
CP26:Skepticism
Huminto ang van ilang metro lamang ang layo sa isang police station. Lahat ng nasakay dito ay nagtitinginan at pinapakiramdaman ang isa't-isa kung sino ang unang bababa ng sasakyan. Mabigat na isinandal ni Tristan ang kanyang likuran sa malambot na upuan ng sasakyan.
"Bakit ayaw niyo pang bumaba?" Nagtatakang tanong ng binata sa kanyang mga kaklase.
"T-Tara na. Sumama kayo sa akin Esther at Travis." Utos ng guro kasabay ng pagbukas niya sa pintuan ng sasakyan. Sabay-sabay silang bumaba at naglakad papunta sa station. Medyo kakaiba ang ambiance sa stasyon na ito, mayroon ka ring mararamdamang hindi maipaliwanag na aura na bumabalot dito.
"Matutulungan kaya nila tayo?" Naghe-hesitate na tanong ni Esther kay Travis.
"Siguro naman, mga pulis sila hindi ba? Trabaho nilang tulungan tayo." Walang ganang sagot ni Travis.
"Dito muna kayo ha? Papasok lamang ako sa loob para manghingi ng tulong." Wika ng guro. Naiwang nakatayo ang dalawang dalaga sa harapan ng stasyon.
Sa loob naman ng kotse, tahimik silang lahat at mayroon kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Ang iba'y nakikinig ng musika sa radyo, nakikipagkwentuhan at nagmamasid sa paligid. Nagbuntong hininga si Kyla at binasag ang katahimikan.
"Nasaan na kaya sila Julyanne at Venice?" Tanong niya sa mga kasama. Napatingin naman sa kanya si Skye at Kramer nang marinig nila ang pangalan ni Louie.
"H-Hindi ko alam. K-Kaya nga ako sumama rito para mahanap din siya." Tugon ni Skye habang nakatingin ng malayo.
"Sana ligtas siya." Pabulong na sagot ni Kramer.
"Kumusta na kaya ang iba nating mga kasama? Ligtas pa kaya sila?" Sunod na tanong ni Kyla sa mga kasama.
"For sure, okay lang sila. May tiwala ako sa mga kaklase natin na kayang-kaya nila 'yan. Naniniwala rin ako na malapit na 'tong matapos, kaunti na lamang." Wika ni Astrid. Tahimik naman sa sulok si Alfheim habang nakasandal ang kanyang ulo sa makapal na salamin ng sasakyan. Marahang lumapit si Rence kay Alfheim.
"Oh? Alfheim, bakit parang ang lumbay mo diyan? Hindi ka ba natutuwa? Matutulungan na tayo ng mga kinauukulan. Malapit nang matapos ang paghihirap natin, malapit nang matapos itong karumal-dumal na larong ito." Pagcocomfort ni Rence sa dalaga. Bahagyang napangiti si Alfheim ngunit mahahalata sa kanyang mukha na mayroon siyang malalim na iniisip.
"Natutuwa ako." Matipid niyang sagot kay Rence. Napakunot ang noo ni Rence sa tono ng pagkasabi ni Alfheim sa kanya.
"Eh kung natutuwa ka, bakit parang hindi ko makita ang galak sa iyong mga mata?" Nagtatakang tanong ng binata.
"S-Si Aeron." Nanginginig na bulong niya sa binata. Mabilis na nagtubig ang kanyang mga mata at ilang saglit lamang, hindi niya na napigilang maiyak. Napalunok si Rence sa nakita niyang reaksyon ni Alfheim, medyo nakaramdam din siya ng pagkaguilty dahil iniwan nila si Aeron sa harap ng villa.
"H-H-Hindi ko dapat iniwan si Aeron, best friend niya 'ko." Pagsisisi ng dalaga sa kanyang sarili. Dahan-dahang inilapat ni Rence ang kanyang balikat sa dalaga upang siya'y yakapin.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, nadala ka lamang sa sitwasyon natin. Sa pinagdadaanan natin ngayon, natural lamang na minsan, hindi tayo makapag-isip ng maayos." Bulong ng binata, tahimik na pahikbi-hikbi ang iyak ni Alfheim. Tinitigan ng dalaga si Rence sa mga mata at sumagot.
"Iyon na nga ang problema eh, nagpadala ako sa sitwasyon. Hindi ko man lang inisip o sinubukang tanungin kung ano ang rason niya. Paano kung mapahawak siya.. paano kung.." Nanginginig na pagkasabi ni Alfheim.
"Mamatay siya?" Singit ni Astrid sa pag-uusap ng dalawa. Kahit na pabulong mag-usap sina Alfheim at Rence, tahimik siyang nakikinig sa dalawa. Halata sa mukha ng dalawa ang pagkagulat dahil sa biglaang pagsingit sa kanilang pag-uusap ni Astrid.
"Wala na tayong magagawa Alfheim. Kung mamamatay man siya, edi maigi, ayaw mo nun? Hindi niya na kailangang ranasin ang impyernong ito?" Sarcastic na wika ng dalaga kay Alfheim. Yumuko lang si Alfheim at piniling manahimik, ayaw niyang makipagtalo sa kaklase at pahabain pa ang kanilang pag-uusap.
"Astrid!" Saway ni Rence sa dalaga. Ngumiti lamang ang dalaga na tila ba nangaasar pa. Hindi pa nagtagal, lumabas na si Ms. Hazel sa stasyon ng pulis, kasama niya ang isang matipunong lalaki na kasabay niyang naglalakad papunta kina Esther.
"Oh? Mukhang nakalabas na si Chui mula sa stasyon." Walang galang na wika ni Tristan sa kanyang mga kaklase. Pinalo naman siya ni Kyla at halatang hindi natuwa sa pambabastos nito sa kanilang guro.
"Ano kayang gagawin natin?" Curious na tanong ni Skye. Kitang-kita sa kanilang sasakyan ang pakikipag-usap ng kanilang guro at dalawang kaklase sa matipunong pulis. Napakunot ang noo ni Kyla nang makita niyang isang sasakyan ang huminto sa kanilang tabi. Nakaagaw din ito ng atensyon ng mga studyante sa loob ng sasakyan. Unti-unting binuksan ng babaeng nasa kabilang sasakyan ang salamin, si Julyanne.
"K-Kyla, buksan mo yung salamin." Utos ni Julyanne habang tinatapik-tapik ang salamin sa kanilang sasakyan. Halata naman kay Kyla ang pagkagulat nang makita niya si Julyanne sa kanyang harapan na tinatapik ang salamin.
"G-G-Guys, sila Julyanne.." Pautal-utal at nanginginig niyang pagkasabi sa mga kasama.
"Julyanne?" Nagtatakang wika ni Tristan habang nakataas ang isa niyang kilay. Mabilis na binuksan ni Skye ang pintuan ng van.
"Guys, nasa kabilang sasakyan sina Julyanne, baka nandoon din sila Red. Tara, puntahan natin sila." Anyaya ni Skye sa kanyang mga kaklase. Agad kumurba ang matatamis na ngiti sa kanilang mga labi, umaasang nakita na nila ang kanilang mga nawawalang kaklase.
"Dalian ninyo..." Matamis na wika ni Julyanne sa mga kaklase. Agad binuksan ni Louie ang pintuan ng kanilang sasakyan, isang mahigpit na yakap mula kay Skye ang kanyang natanggap.
"S-S-Skye..." Gulat na wika ni Venice habang mahigpit siyang yakap-yakap ng binata. Hindi niya alam ang gagawin, natutuwa siya na ewan, siguro dahil mayroon silang nakaraan ng binata.
"Huwag mo nang gagawin 'yon ha?" Bulong ni Skye sa dalaga. Ang iba nama'y pinagkakaguluhan si Julyanne at tinatanong kung anong nangyari sa kanila. Habang ang lahat ay masaya, tahimik namang pinagmamasdan ni CJ mula sa kanyang sasakyan si Ms. Chui at kanyang kasama. Bahagya siyang ngumiti sa kanyang nakita, marahan niyang nilingon ang masayang nagkwe-kwentuhang mga studyante at sumingit sa usapan. Nang makita nila Travis at Esther ang isang sasakyang katabi ng kanila, agad nila itong nilapitan at iniwan ang guro na nakikipag-usap sa lalaki.
"Kailangan na nating maka-alis dito." Malamig na wika ni CJ habang tinitignan ang mga studyante.
"S-Sino siya?" Tanong ni Astrid kay Venice habang nakapamewang at nakataas ang isang kilay.
"Mahabang storya, sumakay na kayo, aalis na tayo." Malamig na sagot ni Venice sa kanya. Papasok na sana si Alfheim sa sasakyan nang biglang mahigpit na hinawakan ni Astrid ang braso nito.
"Hindi. Walang aalis." Malamig na bulong ng dalaga na ikinagulat ng kanyang mga kaklase.
"Hindi natin iiwan sila Ms. Hazel dito, tsaka, hindi nga natin kilala 'yan eh." Mataray niyang sagot habang nakaturo ang isa niyang kamay sa driver's seat, kay CJ.
"Astrid, mapagkakatiwalaan siya. Tinulungan niya kami." Malumanay na sagot ni Julyanne.
"Hindi porket tinulungan ka, eh mabait na. Mag-ingat ka, baka sa likod ng pagtulong na 'yan, ay mayroon pa lang masamang binabalak laban sa'yo." Babala ni Astrid kay Julyanne.
"Kailagan na talaga nating umalis..." Singit ni CJ sa usapan. Natawa lamang si Astrid dito at halatang napakataas ng confidence ng dalaga sa kanyang sarili.
"Osige, sumakay sa loob ng sasakyang 'to ang sasama sa kanila, habang maiwan naman dito kasama ko ang mananatiling ligtas at matutulungan ng mga pulis. Malaki ang tiwala ko sa ating guro na kaya niya tayong protektahan sa kahit ano. Lalo na ngayo'y alam na ng pulis ang mga nangyayare." Confident at nagmamayabang niyang pagkasabi. Nanlaki ang mga mata ni CJ sa kanyang narinig, magsasalita sana siya nang biglang bumanat muli ang dalaga.
"Subukan niyong sumama sa kanya nang mapadali ang buhay niyo, sino ba siya? Hindi nga natin siya kilala 'di ba? Huwag kayong magtiwala agad-agad, ngayon pa lamang natin siya nakita. Who knows? Baka mamaya, kasabwat siya ng killer." Sarcastic at paranoid na pagkasabi ng dalaga. Gulong-gulo ang isipan ng bawat isa at halatang hindi alam ang kaniang aksyon na gagawin. Ayaw man nilang mangyari pero mahahati na naman ang kanilang grupo.
"Sumama na kayo sa amin Julyanne at Venice, huwag na tayong maghiwa-hiwalay." Pakiusap ni Kyla sa dalawang dalaga. Napangiti lang si Julyanne at umilingiling.
"Alam ko ang gagawin ko, kaya kami nagtungo rito para mailigtas kayo..." Mahinhing wika ni Julyanne. Nanlaki ang mga mata ni CJ nang makita niyang unti-unting papalapit si Ms. Hazel papunta sa direksyon ng kanilang sasakyan. Muli niyang nilingon ang mga studyante at pinaalalahanan.
"Kailangan na nating umalis, sumakay na ang mga sasakay. Delikado kung magtatagal pa tayo rito." Wika ng binata, unti-unting dumiin ang grip niya sa manibela ng sasakyan.
"Sorry pero.. sasama ako sa kanila." Wika ni Alfheim, pagkatapos ay sumakay na ito sa sasakyan nila Venice.
"Kami rin, sasama rin kami." Bulong ni Esther kay Travis, pagkatapos ay hinatak niya papasok ng van ang kaklase.
"Ako rin, ayoko nang mawala sa tabi ko si Venice." Masayang pagkasabi ni Skye, pagkatapos ay pumasok na rin siya papasok ng sasakyan.
"Ako rin.." Bulong ni Kramer habang nakatingin kay Julyanne.
"Sumama na kaya tayo sa kanila Astrid?" Naghehesitate na tanong ni Kyla sa dalaga.
"Hindi. Buo na ang desisyon ko, wala talaga akong tiwala diyan." Malumanay na sagot ni Astrid sa dalaga.
"Huwag mo 'kong iiwan Kyla ha? Dito ka lang." Dagdag ng dalaga. Nagbugtong hininga si Kyla at bahagyang nginitian si Astrid. Kahit na gusto niyang sumama kila Venice, pipiliin niya pa ring samahan si Astrid.
"Sige." Matipid na sagot ni Kyla sa kaklase. Nang marinig ni Astrid ang sagot ni Kyla, agad siyang napangiti at inayakap ang kaklase.
"Salamat. Salamat.." Matamis na bulong niya sa dalaga. Napangiti naman si Rence sa kanyang nakita at nagpaalam na kila Venice.
"Maiiwan kami rito, sige, mauna na kayo. Puntahan niyo muna ang iba sa villa at tignan kung okay ba ang kalagayan nila." Paalala ni Rence sa kanyang mga kaklase. Pinili rin magpaiwan ni Tristan para mabantayan si Kyla.
"Sige, mag-iingat kayo. Mauna na kami." Seryosong tugon ni CJ kay Rence, pagkatapos, mabilis na isinarado ni Rence ang pintuan ng kanilang sasakyan. Mabilis na ipinatakbo nito ni CJ nang makita niyang okay na ang lahat. Kahit na medyo nakakalayo na sila, hindi napigilan ni Venice na lingunin ang kanyang mga kaklase. Kasabay ng kanyang pagtingin, napansin niya ang matipunong mamang pulis na kasama ni Ms. Hazel papalapit kila Kyla. Mariing napalunok ang dalaga at nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nakita.
"Siya yun.." Bulong niya sa kanyang katabi na si Julyanne.
"Siya yung pulis na kasama nila Red."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro