Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CP36:Eliminate Her

Gulat na gulat si Cj nang makita si Mrs. Mendoza sa kanilang harapan. Nakasuot ang matanda ng malaking ngiti sa kanyang labi. Mayroon siyang hawak na malaking baril sa kanyang dalawang kamay. Direkta itong nakatutok kay Cj, ano man oras, maari niya itong paputikin na pwedeng ikamatay ng binata. Mariing lumunok si Cj at naglakad paabante. 


"So we meet again, Mrs. Mendoza." Bati ni Cj na nasundan ng bow.


"It's a pleasure to meet you, Moreno." Bati sa kanya ng matanda.


"I heard you killed many innocent people, but too bad, I'm not going to be one of them." Maangas na wika ni Cj.


"You surprise me Moreno, I thought you are the weakest in your batch. Hmm, maybe I don't need to kill you anyway, because you'll be the one responsible in killing yourself. As far as I remember, you tempted to kill yourself once." Natatawa't arroganteng wika ng matanda. Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ni Cj habang umiiling na ikinagulat ni Mrs. Mendoza.


"Pfft. And sino namang tanga ang nagbalita sa'yo niyan? The "suicide" thing I did? It was all a big f*cking lie. A little show of mine I planned." Napakunot ang noo ng matanda sa sinabi ng binata. 


"I did it in front of our your dearest puppet, Ms. Gomez. It wasn't really a suicide, hence it is an escape plan. Ain't it fun? Ang alam niyo, namatay ako, pero ginawa ko lang talaga 'yon para makapaghanda ako sa araw na 'to. Ginawa ko 'yon para hindi niyo na ako gambalain pa. Hindi ako tanga, alam kong kapag nalaman mong buhay pa ko, hindi ka titigil hanggang hindi ako namamatay." Malamig na wika ni Cj. Napaatras si Mrs. Mendoza sa kanyang narinig. Hindi niya inaasahan na kayang mag-isip ng binata ng ganoong paraan. 


"K-Kayo nang bahala sa kanya, huwag kayong titigil hanggang hindi niyo sila napapatay!" Nangigigil sigaw ng matanda sa kanyang mga alagad. Mabilis namang kumilos ang mga alagad ng matanda at agad sinugod sila Cj. Mariing lumunok si Cj at sumigaw.


"Tristan! Hatakin mo si Astrid palayo rito, tumakas na kayo!" Utos ni Cj sa binata, pero imbis na sundin ang guro, naglakad pa siya paabante. Isang ngiting maangas ang kumurba sa kanyang labi habang tinitignan ang mga alagad ni Mrs. Mendoza. Pinatunog ng binata ang kanyang mga daliri at ngumisi.


"Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nabibigyang hustisya ang pagkamatay ni Kyla." Naiinis na bulong ng binata sa kanyang sarili.


"Tristan! That's an order!" Sigaw ni Cj, pero nagmatigas ang binata.


"No sir! Kaya ko ang sarili ko. Rence, tumakas na kayo!" Sigaw ni Tristan. Napakunot lang ang noo ni Rence at agad hinawakan ang braso ni Astrid. Halata sa mukha ng binata ang pag-aalinlangan na iwan ang dalawa. 


"Ito ang susi ng kotse, tumakas na kayo." Muling sigaw ni Cj, pagkatapos ay inihagis niya patalikod ang susi. Nasalo ito ni Rence kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Tinignan niya sa mga mata si Astrid at tumango.


"T-Tara, sumama ka sakin!" Anyaya ng binata, pagkatapos ay tumakbo na sila papalayo kila Cj at Tristan.


"Aaaaarghhhh!" Sigaw ng dalawang binata habang mabilis na tumatakbo papuntang direksyon ng kanilang mga kalaban. 


-

Kumaripas ng takbo si Rence habang mahigpit na hawak sa braso si Astrid. Natatanaw na nila ang kotse pero huminto muna si Astrid saglit. Kumuha siya ng bato sa gilid, sakaling mayroon silang maratnang kalaban sa daan. Malapit na sila sa kotse, kaya naman labis ang galak sa mga mata ng binata. Sa wakas, makakatakas na sila mula sa malaimyernong dinanas nila sa kamay ng mga Mendoza. Napahinto sila nang makita si Mayumi na tahimik na hinihintay sila sa kanilang pagdating. Agad napalitan ng poot at galit ang galak ni Rence. 


"A-Anong ginagawa mo rito?!" Sigaw ni Rence habang nakatingin sa mga mata ni Mayumi.


"Look, I don't want to fight, I'm going to help you." Nanghihinang wika ni Mayumi.


"As if! Pinatay mo si Kyla! Pinatay mo siya ng walang kalaban-laban." Sigaw ni Astrid.


"Rence, huwag kang maniniwala sa impaktang 'yan! She's only deceiving us, pero and ending, gusto niya lang talaga tayong patayin." Dagdag ng dalaga. Tumawa naman ng malakas si Mayumi sa kanyang narinig. Halata sa dalaga ang trauma at stress sa mga nangyayare sa kanya sa mga nakaraang araw. 


"Hahahaha! 'Wag ka masyadong mayabang, hindi ata nasabi sa inyo ng Morenong 'yan na ako ang naglitas ng buhay niya. Ako rin ang nagbigay sa kanya ng susi para makatakas kayo. Huwag kang masyadong mapagmataas, baka hatakin kita pababa." Sarkastikong wika ni Mayumi, pagkatapos ay sumandal siya sa kotse.


"Deceiving people are easy and fun, that's why it's my favorite game." Malamig na bulong ni Mayumi sa kanyang sarili. Pagkatapos ay pinaraan niya ang kanyang dila sa kanyang labi upang basain ito.


"Seeing you face your aftermath after all of these sh*ts will be worth it. I won't die until I see you cry." Palabang wika ni Astrid.


"Tinulungan ko talaga siya para makita ko kayo. Wala sa plano kong patayin siya, pero kayo, Oo. Masyadong magiging boring kung lagi na lang kami ang gumagawa ng aksyon. Seeing the weaklings fight makes me feel alive." Aroganteng wika ni Mayumi. Mariing napalunok si Astrid at simulang nanginig sa takot.


"P-Patawarin mo 'ko Mayumi, please, pakawalan mo na kami. Maawa ka samin." Pagmamakaawa ni Astrid sa dalaga, dahilan para mas lalong matuwa si Mayumi. Isang malawak na ngiti ang kumurba sa kanyang labi habang pinagmamasdang nakaluhod si Astrid. Naglakad papunta sa direksyon ni Astrid si Mayumi. Kasalukuyang nakatayo si Mayumi sa harapan ni Astrid. Pinagmamasdan niya ang dalaga habang nagmamakaawa ito sa kanya.


"Kiss my shoes." Utos ni Mayumi.


"H-Huh?" Naguguluhang tanong ni Astrid habang pinupunasan ang kanyang mga luha.


"I said, kiss my shoes! Hindi ba't gusto mong pakawalan ko kayo ni Rence?" Naiiritang tanong ni Mayumi sa dalaga. Mariing napalunok si Astrid sa kanyang narinig, at mukhang mayroon nga siyang balak na sundin ang utos ni Mayumi.


"A-Astrid, huwag mong gawin 'yan. Tumayo ka riyan!" Sigaw ni Rence sa dalaga, pero nagmatigas si Astrid.


"K-Kailangan ko 'tong gawin Rence, para maligtas tayo.. sa ngayon." Nanghihinang wika ni Astrid, pagkatapos ay unti-unti niyang inilapit ang kanyang labi sa sapatos ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Mayumi nang makita ito, 'di siya nagdalawang-isip at sinipa si Astrid, dahilan para mapuruhan ang dalaga sa mukha.


"Mayumi!" Sigaw ni Rence. Nakahawak lang si Astrid sa kanyang nagdudugong labi habang pinupunasan ito. Tinilt ni Mayumi ang kanyang ulo at tumawa.

 

"Sa tingin niyo ba papakawalan ko kayo ng ganon-ganon lang? I need some entertainment before I do that." Natatawang wika ni Mayumi sa sarili. Masama naman ang tingin ni Astrid kay Mayumi, pero isang misteryosong ngiti ang nakakurba sa kanyang labi.


"I'll let you off this time, friends." Bulong ni Mayumi sa sarili na nasundan ng ngiti. Lalagpasan na sana siya ang dalawa, nang biglang hindi nakapagpigil si Astrid. Mabilis na tumayo ang dalaga at mariing hinatak ang buhok ni Mayumi paatras, dahilan para mapatingala si Mayumi sa madilim na kalangitan.


"Look's like you're not quite good at your favorite game. Sorry, but it's game over for you dear." Sigaw ni Astrid, pagkatapos ay nilabas niya ang tinabi niyang bato sa bulsa. Mahigpit niya itong hinawakan at malakas na ipinaghahampas sa lalamunan ni Mayumi.


"A-As-kkk-A-kk" Pautal-utal na sigaw ni Mayumi habang walang humpay na hinahampas ni Astrid ng matulis na bato ang lalamunan ng dalaga. Bago pa man tuluyang mapuruhan ang dalaga, kinuha ni Mayumi ang isang syringe sa kanyang bulsa at mabilis na itinurok ito kay Astrid. Nanlalaki ang mga mata ni Astrid dahil sa ginagawa ng kaklase. Nakaramdam siya ng kakaibang pagmamanhid pero hindi niya ito pinansin. Mabilis na sumirit ang dugo mula sa lalamunan ni Mayumi, kahit na mapuno ng dugo ang mukha niya, wala siyang pakielam.


"This is for messing with me! Shut up and die b*tch! Rot in hell!" Buong lakas na sigaw ni Astrid. Itinaas niya ang kanyang kamay na puno ng dugo at muling ibinaon ang bato sa lalamunan ni Mayumi. Halos mawarak ang lalamunan ng dalaga dahil sa kanyang ginawa. Nakatayo lang si Rence at tila hindi maipaliwanag ang kanyang mukha dahil sa kanyang nasaksihan. Unti-unting binitiwan ni Astrid si Mayumi, dahilan para bumagsak sa sahig ang wala ng buhay na katawan ng dalaga.

Napaupo si Astrid sa sahig at nagsimulang umiyak. Hindi niya sukat akalain na makakapatay siya ng tao, at ang masaklap pa rito, kaibigan niya pa. Nanginginig ang kanyang mga kamay at halatang hindi alam ang gagawin. Natatakot siya sa mga posibleng sabihin ng tao sa kanya kapag nalamang nakapatay siya ng tao.


"H-H... Hindi ko sinasadya, nadala lang ako ng emosyon.. H-Hindi ko sinasadya.." Paulit-ulit na bulong ni Astrid sa kanyang sarili. Nilapitan siya ni Rence at niyakap ang dalaga.


"Huwag kang matakot, nandito ako. Halika, kailangan na nating umalis." Anyaya ni Rence sa dalaga, pagkatapos ay inalalayan niya itong tumayo. Sumakay na silang dalawa sa kotse ni Cj at nagtungo pabalik ng villa. Ni isa sa kanila ay nahihiyang magsalita dahil sa nangyare kanina, lalong-lalo na si Astrid na halatang hiyang-hiya sa kanyang ginawa.


Nakarating silang dalawa sa villa ng alas singko na ng umaga. Nagsisimula nang sumikat ang araw, pero kaunti pa lamang ang gising sa mga oras na 'to. Nakita nila si Xian, Alfheim, Cynah at Sunshine sa labas. Nagdrodrawing ng kung anu-ano si Alfheim sa buhangin, pinipuksaran naman ni Cynah ang unti-unting pagsikat ng araw mula sa gilid, habang abala namang nagkwe-kwentuhan sina Xian at Sunshine ng mga horror movies na kanilang napanood. Natigil ang apat nang makita nilang huminto ang kotse ni Cj sa harapan ng Meeting Hall.


"Oh, kotse 'yan ni Sir Cj 'di ba?" Tanong ni Xian sa mga kasama.


"Oo nga no? Nakabalik na siya! Sigurado matutuwa ang mga teachers natin nito." Magalak na pagsang-ayon ni Cynah sa mga kasama.


"Cynah, pikchuran mo naman 'tong mga drawing ko. Dali, drinowing ko si Mirmo oh." Anyaya ni Alfheim, pero tinawanan lang siya ng dalaga.


"Mirmo? Eh stickman nga lang 'yan eh. Ano 'yan? Malnourished?" Biro ni Cynah, dahilan para magsitawanan ang mga magkakaibigan. 

Tumahimik ang lahat ng makita nilang bumaba si Rence at Astird. Halos lahat sila'y nakatingin kay Astrid dahil napupuno ng natuyong dugo ang kanyang mukha't damit. Hindi pa man nila nakakausap ang dalawa, alam nilang mayroong malagim na nangyare, kaya naman kumaripas na sila ng takbo para salubungin ang dalawa.


"A-Anong nangyare?" Tanong ni Sunshine habang mahigpit na nakahawak sa kanyang damit. 


"Mahabang storya." Matipid na wika ni Astrid na nasundan ng isang matamis na ngiti. Nagulat na lang sila nang biglang nahimatay ang dalaga.


"Astrid!" Sigaw ni Xian. Mabuti na lamang at nasalo agad siya ni Rence. 


"Siguro napagod lang siya, tsaka na namin ikwe-kwento ang mga nangyare, sa ngayon, kailangan muna naming magpahinga. Maya-maya, kikilos na tayo, kailangan na nating lumaban." Misteryosong paalala ni Rence sa mga kaklase, pagkatapos ay dumiretso siya sa Meeting Hall habang hawak-hawak si Astrid sa kanyang braso.




 -


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro