
CP40:The Last Straw (2.2)
Huminto ang isang kulay puting van sa harap ng bahay nila Mr. Lim. Napangiti't nabuhayan sila ng loob nang makita ang isang pamilyar na mukha. Siya ay walang iba kung hindi si Ms. Princess Estibal, ang isa sa kanilang guro sa St. Venille. Maligayang kumakaway ito sa kanila mula sa ibaba. Hindi napigilan ng mga studyante ang kanilang pagkasabik kaya nama'y nagunahan ang mga 'to sa paglabas ng bahay.
"Miss Prince!" Magalak na sigaw ni Hiroshi habang todo ang kaway sa guro.
"Cess!" Sigaw ng guro. Halata sa kanyang mukha ang pagkagalak sa muling makita ang mga studyante. Hindi niya rin napigilan ang kanyang mga luha na tumulo. Hanggang balita lang ang naririnig niya sa mga nangyare rito, kaya naman todo ang pag-aalala nila sa mga 'to. Siya ang nagsilbing mata ni Zero at Sakura sa loob ng paaralan habang wala ang mga 'to rito.
Mabilis niyang isa-isang pinapasok ang mga bata sa loob ng van. Pinili namang bumukod ng sasakyan si Mr. Lim kasama ang kanyang pribadong driver. Sumakay sila sa sariling kotse ng matanda. Bago umalis, napatingin siya sa isang litratong nakaipit sa gilid ng salamin. Bahagya siyang napangiti nang muling masaksihan ang kanilang litrato nila Xian at Hazel na magkakasama.
Dumiretso sila sa isang opisina ng matalik na kaibigan ni Mr. Lim. Hinayaan lang nilang ang matanda ang pumasok rito, halos kalahing oras din namalagi ang matanda sa loob, kaya naman hindi maiwasang mainip ng ibang mga studyante sa paghihintay.
"Ma'am Estebal, ano pong ginagawa ni Mr. Lim sa loob ng building na 'yan?" Tanong ni Sunshine habang nakaturo.
"Mayroon lang siyang importanteng taong kinakausap. Huwag kayong mag-alala, kung sino man ang kinakausap ni Mr. Lim, alam kong matutulungan nila tayo." Wika ng guro.
"P-Pero paano naman po tayo roon nakakasiguro? Hindi ba't ilang beses na tayong naloko." Nag-aalangan na wika ni Sarah.
"Sa mga oras na 'to, wala na tayong magagawa kung hindi tumanggap ng tulong at magtiwala. Kailangan nating maging maging bukas sa mga posibleng tulong na maari nating makuha mula sa ibang tao. Mahirap mang isipin, pero hindi natin kakayanin kung tayo lang ang aaksyon. Lubhang mapanganib at makapangyarihan ang mga Mendoza. Kaya ka nilang linlangin at paikutin nang hindi man lang nagkakadungis ang kanilang mga kamay." Paliwanag ng guro sa dalaga. Nagbuntong-hininga lang si Myler at napapout.
"K-Kumusta na kaya sila Ma'am Sakura at Sir Zero? Yung iba nating mga kaklase, maayos kaya ang mga kalagayan nila? Sana naman.. sana.." Nag-aalalang bulong ng dalaga. Napangiti si Hiro't unti-unting inakbayan ang dalaga.
"Huwag kang mag-alala, nakasisiguro akong okay sila." Tugon ng binata. Napatingin si Myler sa mga mata nang binata, ngunit nang tignan din siya nito, pinili niyang umiwas. Napangiti't napailing lang ang binata dahil dito.
"Myler, kung ano man ang iniisip mo, itigil mo na 'yan. Hindi maganda 'yan. Tandaan mo, kahit anong mangyare, hindi kita papabayaan. Hindi ko hahayaang saktan ka nila, kahit na si Mayumi pa makaharap ko." Bulong ng binata sa dalaga, pagkatapos ay dahan-dahang humalik siya sa noo ng dalaga.
"I'm excited for this fight." Wika ni Cynah habang abala sa pagtingin ng mga litratong kanyang nakuha gamit si Iris. Napapout at bigla siyang tinabihan ni Cheska dahil sa kanyang sinabi.
"B-Bakit mo naman nasabi 'yan? Hindi ka ba natatakot." Tanong ng dalaga sa kaklase. "Hindi." matipid at diretsong sagot ni Cynah, kaya naman agad napahanga ang dalaga sa katapangan ng kaklase.
"Look at these pictures. We've been through bloody hell before we get here. It took a lot of bloodshed before we can finally reach our haven, there's no backing down. To live or not to live, I'll fight with all my might. It's time for my guts to be the catalyst in this fight, in that case, justice will be served." Malamig na wika ni Cynah habang pinapakita sa kanyang mga kaklase ang madudugong litratong nakuhanan niya.
"I agree. All of our deceased classmates' lives will be put to waste once we failed. This battle, whatever happens, we need to win. Dahil kung hindi, malaki ang tyansang ulitin nila ang karumaldumal at madugong aktibidad na ginagawa nila sa mga studyante ng St. Venille." Singit ni Czarinah sa usapan.
"No matter what happen, we'll fight them and won't show any sign of weakness! 4-6 fight!" Sigaw ni Karmina, pagkatapos ay malakas niyang itinaas ang kanyang kamay sa hangin.
"4-6 FIGHT!" Sabay-sabay na sigaw ng iba niyang mga kaklase, maliban kay Maxine. Malakas namang napapalakpak ang guro sa kanyang nakita. Tuwang-tuwa siya dahil sa ipinapakitang lakas ng loob at tapang ng kanyang mga studyante. Hindi pa nagtagal ay lumabas na si Mr. Lim sa loob ng building. Nagulat sila nang makitang may kasamang isang matipunong lalake ang matanda. Nakasuot ito ng uniporme ng pampulis at mahahalata sa mga nakasukbit sa kanyang uniporme na mataas na ang ranko nito. Sa kanilang likuran, kapansin-pansin ang napakaraming pulis sa sumusunod sa kanila. Dahil dito, unti-unti nilang naramdaman na hindi sila nag-iisa sa laban na 'to. Binuksan ni Mr. Lim ang pintuan ng van upang ipakilala ang kanyang matalik na kaibigan sa pulisya.
"Mga bata, sila ang tutulong sa atin laban sa mga Mendoza." Wika ng matanda.
"P-Pero.. hindi ba't pulis sila? Hindi ba hawak sila ni Mrs. Mendoza? B-Baka mamaya.." Nag-aalangan at natatakot na wika ni Sunshine.
"Hija, hindi porket may nakita kang masamang uri ng isang bagay, hindi ibig-sabihin n'on ay masama na silang lahat." Mahinahong paalala ng matanda sa dalaga.
"Maxine..." Tawag ni Mr. Lim sa dalaga, na agad din naman siyang tiningala.
"Alam kong alam mo kung nasaan si Mrs. Mendoza. Maaari mo bang tulungan kami rito?" Tanong ng matanda sa dalaga. Bahagyang napangiti si Maxine at nagbuntong-hininga.
"I think it's time to end this. It's time for her to wake up in this bloody nightmare." Bulong ni Maxine, pagkatapos ay sumama na siya sa matanda. Kahit na may alinlangan, tinulungan pa rin ni Maxine ang mga 'to sa pamamagitan ng pagturo sa eksaktong lokasyon kung saan naroroon ang ibang studyante. Alam niyang mahirap gawin dahil naging magulang niya na minsan si Mrs. Mendoza, at hindi niya inakalang kayang gawin ni Mrs. Mendoza ang mga bagay na 'to. Siguro, ito na ang tamang panahon para matapos ang lahat.
-
"Kahit na sa huling pagkakataon, gusto ko maging masaya ang larong 'to!" Sigaw ng matanda, pagkatapos ay pumalakpak siya ng tatlong beses. Napatingin ang ilan sa kanyang mga alagad sa kanya't agad kumilos. Tinignan niya si Sakura sa mga mata at tumawa ng mahina.
Kinakaladkad na ihinarap kay Sakura si Zero, Tristan at Lee. Sira-sira ang kanilang mga damit at halata na binugbog ang dalawng binata dahil sa mga malalaking pasa sa kanilang katawan. Nakatulala si Lee Miww habang tinitignan ang sahig. Gulo-gulo ang kanyang buhok habang nanginginig na hawak niya si Keiko, ang kanyang kulay puting pusa.
Ang maputing balahibo ni Keiko ay ngayo'y kulay pula na. Labas na ang isang mata, ay butas na ang tyan ng kanyang alaga. Pero kahit na ganoon, piniling hindi pakawalan ni Lee ang kanyang alaga sa kanyang mga kamay.
"K-Keiko.." Paulit-ulit na bulong ni Lee sa kanyang sarili. Unti-unting humigpit ang pagkakahawak ni Lee sa kanyang pusa. Hindi na napigilan ni Lee ang kanyang sarili kaya naman bigla niya na lamang nabitawan si Keiko. Kasabay ng pagbagsak ng kanyang pusa sa sahig ay ang pagbagsak ng kanyang luha.
"B-B-Bakit niyo pinatay si Keiko?! Bakit! Hindi niyo ba alam na siya na lamang ang natitirang ala-ala sa akin ng aking mama bago niya kami iwanan! Hindi niyo ba alam na siya na lamang ang kaibigan ko sa mundong 'to! B-Bakit niyo pinatay si Keiko!" Nagwawala't mangiyakngiyak na sigaw ni Lee Miww. Nanginginig ang kanyang mga binti, kaya naman unti-unti siyang umupo sa sahig. Tinitignan niya sa kanyang harapan ang walang buhay niyang alaga.
"M-Mama! Sabi mo hindi mo na 'ko iiwan! M-Mama!" Naiiyak na sigaw ni Lee. Hindi makapaniwala ang guro sa kanyang nakita. Madalas kasi, tahimik lang si Lee at pinipiling lagi nasa likuran. Gusto niyang mapag-isa lagi at walang kasama. Ang hilig niya lamang ay magobserba ng mga bagay sa kanyang paligiran. Pero isa ang ikinagulat niya ngayon, dahil ipinangalan ni Lee sa kanyang pusa ang pangalan ng kanyang ina... Si Keiko.
"Mama, hintayin mo 'ko sa kabila.. Malapit na tayong magkasama.." Mangiyakngiyak ng bulong ni Lee sa sarili, pagkatapos ay tumingala siya para tignan ang kisame.
"Patayin niyo na 'ko! Patayin niyo na 'ko! Patayin niyo na 'ko!" Nagmamakaawang sigaw ni Lee habang patuloy ang pag-agos ng luha. Bumungisngis lang ang matanda sa kanyang nakita't pinagtawanan pa ang dalaga.
"Masakit ba?! Iyan ang gusto kong iparamdam sa inyong lahat! At dahil mabait ako.. pagbibigyan kita." Nasasabik na wika ng matanda. Halata naman kay Xian ang pagkailang sa kanilang ginagawa. Alam ng binata na sobra na ang ginagawa ng kanyang lola, hindi na tama.
"Ikaw! Pakawalan niyo siya!" Sigaw ng matanda habang nakaturo kay Tristan, kaya agad naman nilang pinakawalan ang binata at binigyan ng baril.
"Kapalit ng iyong kalayaan ay ang buhay ng dalaga na nasa iyong harapan." Wika ng matanda. Napakunot ang noo ng binata at nag-alinlangan, pero sa ngayon, napagisip-isip niyang wala na siyang kakampi pa, lalo na't wala na si Kyla.
"L-Lee.." Bulong ng binata, halata sa kanyang mukha ang pagkaputla't kaba. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang braso at itinutok ang baril sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit niya itinaas ito't itinutok sa kaklase, pero sa ngayon, gusto niya lamang ay makita muli ang kanyang mga magulang.
"T-Tristan! 'Wag mong gawin 'yan, maawa ka!" Sigaw ni Sakura habang naluluha dahil sa kanyang mga nakikita.
"T-Tristan..." Pabulong na wika ni Lee. Dahan-dahan niyang pinulot ang walang buhay na katawan ni Keiko. Nakayukong naglakad papunta sa direksyon ni Tristan si Lee. Tumigil ang dalaga nang nasa harapan na ng kanyang noo ang baril na tinutok sa kanya ng binata.
"K-Kill me." Direktang wika ni Lee sa binata. Nanlaki ang mga mata ni Tristan nang marinig niya ang dalawang salitang 'yon mula sa bibig ni Lee.
"This is fun, isn't it?!" Sigaw ng matanda habang malakas na humahalakhalak sa kanyang nakikita.
"For pete's sake Tristan! Kill me already! Patayin mo na 'ko! Wala na ring saysay kung mabubuhay pa ko, gusto ko nang makasama si Mama't si Keiko! Hinihintay nila ako!" Pagmamakaawa ni Lee sa binata habang niyuyugyog niya ito. Dahil dito, nairita si Tristan sa ginagawang panggugulo sa kanya ni Lee, kaya hindi niya sinasadyang maitulak ang dalaga.
"Shut up! Lee! Stop it-" Paglalayo niya sa dalaga, pero natigil ito nang aksidente niyang matrigger ang baril. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang agad dumiretso ang bala sa noo ng dalaga. Pero ang napansin niya kay Lee, ay nakanigiti ito sa kanya't tila masaya pa siya sa ginawa sa kanya.
"Lee!" Sigaw ni Sakura habang nakikita niya ang unti-unting pagbagsak ni Lee Miww sa sahig.
"M-M-Mama..." Huling bulong ni Lee sa kanyang sarili bago siya tuluyang magpaalam sa mundong 'to. Agad binitawan ni Tristan ang kanyang hawak na baril, nanginig ang kanyang buong katawan nang makita niyang naliligo sa dugo ang kanyang dalawang kamay.
"Sorry! Lee Miww, sorry! Sorry!" Paulit-ulit na bulong ni Tristan sa kanyang sarili. Matapos ito, agad kumilos ang mga alagad ni Mrs. Mendoza at muling tinalian ng kamay si Tristan.
"Nagugustuhan mo ba ang palabas na ihinanda ko sa'yo ha?! Sakura!" Nangigigil na tanong ni Mrs. Mendoza sa guro, pagkatapos ay muli niyang sinabunutan ang dalaga. Halos malaglag na ang mga buhok ni Sakura dahil sa sobrang diin ng pagsabunot sa kanya ng matanda.
"Maybe I can't fight right now, but later, Karma will do justice for me." Malamig na bulong ni Sakura sa kanyang sarili.
"S-Sakura, 'wag kang mag-alala, matatapos din ang lahat ng 'to." Bulong ni Zero sa kanyang sarili habang nangigigil dahil wala siyang magawa kung hindi pagmasdan lang na pahirapan si Sakura.
"M-Madam, h-handa na raw po ang kwarto." Wika ni Hazel habang sumesenyas.
"Kung gayon, simulan na natin ang laro." Wika ng matanda, pagkatapos ay muling bumukas ang malaking telebisyon sa kanilang harapan.
-
Makikita sa loob ng isang kwarto sina Aeron, Alfheim, Jassie at Louie. Kasalukuyang nakasandal ang bawat isa sa apat na sulok ng kwarto. Bawat isa sa kanila ay mayroong mga nakataling panyo na may iba't-ibang klase ng kulay sa kanilang mga braso. Kulay pula kay Aeron, puti kay Alfheim, asul kay Jassie at itim naman kay Louie. Sa kanilang harapan may dalawang pintuan. Nilapitan nila ang isa't-isa at nagyakapan. Lahat sila'y natatakot at hindi alam kung ano ang mga susunod na kaganapan.
"Guys, kahit anong mangyare, kaya natin 'to. Hindi tayo susuko." Pampapalakas ng loob ni Aeron sa kanyang mga kasamang babae. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang mayroong kakaibang usok na lumabas sa kisame. Lahat sila'y tinakpan ang kanilang mga ilong at bibig upang hindi maamoy ang kakaibang usok na 'to.
"A-Aeron.." Nanghihinang bulong ni Alfheim na halatang nasusuffocate dahil sa unti-unting pagkapal ng usok sa loob ng kwarto.
"A-Alfheim! J-Jassie! Louie!" Sigaw niya sa mga pangalan ng kaklase. Hindi niya na maaninag ang mga 'to dahil napuno na ng tuluyan ang kwarto ng usok. Ilang saglit pa'y naramdaman niya na mayroong tao sa kanyang likuran. Hinawakan siya nito sa leeg at marahas na sinaksakan siya ng syringe sa kanyang braso. Bago pa man mawalan ng malay, napagmasdan niya ang unti-unting paghihiwalay sa kanila ng alagad ng mga Mendoza.
"A-Anong gagawin niyo sa kanila! Maawa ka! Itigil mo na 'to!" Sigaw ni Sakura. Mahahalata sa boses ng dalaga ang pagkapagod dahil sa matinding paos nito. Wala na siyang boses, ngunit sinusubukan at pwinepwersa niya pa ring sumigaw.
"Manood ka. Siguradong magugustuhan mo ang munti kong palabas na inihanda para sa inyong dalawa ni Doctor Oriztta. " Wika ng matanda.
Muli, bumukas ang tv sa kanilang harapan. Nahahati ang screen sa apat. Ang nasa upper left at upper right ay ang kwarto ni Alfheim at Aeron. Nakatayo ang dalaga sa isang gilid ng kwarto. Napansin niya rin ang mga taling nakapalibot sa kanyang katawan. Nakakonekta ito patungo sa kabilang kwarto. Dahan-dahan siyang tumalikod at nakita ang isang pader na punong-puno ng kutsilyo na nakaharap sa direksyon niya.
"Oh God, please help me." Malamig niyang bulong sa sarili.
"Ahhhh!" Sigaw ng isang lalake sa kabilang kwarto. Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang boses na iyon. Pamilyar at kilalang-kilala niya ang boses na 'yon. Si Aeron. Kahit na natatakot, sinubukan niyang lumapit sa pader na puno ng kutsilyo at sumigaw.
"A-Aeron!" Sigaw niya sa pangalan ng kaibigan. Nang marinig ni Aeron ang tawag ng kaklase, ay agad siyang sumagot.
"Alfheim! K-Kahit anong mangyare, gawin mo ang ipinapagawa nila. Kailangan nating mabuhay bes, hindi tayo papayag na magtagumpay sila sa maitim nilang balak." Wika ni Aeron. Ilang saglit pa'y narinig nila ang isang pamilyar na boses, boses ni Mrs. Mendoza.
"How cute. It sickens me. Hindi ko na papatagalin pa 'to. Sa kwartong inyong kinalalagyan, makikita ninyo ang mga tali na nagkakabit mula sa inyong buong katawan ay nagkokonekta sa kabilang kwarto. Ang kailangan niyo lamang gawin, ay lumabas. Oo, hahayaan ko kayong makatakas, pero hindi ganoon kasimple iyon. Sa bawat galaw na gagawin ng taong nasa isang kwarto, ay siyang pag-atras ng nasa kabila. Kapag ang isa sa inyo'y nagtagumpay, isa ang kailangan nang mamaalam." Paliwanag ng matanda na nasundan ng katakot-takot na tawa.
"A-Aeron..." Mahinang bulong ni Alfheim sa kanyang sarili. Dahan-dahan niyang isinarado ang kanyang mga palad ng mariin.
"Bes! 'Wag kang gumalaw! Walang mamatay sa'tin! Wala!" Naiinis na sigaw ni Alfheim. Dahil dito, napangiti ang matanda at itinaas ang kanyang kaliwang kamay. Nagulat ang dalawang studyante nang marahang bumukas ang isang pintuan sa magkabilang kwarto. Ang kailangan na lamang nilang gawin ay pumasok rito't lumabas. Nakita rin ng dalawa ang susi sa gilid na makapag-aalis ng mga bakal na nakatali sa kanilang buong katawan. Pinagpapawisan ang dalawang studyante at hindi malaman kung tama bang isipin ang kanilang sarili o ang kanilang matalik na kaibigan. Parehas silang napangiti't napailing.
"Kung sa tingin mo'y masisira mo ang pagkakaibigan namin, pwes nagkakamali ka!" Sigaw ni Aeron habang nakatingin sa tv na nakakabit sa gilid.
"We've been best friends since elementary, and hindi mo masisira 'yon ng basta-basta!" Dagdag ni Alfheim na nasa kabilang kwarto.
"Talaga lang ha?" Malamig na bulong ni Mrs. Mendoza sa kanyang sarili. Tinignan niya ang isa sa kanyang tauhan at tumango. Dali-dali namang tumakbo ang tauhang ito sa isang kwarto, pagkatapos ay mayroon siyang pinindot na kulay pulang button. Nanlaki ang mga mata ng dalawang studyante nang bumukas ang tv sa gilid ng kanilang mga kwarto. Isang slideshow ng kanilang pamilya't mahal sa buhay ang nagplay.
"Hindi niyo ba sila gusto makasama? Hindi niyo ba sila gusto makita? Alalahanin niyo, sila ang pamilya niyo. Kung mayroon mang isang bagay na importante sa buhay natin, isa ang pamilya roon." Wika ni Mrs. Mendoza. Dahil dito, unti-unting nabagabag ang dalawang studyante. Unti-unti, parang ginugusto nilang unahin ang sarili bago ang matalik nilang kaibigan.
"A-Alfheim.." Sigaw ni Aeron. Halata sa boses ng binata ang pag-aalangan at takot sa kanyang iniisip na gawin.
"Bes, 'wag! Kahit anong mangyare, 'wag mong gawin 'yan. She's deceiving us para tuluyang magtagumpay siya sa plano niya. Walang mangyayare kung magpapahulog tayo sa patibong niya-" Naputol ang kanyang sinasabi nang makita niya sa screen ang kanyang bunsong kapatid at ang kanyang mga lolo't lola.
"Lynchin.." Mahinang bulong ng ni Alfheim sa pangalan ng kanyang bunsong kapatid. Unti-unti, hindi na napigilan ng dalaga ang kanyang mga luha na bumagsak. Hindi niya alam kung tama, pero sa tingin niya, kailangan niya itong gawin.
"I'm so sorry Aeron, I'm so sorry." Bulong ng dalaga sa kanyang sarili. Nagult si Aeron nang maramdaman niya ang unti-unting pagtulak sa kanya palapit sa pader nang magsimulang lumakad papunta sa direksyon ng pintuan si Alfheim. Napakunot ang noo ni Aeron at pilit na nilabanan ito. Kaya nama'y napaatras din si Alfheim nang maramdaman niya ang paglaban ni Aeron.
"Alfheim! Ano 'to! Bes!" Nag-aalalang sigaw ng binata. Mariing ipinikit na lamang ni Alfheim ang kanyang mga mata at piniling ipagpatuloy ang kanyang pagtakas.
"I'm so sorry, Aeron. My family needs me." Malamig na bulong ni Alfheim, pagkatapos ay muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad.
"B-Bes! 'Wag mo 'tong gawin!" Sigaw ni Aeron nang maramdaman niya muli ang pag-atras niya. Kaunti na lamang ay malapit na si Aeron sa pader na napupuno ng kutsilyo. Pinilit ngumiti ng binata, pagkatapos ay pinunasan niya ang kanyang mga luha.
"S-Sige Alf! Naiintindihan kita. Alam kong mas kailangan ka ng pamilya mo, and alam kong mas may sense pang mabuhay ka kaysa sa'kin. Kaya go ahead, hinahayaan na kitang makatakas. Hindi na 'ko lalaban." Sigaw ng binata, pagkatapos ay yumuko na lamang ito. Dahil sa kanyang narinig, napaupo si Alfheim at tila nakonsenya. Walang humpay ang pagbagsak ng kanyang mga luha dahil sa mga nangyayare.
"I'm so sorry. I'm so sorry Aeron." Paulit-ulit na binubulong ni Alfheim sa kanyang sarili. Ngumiti si Aeron at dahan-dahang tumayo. Sinigurado niyang hindi mararamdaman ng tao sa kabila ang kanyang mga ginagawang pagkilos. Bago siya umaksyon, muli niyang nakita ang kanyang ina sa screen.
"Ma, at last, I'm coming home." Malamig na bulong ni Aeron sa kanyang sarili, pagkatapos ay bigla siyang tumakbo papunta sa direksyon ng pintuan. Nanlaki ang mga mata ni Alfheim at hindi kaagad nakatayo. Dire-diretso ang pag-atras ni Alfheim hanggang sa nagdirediretso na siya. Pinilit lumaban ni Alfheim ngunit sadyang malakas si Aeron. Dahil rito, patagilid ng tumama ang katawan ng dalaga sa pader. Unang natusok sa kanya ay ang kanyang pisngi, dahan-dahang tumagos ang malalaki't mahahabang kutsilyo sa kanyang pisngi. Nadaanan din ng kutsilyo ang kanyang dila kaya agad nagdugo ang kanyang bibig. Ilang saglit lang, nawalan na agad ng buhay si Alfheim dahil sa bilis ng pagkawala ng dugo sa kanyang katawan.
Luhaan naman at walang humpay sa kakaiyak si Aeron habang dahan-dahan niyang inaalis ang mga tali sa kanyang katawan. "Diyos ko, patawarin niyo 'ko." malamig at nanginginig na bulong ni Aeron sa kanyang sarili. Hindi niya lubusang maisip na nagawa niya iyon sa kanyang pinakamatalik na kaibigan.
"A-Ano bang nakukuha mo rito! Ano! Sabihin mo sa'kin!" Sigaw ni Sakura. Napatingin si Xian sa kanyang lola at tuluyan nang hindi kinaya ang kanyang pinaggagawa. Palihim siyang umalis sa loob ng kwarto upang tulungan ang apat niyang kaklase.
"P-Parang awa niyo na ho, itigil niyo na 'to." Pagmamakaawa ni Zero sa matanda, pero hindi siya nito pinansin at nginitian lamang.
"Ipakita ang susunod na palabas." Bulong ng matanda. Sa isang kwarto, naroon sina Louie at Jassie. Nakatali ang kanilang mga kamay ng mahigpit. Maputla na ang dalawa sa sobrang kakaisip at kaba sa mga susunod na mangyayare.
"J-Jass, natatakot ako." Bulong ni Louie kay Jassie.
"A-A-Ako rin Ven, pero 'wag kang mag-alala. Kaya natin 'to. 4-6 fight." Nanginginig na bulong niya sa kanyang kaibigan.
"God will always help us. God will always be there for us. God won't leave us." Pampapalakas ng loob na bulong ni Jassie sa kaibigan.
"God will save us." Sabay na wika ng dalawang dalaga, pagkatapos ay nagulat sila nang mamatay ang ilaw. Nataranta din si Mrs. Mendoza nang makita niyang biglang nagpower-off ang buong building. Matapos ni Xian patayin ang switch, alam niyang limitado lang ang kanyang oras, kaya naman agad siyang umaksyon. Pumasok siya sa loob ng kwarto kung nasaan sina Jassie at Venice. Dali-dali niyang pinutol ang tali sa kanilang mga kamay gamit ang isang kutsilyo.
"X-Xian help us.." Pagmamakaawa ni Jassie sa binata.
"X-Xian.." Malamig na bulong ni Louie.
"G-Go! Leave this place, and call for help." Bulong ni Xian sa dalawang dalaga, pero bago pa man sila umalis, tinanong ni Louie si Xian.
"P-Pero paano ka?" Nag-aalalang tanong ng dalaga.
"I'll be fine. Trust me." Wika ng binata na nasundan ng matamis na ngiti. "Now go. Go leave this place and call for help. Let's end this nightmare together." Huling wika ni Xian sa mga kaibigan. Pagkaalis na pagkaalis ng dalawa, nakasalubong ni Xian si Hazel habang naglalakad siya sa hallway. Nakita ni Hazel ang unti-unting paglayo ng dalawang babae.
"X-Xian anong ginagawa mo! Tanga ka ba?!" Nangigigil na sigaw ni Hazel sa binata.
"A-Ate Hazel, hindi tama 'tong ginagawa natin. Ayoko na gawin 'to. Ate Hazel, mga kaibigan ko sila." Depensa't pagpapaliwanag ng binata.
"Kaya ka hindi matanggap-tanggap ng lola mo! Napakahina mo! Hindi ba't napag-usapan na natin 'to? Sabi mo sa'kin, gusto mo matanggap ka ng lola mo. Pumayag ka namang gawin 'to nung una pa lang hindi ba? Eh bakit ngayon ka pa nagkakaganyan kung kailan kaunti na lang, magiging okay na ang lahat. Tigi-" Naputol ang kanyang sinasabi nang sumagot si Xian.
"Hindi na baleng hindi na 'ko matanggap ng lola ko. Siguro, panahon na para magising tayo sa katotohanang kahit kailan, hindi niya talaga ako matatanggap. Hindi niya ko ituturing na apo dahil hindi ako Mendoza! All this time ate! Alam kong ginagamit niya lang ako, pero ano? Hinayaan ko siya. Hinayaan ko siya na patayin ang mga kaibigan ko. Hinayaan ko siyang maraming tao ang madamay. Hinayaan ko siyang maging gan'to. I need to wake her up in this silly dream. It's time for her to face the aftermath of this one hell of a bloody nightmare." Wika ni Xian. Pipigilan sana siya ni Hazel pero tinutukan siya ng binata ng kutsilyo.
"You won't get away with this!" Sigaw ni Hazel, pagkatapos ay hinabol siya nito't sinubukang pigilan. Hindi na nag-alinlangan pa si Xian na patayin siya. Dali-dali niyang sinaksak ang kutsilyo sa tagiliran ng dalaga.
"Kahit anong gawin mo, you're still one of us." Nanginginig na bulong ni Hazel, pagkatapos ay pinaputukan niya ng baril si Xian, na agad ding natamaan sa kanyang tagiliran.
"Isn't it funny? I don't f*cking care at all." Bulong ng binata, pagkatapos ay pwinersa niyang idiin pa ang kutsilyo sa tyan ni Hazel. Habang idinidiin ipinapaikot-ikot niya ang kutsilyo sa kanyang palad. Sa sobrang diin, halos mapasok niya na ang kanyang kamay dito.
"Sweet dreams, ate." Huli niyang bulong sa dalaga, pagkatapos ay agad-agad siyang bumagsak. Sumunod na pinuntahan ni Xian ay ang alarms system, nang makita niya ang isa-isang pagdating ng mga kotse sa gilid, inoff niya na ito. Laking tuwa niya nang makita si Mr. Lim kasama ang mga armadong lalaki. Kahit na nalulungkot siya sa mga nangyayare, kailangan niyang gawin ang tama, kahit na pamilya niya na ang masasagasaan nito.
"It's time." Bulong ni Xian sa kanyang sarili, pagkatapos ay mahigpit niyang hinawak ang kanyang baril at pumosisyon na, kung saan sa likuran ng stage.
Mabilis na nagsipasukan ang mga kasama ni Mr. Lim. Madali nilang napasok at nasecure ang area. Muli, naion ng isa sa tauhan ni Mrs. Mendoza ang powerswitch, pero agad din namang nahuli ang tauhang ito. Narescue na rin nila ang mga natitirang studyante na ikinulong sa isang kwarto. Ang tanging lugar na lamang na naiwan ay ang gitna ng building, kung nasaan naroon ang stage. Unang pumasok sa loob ay si Mr. Lim.
"Maria!" Sigaw ng matanda habang papalapit. Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Mendoza nang marinig niya ang pangalang iyon. Dali-dali niyang inagaw ang baril ng isa sa kanyang mga alagad at tinutukan ang matanda ng baril.
"A-Anong ginagawa mo rito? Paano?! H-Huwag kang lalapit dito!" Sunod-sunod na tanong ni Mrs. Mendoza.
"Tapos na ang palabas. Oras na para magpaalam. Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo. Kasalukuyang hawak na namin ang karamihan sa iyong alagad, at higit sa lahat, nasa poder namin si Mark. Mark Mendoza." Malamig na wika ni Mr. Lim. Sumenyas ang matanda at biglang pinasok ng kanyang mga tauhan ang hall. Dali-daling pinakawalan sila Zero at Tristan, tanging si Sakura na lamang ang hindi nila magawang mailigtas dahil nakaupo ang dalaga sa tabi ni Mrs. Mendoza.
"Hindi! Hindi totoo 'yang mga pinagsasasabi niyo! Hindi 'to nangyayare! Hindi dapat ako matalo!" Natatarantang sigaw ng matanda. Yumuko saglit siya't biglang tumawa ng pagkalakas-lakas.
"Sa huling pagkakataon, gusto kong makipaglaro sa inyo." Wika ng matanda. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa likuran ni Sakura, pagkatapos ay hinaplos ang pisngi ng dalaga.
"Papapiliin ko kayo. Ang buhay ni Sakura Castaneto, o ang buhay ng mga studyanteng 'to." Tanong ng matanda, pagkatapos ay ipinalabas niya sa screen ang surveillance ng mga studyante ng St. Venille na kasalukuyang nagpaparty sa loob ng paaralan.
"H-Hindi maaari." Malamig na wika ni Mr. Lim habang pinagmamasdan ang surveillance video.
"Sa bawat sulok ng paaralan, mayroong mga nakatagong bomba. Isang pagkakamali niyo lamang, kaya kong pasabugin ang lahat ng 'to. Ngayon, pinapapili kita. Sinong pipiliin mo, si Sakura o sila?" Tanong ni Maria sa matanda. Nang marinig 'to ni Zero ay agad siyang sumingit sa usapan.
"Huwag mong idamay si Sakura rito! Kung gusto mo, ako na lang. Huwag na siya." Pakiusap ng binata.
"How pathetic. What if I choose both?" Mapagkalarong wika ng matanda. Dahan-dahan niyang itinutok ang kanyang baril sa ulo ni Sakura, at ang isa namang kamay ay hawak ang isang maliit na device kung saan naroon ang button para mapasabog ang mga bomba.
"M-Maria.." Nawawalang pag-asa na wika ni Mr. Lim. Dahan-dahan niyan itinaas ang kanyang kamay at ipinaseizefire na muna.
"Pag-usapan natin 'to." Wika ng matanda, pero tinawanan lang siya nito.
"'Yon naman pala eh! Even if I lose, I will make this a night you won't forget-" Wika ng matanda, pero natigil siya nang maramdaman niyang mayroong dumikit sa kanyang likuran.
"This is the last straw." Bulong ni Xian sa kanyang lola. Dahan-dahan siyang nilingon ni Mrs. Mendoza't napangiti.
"This is why I won't accept you in our family. You're weak. Just like your mom." Bulong ng matanda.
"Huwag na huwag mong idadamay si Mama rito!" Sigaw ni Xian, pagkatapos ay sinakal niya patalikod ang matanda, dahilan para mabitawan niya ang button para sa mga bomba. Walang humpay na pinakawalan ni Mrs. Mendoza ang pagpapaputok ng kanyang baril.
"Xian! Xian, pagbabayaran mo 'to!" Pananakot ni Maria sa kanyang apo. Gumulong ang device papunta sa harapan ni Maxine, agad niya itong pinulot at iwinagayway habang nakikita niyang nakatingin sa kanya si Mrs. Mendoza.
"M-M-Maxine, anak. Pindutin mo! Pindutin mo!" Sigaw ng matanda, pero umiling lang ang dalaga't dumiretso papunta kila Mr. Lim.
"It's been a good show, but everything has an ending. And that ending, is today." Bulong ni Maxine. Nagawa ring maagaw ni Xian ang baril ng matanda mula sa kanya. Pagkatapos ay ihinagis niya ito papalayo. Napupo na rin siya sa gilid dahil sa kanyang sugat na tinamo.
"Game over." Sigaw ni Mr. Lim, pagkatapos ay pinasugod niya na ang kanyang mga alagad. Pinakawalan na nila si Sakura at hinuli si Mrs. Mendoza. Habang inilalabas nila ng building si Mrs. Mendoza. Sinubukang kumawala ng matanda at inagaw ang baril ng isa sa mga alagad ni Mr. Lim. Itinutok niya ito kay Sakura at sumigaw.
- - - Play the song Scared to Death by KZ Tandingan - - -
"This is for Shannah! Ahhhhhh!" Napakalakas na sigaw ng matanda, pagkatapos ay sunod-sunod siyang nagpakawala ng bala. Bago pa man matamaan si Sakura, niyakap siya ni Zero, dahilan para matamaan ang binata.
"Z-Zero.." Bulong ni Sakura habang yakak-yakap ang binata. Ngumiti lang siya't napailing.
"S-Sakura, ligtas ka na." Bulong ng binata.
"Z-Zero, huwag mo kong iwan. Z-Zero! Zero!" Sigaw ni Sakura habang patuloy ang agos ng luha.
"Hindi ko hahayaang mawala ang isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko. S-S-Sakura, hindi mo lang pansin, pero mahal -" Hindi na naituloy pa ni Zero ang kanyang sinasabi nang tuluyan na siyang mawalan ng malay. Nanlumo ang dalaga nang makita niya ang unti-unting pagbagsak ni Zero sa sahig. Agad silang tinulungan at isinugod sa malapit na ospital.
Habang isinusugod si Zero papasok sa Emergency Room, hindi magawang bitawan ni Sakura ang kamay ng binata. Mahigpit niya itong hawak-hawak at tila ayaw nang pakawalan pa. Hindi alintana sa kanya ang walang humpay na pagbuhos ng kanyang mga luha sa mata. Hindi rin magkandamayaw ang pagbulong niya ng mga salita't paalala sa binata bago siya tuluyang ipasok sa Emergency Room.
"Zero, lumaban ka. Huwag mo 'kong iwan. Zero please. Maging matapang ka, alam kong kaya mo 'yan . Huwag kang magpatalo Zero, be strong." Wika ng dalaga, pagkatapos ay tuluyan nang ipinasok ang binata papasok sa loob.
"Zero, don't give up on me..." Bulong ng dalaga sa kanyang sarili. Pagkatapos ay umupo siya gilid at nagsimulang magdasal at umasa na magiging okay ang kalagayan ng binata. Umupo sa kanyang tabi si Mr. Lim at ikwinento ang mga nangyari habang nasa poder siya ng mga Mendoza. Ihinayag din ng abogado kung ano ang plano nila laban sa mga Mendoza. Lahat ng studyante ay nakabalik na sa kanilang mga pamilya, maliban kay Xian. Dahil kahit na sinaktan at iniwan niya si Mr. lim, pinili pa ron ng matanda na magpatawad at muling tanggapin si Xian.
Matapos ang ilang buwan, mabilis na umusad ang kaso laban sa mga Mendoza. Madali silang napatunayang guilty dahil sa rami ng testimonya ng mga testigo at ebidensya. Ikinulong sila sa pinakamahigpit na kulungan sa bansa. Pinatawan sila ng korte ng habang-buhay na pagkabilanggo sa patong-patong na krimen na kanilang ginawa. Ang lahat ng kanilang mga natirang kayamanan ay kinuha rin ng gobyerno upang ipamigay sa kanilang mga nasagasaang pamilya.
Ang paaralang St. Venille ay muling isinarado, at sa pagkakataong ito, ipinagiba dahil sa panganib na mayroong ngang mga bomba na nakatago sa mga 'to. Maayos na rin ang kalagayan ng mga studyanteng nakaligtas sa madugo't karumal-dumal na karanasan nila. Lahat sila'y maayos na nakabalik sa kanilang mga pamilya, at sa ngayon, lahat sila'y tahimik at sinusuportahan ang kanilang natirang guro, si Sakura.
-
Kasalukuyang naglalakad si Sakura sa papunta sa bahay nila Zero. Mayroon siyang dala-dalang basket na puno ng prutas. Magtatatlong buwan na rin ang nakalipas matapos ang insidente, pero hanggang sa ngayon, nagpapagaling pa rin si Zero. Pagpasok niya ng kwarto, nagulat siya nang makitang wala si Zero sa kanyang higaan. Nabitawan niya ang kanyang hawak na basket at agad hinanahap ang binata.
"Z-Zero?" Tanong niya sa sarili, pagkatapos ay nakita niya ang isang litrato sa higaan ng binata. Ang kanilang class picture. Napakunot ang kanyang noo at naluha. Napalingon siya nang makarinig siya ng ingay mula sa labas. Agad siyang lumabas ng kwarto ni Zero upang hanapin ang binata. Pagkarating niya sa salas ay nagulat siya kanyang nasaksihan.
Nakakalat ang mga polaroids sa sahig. Mayroon ding mga petals ng iba't-ibang klaseng bulaklak. Napakunot ang kanyang noo dahil halos lahat ng mga 'to ay stolen shots, at kapansin-pansin na ito ay kinuha noong highschool pa sila. Hindi niya lubusang maisip na tahimik na kinukuhanan siya ni Zero noon ng mga litrato. Tahimik lang kasi ang binata't laging nasa gilid, katulad niya.
Dinala siya ng mga polaroids na 'to paakyat ng hagdanan. Habang papalapit siya ng papalapit, unti-unting nagbabago ang mga larawan. May mga kuhang masasaya, may mga kuha rin namang malulungkot. Hanggang sa marating niya ang isang pintuan. Sa harap ng pintuan ay mayroong litrato na nakadikit sa harapan nito. Muli, ito ang kanilang class picture. Kinuha niya ito at tinignan ang likuran. Napangiti na lang siya nang makita niya ang message sa likod nito. "First picture natin together. :)". Napailing siya't napangiti dahan-dahang binuksan ang pintuan.
"S-Sakura.." Mahinhing tawag sa kanya ng binata.
"H-Hindi ko maintindihan. B-Bakit ang dami mong litrato ko? P-Pero hindi ba si Tiffany ang gusto mo noon?" Tanong ni Sakura na halatang naguguluhan.
"Sa totoo lang, ikaw talaga ang gusto ko. Natatakot lang ako kasi baka iwasan mo 'ko. Natatakot ako kasi baka layuan mo ko. Pinili ko lang na maging close kami ni Tiffany, dahil una pa lang, alam kong may kakaiba na sa kanya. Hindi ko inaasahan na mahuhulog pala ako sa kanya. Sakura, yung sinabi ko sa'yo, totoo 'yon. Mahal kita." Wika ng binata. Hindi na naiwasan pa ni Sakura na mapangiti.
"Sakura, ayoko nang mawala ka pa sa buhay ko. And I'll be forever grateful to spend my life with you. In life or in death, I'll love you, forever." Bulong ni Zack sa dalaga.
"B-But I can't." Nanginginig na bulong ni Sakura, pagkatapos ay pilit niyang inalayo ang kanyang tingin kay Zero.
"Sakura." Muli niyang tawag sa dalaga, pagkatapos ay tinignan niya 'to sa kanyang mga mata.
"If you're scared, I'll be here. No matter what happen, I'll always be here. Alam kong masyadong mabilis ang mga nangyayare, pero tandaan mo, nandito lang lagi ako sa likuran mo. Nabigo man akong protektahan si Zoey, pwes ngayon, hinding-hindi na 'ko mabibigo. Gagawin ko ang lahat para maging ligtas ka, para maging ligtas tayo." Bulong ni Zero sa dalaga, pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo.
"Itong litratong ito." Bulong niya kay Sakura, pagkatapos ay ipinakita niya ang kanilang class picture.
"In life, this will mean so much for the both of us. This picture taught us to be strong, to persevere, to know and lastly, to love." Muli, hinarap ni Zero si Sakura sa kanya at tinignan diretso sa kanyang mga mata.
"I love you Sakura Castaneto." Wika ni Zero, pagkatapos ay ginulo-gulo niya ang buhok ng dalaga. Nakayuko lang si Sakura at halatang namumula.
"I-I l-lo-love you too." Nahihiyang sagot ni Sakura. Ngumiti lang si Zero at muling niyakap ang dalaga. Ilang saglit pa ang nakalipas, dumating na ang mga natirang studyante ng pang-anim na seksyon. Lahat sila'y masayang nagkwe-kwentuhan at nag-aasaran. Sabay-sabay din silang kumain habang pinagmasdan ang unti-unting pagbaba ng araw.
end.
author's note:
Hi guys! Did you liked the ending? I bet you do, 'coz I super liked it. Sana nagustuhan niyo 'tong munting storya ko. And kahit papaano, sana masabi niyo na nabigyan ko ng justice yung book two ng Class Picture. Sana nag-enjoy kayo ng sobra sa librong 'to, and hopefully, may natutunan kayong lesson. I love you all guys! And sa mga hindi pa nakakaalam, lalaki po si author, yung iba kasi miss/ate pa rin yung tawag. Hahahaha, ahmm ano pa ba?
Sa mga hindi pa member ng wonderland natin, search niyo lang sa Facebook FR Wonderland.
And, DON'T REMOVE this from your library. May EXTRA CHAPTERS pang paparating, and it'll only be available for my wattpad followers (due to some reasons).
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro