
CP22:Obfuscating Figures
Sa loob ng private villa, naiwan dito ang grupo nila Keiffer. Ang kasama ng binata sa villa ay sina Emmanuel, Rey, Xian, Yuki, Sunshine, Cynah, Czarinah at Mikasa. Nasa loob sila ng isang malaking kwarto ng villa kung saan mayroong nakalagay na malaking tv sa gitna. Kapansin-pansin ang mga gamit sa kwartong ito na mamahalin dahil sa pagkaantique nito. Mayroon ding mga kakaibang paintings na pinapalibutan ang kwarto. Ang mga babae ay kasalukuyang nakaupo sa sofa, samantalang ang mga lalake naman ang nasa sahig. Wala kahit isang umiimik sa kanila at tila pinagmamasdan lang ang palabas sa telibisyon, kung saan ang bida ay ang kanilang mga kaklase na sina Red, Blake at Nadine. Hindi na napigilan ni Keiffer at siya na mismo ang bumasag sa nakabibinging katamahimikan na bumabalot sa kwarto. Pinunasan niya muna ang namumuong pawis sa kanyang noo, at mariin na lumunok bago magsalita.
Keiffer:"G-Guys, look at that.." Wika niya habang nakaturo sa telebisyon. Dahan-dahang bumukas ang pintuan sa kwarto ni Red. Isang matipunong lalaki ang pumasok sa loob at kinarga ang kanilang kaklase habang wala itong malay.
Sunshine:"S-Si Red.." Nanginginig niyang pagkasabi.
Mikasa:"C-Clues, we need to find clues!" Natataranta niyang pagkasabi.
Xian:"W-Wait, look closely guys! Sa likod ng pintuan ni Red, may mga maliliit na numerong nakaukit dito." Seryosong pagkasabi ng binata.
Emmanuel:"N-Numero?" Pagtataka ng binata.
Xian:"Oo, numero, at ang mga numerong nakaukit sa likod ng pintuan niya ay ang numerong 13 at 5." Page-explain ng binata.
Keiffer:"Numbers huh?" Wika ng binata, pagkatapos ay nagbuntong hininga ito at napaupo.
Sunshine:"Ang creepy naman niyan, pero I like it." Naeexcite na pagkasabi ng dalaga.
Cynah:"One thing's for sure, may mga meaning siguro yang numbers na yan. Hindi naman yan nakaukit kung wala lang right?" Dagdag ng dalaga.
Xian:"Tama, and that's our mission. Kailangan nating malaman kung anong mystery ang nasa likod ng mga mysterious digits na 'yan." Matalino niyang pagkasabi.
Keiffer:"G-Guys look.. Si Blake naman ang sumunod." Pag-aagaw niya ng atensyon ng kanyang mga kasama. Agad naputol ang kanilang pag-uusap at pinanood ng mabuti ang ginagawang pagkuha kay Blake sa kanyang kwarto.
Xian:"Watch carefully, baka mamaya may mga numero ulit na nakaukit sa likod ng pintuan." Paalala ng binata sa kanyang mga kasama.
Emmanuel:"14, 4, 15?" Sunod-sunod niyang pagkasabi habang binabasa ang mga numero sa telebisyon. Napaatras si Mikasa at napahawak sa kanyang buhok na parang sinasabunutan ang sarili.
Cynah:"2 Even numbers and 3 odd numbers huh? Not to mention na yung iba sa kanila, ay consecutive numbers pa. Coincidence? Sa tingin ko hindi." Seryoso niyang pagkasabi habang pilit na iniintindi ang mga nangyayare.
Czarinah:"This situation is killing me! Please, please, please, sana matapos na 'tong hellish cycle na pinagdaraanan natin! Everything looks so surreal!" Nagpapanik niyang pagkasabi.
Mikasa:"Hmmmm, I really like where this is going.." Mahinang bulong ng dalaga sa sarili habang nakatingin sa kanyang mga kaklase.
Keiffer:"Iniinput ko dito sa phone yung digits na naga-gather natin para mapagconnect-connect natin. Maybe, just maybe, ito na yung magiging solusyon natin sa lahat!" Natutuwa niyang pagkasabi.
Hindi pa nagtagal ay nagbukas na ang huling pintuan ng huling kwarto, at ito ay ang kwarto ni Nadine. Gising pa ang dalaga at medyo papikit-pikit na ang kanyang mga mata dahil sa amoy na bumabalot sa kwarto. Mayroong pumasok na dalawang lalakeng nakamaskara sa kanyang kwarto. Nang mahawakan si Nadine ng isang lalake, agad siyang nagpupumiglas at nagwala. Sumisigaw ang dalaga ng "tulong, tulungan niyo ko!" kahit na alam niya sa sarili niyang malabong dumating ang tulong na hinihingi niya. Sinampal siya ng isa pang lalake na nasa right side niya at may kinapa sa kaliwang bulsa nito. May inilabas siyang syringe na mayroon lamang kulay puting likido sa loob. Hindi nagdalawang-isip ang lalake na itirok ito sa bandang leeg ng dalaga. Agad nawalan ng enerhiya si Nadine at hindi na nagawang nakalaban, nang maramdaman ng dalawang lalake na wala ng malay si Nadine, agad nila itong binuhat palabas ng kwarto.
Sunshine:"G-Grabe sila, parang hindi makatao ang ginagawa nila kay Nadine." Wika ng dalaga habang nakatakip ang dalawa niyang kamay sa bibig.
Mikasa:"2-26 and 1?" Nagtatakang pagkasabi ng binata habang pilit na tinitignan ang mga numerong nakaukit sa likod ng pintuan ni Nadine.
Keiffer:"13, 5, 14, 4, 15, 26 at 1. Ano kayang ibig-sabihin ng mga numerong 'to?" Naguguluhang tanong ng binata.
Mikasa:"It looks like a fun mystery to solve.." Wika niya.
Xian:"Baka kailangan ng math diyan, I can help." Pagpr-presinta ng binata.
Xian:"Alam kong hindi lang 'yan basta numbers, mas malalim pa sa numbers ang ibig-sabihin ng mga 'to." Wika niya.
Sunshine:"S-Siguro kailangan natin ng tulong ng mga nakakatanda. Ireport mo na kaya kay ma'am Sakura 'to." Pagsu-suggest ng dalaga.
Keiffer:"P-Pero baka kasi may ginagawa silang iba." Paghe-hesitate niya habang kinakapa ang cellphone.
Emmanuel:"Ire-report mo kay ma'am o irereport mo? Pare, buhay natin ang pinag-uusapan dito, huwag ka nang magdalawang-isip diyan."
Cynah:"You should call Miss Castaneto, kailangan natin siya rito." Utos ng dalaga sa binata kaya agad namang sinunod ito ni Keiffer. Pagkatapos niyang matawagan ang guro, agad siyang bumalik sa kwarto upang ibalita ang kanilang pag-uusap.
------
Cynah:"Anong sabi?" Curious na tanong ng dalaga. Ang iba niya namang kaklase ay nakatingin sa kanya na tila atat na atat na malaman ang mga susunod na salitang papakawalan niya.
Keiffer:"Sinabi ni ma'am Sakura na pupuntahan niya raw tayo rito." Wika ng binata. Nakahinga ng maluwag ang iba niyang mga kasama. Sa ngayon, naging optimistic at positive ang lahat dahil alam nila, mayroon silang clue na hawak-hawak na laban sa kung sino man ang killer.
Keiffer:"G-Guys, sa tingin niyo, makakaligtas pa kaya sila?" Tanong niya sa mga kasama, pagkatapos ay tinignan niya ito isa-isa. Nage-expect siya na sasagutin siya ng kanyang mga kagrupo pero walang pumansin sa kanya maliban kay Yuki.
Yuki:"Hindi ko alam.. Hindi basta-basta papayag kung sino man ang may hawak sa kanila na makaligtas sila. Sa ngayon, sila na mismo ang magde-desisyon kung mabubuhay ba sila o hindi. " Malumbay na pagkasabi ng binata. Napataas ang kilay ni Cynah sa kanyang narinig, napatigil siya sa pagkuha ng litrato sa mga paintings sa kwarto. Hinawakan niya ang kanyang camera na si Iris at bumulong..
Cynah:"Indirectly, sinasabi mo bang dapat na nating igive-up sila Nadine? For pete's sake, we're battling with this sh*tty killer for all this time, is it reall-" Bigla siyang pinutol ni Czarinah na halatang nasusura na sa sinasabi ng dalaga.
Czarinah:"Cynah! Shut up!" Naiirita niyang pagkasabi. Nakachin up, nakataas ang kilay at mga matang palaban, yan ang hitsura ni Cynah habang nakatinign siya kay Czarinah. Napahawak siya ng mahigpit kay Iris at dahan-dahang nilapitan si Czarinah.
Cynah:"What did you say?" Maangas niyang pagkasabi na tila may halong paghahamon sa kanyang tono.
Czarinah:"I said, shut up." Mataray na sagot ng dalaga habang unti-unti ring papalapit kay Cynah. Natawa lang ng bahagya si Cynah at hinubad ang pagkakasuot ng kanyang camera sa leeg niya, pagkatapos, maingat niyang inilapag ito sa isang maliit na lamesa na gawa sa punong narra. Bago pa lumala at magkapikunan ang dalawang dalaga, agad nang nangielam si Keiffer sa usapan.
Keiffer:"Hey, stop it you two! Hindi masosolusyunan ng isang problema ang isa pang problema, kaya please, don't pick a fight here? Mahiya nga kayo, sa harap pa namin kayo nag-aaway." Seryoso niyang pagkasabi na ikinatahimik saglit ng dalawa, pero sadyang malakas mang-asar si Cynah at hindi agad-agad siyang nagpapatalo. Isang matamis na ngiti ang kumurba sa labi ng dalaga at muling nagsalita.
Cynah:"No Cza, you shut up." Natatawa nitong pagkasabi na halatang may halong kaplastikan.
Czarinah:"Have you ever killed a man before?" Out of the blue na tanong ni Czarinah, nasundan ito ng misteryosong ngiti na ikinabahala ng lahat ng kanyang kagrupo. Ngumiti lang si Cynah at tila hindi dinapuan ng kahit anong takot sa sinabi ni Czarinah.
Cynah:"Not yet, gusto mo bang ikaw ang iuna ko?" Pang-aasar ng dalaga. Hindi na nakayanan ni Czarinah at parang napuno na sa ipinapakitang asal sa kanya ni Cynah.
Czarinah:"Slutty bitch! Arrgh!" Sigaw ng dalaga, mabuti na lang at nahawak nila Mikasa at Sunshine ang dalawang kamay ni Czarinah. Samantalang dali-dali namang kinuha ni Cynah si Iris sa maliit na lamesa at sinimulang kuhanan ng litrato ang galit na galit niyang kaklase.
Cynah:"Smile for the camera because everybody's gonna trash ya." Masaya niyang pagkasabi habang tuwang-tuwa siyang kinukuhanan si Czarinah. Biglang humarang sa camera si Rey para hindi na makuhanan ng litrato si Czarinah.
Rey:"Stop it, you had your fun kaya tama na. Hindi na nakakatuwa." Malamig niyang pagkasabi. Itinigil na ni Cynah ang kanyang kalokohan at naglakad papunta sa direksyon ng pintuan.
Keiffer:"Where are you going?" Nagtatakang tanong ng binata habang pinagmamasdan ang dalaga.
Cynah:"Outside. Kung saan walang negativity na pumapaligid sa'kin. Sayang ang ganda ko kung mas-stress lang ako sa mga trying-hard na katulad ng isa diyan." Pagpaparinig niya.
Czarinah:"Go ahead! Go outside and die!" Nab-bwisit niyang pagkasabi.
Cynah:"Oh I will, and kapag namatay ako, isusunod na kita." Huling banat ng dalaga, pagkatapos ay agad itong dumiretso palabas ng kwarto. Nagikot-ikot siya sa loob ng villa at nagsimulang kumuha ng litrato sa iba't-ibang bagay na kaaya-aya sa kanyang mga mata. Sa sobrang pag-iikot niya, mayroon siyang nakitang hagdan. Dinala si Cynah nito papunta sa attic ng villa. Sa lahat ng paintings na kinuhanan niya ng litrato, isang painting lamang ang nakapagbagabag sa kanya at sobrang nacurious siya. Ito ang malaking painting na nakalagay sa attic. Marahang naglakad palapit si Cyah sa painting at hinawakan ang painting. Kakaiba. Yan ang pinakababagay na salita na pwedeng maglarawan sa painting. Hindi alam ni Cynah pero bigla siyang napaatras pagkatapos niya itong mahawakan, na para bang mayroong negatibong aura na bumabalot sa painting na ito.
Cynah:"W-Weird.." Wika ng dalaga, pagkatapos ay mariin siyang lumunok. Hinawakan niya ng mahigpit si Iris at kinuhanan ng litrato ang nasabing painting. Pagkatapos, hindi niya pa rin binitawan si Iris dahil gusto niya ring kuhanan ang nasa paligid nito. Sa kanyang pagtalikod, bumungad sa kanya ang isang matandang babae na may hawak-hawak na matalim na bolo na punong-puno ng dugo. Agad niyang napindot ang camera at naglabas ito ng flash.
:"Bakit ka nandito hija? Hindi ka pwede rito!" Nangga-galaiting sigaw ng matanda habang pinagmamasdan siya ng nanlilisik nitong mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro