Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CP33:Grimm's Alphabet

Nanghihina, kinakabahan at natatakot, ilan lamang iyan sa mga posibleng maglarawan sa sitwasyong nasasadlak si Kyla. Hindi niya alam kung anong tamang letra ang dapat piliin, lalo na't alam niya na sa kahit anong desisyong gawin niya, mayroon pa ring mamatay sa kanila. Sa mga oras na 'to, dapat ba niyang isakripisyo ang sarili niyang buhay para kay Tristan at sa kanyang mga kaklase? O hayaang mamatay si Tristan para sa kanilang kaligtasan. Sa tatlong maari niyang pagpilian, hindi man pabor sa lahat, pero nangibabaw sa kanya ang pangatlong letra, at ito ay ang kaligtasan nilang magkasintahan kapalit ang buhay ng kanyang mga kaklase.


"I know this is selfish, but I choose the letter.." Malamig na bulong ng dalaga sa sarili.


"I choose the letter C."


"Kyla!" Sigaw ni Astrid na tila hindi makapaniwala sa naging desisyon ng kaklase.


"I'm sorry Astrid, pero kasi -" Excuse ni Kyla sa kaklase pero hindi siya pinatapos nito.


"Are you f*cking insane? Instead na isa lang ang magbuwis ng buhay, hahayaan mo pa talagang marami ang magsuffer. Wow, just wow!" Nasusurang wika ni Astrid.


"You're so f*cking brilliant Kyla!" Sarkastikong dagdag niya habang nakatingin sa mga mata ni Kyla.


"Stop it Astrid, it's her choice. Irespeto na lang natin ang naging desisyon niya, let's all be enthusiastic about this. Look on the bright side, at least may nakaligtas sa atin." Mahinang bulong ni Rence sa sarili kahit na nalulungkot siya sa naging desisyon ng kaklase.


"Kyla, I saved your life, heto ba talaga igaganti mo sakin, sa amin?" Nangongonsensyang tanong ni Astrid.


Hindi naman makatingin ng maayos si Tristan sa kanyang mga kaklase, nakayuko lang ang binata at tila hindi mapakali sa kakaisip ng posibleng gawin. Mukhang wala silang choice sa panahong ito kung hindi pumili ng isa sa mga pagpipilian. Kailangan nilang maging matatag at maingat sa kanilang magiging desisyon. Dahan-dahang iniangat ng binata ang kanyang ulo at tinignan si Mayumi.


"Ako na lang Mayumi, ako na lang ang magsasakripisyo para sa kanila." Buong lakas na sigaw ni Tristan na ikinagulat ni Kyla.


"T-Tristan..." Mahinang bulong ng dalaga sa sarili.


Nakangiti lang si Mayum ihabang pinagmamasdan ang kanyang mga kaklase maguluhan sa kanilang magiging desisyon. Kasalukuyan siyang nakasandal sa pader habang hinihintay ang magiging desisyon ni Kyla. Nagtagumpay siya sa kanyang plano, at ito ay ang pahirapan ang kanyang mga kaklase. Gusto niyang mayroong mamatay na isa sa kanila, hindi siya titigil hanggang hindi niya nauubos ang mga studyante na nasa ilalim ng kanyang mga kamay. Gusto niya munang paglaruan at pahirapan sila bago tuluyan niyang patayin ang mga 'to.


"Pasensya na Tristan, pero nakasalalay ang inyong mga buhay kay Kyla." Bulong ni Mayumi habang nakatingin sa mga mata ng binata. Bahagyang ngumiti si Mayumi at ibinaling ang kanyang tingin kay Kyla.


"Sigurado ka na ba sa letrang pinili mo, Kyla?" Tanong niya sa kaklase.


"H-H-Hindi." Nanghihinang bulong ni Kyla. Nanginginig ang kanyang mga kamay at tuhod. Unti-unti siyang napaupo sa sahig at nagsimulang umiyak. Hindi niya namalayang mayroon na palang mga luhang bumabagsak sa kanyang mga mata. Alam niyang mali ang oras na 'to para magpakita ng kahinaan, pero inaamin niya sa sarili niya, hindi siya ganoon katatag at kalakas katulad ng kanyang mga kaklase pagdating sa mga sitwasyon na katulad nito.


"I'll choose the letter B." Wika ni Kyla.


"I'm sorry Kyla, I guess this is the aftermath of my stupid ignorance." Bulong ni Astrid nang makita niya ang nanghihinang kaklase na nakaupo sa sahig.


"If sacrificing my own happiness is the key to save other people's lives, then so be it. At least in the end, I can say that my silly life became significant in your eyes." Mangiyakngiyak na wika ng dalaga.


"H-Hindi mo kailang gawin 'to, hayaan mo na lang ako ang magsakripisyo." Bulong ni Tristan, hindi rin maitatanggi na mayroon na ring mga namumuong luha sa kanyang mga mata habang pinapakinggan ang sinasabi ng kanyang kasintahan.


"No. My decision is final." Buong tapang na wika ni Kyla. Marahan siyang tumayo sa pagkakaupo sa malamig na sahig ng kwarto. Pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang kanyang dalawang kamay. Hinarap niya't tinignan si Mayumi sa mga mata ng mayroong tapang at determinasyon sa kanyang gagawin para mailigtas ang kanyang mga kaklase sa impyernong dinaranas nila ngayon.

"I choose the letter B, Mayumi." Wika ni Kyla, dahilan para mapangiti si Mayumi.


"Are you sure? There's no turning back." Mapaglarong tanong ng dalaga sa kaklase.


"Y-Y-Yes." Nanginginig na wika ni Kyla.


"Okay, let's see." Bulong ni Mayumi sa sarili. Tinignan niya si Ruel at sumenyas, alam na ng pulis ang gustong iparating ng dalaga kaya naman agad itong kumilos. Kumuha siya ng isang matalim na kutsilyo na nakalagay sa ilalim ng trolley na ipinasok niya kanina. Marahan itong naglakad papunta kay Mayumi at iniabot ang kutsilyong kinuha sa trolley. Agad tinanggap ng dalaga ang kutsilyo at iniabot ito kay Kyla, kasabay ng pagtutok niya ng baril sa ulo ng dalaga.


"Saving people's lives is not purely black and white, you need to make sacrifices and efforts to do so." Wika ng dalaga habang nakatingin kay Kyla.


"You chose the letter B, and that is to sacrifice your life for the sake of theirs. But I won't make it that easy, am I? As I said earlier, Mayumi Nakamura doesn't play fair." Mapaglarong wika ng dalaga.


"I want you to cut your own flesh and use your blood as your writing material."


"In accordance to that, you need to write the letters of the English alphabet on the white walls of this room. Syempre, gusto ko rin naman mapanood ng iyong mga kaklase ang kabayanihan mo Kyla." Nang-aasar na wika ni Mayumi.


"Mayumi, huwag mong gawin 'to, maawa ka kay Kyla." Sigaw ni Tristan.


"K-Kyla." Malamig na bulong ni Rence sa pangalan ng kaklase.


"Kapag narinig mong tumugtog ang isang musika, isa lang ang ibig-sabihin noon, iyon ay bilang senyas na nagsimula na ang oras mo para sa pagsubok na ito." Paliwang ni Mayumi. Alam ni Mayumi na sa mga oras na 'to, maaring gamitin ni Kyla ang kutsilyong hawak panlaban sa kanya, kaya naman inutusan niya ang kanyang mga tao na itutok muna ang kanilang mga armas sa dalaga.


Hinid na pinatagal ni Kyla at pumwesto na siya, kaharap ang maputi't malinis na pader ng kwarto. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang hawak-hawak ang matalim na kutsilyo. Nakatutok ito sa kanyang braso dahil balak niya ritong magsimulang kumuha ng dugong gagamitin para sa pagsulat ng alpabetong Ingles. Ilang saglit lamang, nagsimula ng tumugtog ang isang sikat na musika para sa mga bata. Ito ay mayroong pamagat na Ring Around The Rosie.


Ring around the rosie,

Pocket full of Posies,

Ashes, Ashes,

We can't fall down.


Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Kyla at nagsimula na siyang kumilos. Mariin niyang hinawakan ang kutsilyo at unti-unti itong idiniin sa kanyang right forearm. Mariing ipinikit ni Kyla ang kanyang mga mata habang unti-unti niyang sinusugatan ang kanyang sarili.


"Ahhhh!" Sigaw ng dalaga nang makita niyang bumulwak ang prekso't mapulang dugo sa kanyang bisig. Hindi rin tumitigil ang pag-agos ng kanyang luha sa mga mata. Si Kyla ay isang hemophobic na tao. Madalas siyang magpanik kapag nakakakita siya ng dugo, at kung minsan, nahihimatay pa siya dahil sa sobrang takot.


"Go Kyla! You can do it!" Pagchicheer sa kanya ni Astrid.


"Babe, huwag kang susuko ha? Aalis pa tayo rito ng magkasama. Gawin mo 'to para sa lahat." Sigaw ni Tristan na tila hindi mapakali sa kanyang upuan habang pinagmamasdan ang kanyang kasintahan.


"I c-c-can't do this!" Paulit-ulit niyang sigaw habang nakatingin sa dugong tumutulo sa kanyang bisig.


"Do it Kyla! I know you can!" Sigaw ni Rence sa dalaga. Alam ni Kyla na kapag hindi siya kumilos o umaksyon, mamatay siya, at ang masaklap, maaring mamatay na rin ng tuluyan ang kanyang mga kasama. Mariin muna siyang lumunok at saka ipinahid ang kanyang hintuturo sa malalim na sugat.


"H-H-H-F-F-F-FF" Tanging iyan lamang ang maririnig kay Kyla. Mabilis ang kanyang paghinga at sobrang takot sa kanyang ginagawa. Nagsimula niya nang iguhit ang mga letra ng alpabetong Ingles sa napakaputi't napakalinis na pader ng kwarto.


Ring around the rosie

What do you suppose we

Can do to fight the darkness

In which we drown?


Nagpatuloy ang kanta sa pagtutugo kasabay ng pagguhit ni Kyla ng mga simbolo ng alpabeto sa pader. Lahat ng tao sa kwarto ay nakatitig sa bawat galaw na papakawalan ni Kyla. Nasa gitna na siya ng alpabeto at patuloy pa rin ang paghihiwa niya sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan upang gamiting ink o tinta ang kanyang sariling dugo. Tuwang-tuwa at hindi mapakali sa kasiyahan si Mayumi habang pinagmamasdan ang dalaga.


"Come on Kyla, malapit nang matapos ang kanta, at nasa kalahati ka pa lang." Wika ni Mayumi


"I won't give up! Aaminin, naging mahina ako sa buong buhay ko, lagi akong nakadepende sa mga tao sa paligid ko, pero sa ngayon, maniwala ka, magtatagumpay ako." Palabang wika ni Kyla habang patuloy sa pagsulat sa board. Medyo nanghihina na rin si Kyla dahil marami na ring dugo ang nawala sa kanyang katawan. Namumutla siya pero determinado siyang tapusin ang pagsubok na ito.


Ring around the rosie,

This evil thing, it knows me

Lost ghosts surround me

I can't fall down.


Kaunting oras na lamang ang natitira para tapusin ng dalaga ang kanyang pagsubok. Nanlalabo na ang kanyang paningin at medyo hindi na siya makatayo ng maayos. Sa kabila ng hirap na dinaranas ng dalaga, hindi maitatanggi ang matamis at malaanghel na ngiti sa kanyang labi. Mamatay man siya sa dulo ng pagsubok na ito, masaya siya na isang buhay na lamang ang kailangang mawala, at itong buhay na ito ay sa kanya.


"Almost there." Bulong ni Kyla habang isinusulat ang mga letrang X, Y at Z.


"You did it Kyla!" Napakasayang sigaw ni Astrid nang makita niyang nagtagumpay ang kaklase.


"T-Thank you.." Bulong ni Rence habang pinagmamasdan ang dalaga na nakaupo't naghihingalo sa sahig.


"Bravo, bravo! Hindi ko inaasahang kakayanin mo ang pagsubok na ibinigay ko sa'yo, lalong-lalo na't ikaw ang pinakamahina sa grupong ito." Wika ni Mayumi habang mabagal na pumapalakpak. Naglakad siya papunta sa direksyon ni Kyla. Yumuko si Mayumi habang pinagmamasdan ang kanyang kaklase na naghihingalo't nanghihina. Isang matamis at mapaglarong ngiti ang kumurba sa kanyang labi. Nanlaki ang kanyang mga mata at biglang pinagsisipa ang dalaga.


"Hahahahahaha!" Paulit-ulit na tawa ni Mayumi habang sinisipa niya si Kyla.


"D-Demonyo ka! Ano bang gusto mo! Nagawa na naman ni Kyla ang inuutos mo ah!" Sigaw ni Tristan na pilit na kumakawala sa kanyang upuan. Nilingon siya ni Mayumi at nginitian. Muling ibinaling ng dalaga ang kanyang atensyon kay Kyla, tinapakan niya ang ulo nito at sinabing.


"Ayon sa kasunduan, kailangan mong mamatay bago ko sila pakawalan." Malamig na bulong ni Mayumi sa sarili. Nagulat ang lahat ng studyante sa loob ng kwarto at tila hindi makapaniwala sa napakasamang inaasal ng dalaga.


"H-Hindi ka tao, d-demonyo ka." Naghihingalong bulong ni Kyla habang nakatingin kay Mayumi.


"Let's make this interesting." Bulong ni Mayumi.


"Gusto kong patayin mo ang sarili mo without using any weapon." Utos niya kay Kyla, na nasundan ng napakalaking ngiti. Napakunot ang noo ni Kyla at tila naguluhan sa sinabi ng dalaga.


"Ibig mong sabihin.." Bulong ni Astrid habang nakatitig kay Mayumi.


"Oo, kailangang iuntog ng paulit-ulit ni Kyla ang kanyang ulo sa pader." Nanginginig na bulong ni Rence.


"Do it Kyla, or else.." Sigaw ni Mayumi, pagkatapos ay sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan na muling itutok ang kanilang mga baril sa mga studyante.


"Kyla! Huwag mong gagawin 'yan! Pakiusap Mayumi, ako na lang! Huwag mo na siyang idamay dito. Kyla!" Nagkukumahog at mangiyakngiyak na sigaw ni Tristan.


"I'm s-sorry Tristan." Bulong ni Kyla ng nakangiti. Dahan-dahan niyang itinayo ang kanyang sarili, nanginginig na ang kanyang mga tuhod kaya kinailangan niyang kumapit sa isang bagay na susuporta sa kanyang pagtayo.


"Good bye." Huling bulong ni Kyla ng nakangiti. Sinimulang niyang iuntog ang kanyang ulo sa pader ng paulit-ulit. Rinig na rinig ang bawat untog ni Kyla sa pader dahil sa sobrang lakas nito. Agad nabiyak ang ulo ni Kyla, dahilan para agad siyang mamatay. Marahang bumagsak ang kanyang katawan sa sahig. Kapansin-pansin ding nagkulay pula ang kaninang maputing pader ng kwarto.


"That was fun. As promised, papakawalan ko kayo. See you later!" Maarte't mapalaglarong wika ni Mayumi. Itinaas niya ang kanyang kamay at sumenyas. Tumango ang kanyang mga tauhan at agad pinagtatakpan ang mukha ng mga natirang studyante.


"I'll kill you all.. soon." Malamig niyang bulong ni Mayumi sa sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro