CP7:Roses are Red
Maaga pa lamang sa St. Venille nang sila'y nagsipasukan na sa kani-kanilang mga classroom. Pinagpla-planuhan nila ang papalapit na fieldtrip, lahat kasi ng studyante sa section na ito ay may balak na sumama. Unang pumasok sa classroom sina Esther, Travis at Czarinah. Sumunod namang dumating ay ang tatlong magkakaibigan na sina Cheska, Astrid at Jassie. Tawa sila ng tawa at halatang hindi pa rin makaget-over sa ginawa nila kagabi. Napakunot ang noo ni Esther kaya nilapitan niya ang mga ito.
Esther:"Ano meron? Parang ang saya niyo ata masyado?" Tanong niya...
Travis:"Don't mind them Esther, magreview na lang tayo.." Anyaya niya sa kaklase pero tinignan niya lang ito. Nagtinginan ang tatlong babae at sabay-sabay na nagkibitbalikat.
Esther:"Ang daya niyo naman, ayaw niyo magshare."Paawa niyang sinabi sa tatlo pero tinawanan lang siya nito.
Cheska:"Kung ano mang nangyare kagabi, saming tatlo na lang yun. Alam mo na-" Naputol ang kanyang sinasabi ng dumating si Auel Oakley. Nasa labas pa lang siya ng classroom ay naririnig niya na ang malakas na boses ng dalaga.
Auel:"Ang aga-aga ang ingay-ingay. Wala bang bago?" Malamig na pagkasabi niya sa kaklase. Napatigil si Cheska at tinignan si Auel mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay inirapan niya ito.
Cheska:"Oh? Pumasok ka pa? Panira ka ng araw eh, magpadrop ka na kung ayaw mong ikaw isunod ko." Seryoso niyang pagkasabi. Imbis na matakot, napangiti pa si Auel sa sinabi ng dalaga at nilapitan ito.
Auel:"Hinahamon mo ba ko?" Maangas niyang pagkasabi, biglang pumagitna si Esther dahil baka mas lalo pang lumala ang tensyon. Imbis na manahimik, pumalag pa lalo si Cheska.
Cheska:"Aba? Kilala mo ba kung sino hinahamon mo?" Pabalang na sagot ng dalaga. Mas lalong siniksit ni Esther ang kanyang sarili sa pagitan ng dalawang naguumpugang bato.
Esther:"Oyy, stop it na. Ang aga-aga nagpapakalat na kayo ng bad vibes ahh?" Wika niya, hindi pa nagtagal ay nagsipasukan na ang ilan nilang mga kaklase. Sa gitna ng pagtatalo, nakarinig sila ng malakas na yabag sa kisame.
Mikasa:"Did you heard it?" Tanong niya sa katabing si Sunshine na may nakasuot na chikara hat na pikachu sa kanyang ulo.
Sunshine:"Uh-Uhmm, Oo Mikasa. Mukhang may killer sa taas ng building na to na papatayin tayong lahat..." Nanlaki ang mga mata ni Mikasa dahil sa sinabi ni Courtney. Natawa naman si Alfheim na sikretong nakikinig sa paguusap ng dalawa.
Alfheim:"Ikaw talaga Sunshine ang weirdo mo minsan. Killers? For real? Hahahaha, it's not true and kung totoo man yang sinasabi mo, ilalabas ko ang pagkayandere side ko." She exclaimed, napangiti na lang si Sunshine at napahawak ng mahigpit sa kanyang braso.
Maya-maya pa ay nakarinig sila ng tatlong katok mula sa pintuan. Si Sakura Castaneto, ang kanilang Science teacher. Nakasuot siya ng kulay itim na dress at may mapulang lipstick sa kanyang labi. Kitang-kita sa dalaga ang kanyang pagkababae dahil sa mapulang labi nito gawa ng lipstick.
Sakura:"Is everybody here?" Tanong niya sa mga studyante, nagsitanguan naman ang lahat at nagsitayo. Binati nila ng magandang araw ang guro at sabay-sabay umupo. Narinig rin ni Sakura ang yabag mula sa kisame kaya bigla siyang napahawak sa kanynag locket necklace at napangiti. Magsa-sampung minuto na ang nakalipas pero hindi parin nagsasalita si Sakura sa harapan. Para bang pinapakiramdaman niya ang paligid, halata din sa mukha ng dalaga na mayroon siyang malalim na iniisip. Kusang tumayo si Esther at tinanong ang guro.
Esther:"Mawalang-galang na po, hindi niyo ho ba kami tuturuan?" Tanong niya, nakatingin naman dito sila Sarah at Taegan. Inirapan nila si Esther dahil feeling nila ay mapuputol ang kanilang kwentuhan kapag nagsimula nang magturo si Ms. Castaneto.
Sarah:"Napakakilljoy talaga niyang Esther na yan, dapat jan turuan ng leksyon eh." She exclaimed. Taegan just laughed at her softly, pagkatapos ay inikot niya ang kanyang mga mata.
Taegan:"Sarah, trust me, we will be wasting time if uubusin lang natin sa kanya." Wika ng dalaga, napapout naman si Sarah sa sinabi ng kaklase at nagbuntong hininga.
Sakura:"I won't, for today, I'll just be observing..." Misteryosong pagkasabi ng guro. Maya-maya ay umalingawngaw ang isang nakakaistorbong ingay sa kisame. Para bang mayroong tao sa taas na gustong sirain ito. Nagchin-up si Sakura at tinignan ang lahat ng studyante, kitang-kita sa mukha ng guro ang nakalolokong ngiti sa kanyang labi. Dahan-dahan niyang inilagay ang kanyang hintuturo sa labi at bumulong...
Sakura:"'Roses are Red, Violets are blue.." Naka-agaw ito ng atensyon ng lahat ng studyante dahilan para titigan ang guro na nasa gitna.
Sakura:"A senior from hell, is going to kill you." Mas lalo itong nagbigay ng takot sa mga studyante. Kitang-kita sa mga mukha ng seniors ang takot sa kanilang mga mukha, pero isang studyante ang halatang hindi man lang nakaramdam ng takot sa kanyang katawan. Siya si Cassandra Santos, kusa siyang tumayo at kwinestyon ang inasal ng guro.
Cassandra:"Stop scaring us! It's not funny and even if totoo yang sinasabi niyo, I'm not afraid." Matapang niyang sagot sa guro. Napangiti lang si Sakura at umupo sa teacher's table.
Sakura:"Hmm, let me ask you a question miss Cassandra Santos..." Malamig niyang pagkasabi pero nagmatigas ang dalaga at tinaasan pa ng kilay ang guro.
Sakura:"Are you afraid of ..." Pagbibitin niya sa dalaga, halos lahat ng studyante sa classroom ay pinagtitignan si Cassandra at hinihintay ang susunod na sasabihin ng guro.
Sakura:"Death." Malamig niyang pagkasabi, napaatras si Cassandra nang marinig niya ang salitang iyon. Isang salita, limang letra pero napakalakas ng impact sa kanya. Kahit na natatakot, nagpumilit siyang hindi ipakita ito. Sa halip na umupo, nagmatigas parin siyang nakatayo at hinihintay ang susunod na sasabihin ng guro.
Sakura:"If you're not afraid, can you come here in front." Utos niya, pagkatapos ay tumayo siya sa kanyang pagkakaupo sa teacher's table at gumilid. Dahan-dahang hinakbang ni Cassandra ang kanyang dalawang nanginginig na tuhod papunta sa harap. Sa bawat hakbang niya ay kitang-kita ng lahat ng studyante sa classroom, para bang pinagmamasdan ang bawat gagawin niyang galaw. Bago pa man siya makarating sa mismong harapan, nakarinig ng isang sigaw si Sakura sa labas. Bago man siya umalis ng kwarto, nagpaalam siya at sinabing babalik din kaagad.
Sakura:"Dito lang kayo, titignan ko lang kung anong nangyayare sa labas." Nanginginig niyang pagkasabi sa mga studyante. Nang makalabas na si Sakura, nilingon ni Cassandra ang kanyang mga kaklase at tumawa.
Cassandra:"I told you, that weirdo is only trying to scare us. Hahahaha" Biro niya sa kanyang mga kaklase. Nang tumingin siya pabalik sa kanyang harapan, biglang nakarinig sila ng malakas na pagsabog galing sa kisame sa tapat ng dalaga. Napaupo si Cassandra sa sahig at agad niyang ihinarang ang kanyang braso sa kanyang mukha bilang proteksyon. Nang mawala na ang alikabok, kitang-kita ni Cassandra ang tao sa kanyang harapan. May mga tumutulong dugo sa kanyang mukha galing sa babae sa kanyang harapan. Nakabalot ang kanyang katawan sa barbed wire na may disenyo ng mga tinik ng rosas. Nakangiti ito kay Cassandra nang bigla itong sumuka ng dugo, dahilan para pumunta ito sa mukha ni Cassandra.
Cassandra:"Ahhhhh!" Sigaw niya, pagkatapos ay napahawak siya sa kanyang mukha na punong-puno ng dugo. Halos lahat na ay nagsialisan maliban sa tatlo, sina Astrid, Cheska at Jassie. Nakaturo lang si Cheska at halatang nangi-nginig ang kanyang buong katawan.
Cheska:"S-S-Si Hannah..." Bulong niya, napalunok si Jassie at kumaripas ng takbo palabas ng classroom.
Astrid:"Jassie!" Sigaw niya sa kaklase, pagkatapos ay hinabol niya ito. Sinundan lang ni Cheska ng tingin ang dalawa. Nasa ilalim parin ng pabagsak na katawan ni Hannah si Cassandra at halatang hindi makagalaw dahil sa nangyare. Halos maligo na si Cassandra ng dugo na galing kay Hannah pero nakatingin lang siya dito at hindi makapaniwala. Kitang-kita rin sa mukha ni Cassandra at kahirapan makahinga dala ng kanyang sakit na hika. Dahan-dahang naglakad palapit si Cheska kila Cassandra para tignan si Hannah.
Cheska:"H-H-Hannah?" Putol-putol na tawag niya sa pangalan ng kaklase. Nang makita niya ang sitwasyon ni Hannah, napaatras siya at napatakip ng kanyang bibig dahil sa sobrang pagkadiri. Dilaw na dilaw ang mga mata nito, halos magkulay dugo na ang dating maputing ngipin ng dalaga at kitang-kita ang maraming sariwang sugat sa kanyang mukha. Masasabing pinaraanan ang kanyang mukha ng malatinik na barebwire bago ito itali sa kanyang katawan. Agad siyang nakonsensya sa ginawang panloloko sa kaklase kagabi, hahatakin niya na sana ang nahihirapang huminga na si Cassandra nang biglang tuluyang bumagsak ang bangkay ni Hannah sa dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Cassandra nang makaramdam siya ng pagbaon ng barbed wire sa kanyang tiyan.
Cassandra:"Ahhhhh!" Sigaw ng dalaga, napaupo naman si Cheska dahil nagulat siya sa nangyare. Agad ring may lumabas na dugo sa bibig ni Cassandra at halatang mas lalo siyang nahirapang huminga.
Cheska:"C-Cas! Don't give up!" Pagsisigaw niya, napatayo siya at napahawak ng magipit sa kanyang buhok na tila ba sinisisi ang sarili sa nangyari.
Cheska:"Ahhhh! Ano bang gagawin ko, tulungan niyo ko!" Natataranta niyang pagkasabi, napakamot siya sa kanyang noo at sinubukang iangat ang katawan ni Hannah para hindi ito tuluyang bumaon kay Cassandra pero nabigo siya. Nasugatan lang ang kanyang dalawang kamay dahil sa matulis na barbed wire na nakapulupot sa buong katawan ni Hannah. Tumayo si Cheska at shinake ang kanyang kamay, nanlumo siya nang makitang tumalsik ang maraming dugo sa puting tiles ng classroom. Mas lalo siyang nagpanik dahil may takot siya sa dugo o Hematophobia. Nanghina ang kanyang katawan at unti-unting nanlabo ang kanyang paningin.
Cheska:"C-C-Cassandra." Nanginginig niyang tawag sa kaklase, pagkatapos ay tuluyan na siyang natumba sa sahig.
Cassandra:"C-Cheska, help me!" Paghingi ng saklolo niya sa kaklase Nakita ni Cassandra na biglang tumumba si Cheska sa sahig, tinitignan lang siya nito at mabagal na kumukurap ang mga mata.Tatawagin niya pa sana si Cheska nang biglang tuluyang bumaon ang malalaking tinik sa barbed wire sa tiyan ni Cassandra. Hindi pa nagtagal ay bumulwak ang dugo sa malalaking sugat sa tiyan ng dalaga. Kahit na mayroon nang lumalabas na dugo sa kanyang bibig, pilit paring tinatawag ni Cassandra ang kaklase ngunit hindi na siya nito marinig dahil tuluyan nang nawalan ng malay si Cheska.
Nanghihina na si Cassandra at kaunti na lamang ay susuko na siya. Alam niya sa kanyang sarili na lubos nang marami ang naalis sa kanyang dugo. Namumutla na ang kanyang buong katawan at umiikot na rin ang kanyang paningin. Isang misteryosong tao ang pumasok sa klase na may hawak-hawak na barbed wire, kitang-kita sa kanyang labi ang isang matamis na nakalolokong ngiti. Lumapit ito sa kinalalagyan ni Cassandra at nagawa pang kumaway-kaway kahit na ganoon ang sitwasyon ng dalaga. Umikot-ikot muna ito sa posisyon nila Cassandra at nagcite ng isang poem.
"Roses are red, violence is too, on the day of your death, I'll be coming for you."
Pagkatapos niya itong sabihin ay nasundan ito ng nakapangingilabot na tawa. Mararamdaman mo sa kanyang halakhak ang galit, lungkot at kasiyahan sa kanyang ginagawa. Hindi na siya nagaksaya pa ng oras, hinawakan niya ang dalawang dulo ng barbed wire at diniretsong sinakal ito sa leeg ni Cassandra. Agad kumapit ang matutulis na disenyong tinik ng barbed wire sa leeg ni Cassandra. Mabilis na kumalat ang dugo sa puting sahig, nang makarinig siya nang ingay ay agad siyang dumiretso sa pintuan. Bago pa man siya makalabas, ay tinignan niya si Cheska na nakahilata sa sahig.
"This is only the beginning my dear section." Malamig niyang pagkasabi, pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng pintuan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro