Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CP6:A Deadly Favor

Malapait nang sumapit ang dilim ng biglang naisipang lumabas ng magkakadorm na sina Astrid, Cheska at Jassie. Naglakad-lakad sila sa Dorm B kung saan puro babae lang ang pwede rito. Agad kumurba ang isang nakalolokong ngiti sa labi ni Cheska. 

Cheska:"Girls, I know what we're going to do." Bulong niya sa dalawang babae. Curious namang napatingin sa kanya si Jassie habang nakataas ang isang kilay.

Jassie:"Oh ano na naman yan Cheska? Baka naman mamaya, kalokohan na naman yan." Natatawa niyang pagkasabi. Nakayuko lang naman si Astrid at tila may iniisip. Waring binangga ni Cheska ang katabing si Astrid at tinanong.

Cheska:"Astrid, mukhang may malalim kang iniisip ah? Sagutin mo na kasi si Emman, aarte ka pa eh, alam naman naming gusto mo siya diba?"  Pangaasar niya sa kaibigan. Sumimangot siya at sinagot si Cheska.

Astrid:"Alam mo kasi hindi ganun kadali yun eh and sino bang nagsabi na si Emman iniisip ko? Huwag nga kayo jan. Puro lovelife na lang iniisip niyo, eh wala ngang forever hindi ba?" Bitter niyang pagkasabi. Napatawa naman ang dalawa ng malakas dahil sa sinabi ng kaibigan.

Cheska:"Hay nako Astrid! Ewan ko sayo, behave na lang kami ni Jassie." 

Jassie:"Oo nga, and kung hindi si Emmanuel Lazaro ang iniisip mo, eh sino?" Tanong niya.

Astrid:"Si Andrew, Si Andrew Leisel." Natigilan sila sa paglalakad dahil sa sinabi ng dalaga. Nagkatinginan din sina Cheska at Jassie sa sinabi ng dalaga. Napalunok si Cheska at pilit na tumawa. Ginawa niya na lang parang biro ang sinabi ng dalaga. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang sinasabihan ang kaklase.

Cheska:"Hahaha? Ikaw talaga Astrid kahit kailan, huwag ka ngang gan-" Napatigil siya ng muling nagsalita si Astrid tungkol sa binata.

Astrid:"Si Andrew, nasa likod ko lang siya ng mamatay siya." Napalingon si Cheska habang napaatras naman papalayo si Jassie kay Astrid.

Jassie:"A-A-Astrid? Alam mo ba yang sinasabi mo?" Kinakabahan niyang tanong sa dalaga. Kitang-kita sa mukha ni Jassie ang magkahalong kaba at takot na nadarama. Namumuo rin ang  mga butil ng pawis sa kanyang mukha.

Astrid:"Hindi maganda ang kutob ko sa pinasukan natin. Kailangan nating mag-ingat, kung gusto pa nating mabuhay." Mas lalo silang kinabahan nang sinabi ito ng kaklase. Bahagyang ngumiti si Cheska at inaya ang dalawang kaklase papunta sa room ng Talents Guild. Si Jassie kasi ang tumatayong President ng org na to kaya pwede siyang malabas-pasok sa room na yun ng kahit anong oras niya gusto. Doon sila masayang nagkwe-kwentuhan hanggang sa makarinig sila ng tatlong katok sa labas. Tumaas ang kilay ni Jassie at sumigaw.

Jassie:"Sino yan?" Tanong niya habang nakatingin sa pintuan.

Hannah:"I'm Hannah? From the class of 4-6?" Sagot niya na agad namang narinig ng tatlong magkakaibigan. Nagbuntong-hininga si Cheska at biglang binulungan ang dalawa.

Cheska:"This will be be fun, let's make a play out of her." Malamig niyang pagkasabi, pagkatapos ay bigla siyang sumigaw.

Cheska:"Pasok! Bukas yung pinto." Agad namang napangiti si Hannah sa kanyang narinig kaya mabilis niyang binuksan ang pinto. Nakita niya ang tatlo niyang kaklase kaya mas lalo siyang nasiyahan.

Jassie:"Ano need mo Anna? Bakit ka naparito?" Tanong niya, nakangiti lang si Hannah at nagbow sa harap ng tatlo.

Hannah:"Hannah po, hindi Anna. Gusto ko lang po sanang sumali sa TG kung inyong mararapatin. Marunong po akong sumayaw, umarte at kumanta. Kahit ano pa yan, kaya kong gawin." Pagmamalaki niya, natawa naman si Jassie. Magsasalita pa lang siya ng biglang bumukas yung pinto. Isang lalaki ang pumasok sa kwarto, si Kramer. 

Astrid:"Oh Kramer? Napabisita ka?" Tanong niya, unti-unting napalingon si Hannah na para bang may slo-mo. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Kramer na papunta sa kanyang direksyon. Bigla siyang humarap sa tatlong babae habang nakangiti. Yumuko pa ito at hindi maipaliwanag ang kanyang mukha.

Kramer:"Ahh, wala may kukunin lang ako." Matipid niyang sagot. Nagulat na lang sila ng biglang nagsalita si Hannah.

Hannah:"Hi Kramer, ako nga pala si Hannah." Pagpapakilala niya sa binata. Halatang-halata na iniipit ng dalaga ang boses niya, pagkatapos niya pang magsalita, pinaraan niya ang kanyang kamay sa tenga bilang sign ng pagpapacute sa binata. Natawa lang sa kanya sina Jassie at Astrid. 

Jassie:"Itong babaeng to, pati si Kramer nilalandi." Bulong niya kay Astrid.

Astrid:"Shhh, huwag kang maingay baka marinig tayo niyan." Bulong niya sa kaklase, biglang tumabi si Cheska sa dalawa at nag-isip ng plano.

Cheska:"I've got a plan, and sisiguraduhin kong mage-enjoy tayo dito." Misteryosong pagkasabi ng dalaga. Without any reason, Cheska chuckled, isang rason para tumaas ang kilay ni Astrid. Hindi pa nagtagal, umalis na si Kramer sa kwarto ng hindi nagpapaalam, habang busy naman si Hannah sa pagsunod ng tingin sa binata. Kinalabit ni Jassie ang kaibigang si Cheska.

Jassie:"Hey, I'm interested, what's your plan?" Nakangiti niyang tanong sa dalaga. 

Cheska:"Just follow me and as I said earlier, we'll make a show out of her." Malamig na pagkasabi niya sa dalawa. Tumayo si Cheska, iniikot-ikot niya ang kanyang hintuturo sa mahaba niyang buhok. Nakangiti ito habang tinitignan niya si Hannah.

Cheska:"Hannah right?" Tanong niya, agad napalingon si Hannah ng marinig niya ang kanyang pangalan. Inayos niya ang kanyang tayo at muling nagbow.

Hannah:"Hannah Joyce Manalang at your service! Bakit ho?" Tanong niya. Biglang napalitan ang seryosong mukha ni Cheska nang parang nagaalala ito. Nakayuko si Cheska habang nakapout. 

Cheska:"Gusto mong sumali sa TG right?" Diretsong tanong ng dalaga na ikinabigla ni Hannah. 

Hannah:"H-Ha? O-Oo naman?! Kaya nga ko pumunta dito eh." Nanginginig na pagkasabi ng dalaga. Halata sa boses niya na excited siya.

Cheska:"But first, can you do us a favor?" Paawa niyang tanong sa kaklase. 

Hannah:"Sure, kahit ano pa yan." Nakangiting niyang sagot sa tatlong kaklase.

Jassie:"Here's the deal, kapag nagawa mo yung favor namin, ako na mismo magsasali sayo sa Talents Guild." Confident na pagkasabi ng dalaga kaya mas lalo itong ikinatuwa ni Hannah.

Cheska:"Oh sige, iwan ka muna namin dito ha? May kukunin lang kami sa dorm namin. We forgot something to bring eh, don't worry kasi we'll go back as soon as possible." 

Hannah:"Ahh, sure sige! Bilisan niyo lang ha? Takot kasi akong mag-isa eh." Nangangambang sinabi ng dalaga na ikinatawa naman ni Cheska.

Cheska:"Sure! Don't you trust us?" Misteryoso niyang sinabi. Lumabas na nga ng tuluyan ang tatlo kaya naiwan si Hannah na mag-isa sa loob ng TG homeroom. Nang nasala labas na sila Cheska, naisipan niyang ilock ang pintuan. Tuwang-tuwa ang tatlong magkakaibigan habang ginagawa nila ito. Walang kamalay-malay naman si Hannah sa loob na ginagawa na pala siyang katatawanan ng tatlo. Nakaupo lang siya  sa isang desk at kumakanta-kanta. 

**

So it's gonna be forever
Or it's gonna go down in flames
You can tell me when it's over
If the high was worth the pain
Got a long list of ex-lovers
They'll tell you I'm insane
Cause you know I love the players
And you love the game

**

Sa gitna ng kanyang pagkanta, bigla siyang napahinto ng nakarinig siya ng tatlong katok sa pintuan. Mabilis nabuo ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi dahil alam niyang sina Astrid na ang nagaabang sa kanya sa labas. Dumiretso siya papuntang pintuan para buksan ito, napakunot ang kanyang noo ng makitang wala namang tao sa labas. Sinubukan niyang dumungaw sa labas para tignan pero wala siyang nakita. Bago siya bumalik sa kwarto, nakarinig siya ng isang sitsit. Dahan-dahan siyang lumingon at napaupo sa kanyang nakita. Isang babaeng nakamaskara na may hawak-hawak na kutsilyo na nakatutok sa direksyon niya. Kakaiba ang kanyang maskara dahil may disenyo ito ng parang isang kuneho. Mabilis siyang pumasok sa loob ng pintuan at agad nilock ito.

Hannah:"I-I need to get out of here..." Nangi-nginig niyang bulong sa sarili. Mahahalata mo sa mukha ng dalaga na kinakabahan ito. Hindi rin maitago ang panginginig ng kanyang mga daliri. Tinitignan niya ang bintana ng biglang lumabas ang dalawang babae na puro dugo sa kanilang dalawang kamay. Pinapahid nila ang dugo sa bintana, ang isa'y may maskara ng kabayo at ang isa nama'y nakamaskara ng  pusa. Rinig na rinig niya ang pagkiskis ng kutsilyo sa salamin na nagdudulot ng matinis na tunog. Napaupo siya sa sahig at pilit na tinakpan ang kanyang dalawang tenga. 

Hannah:"Who are you people?! Help me!" Paghihingi niya ng saklolo pero malalakas lang na tawa ang narinig niya sa labas. Ginulo-gulo ni Hannah ang kanyang buhok at nag-isip ng paraan para takasan ang kanyang sitwasyon.

Hannah:"If I stay here, I might die soon. I'd rather die from running than to die inside this room.

Bago lumabas ng kwarto, humanap si Hannah ng pwede niyang magamit panlaban sa kanyang mga nakita. Kinuha niya ang isang baston sa gilid na ginamit bilang props ng dancers nung concert. Papalabas na sana siya ng nakita niyang parang may gustong magbukas ng pintuan. Mas lalo siyang kinabahan at humigpit ang kanyang pagkakahawak sa baston. Nang bumukas ang pintuan ay sumalubong sa kanya ang tatlong babaeng nakamaskara. 

               :"You're going to die Hannah! Hahahahahah!" Sabay-sabay nilang pagkasabi, nahataw ni Hannah ang isang babaeng  nakamaskara, dahilan para mapaupo ito sa sahig. Nang makita niyang nawala ang atensyon sa kanya ng dalawa, ginamit niya ito para makatakas. Agad-agad siyang lumabas ng kwarto at tumakbo papalayo. Dumiretso siya sa Dorm B para pumasok na sa kanyang kwarto. Kinakatok niya ang pintuan ng mabilis dahil nangangamba siyang baka sundan pa siya ng tatlong nakamaskara. Nang bumukas ang pintuan, sinalubong siya ng isang babae na puro dugo ang kanyang mukha. Nakangiti ito sa kanya at may hawak-hawak na baseball bat. Napaatras si Hannah sa kanyang nakita, pasigaw na lang sana siya ng biglang narinig niyang nagsalita ito.. 

               :"You're next!" Sigaw ng babae, pagkatapos ay hinataw niya sa ulo si Hannah. Agad bumagsak si Hannah at nawalan ng malay. Bago pa man may makakita, pinasok siya ng babae sa loob ng dorm at sinasaksakan ng isang syringe na may lamang kulay berdeng likido sa loob.

 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro