Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CP20:Alliance (1.2)

Mag-aalas singko pa lamang ng umaga ay gising na agad si Venice. Mabilis niyang iniangat ang kanyang sarili sa malambot na kama upang maghanda. Agad siyang dumiretso sa banyo para maligo, pagkatapos, inayos niya na agad ang kanyang mga gamit. Dinala siya ni Cj sa isang hotel na pagmamay-ari niya. Naging matagumpay si CJ sa kanyang buhay matapos ang muntik niyang pagpapakamatay, buti na lamang ay agad siyang sinaklolohan ng mga kalalakihang rumoronda sa mga oras na 'yon. Pagkabukas ni Venice ng pintuan, agad sa kanya bumungad si Cj. Nakasuot ito ng kulay puting  v-neck pocket tee, maong jogger pants at rubber shoes. May hawak-hawak siyang tray na may nakapatong na plato na may lamang iba't-ibang klase ng pagkain. Mayroong pancakes, waffles at breads. Agad siyang binati ng binata ng magandang umaga pero iba ang iniisip ni Venice sa mga oras na 'to.

Cj:"Magandang umaga sa'yo! Alam kong medyo masakit pa ang katawan mo dahil kahapon."  Maligayang bati niya sa dalaga. Nilihis lamang ni Venice ang kanyang tingin kay Cj at mariin na lumunok.

Louie:"S-Si Julyanne? Nasaan siya?" Nag-aalalang tanong niya sa binata. Nang marinig ito ni Cj, agad kumurba ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi, at nasundan ito ng isang tango.

Cj:"Okay na siya ngayon, huwag kang mag-alala. Nagpapahinga lang siya ngayon. Halika, kumain muna tayo ng agahan." Anyaya niya sa dalaga, pero hindi pa rin mapanatagsi Venice sa kanyang narinig. Gusto niyang makitang okay talaga ang kanyang kasama na si Julyanne, ayaw niya munang marinig sa sabi-sabi. Sa ngayon, hirap muna siyang magtiwala sa ibang tao.

Louie:"Nasaan si Julyanne?" Tanong ng dalaga, sasagot pa lamang si Cj nang biglang humirit pa si Venice ng isa pang tanong.

Louie:"Maari ko ba siyang makita? Okay lang ba siya? Kumusta na yung mga sugat niya?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga na siya, pumasok muna si Cj sa loob ng kwarto ni Venice at inilapag ang kanyang hawak na tray sa isang maliit na lamesa. Nang matapos niyang ilapag ang tray, nagsimula siyang maglakad palabas ng pintuan.

Cj:"Halika, sumunod ka sa akin." Utos ng binata, pagkatapos ay agad dire-diretso itong naglakad, napahawak naman sa gilid ng damit si Venice dahil sa sobrang kaba at tuwa. Kaba, dahil hindi niya alam kung ano ang motibo ni Cj kung bakit sila nito tinutulungan. At Tuwa, dahil makikita niya na rin ang kanyang kaibigan na si Julyanne.

Huminto sila sa harap ng isang elevator, pagkatapos ay pinindot ni Cj ang up arrow na nakalagay sa gilid nito. Agad bumaba ang elevator mula sa 3rd floor, nang makababa ito sa ground floor, sabay pumasok ang dalawa papasok. Pinindot ni Cj ang isang button na mayroong dalawang letra. Ito ang mga letrang "C" at "P".  Napakunot ang noo ni Venice ng mabasa niya ang mga letra sa pinindot na button ni Cj.

Louie:"CP?" Naguguluhan niyang bulong sa sarili, pagkatapos ay napatingin siya kay Cj.

Cj:"Oo, tama ka, CP." Maikling tugon sa kanya ng binata.

Louie:"B-B-Bakit CP?" Sunod na tanong ng dalaga sa binata. Napangiti si Cj at tinignan si Venice sa kanyang mga mata.

Cj:"Malalaman mo rin.." Wika niya, pagkatapos ay dahan-dahang bumukas ang pintuan ng elevator.

Cj:"Sa takdang panahon.." Misteryoso niyang pagkasabi, pagkatapos ay dumiretso siya ng lakad palabas sa elevator. Agad inayos ni Louie ang kanyang sarili at sinundan ang binata. May nadaanan silang kwartong mayroong kulay asul na pintuan at simbolong minus (-) sa itaas, pero nilampasan lang nila ito. Dumiretso lang sila hanggang sa marating nila ang panghuling kwarto na may simbolo ng plus (+) sa itaas. Marahang inilapat ni Cj ang kanyang kamay sa malamig na door knob ng pintuan. Pinihit niya ito at dahan-dahang binuksan. Bumungad sa kanila ang napakalaking kwarto. Katulad ng isang hotel, magara ang mga gamit na nakapalobo rito. May malaking tv sa gilid, magagarang upuan at sofa at ang napakalaking kama. Nakatingin lang sa kanila si Julyanne at halatang magalak siya dahil nakita niya na muli si Venice. Nanginginig ang mga kamay ni Venice at dali-dali siyang tumakbo papunta kay Julyanne para yakapin ito.

Louie:"Julyanne!" Sigaw niya ng pangalan ng kaklase. Nakangiti lang naman si Julyanne kay CJ, hindi siya nagsalita pero sinabi niya lang ang salitang salamat kay CJ. Alam niya na nabasa ng binata ang kanyang bibig kaya napangiti rin ito. Agad tinignan ni Venice ang mga sugat ni Julyanne na sa ngayon ay natatakpan na ng mga bandages.

Louie:"Kumusta na pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong niya sa kaklase. Ngumiti lang si Julyanne pinakita niya ang kanyang dalawang kamay na may ok na sign.

Julyanne:"Okay na naman ang pakiramdam ko, medyo maayos-ayos na.." Mahinhin niyang sagot kay Venice. Umupo sa gilid ng kama si Cj at nagsimulang mag-open ng topic.

Cj:"Kumusta naman ang pakiramdam na mapasama sa pang-anim na seksyon?" Malamig niyang tanong sa dalawa. Nagkatinginan sina Julyanne at  Venice sa tanong ng binata. Napalunok ng mariin si Julyanne at nagsalita..

Julyanne:"S-Sino ka ng po pala? At bakit niyo ho kami tinutulungan?" Tanong niya sa binata, napangiti lang si Cj at napakamot sa kanyang ulo.

Cj:"Ako nga pala si Cj Moreno, isang dating studyante sa St Venille. Katulad niya, napabilang din ako sa sixth section." Pagpapakilala ng binata sa kanyang sarili.

Julyanne:"Mayroon din po bang.." Tatapusin sana ni Julyanne yung sasabihin niya nang biglang pinutol siya ni Cj.

Cj:"Patayan? Oo, marami." Sagot ng binata, na nasundan ng isang matamis na ngiti. Dahil dito, mas lalong naging interesado ang dalawa sa mga susunod na sasabihin ni Cj.

Cj:"Halos lahat ng mga kaklase ko namatay, feeling ko, ako na lang ang natitira sa kanilang buhay. Isa-isang pinatay ang mga kaklase ko ng walang kaawa-awa, pinatay nila sila ng parang hindi tao, kung hindi parang mga hayop." Seryoso niyang pagkasabi habang nakatulala.

Julyanne:"Pero sir, naging kaklase niyo ho ba si Ms. Castaneto at Mr. Oriztta" Tugon niya, ikinagulat ni Cj ang kanyang narinig at napakunot ang noo.

Cj:"S-Sakura? Z-Zero? Oo bakit? B-Buhay ba sila?" Tanong niya kay Julyanne.

Julyanne & Louie:"Opo." Matipid at sabay nilang pagkasabi kay Cj. Napatayo si Cj nang marinig niya ang sinabi ng dalawa, para bang bigla siyang napaisip dahil dito.

Julyanne:"O-Okay lang ho ba kayo?" Tanong niya kay Cj. Pinilit na ngumiti ni Cj at nag-paalam muna pansamantala sa dalawang dalaga.

Cj:"O-Oo naman, maiwan ko muna kayo sandali. M-M-May kakausapin lang ako. Pagkabalik ko, kailangan nating umalis.. Hahanapin natin sila, wala na tayong oras." Wika niya, pagkatapos ay nagbow ito bilang respeto. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at agad pumunta sa kanyang kwarto para hanapin ang isang litrato. Litratong sumira ng maraming buhay sa nakaraan. Habang naghihintay, nagkwentuhan naman ang dalawang dalaga sa loob ng kwarto.

Louie:"Mabuti na lang at sumama ka sa akin." Nagagalak niyang pagkasabi.

Julyanne:"Oo naman, Red's a jerk. Kung mahal niya talaga ako, dapat sumama siya sa akin." Nanghihinayang niyang pagkasabi.

Louie:"Kumusta na kaya sila ngayon? Sabi ko na nga ba eh, mali ang ginawa nating paglisan sa villa. Dapat pala nakinig tayo kay ma'am Castaneto." Wika niya, pero napangiti lang si Julyanne sa sinabi ng kanyang kaklase.

Julyanne:"I never imagined myself being the protagonist in this horror film, where it's me, against the world." Malamig niyang pagkasabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Venice.

Louie:"Tama ka, being in this section is like a battlefield. Hindi mo alam kung sino at dapat mong pagkatiwalaan, baka kasi pagtalikod mo, may plina-plano na pala siya laban sa'yo."  Wika niya. Natigil ang kanilang pag-uusap nang makita nilang bumukas ang pintuan. Si Cj, seryoso ang mukha nito at tila may malalim na iniisip.

Cj:"Kailangan na nating umalis. Ngayon na." Anyaya niya sa dalawa ng may napakalamig na boses. Mabilis na tumayo ang dalawa at sinundan ang binata. Nang makasakay sila sa kotse, agad itong pinaandar ni Cj.

Cj:"Sakura, Zero, hintayin niyo 'ko. I'm coming..." Malamig niyang bulong sa sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro