lang siya.
"Huwag ka ngang yumuko. Di makikita yang gwapo mong mukha."sabi ko habang inaangat yung ulo niya paharap sa akin pero yung huli syempre mahina lang.
"Perfect!"sabi ko ng makita yung mukha niya.
"Tara na!"sabi ko at hinila na siya patakbo sa school.
Alam kong feeling close ako. Pake mo ba.
Hingal na hingal na huminto kami sa harap ng gate. Tiningnan ko naman siya at nakitang naghahabol din siya ng hininga.
"Saan room mo?"tanong ko habang naglalakad kami papasok.
"A-1."sabi niya naikinasimangot ko.
"Ano ba yan. Di tayo magkaklase. A-3 ako."nakabusangot na saad ko.
"Omg! Ang cute ni ate!"
"Siya ata yung transferee."
"Kyyaaahh! Ang ganda niya!"
"Eh bakit niya kasama yang panget na yan."
"Yucks. Why she make sama sama to that guy."
Nagulat naman ako sa mga bulung bulungang narinig ko. Problema ng mga toh?
"Uhm.. U-una na ako."nakuyukong sabi niya sa akin at akmang mauuna na ng hilain ko yung kamay niya.
"Uy! Sabay na tayo."nakangiting saad ko sa kanya.
"A-ah a-ano S-sige."utal na sagot niya at nakayuko pa rin.
Nagsimula na kaming maglakad habang nakahawak yung kamay ko sa braso niya.
Hahaha. Chansing ^_-
Narinig ko pa yung mga bulong bulungan nila pero hindi ko na yun pinansin at naglakad ng abot tenga ang ngiti. Bakit ba masaya ako eh.
"A-ah d-dito n-na y-yung r-room m-mo."sabi niya na ikinahinto ko sa paglalakad.
"Eh asan yung room mo?"tanong ko sa kanya.
"A-ah d-doon s-sa p-pinakadulong room."sabi niya na ikinatango ko.
"Ah ganun ba. Sabay tayo mamayang recess ah!"sabi ko sa kanya at akmang aangal pa siya ng tumakbo na ako papasok sa classroom ko.
Hahaha. Ang cute niya. Wag kayo ah. Crush ko kasi siya eh. Bakit angal ka eh ang cute niya kasi Crush at First Sight. Lol. ^_-
---
Simula ng araw na yun ay lagi ko na siyang ginugulo. Hahaha. Bakit ba. Eto sample.
-**
(Cafeteria)
"Pashare."nakangiting saad ko sa kanya at umupo sa harapan niya.
"WAAHHH! ORANGE! PENGE!"sigaw ko ng makita ko siyang kumakain ng orange.
Nakita ko pa ang pamumula ng tenga niya bago ako inabutan ng piraso ng orange.
"Thank you!"nakangiting saad ko sa kanya at nagsimula ng kainin yung binigay niya. Ansarap.
-**
(Hallway)
"A-an--HEP!"pagaawat ko sa dapat sasabihin niya.
Huminto naman ako sa paglalakad at nakapamewang na hinarap siya. Wala namang tao eh.
Tiningnan ko siya na nakayuko na naman habang pinagdidikit yung hintuturo niya.
Signature niya yun kapag kinakabahan or something. Napansin ko kasi tuwing magkasama kami.
Napabuntong hininga na lang ako bago unti unting inangat yung mukha niya.
"Tumingin ka sa akin."paguutos ko sa kanya.
Pero hindi niya ako sinunod at iniwas lang yung tingin niya sa akin.
"Vince."malumanay na tawag ko sa kanya kaya unti unti niya ako tiningnan.
"Alam mo hindi mo naman kailangan kabahan sa akin. Tsaka yang pagsta-stammer mo huwag mo ng gawin yun. Di bagay sa iyo. Pagkayan di mo inayos ako aayos niyan."nakangiting sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.
Ganda pala ng mata nito.
Unti unti naman siyang tumango na ikinangiti ko.
"Good."sabi ko at ginulo gulo yung makapal niya buhok.
-**
(7Eleven)
"Vince."
"Uhm."
"Alam mo nagtataka ako kung bakit ka naka salamin. Malabo ba mata mo?"bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko at di kalaunan ay naging tawa na.
Waaah! Ang kyut. Pero bakit niya ako pinagtatawanan?
Tawa lang siya ng tawa kaya di ko na natiis yung sarili ko at hinampas siya. Bwisit toh.
"A-aray ha-hahahaha."hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa kaya nakabusangot na tiningnan ko lang siya habang tumatawa.
Infairness ang cute niya talaga. Kissable lips hahaha yun agad bakit ba. Matangos na ilong, fair skin 5'8 na height na ikinakatuwa ko dahil ako ay 5'6 hehehe. Secret bakit ako natutuwa. At pinakanapukaw ng tingin ko yung mata niyang singkit na tuwing tinitingnan ko ay para akong hinahatak para halikan siya. Charot.
"Grabe ka Van, malamang malabo mata ko kaya nga ako nagsasalamin diba."nakangiting sabi niya habang ginugulo pa yung buhok ko.
"Yiiee. Tawag niya sa akin Van."pangaasar ko sa kanya at nakita ko kung paano mamula yung tenga niya.
"Ikaw na ngayon si Vin."sabi ko at kinindatan ko pa siya.
-**
Hindi lang yan. Kung ikekwento ko pa sa inyo yung iba masyado ng mahaba edi di na ito one shot di ba.
"Huy Van!"napatalon naman ako sa gulat sa taong gumulat sa akin.
"Ay gwapo!"naisigaw ko na nagdahilan ng paglaglag ng hawak kong ballpen.
"Hahaha. Alam ko na naman yun. Halika na."pagaaya niya.
Sino pa ba edi si Vin. Kinikilig ako hahahaha. Oo Vin natawag ko sa kanya pake mo.
"Yabang."naisambit ko na lang.
At simula din noon ay nakita ko rin ang iba't ibang side ni Vin. Minsan makulit, madaldal, malambing na ikinatutuwa ko naman hahaha, at mayabang. But anyways ok lang iyon.
"Van. Punta ka sa monday sa Quiz Bee Contest ko ah. Aasahan kita."sabi niya habang nakahinto na kami sa tapat ng inuupahan kong dorm. Friday kasi ngayon.
"Oo naman. Ako pa ba."sabi ko habang nakangiti sa kanya.
"Oh sige na mag-aaral pa ako para sa monday. Una na ako."sabi niya na akmang aalis na ng hilain ko siya at halikan sa pisngi.
Napahinto naman ako sa ginawa ko. Ano ba itong nagawa ko?
Nakita ko ang pagkagulat at pamumula niya. Akmang magsasalita siya kay inunahan ko na siya.
"Good luck kiss. Bye."sabi ko at kinawayan pa siya bago mabilis na tumakbo papunta sa may dorm ko.
Pagkasarang pagkasara ko pa lang ng pinto ay agad akong napasandal sa pintuan.
"Ano bang kagagahan ang ginawa mo Vanessa?"sabi ko sa sarili habang unti unti ng dumausdos pa upo.
Napahawak ako sa puso ko na walang humpay sa pagtibok.
I admit it. Matagal ko na siyang mahal. Matagal na matagal na. Kaso natatakot ako. Una ko pa lang siya nakita alam ko na gusto ko siya. Una akala ko infatuation lang yun pero patagal ng patagal parang hindi na tama. Naasar ako kapag may kasama siyang iba, may kausap at parang di ko kayang wala siya lagi sa tabi ko.
Nakita ko ang paglaglag ng puting envelope mula sa bag ko. Napahugolgol na lang ako ng makita ko yun.
I love you Vince. I really do.
Vince's POV
-**Monday
This is it. Ito na siguro yung tamang panahon para sabihin ko sa kanya kung gaano ko siya kagusto....kamahal.
Yes. I love Vanessa. Siya lang yung nagiisang taong tumanggap sa akin kahit ganito ang itsura ko. Siya ang tumulong sa akin ibalik uli ang ligaya ko simula ng mamatay at iwan ako ng mga magulang ko.
Siya ang nagturo sa akin ng mga bagay bagay na meron pang pwedeng tumanggap sa akin despite of being like this, being a suck nerd. At siya, siya ang nagturo sa akin na magmahal uli at mahalin ang sarili ko.
Sana, sana ganun din ang nararamdaman niya para sa akin. Ayoko ng sayangin pa yung pagkakataon. Bahala na.
Alam kong kakakilala pa lang namin at napakabilis ko naman pero wala na akong pakialam. Basta ang alam ko lang ayoko siyang mawala sa akin.
Nagayos na ako ng sarili ko at pinalitan yung makapal kong salamin sa isang contact lenses.
I remember she said to me that she wants to see me wearing the contacts she gave me. Yes, she's the one who gave it to me at gusto ko suot ko ito sa oras na magtapat ako sa kanya.
I wish that she loves me too the way I love her.
Agad na akong nagayos para sa gaganapin na Quiz Bee mamaya.
Excited na akong makita siya.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay pinagtitinginan na ako ng mga tao.
"Ang gwapo niya."
"Is he a transferre?"
"I want him."
Napailing na lang ako. Mga tao nga naman kung kailan umayos yung tao tiyaka sila magkakaganyan.
Nilagpasan ko lang sila. I don't want their praises. Mas maganda sana kung siya yung nagsasabi ng mga yan.
Pagkarating ko doon ay nakita ko halos lahat ng contestant andito na. Kaya dumeretso na ako sa assign seat ko at nakita ko ang mga gulat na ekspresyon nila. Para silang di makapaniwala na ako si Vince.
Di ko na lang sila pinansin at nilibot yung mga mata ko para hanapin siya.
Asan na siya?
Tiningnan ko yung relo ko at nakita kong malapit ng magsimula. Ang alam ko di naman yun nalalate ah. Lagi nga siya nauuna para lang makita ako. Pero asan na siya?
Inintay ko lang siya habang pasulyap sulyap sa relo ko.
"Good Morning Students!"halos manlumo yung mukha ko ng magsimula na pero wala pa rin siya.
Asan ka na Vanessa?
<Vannesa's POV>
(Vince's POV)
(Asan ka na ba Vanessa?)
<Ano na kayang ginagawa niya ngayon?>
(Nagsimula na ang contest pero wala pa rin siya. Hindi ko naman siya magawang matawagan. Vanessa asan ka na ba?)
<I was here lying at my hospital bed. Hindi ko na napigilan yung mga luha ko. I was diagnosed last year that Ii have a heart cancer stage 1 pero pinagsawalang bahala ko lang iyon dahil hindi ko matanggap and after a month I got an a heart attacked salamat at narevived nila ako. And that's the reason why I transfer here, to have a medical treatment dahil mas lumalala pa ang cancer ko.>
(Vanessa okay ka lang ba? Bakit ba ang tagal mo?)
<I'm not okay. Araw araw kung iniisip na kung sana tinanggap ko na lang noon na may sakit ako at nagpagamot agad di sana lala ng ganito itong sakit ko.>
(Hindi na ako makapagconcentrate sa pagsagot. I even called dahil napapatulala na lang ako paminsan minsan. Vanessa please. Ang sabi mo pupunta ka diba?)
<Noong una wala akong pakialam kung mamamatay na ba ako. Kasi wala na namang nagmamahal sa akin, wala na akong karamay. My parents left me when I was a kid at namuhay kasama ang mga taong hindi ko kilala. By name yes, but not the way I want. Pero ngayon, ngayong nakilala ko siya natatakot na akong mamatay.>
(Vanessa please, come.)
<Natatakot ako na baka isang araw hindi na ako magising. Na mawala na ako. Pero mas natatakot ako na mamatay ng di nasasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal.>
(Vanessa please, magtatapat pa ako sayo.)
< I love him very much. Pero sa tingin ko hanggang dito na lang iyon.>
(Vanessa, mahal kita. Sana pumunta ka.)
<Unti unti akong bumangon. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko sa pagupo ko pero wala na akong pake. The doctor said that this is my last day. If this is my end then I won't die without letting him know how much I love him.>
(Halos matatapos na ang contest at nakapasok naman ako sa championship round kahit na hindi makapagconcentrate kakaisip sa kanya. Siguro may dahilan kung bakit hindi siya nakapunta. Iispin ko na lang na para sa kanya itong ginagawa ko.)
<Paika ika man at nakahospital gown pa ako pero wala akong pakealam. Narinig ko pa ang paghabol sa akin ng mga nurse at guard pero agad agad akong pumara ng taxi. Sana makaabot pa ako.>
(Di ko na inaasahan na makakapunta siya.)
"Manong pakibilisan!" <halos maghysterical na ako sa pagmamadali kay kuyang driver. Please wait for me Vin.>
(Natapos na ang lahat at ako ang nanalo sa contest pero hindi ko magawang ngumiti man lang.)
<Agad agad akong bumaba sa taxi ng di nagbabayad. Narinig ko pa ang pagsigaw ni kuya pero hindi ko na Ito pinagtuunan ng pansin. Ang gusto ko ngayon ay mapuntahan siya.>
(Nakita ko ang mga ngiti ng mga tao sa akin dahil sa pagkapanalo ko. Pero hindi iyon ang kailangan ko. Akala ko ba pupunta ka Van? Ang sabi mo pupunta ka.)
<I ran as fast as I can para lang makapunta sa auditorium sa fifth floor kung saan ginaganap yung contest. Hingal na hingal na ako pero hindi ko iyon alintana. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao dahil sa itsura ko pero shit I don't need those.>
(Umakyat na ako sa stage dahil ako na ang aawardan. Tumingin muna uli ako sa paligid pero hindi ko pa rin siya nakita.)
<Bakit may harang pa dito? Asar! Umikot uli ako papunta sa kabila dahil sira yung daanan. Shit ang malas malas ko. Bakit kasi di ko dinala yung phone ko?>
(Inawardan na ako nila habang pilit na ngiti lang ang pinapakita ko. I wish na siya yung nagsasabit sa akin ng medal.)
<Malapit na ako. Malapit na ako.>
(Hindi siya dumating. Siguro sign na ito na wala akong pag-asa.)
<Agad agad kong binuksan yung pinto na nakaagaw ng pansin ng laha ng nasa loob. Nandito na ako.>
(Dumating siya.)
<Halos mapaluha ako ng makita ko siya sa stage na inaawardan. Hindi ko alintana yung tingin ng mga tao sa akin.>
(Pinipigilan kong umiyak ng dumating siya. Dumating siya.)
<Nginitian ko siya, pero halos mapaupo naman ako ng maramdaman ko yung sakit sa puso ko.>
(Nagulat ako ng biglang siya natumba kaya agad ko siyang tinakbo para malapitan.)
<Nanlalabo na ang mga mata ko. Hindi ko na maaninag ang mga tao sa paligid ko pero alam ko at naaaninag ko sa postura na tumatakbo si Vin papunta sa direksyon ko. Alam kong siya yun>
"VANESSA!"(I shouted habang papunta ako sa kanya)
<Naramdaman ko ang biglang pagalalay sa akin ni Vince, alam kong siya yun kabiso ko ang amoy, hulma at lahat sa kanya.>
"Vanessa anong nangyayari sa'yo?"(hysterical na tanong ko sa kanya dahil nakikita ko na nahihirapan na siya.)
<Unti unti kong iniangat yung mga kamay ko papunta sa mukha niya. Nakikita ko na rin siya ng malinaw.>
"V-vince."<utal utal na tawag ko sa kanya.>
(Hinawakan niya yung pisngi ko at ngayon ko lang napansin na nakahospital gown siya. Anong ibig sabihin nito?)
"Vanessa bakit? May masakit ba sa iyo ano?"(tanong ko sa kanya pero tanging ngiti lang ang isinagot niya sa akin)
"V-vince ma-matagal n-na kitang g-gusto."<sabi ko at pilit na linawan yung mga sasabihin ko. Ayokong hindi niya maintindihan yung mga sasabihin ko. Bawa't salita ngayon ay mahalaga.>
(Nagulat ako sa sinabi niya.)
"G-gusto m-mo r-rin a-ako?"(utal utal na tanong ko. Hindi ako makapaniwala.)
<Tanging tango lang ang iginawad ko sa kanya.>
"B-bagay s-sayo y-yung c-con-ntacts."<nakangiting puri ko sa kanya habang sisundan ko ng hawak yung mukha niya. Dahil alam ko, hinding hindi ko na magagawa ulit iyon.>
"Akala ko hindi mo ako gusto. Pero tutal nagsabi ka na rin naman. Vanessa Guil, mahal na mahal na mahal kita."(sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mapupungay niyang mga mata.)
"M-mahal n-na m-mahal d-din k-kita, Vince Tan. Y-your a-always i-in m-my h-heart."<utal na sabi ko at di ko na napigilan yung mga luha kong pumatak. Kung kailan nalaman kong mahal niya din ako at mahal ko siya saka mangyayari ito. Ang duga, ang duga duga.>
"B-bakit ka umiiyak Van. May masakit ba?"(kinakabahan na ako. Hindi ko na alam gagawin ko.)
"A-alagaan mo ang sarili mo. Tiyaka mag-aral kang mabuti yang contacts mo forever mo na suot ah. Haha. Jk."<hindi ko alam kung saan ko pa nahugot yung mga sinasabi ko at di ako nauutal. At nagawa ko pa talagang magloko.>
"Teka! Anong pinagsasabi mo diyan eh sasamahan mo pa naman ako diba? Liligawan pa kita."(naguguluhan na ako. Pilit na pumapasok sa utak ko yung
mga dahilan kung bakit siya ganoon pero ayoko, ayokong tanggapin. Hindi yun totoo.)
<Mas lalo akong napaiyak ng makita ko sa mga mata niya ang sakit. Kahit gusto ko mang makasama siya forever ay hindi pwede.>
"M-ma-mamatay na ako, Vince."<utal na sabi ko at tuluyan na akong humagulgol ng iyak.>
(Halos magimabal ako ng marinig ko yung sinabi niya.)
"N-no sabihin mong nagsisinungaling ka lang Van. Kung joke man ito please tama na. Hindi magandang biro yan Van"(sabi ko at unti unti nang pumatak yung mga luha ko. Hindi. Hindi totoo yung mga pinagsasabi niya nagsisinungaling siya. Ayoko, ayoko siyang mawala sa akin. Hindi pwede!)
"I-im s-sorry Vi-vince."<masakit masakit na nakikita ko siyang umiiyak. Ayoko, ayoko siyang nakikitang nasasaktan. Kung pwede ko lang baguhin yung tadhana ginawa ko na. Kaso hindi pwede.>
"N-no hindi ka mamatay Van! Hindi ako papayag!"(nagwawala na ako habang hawak ko siya. Wala na akong pake sa sasabihin ng iba, ang gusto ko lang ngayon ay makasama ko pa siya ng matagal.)
"M-mahal na mahal kita."<sabi ko at unti unti kong inilapat yung labi ko sa labi niya.>
"Paalam."
Note: Sa mga nageffort na magscroll o lipat ng page diyan. This is your reward.
Vince POV
-**10 years later
"Sorry. Sorry talaga."
"Nah it's ok. Vanessa."
"Vince."
"Waahhh! Orange penge!"
"Alam mo hindi mo naman kailangan kabahan sa akin. Tsaka yang pagsta-stammer mo huwag mo ng gawin yun. Di bagay sa iyo. Pagkayan di mo inayos ako aayos niyan."
"Alam mo nagtataka ako kung bakit ka naka salamin. Malabo ba mata mo?"
"Yiiee tawag niya sa akin Van. Ikaw na ngayon si Vin."
"Waah! Bagay sayo. Suot mo na palagi yan ah. Gusto ko isa sa mga araw na ito makikita kitang suot iyan."
"M-mahal n-na m-mahal d-din k-kita, Vince Tan. Y-your a-always i-in m-my h-heart."
"A-alagaan mo ang sarili mo. Tiyaka mag-aral kang mabuti yang salamin mo forever mo na suot ah. Haha. Jk."
"M-mahal na mahal kita."
Hindi ko maiwasang mapaluha tuwing naalala ko yung bawat sandaling yun.
Unang kita ko pa lang sa kanya nakuha na niya ako. Para siyang isang diyosa. Maganda ang hulma ng katawan niya, she has this long thick eyelashes, mapupungay na asul na mata, matangos na ilong, fair skin, at yung mapupula niyang labi. Pero nahihiya ako. Ang ganda ganda niya tapos ako ang panget panget.
Akala ko nga tatarayan niya ako sisigawan ng mahulog yung mga gamit niya dahil sa akin but i was wrong. Akala ko lang pala.
Kaya dahil doon mas nagustuhan ko siya. Hindi ko na nga matandaan kung paano pa kami naging maging close basta ang alam ko isang araw close na kami.
"Wow! Ang ganda naman po ng kwento niyo."napangiti naman ako sa sinabi ni Vian.
"Eh ano pong nangyare sa girl. Did she die?"nagbuntong hininga na lang ako sa tanong ni Vian.
Vian Gail Tan. My daughter. Yes i already have a child. She's now 5.
"Actually baby, she--"
"VINCENTE!"halos mapatayo naman ako sa gulat at agad agad na pinuntahan yung misis ko.
"Ano anong masakit?!"tarantang tanong ko.
"MAY GANA KA PANG MAGTANONG DIYAN! GAGO MANGANGANAK NA AKO!"singhal niya sa akin kaya agad naman akong tumawag ng taxi at agad agad siyang binuhat.
"Vian, kumapit ka sa laylayan ng damit ni daddy."sabi ko sa kanya at agad na sinakay siya sa taxi.
"Aahh!!"palahaw niya.
"Nako misis wag po kayo dito manganak."sabi naman nung driver sa unahan.
"MANAHIMIK KA AT BILISAN MO ANG TAKBO! LETCHE!"singhal niya sa driver hindi na ako makapagsalita nakita ko si Vian sa unahan na humahagikgik. Tinawagan ko naman si Mama na pumunta sa ospital ngayon na.
Agad agad kong binuhat siya at inabutan si kuya ng isang libo.
"Keep the change."sabi ko at agad namang kumapit si Vian sa akin. Kaya dali dali akong nagtawag ng nurse.
"Hala ka. Manganganak na po ba kayo?"tanong nung nurse sa asawa ko.
"TANGA KA BA O BULAG! JUSKO MANGANGANAK NA AKO! AHHH!!"singhal ng asawa ko at namimilipit na sa sakit.
Agad agad na naman siyang isinakay sa wheel chair dahil yun lang ang bakante at agad agad na dinala sa emergency room.
"Mama! Pakibantayan ho si Vian!"sigaw ko kay mama ng makita ko siya bago kami nakapasok sa ER.
"Maam konti na lang po. Ire pa."
"KANINA PA AKO IRE NG IRE DITO DI PA RIN LUMALABAS! AHHH!"singhal niya na nanlalaki yung mga mata.
Andito ako sa tabi niya at vinivideohan yung panganganak niya. Gawain ko na ito nung nanganak siya kay Vian.
"VINCENTE KASALANAN MO ITO! AT NAGAWA MO PA AKONG KUHAANG WALANGHIYA KA!"sigaw niya sa akin at nagsimula na akong sabunutan.
"A-aray. M-mahal m-masakit."sabi ko pero patuloy pa rin siya sa pagsabunot sa akin.
"IKAW KAYA MANGANAK DITO! TINGNAN NATIN KUNG ANO MAS MASAKIT!"singhal niya pa uli sa akin.
Sabi ko nga eh.
"Maam ayan na po. Ayan na po palabas na."sabi nung doctor paulit kaya halos maubos na yung buhok ko sa sabunot niya.
"JUSKO KANINA PA YANG LALABAS NA LALABAS NA! PERO DI PA RIN LUMALABAS! AAHHHHH!!"singhal niya pa uli na kinakalmot na ako ngayon.
"A-aray m-mahal n-naman."pagiinarte ko sa kanya.
"AHHHHHHHHH!!!!"ire niya.
"Uwa! Uwa! Uwa!"
"Lalake, lalake po ang anak niyo."nakangiting sabi ng doctor habang pinapakita sa amin yung bata.
Pero halos mapaluhod ako sa sakit ng buhok at kalmot ko na bigla niya akong itulak at sinalubong yung anak namin.
Dahan dahan naman akong tumayo at inayos yung suot kong mask at kung ano ano pa.
"Vince, lalaki, lalaki ang anak natin."naluluhang sambit niya.
Kaya agad kong nilapitan yung mag-ina ko at niyakap. Naluluha akong makita yung mag-ina ko. Tatay na uli ako.
"So, anong ipapangalan niyo po sa kanya?"singit nung doctor kaya nasira yung moment namin. Psh.
"Vio Wane Tan."nakangiting sambit niya bago nakatulog.
-**
"Mommy, daddy family picture po tayo."maligalig na sambit ni Vian bago kami hinatak paayos sa gitna ng nilatagan namin para sa aming picnic.
"1,2,3 smile."sabi niya at gaya ng sabi niya ngumiti kami.
"Waah! Ang panget ko dito isa pa."nakabusangot na sabi ni Vian bago muli kaming kumuha ng litrato.
"Waahh! Ayun ang ganda ko na."nagtatalo talon sa tuwa na sabi niya.
Nandito kami ngayon sa park para magkaroon ng family bonding. Isang linggo na ang nakalipas bago siya manganak.
"Hay. Kasing mukha mo talaga si Vian noh. Asan naman ang hustisya. Walang namana sa akin."nakabusangot na sabi niya kaya ginulo ko iyong buhok niya.
"Ano ka ba eh kuhang kuha mo nga iyong ugali niya."sambit ko sa kanya habang nakaabay pa.
Nilalaro kasi ni Vian si Vio sa may parang duyan na nilagay namin.
"Ahh ganoon. So sinasabi mong isip bata ako?"nakapamewang pa na sabi niya sa akin.
"Medyo."sabi ko sa kanya kaya naman nakatangap ako ng malakas na hampas galing sa kanya.
"Asar ka!"sabi niya at tumalikod sa akin habang nakanguso.
Kahit kailan talaga ito oh.
Niyakap ko naman siya patalikod.
"Sorry na. Eh totoo naman--"
"Manahimik ka!"sabi niya habang hindi pa rin ako pinapansin.
Mahina naman akong napatawa sa ikinikilos niya. Hahaha. Ganito ba epekto kapag kakagaling lang sa panganganak.
"Hay. Alam mo, kahit na ganyan ugali mo, kahit na isip --"
"YAH!"sigaw niya sa akin sabay hampas.
"Hayaan mo muna ako magsalita."sabi ko kaya natahimik naman siya.
"Sabi ko nga kahit na gaano ka pa kaisip bata, kahit na minsan masungit ka at inaaway ako, lagi mong tatandaang mahal na mahal kita. Kahit na anong mangyari mamahalin pa rin kita. Vanessa Guil Tan. My wife."malambing na sabi ko sa kanya kaya nakita ko ang mahina niyang paghikbi kaya nataranta ako.
"Bakit? May mali ba akong nasabi?"tanong ko habang nakaharap sa kanya.
Umiling naman siya bago ako tiningnan sa mga mata.
"Masaya lang ako. Na kahit muntikan na akong mamatay noon andito ka pa rin sa tabi ko. Halos isang taon akong walang malay pero andiyan ka pa rin sa tabi ko at di ako iniwan, di mo ako sinukuan. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya, kung anong saya ang idinulot mo sa akin. Salamat Vin. Salamat dahil di mo ako iniwan sa oras na hindi ko na kaya, na kahit walang kasiguraduhang mabubuhay ako noon andun ka pa rin at sumugal. Maraming salamat."sabi niya at niyakap ako habang umiiyak.
Matapos ng nangyare noon ay agad ko siyang sinugod sa ospital. Ang sabi ng doctor ay himala daw na buhay pa siya dahil ito na ang huling araw niya pero hindi, hindi siya sumuko. Pero napalitan ng saya yung loob ko noon ng malaman kong comatose siya. Buhay nga siya at humihinga pero hindi ko naman siya nararamdaman.
Pero kahit na ganoon ay di ako pinanghinaan ng loob. Araw araw akong nandun. Pinagsabay ko ang pag-aaral at pagbabantay sa kanya. Oo mahirap sa umpisa, pero kalaunan na sanay na rin ako. Siguro ganito talaga nagagawa ng pagmamahal.
Lumipas ang oras, araw, buwan pero hindi pa rin siya gumigising. Hindi ko na alam ang gagawin ko noon halos mabaliw na ako at mawalan ng pag-asa pero napalitan lahat ng iyon ng tuluyan na siyang gumising.
Hindi ko na alam kung saan ilalagay yung tuwa ko ng mga panahon na iyon. Masayang masaya ako na muli makakasama ko siya.
Simula ng gumising siya ay walang araw na di kami magkasama, yung para bang ayaw na naming magkahiwalay. Wala kaming pinalagpas na oras. Nasayang na ang isang taon namin at hindi ko na uli iyon papayagan pa.
Hanggang sa nakapagtapos na ako bilang isang ganap na arkitekto at siya naman ay abogado. Naghanap muna kami noon ng trabaho at inayos ang buhay at napagpasyahang magpakasal. Masasabi kong yung araw na iyon ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Na mas lalong gumanda ng dumating si Vian sa buhay namin at eto ngayon si Vio.
"Kahit anong mangyare hinding hindi kita iiwan. Hinding hindi ako susuko sa iyo at sa mga bata. Dahil ikaw ang nagiisa sa puso ko wala ng iba."sabi ko at unti unti ko ng inalis yung pagkakayakap niya sa akin at hinarap siya.
Unti unti ko siyang tinayo na ikinataka niya.
"I love you Vanessa Guil Tan. Will you, marry me again."sabi ko habang nakaluhod sa harapan niya.
Nakita ko ang pagngiti ni Vian sa amin habang kinukuhaan kami at ang mumunting ngiti sa labi ni Vio.
Nangingilid na ang mga luha niya ngayon.
"So.."abang ko sa sagot niya.
Marami na ngayon ang nanood at nasasaksihan ang pagmamahal ko para sa kanya.
"Oo, i will marry you again Vince Tan. Mahal na mahal kita."sabi niya at agad na pinatayo ako sa pagkakaluhod at sinunggaban ako ng halik.
I think this is the MOST happiest day of my life. Being with her, with my kids, with my family is a good feeling.
Na kahit anong unos ang dumating sa buhay namin. Heto kami ngayon masaya at buo.
Wala na akong ibang mahihiling pa. They all mean to me.
At kahit anong mangyare hinding hindi ko susukuan ang pamilya ko, ang mga anak namin at lalong lalo na siya.
Because no matter what..
I would still love her.
THE END
-**
Dapat talaga ang ending nito mamatay yung girl but yet naisip ko, wag na lang.
Thank you for reading it, i really appreciate it. Sayonara.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro