
CP24:A Dreadful Experience
Misteryoso, malamig at nababalot ng nakabibinging katahimikan, ilan lamang iyan sa mga maaring maglarawan sa sitwasyon ngayon ni Aeron na kasalukuyang naghihintay sa grupo nila Keiffer. Nakaupo si Aeron sa isang malapad na kahoy nang bigla siyang nakarinig ng kaluskos galing sa kanyang paligid.
"S-Sino yan?" Wika ng binata habang iginagala ang kanyang paningin sa paligid. Napahawak ng mahigpit si Aeron sa kanynag t-shirt sa sobrang kaba. Nagsimula na ring magkaroon ng butil butil na pawis sa kanyang noo.
"Sino yan? Magpakita ka!" Sigaw niya. Sa ngayon, napatayo siya nang biglang siyang nakarinig ng isang ungol ng hayop. Mariin na napalunok ang binata at agad humanap ng mapagtataguan. Pumunta siya sa likod ng isang makapal na puno habang naririnig niya ang malalakas na yapak ng taong papalapit sa kanya. Base sa kanyang obserbasyon, isa itong lalake dahil narinig niya itong magsalita.
"Kaunting hintay na lang, malapit na sila lahat mamatay." Malakas at malamig na pagkasabi ng lalake habang nakatingin sa kanyang hawak-hawak. Malakas niya itong ibinagsak sa pader, gamit ang kanyang malalaking braso, buong-lakas niyang itinaas ang palakol at walang humpay na ibinagsak ito sa patay na hayop. Kitang-kita ni Aeron ang bawat sandaling iyon, hindi niya alam sa kanyang sarili kung ano ang dapat isipin. Sila ba ang itinutukoy na malapit na mamatay? O mga hayop sa gubat?
Sumandal si Aeron sa punong kanyang pinagtaguan at mariin na ipinikit ang kanyang mga mata. Kahit na nanginging ang kanyang boses sa sobrang takot, pinilit niya pa ring bumulong ng mga dasal. Dasal na humihingi ng pag-asa na magiging maayos din ang lahat. Dasal na humihingi ng saklolo sa kanilang sitwasyon, at higit sa lahat, dasal para sa kanilang kaligtasan. Maya-maya pa ay bigla niyang narinig ang papalapit na yapak ng lalake sa kanyang direksyon. Kasabay ng bawat hakbang nito papunta sa kanya ay ang mga bulong na nakakadagdag ng takot sa kanya.
"Mamamatay kayong lahat. Walang makakaalis dito ng buhay." Nanggigigil niyang pagkasabi. Palakas ito ng palakas habang papalapit siya sa pwestong pinagtataguan ni Aeron. Nagdadalawang-isip si Aeron kung gagalaw at aalis siya sa kanyang pwesto, mariin lang na nakapikit ang kanyang mga mata habang nagdadasal sa kanyang isip.
"Nandito na sila." Bulong ng misteryosong lalaki kasabay nang pagkurba ng isang matamis at nakalolokong ngiti sa kanyang labi. Dahil sa kanyang narinig, mas lalong nanlaki ang mga mata ni Aeron sa sobrang takot. Mabilis ding bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa mga nangyayari. Dahan-dahang inilihis ni Aeron ang kanyang tingin sa lalaki, nakita niya itong unti-unting papalayo sa kanyang kinatatayuan. Mabilis siyang tumatakbo na para bang may tinatakasan. Lalabas na sana si Aeron sa kanyang pinagtataguan ng may napansin siyang iniwan ng lalake sa sahig.
"C-Class Picture?" Naguguluhan niyang tanong habang nakakunot ang kanyang noo. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng pamilyar na boses galing sa kalayuan.
"Aeron!" Tawag sa kanyang pangalan ng isang lalake. Si Keiffer. Kasama niya sina Emmanuel, Sunshine at Yuki. Saktong paglingon niya ay napalitan ang kanyang pangamba at takot ng matamis na ngiti. Hindi niya napigilan ang sarili at naluha dahil dito.
"Keiffer!" Sigaw niya. Hindi niya alam kung bakit pero bigla na lang siyang napatakbo papunta sa direksyon ng kanyang mga kaklase. Gumaan ang kanyang loob at nakaramdam ng sandaling kasiguraduhan ng kaligtasan. Niyakap niya ng mahigpit si Keiffer habang patuloy na umaagos ang kanyang luha dahil sa sobrang tuwa.
"S-Salamat." Bulong ng binata. Gulat na gulat naman si Keiffer at halatang hindi alam ang kanyang gagawin. Natatawa naman at parang kinikilig si Sunshine habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Kinikilig ako. Acheche." Mataas na tonong pagkasabi ni Sunshine. Bahagya lang namang ngumiti si Yuki at umiling-iling. Napabitaw si Aeron sa kanyang pagkakayakap dahil sa sobrang hiya. Hindi niya na kasi napigilan ang kanyang sarili.
"S-S-Sorry Keiffer." Paumanhin ng binata. Tumawa lang si Keiffer at ginulo-gulo ang buhok ni Aeron.
"Wala yun, teka nasaan na ba yung iba mong mga kasama?" Nagtatakang tanong niya kay Aeron nang biglang sumingit si Yuki sa usapan.
"Halika na, bilisan na nating bumalik sa villa bago pa may mangyaring masama. Hindi ko gusto ang aura sa paligid dito." Misteryosong pagkasabi ng binata.
"T-Tama ka Yuki, ikw-kwento ko na lang sa inyo habang pabalik tayo ng villa." Sambit ni Aeron sa kanyang mga kaklase.
"Mukhang may masamang mangyayare sa mga kaklase natin sa villa. Oh diyos ko, tulungan mo po sila." Mahinang bulong ni Yuki sa kanyang sarili habang diretsong naglalakad pabalik ng villa.
--
Dahan-dahang binuksan ni Rey ang pintuan sa isang kwarto. Nakaramdam ng kaba si Cynah nang makita niya na sa ibang kwarto siya idinala ni Rey. Gamit ang malalaking braso ng binata, inihagis niya si Cynah sa sahig ng kwarto.
"R-Rey! Anong ginagawa mo!" Nagkukumahog at paulit-ulit niyang tanong sa binata.
"Masyado ka nang maraming nalalaman, kailangan mo munang manahimik." Malamig na bulong sa kanya ni Rey, pagkatapos ay isinarado niya ang pinto.
"R-Rey! Anong ibig-sabihin nito? Bakit mo sakin ginagawa 'to!" Sigaw ng dalaga habang kinakalmpag ang metal na pintuan. Ilang sandali pa ay agad rin naman niyang narinig ang sagot ng binata.
"Kailangan mo nang mamatay Cynah! Kailangan mo nang mamatay!" Nanggigigil na sigaw ng binata.
"Rey! Pakawalan mo ko rito! Maawa ka sakin!" Pagmamakaawa niya sa binata habang malakas na hinahampas ang pintuan.
"Awa? Pakawalan? Naawa ka ba habang pinapatay mo yung lola ko?" Nanggigigil na sigaw ng binata, pagkatapos ay sinuntok niya ang bakal na pader sa sobrang galit.
"Mamatay ka na Cynah! Mamatay ka na! Mamatay kayong lahat!" Sigaw ng binata. Sa kanyang narinig, parang nanlumo siya sa kanyang nalaman. Nanghina at nangatog ang kanyang mga binti kaya agad siya napaupo sa malamig na sahig ng kwarto. Nagsimulang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata sa mga oras na 'to. Hindi niya alam na lola pala ni Rey ang kanyang napatay, at hindi niya rin ito sinasadya. Kapag hindi niya ito pinatay, maaring sa mga oras na 'to, siya naman ang wala ng buhay.
"N-Nasaan ako?" Gulong-gulong tanong ng dalaga sa kanyang sarili.
Iginala ni Cynah ang kanyang mga mata sa paligid. Wala siyang ibang makita kung hindi mga pagkain at kaunting hayop na nakasabit sa isang hook. Nakita niya rin ang karumaldumal na katawan ng kanyang kakalaseng si Kira na nakahilata sa isang malawak na lamesa. Maya-maya pa, nakarinig siya ng malakas na ugong mula sa kisame. Nakaramdam rin siya ng lamig galing sa kisame, dahil dito, mas lalo niyang nilakasan at pinagkakalampag ang pintuan.
"Tulungan niyo ko! Tulungan niyo ko!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ng dalaga.
--
Tahimik na inaalisa ng tatlo ang mga numerong kanilang nakuha nang bigla silang nakarinig ng tatlong katok mula sa labas ng pintuan. Nagkatinginan silang tatlo na parang naghihintayan kung sino sa kanila ang magbubukas ng pintuan.
"Ikaw na magbukas ng pintuan Cza." Utos ni Xian sa dalaga.
"Ako? Bakit ako? Eh ikaw nga diyan yung lalake eh." Angal ng dalaga habang nakanguso.
"Ako na nga, nagtuturuan pa kayo diyan." Wika ni Mikasa. Dahan-dahang tumayo ang dalaga sa kanyang pwesto at dumiretso sa pintuan. Tinignan niya muna ang maliit na butas ng pintuan para tignan kung sino ito. Napangiti siya at nilingon ang kanyang mga kasama.
"Si Rey lang pala, akala ko naman kung sino." Natatawa niyang pagkasabi.
"Oh? Si Rey pala eh, papasukin mo na." Wika ni Xian habang inaanalisa ang mga numerong nakasulat sa isang papel.
"Sige." Wika ng dalaga, pagkatapos ay agad-agad niya ring binuksan ang pintuan. Bumungad sa kanya si Rey. Nakangisi ito habang may hawak-hawak na malaking balisong sa kanyang madugong mga kamay. Ipinaparaan niya ito sa kanyang mga braso na tila ba nawawala na sa sarili.
"Hi Mikasa." Bati sa kanya ni Rey, pagkatapos ay nasundan ng kahindik-hindik na tawa. Agad nagpanik si Mikasa at biglang isinarado ang pintuan at agad itong nilock.
"Tulungan niyo ko!" Nagpapanik niyang sigaw na agad nakaagaw ng atensyon ng kanyang mga kasama.
"Ba-Bakit anong nangyayare?!" Sigaw ni Xian, pagkatapos ay lumapit ito sa pwesto ni Mikasa.
"S-Si Rey, siya ang killer." Bulong ng dalaga habang humahakbang paatras sa pintuan.
"P-Paano? S-Si Rey Allen ang killer?" Nauutal-utal na pagkasabi ni Czarinah sa mga kasama. Hindi pa nagtagal ay nakarinig sila ng ingay mula sa labas ng pintuan.
"Papasukin niyo ko! Hindi ko kayo sasaktan!" Sigaw ni Rey, pagkatapos ay nasundan ito ng nakalolokong tawa. Tawang parang hindi galing sa isang tao, parang galing sa isang demonyo.
"L-Lumayo kayo sa pintuan.. Kailangan nating maghanda.." Wika ni Xian habang hinawakan ng mahigpit ang dalawang babae sa kanilang mga braso.
"Papasukin niyo sabi ko eh!" Gallit na pagkasigaw ni Rey. Nagulat sila Xian nang makita nilang isinaksak ni Rey ang kanyang malapad na balisong sa kahoy na pintuan. Alam nilang makakayang sirain nito ng binata gamit ang kanyang balisong kapag hindi pa sila gumawa ng askyon.
"M-Maghanap kayo ng maaring maging armas." Seryosong utos ng binata sa kanyang mga kasama. Nanlaki naman ang mga mata ni Czarinah at parang nagtataka sa sinasabi ni Xian.
"Anong gagawin natin? Huwag mo sabihing.." Nanginginig na pagkasabi ni Czarinah.
"Oo, lalaban tayo." Wika ng binata.
"I'd rather die with honor than to die without doing something.." Bulong ng binata sa kanyang sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro