
CP29:The New Girl
Mag-aalas tres na ng madaling-araw nang biglang naalipuntagatan si Cheska. Bumangon siya sa kanyang higaan at kinusot-kusot ang kanyang mga mata. Inunat niya rin ang kanyang mga kamay at paa. Ilang saglit lamang, tumayo na siya sa kanyang higaan at nag-isip na lumabas. Wala kasi siyang magawa at hindi na rin siya madapuan ng antok sa mga oras na 'to. Tinitigan niya ang kanyang mga kasama at nakitang mahimbing silang natutulog. Napangiti siya't napaisip, alam niya sa rami ng pinagdaanan nila, malalagpasan nila lahat ng 'to. Gustuhin niya mang umuwi, hindi niya magawa, alam niyang mayroong haharang at haharang sa kanila lalo na't mapanganib ang kanilang sitwasyon sa ngayon. Humikab muna ang dalaga bago siya tuluyang naglakad papunta palabas ng pintuan. Kahit na inaantok pa, nagdesisyon siyang lumabas ng kwarto. Nagulat siya dahil mayroon siyang nakitang isang lalake. Tahimik lang itong nakatingin sa bintana habang umiinom ng kape. Nilapitan niya ito at kinalabit sa likuran.
"Hey." Matipid na bati ng dalaga. Nang marinig siya nito, agad tumalikod ang binata. Si Emman lang pala, nakangiti ito sa kanya at tila nagagalak na makita siya.
"Oh?" Tanong sa kanya ni Emmanuel.
"Bakit gising ka pa?" Nagtatakang tanong ng binata sa kanya. Ngumisi lang si Cheska at ibinalik ang tanong sa binata.
"Ikaw, bakit gising ka pa?" Natatawang tanong ni Cheska.
"H-Hindi kasi kami makatulog eh." Paliwanag ng binata.
"Kami?" Nakakunot na noong tanong sa kanya ng dalaga.
"Oo. Kami ni Yuki. Nasa baba siya ngayon, kasama si Mayumi." Paliwanag ng binata, pagkatapos ay nasundan ito ng matamis na ngiti. Nakatingin lang sila sa isa't-isa at parang nagpapakiramdaman. Ang awkward kasi, hindi naman sila masyadong close at mas mahilig si Emmanuel makipaghalobilo sa ibang seksyon kaysa sa kanyang mga kaklase. Magsasalita't mag-oopen sana ng topic si Cheska nang biglang isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong building.
"Ahhhh!" Malakas na sigaw ng isang lalake. Nanlaki ang mga mata ni Emman at Cheska at kumaripas ng takbo pababa upang suriin kung anong nangyari. Naratnan nila ang walang buhay na katawan ni Yuki. Nakabitin ito ng patiwarik, laslas ang leeg at may malalaking pasa sa buong katawan.
"H-H-Hindi 'to pwede mangyari..." Malamig na bulong ni Cheska. Tinitignan niya ang mga mata ni Yuki na nakatitig sa kanya, kaya naman grabe ang lamig na nararamdaman at bumabalot sa buong katawan niya. Nagkukumahog namang sumisigaw si Emman dahil mayroong isang grupo ng mga lalake ang may hawak-hawak kay Mayumi at pilit na isinasakay ito sa isang kulay pulang kotse.
"Shit! Shit! Cheska! Gisingin mo sila! Shit! Shit! Shit!" Walang tigil na sigaw ni Emmanuel habang tumatakbo papunta sa direksyon ng kulay pulang kotse para mapigilang makuha si Mayumi.
"A-Aahh? O-Oo?!" Natatarantang sagot ni Cheska kay Emmanuel. Kumaripas ang dalaga ng takbo paakyat ng villa pero pagkapasok niya sa pintuan. Isang matipunong lalake ang sumalubong sa kanya, ang isa sa mga care-taker ng villa na 'to. Nanlilisik ang mga mata nito at tila may masamang binabalak sa kanya.
"S-Sino ka?!" Natatakot na tanong ni Cheska sa lalaki. Nginitian lamang siya nito, at ipinakita sa gilid ang hawak-hawak nitong malaking itak.
"What the hell?!" Sigaw ni Cheska, pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo papalayo sa pintuan para magtago. Tumitili siya para sa gayon, magising ang iba niyang mga kaklase't guro. Nasa harapan naman ngayon ni Emmanuel si Mayumi at ilang matitipunong lalaki na may hawak sa kanya.
"B-B-Bitawan niyo siya." Nagmamatapang na sigaw ng binata, kahit na kinakabahan, sibunukan niya pa ring iligtas si Mayumi.
"Papalag ka ba?" Paghahamon sa kanya ng isang matipunong lalaki habang hawak-hawak siya sa kanyang kwelyo.
"Bitiwan niyo si Emmanuel, ako kailangan niyo 'di ba? Bitiwan niyo siya." Sigaw ni Mayumi.
"Manahimik ka." Sigaw ng isang lalaki, pagkatapos ay sinapak si Mayumi dahilan para mawalan ng malay ang dalaga. Mayroong inilabas ang isang lalaki na lubid galing sa sasakyan.
"Pasensya ka na, ikaw kasi eh, masyado kang pakielamero. Napag-utusan lang kami." Mahinahong bulong sa kanya ng isang lalake. Pagkatapos, nagulat na lang si Emmanuel nang biglang mayroong nagsuot ng lubid sa kanyang leeg galing sa kanyang likuran. Mabilis itong itinali hanggang masakal ang binata.
"Paalam." Wika ng isang lalaki. Nagulat na lang si Emman ng biglang mayroong tumatakbong isa pang lalaki papunta sa kanila. Itinaas niya ang kanyang isang kamay nang nakasenyas na Okay. Kasabay ng pagtaas ng kamay niya ay biglang pagliyab ng apoy sa gilid ng bahay.
"Shit!" Sigaw ni Emman, pagkatapos ay tumakbo siya papalayo ng kotse pero bigla siyang nasakal nang makita niyang mahigpit na nakatali ang lubid sa kotse. Tsempuhan namang papasok na ang hinihintay nilang lalaki.
"I fucking need to get out of here." Natatarantang bulong ni Emmanuel sa sarili habang pilit na inaalis ang mahigpit na tali sa kanyang leeg. Ilang saglit lamang, narinig niya nang magstart ang kotse. Bumusena muna ito ng tatlong beses.
"Fuck." Bulong ni Emmanuel sa sarili. Pagkatapos ay kumaripas ng takbo ang kotse dahilan para makaladkad ang buong katawan ni Emmanuel. Agad siyang nagkaroon ng maraming sugat sa katawan dahil sa matutulis na bato na nakakalat sa lupa. Tuwang-tuwa naman ang driver sa kanyang ginagawa, hindi pa ito nakuntento at inatrasan pa ang katawan ni Emman. Halos mapisat ang buo niyang katawan, nagulungan ang kanyang mga buto at lumabas din ang kanyang mga mata dahil sa paulit-ulit na paggulong sa kanyang ulo. Nang maramdaman ng driver na patay na si Emmanuel, huminto sila sa tapat ng villa at bumaba ang isa nilang kasama para putulin ang lubid.
-
Nagising na lamang si Sakura nang may narinig siyang sigawan mula sa labas. Agad niyang ginising ang kanyang dating kaklase natutulog sa sofa upang asikasuhin ang ibang studyante.
"CJ! CJ! Gumising ka na! Masama ang kutob ko sa paligid." Natatarantang sigaw ni Sakura habang yinuyugyog ang katawan ni CJ. Agad din namang nagising ang binata at halatang inaantok pa.
"Gisingin mo yung ibang mga studyante, dalhin mo sila sa ligtas na lugar. Nasusunog ang villa! Kailangan na nating umalis." Sigaw ni Sakura. Nang marinig ito ng binata ay agad siyang bumangon upang pagkakatukin ang iba't-ibang kwarto ng mga studyante."Magsigising kayo! Nasusunog ang buong bahay!" Sigaw ng binata habang mabilis na kinakalabog ang mga pintuan ng mga studyante. Agad din namang nagsigisingan ang mga ito at mabilis na bumaba at lumabas ng bahay.
Nadatnan nila sa labas ang walang buhay na katawan ni Yuki, halos masuka ang ibang studyante sa kanilang nakita. Napasigaw din si Sunshine nang makita niya si Cheska at ang isang matipunong lalake sa gitna. Nanlilisik ang mga mata ng lalake habang hawak-hawak sa leeg si Cheska.
"C-Cheska!" Sigaw ni Julyanne.
"P-Pakawalan mo si Cheska." Sigaw ni CJ, pagkatapos ay sinubukan niyang lumapit ngunit agad din siya nitong pinagbantaan.
"Huwag kang lalapit! Huwag kayong lumapit kung ayaw niyong mamatay 'tong babaeng 'to!" Banta ng lalake, pagkatapos ay mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya kay Cheska.
"I have a plan." Malamig na bulong ni Sakura sa sarili habang nakatingin sa mga mata ng lalaki, pagkatapos ay maingat siyang kumalas sa grupo. Sinugarado niyang umalis nang hindi nahahalata ng kanyang mga kasama.
"A-Ano bang kailangan mo sa amin? Pakawalan mo lang ang bata, huwag mo siyang idamay dito. Pag-usapan natin 'to." Pakiusap ni CJ sa lalaki ngunit tinawanan lang siya nito.
"Pinatay niyo ang nanay ko. Pinatay niyo rin ang anak ko. Pinatay niyo sila sa sarili naming pamamahay." Nanggagalaiting sigaw ng lalake na ikinagulat ng lahat. Nasa isang tabi lang si Esther at hindi mapakali. Palingon-lingon siya sa iba't-ibang direksyon na para bang mayroong hinahanap. Marahan niyang hinawi ang kanyang buhok at naalala ang isang kaibigan.
"Shit." Bulong niya sa kanyang sarili.
"S-Si Travis! Nawawala si Travis!" Nagkukumahog na sigaw ni Esther, dahilan para maagaw niya ang atensyon ng kanyang mga kaklase. Iginala niya ang kanyang mga mata at nakita si Travis sa isang binata. Kinakalambag niya ang binata upang humingi ng tulong. Medyo kumakapal na rin ang usok sa loob ng kwarto kaya hindi masyadong makita o maaninag ang dalaga.
"H-Hindi ko na alam gagawin ko, pero hindi ako susuko." Nanghihinang bulong ni CJ sa sarili. Agad siyang lumingon sa mga studyante at agad nag-isip ng gagawin. Kahit na biglaan, kailangan nilang kumilos. Hindi maaring panoorin nilang ganito ang nangyayari.
"Skye, Kramer! Subukan niyong iligtas sa loob si Travis. Hindi ko magawang mautusan si Xian, alam niyo namang may sugat siya hindi ba?" Paliwanag sa kanila ng binata. Tumango agad ang dalawang binata at hindi na nagaksaya pa ng oras.Bago sila pumasok ng bahay, hinawakan ni Venice ang kanang braso ni Skye.
"Mag-iingat ka." Matipid na paalala ni Venice sa binata. Nginitian lang siya nito habang nakatingin lang sa kanila si Kramer at napapailing sa kanyang nakikita. Mabilis silang pumasok sa loob ng bahay upang hanapin at iligtas si Travis. Sinalubong sila ng napakakapal na maitim na usok at mainit na hangin. Kitang-kita rin ng kanilang mga mata ang unti-unting paglamon ng apoy sa malaking bahay. Kumaripas sila ng takbo paakyat ng second floor upang hanapin ang dalaga.
"Travis! Travis!" Paulit-ulit na sigaw ng dalawang binata habang nilalakbay ang mga kwarto sa pangalawang palapag. Napasigaw na lamang si Kramer nang makita niya si Travis sa isang kwarto, nakahilata ang dalaga at wala nang malay. Hindi na nakaya ng kanyang katawan ang usok sa loob ng kwarto kaya siya nagkaganito.
"Skye! Nandirito si Travis!" Sigaw ni Kramer sa binata. Mabilis na tumakbo si Skye papunta sa kinatatayuan ng binata. Marahan nilang itinayo si Travis, pagkatapos ay iniakbay nila ang dalaga sa kanilang balikat.
Hindi mapakali't hindi mapanatag ang loob ni Esther sa mga nangyayari, kaya naman nang makita niyang pumasok ang dalawang binata, mas lalong lumaki ang interes niyang pasukin ang nasusunog na bahay at sumamang iligtas ang kaibigan. Mariin siyang napalunok at sinabunutan ang sarili.
"Bahala na." Malamig niyang bulong sa sarili. Nagdesisyon ang dalaga na pumasok sa loob at sundan ang dalawang binata. Matatahimik lang siya kapag nakita niyang maayos ang kalagayan ng kanyang best friend. Palihim siyang lumayo sa grupo hanggang sa mapasok niya ang bahay.
"Travis, bes? Nasan ka na? Bes?!" Paulit-ulit niyang sigaw habang nilalakbay ang nasusunog na bahay. Palabas na sana sila Kramer nang makita nila si Esther sa loob.
"Esther!" Sigaw ni Kramer sa dalaga, agad namang lumingon si Esther. Nakita niya sina Kramer, Skye at Travis. Laking tuwa niya nang makita niyang nailigtas ng kanyang mga kaklase ang bestfriend niya. Mabilis na nawala ang pag-aalala at napalitan ito ng sabik at tuwa.
"T-Travis!" Sigaw niya nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na tunog. Mabilis na bumagsak ang kisame sa kinatatayuan ni Esther. Nadaganan at halos mapipi ang kanyang katawan dahil sa sobrang lakas ng pagkakabagsak nito.
"Esther! E-Esther!" Muling sigaw ni Kramer sa pangalan ng kaklase, kitang-kita nang dalawa niyang mga mata ang mabilis na pagbagsak ng kisame sa katawan ng dalaga.
"Kailangan na nating bumalik, halika na." Anyaya sa kanya ni Skye.
"P-P-Pero paano si Esther?" Kinakabahang tanong ni Kramer sa binata.
"Halika na, patay na si Esther." Prangka't walang kaemo-emosyong sagot ni Skye.
"Sa sitwasyon natin, kailangan nating maging matatag, kung magpapakahina't magpapaapekto ka, magugulat ka na lang isang araw patay ka na pala." Wika ng binata. Nagbuntong-hininga na lamang si Kramer at sinunod ang kaklase na bumalik na lamang sa kanilang mga kaklase.
-
"C-Cheska!" Sigaw ni Sunshine nang makita niyang itinapat ng lalake ang isa niyang kamay sa kaliwang mata ni Cheska.
"H-Huwag mong gawin 'yan." Natatakot at kinakabahang pagkasabi ni CJ.
"Someone's watching, and she's coming for us." Bulong ni Lee Miww habang nakatitig kay Cheska.
"Weirdo talaga 'tong babaeng 'to, kung ano-ano sinasabi." Bulong ni Aeron kay Alfheim.
"Adik ka talaga bes. Ang cool nga eh, para siyang si Mei Misaki." Naastigang tugon ni Alfheim.
"Ahhhh!" Napakalakas na sigaw ni Cheska nang biglang diniinan ng lalake ang kanyang daliri sa mata ni Cheska. Nagwawala siya't sinusubukang magpumiglas dahil sa sobrang sakit.
"Bitiwan mo siya!" Sigaw ni Sakura na mabilis na tumatakbo sa likod ng lalaki. Mayroon siyang hawak na isang matalim na itak sa kanyang kamay. Pasugod na sana siya nang bigla silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.
"Ahhhh!" Sigaw ni Cheska, pagkatapos ay dahan-dahan siyang bumagsak sa lupa. Napangiti ang lalaki dahil dito, marahan din itong lumingon at nakita ang isang babaeng may hawak ng baril at nakatutok sa direksyon nila. Mahinang tumawa lang ang lalake, pagkatapos ay bumagsak ito sa lupa. Kumaripas ng takbo sila CJ at ilan niyang mga kaklase nang makitang nabitawan na ng lalaki si Cheska. Napakunot ang noo ni Sakura at nilapitan ang babae.
"S-S-Sino ka?" Naguguluhang tanong ng dalaga. Ngumisi lang ito at marahang hinawi ang kanyang buhok.
"Maxine, My name is Maxine." Misteryoso't malarong bulong sa kanya ng babae, pagkatapos ay naglakad ito papunta sa direksyon ng mga studyante.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro