Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CP30:She's the One (1.2)

"Maxine?" Naguguluhang tanong ni Sakura habang nakatingin sa dalaga. Dinaanan lang siya nito na parang walang nakita. Agad dumiretso ang babae papunta sa ibang mga studyante. Mahahalata sa mukha ng babaeng ito na bata pa siya at may kakaibang ganda. May kalakihan man ang kanyang mga mata, pero ito ang isa sa mga rason na nagbigay sa kanya ng kakaibang ganda.


"Hi." Matipid niyang bati sa mga studyante habang kumakaway. Alam ng dalaga na awkward ang sitwasyon at kanyang sinabi dahil nagkakagulo sila kay Cheska. Nawalan kasi ng malay ang dalaga matapos ang insidente.


"S-Sino ka?" Tanong ni CJ habang nakakunot ang noo.


"Maxine. Maxine ang pangalan niya CJ." Singit ni Sakura sa usapan habang naglalakad papunta sa direksyon nila. Bahagyang napangiti si Cj at ibinaling ang kanyang tingin sa mga studyante.


"Aeron, Alfheim, papasukin niyo muna ang iba niyang mga kaklase sa meeting hall sa likod ng bahay. Ihiga niyo rin muna si Cheska, masyadong maraming nangyare, kailangan niya 'yon." Utos ng binata sa dalawa.


"O-Opo sir." Sagot ni Aeron, tumango lang naman si Alfheim at agad sinunod ang binata.Si Alfheim ang lumipon sa kanyang mga kaklase at dinala sa sinabi ng guro. Nagsimulang maglakad na ang mga studyante papunta sa sinabi ni CJ, may balak sanang sumunod ni Maxine pero pinigilan siya ng dalawang guro. Hinawakan ni Sakura ang braso ng dalaga, dahilan para mapatingin sa kanya ang dalaga.


"Saan ka pupunta?" Tanong ni Sakura.


"Saan pa? Edi sasama sa kanila." Mapaglarong sagot niya sa guro.


"Hindi ka namin kilala pero ganyan ka na umasta, sino ka ba? Bakit ka narito? Anong kailangan mo?" Sunod-sunod na pagkwe-kwestyon ng guro sa dalaga.


"Sabihin na lang nating... kakailanganin niyo 'ko." Tugon ni Maxine na nasundan ng mahinang tawa. Dahan-dahang nabitiwan ni Sakura ang pagkakahawak sa dalaga, dahilan para makasunod ito sa mga studyante.


"Sino ba 'yon?" Naguguluhang tanong ni Cj.


"Hindi ko rin alam. Sa mga nangyayare ngayon, kailangan na natin si Zero." Wika ng dalaga, pagkatapos ay mariin siyang napalunok at dumiretsong naglakad papasok ng meeting area.


"Hindi ko alam, pero wala akong tiwala sa babaeng 'yan." Bulong ni Cj sa sarili, pagkatapos ay sinundan niya sa paglalakad ang dating kaklase.


-

Malaki ang meeting hall, kahit na gawa ito sa kawayan, air-conditioned ito at napakalaki. May kalayuan din ito sa nasunog na bahay kaya kailangan mo pang maglakad ng ilang minuto bago makarating dito. Ang tanging problema lamang, dalawa lang ang kwarto kaya naman nag-aagawan ang mga studyante sa unan at kama. Nagmadaling pumasok si Sarah sa isang bedroom at agad itong nilock. Mabilis naman siyang sinundan ni Jassie upang katukin ang dalaga.


"Sarah, Sarah?" Wika ni Jassie habang kinakatok ang kaklase.


"This room is mine. Back off." Sigaw ni Sarah, pagkatapos ay humiga siya sa malambot na kama.


"Sarah! Don't be a contemptible person. Learn to share the f*cking room for crying out loud." Nasusurang sigaw ni Jassie habang kinakatok pa rin ang pintuan.


"Oh? Anong problema Jas?" Tanong ni Karmina habang naglalakad papunta sa direksyon ni Jassie.


"That girl Sarah, napakaself-centered niya. She just secretly locked herself up sa room na 'to without sharing it to everybody. What the hell right?" Maarteng reklamo ni Jassie, pagkatapos ay mataraya niyang inikot niya ang kanyang mga mata.


"Sige, ako nang bahala rito. Don ka muna sa meeting area kasama yung iba." Mahinahong bulong ni Karmina. Bahagyang ngumiti si Jassie at sinunod ang kaklase. Nang makaalis na ang dalaga, sinimulan nang katukin ni Karmina si Sarah sa loob ng kwarto.


"Sarah, open this door. Be considerate, hindi lang ikaw ang nagdudusa." Wika ng kaklase.


"I don't care." Matipid niyang wika, pagkatapos ay napatingin ang dalaga sa bintana at napangiti.


"This room is mine. Sa akin lang 'to." Selfish niyang bulong sa sarili. Napailing siya saglit dahil narinig niyang pinipilit pa rin siya ni Karmina na buksan ang pintuan. Hinawi ng dalaga ang kanyang buhok at tinignan ang sarili sa salamin. Nang muli siyang napatingin sa bintana, nanlaki ang mga mata niya ng makita niya si Taegan sa labas. Nanlilisik ang mga mata ng dalaga sa kanya at nakangiti. Magkahalong dugo't putik ang makikita sa kanyang buong katawan. Gulo-gulo ang buhok ng dalaga at tila may maliit na sugat pa sa kanyang braso.


"T-T-Taegan?!" Naguguluhang bulong ni Sarah sa sarili. Mariin siyang napalunok at kinusot-kusot ang kanyang mga mata at nagbabakasakaling guni-guni niya lamang ito.Pagmulat niya sa kanyang mga mata, mas lalo siyang kinabahan nang makita niyang nasa harapan na ng salamin niya si Taegan. Malapad ang ngiti ng dalaga habang dahan-dahang tinatapik ang see-through na salamin.


"Hi Sarah. Miss me?" Tanong sa kanya ni Taegan na mas lalong nagbigay ng sobrang takot sa dalaga. Nagsisigaw siya at dali-daling bumangon sa kama. Agad niya ring binuksan ang pintuan, bumungad sa kanya si Karmina. Sa sobrang takot ni Sarah, bigla niyang nayakap si Karmina nang wala sa oras.


"K-K-Karmina! S-Si Taegan! Buhay siya! Buhay siya!" Nagpapanik na sigaw ng dalaga na nakapag-agaw ng atensyon ng mga studyante. Agad siyang nilapitan ng kanyang mga kaklase dahil umiiyak ang dalaga.


"Anong nangyare?" Tanong ni Xian habang nakatingin kay Sarah.


"E-Ewan ko. Buhay daw si Taegan sabi ni Sarah." Sagot ni Karmina. Napatakip ng bibig si Sunshine sa kanyang narinig.


"Oh my gee. Parang napanood ko na 'to. " Nate-tense na wika ni Sunshine.


"Namatay yung babae sa penikula, pagkatapos muli siyang nabuhay. Bumalik siya para maghiganti sa taong nagbetray sa kanya. Para patayin ang babaeng trinaydor siya." Pagkwe-kwento ni Sunshine na mas lalong nagdulot ng takot kay Sarah. Tumili si Sarah habang ginugulo-gulo niya ang kanyang buhok.


"Hindi ka nakakatulong Sunshine." Bulong ni Karmina sa dalaga at dumiretso sa iba nilang mga kaklase. Nagpout lang si Sunshine at napakamot sa kanyang ulo.


"What did I said? Nagkwento lang naman ako ng mga napanood ko." Wika ni Sunshine habang nakatingin kay Xian. Nginitian lang siya ng binata at nagkibit-balikat.


"Ma at Pa." Matipid na sagot ni Xian.


"Ma at Pa?" Tanong ni Sunshine.


"Malay ko at Pakielam ko. Tara na nga." Anyaya niya sa dalaga para bumalik sa kanilang mga kaklase. Masaya silang nagkwe-kwentuhan ng kanilang mga karanasan nang biglang dumating sila Karmina. Kasalukuyang nakaupo ang mga studyante sa sahig ng pabilog. Umupo lang sa likuran ang mga nahuli habang pinapanood ang iba nilang mga kaklase na maglaro ng Truth or Dare.


"Truth or Dare?" Tanong ni Hiroshi kay Alfheim habang nakangiti.


"Ahmmmm, truth na lang?" Nahihiyang sagot ni Alfheim habang nakayuko.


"Galingan mong magtanong Hiro. Paaminin mo siya na crush niya si -" Pang-aasar ni Aeron sa kaklase nang biglang tinakpan ni Alfheim ang kanyang bibig.

"Urusai!" Naco-conscious na wika ni Alfheim habang tinatakpan ang bibig ni Aeron.


"'Di kita maintindihan pero sige, tatahimik na ko." Natatawang sagot ni Aeron.


"Sige. Heto ang tanong mo. Sa loob ng klase, sino ang crush mo at bakit?" Nakangising tanong ni Hiroshi habang nakatitig sa mga mata ni Alfheim.


"Wala. Kasi ang crush ko fictional character. Wala kasing forever kaya ganon." Seryosong wika ng dalaga, dahilan para magsitawanan ang kanyang mga kaklase dahil sa pagkabitter ng dalaga.


"Ay. Yung totoo kasi." Tanong ni Hiroshi, pagkatapos ay nagpout.


"Sige. Crush ko si Levi ng SNK or si Haruka Nanase ng Free. Ok3h na po?" Wika ng dalaga habang nakahawak sa kanyang baymax fleece hat.


"Hahahaha. Imba ka talaga Alf. Ang otaku mo. Pati lovelife, hindi mo pinalampas." Banat ni Skye sa kaklase pero nginitian lang siya ni Alfheim.


"Sige na, spin mo na yung bottle Alfheim." Utos ni Hiroshi sa dalaga. Agad din niya namang ginawa ito at inikot ang bote. Saktong huminto ito sa katabi niyang si Aeron. Nakanganga ang binata at halatang gulat na gulat na huminto ang bote sa kanya.


"Aeron, truth or dare?" Nakalolokong tanong sa kanya ni Alfheim.


"Wala 'kong tiwala sa'yo. Dare na lang." Sagot ng binata, pagkatapos ay naggrin siya sa harap ng dalaga.


"Sige. Walang bawian ha? Gusto ko, lapitan mo yung taong crush mo. Pagkatapos, i-kiss mo siya sa pisngi." Utos ng dalaga. Naghiyawan ang kanyang mga kaklase dahil sa utos ni Alfheim. Lahat sila ay nakatingin kay Aeron at halatang inaabangan ang kilos ng binata.


"B-B-Bes naman. Huwag naman gan'to." Angal ng binata kay Alfheim pero nginitian lang siya nito.


"Huwag ka nang umangal Aeron. Pangkatuwaan lang naman eh." Wika ni Keiffer na nakatingin din sa binata. Mas lalong nailang si Aeron nang marinig niya ang sinabi ni Keiffer.


"Oh heto, gawin mo na." Utos ni Myler habang binibigay ang bote sa binata. Halata sa mukha ng binata ang pagkamula dahil sa sobrang hiya. Nangninginig niyang kinuha ang bote sa kamay ni Myler. Nakayuko siyang naglakad kagaya ng utos ni Alfheim. Huminto siya sa isang pwesto at iniabot ang bote.


"B-B-Bakit sa akin?" Napakunot ang noo ni Keiffer at napatingala sa binata nang makita niyang inaabot sa kanya ang bote.


"Tanggapin mo na, tanggapin mo na! Hahaha!" Pagkakanchaw ni Julyanne at Venice sa kaklase.


"D-D-Dare lang naman 'to eh." Kinakabahang wika ng binata. Ngumiti si Keiffer at tumango. Bahagya niya ring sinide-view ang kanyang mukha para mahalikan siya ni Aeron sa pisngi. Palihim namang tumayo si Alfheim dahil sa kanyang binabalak.


"Gawin mo na." Mahinahong wika ni Keiffer. Dahan-dahang inilapit ni Aeron ang kanyang mukha sa binata at hinalikan ito. Sakto namang nasa likuran si Alfheim ng binata kaya binatukan niya si Aeron, dahilan para matumba ang dalawa sa pagkakaupo. Mas lalong naghiyawan ang mga mag-kakaklase dahil dito. Agad tumayo si Aeron at halatang ilang na ilang sa nangyare.


"May atraso ka sakin bes ha?" Pananakot ni Aeron sa dalaga pero tinawanan lang siya nito. Nakangiti lang si Keiffer habang pinupunasan ang pisngi, sinasakyan niya lamang ang katuwan ng kanilang klase.


"Oh siya, game. Truth or-" Naputol ang kanilang kasiyahan nang marinig nilang bumukas ang pintuan.


"Dare." Pagpapatuloy ni Maxine ng kanilang sinasabi. Marahang naglakad papunta sa kanilang kinauupuan si Maxine at umupo.


"Let's play this game." Anyaya niya sa mga studyante. Pagkatapos ay inikot niya ang bote, nasaktuhan namang huminto ito kay Cyril na busy sa kakakuha ng litrato sa kanyang mga kaklase.


"Hi miss. Truth or Dare?" Tanong ni Maxine. Gulong-gulo naman ang mga studyante dahil ngayon lamang nila nakita ang babaeng ito.


"T-T-Truth?" Naiilang na sagot ni Cynah. Nabuo ang isang nakalolokong ngiti sa labi ni Maxine. Dahan-dahang tumayo ang dalaga at nagsimulang maglakad paikot sa mga studyante.


"Sino sa tingin mo ang killer sa seksyon na 'to." Tanong niya sa dalaga.


"Oooh, this is interesting." Bulong ni Czarinah sa katabing si Mikasa.


"Y-Yeah." Sagot ni Mikasa, pagkatapos ay napahawak ito sa kanyang batok.


"Si.. Si.." Pambibitin ni Cynah habang nakatingin sa kanya ang lahat.


"Stop this game!" Sigaw ni Cj habang iniwan si Sakura na kausap si Zero gamit ang kanyang phone.


"Si Czarinah." Sagot ni Cynah kahit na pinagsabihan na sila ng gurong itigil na ang laro. Napatayo si Czarinah nang marinig niya ang kanyang pangalan.


"What the hell Cynah?!" Pasigaw niyang tanong sa dalaga.


"I said stop this game!" Muling sigaw ng binata, dahilan para matahimik ang buong kwarto.


"Sorry sir." Paumanhin ni Czarinah sa guro.


"Girls, paghatian niyo na lang yung dalawnag bedroom at magpahinga. Dito na lang ang boys matulog sa sahig. Tiis-tiis muna tayo ha?" Utos niya. Agad nagsitayuan ang mga studyante at naggrupo-grupo na para magpahinga. Lumabas din si Cj para puntahan ang kapwa-guro.


"Anong balita?" Tanong niya sa dalaga.


"Nakausap ko na si Zero, pupuntahan daw tayo. Mabuti na nga lang at gising pa siya. Disoras na ng gabi, nag-aayos daw kasi siya ng papers at nagt-trace ng transactions ni Mrs. Mendoza. Mukhang may ibabalita siya sa atin pagdating niya rito." Paliwanag ng guro.


"Mabuti kung sa ganon. Magpahinga ka na, ako na muna ang magbabantay dito." Paalala niya sa guro. Ngumiti lang si Sakura at napailing.


"Salamat ha?" Mahinhing wika ng guro, habang tinatapik sa balikat ang binata.


"A-Ah? Wala 'yon. Maayos din natin 'to." Sagot ng binata.


"Sige. Iidlip muna ako." Paalam niya sa binata, pagkatapos ay pumasok na ito ng meeting hall. Naiwan ang binata na mag-isa sa labas habang pinagmamasdan ang paligid.


"Magiging okay din ang lahat." Bulong ni Cj. Nagbuntong-hininga si Cj at sumandal sa pader habang tinitignan ang kanyang paligid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro