
CP5:Scrutiny
Nasa labas si Ms. Hazel ng venue at nagpipi-pindot ng mga numero sa kanyang cellphone. Hindi niya alam kung sino ang kanyang tatawagan dahil sa nangyare. Halatang-halata sa mukha ng guro ang takot at kaba sa kanyang mukha. Hindi rin maitaga ang panginginig ng kamay niya habang pumipindot ng numero. Nagkataon namang naglalakad sa hallway ang kanyang kapwa guro na si Ms. Princess Estebal. Siya ay isa sa mga guro ng 4-6 sa kanilang academic subjects. Ito ay ang Mathematics, Calculus. Matalinong guro si Ma'am Estebal, may kaliitan at medjo kakaiba ang kanyang way ng pananamit. Napakunot ang noo ng guro ng makita niya si Hazel na nanginginig sa takot, first time kasi niyang makakita ng karumaldumal na insidente.
Ma'am Princess:"H-Hazel my dear? What is happed to you?" Panimula niyang bati, oo, math teacher siya pero mahina siya sa English. Kahit na alam niya na mismo sa sarili niyang mahina siya rito, gustong-gusto niya parin gamitin itong lenggwahe. Nakakataas daw kasi ng status sa buhay kapag ginagamit, kahit na madalas ay gawing katatawanan ng ibang tao ang pag-gamit niya sa wikang ito. Napatingin si Hazel sa kanyang senior teacher at biglang nabitawan ang kanyang hawak-hawak na cellphone. Agad siyang yumakap sa guro kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Ms. Hazel:"Ma'am, may namatay pong studyante sa loob ng venue." Paliwanag niya na siya namang ikinagulat ni Princess.
Ma'am Princess:"H-Ha? Nasaan ang mga bata? Kailangan natin silang puntahan." Natataranta niyang pagkasabi. Agad namang itinuro ni Hazel ang venue at sinabing hanggang ngayon ay nasa loob pa ang mga studyante na nagkakagulo. Mabilis na lumapit si Princess sa pintuan at agad itong binuksan. Sumalubong sa kanya ang isang lalake na may malaking laslas sa kanyang leeg. Napaupo rin siya dahil halos lahat ng studyante ay may dugo sa kanilang mga uniporme, lahat sila ay nakatingin kay Ma'am Princess at tila nagulat sa biglang pagpasok ng guro sa venue.
Mikasa:"Ma'am?! Tu-tulungan niyo po kami." Pagbabasag ng katahimikan ng dalaga, napatingin naman sa kanya ang magkatabing sina Travis at Esther.
Travis:"Kailangan na nating umalis dito, sila nang bahala diyan." Mahinahon niyang pagkasabi. Ngumiti naman si Esther sa sinabi ng kaibigan at dinagdagan ito.
Esther:"Wala na naman tayong maga-" Naputol ang kanyang sinasabi ng biglang nagsisisigaw si Taegan na nakaupo sa sahig, ginugulo-gulo niya ang kanyang buhok habang umiikot ang kanyang mga mata sa iba't-ibang direksyon ng kwarto.
Taegan:"We're gonna die? We're all going to die?!" Nababaliw niyang sinisigaw habang tinitignan siya ng lahat. Halatang nagbreak down siya sa kanyang naranasan, takot kasi siya sa dilim, idagdag mo pa rin ang malaki niyang trauma sa dugo. Hinatak niya patayo ni Sarah si Taegan, dahilan para mas lalo silang pagtinginan ng kanilang mga kaklase.
Sarah:"Denisse, shut up, you're going bananas again?! Stop hallucinating!" Sigaw niya, pagkatapos ay sinampal niya ito ng malakas. Nanahimik si Taegan at parang natauhan, kitang-kita naman ang ginawang pagsampal ni Sarah ng guro kaya agad itong sinabihan.
Ma'am Princess:"Hey you two! Cut it out!" Sigaw niya, wala parin kahit isang studyante ang naglalakas loob na umalis ng venue kahit na napupuno na ang sahig ng dugo ng namatay na studyante. Pinulot ni Lee ang kanyang pusa na nabasa na ng dugo. Kitang-kita sa malambot na balahibo nito ang batik-batik na pula sa balat. Kulay puti kasi ito at may sobrang itim na mata. Kahit na may mga iba pang naguusap, hindi niya na ito pinansin at dumiretso papuntang pintuan kung saan nakaupo sa sahig si Ma'am Princess. Palabas na sana siya ng bigla siyang tinawag ni Mayumi.
Mayumi:"Lee!" Malakas na sigaw ng dalaga na siya agad namang nilingon ni Lee. Tinitigan niya lang si Mayumi na parang walang interes sa mga susunod na sasabihin ng dalaga.
Mayumi:"H-Hindi ka pa pwedeng umalis, hindi pa nahuhuli kung sino ang -" Naputol ang kanyang sinasabi ng agad sumagot si Lee kay Mayumi.
Lee:"Pumatay? Even though, mahuli nga kung sino ang pumapatay, the killings won't stop. When you're in a peculiar class, you'll experience it's hellish cycle. A cycle where death and life is the core.." Seryosong pagkasabi ng dalaga na siya namang ikinagulat ng lahat. Napatayo si Ma'am Princess sa kanyang kinauupuan at pinigilan si Lee sa pagliban. Hinawakan niya ang dalaga sa mga balikat nito at tila niyuyugyog-yugyog siya.
Ma'am Princess:"Anong nalalaman mo sa seksyon na ito?" Galit na sigaw niya sa dalaga, halatang dumidiin ang kanyang pagkakahawak, dahilan para masaktan si Lee. Imbis na magreklamo, ngumiti siya habang tinitignan sa mga mata ang guro.
Lee:"Why do you want to know? Is there something wrong, or meron kayong hindi sinasabi sa amin? Its not that important kung meron akong nalalaman, hindi ko rin naman ito mapipigilan." Misteryosong pagkasabi niya sa guro. Dahan-dahang napabitaw sa pagkakahawak si Ma'am Princess sa balikat ng dalaga. Bago makaalis sa venue, nilingon niya muna ang kanyang mga kaklase, pagkatapos ay kumurba ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Pumasok naman si Ms. Hazel sa venue at binigyan ng panuto ang mga studyante. Halata na kakaiyak lamang ng guro dahil sa namumula nitong mga mata.
Ms. Hazel:"Pumunta muna kayo sa mga dorm niyo, there will be no classes today for the death of one of your classmate. Don't panic guys, we've got it all under control. Ipinaalam ko na sa principal natin ang nangyare, ang sabi niya is huwag daw tayong magpanik. Sila na daw ang bahalang humanap ng aksyon sa nangyare." Paliwanag niya, nagtaas naman ng kamay si Mikasa at Jassie. Wumawagay-way pa ang nakataas na kamay ni Mikasa pero si Jassie ang tinawag ni Ms. Hazel para magsalita.
Jassie:"How can we assure that justice will be served?" Seryoso niyang tanong. Nang marinig ito ng kanyang mga kaklase ay isa-isang dumami ang mga nagtaas ng kamay.
Ms. Hazel:"H-Hindi ko alam.." Matipid na sagot ng guro. Nakita ni Ma'am Princess na maaring magkagulo ang mga studyante dahil sa sinabi ng kanilang adviser kaya agad siyang nagisip para pakalmahin ang nagdududang klase.
Ma'am Princess:"Hey you students, don't panic-panic okay? Everything will be okay-okay don't worry and be happy..." Paputol-putol na pagkasabi ng guro, pagkatapos ay napakamot siya sa kanyang ulo. Nagtaas muli ng kamay si Mikasa at halatang tayong-tayo na pero muli, hindi siya pinansin ng mga guro. Tumayo si Travis at pumunta sa harapan.
Travis:"You heard them guys, let's go." Malamig na pagkasabi niya sa klase. Alam niya sa kaloob-looban na nakakaramdam siya ng takot at kaba sa kanyang seksyon, ngunit kailangan niyang maging matatag at hindi magpakita ng kahit anong kahinaan sa harap ng klase. Bilang isang presidente, gusto niyang maging maayos ang kanyang seksyon at hindi magpalamon sa takot na kanilang nararamdaman. Isa-isang naglabasan ang mga studyante at dumiretso sa kani-kanilang mga dorm.
Nagpaiwan naman sa loob ng venue ang limang magkakaibigan. Ito ay sina Karmina, Alfheim, Aeron, Mikasa at Cassandra. Nakatingin sila sa bangkay ng kanilang kaklase at tila sinusuri ito. Naisipan namang ipoke ni Alfheim ang bangkay na ikinagulat ni Karmina.
Karmina:"Hey cut it out, baka mamaya dalawin ka niyan." Biro niya, pagkatapos ay kumagat siya sa hawak-hawak niyang pig happy pao.
Alfheim:"I'm not letting my guards down Mina and besides, he's dead. D-E-A-D, dead."
Mikasa:"Kawawa naman si Andrew, he died in such an early age. Hindi lang yun, napakatragic ng pagkamatay niya. It's like namatay siya in a matter of seconds, and kahit isa man lang sa atin ay walang nakaramdam na mayroon na palang pinapatay na kaklase natin." Paliwanag niya pero walang nakinig sa kanya. Nilapitan naman ni Aeron si Alfheim at kinalabit sa bandang likuran.
Aeron:"Tama na yan bes, bumaba na lang tayo katulad ng iba nating mga kaklase." Anyaya niya sa kaibigan pero tinawanan lang siya nito.
Alfheim:"You're so coward talaga Aeron, bakit ka ba taeng-tae diyan na bumaba?" Tanong niya sa kaibigan, nagpout naman si Aeron at nagfacepalm.
Aeron:"Hay nako! Bahala na nga kayo jan, tara na Cassandra." Hinawakan niya si Cassandra sa balikat at tila hinahatak palabas ng venue pero nagpumiglas ang kaklase.
Cassandra:"No Aeron, dito lang muna ko sa venue with my gals. You can go downstairs na if you want. I want to know more what really happened." Paliwanag niya sa kaklase, nagbuntonghininga si Aeron at tila walang nagawa kundi magstay pa sa venue para sa kanyang mga kaibigan.
Mikasa:"Hey guys, check this out." Tawag niya sa mga kaklase habang hinahawakan ang printer. Mabilis namang naglapitan ang apat na halatang interesado sa nakita ng kaklase.
Karmina:"What's that for?" Bulong niya sa kaklase.
Mikasa:"Hindi ba't kanina eh tuloy-tuloy ang pagf-flash ng camera habang nagkakagulo tayo? Sa bawat click ng camera ay siya namang print nitong printer. Ibig sabihin lang nun -" Hindi natuloy ang kanyang sinasabi ng biglang nagbago ang mood ni Karmina.
Karmina:"Makita natin yung killer? Are you serious?" Sarcastic na pagkasabi ng dalaga.
Alfheim:"Oo, by that kasi makatutulong siyang made-" Naputol ang kanyang sinasabi ng muling nagsalita si Karmina.
Karmina:"Don't tell me Alfheim you're agreeing with her?" Seryoso niyang pagkasabi ng nakataas ang kilay. Napacross naman ng arms si Alfheim at nagbuntong hininga.
Alfheim:"No, it's not like that." Matipid na sagot ng dalaga.
Karmina:"Well, tapos na naman eh. He's already dead and sa tingin ko, wala na tayo dung magagawa. Let's just make our lives easy, shall we? Hayaan na lang natin ang nakakataas sa school na to ang umaksyon. Total, responsibilidad naman talaga nilang lutasin ang mga bagay na katulad nito." Paliwanag niya pero hindi sumangayon sa kanya si Mikasa.
Mikasa:"Are you sure with that? Do you even hear what you're saying Karmina? To be honest, wala na kong tiwala sa kanila. Hanggang simula lang naman ang actions nila eh, after a few days, they're already gone. Saying the the case is settled kahit na hindi pa naman talaga tapos." Naiinis niyang pagkasabi na halos taasan niya na ng boses ang kaklase. Nabitawan ni Karmina ang kanyang hawak-hawak na siopao at ngumisi. Umiling-iling siya at tinignan sa mga mata si Mikasa, hindi pa nagtagal ay mulin niyang binanatan ang kaklase.
Karmina:"You're bluffing, saying na ikaw mismo ang magso-solve ng case na to without proper knowledge or even basic detective know how's? How ridiculous!?" Sarcastic niyang pagkasabi. Imbis na patigilin ang pagkakainitan ng dalawa, ginatungan pa ito ni Cassandra.
Cassandra:"You know, Karmina is right. Don't be a detective wanna-be here Mikasa. Sorry pero you're already getting in our veins! It's not that fun anymore." Sambit niya, napaatras naman si Mikasa sa sinabi sa kanya ni Cas. Lubusan siyang nasaktan sa mga ginamit niyang salita kaya hindi niya napigilang tumulo ang kanyang luha.
Mikasa:"Maybe you're right. I may not have the fundamentals of a detective, but I got this spirit. A spirit na hindi basta-basta susuko at aasa lang sa iba." Nanginginig niyang pagkasabi, pagkatapos ay tumakbo siya palabas ng venue. Susundan sana siya ng magbest friend na sina Aeron at Alfheim pero pinigilan sila ni Cassandra.
Cassandra:"Hayaan niyo muna siya, let's give her space. It's not like we hate her or what, pero malaman niya rin na this is reality. Hindi na uso ang malaSherlock Holmes these days." Sigaw niya na siya namang hinto ng dalawa. Maya-maya ay may dumating na isang pulis sa venue, matanda na itong babae. Agad niyang pinaalis ang tatlo at sinabing sila na daw ang bahala sa nangyare.
:"We'll take it from here, you can now go downstairs to rest." Paliwanag niya sa tatlong babae. Nagbow sila ng sabay-sabay bilang pagpapakita ng paggalang. Palabas na sana ang tatlo ng biglang may huling pasabi sa kanila ang pulis.
:"Just make sure that you won't tell anyone about this. It's for your own good." Malamig na pagkasabi sa kanila pero hindi naman nila ito pinansin dahil nagkwe-kwentuhan sila tungkol sa inasal ni Mikasa.
---------------------------------- E L L ' s N O T E ;
Scrutiny - The act of carefully examining something especially in a critical way.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro