CP32:The Retaliation Pact
"Z-Zero?" Nakangangang tanong ni Cj habang nakakunot ang kanyang noo. Hindi niya sukat akalain na makikita niya pa muli ang kaklase.
"Oh? Bakit parang nagulat ka ata." Tanong ni Zero habang nakapokerface.
"P-Pero.. P-Paano? Hindi ba't pinatay ka na ni Tiffany?" Nagtatakang tanong ni Cj.
"Brains, that's all I need to survive in this cruel world." Malamig na bulong ng binata. Tahimik namang nasa gilid sila Sakura at Maxine na nakikinig lamang ng pag-uusap ng dalawang binata.
"On the twenty-eight of March 2006, Shanna had her bloody inhumane revenge. I was weak because of my feelings, feelings na naging dahilan kung bakit ako hindi nakalaban. Pero hindi ko 'yon pinagsisisihan, dahil kahit minsan, aaminin ko, minahal ko siya." Wika ni Zero.
"Paano ka nakaligtas?" Sumunod na tanong ni Cj. Natawa lamang ng mahina ang binata't napailing.
"Before the party, alam ko na ang mga mangyayare. I formulated a hypothesis na mamatay tayong lahat dahil sa mga evidences na nakita ko. I came to the party well-armed." Paliwanag ng binata.
"Hypothesis? Well-armed? What do you mean?" Tanong ni Sakura sa binata.
"Alam kong mamatay ang marami, pero I chose to keep my mouth shut. I know you're wondering why I didn't make a fuss about this hypothesis of mine, that's because wala na kong magawa kung hindi pagkatiwalaan na lamang ang sarili ko, lalong-lalo na nung nalaman kong kasabwat si Erika Tablan ng mga killers." Sagot ni Zero, bago ipagpatuloy ang kanyang sinasabi, mariin muna siyang lumunok bilang bwelo.
"I know it's kinda crazy, but behind my gray pikachu shirt that night, I'm wearing a bulletproof vest. Mayroon ding mga bloodpacks na nakadikit dito, para sa gayon, hindi mahalata ni Tiffany na I'm just acting the whole thing." Paliwanag ng binata.
"Faking your own death was never easy." Huling banat ng binata bago niya talikuran si Cj upang puntahan ang mga studyante.
"Good Day Sir!" Sabay-sabay na bati ng mga studyante na nasundan ng isang bow bilang sign ng respeto.
"Good day it is. How are you?" Pormal na bati niya sa mga studyante. Matapos ang tanong na ito, agad siyang pinaulanan ng mga sumbong ukol sa mga nangyare. Halos lahat ay iisa ang hinaing, at ito ay sa pamilyang Mendoza at sa kaklase nilang si Mayumi.
"Sir, ano pong plano natin?" Tanong ni Mikasa habang nakatingin sa mga mata ng guro.
"Oo nga sir, natatakot na po ako. Hindi ko akalain na matatakot ako, kahit na mahilig ako sa mga horror stuffs." Dagdag ni Sunshine habang hawak-hawak ng mahigpit ang isang librong may horror na genre.
"Huwag kayong mag-alala, may plano naman siguro silang iligtas sila Astrid, hindi po ba sir Zack?" Magalak na tanong ni Czarinah. Napayuko lang si Zero sa kanyang narinig at bahagyang ngumiti.
"Wala. Wala kong plano." Malamig na bulong ni Zero sa kanyang sarili. Dahil rito, napakunot ang noo ni Sakura't agad kwinestyon ang doktor.
"Zero?! Anong w-wala? Huwag mo sabihing wala kang plano?" Angal ni Sakura.
"Hmmm, This seems interesting." Bulong ni Maxine sa sarili.
"Oo. Wala. Hindi ko iri-risk ang buhay ng iba para sa kanila, masyadong mapanganib, lalong-lalo na't napapalibutan ito ng mga alagad ng Mendoza." Paliwanag ng doktor sa lahat.
"P-Pero.." Bulong ni Sakura.
"Magtiwala ka, akong bahala." Bulong ni Zero kay Sakura na nasundan ng isang matamis na ngiti.
-
Natigil ang kanilang pag-uusap nang muling umeksena si Mayumi. Naglakad paikot ang dalaga sa kanyang mga kaklase, pagkatapos ay huminto siya sa gitna't umupo.
"Are you ready for the next round?" Tanong ni Mayumi sa mga kaklase na nasundan ng isang katakot-takot na tawa.
"We'll get out of this hellish game, soon." Bulong ni Astrid sa sarili't ngumiti.
"Mayumi, please, huwag mong gawin 'to. Pakawalan mo kami." Pakiusap ni Kyla. Napayuko lamang si Mayumi at tumingin sa tintend na salamin na nasa gilid niya. Bahagya niyang nakita ang isang matandang babae na pinagmamasdan ang kanyang bawat galaw. Nagbuntong-hininga lang ang dalaga at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
"No. You made me do this. And I won't stop 'till you're all alive." Malamig na bulong ng dalaga. Hinawakan niya ang boteng nakalagay sa gitna ng lamesa at muling iniikot ito.
"Spin, spin, spin!" Paulit-ulit niyang sinisigaw ng may kasabay na tawa. Napangiti siya nang makitang huminto ang bote. Tumigil ito kay Rence Velasco, ang isa sa mga officers ng choral sa paaralan. Lumapit si Mayumi sa binata't itinapat niya ang kanyang bibig sa taenga nito.
"You're next, Tristan." Katakot-takot na bulong ni Mayumi. Nakangiti lang si Tristan at pilit na hindi nagpapakita ng kahinaan sa dalaga.
"Hindi ako natatakot sa'yo. You can't scare the sh*t out of me! I'm not even afraid to die!" Sigaw ni Tristan sa dalaga na nakangiti lang habang pinapakinggan ang mga binibitawang curse words ni Tristan patungkol sa kanya.
"My, my, we got a brat here. Don't worry, I'll make you plead for your puny mortal life later." Maangas na wika ng dalaga.
"Truth or Dare?" Tanong niya sa binata habang pinagmamasdan ito.
"No! Please Mayumi, huwag si Tristan!" Sigaw ni Kyla habang nagsisimula ng tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Don't worry babe, I got this." Confident na wika ni Tristan na nasundan ng magaan na ngiti.
"We'll get out of this alive." Bulong ni Tristan habang nakatingin sa mga mata ni Kyla.
"Cut it out! I don't have time for your f*cking love story! It makes me sick!" Sigaw ni Mayumi na parang nanggigigil.
"You're all going to die. Mark my words." Dagdag ng dalaga, pagkatapos ay tumawa siya ng parang isang baliw. Kinuha niya muli ang bote at inikot ito, hinihintay niya kung sino ang magde-desisyon ng kapalaran ni Tristan. Habang umiikot ang bote, tinignan niya sina Kyla at Tristan na nakatingin sa isa't-isa. Dahil dito, mayroon siyang naalalang tao, isa sa mga taong napakaimportante sa kanya. Sinabunutan niya ang kanyang sarili at umupo sa sahig.
"Ahhhh!" Paulit-ulit na sigaw ng dalaga na halatang nawawala na sa kanyang sarili. Unti-unting lumuha si Mayumi pero kasabay ng kanyang pag-iyak, ay ang kanyang pagtawa. Muling tumayo ang dalaga at hinawakan ang bote upang huminto ito sa pag-ikot.
"Kyla, you decide. Truth or Dare?" Nanggigigil na tanong ni Mayumi habang nakatingin sa mga mata ng dalaga.
"What the hell Mayumi? I thought we're playing spin the b-" Hindi niya na naituloy pa ang kanyang sinasabi nang muling sinigawan siya ni Mayumi.
"Just f*cking answer the f*cking question Kyla! Truth or Dare!" Muling sigaw ni Mayumi sa kanya. Natahimik si Kyla't yumuko, hindi niya alam ang kanyang pipiliin. Ayaw niya pumili, pero mukhang wala siyang magagawa. Nang makita ni Mayumi na nawawalan ng pag-asa't binabagabag na si Kyla, ngumiti siya't nilapitan ang dalaga. Pumunta siya sa harap ng dalaga upang mas lalo niyang makita ang mga basa't naguguluhang mata ni Kyla.
"You better choose one dear, or else, Tristan will die." Babala ni Mayumi na nasundan ng isang matamis na ngiti. Sa halip na sumagot si Kyla, tinitigan niya si Mayumi at dinuraan ito, dahilan para mapaatras sa kanya ang dalaga.
"Kung papatayin mo siya, patayin mo na rin ako." Nagkukumahog na sigaw ng dalaga habang niyuyugyog ang kanyang upuan. Tinignan siya ni Mayumi gamit ang kanyang mga nanlilisik na mata. Mabili siyang tumayo at muling nilapitan ang dalaga.
"Pagsisisihan mo ang ginawa mo. I'll make you suffer, and you'll be the one at fault in that suffering." Banta ng dalaga, pagkatapos ay sinimulang niyang sampalin ng walang humpay si Kyla.
"Ang tanga-tanga mo Kyla! Pinaglalaruan mo lang ang dalawang lalake, you're not worth it! Hindi mo naappreciate ang effort sa'yo ni Tristan! Basura ka, at dahil 'ron, mukhang kailangan na kitang itapon, sa impyerno." Sigaw ng dalaga habang sinasampal ito.
"Stop it! Mayumi!" Sigaw ni Rence sa dalaga habang pinagmamasdan ang umiiyak na kaklase. Dahil dito, napahinto si Mayumi at sumandal sa isang pader, masama pa rin ang kanyang loob kay Kyla at tila mayroon pang maitim na balak sa dalaga.
"Isang katangahan ang ginawa ko nung pinili ko si Blake over Tristan. Naiinis ako sa sarili ko, dahil kailangan pa ba talagang sa huli ako dapat malinawan." Mangiyak-ngiyak na wika ng dalaga.
"Ruel, pakawalan mo si Kyla." Hinihingal na utos ng dalaga habang nakatitig kay Kyla. Dahil dito, napatingin sa kanya si Ruel na punong-puno ng kyuryosidad at pagtataka sa utos ng dalaga.
"P-Pero ma'am.." Pautal-utal na angal ni Ruel.
"Ang sabi ko, pakawalan mo si Kyla!" Sigaw ni Mayumi, dahil dito, hindi na umangal pa si Ruel at sinunod na lamang ang utos ng dalaga. Habang pinapakwalan ni Ruel si Kyla, kumuha si Mayumi ng isang shotgun na nakasabit sa gilid, pumunta siya sa likuran ni Tristan at itinutok ito sa binata.
"O-Okay na po, ma'am." Wika ni Ruel matapos niyang mapakawalan si Kyla. Nang makawala si Kyla, agad siyang nagtangka na lapitan si Tristan upang mayakap niya ito pero tinutok sa kanya ni Mayumi ang hawak na baril.
"One more step and all of you will die." Banta ni Mayumi, kaya naman napahinto si Kyla sa kanyang kinalalagyan.
"A-Anong plinaplano mo! Sige! Patayin mo na ko! Huwag mo nang idamay dito si Kyla!" Sigaw ni Tristan kahit na hindi niya nakikita si Mayumi.
"Shut up superman wanna-be! Kapag hindi ka tumigil, ikaw uunahin ko!" Sigaw ni Mayumi sa binata.
"Kayo." Wika ni Mayumi habang nakatingin sa ibang mga kalalakihan sa loob ng kwarto.
"Tutukan niyo sila ng baril, kahit ano, basta tutukan niyo sila sa ulo." Utos ng dalaga na siya rin namang sinunod ng mga 'to. Isa-isang tinutukan sa likuran ang mga kaklase ni Kyla. Dahil dito, napakunot ang noo ni Kyla't napaatras, hindi niya gusto ang mga nangyayare. Alam niyang mayroong madugo't maitim na binabalak si Mayumi sa kanya, na kung saan mapapasunod na naman siya sa gusto ng dalaga.
"I'll let you choose, Kyla." Bulong ni Mayumi.
"It's easy. You just need to choose from letters A, B, and C."
"A, Tristan will die, and I'll let all of you off the hook."
"B, You will die and I'll let all of your classmates off the hook."
"Or C, I'll let you and Tristan off but.." Pambibitin ng dalaga.
"B-But?" Nanginginig at pautal-utal na wika ni Kyla.
"But the rest of your classmates in this room will die." Malamig na paliwanag ng dalaga. Isang napakalaking ngiti ang kumurba sa labi ng dalaga nang makita niyang nahihirapan ang dalaga sa pagpili ng kanyang isasagot.
"I choose..." Bulong ni Kyla habang tinitignan ang kanyang mga kaklase.
"I choose letter..." Pambibitin niya sa mga kasama, mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nagbuntong-hininga bilang bwelo sa kanyang susunod na sasabihin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro