Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One Shot ~~

A one shot story written by Neko Chan 💕 advance thank you for all the people who would give time to read this piece of imagination. 😍😘

*****

"Maglinis ka na nga!" sigaw ko kay Sky na nakaupo lang.

Nagsitawanan naman 'yung mga classmates namin dahil sa pagtataas ko ng boses na hindi naman na talaga bago sa kanila.

"Boss talaga 'to si Ameri, o," sagot na lang sa akin ni Sky.

Sky Aries Ruiz.

Cliche na kung cliche pero 'di ko talaga maitatangging gwapo s'ya. 'Yung mapipilantik na pilikmata n'ya. Manipis at mapulang labi. Pati 'yung mata n'ya na singkit na sa tuwing tumatawa s'ya ay nawawala. Tall and handsome ika nga. Kaso isa rin 'to sa kampon ni Satanas sa sobrang pasaway, e. Mahilig kasing matulog sa klase. Sobrang baba ng scores at grades. Ex girlfriend daw. Narinig ko sa mga chismosa sa classroom. Nakikinig lang ako. Hindi nagpahalatang interesado.

Syempre kailangan kong i-maintain ang image ko kahit na 'di ko naman talaga dapat pangalagaan 'yun. Lowkey malandi lang dapat tayo. Hehe.

Hindi ko rin alam, kasi sa tuwing may group project at kagrupo ko s'ya, active naman s'ya sa pagbibigay ng ideas. Sa exams, hindi okay. Weird 'no?

Ako si Ameri Denise Reyes. Grade conscious na nakasalamin. Hindi ako nerd, malabo lang ang mata. Mukha naman akong tao. Kumbaga simple lang. Sa lahat ng taong nakasalamuha ko, ang gusto nila sa akin ay 'yung mata ko. Sobrang ganda raw kasi. Singkit at brown ang kulay. Mahaba rin ang pilikmata ko. Tulad ng kay Sky. Ewan ko, siguro kakaiba lang talaga compared sa iba. Syempre kapag kakaiba mas nakakakuha ng pansin. Parang si Sky.

Hayyy Ameri lahat na lang ikonompare mo kay Sky. Maumay ka nga.

Hindi ko na rin maipagkakaila na gusto ko si Sky. Obvious naman 'di ba?

Kaso mas malabo pa sa tubig na hinaluan ng putik 'yung tsansa na maging kami. Kasing labo ng mga mata ko.

Friday ngayon. Cleaners kami dahil nasa public school kami. Dahil alphabetical ang pagkakaayos ng cleaners, edi cleaners kami every Friday. At heto na nga kami, nag-aaway. Or should I say ako lang ang nang-aaway.

Siguro defense mechanism ko na rin ang awayin s'ya para kakaiba ba?

Kinuha ko na lang yung eraser at saka nagsimulang magbura ng sulat sa blackboard.

"Nandyan ka na lang palagi." Napatalon ako nang marinig ang boses ni Sky pero agad kong inayos ang sarili ko.
"Wag ka ngang manggulat. At saka pake mo ba?" Hindi ko pa rin s'ya tinitingnan kasi baka higupin ako ng mga mata n'yang nang-aakit

Narinig ko ang tawa nya. Lalaking-lalaki. Napangiti ako dahil dun.

"Bihira kitang makitang ngumiti. Ngiti ka lang palagi. Maganda ka kaya." Napasimangot naman ako dahil dun. Pero deep inside kinikilig ako kaya hindi na ako sumagot kahit na gusto kong ipagpatuloy ang pagngiti.

Unti-unti kong binubura 'yung nakasulat sa blackboard. S'ya naman ay nagpapatuloy lang na magwalis sa bandang pwesto ko.

Naramdaman kong nilapitan nya ako.

"Ameri." Napatigil ako sa ginagawa ko. Tang.Ina. Tinawag n'ya ako. Sobrang pogi ng boses ng hayup na kampon ni Satanas na to.
"O?" maikling sagot ko kasi kapag hinabaan ko pa baka magtatatalon ako sa sobrang saya.
"Ngiti ka naman."

Napakunot ako ng noo sa kanya saka sarkastikong ngumiti.

"Masaya ka na? Kung oo, maglinis ka na ulit dyan." Nag-shrug na lang s'ya saka nagwalis na ulit.

AMERI BAKIT BA ANG SUNGIT MO SA KANYA? DAPAT NGA MABAIT KA KASI GUSTO MO S'YA E.

Pero bakit ko nga ba s'ya nagustuhan kahit na isa s'ya sa mga kampon ni Satanas?

Ah. Hindi ko rin alam. Basta nagulat na lang ako lagi na s'yang sinusundan ng mga mata ko. Nakaw na tingin lang kasi hindi ko naman kayang makipag-usap sa kan'ya nang hindi nagagalit.

Totoo nga na hindi mo alam kung kailan ka tatamaan ng pag-ibig.

Hindi ko namalayan na natapos na ang oras para sa paglilinis. Uuwi na kami.

May pumasok na ideya sa utak ko.

Napapikit ako. It's now or never.

Lumapit ako sa kanya—sa group of friends n'ya. Napatingin sila sa akin habang papalapit ako.

Ano ba kasing pumapasok sa isipan mo Ameri Denise at lumapit ka sa kanila???????

"Bye, Sky," sabi ko saka ngumiti nang genuine. Ingingiti ko na lahat nang pwedeng ingiti ngayong linggo.

Bigla namang nanahimik 'yung tropa nya saka sumigaw ng "Ooooooooooohhhhh," saka nagtawanan. Naramdaman ko namang namula ako dahil sa hiya. Gaga ka kasi Ameri bakit ka ba kasi nagpunta dun??

Feeling ko tuloy pinagtatawanan nila ako. Umalis na lang ako na namumula kasi nga nahihiya ako. Gaga ka kasi e. Edi sana 'di ka nahihiya ngayon kung umuwi ka na lang agad.

Nagmamadali akong naglakad sa hallway nung may humawak sa braso ko kaya napatigil ako. Paglingon ko nakita ko si Sky na nakangiti. Cheesecakes. Sobrang pogi n'ya. Nawala na naman 'yung mga mata nya dahil ngiting-ngiti s'ya.

"Bye, Ameri," sabi n'ya saka mabilis akong hinalikan sa pisngi at saka ngumiti.

What. The. Fuck.

Hindi ko alam gagawin ko kaya sinapak ko na lang s'ya saka tumakbo palabas.

Anong nangyari? Napailing na lang ako saka napangiti.

Buti na lang Friday na. Hindi awkward bukas.

*****

At hindi nga ako nakatulog dahil sa paghalik ng hayop na kampon ni Satanas na si Sky. Imbes na kalmado ako tuwing nakikita ko 'yung langit e naaalala ko lang 'yung paghalik n'ya sa pisngi ko.

Bakit ba kasi kailangang pangalanan sya ng Sky di ba? Dapat yung hindi madalas makita kunwari Pluto!!!

Hinawakan ko 'yung kanang pisngi ko kung saan n'ya ako hinalikan. Ramdam na ramdam ko pa rin 'yung malalambot n'yang labi sa pisngi ko.

Impit akong napatili nang maalala ko yun. Pucha Sky. Ano bang ginagawa mo sa akin? Gusto lang kita!!!!!! Hindi kita mahal!!!

Dahil kailangan kong pakalmahin ang sarili ko e pumunta na lang ako ng park para naman makapag-isip isip. Buti na lang talaga Saturday ngayon at sa Monday ko pa haharapin 'yung hudas na yun. Hindi pa kailangang mag-isip kung ano mangyayari dahil eskandalo sa hallway 'yung ginawa nya.

Baka nga madumihan ang spotless record ko sa guidance. Haysssz.

Pagdating ko sa park e madaming tao dahil nga Saturday ngayon ng hapon. Umupo na lang ako sa bench at nag-play ng music.

Nagha-hum ako sa tunog ng Gorgeous ni Taylor swift habang nakapikit. Naramdaman ko na may nagtakip ng mata ko. Hahahaha parang gago lang nakapikit naman ako e. At saka sa salamin ko nakapatong 'yung kamay nya!! Hindi rin isa't kalahating tanga to. S'ya paglilinisin ko ng salamin ko pag eto naging madumi!!

Alam ba n'ya na ang salamin ay ginawa para maging madumi? Pucha.

Tinanggal ko 'yung earphone ko at hinawakan ang braso n'ya.

"Bitawan mo 'ko. Kung holduper ka wala kang mapapala sakin," mahina kong sabi pero may diin ang bawat salita. Binitawan naman n'ya.

Nakarinig ako ng tawa...

Pamilyar na tawa...

Nanlaki ang mata ko kaya napalingon ako. Kaso failed kasi anlabo ng salamin ko dahil sa hudas na to. Inis na inis akong pinunasan 'yung salamin ko gamit ang tshirt ko.

"Nakakainis naman e. Ano ba problema mo?" singhal ko kay Sky pero ngiti lang ang iginanti nya. Pogi naman ng kampon ni Satanas.
"Wala lang," sabi n'ya saka nag-shrug habang nakangiti pa rin.

Ugh. Kita 'yung pasa sa pisngi n'ya. Malamang gawa ng sinapak ko nga s'ya kahapon.

Umupo s'ya sa tabi ko kaya kinunotan ko s'ya ng noo kahit na gusto ko talagang ngumiti sa kan'ya at magtatatalon kasi kinakausap n'ya ako.

Teka...

Kampon talaga ni Satanas to. HINALIKAN MO PALA AKO KAHAPON!!!!

Namula ako dahil dun kaya narinig kong tumawa sya. Malamang alam n'ya kung bakit. Nawawala 'yung mga mata nya. Nagiging matang ginuhitan ng blade na lang.

Napataas naman kilay ko sa kanya saka tumayo para umalis kasi nahihiya na naman ako. Pucha. Ba't ba nandito 'tong kampon ni satanas? Sinusundan mo ba ako?

Pero napatigil ako nung hinawakan n'ya ako sa KAMAY. Nakakaloka naman 'to. Ang lambot ng kamay. Obvious na tamad e. Iwinakli ko na lang 'yun para makabitaw sya at effective naman. Huhuhu joke lang. Holding hands ulit tayo. :(

Joke. Ameri ang landi at harot ha???

Hinarap ko s'ya!

"Ano bang problema mo?????! Ha????!" inis na sigaw ko sa kan'ya.

Bakit ba hindi ka na lang kasi lumayo?

Hindi tayo bagay alam kong aware ka.

Hindi pwede na mag-upgrade 'yang pagkagusto ko sa pagmamahal sayo!

Hindi pwede.
Ayoko.
Langit ka at lupa ako.

Kahit na sinigawan ko s'ya at pinagtitinginan na kami ng tao, ngumiti lang s'ya. Tumayo.

"Kita tayo sa Monday, okay?"

Pagkasabi n'ya nun e ngumiti s'ya nang nakakaloko saka s'ya umalis.

*****

Nakadukmo lang ako sa upuan ko ngayon. Ramdam ko 'yung tinginan sakin ng mga estudyante kanina. Hanggang ngayon pa rin pala. Ay pucha wala na akong pakialam kung ano mang sabihin nila na cliche lines ng mga hayup na 'to. Malay ko bang hahalikan ako ng kampon ni satanas na yun?? Tingin ba nila nagustuhan ko??

Oo syempre. Nagustuhan ko! Pero 'di ko naman pinapakita e!!!

Dumating na ang teacher namin sa first period saka nag-discuss. Hanggang sa natapos ang klase e walang Sky na nangulit sa akin.

Syempre, pasimple pa rin akong nagnanakaw ng tingin sa kan'ya. Pero ni minsan hindi s'ya tumingin dito.

Naglakad na ako pauwi. Sa sobrang preoccupied ng utak ko e hindi ko na napapansin 'yung mga tingin sa akin ng mga estudyante.

Okay. I know. That was rude. Oo na nga, konsensya ko. Masama na ginawa ko. Yada yada yada. Happy? Sinigawan ko s'ya kahit na gusto nya atang makipag-friends pero sino ba namang hindi gaganon e hinalikan n'ya ako sa harap nang madaming tao.

'E kung kayo lang?'

Napatigil ako sa thought na yan, a. Landi rin ng utak ko e. Kung kaming dalawa lang e baka nag-hyperventilate na ako sa kilig

Napa-sigh ako sa naiisip ko. Oo na, alam ko namang sobrang rude ng  ginawa ko pero 'di mo ako masisisi.

At saka bakit ba ako umasa na kakausapin n'ya ako e ang sabi lang naman n'ya e 'Kita tayo sa Monday.' Syempre magkikita talaga kami. Classmate ko s'ya e. Hindi naman nya sinabi na "Usap tayo sa Monday".

Ginulo ko na lang 'yung buhok ko dahil sa dami ng iniisip ko. Bahala na nga. Saka na 'yang love love na 'yan. May mga projects pa ako na dapat tapusin.

*****

Friday na ngayon. At wala pa ring nangyayari sa aming dalawa. Bakit ba ako umaasa na may mangyayari sa aming dalawa?

Kahit anong pagpigil ko sa pag-isip  sa kanya e naiisip ko pa rin talaga s'ya. Nakatunganga lang ako sa mga teachers sa harap. Wala ako sa mood sumagot sa mga tanong ng teachers kaya kahit sila e nagtataka. Pag tinatanong naman ako kung okay lang ako e ang sagot ko masakit lang ulo ko.

Bakit ba ang tamlay tamlay ko?

Napabuntong hininga na lang ako kasi alam ko naman ang sagot—nag-assume ako.

Hindi ko namalayan na tapos na pala ang class at kailangan na naman naming maglinis.

Kinuha ko ang eraser para magbura dahil dating gawi pero nagulat ako nang may kumuha nun kaya napatingin ako sa kung sino mang hudas 'yun.

At si Sky nga. Seryoso mukha nya. Sinimangutan ko lang sya saka umalis para kumuha ng walis.

Aish. Oo na. Gagawin ko na para sa ikatatahimik ng katawang lupa ko.

Tinapos ko na lang ang paglilinis nang tahimik kaya gulat na gulat 'yung mga classmates ko. Bakit ba?? Hindi sila sanay na sigaw ako nang sigaw? Tsk.

Pagtapos namin maglinis kinuha ko na 'yung bag ko saka pumunta sa circle of friends ni Sky. Nakita ko namang tahimik lang sila na nakatingin sa akin.

Okay. Kalma ka lang Ameri. Wag kang gagawa ng iba pang katangahan.

Huminto ako sa harap nila since naghihintayan ata sila. Si Sky naman busy mag-cellphone.

Huminga ako nang malalim para sa pagbwelo.

"Sky, pwede ba kitang kausapin?" Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan, e.

Umangat ang ulo nya. Mataman nya akong tinitingnan. Nakakalunod 'yung mga mata nya. Para akong hini-hypnotize.

"Bakit?" malamig n'yang sagot sa akin.

Nag-iinit ulo ko huh? Pero dahil kailangan nang matahimik ng katawang lupa ko, gagawin ko 'to.

"Private, please?" Malamig din na sagot ko sa kan'ya. Akala n'ya ba sya lang may kakayahang guman'yan??? 'Di dahil crush kita at maharot puso ko gagan'yan ka na.

Tumango s'ya saka tumayo. Sumunod naman ako sa kan'ya. Pumunta kami sa kabilang classroom. Wala na gaanong tao since katatapos lang namin maglinis.

Nag-bow ako sa kanya.

"Sorry na Sky sa pagsigaw ko sayo sa park. Pati na rin sa pagsapak ko sayo. Pero hindi ko talaga pinagsisisihan 'yung pagsapak sayo dahil hinalikan mo ako. Pero sorry pa rin. Sana mapatawad mo ako para na rin sa katahimikan ng katawang lupa ko." Nakabow ako habang sinasabi sa kan'ya 'yan kaya naman umayos na ako ng tayo.

Tiningnan n'ya lang ako. Yang singkit mata na yan huh nakakainlove. Ang ganda ganda.

Ngumiti naman s'ya kaya nakampante ako. Ang pogi talaga ng ngiti neto ni Sky, e.

"Sure. Basta ba i-tutor mo ako," nakangiti pa ring sabi nya.

Na-hypnotize nga ata ako kaya napatango na lang ako. Lalo namang lumiwanag 'yung ngiti nya.

"Great!" Ngiting-ngiti n'yang ginulo 'yung buhok ko saka n'ya sinabing "Tara na Ma'am Ameri." Hinila nya ako sa kamay kaya naman nagpahila na lang din ako.

Hindi nya pa rin binibitawan kahit na anong gusto kong pagbitaw.

"T-teka. Paano yung friends mo?"
"Malaki na sila Ma'am Ameri, kaya na nila sarili nila. Dadalhin nila 'yung bag ko sa bahay mamaya," nakangiti nyang sagot sa akin.

Owwwkey???

"Tara sa SB ma'am Ameri, mag-start na tayo." Sabi nya habang hawak pa rin ang kamay ko.

*****

Nasa Starbucks kami ni Sky ngayon. Umupo kami sa gilid. Umorder na s'ya. Nilabas ko na 'yung notes ko sa Math kasi mukhang dun s'ya nahihirapan.

Nakalabas na 'yung notes, ballpens, at book ko nung dumating sya. Kumunot noo n'ya nun.

"Umupo ka na at magsimula tayo," seryoso kong sabi sa kan'ya pero ngumiti lang s'ya. Anak ng!! Bakit ba ipinanganak na pogi 'tong kampon ni Satanas na to??

Nilapit nya 'yung mukha n'ya kaya napapikit ako nang mariin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Naririnig kaya n'ya? Gago to baka halikan na naman ako.

Pero nanatili akong nakapikit. Gusto ko rin e. *insert malanding tawa*

Ilang segundo na ang nakalipas pero wala pa rin kaya dumilat na ako. Yung kampon ni Satanas nakangiti nang nakakaloko.

"Ikaw huh? Gusto mo rin no?" sabi n'ya habang tinataas baba ang kilay n'ya at nakangiti pa rin nang nakakaloko.
"R-reflexes," mabilis kong tugon saka humalukipkip.

Nawala naman ang ngiti nya.

"Akala ko pa naman," para bang nanghihinayang na sabi n'ya kaya naman tinaasan ko s'ya ng kilay.
"Akala mo ano?"

Umiling s'ya nang mabilis kaya tumango naman ako na natatawa.

"Ganda mo." Napatigil naman ako sa pagngisi dahil sa hudas na 'to. Naramdaman ko na namang namumula ako at bumibilis ang tibok ng puso ko. Tangina. Masamang pangitain 'to, a.

"Oka," plain na sagot ko na lang sa kanya saka kinuha 'yung notebook ko para maitago ang hiya at kilig na nararamdaman ko.

"Wow. Hindi nag-work. Sa iba nagwo-work yan, e." Muntik na ko mainis sa kanya. Tiningnan ko s'ya sa mata ng seryoso
"I ain't one of your toys, Ruiz. Stop comparing me with your girls. I am not one of them. If you like using those corny lines of yours to make me open my legs for you, better yet stop now and do ourselves a favor to save our energy," seryoso ko pa ring sabi sa kanya. Nanlaki ang mata n'ya.
"Sorry. I didn't mean that, Ameri. Please let's continue this." I silently answered him with a nod. "Pero favor, hehehe wag muna tayo mag-start ngayon. Promise, bukas start na. Pero sa ngayon. Warmup muna. Mag-usap muna tayo about our personal lives. Para walang awkwardness, para hindi lang natin kilala sarili natin as classmates and kasama sa cleaners." Tumango na lang ako. Madali naman ako makausap basta mag-sorry lang.

Pero teka... date ba to?? Oo ata?

Inilahad n'ya ang kamay n'ya. "Hi. Ako si Sky Aries Ruiz, 17 year old. Pasaway daw pero hindi naman."

Kinuha ko ang kamay n'ya saka ngumiti. Nakita ko naman na nagulat sya. "Hello. Ako si Ameri Denise Reyes. 16 year old. Nerd daw pero masipag lang na malabo ang mata."
"Denise?" Tumango naman ako. "Tito mo nagpangalan sayo no?"
"Huh?"
"Denise. The niece," sabi n'ya saka humagalpak ng tawa na parang proud na proud sa joke n'ya.

Tiningnan ko lang s'ya saka umirap.

"Sungit naman neto. Eto na pala, o." Inabot n'ya sa'kin 'yung frappe. Kinuha ko naman. Inayos ko na rin 'yung mga gamit ko. Kinuha ko 'yung wallet ko para magbayad pero humindi sya. Treat n'ya na raw 'yun dahil hinila n'ya ako para magpa-tutor. Hindi ko tinanggap. Pinilit n'ya. Sabi ko bibili ako ng bago at uubusin nya 'yung dalawa pag di n'ya pinabayaran. Ang ending, tinanggap n'ya.

Madami kaming napag-usapan na sa sobrang dami e hindi ko na maisa-isa. Hindi ko rin namalayan ang oras. Nakilala namin ang isa't isa. Wala akong mahihiling kundi pahabain ang oras para sa aming dalawa. 'Yun nga lang, imposible 'yun.

Dahil Saturday na bukas, magkikita ulit kami. Taga-village din namin s'ya kaya nagkita kami nung isang araw.

Ngayon ko lang nalaman 'yun. May silbi rin naman pala 'tong tutor na 'to, e.

Kinabahan naman ako kasi 'di ko alam susuotin ko. Bakit ba ako excited para sa kan'ya?? Sino ba s'ya????

Napa-tsk na lang ako. Ayaw kong maghanda at baka sabihin pa n'ya pinaghandaan ko talaga 'yung araw na 'yun. Medyo lang.

Pinilit kong matulog kaso di ko magawa dahil ata sa sobrang excite. Sinubukan kong antukin pero 'di kaya. Nakailang palit na ako ng posisyon kakaisip sa ka'nya at sa kung anong gagawin bukas.

Para akong batang excited sa fieldd trip kinabukasan.

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

*****

Nagising naman ako sa tunog ng alarm clock ko. Pucha. Ambigat ng mga mata ko. Humikab ako dahil ilang oras lang ata tulog ko.

Naligo na ako at saka nagbihis. Tanghali pa naman usapan namin kaya ayos lang na humilata pa ako. Hinanda ko na rin 'yung notes at questions ko sa kanya para naman handa na mamaya at hindi ako mag-cram hanggang sa namalayan ko na lang na 1 na. Naghanda na ako. Casual lang suot ko. Naka-pants, shirt, and sneakers lang para hindi ako masabihan na naghanda talaga. Hindi ko gustong maging maganda sa paningin n'ya 'no.

Hindi talaga!

Tsk.

Oo na. Gusto ko na. Pero 'wag na muna siguro. Baka hindi pa to 'yung oras.

Nagkita na kami sa Starbucks. Naka-order na s'ya agad. Tangina mamumulubi ako sa lalaking to e. Bakit ba ang hilig mag-sb e ang mahal mahal ng kape rito??

Nakita kong nakaupo s'ya sa pwesto namin nung una, sa may gilid. Naka-polo s'ya tas shorts at vans na sapatos. Maporma rin 'to e. Pagkakita n'ya sa akin e kumaway s'ya at sinalubong ako ng ngiti. Saya rin neto e.

Lumapit s'ya sa akin saka bineso ako kaya naman tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Ay, sorry na Ma'am. Ganyan kasi ako pag bumabati sa girl friends ko." Napatingin naman ako sa kan'ya. Emotionless stare.

"Girlfriendssss?" I asked emphasizing the s. Napangiti naman s'ya nang nakakaloko. Kinurot n'ya ako sa pisngi.
"Loyal ako sayo. Wag ka na magselos. Kaibigang babae."

Namula naman ako dahil sa kan'ya. Hinampas ko sa mukha n'ya 'yung dala kong envelope.

"Umupo na tayo."

Tumawa na lang s'ya.

"Sagutan mo 'tong mga 'to para alam ko kung san ka naguguluhan." Tumango naman s'ya. Binigay ko 'yung ginawa kong questionnaires sa math base sa topic namin this grading.
"Dalawang subjects na." Nagulat naman ako sa sinabi n'ya kaya napatingin ako.
"Dalawa?"
"Oo. Dalawa."

Napakunot ako ng noo pero umagree ako sa kan'ya. Kung saan s'ya masaya, bakit hindi? Kinuha ko 'yung Filipino saka binigay sa kan'ya.

"Wow handwritten. Ang effort. Ganda ng sulat mo huh. Nga pala, bakit ka ganito mag-effort? Wala ka namang mapapala, a."

Gusto ko sanang sabihin na dahil gusto kitang makasama pero syempre hindi pwede.

"Para makatulong sa kapwa," nakangiti kong sagot, "kaya naman magsagot ka na d'yan nang makadami."
"Pag nakakuha ako ng score na 90% pataas sa pareho magde-date tayo mamaya gastos ko lahat tas pa-kiss ako? Deal?" Nakangiti n'yang sagot.
"Deal." Confident kong sagot. Aba, bakit naman sya magpapatutor kung maalam naman pala s'ya diba?

Ngumiti naman sya nang napakalapad at hinawakan ang kamay ko. "Inspirasyon," sabi n'ya saka kumindat.

Pucha ampogi nun ah. Namula na naman ako kaya hinampas ko 'yung kamay nya. "Ang ganda ganda talaga ng teacher ko," sabi n'ya nang nakangiti habang nagsisimula nang magsagot.

Hindi ko na lang sya pinansin kasi kinikilig na talaga ako.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasagot sya. Seryoso s'ya. Napasubo ata ako a. Pero imposible ang 90%.

Nakatingin lang ako sa kanya at wala pa s'yang ginagawa e parang tambol na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Buti na lang magkaharap kami kaya di nga maririnig.

Mahal ko na nga ata si Sky.

Ngumiti sya bigla.

"Ma'am Ameri, kung ganyan mo ko titigan baka ilagay ko na lang sa papel ko e kung gaano kita kagusto. Ayaw ko namang matalo sa laro."
"Assuming." Na lamang ang nasagot ko kasi trumiple ang bilis ng tibok ng puso ko at ramdam kong para na akong kamatis sa sobrang pula ko.

Hindi na s'ya sumagot.

Paminsan-minsan akong nag-Facebook at binantayan s'ya habang hinintay ko na makatapos s'ya.

Wala pang 45 minutes e tapos na n'ya pareho. Confident n'yang inabot 'yung papel n'ya sa akin.

"Check mo na, Ma'am Ameri."

Kinuha ko naman saka chineckan. Wala pang mali sa Filipino so far...

Hanggang sa nakaabot ako sa last page e walang mali. Nanlalaki 'yung mata ko nung tiningnan ko s'ya

"Well..." mayabang na sabi n'ya.

Imposible naman na nagcheat sya kasi nakabantay ako. Pano 'yun?? Bakit ambaba ng scores n'ya sa Filipino pag exams??

"Oops. No questions. Check mo na yung math."

At ginawa ko naman. Nagkamali s'ya sa number one napangiti naman ako.

"90%," pagpapaalala n'ya.

Pero nakarating na ako sa last page, 'yun lang ang mali n'ya.

At yun nga lang. Hindi talaga s'ya nagcheat kasi halos 'di naman n'ya binitawan ballpen nya at kita ko na sa papel s'ya nakafocus.

Napalunok ako. Shet. Napasubo ata ako, a.

"Tara na, Ma'am Ameri."

*****

Nasa seaside kami ng MOA ngayon, nanunuod ng sunset. pagod na ako sa dami ng ginawa namin. Pucha dami ring trip neto e. Sumayaw ba naman ng Jollibee dance keme sa Mcdo. Bwisit na Sky to.

"Ameri," seryoso n'yang tawag sa akin. Napalunok ako bigla. 'Yung deal nga pala. 'Di bale nang mawala first kiss ko. Kay Sky naman e.  Landi.

"Yung deal."
"Oo na, oo na. Hindi naman ako uurong," sagot ko sa kan'ya na may straight face. Pero sa totoo lang hirap na akong icontain ang emotions ko.

"Okay, then." Unti-unti na n'yang nilapit mukha n'ya sa mukha ko kaya napapikit ako.

Eto na...

Malapit na...

Ramdam kong namumula ako tangina.

Hala. Pano na ang hininga ko? Di naman ako bad breath no?

Naramdaman kong lumapat ang labi nya sa...

Sa...

Sa noo ko.

Puchaaaaaa!!!!! Ang romantic gago!!!!!!

Napigil ko hininga ko sa sobrang kilig.

Binulungan n'ya ako.

"I love you, Ameri Denise Reyes. Liligawan kita sa ayaw mo man o sa gusto mo."

Nginitian nya ako. Pucha mga bes!!! Naiihi na ako sa kilig!!!

Nakanganga ata ako sa kan'ya at ramdam ko na namumula talaga ako nang sobra dahil sa init ng mukha ko.

"B-bakit? Paano?" Na lamang ang lumabas sa bibig ko.

"Hindi ko rin alam."
"Genius ka pala e. Ha.ha," sabi ko sa kanya na tumatawa nang awkward.
"Well, transferee ako this year, hindi ba?" Tumango ako. "Galing ako sa private school. Lumipat ako dahil sa ex girlfriend ko. Public para new environment. Gustong makalimot. Malay ko ba na makikilala ko pala 'yung babaeng mamahalin ko ulit. Pero dahil dun bumaba grades ko... hanggang sa nakita kita. You caught my attention, really. You don't stand out pero nakuha mo atensyon ko kasi inuutos-utusan mo lang ako every Friday. Sabi ko nga mag-aayos na ako para mapansin mo pero sabi ng friends ko wag daw. Pa-tutor daw dapat ako sayo. Magpakapasaway. I gave it a shot. It was fun anyway. I was patiently waiting for the right time. Buti na lang sumakto, if not I will ask you to tutor me and make up lies para lang makasama kita."

Speecless ako. All I know is I am really happy hearing his confession.

"Until you talked to me. 'Di ko alam kung anong pumasok sa utak mo at nag-bye ka at ngumiti. Gulat din mga tropa ko dun. Ganda mo nga raw pag ngumingiti. Grabe kantyaw nila sa akin pag-alis mo. Pero I am just smiling. Paralyzed by your smile. Then, hindi ko kinaya. Magba-bye lang sana ako pero hindi ko alam kung anong nangyari at hinalikan kita. Naiintindihan ko naman 'yung pagsapak mo sa akin and I really deserve it. Kaya okay lang. Then ayun... the rest is history."

Nakangiti n'ya pa ring sabi sa akin.

Those chinky smile.

I fell in love with that smile.

Hinawakan ko 'yung mukha n'ya. Nakita ko naman na namula bigla tenga nya kaya napangiti na rin ako.

I kissed him and whispered...

"You don't have to court me. I am already yours."

★★END★★

Neko's note: hiiii. Thank you for reading this story. I hope you enjoyed it as much as I enjoyed writing this. 💕💕💕 Please vote and leave a feedback. If you want, you can share it, too. Thank you guys!!

Add me on Facebook: Chi Neko Chan WP

My cover and profile photos are same as this.

Btw, I also have a story called Zipper Mo Bukas, if you want you could check it out. Pleaseee!! Leave a vote and a comment. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro