
CP39:Insanity's Nucleus
Tatlong magkakasunod na katok ang kanilang narinig. Lahat ng studyante ay nakatingin sa pintuan, hindi alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa labas. Mariing lumunok si Sakura at tinignan ang bawat studyante. Inutusan niya ang mga lalaki sa kwarto na harangan ang pintuan ng malalaking gamit upang hindi sila agarang mapasok ng mga 'to. Agad kumilos sila Keiffer, Kramer, Aeron at Hiroshi, tulong-tulong silang itinulak at ipwinesto sa harap ng pintuan ang malaking antique na aparador. Hindi naman nagpahuli ang mga babae, tumutulong din sila sa pagtatapat ng mga cabinet sa harap at gilid ng aparador bilang suporta.
"Buksan niyo 'to, kung ayaw niyo pang mamatay. Hindi ko kayo sasaktan." Sigaw ng isang lalaki sa labas na mas lalong nagbigay kaba sa kanila.
"A-Anong gagawin natin?" Nagpapanik na tanong ni Sarah sa kanyang mga kaklase.
"We tried to fight them, but we always fail. Do you think we can still win this?" Malamig na tanong ni Cheska habang unti-unting tumutulo ang kanyang mga luha. Bahagyang ngumiti si Jassie upang hindi ipakita sa kaibigan ang pag-aalala. Mahigpit niyang niyakap ang kaibigan at binulungan sa taenga.
"It's too late for us to back down. Be optimistic, refuse your pessimist feelings, 'coz if you didn't, those feelings will eat you." Bulong ni Jassie sa dalaga.
"Ma'am, are you planning that we're going to fight them?" Tanong ni Czarinah habang mahigpit na nakahawak sa kanyang damit.
"Of course we will! We're not going to give-up, this is not the end." Sagot ni Cynah sa kaklase.
Habang abala ang lahat, tahimik na nagmamasid si Sakura sa kanilang paligid. Bigla silang nagsigawan at nagpanik nang marinig nila ang malalakas na kalabog mula sa labas. Unti-unti na nang pwinepwersang buksan ang pintuan ng kwarto. Ang ibang mga babae ay mahigpit na nakayakap sa isa't-isa, ang mga lalake nama'y kanya-kanyang hawak ng kahit anong gamit na maari nilang magamit bilang armas.
Kahit na marami nang naririnig na tanong at reklamo sa kanya ang mga studyante, pinilit niya pa rin huwag silang pansinin. Marahan niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay na tila mayroong iniaabot sa itaas. Napangiti siya nang mayroon siyang nakapa, katulad ng kanyang inaasahan. Mariin niya itong hinawakan at pwinersang hatakin palabas. Natahimik ang lahat nang makita nilang mabuksan ni Sakura ang isang lagusan.
"Hindi ko alam kung saan papunta ang lagusang ito, pero sa sitwasyon natin ngayon, lahat ay kailangan nating subukan para makaligtas." Wika ni Sakura. Lahat ay nabigyan ng pag-asa na makaligtas, ngunit hindi nila inaasahan ang mga susunod na binitawang salita ng guro.
"Hindi maaring sumama ang lahat. Kailangan nating hatiin ang grupo, dahil kung mahahalata nila tayo, maaring hindi sila tumigil hanggang hindi tayo nahahanap." Seryosong wika ng guro. Lahat ng studyante ay nagkatinginan sa isa't-isa, hindi nila alam kung sino ang pipiliin nilang tatakas at magpapaiwan.
"Ako. Magpapaiwan ako." Buong tapang na wika ni Keiffer, kaya naman napatingin sa kanya ang iba niyang mga kaklase.
"Ako rin." Tugon nila Rence, Aeron, Alfheim, Travis, Jassie at Julieanne.
"Julieanne." Malamig na bulong ni Venice sa kaklase.
"Huwag kang mag-alala, I'll be fine." Pagaassure niya sa kaibigan.
"Magpapaiwan na rin ako." Sambit ni Venice, pagkatapos ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng dalaga.
"Kung gayon, ang mga piniling dumaan sa lagusang ito, kailangan niyong humingi ng tulong sa ibang tao. Pumunta kayo sa address na 'to, hanapin niyo si Mr. Lim, isa siyang abogado na nag-asikaso ng trahedya sa St. Venille sampung taon na ang nakakaraan. Kailangan niyong puntahan kung nasaan siya ngayon, siya lamang ang tanging makakatulong sa atin ngayon." Tuloy-tuloy na wika ni Sakura. Hinawakan niya ng mahigpit si Mikasa sa kanyang mga braso habang tinitignan ang dalaga sa kanyang mga mata.
"Kahit anong mangyare, 'wag kayong susuko." Bilin sa kanya ng guro, tumango si Mikasa at nilingon ang kanyang mga kasama. Kinuha niya ang flashlight sa gilid at tuluyan nang pinasok ang lagusan. Sabay-sabay nilang binaybay ang lagusan habang naiwan naman ang iba sa kwarto. Agad nagtulungan ang mga studyante na ibalik ang aparador upang matakpan ang lagusan na kanilang nadiskubre.
Ilang saglit na lamang ay nakarinig sila ng malakas na ingay, nagtagumpay sila sa pagbubukas ng pintuan. Mabilis na tumumba ang mga cabinet na ginawa nilang pangharang na ikinatkot ng mga studyanteng piniling magpaiwan.
"H-Huwag kayong matakot." Wika ni Sakura sa kanyang mga studyante.
"X-Xian?" Naguguluhang tanong ni Sunshine habang nakatingin sa binata.
"How could you! We trusted you!" Nagkukumahog na sigaw ni Sarah, pero pilit na iniwasan ng binata na magbitiw ng kahit anong salita. Hinayaan niya ang kanyang mga kasama ang dumakip sa kanyang mga kaklase. Isa-isa silang piniringan sa mga mata, at iginapos ang kanilang mga kamay sa makapal na lubid. Lahat na ng mga studyante ay mayroon nang mga piring at tali, maliban na lamang kay Sakura. Dahan-dahang nilapitan siya ni Xian habang suot-suot ang kanyang matamis na ngiti. Nagbuntong-hininga ang binata bago tuluyang tignan ang guro sa kanyang mga mata.
"Anong kailangan mo sa'kin?" Diretsong tanong ni Sakura sa studyante. Natawa ng malakas ang binata sa tanong ng guro.
"Miss Sakura, nakakatawa ka talaga." Biro ni Xian.
"I have no time for jokes, if you wanted to kill me, go ahead." Wika ni Sakura sa binata, pagkatapos ay dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang suot-suot na pendant. "We'll be together soon, sister." bulong niya sa sarili.
"No need, may gusto pang makipagkita sa'yo." Seryosong wika ni Xian, pagkatapos ay biglang piniringan si Sakura ng isa sa mga tauhan ng binata. Mabilis din siyang tinalian sa mga kamay. Hindi na pinili ni Sakura na lumaban, sumama siya kila Xian ng maluwag sa kanyang kalooban.
Isa-isang ipinasok ang mga studyante sa mga van na nakaparada sa labas ng Meeting Hall. Nang makita ni Xian na okay na ang lahat, itinaas niya ang kanyang kanang kamay at sumenyas. Sabay-sabay silang nagsialisan palabas ng Villa Des Monyos.
-
Madilim, marumi at mayroong nakakasulasok na amoy, ilan lamang iyan sa maaring maglarawan sa kinalalagyan ngayon ni Karmina. Nakaupo't pinagsisiksikan niya ang kanyang sarili sa gilid ng pantry. Nakatakip angk anyang dalawang kamay sa kanyang bibig at ilong para hindi niya maamoy ang umaalingasaw na mabaho sa kwarto. Ilang minuto siyang naroon lamang sa kanyang posisyon, pinapakiramdaman kung mayroon pang tao sa labas ng pantry. Laking tuwa niya nang marinig niya ang ilaw busena ng sasakyan mula sa labas, inaakalang lumisan na si Xian at kanyang mga kasama.
Marahan siyang tumayo sa kanyang kinauupuan, naglakad siya sa napakadilim na lugar, kinakapa niya ang pader sa paghahanap ng ilaw. Nang may maramdaman siyang switch ng ilaw, agad niya itong binuksan. Sa hindi inaasahan, napasigaw siya sa kanyang nakita.
"Ahh-ehhh.." Nanginginig niyang bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang mga katawang nakasabit sa mga hook na nakakabit sa kisame. Tinakpan niya na lamang muli ang kanyang bibig sa pagpipigil ng kanyang sigaw. Kitang-kita niya kung paano kainin at maglamas-pasok ang mga malalaking bulate sa mga bangkay na nakasabit. Isa ang matanda, isang studyante at isang lalaki, pero lahat sila ay hindi niya mamukhaan. Hindi niya na napigilan ang kanyang sarili kaya lumabas na siya rito.
Sumalubong sa kanya sa labas si Maxine, nakaupo siya sa mahabang bench habang nakatingala sa malakulay dagat na kalangitan. Napalunok ng mariin si Karmina sa kanyang kaba, pero wala na siyang nagawa kung hindi lapitan na lamang ang dalaga.
"M-Maxine." Mahinang tawag niya sa pangalan ng dalaga. Agad naman siyang nilingon nito, kitang-kita sa kanyang mga mata ang dilim ng kalungkutan kanyang nadarama. Kahit na nagdadalawang-isip si Karmina na hingan ng tulong ang dalaga, sinubukan niya pa rin.
"T-Tulungan mo 'ko, tulungan mo kami." Pautal-utal na wika ni Karmina. Tahimik siyang tinignan ni Maxine diretso sa kanyang mga walang kaemo-emosyong mga mata.
"Don't you know I'm your foe? I can kill you right now if I wanted to." Malamig na wika ng dalaga, pero tinibayan ni Karmina ang kanyang loob. Tumayo si Maxine sa kanyang kinauupuan, nilapitan niya si Karmina, pagkatapos hinawakan siya sa kanyang leeg.
"I can see the hope in your eyes, it disturbs me." Malamig na bulong niya sa dalaga. "Maxine." bulong ni Karmina sa kaklase.
"Karmina!" Sigaw ng ilang babae na nagsisitakbuhan papunta sa kanilang direksyon. Agad binitawan ni Maxine ang pagkakahawak niya sa leeg ng dalaga. Agad silang sinalubong ng mahihigpit na yakap. Tuwang-tuwa ang bawat isa sa kanilang pagkakahanap sa dalawa nilang kasama.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Sarah sa dalaga, tumango lang si Karmina bilang pagsang-ayon.
"Sigurado ka? Wala kang sugat o ano?" Dagdag na tanong sa kanya ni Sarah, pero tumango lang ulit siya.
"Teka, ano nangyare sa inyo? Nasaan na ang iba nating mga kaklase? Si teacher Sakura?" Sunod-sunod na tanong ni Karmina kay Mikasa.
"Mayroon tayong kailangan gawin, 'wag na tayo mag-aksaya pa ng oras. Kailangan nating mahanap si Mr. Lim." Biglang singit ni Czarinah sa usapan ng dalawa.
"Tama si Cza, kumilos na tayo." Dagdag ni Myler.
"M-Mister Lim?! B-Bakit, anong kailangan niyo sa kanya?" Curious na tanong ni Maxine sa grupo.
"Siya kasi ang abogado na naghawak sa kaso ng pang-anim na seksyon ng St. Venille noong mga nakaraang taon. Kailangan natin siyang makausap upang humingi ng tulong." Wika ni Hiroshi.
"Saan naman kaya tayo magsisimulang hanapin 'yon?" Mataray na tanong ni Sarah.
"Ewan ko." Sagot ni Sunshine habang nakatulala.
"H-Huwag kayong mag-alala alam ko kung nasaan ang hinahananp niyong tao." Matamlay na wika ni Maxine. Tila may iniisip ang dalaga sa kanyang mga narinig.
"Ganun ba? Tara na, puntahan na natin si Mr. Lim!" Magalak na anyaya ni Hiroshi sa mga kasama habang papunta sa van na ginamit ni Zero. Alam niya kasi kung saan itinago ng doktor ang susi, kaya nagdesisyon siyang kuhanin ito bago sila tuluyang lumisan ng kwarto. Isa-isa silang sumakay ng van, lahat sila ay nag-aalala kung ano na ang nangyayare sa kanilang ibang mga kasama.
-
Dinala ang mga studyante sa isang malaking kwarto. Kung susuriin, kasing laki ito ng isang basketball court, ang pinagkaiba nga lang dito ay mayroon siyang malaking entablado sa harapan. Lahat sila ay mahigpit na nakatali ang kanilang mga kamay sa bakal na upuan.
"Maligayang pagdating.." Masayang bati ng isang matandang habang isa-isang ipinapasok ang mga nabihag nilang studyante't guro. Nakaupo ang matanda sa kulay pulang upuan. Nasa kanyang tabi si Xian at si Ms. Hazel, parehas ang dalawa nakayuko at tila ayaw tignan ang mga dumarating na tao. Mayroon siyang isang tinignan na tauhan at sinenyasan. Agad kumilos ang lalaki at isa-isang inalisan ng piring at takip sa bibig ang mga nabihag.
"M-Mrs. Mendoza..." Nanginginig na bulong ni Rence sa kanyang sarili habang nakatingin sa matanda.
"N-N-Nasaan ako? Nasaan tayo?! Pakawalan niyo kami rito!" Nagkukumahog na sigaw ni Travis habang pilit na kumakawala sa kanyang upuan.
"Anong kailangan mo sa'min? Sino ka! X-Xian sino 'yang kasama mo?!" Sigaw ni Keiffer habang nakatingin kay Xian, pero tinignan lang siya nito at muling yumuko.
"T-Teacher Hazel! Anong ibig-sabihin nito? Suma-" Natigil si Keiffer sa kanyang sinasabi nang bigla siyang sinaway ng matandang babae.
"Manahimik ka!" Sigaw ni Mrs. Mendoza kay Keiffer, pagkatapos ay nasundan ito ng kahindik-hindik balahibong halakhak. Bahagya siyang napangiti nang makita niya si Sakura Castaneto sa gitna, nakagapos ang dalaga habang diretso siyang tinitignan sa kanyang mga mata.
"Well, well, well, what a surprise we have here!" Nagagalak na wika ng matanda habang unti-unti niyang nilalapitan ang upuan ng guro. Napangiti siya nang marating niya ang harapan ng dalaga, hinawakan niya si Sakura sa kanyang baba at bahagyang itinaas ang ulo para mas lalo siyang makita.
"Your lineage sickens me. It needs to be ended, I need to end it." Nasusurang bulong ng matanda, pero nginitian lang siya ni Sakura.
"The only thing that'll be ending tonight is your wickedness." Palabang wika ni Sakura. Agad napakunot ang noo ng matanda at mabilis na pinagbuhatan ng kamay si Sakura. Ilang beses niyang sinampal ng paulit-ulit ang dalaga hanggang sa makuntento siya.
"Acting you're so mighty and brave huh? Just because your students are here, it doesn't mean your invincible!" Naiinis na sigaw ni Mrs. Mendoza, pagkatapos ay sinenyasan niya ang kanyang isang tauhan para alisin ang pagkakatali sa upuan ng mga kamay ni Sakura. Matapos maalis ito, agad sinabunutan ni Mrs. Mendoza si Sakura, kitang-kita ang pangigigil ng matanda sa kanyang mahigpit na pagkakahawak sa buhok ng dalaga.
"Tignan natin kung gaano ka katapang!" Palabang hamon sa kanya, pagkatapos ay hinatak niya si Sakura papunta sa entablado. Hindi nanlaban si Sakura kahit na siya'y nasasaktan ng husto, hindi pa nagtagal ay ibinalibag siya ng matanda sa sahig. Agad sumubsob ang dalaga, hindi siya makagalaw, hindi niya magawang makalaban.
"Tignan mo! Tignan mo kung anong napapala ng mga taong pinipiling makalaban kami." Muling sigaw ng matanda. Mariing napalunok si Sakura nang maramdaman niyang mayroong tao sa kanyang tabi. Kahit na ayaw niya itong makita, dahan-dahan niya itong tinignan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang walang buhay na bangkay ni Cj.
"C-Cj.." Malamig na bulong niya sa pangalan ng kaibigan. Nangigigil na isinarado ni Sakura ang kanyang mga palad, gusto niyang maghiganti. Hindi niya na ito mapapalampas pa.
"Ngayon, panoorin mong isa-isang mamatay ang mga taong prinoprotektahan mo." Wika ng matanda. Nilapitan ni Ms. Hazel si Sakura at sinabunutan para itayo ang dalaga. Marahas na hinatak niya ang kanyang kapwa-guro papunta sa isang upuan, upuan kung saan kaninang nakaupo si Mrs. Mendoza.
"H-Hazel." Bulong ni Sakura sa kanyang pangalan, pero nginitian lamang siya nito.
"Ngayon, kanino ba tayo magsisimula?! Alam ko na, ikaw!" Sigaw ng matanda habang nakaturo ang kanyang hintuturo sa direksyon ni Travis. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa kanyang nakita. Agad niyang tinignan ang mga alagad ng matanda habang papalapit ang mga 'to sa kanya.
"No. No, 'wag ako! Parang awa niyo na! Please spare my life!" Pagmamakaawang sigaw ng dalaga habang unti-unti siyang pinapakawalan ng dalawang matipunong lalaki. Mahigpit siyang hinawakan ng mga lalaki sa kanyang dalawang kamay at ihinarap sa matanda.
"Choose between the numbers 1 to 10." Tanong sa kanya ng matanda, pero nagpumilit na magmaakaawa ang dalaga.
"Parang awa niyo na madam, pakawalan niyo ho ako rito. Wala ho akong kinalaman sa mga..."
"Choose between the numbers 1 to 10!" Nabwiwisit na sigaw sa kanya. Unti-unting tumulo ang luha ng dalaga't nagsimulang manginig ang kanyang mga tuhod.
"7.." Nanghihinang sagot ni Travis.
"Xian, apo, alam mo na ang gagawin mo." Utos sa kanya ng matanda, pagkatapos ay tumango lang ang binata sa iniutos ng matanda. Hinatak niya si Travis labas, pagkatapos ay ipinasok niya agad ito sa loob ng kwarto.
"Seven, for you to reach haven, you'll need to undergo through a hell of a dozen." Malamig na bulong ng matanda habang tinitignan si Travis sa malaking screen na nasa entablado.
"A-Anong gagawin niyo sa'kin?!" P-Pakawalan niyo 'ko!" Sigaw ni Travis habang mayroong papalapit sa kanyang apat na lalake. Mabilis siya nitong pinadapa, pagkatapos ay inextend ang kanyang mga kamay at paa. Ang bawat isa sa alagad ng mga Mendoza ay mayroong mga hawak na malalaking hook, mayroon itong mga makakapal na tali na nakakabit din sa isa pang hook.
"Ahhhhh!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Travis dahil sa sobrang hapdi at sakit. Walang alinlangan at sabay-sabay nila itong itinusok sa balat ng dalaga hanggang sa tumagos ito sa kabila. Hindi nila pinansin ang pagmamakaawa sa kanila ni Travis, isinukbit lang nila ang kabilang hook sa kisame ng kwarto. Mistulang manikang nakasabit ang sitwasyon ngayon ng dalaga, ang pinagkaiba lang ay nakaharap siya sa maputing sahig ng kwarto, at nakaelevate ang kanyang mga paa at kamay ng kaunti.
"A-Anong gagawin niyo sa'kin! Hayop kayo! Pagbabayaran niyo 'to!" Sigaw ni Travis kahit na tuloy ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
"Let's play a game.." Pag-uumpisa ng matanda, pagkatapos ay itinuro niya si Julyanne.
"Pakawalan niyo siya." Utos ng matanda, na agad din namang ginawa ng kanyang mga tauhan. Inilapit nila si Julyanne sa harapan, kung saan mayroon sa kanyang naghihintay na hamon. Napalunok siya ng mariin nang makita niya ang kanilang punit-punit na class picture.
"Kailangan mong maibalik ang litratong 'yan sa kanyang dating anyo sa loob ng isang minuto. Habang tumatagal na hindi mo ito nabubuo, pahirap ng pahirap ang dadanasin ng 'yong kaklasing si Travis." Wika ng matanda.
"P-Pero.." Nag-aalangang sagot ni Julyanne.
"Let the game begin!" Anunsyo ng matanda, pagkatapos ay mabilis na nagsimula magbilang pababa ang isang minutong ibinigay sa kanya. Hindi na nag-aksaya pa si Julyanne ng oras, bumuo agad siya ng pattern kahit na nahihirapan siya dahil hindi niya kabisado ang ayos ng kanilang class picture.
Sa kabilang kwarto naman, kada 10 segundong lumilipas ay mayroong 12 na mabibigat na bato ang inilalagay sa sako na nakatali sa likuran ni Travis. Dahil dito, mas lalo siyang nahihirapan dahil habang patagal ng patagal ang oras niya, ay pakiramdam ng dalaga ay tila napupunit ang kanyang balat, dagdag sakit pa ang pagmamartilo ng mga lalaki sa kanyang mga buto habang tumatagal ang oras. Kalahating minuto na lamang ang natitira para kay Julyanne, ngunit kulang-kulang 15 seconds na lamang ang natitira sa kanyang oras.
"Ahhhhh!" Sigaw ni Travis, hindi niya na kinayanan ang sobrang bigat sa kanyang likuran. Pakiramdam niya, tuluyan nang mapupunit ang pagkakasabit ng kanyang balat sa mga hook kung dadagdagan pa ng mga malalaking bato na nasa kanyang likuran.
"I can't do this! I can't!" Sigaw ni Julyanne, pagkatapos ay bigla niyang narinig ang honk. Ito ay bilang senyas na natapos na ang kanyang oras para sa hamon ng matanda.
Nang marinig nang mga lalake ang hudyat, ibinuhos nila ang natitirang mga bato sa sako. Isa-isang kumuha ang mga lalaki ng kanilang mga palakol. Sabay-sabay nilang ipinaraan ito sa mga kamay at paa ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Travis, at bigla nang bumigay pa ang kanyang katawan. Tuluyang nang humilay ang kanyang katawan sa mga 'to. Dahil dito, agad ding nawalan ng buhay ang dalaga.
"Y-You can't do this.." Bulong ni Sakura habang nanginginig na tinitignan ang hati at walang buhay na katawan ng kanyang studyante.
"Sino naman kaya ang susunod.. Kayo! Tumayo kayo't makipaglaro sa akin!" Sigaw ni Xian, pagkatapos ay itinuro niya sina Jassie, Venice, Alfheim at Aeron.
"Insanity comes in it's finest shades..." Malamig na bulong ni Xian habang nakatulala't nakatingin sa malayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro