CP30:She's the One(2.2)
Alas-singko pa lamang ng umaga nang maalipungatan si Sarah sa kanyang kinahihigaan. Tulog pa ang kanyang ibang mga kaklase pero pinili niyang bumangon dahil nagugutom na siya. Malapit lang naman ang kichen sa meeting hall kaya madali lang makakuha ng pagkain. Bumangon siya't nagunat-unat ng kanyang kasu-kasuhan. Kinukusot-kusot niya ang kanyang mga mata at tumayo. Naghikab din siya dahil sa antok na nararamdaman.
"Look's like everyone's still asleep." Bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaklaseng babae. Dahan-dahan siyang lumabas ng pintuan habang nagkakamot ng ulo. Naramdaman niya muli na tumunog ang kanyang tiyan, dahilan para mapahawak siya rito.
"Gahh. I'm hungry na, but it looks like ako pa lang ang gising sa kanila." Wika ng dalaga habang nakapout. Nagdire-diretso siyang lumabas at nakitang nakaupo si Cj, nakasandal ang binata't nakapikit.
"Nakaidlip siguro si sir dahil sa sobrang pagod." Natatwang bulong ng dalaga habang nakatingin sa kanyang guro. Napailing lang siya at dumiretso na sa paglalakad papuntang pantry.
"I'll prepare na lang den ng breakfast for them. Kahit papaano naman marunong akong magluto ng basic foods." Bulong ng dalaga sa sarili habang nasa harapan ng pintuan ng kitchen. Medyo watak-watak at may sari-sariling kwarto ang mga lugar sa villa, pero magkakalapit lamang ito. Nakakalito nga lang kung hindi mo pa masyadong kabisado ang lugar.
Dahan-dahang binuksan ni Sarah ang pintuan at pumasok dito. Dalawa kasi ang kitchen sa villa. Isa ay yung sa bahay na nasunog, at itong main kitchen na ginagamit para sa lahat. Dumiretso ang dalaga sa pantry kung saan nakalagay ang halos lahat ng pagkain. Napanganga siya dahil sa sobrang dami. May mga canned goods, eggs, bacons, hotdogs at kung ano-ano pa. Napalip-bite na lamang ang dalaga dahil sa sobrang excitement.
"Heaven." Excited niyang bulong sa sarili. Kumuha siya ng iba't-ibang klase ng pagkain na gusto niya't kaya niyang lutuin. Isa-isa niya itong nilapag sa malapad na mesa sa gitna ng kitchen. Sinimulan niya nang painitin ang kalan at inihanda niya na rin ang kanyang mga kailangang gamitin para sa pagluluto.
"Hmmm, let's get this thing started." Bulong ng dalaga, at nagsimula niya nang lutuin ang mga pagkain na kinuha niya sa pantry. Inabot siya ng katagalan bago matapos pero naging matagumpay naman ang dalaga. Kumuha siya ng mga plato at isa-isang inilagay ang mga pagkain dito. Tuwang-tuwa siya sa kanyang nagawa, first time niya kasi magluto ng maramihan.
Sa sobrang abala ng dalaga, hindi niya namalayan na mayroon na palang pumasok sa loob ng kitchen. Isang dalagang nakatingin ng masama sa kanya. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang dalaga. Ngumisi muna ito at palihim na nagtago sa likuran ng dalaga.
"Panigurado, masusurpresa't magugustuhan nila ito." Bulong ni Sarah sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang mga inihanda para sa mga kaklase.
"Sarah... Sarah..." Malamig na bulong ng isang babae sa kanyang likuran. Mariing napalunok si Sarah dahil sa kanyang narinig. Mabilis na gumapang ang takot sa kanyang mukha. Nagkaroon siya ng butil-butil na pawis sa kanyang noo, at kakaibang lamig na sensasyon sa kanyang katawan. Ang boses na iyon, pamilyar na pamilyar sa kanya. Naguguluhan talaga siya pero hinihiling niya na sana'y hindi si Taegan ang nasa kanyang likuran.
"T-T-Taegan?" Kinakabahang bulong ng dalaga sa kanyang sarili. Nakaramdam siya ng kakaibang lamig sa kanyang noo. Mayroong kamay na unti-unting gumagapang simula sa kanyang batok papunta sa kanyang bunbunan. Unti-unting inilapit ng babae sa kanyang likuran ang kanyang mukha sa taenga ni Sarah. Nakasuot siya ng matamis at mapaglarong ngiti habang papalapit siya ng papalapit.
"The queen's back." Katakot-takot na bulong sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Sarah nang maramdaman niyang mayroong sumabunot sa kanya sa bandang likuran. Sa sobrang lakas ay napatingala siya, nakita niya ang dating kaibigan na si Taegan. Makikita sa mga mata ng dalaga ang galit at pagkasabik na makapaghiganti sa dalaga. Malapad ang ngiti niya at tahimik na ngumingisi.
"Betraying a queen comes with a price. And that price is death Sarah, I'll remove your very own existence in this world." Malamig na bulong ni Taegan habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. Mayroong kinuha si Taegan sa kalapit na lamesa, isang kutsilyong ginamit ni Sarah sa kanyang pagluluto. Itinapat niya ito sa dalaga habang tumatawa ng malakas.
"Before I decapitate you Sarah Silva. I would like to hear your last words, total naging magkaibigan din naman tayo." Seryosong wika ng dalaga. Ngumiti lang si Sarah at ngumisi na parang nawawala sa sarili. Napakunot ang noo ni Taegan dahil sa reaksyon ng dalaga.
"B-B-Bakit ka tumatawa? What the hell is funny?" Naiinis na tanong ni Taegan sa kaklase. Biglang naglaho ang mapanlinlang na ngiti sa labi ni Sarah.
"Queens don't compete with hoes." Bulong ni Sarah sa dalaga, pagkatapos ay buong pwersa niyang siniko ang dalaga sa tagiliran dahilan para mapakawalan siya ng kaklase.
"Shit. I need to get out of here." Bulong ni Sarah sa sarili, dali-dali siyang tumayo at nagbalak na tumakbo palabas pero agad siyang napigilan ni Taegan. Nahawakan niya ang kaliwang paa ni Sarah kaya agad ding napatumba ang dalaga sa sahig.
"Bitiwan mo ko! Bitiwan mo ko!" Naiinis na sigaw ni Sarah habang sinisipasipa ang kaklase para pakawalan ang kanyang kaliwang paa.
"No Sarah. You're going to hell, with me!" Sigaw ni Taegan, pagkatapos ay itinaas niya ang kutsilyong hawak niya at mabilis na isinaksak ito sa paa ng kaklase.
"Ahhhh!" Sigaw ni Sarah habang dinidiinan ni Taegan ang pagkakasaksak ng kutsilyo sa paa ng dalaga. Sa likuran ni Sarah ay ang stove at mga materyales na kanyang ginamit. Kinuha niya ang opportunity na busy si Taegan sa pagdidiin sa kanyang sugat para makakuha ng armas. Kinapa-kapa ng dalaga ito at nagbakasakaling makakuha ng kutsilyo o kahit anong bagay na maari niyang magamit panlaban kay Taegan. Mariin siyang napalunok ng makapa niya ang isang maliit na baso. Dali-dali niya itong kinuha at inihagis sa kaklase.
"You slut!" Buong-pwersang sigaw ni Sarah sa kaklase. Tinakpan ni Taegan ang mukha niya ng kanyang dalawang kamay kaya rito tumama ang baso na agad ding nabasag. Nanlumo siya nang makita niyang napuno ng maliliit na bubog ang kanyang dalawang kamay. Kakaibang hapdi ang nararamdaman ni Taegan ngunit pinilit niyang baliwalain ito dahil sa mas tumitinding galit kay Sarah.
"Pagbabayaran mo 'to Sarah! Pagbabayaran mo!" Nagkukumahog na sigaw ni Taegan. Pasimpleng nakapuslit ng gunting si Sarah sa kanyang bulsa habang hindi alam ni Taegan. Nagsimula siyang gumapang papunta sa labas ng pintuan pero agad siyang nakita ng kaklase. Hinabol siya ni Taegan at mahigpit na sinabunutan ang dalaga.
"Let me go Taegan!" Pag-mamakaawa ng kaklase, pero isang pilit na ngiti lamang ang kanyang natanggap na sagot. Hinatak siya ni Taegan papunta sa ref at malakas na inumpog ang dalaga.
"T-T-Taegan.." Paulit-ulit na bulong ni Sarah habang unti-unti siyang nawawalan ng malay. Naghahabol siya ng hininga at umiikot na ang kanyang paningin dahil sa sobrang lakas ng pagkakauntog ng kanyang ulo sa ref.
"You're done Sarah! You're done!" Sigaw ni Taegan sa dalaga, pagkatapos ay dali-dali siyang kumuha ng lubid sa isang cabinet. Marahang naglakad siya papunta kay Taegan na unti-unti nang nawawalan ng malay. Umupo siya sa harap ng dalaga at bumulong.
"Tama ka, queens don't compete with hoes. I'm the queen, and you're the f*cking hoe Sarah!" Nangigigil niyang sigaw sa dalaga.
"Mamamatay ka! Mamamatay k-" Naputol ang kanyang sinasabi nang biglang sinaksak ni Sarah ang kanyang kanang mata ng gunting. Agad sumirit ang dugo rito. Ginamit ni Sarah ang kanyang natitirang lakas para diinan at mapuruhan ang kaklase.
"Ahhhhhh!" Sigaw ni Taegan na agad napalayo kay Sarah. Dahan-dahan niyang inalis ang gunting sa kanyang mata. Mas lalo siyang nagpanik nang makita niyang sumama ang kanyang eyeball rito, dahilan para mabulag ang kanyang isang mata.
"Mamamatay ka! Mamatay ka!" Sigaw ni Taegan habang unti-unting tumatayo. Ang isa niyang kamay ay nakatakip sa dumurugong mata at ang isa nama'y mahigpit na may hawak-hawak na kutsilyo.
"T-Taegan, tama na." Bulong ni Sarah habang nakatingin sa kaklase. Ngumisi lang si Taegan at natawa ng malakas.
"Tama na?! Tama na?! Hindi Sarah! Hindi ako titigil hanggang hindi ka namamatay!" Sigaw ni Taegan. Marahang naglakad ang dalaga habang may bitbit na ngiti sa kanyang labi. Alam niyang hindi na makakalaban si Sarah sa pagkakataong ito at walang dudang magtatagumpay siya na mapatay ang kanyang kaklase.
"Good bye." Bulong ng dalaga, buong lakas niyang itinaas ang kutsilyong hawak at itinutok ito sa direksyon ni Sarah.
"Good bye." Bulong ni Lee Miww na tahimik na nagmamasid sa dalawa. Ngumiti ang dalaga nang marinig niya ang tatlong putok ng baril.
"A-A-Ehh.." Munting bulong ni Taegan habang unti-unti siyang lumilingon. Nakita niya si Maxine na may hawak ng baril habang nakangiti sa kanya. Hinipan muna ni Maxine ang kanyang shotgun at ngumiti bago lapitan ang dalawa.
"That's not the proper way to treat your best buddy Taegan." Mapaglarong wika ni Maxine sa dalaga habang nakatingin sa kanya.
"M-M-Maxine, b-b-bakit?" Naguguluhang tanong ni Taegan.
"Dead people are bound to be dead." Bulong niya, pagkatapos ay kumurba ang isang ngiti sa labi ng dalaga na nasundan ng nakakatakot na tawa. Kasabay ng kanyang malakas na tawa ay ang sunod-sunod na pakawala niya ng bala sa kanyang baril. Nakatutok ito direkta sa mukha ni Taegan kaya habang tumatagal, mas nadudurog ang mukha ng dalaga.
"Maxine." Bulong ni Lee Miww na nasundan ng ngiti. Pagkatapos ay agad nilisan ng dalaga ang kanyang pinagtataguan at agad bumalik sa Meeting Hall. Nang makita ni Maxine na wala nang buhay si Taegan, agad niyang nilapitan si Sarah. Itinapat niya ang kanyang magkadikit na pointing finger at middle finger sa likuran ng taenga ng dalaga para tignan ang pulso. Laking tuwa niya nang maramdamang may pulso pa ang dalaga.
"Be strong Sarah, huwag kang sumuko." Bulong ni Maxine sa dalaga, pagkatapos ay iniakbay niya ang dalaga sa kanya at inilalayan makabalik sa Meeting Hall.
Sumalubong sa kanila si Sakura at Cj na naghihintay lamang sa kanila sa labas ng Meeting Hall. Agad nilapitan ni Sakura si Maxine at ikinamusta ang kalagayan ni Sarah. Tahimik namang nagmamasid si Cj kay Maxine at hanggang ngayon, wala pa rin siyang tiwala sa dalaga. Bigla na lamang kasing sumulpot si Maxine sa gitna ng mapanganib na sitwasyon. Totoo nga kayang nandito siya para tulungan sila? O para lokohin sila.
-
Kinabukasan, nag-ayos ang mga studyante ng maaga upang magplano ng kanilang mga susunod na aksyon para masolbahan ang problema. Ang iba'y nagulat sa pagkamatay ni Taegan, ang iba nama'y nainis sa dalaga matapos mapakinggan ang pagkwe-kwento ni Sarah. Hindi mailakad ni Sarah ang kanyang isang paa dahil sa lalim ng sugat. Lagi siyang binubuhat ni Kramer tuwing may pupuntahan.
Lahat sila ay nasa labas ng meeting hall at kumakain na ng agahan na inihanda ni Sarah sa kitchen. Kahit na magugo ang buong kusina, nagawa ni Sarah na malagay ang kanyang mga inihandang pagkain sa dulo ng kitchen, kung saan katabi ang pintuan papuntang pantry.
"Kumain na kayo ng almusal." Wika ng guro habang tinetext si Zero. Lumayo siya ng kaunti sa mga studyante, na siya namang agad ding sinundan ni Cj.
"Mamaya, aalis tayo, doon muna tayo sa hotel ko." Wika ni Cj sa dalaga. Napatigil si Sakura sa kanyang narinig at napatingin kay Cj.
"Salamat pero mukhang hindi na kailangan Cj. Papabalikin ko na sila sa St. Venille. Mas mabuting doon muna sila sa mga dorms nila hanggang sa maayos ang lahat. Okay na naman ang school papers nila, naayos na ni Zero ang lahat." Paliwanag ng guro. Ngumiti lamang si Cj at tumango.
"Hindi pwede." Singit ni Maxine sa usapan ng dalawa. Napakunot ang noo ni Sakura sa kanyang narinig.
"Bakit?" Tanong ng binata.
"Kapag bumalik kayo, parang pumunta lang kayo sa kamatayan niyo. Mas mabuting malayo kayo sa St. Venille." Babala ng dalaga sa guro.
"A-Anong pinagsasasabi mo?" Tanong ni Sakura sa dalaga.
"Ang St. Venille ay nasa kamay na ngayon ng mga Mendoza. Ibig-sabihin, kapag naroon ang mga studyante, kaya nilang gawin ang lahat ng gusto nila. Kayang-kaya nilang pumatay ng malinis, nang walang nakakaalam. Hindi ba't kataka-taka na nakahiwalay at may sariling building ang sixth class sa paaralan?" Wika ni Maxine na nasundan ng nakalolokong ngiti.
"P-P-Paano mo 'to nalaman?" Tanong ng guro sa dalaga pero tinawanan lang siya nito.
"Ms. Castaneto, mukhang mas marami yata akong alam kaysa sa'yo. Ang kasalukuyang principal at nagpapatakbo ng St. Venille ay ang asawa ng kanyang kanang kamay na si Ruel, Ruel Oakley. Ang kuya ng studyante mong si Auel Oakley." Nanlaki ang mga mata ni Sakura sa kanyang narinig. Unti-unting nagiging claro ang lahat ng mga bagay. Lalong-lalo na't mayroon siyang mga narinig na sumbong galing sa mga myembro ni Auel tungkol sa binata. Tahimik lamang si Cj habang pinagmamasdan at iniisip ang mga sinasabi ni Maxine.
"Si Ruel Oakley ang lalaking kumuha kila Red, siya rin ang dahilan kung bakit hawak ngayon ng mga Mendoza ang mga nawawalang studyante." Dagdag ni Maxine. Mahigpit siyang hinawakan ni Sakura sa dalawang braso at pilit na pinapaamin ang dalaga.
"S-S-Sabihin mo sa akin! Ano pang mga nalalaman mo!" Sigaw ni Sakura sa dalaga pero tumawa lang siya.
"Sa tamang panahon, malalaman mo rin kung sino at ano ang rason niya." Bulong ng dalaga, unti-unting nabitawan ni Sakura si Maxine at napayuko. Hindi niya inaasahang mas malaki at mukhang mas madugo ang mga susunod na mangyayare kung hindi pa sila gagawa ng aksyon. Ilang saglit pa ay nakarinig sila ng matinis na ingay galing sa mga speaker.
"Ano 'yon?" Tanong ni Hiroshi kay Myler pero nagkibig-balikat lamang ang dalaga habang tinatakpan ang kanyang taenga.
"Make it stop! Make it stop!" Sigaw ni Jassie.
"This is a bad omen." Bulong ni Xian sa sarili.
"Oo nga eh, feeling ko may patayan na namang magaganap." Bulong ni Sunshine kay Xian. Napatingin lang ang binata at napakunot ang noo.
"Parang napanood ko na 'to eh, eto yung part na-" Naputol ang kanyang sinasabi ng tinakpan ni Xian ang bibig ni Sunshine.
"Tama na, gets ka na namin." Seryosong wika ng binata na nasundan ng matamis na ngiti.
"Puntahan natin sila ma'am Sakura." Sigaw ni Czarinah sa mga kaklase na agad din namang nagsitayuan. Agad silang pumalibot kay Sakura at Cj upang magtanong kung anong mga nangyayare. Hindi naman makasagot ang dalawa at pilit lamang na pinapakalma ang mga studyante.
"Hahahahahaha! And so I'm here again, sixth class." Anunsyo ng misteryosong tao sa mga speaker.
"Nasa kamay ko ngayon ang iba niyong mga kaklase, at dahil mabait ako, bibigyan ko kayo ng tsanya para mailigtas sila." Napatingin si Sakura kay Maxine dahil tama ang kanyang sinasabi. Nasa kamay ng mga mendoza ang iba nilang mga kasama.
"Kung gusto niyo pang makita sila sa huling pagkakataon, pumunta kayo sa likod ng Meeting Hall." Nang marinig nila Sakura ito, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at kumaripas na ng takbo papunta sa nasabing lugar. Pinasunod niya rin ang mga studyante sa kanila. Sumalubong sa kanila ang isang TV. Wala itong cable at tanging television grain lamang ang makikita rito. Mayroong itong sofa sa tapat at maliit na lamesa. Parang isang living room set kumbaga. Ang napansin lamang nilang kakaiba rito, ay ang kulay itim na bote na may papel sa loob.
"A-Ano 'to?" Tanong ni Julyanne sa mga kaklase.
"Bote 'yan. Sira." Natatawang wika ni Cheska. Unti-unti na siyang bumabalik sa dati matapos ang insedente.
"Funny. Haha. Funny." Nasusurang wika ni Julyanne. Ilang saglit pa ay kinuha ni Sakura ang bote at binuksan. Napakunot ang kanyang noo nang mabasa ang nakasulat rito.
"Truth Or Dare?" Malamig na bulong ng dalaga. Nagulat sila nang biglang mayroong video na nagplay sa TV.
"Hi, classmates." Wika ng isang babaeng nakamaskara. Napangti lamang si Maxine at napailing nang makita ang dalagang nakamaskra.
"Sino ka! Ipakita mo ang sarili mo! Duwag!" Pagsisigaw ni Mikasa sa harap ng TV.
"Nasa harapan ko ngayon sila Astrid, Kyla, Tristan at Rence. Samantalang nakakulong naman sa isang rehas ang teacher niyong si Hazel." Seryosong wika ng dalaga.
"Simple lang naman ang kailangan nilang gawin, maglalaro kami ng Truth or Dare." Bulong ng dalaga, pagkatapos ay inikot niya na ang bote. Napangisi ang dalaga nang makita niyang tumapat ang boteng iniikot sa kanya.
"Oh look, sa akin siya natapat." Wika ng dalaga. Sa tapat ng sofa ay mayroon isang remote. Mayroon itong dalawang button, isang green at isang red. Ang green button ay mayroong salita sa taas nito na Truth at ang red button naman ay Dare. Hindi nagatubiling pindutin ni Mikasa ang dare dahil sa kasabikan na malaman kung sino ang babaeng nagtatago sa likod ng maskara.
"Truth?" Naguguluhang tanong ni Czarinah kay Mikasa.
"Kailangan nating malaman kung sino siya, nang sa gayon, alam natin kung sino ang nagtraydor at kung sino ang totoong kalaban natin." Determinadong wika ni Mikasa. Tahimik lang naman si Maxine at Cj habang pinapanood ang mga studyante. Nasa gilid naman si Sakura habang kausap si Zero sa kabilang linya, malapit na kasi ang binata sa kanilang lugar.
"Magpakita ka! Demonyo! Mamatay-tao!" Nanggagalaiting sigaw ni Mikasa.
"Sige." Wika ng nakamaskarang babae habang may suot na nakaloloknog ngiti. Hinawakan niya ang kanyang maskara at unti-unting hinubad ito. Napanganga ang lahat dahil hindi nila inaakalang siya ang salarin sa likod ng mga madugong patayan.
"H-H-Hindi.. Hindi pwede..." Bulong ni Hiroshi habang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"B-Bakit siya?" Tanong ni Alfheim sa kanyang bestfriend.
"P-P-Paano? Ha? Eh hindi ba ki-ki-kinuha siya?" Naguguluhang tanong ni Aeron sa mga kaklase.
"Mayumi Nakamura. I should have known better." Pautal-utal na bulong ni Maxine habang nakatitig sa mga mata ng dalaga sa screen.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro