Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CP40:The Last Straw (1.2)

Tumigil ang isang van sa tapat ng napakalaking mansyon. Matatanaw sa labas ng mansyon ang napakagarang mga antique na kagamitan. May mga statwang nakakalat bilang desenyo sa buong kapaligiran, kaayaaya rin pagmasdan ang mga iba't-ibang klaseng bulalaklak na nakakalat. Sabay-sabay silang bumaba ng sasakyan. Lahat sila'y manghang-mangha sa angking kagandahan ng mansyon. Tinignan ni Maxine ang gilid ng gate at nakita ang isang kulay gintong plaka. Mayroong nakaukit na "Chui" rito. Napakunot ang kanyang noo at biglang may naalala. Hindi na nag-aksaya pa si Karmina ng oras at siya na mismo ang pumindot ng doorbell.


"May tao kaya riyan?" Tanong ni Kramer sa kanyang mga kasama.


"S-Siguro?" Wika ni Cynah habang abala sa pagkuha ng litrato sa paligid.


"Ang creepy naman dito, feeling ko may multo diyan." Singit ni Sunshine sa usapan. Tinigil muna ni Cynah ang kanyang pagkuha ng litrato upang lingunin si Sunshine.


"Seriously?" Mataas na tonong tanong ni Cynah.


"Y-Yes, kasi.." Mag-eexplain pa lang sana si Cynah nang bigla siyang pinutol ni Sarah.


"Don't bother to explain. Just keep quiet na, okay." Wika ni Sarah sa kaklase. Ngumiti na lang si Sunshine at tumango.


"Hindi ko talaga maimagine na si Xian ang killer." Paglilihis ng usapan ni Sunshine, pagkatapos ay bigla siyang napayuko.


"Ako nga rin eh. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagawa sa atin yun. Eh hindi ba't siya pa nga ang tumulong sa atin nung gusto tayong patayin ni Rey." Singit ni Mikasa sa usapan.


"Darling, keep your friends close, and your enemies closer." Banat ni Sarah.


"B-But Xian, he looks innocent. Actually, too innocent. Kahit isang beses, hindi sumagi sa isipan kong siya ang killer all this time." Wika ni Czarinah.


"It's scary that a smile can hide tons of emotions, even the dark and creepy ones." Wika ni Cynah habang inaayos ang lens ng kanyang camera na si Iris.


"Don't be confused with someone's goodness. Remember, demons were once angels." Dagdag ni Cynah sa kanyang mga kaklase. Tinignan niya ang mga ito at tila hindi maipaliwanag ang mga mukha dahil sa kaba. Kaya naman agad niyang iniba ang topic.


"Ang ganda naman dito, parang feeling ko bumalik ako sa panahon ng mga lolo't lola ko." Bulong ni Myler sa sarili. Ngumiti si Hiroshi na nasa gilid lang niya't inakbayan ang dalaga.


"Oo nga bes eh, ang ganda. Parang ikaw." Banat ni Hiroshi sa dalaga, kaya naman napangiti bigla si Myler. Kinagat ng dalaga ang kanyang labi at tinignan ang binata sa kanyang mga mata.


"Bumabanat ka na naman ah? Bolero." Wika ni Myler habang pilit na iniiwasan ng tingin si Hiroshi.


"Ahh, ehh? Totoo kaya." Sambit ni Hiroshi, pagkatapos ay pilit na hinuhuli na tignan siya ni Myler. Hinawakan ng binata si Myler sa kanyang mga braso, pagkatapos ay tinignan siya sa kanyang mga mata.


"Maganda ka naman eh." Seryosong wika ng binata. Nagpout si Myler at tinakpan niya ang kanyang mga mukha.


"Tigilan mo ko Mr. Yamamoto kung ayaw mong masaktan kita dyan." Natetense na wika ni Myler.


"Pabebe." Bulong ni Czarinah habang nakatingin kila Myler at Hiro. Natawa naman ang nasa likod niyang si Mikasa.


"Ang bitter mo. Don't be a hater, just be happy for them." Bulong ni Mikasa sa dalaga.


"Wala naman akong problema sa pag-ibig eh. Hindi ko lang talaga makuha kung bakit masyado silang nagmamadali. We're just kids, we don't need to rush these kind of things such as love." Wika ni Czarinah.


"Besides, I don't believe that love is a pure inspiration in terms of studying. It's an obligation, and if failed to do so, it results to distraction." Dagdag ng dalaga.


"I don't get you Cza, you're so freakin' serious. Bitter ka lang talaga." Pang-aasar ni Mikasa sa kaklase, pagkatapos ay nakita nilang sumenyas na si Kramer. Ito ay hudyat na kailangan na nilang puumunta sa harapan ng gate, kung saan naroon ang iba pa nilang mga kasama. Mahigpit na hinawakan ni Karmina ang rehas ng gate nang makita ang isang matandang babae. Nakasuot ang babaeng ito ng kulay puting uniporme. 


"Ano pong kailangan ninyo?" Tanong sa kanila ng babae.


"K-Kailangan po namin makausap si Mr. Lim. Mayroon po siyang kailangan malaman, kailangan namin ang tulong niya." Paliwanag ni Karmina. Kumunot ang noo ng babae at bahagyang napakamot sa kanyang ulo.


"Ay nako, pasensya na po kayo, hindi po kasi kami nagpapapasok ng bisita basta-basta." Paumanhin ng babae.


"P-Pero ate, kailangan po talaga namin siyang makausap. Parang awa niyo na. Nasa panganib po ang mga buhay ng aking mga kaibigan. Kung hindi niya po kami matutulungan, mamamatay silang lahat." Pakiusap ni Karmina at ng kanyang mga kaklase.


"Sige na po ate.." Pakiusap ni Sunshine.


"Parang awa niyo na ho, kailangang-kailangan lang po talaga namin." Wika ni Kramer.


"Pasensya na po, pero hindi po talaga pwede." Muling pagtanggi ng babae.


Napatingin sila sa malayo nang makita ang kulay pulang kotseng paparating, kaya napadungaw din ang babae. Nang makita niya ang kotse, dali-dali niyang tinawag ang isa pa niyang kasama na abala s pagdidilig ng halaman. Parehas nilang binuksan ang making gate bilang pagsalubong sa kotseng ito. Habang papalapit nang papalapit ang kotse, sinaway sila nang kaninang babae na nasa gate.


"Tabe! Tumabe kayo diyan, may papasok na sasakyan." Sigaw ng babae sa mga studyante, pagkatapos ay inirapan sila nito.


"Ay. gumaganon? Gusto ata nito ng away eh." Bulong ni Sarah, pagkatapos ay inirapan niya rin ito.


"Nakakabeastmode si ate ha? Mukha na ngang beast, nangbebeastmode pa." Surang-sura na wika ni Sarah, pagkatapos ay inikot niya ang kanyang mga mata.


"Hayaan mo na, ikaw talaga." Biro sa kanya ni Kramer.


"T-Teka guys, huminto yung kotse oh.." Wika ni Sunshine habang nakaturo sa kotse. Papasok na sana ang kotse nang bigla itong huminto. Nagulat sila nang unti-unting bumukas ang salamin nito. Isang matandang lalaking may suot-suot na salamin ang sumilip sa kanila.


"You don't say? Aye?" Sarcastic na wika ni Cynah.


"Sino kayo? Anong kailangan niyo rito?" Tanong ng matandang lalaki, pagkatapos ay nakita niya ang patch ng St. Venille sa suot na baro ni Sunshine.


"S-S-St. Venille? TagaSt. Venille kayo?" Sumunod na tanong ng matanda. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kaba nang makita ito.


"Kailangan po namin ang tulong ni Mr. Lim, nasa panganib po ang buhay ng aking mga kaklase. Hawak po sila ngayon ng mga Mendoza." Pakiusap ni Karmina.


"Mendoza?! Kung gayon, halina, pumasok kayo't sa loob tayong lahat mag-usap." Anyaya niya sa mga studyante. Pinagabayan niya ang mga bisita sa dalawang yayang na nagbukas ng gate.


Isa-isa silang pumasok sa napakalaking bahay ni Mr. Lim. Napupuno ang kanyang silid-tanggapan ng magagarang gamit. Kapansin-pansin din ang mga nagkalat na simbolo ng anghel. Mayroong mga mukha ng anghel na nakaukit sa dingding, mga pigurin ng iba't-ibang anghel at mga paintings ng mga magagandang tanawin na nakadikit sa pader.


"Kanina, binanggit niyo ang salitang Mendoza, hindi ba?" Pag-uumpisa ni Mr. Lim ng usapan.


"Oho, ang mga Mendoza. Sila po ang dumukot sa mga kaklase ko." Magalang na sagot ni Mikasa sa matanda.


"Ilan na sa aming mga kaklase ang pinatay nila. At katulad ng sinabi sa amin ni teacher Sakura, buhay naman namin ngayon ang habol nila." Dagdag ni Kramer.


"S-Sakura? Sakura Castaneto?" Naguguluhang tanong ng lalaki sa mga studyante.


"Opo." Mabilis na pagsagot ni Karmina.


"B-Bakit po, may problema ho ba?" Dagdag ng dalaga.


"Si Miss Castaneto, isa siya sa mga survivors ng isa sa mga pinakamadugong trahedya sa St. Venille. Halos lahat ng kanyang mga kaklase ay namatay dahil sa kagagawan ng mga Mendoza. Ginawa nila ito para sa paghihiganti ng kanilang namayapang anak, si Sean." Pagpapaliwanag ng matanda, pagkatapos ay nagbuntong-hininga ito.


"Sinubukan kong bigyan ng hustisya ang mga buhay na kanilang kinuha, pero lubhang malakas silang manilaw ng tao. Ginagamit nila ang kanilang yaman upang makatakas sa batas. Higit pa rito, dahil mayroong mataas na posisyon si Mrs. Mendoza sa kapulisyahan, madali niyang namanipula't napaikot ang mga taong nakapalood dito. P-Pero huwag na kayong mag-alala, ang pagkakaalam ko, namatay parehas ng magulang ni Shannah Mendoza sa isang sunog. Karma nga naman, ika nga." Dagdag ng matanda.


"P-Pero buhay pa po si Mrs. Mendoza! Siya po ngayon ang may hawak sa mga kaklase namin. Tulungan niyo ho kami. Hindi rin po namin akalain na kasabwat ang kaklase naming si Xian at aming gurong si teacher Hazel sa mga pangyayareng ito." Pautal-utal at nanginginig na sumbong ni Myler. Nanlaki ang mga mata ng matanda nang marinig niya ang mga pangalang binangit ng dalaga.


"X-Xian?!" Nagulat na tanong ng matanda sa kanila.


"H-Hindi maari." Malamig na bulong ni Mr. Lim sa kanyang sarili. Napatingin bigla si Maxine sa matanda at biglang may naalala. Inalis niya ang kanyang pagkakasandal sa poste upang lapitan si Mr. Lim.


"Isa si Xian sa mga inalagaan mo, hindi ba? Kasama si Hazel? Hazel Chui." Curious na tanong ni Maxine.


"Oo." Diretsong sagot ng matanda.


"S-Si A-Andres, ang nakatatanda kong kapatid na lalake. Siya ang unang asawa ni Maria. Nagkaroon sila ng anak noong September 21, 1980. At ang ipinangalan nila sa kanya'y Thea. Maayos silang namumuhay, yun nga lang, hindi sila mayaman. Simple lamang at payak, buo at walang problema. Hanggang sa isang araw, nagdesisyon si Maria na lumuwas ng Maynila upang kumita ng mas malaking pera. Iniwan niya rito si Andres sa probinsya. Nagulat na lamang ako nang bigla naming nabalitaan na mayroon nang bagong kinakasama roon si Maria. Hindi namin napag-alaman ang kanyang tunay na pangalan, basta ang alam lang namin sa mga oras na iyon, isa siyang Mendoza. Kung saan isa sa mga pinamayamang pamilya sa mga panahong iyon." Pagkwekwento ni Mr. Lim.


"Ilang beses kaming nagpabalik-balik sa Maynila para hanapin lamang si Maria. Nagkaroon sila ng pag-uusap isang beses, ngunit pinagtabuyan lamang siya nito't sinabihan ng masasakit na salita. Umuwi kami ritong malungkot. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak gabi-gabi. Laging nakatulala't nakapirmi sa isang tabi. Nagulat na lamang ako isang araw, nawala na siya sa sariling katinuan." Dagdag ng matanda.


"A-Ano pong sumunod na nangyare?" Curious na tanong ni Sunshine.


"So ibig po bang sabihin, ay si Maria Mendoza na nanay ni Tiffany o Shannah Mendoza ang dahilan kung bakit po nabaliw ang kapatid niyo?" Tanong ni Hiroshi habang nakahawak sa kanyang baba, na tila malalim na nag-iisip.


"Oo. Akala ko nga'y doon na nagtatapos ang kwento. Akala ko, lulubayan na kami ng mga Mendoza, pero doon ako nagkamali." Sagot ng matanda, pagkatapos ay nagbuntong hininga ito.


"Nung araw April 1998, sumapit ang isang maligim na pangyayari. Nagulat na lamang ako, umuwi si Thea sa bahay ng punit-punit ang kanyang mga damit. Gulong-gulo ang kanyang buhok, at puno ng putik ang kanyang buong katawan. Sinalubong niya lamang ako ng mahigpit na yakap, pilit ko siyang tinatanong kung anong nangyare, pero hindi siya makapagsalita ng maayos. Ilang araw ko siyang pinilit na kausapin, ngunit lagi lang siyang nakayuko at umiiyak." Malungkot niyang pagkwekwento.


"S-Sino ho sa tingin niyo ang may gawa nito?!" Palabang tanong ni Karmina. Diretso siyang tinignan ng matanda sa kanayang mga mata, at binanggit ang salitang..


"Si Mark Mendoza. Ang bagong kinakasama ni Maria. Siya lamang ang alam kong may kakayahang gumawa nito. Sinubukan kong kausapin si Maria, ngunit tinaboy niya lamang kami ng kanyang anak na si Thea. Hindi ko alam, pero mukhang planado ang ginawa niya. Hindi ba't nakapagtataka? Isang buwan lamang ang nakalipas bago mamatay ang kanilang panganay na si Sean, bigla niyang pinagahasa si Thea?!" Galit na wika ng matanda, pagkatapos ay tumayo ito at pumwesto sa harapan ng bintana.


"Gusto ko sanang magdemanda, ngunit pinigilan ako ni Thea. G-Gusto kong bigyan siya ng hustisya, ngunit ganoon niya kamahal ang kanyang ina, kaya nama'y wala akong magawa." Naiinis na bulong ng matanda sa kanyang sarili. Hindi niya namamalayang bumabagsak na pala ang mga luha sa kanyang mga mata.


"A-Ano hong nangyare sa bata? Ipinaglaglag ho ba ni Thea?" Tanong ni Czarinah.


"Hindi. Isang buwan bago pa man sumapit ang kapanganakan ni Thea, nagulat na lamang ako nang mabalitaang dinakip sila ng mga armadong lalaki. Hinarang ang kanilang sasakyan ng mga 'to at sabay-sabay na tinutukan ng baril. Walang nagawa ang aking mga tauhan kung hindi ibigay si Thea sa kanila. Galit na galit ako sa sarili ko no'n, dahil pakiramdam ko, ang kapabayaan ko ang dahilan kung bakit siya nadakip." Wika ng matandang lalaki. Kitang-kita sa kanyang mga palad ang panggigigil. Tahimik naman ang lahat at abalang nakikinig sa mga sinasabi ng matanda. Naaawa sila sa sinapit ni Thea sa kamay ng mga Mendoza. Hindi rin nila mawaring isipin na kinaya ni Mrs. Mendoza na ganunin ang kanyang supling.


"Lubos akong nalumbay ng ilang buwan. Nagulat na lamang ako nang biglang dumating si Hazel sa bahay na bitbit na bata. Si Hazel ang isa sa mga inaalagaan ko rito, siya ang anak ng isa sa mga katulong ko rito. Inampon ko siya matapos mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente. Ayaw na siyang kupkupin ng iba nilang kamag-anak, kaya naman ako na ang nagkusa, pasasalamat ko na rin sa tulong na ibinigay ng kanyang mga magulang sa'kin." Wika ng matanda. Ang mga studyante ay manghang-mangha sa kanilang mga nalalaman. Gulat na gulat sila nang malaman ang kwento ng kanilang adviser.


"Hindi ko pinagsisisihang ampunin siya, hindi ko lang inaakalang isa rin siya sa mga magagawang lokohin ako. Ilang araw bago pumasok si Xian sa highschool, naririnig ko na ang madalas na pag-uusap ng dalawa tungkol sa mga Mendoza. Napansin kong nagkwekwento si Hazel kay Xian na kung gusto niya raw makita ang kanyang Lola, na si Mrs. Mendoza, kaya naman agad ko siyang kinausap agad tungkol dito. Akala ko'y makikinig siya sa'kin, pero ako na mismo ang nakahuli sa kanyang maitim na balak. Binabayaran siya ni Maria upang bantayan si Xian, at hindi pa nagtagal, tuluyan na nilang kinuha si Xian sa akin. Hindi na rin nagpakita pang muli si Hazel sa akin simula no'n." Sambit ng matanda, pagkatapos ay ngumiti siya nang makita ang isang paparating na kotse.


"Humanda na kayo, nariyan na ang sagot sa inyong mga problema. Haharapin na natin ang mga Mendoza. Tatapusin na natin ang kanilang kasakiman!" Malakas na sigaw ng matanda. Mayroong isang matandang babae ang bumaba rito, pagkatapos ay agad siyang napangiti nang makita si Mr. Lim sa bintana.


"Let's go go na. Iligtas na natin ang mga students ko right now." Wika ng matanda, pagkatapos ay hinawi niya ang kanyang mahabang kulay itim na buhok.


-

Mahigpit na hinawakan sa kanilang mga kamay sina Jassie, Venice, Alfheim at Aeron. Tilain sila sa kanilang mga kamay gamit ang makapal na lubid. Marahas silang inakyat sa entablado hanggang sa marating sila sa harapan ni Mrs. Mendoza.


"Kaawa-awa. Nagkamali kayo na pagkatiwalaan ang tangang babaeng 'to!" Sigaw niya habang dinuduro-duro si Sakura.


"Ni hindi niya nga nagawang mailigtas ang mga kaklase niya sa akin, kayo pa kaya! Hindi nyia nga nagawang mailigtas ang kapatid niya dahil sa katangahan niya!" Dagdag ng matanda. Nanlaki ang mga mata ni Sakura nang marinig niyang nadawit sa kanilang usapan ang kanyang nakababatang kapatid na si Zoey.


"Manahik ka! Wala kang alam! Papatayin kita! Papatayin kita!" Nagkukumahog na sigaw ni Sakura. Kitang-kita sa kanyang leeg ang naglalabasang ugat dahil sa sobrang gigil at galit. Ang kanyang mga mata'y nag-uumapoy sa sobrang gigil. Ngumiti lang si Mrs. Mendoza at nilapitan si Sakura. Mas lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi nang makita niya ang suot-suot na pendant ni Sakura.


"Ano 'to?!" Pasigaw na tanong sa dalaga habang hawak ang pendant.


"Huwag mong papakielaman 'yan! Huwag mong -" Naputol ang sinasabi ni Sakura nang biglang pinigtas ng matanda ang kwintas. Ramdam ni Sakura ang unti-unting paghiwalay ng kwintas na ito sa kanyang leeg. Pakiramdam niya, hindi lamang ang pendant ang inalis sa kanya, kung hindi pati na rin si Zoey.


"Hff, sino 'to? Kapatid mo?! Hahahaha! Dapat dito, sinusunog! Basura! Isa lamang 'tong basura!" Humagikgik na sigaw ng matanda, pagkatapos ay malakas niyang ibinalibag ang kwintas sa sahig, dahilan para masira ito. Hindi pa siya nakuntento at inutusan ang isa sa kanyang mga tauhan na isama sa pagsunog ng katawan ni Travis ang kwintas.

Napatingin si Xian sa kanyang guro. Mahigpit siyang napahawak sa kanyang suot na baro at tila kinukusot-kusot ito. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang konsensyang unti-unti siyang binabagabag habang pinapanood ang kalagayan ng kanyang adviser.


"L-Lola, tigilan niyo na 'to. Tigilan na natin 'to. Tama na." Pakiusap ni Xian sa kanyang lola. Agad siyang nilingon ng matanda.


"Ganyan ka ba kahina! Kasing-tanga ka rin ba ng nanay mong si Thea! Hindi mo ba alam kung bakit ko kayo tinakwil! Dahil mahina kayo! Sa mundong ating ginagalawan, kailangan mo maging malakas kung ayaw mong mapag-iwanan!" Paliwanag ng matanda sa kanyang apo.


"P-Pero Lola.." Pabulong na angal ni Xian.


"Itutuloy natin ito kahit na anong mangyari. Kung gusto mo silang tulungan, kailangan mo maging handa, dahil isa ako sa mga makakalaban mo. Akala ko ba gusto mong tanggapin kita bilang apo ko?! Pwes, sumunod ka sa mga sasabihin ko!" Pasigaw na wika ng matanda, pagkatapos ay inutusan niya na ang kanyang mga tauhan na ituloy ang kanilang ginagawa. Pinapunta niya na ang apat na studyante sa kwarto kung saan kailangan nilang gawin ang mga ihahamon sa kanila ng matanda. Ikinulong naman ang mga natirang studyante sa isang pang kwarto. Piniringan at itinali sa mga upuan ang mga 'to.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro