
CP21:Alliance (2.2)
Sa loob ng isang puting van, nandoon ang magkakaklaseng sina Aeron, Alfheim, Astrid, Esther, Kramer, Kyla, Rence, Skye, Travis at Tristan. Nakaupo sa driver's seat ang kanilang guro na si Hazel, sa front seat naman ang leader ng grupo na si Aeron. Sa gitna ng kotse ang mga babae, at sa likuran naman ang ibang mga lalake. Pagkalabas nila ng villa, agad hininto ni Ms. Hazel ang kotse, pagkatapos ay nilingon niya ang kanyang mga studyante para itanong kung saan sila unang maghahanap.
Ms. Hazel:"Saan niyo gustong mag-umpisa?" Tanong niya sa mga studyante. Nagtinginnan lang ito, maya-maya, nagtaas ng kamay si Astrid.
Astrid:"Pwede po tayong pumunta sa munisipyo para i-report sa mga kinauukulan yung nangyare." Suggestion ng dalaga na agad nagpangiti sa kanilang guro. Napalunok ng mariin si Aeron at agad kinontra ang dalaga.
Aeron:"H-H-Huwag! Hindi pwede!" Natataranta niyang pagkasabi na ikinagulat ng lahat.
Alfheim:"Hala bes, bakit? Ano nangyayare?" Tanong niya sa binata habang nakatingin sa mga nito. Nakapout lang si Aeron at halatang hindi alam ang kanyang sasabihin.
Aeron:"B-Basta huwag." Sagot niya sa mga kasama, kaya naman agad siyang nakarinig ng mga reklamo. Reklamo na galing sa kanyang mga kagrupo, nagtataka sila kung bakit tumataliwas ang binata sa sinabi ni Astrid.
Astrid:"Anong problema sa pagrereport natin? Hindi kaya natin 'to ng walang tulong nila." Reklamo ng dalaga kay Aeron.
Ms. Hazel:"Tama si Astrid Aeron, kailangan natin 'tong ireport sa kanila. Sa gayon, mas mapapabilis ang paghahanap natin sa mga nawawala niyong kamag-aral." Wika ng guro.
Kramer:"Ang importante sa akin mahanap si Venice, sana okay lang siya." Wika ng binata. Napatingin bigla sa kanya si Rence, pagkatapos, inakbayan niya ang binata.
Rence:"Oo nga eh, sana mahanap na natin sila." Dagdag ng binata. Sa harap naman ng mga binata, nakaupo at nakasandal si Kyla sa sulok at tila may malalim na iniisip.
Kyla:"B-Blake." Mahina niyang tawag sa pangalan ng kaklase. Hindi naman naiwasang magreact ni Tristan dahil narinig niya ito kay Kyla. Agad siyang humarap sa kanyang katabi at tinanong.
Tristan:"Pfft. Concern ka pa rin sa gagong yun? Pagkatapos kang pagtangkaan?" Naiinis niyang pagkasabi.
Kyla:"H-Hindi mo 'ko maintindihan. Hindi ako galit kay Blake, galit ako sa kasalanan niya. Ayokong mapahamak siya. Ayokong mapahamak sila." Paliwanag ng dalaga, napailing lang si Tristan at ipinasak ang kanyang headphones sa dalawa niyang taenga. Ngumiti na lang ng bahagya si Kyla nang makita niya ang reaksyon ni Tristan dito.
Skye:"Tara na! Huwag na tayong mag-aksaya pa ng oras! Hanapin na natin sila!" Sigaw ng binata. Inayos ni Ms. Hazel ang kanyang sarili at hinawakan na ang manebela nang biglang humawak din si Aeron dito.
Aeron:"Hindi tayo pwedeng magreklamo sa mga pulis! Hindi pwede! Maniwala kayo sa akin guys, para rin sa ikabubuti ng lahat ito." Pagpipilit ng binata.
Alfheim:"Aeron.." Mahina niyang bulong sa sarili, nanginginig ang kanyang boses habang tinitignan niya ang kanyang best friend.
Ms. Hazel:"Aeron! Ano ba! Tanggalin mo nga yang kamay mo sa manebela! Paano 'ko to sisimulang paandarin?" Sigaw ng guro habang pilit na inaalis ang mahigpit na pagkakawak ng binata sa manebela ng sasakyan.
Astrid:"Aeron! Ano ba? May tinatago ka bang sikreto?" Nayayamot niyang sigaw sa binata.
Kramer:"Pare, kung gusto mo talagang mahanap yung iba nating kasama, kailangan nating gawin 'to. Alam kong ayaw mong humingi ng tulong sa iba pero sa mga sitwasyong kagaya nito, higit nating kinakailangan ang tulong nila. Buhay ang nakataya rito, kailangan nating maging seryoso." Sunod-sunod niyang pagkasabi, mahahalata sa boses ng binata ang pagkainis sa pinapakitang mga aksyon ni Aeron.
Travis:"Baka naman kasi may malalim na rason si Aeron kung bakit ayaw niya tayong magsumbong sa pulis." Bulong niya sa katabing si Esther.
Esther:"Hindi ko alam, pero sa pinapakita ni Aeron, baka siya ang killer. Ayaw niya tayong magsumbong sa pulis dahil baka mabuko siya." Naiirita niyang sagot kay Travis.
Travis:"Hmmm, tama ka. Madalas magtago ang demonyo sa likod ng malaanghel na hitsura't ugali." Bulong niya sa kanyang katabi, pagkatapos ay nasundan ito ng mahinang tawa.
Travis:"Aeron, bilang presidente ng section natin. Bigyan mo 'ko ng magandang rason kung bakit hindi tayo magsusumbong sa pulis? O sa kinauukulan?" Mataray niyang tanong sa binata habang nakataas ang isang kilay.
Esther:"May lihim ka sa amin Aeron? Lihim na ayaw mong ipagsabi? Madugong lihim na ikaw lang ang nakakaalam?" Dagdag na tanong niya sa binata.
Aeron:"H-Hindi niyo ko maintindihan. Mahirap ipaliwanag pero.. pero maiintindihan niyo rin 'to kung bakit ko 'to ginagawa. Para sa kaligtasan nating lahat 'to, and pwede naman nating mahanap sila nang walang tulong na hinihingi sa mga pulis." Paliwanag ng binata. Nang marinig ng kanyang mga kagrupo ang eksplenasyon ni Aeron, agad umingay sa loob ng van. Puro reklamo at minsan, kwinekwestyon na si Aeron ng iba niyang mga kaklase. Habang busy ang lahat sa pagsasabi ng kanilang sari-sariling opinyon kay Aeron. Bigla silang natahimik ng sumigaw si Alfheim.
Alfheim:"A-Aeron! Makinig ka sa kanila. Isang katangahan lang kung hindi tayo hihingi ng tulong sa ibang tao. Ayoko nang mayroon pang mamatay na isa sa'tin." Sigaw ng dalaga, halata sa kanyang boses ang pagkainis. Napatingin si Aeron kay Alfheim at tila gulat na gulat sa sinabi ng kanyang bestfriend. First time siya kasi nitong masigawan ng ganito.
Aeron:"A-Alfheim... Pati ba naman ikaw? Hindi ka na rin ba naniniwala sa akin?" Nanlulumo niyang pagkasabi, pagkatapos ay unti-unti siyang napabitaw sa pagkakahawak sa manebela.
Aeron:"Ako ang leader ng grupong 'to! At kapag sinabi kong huwag tayong magreklamo sa pulis, huwag tayong magreklamo sa pulis." Naiinis niyang pagkasabi, kahit na pinagtutulungan siya ng lahat, gusto niya pa ring sundin ang pangako niya kay Sakura bago pa man sila makaalis ng villa.
Skye:"Nagsa-sayang lang tayo ng oras eh! Kailangan na nating mahanap si Venice bago mahuli ang lahat!" Buong boses niyang pagkasabi, pagkatapos ay lumabas siya ng van at binuksan ang kotse ng front seat.
Skye:"Wala na 'kong pakielam kung ano yung rason mo o ano?! Ang importante sa akin ay mahanap sila Venice! Kung ayaw mong sumama, hindi ka namin pinipilit!" Sigaw ng binata, pagkatapos ay buong pwersa niyang hinatak si Aeron palabas ng kotse. Napaupo si Aeron sa sahig at halatang nasaktan dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya sa lupa.
Ms. Hazel:"Skye! Tigilan mo 'yang ginagawa mo!" Natataranta niyang pagkasabi.
Skye:"Ma'am, kailangan na talaga natin silang hanapin, bawat segundo ay importante. Wala na po akong pakielam sa kung sino ang gustong humadlang, ang importante, mahanap natin sila." Paliwanag niya sa guro.
Ms. Hazel:"P-Pero.."
Skye:"Malinaw hong inutos sa atin na hanapin ang iba nating kasama hindi ba? Nasa labas lang tayo ng villa, malaki na yan si Aeron, kaya niya na ang sarili niya. Huwag na tayong mag-aksaya pa ng oras, hanapin na natin sila." Mabilis niyang pagkasabi. Bago paandarin ang kotse, nakatingin lang si Alfheim kay Aeron. Binuka niya ang kanyang bibig at binanggit ang salitang Sorry. Alam ng dalaga na nabasa ni Aeron ang kanyang sinabi, pero umiling-iling lang si Aeron dito. Dahan-dahang itinayo ni Aeron ang kanyang sarili habang pinagmamasdan ang kanilang van na lumayo. Kahit na dismayado, pinilit niya pa ring ngumiti, pagkatapos ay naalala niyang kailangan itong malaman ng kanyang gurong si Mrs. Castaneto.
Agad niyang kinapa ang kaliwa niyang bulsa at kinuha ang telepono. Binuksan niya ito at ipinunta sa contacts, dalawa lamang ang nakaregister na numero rito, walang iba kung hindi ang numero nina Sakura at Keiffer. Gusto niya rin sanang tawagan ang kanyang mga magulang sa mga oras na 'to, pero sa kasamaang palad, hindi niya ito kabisado. Nahihiya rin siyang tawagan ang kanyang guro na si Sakura kaya idinial niya na lamang ang numero ni Keiffer. Bago niya pindutin ang call, pinunasan niya muna ang kanyang mga pawis sa noo, huminga ng malalim at lumunok. Pagkapindot niya rito, ilang ring lamang at agad itong sinagot ni Keiffer.
Keiffer:"Oh, Aeron? Napatawag ka yata?" Bungad na tanong sa kanya ng binata.
Aeron:"M-May problema eh.." Nanghihina niyang pagkasabi.
Keiffer:"Ano yun? Kakaalis niyo lang kanina ah? Nahanap niya na ba sila?" Curious na tanong ng binata sa kabilang linya.
Aeron:"Ehh kasi.." Pagbibitin niya.
Keiffer:"Ehh kasi ano?"
Aeron:"Gusto kasi nilang magreklamo sa pulis." Naiinis niyang pagkasabi.
Keiffer:"Oh? Anong problema roon?" Nagbuntong-hininga si Aeron at bumwelo bago sabihin kay Keiffer ang lahat.
Aeron:"Sinabihan kasi ako ni ma'am Sakura na kahit anong mangyari, huwag na huwag daw kaming magsusumbong sa pulis. Pero hindi ko sila nagawang mapigilan. Keiffer, pinalabas nila ko ng van. Hindi sila nakinig sa akin." Malumbay niyang pagkasabi, medyo nanginginig din ang kanyang boses at halatang nasasaktan sa kanyang sinasabi.
Keiffer:"G-Ganoon ba? Teka-teka, ano bang rason ni ma'am kung bakit?" Tanong sa kanya ng binata.
Aeron:"H-Hindi niya kasi sinabi sa akin eh, p-pero.. alam ko namang para sa ating lahat yun." Nanginginig niyang pagkasabi.
Keiffer:"Sige-sige, tatawagan ko si ma'am Sakura para ibalita ito. Emergency kasi 'to, wala 'to sa plano. Teka nga, nasaan ka ba?" Tanong niya sa binata.
Aeron:"Nandito ako sa labas, sa tapat ng gate ng villa." Malumbay niyang pagkasabi.
Keiffer:"Sige, huwag kang aalis diyan ha? Isasama ko yung grupo ko para sunduin ka. Hintayin mo 'ko. Kapag may napansin kang kakaiba, tawagan mo lang ako." Nagaalalang sinabi ni Keiffer kay Aeron.
Aeron:"S-S-Sige.." Namumula niyang pagkasabi. Pagkatapos, may nakita siyang kahoy sa gilid at inupuan ito. Tahimik lang siyang nagmumuni-muni at hinihintay si Keiffer at ang iba niyang mga kasama.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro