Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CP2:Hellcome Back

Maaga pa lamang sa St. Venille ay marami na kaagad sasakyang nakahelera sa eskwelahan. May ambulansya, police vehicles, school buses at may ilang private vehicles. Mayroon ring makikitang malaking tarpaulin na nakasabit sa gate at ilang mga poster na nakasabit din sa mga malalaking puno na nakahaligi sa loob at labas ng paaralan. Ang nakalagay dito ay "Welcome to St. Venille!". Maraming estudyante ang nasa quadrangle, nagpapakilala sa isa't-isa at sinusubukan magkaroon ng bagong mga kaibigan. Magara ang magiging celebration ng paaralan dahil bagong bukas lamang ito, ngunit naging madugo rin ito. Habang naglalakad ang isang babae, pumukaw ng atensyon niya ang isang babaeng nakatayo sa gitna. Hindi siya estudyante, may katandaan na at nakauniporme pangsekretarya ang damit. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil sa sinag ng araw. Maya-maya ay may narinig siya sa bandang likuran niya na tila ba nagbibilang.

:"One, Two ... " Bilang ng babae sa likuran niya, dahan-dahan niyang nilingon ito at nakita ang babae. Bigla siyang ngumiti at binulong ang kasunod na numero.

:"Three." Bilang niya, biglang may nagpaputok ng baril na ikinagulat niya. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil sa sobrang gulat. Ang babaeng pinagmamasdan niya kanina ay nakahiga na sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Napalingon ulit siya sa likuran para hanapin ang babaeng nagbibilang pero nawala agad ito na parang bula. Pagtalikod niya ay nakita niya ito muli, nakalagay ang kanyang hintuturo sa labi at nakangiti. Pagkatapos ay umatras ito ng tatlong beses at humalo sa nagkakagulong mga tao. Gulat na gulat siya sa nangyare at tila hindi makapaniwala. Pinikit-pikit niya ang kanyang mga mata at napahawak sa kanyang sling bag ng mahigpit. Dumiretso na lamang siya sa paglalakad habang sinusundan ng tingin ang mga medic na isinasakay ang babaeng duguan. Habang naglalakad sa garden papuntang Academic building, may umakbay sa kanyang dalawang tao. Isang babae sa kaliwa, at lalake naman sa kanyang kanan. Ngumiti ito sa kanya at isa-isang nagpakilala.

Astrid:"Oh? Dito rin pala kayo nagtransfer sa St. Venille." Bati niya sa dalawa, tumawa ito at ginulo-gulo ang buhok niya.

Cynah:"Oo, actually dito talaga dapat ako nung first year pa kaso diba nga biglang nagsarado. Kaya when my mom found out na magbubukas ulit to, nagpareserve kaagad kami ng slot." Wika niya habang hinahawakan ang DSLR na nakasabit sa kanyang leeg.

Hiroshi:"Oo nga, same here! Alam mo ba na isang araw pa lang ang nakalipas, full slot na kaagad ang slots for fourth year. Ewan ko ba, yung class 4-6 ang hindi kaagad napuno at naiwan sa lahat. Doon tuloy ako napunta." Pagkw-kwento ng binata.

Cynah:"Ay weh? Alam mo ba na 4-6 din ang sekyon ko. Hahahaha, ikaw Astrid?" Tanong niya habang nakatingin sa dalaga.

Astrid:"Oo eh, 4-6 din ang nakuha ko." Bulong ng dalaga, hindi parin siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan kanina. Nakatingin lang siya sa lupa at parang natutulala dahil sa nangyare. Kumalas si Cynah sa pagkakaakbay sa dalaga. Mabilis na hinawakan ni Cynah ang kanyang DSLR at palihim na kinuhanan ng litrato ang dalaga. Nagulat naman si Astrid sa ginawa niya pero si Hiroshi naman ay tuwang-tuwa pa at nakapogi sign pose pa.

Cynah:"Smile!" Sigaw niya, pagkatapos ay pinindot ang camera.

Astrid:"Cynah naman eh! Humanda ka saking babae ka!" Banta niya at tumakbo na parang hahabulin ang dalaga. Tumakbo siya ng matulin para habulin si Cynah pero bigla nalang tumunog ang bell. Napahinto siya at muling tinawag ang kaibigan.

Astrid:"Hoy Cyril Hannah Wojas!! Malalate na tayo!" Sigaw niya, napalingon naman si Cynah at sumayaw. Nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa ulo at gumiling giling. Kilala ang sayaw na ito na CaramellDansen

Cynah:"Nyeh, Nyeh." Asar niya sa kaklase, inantay niyang makalapit sa kanya sina Astrid at Hiroshi, pagkatapos nito, sabay silang tatlo na naglakad papunta sa kanilang classroom. Sa garden naman, isang lalake naman ang naglalakad magisa na may hawak-hawak na libro. Nakita ito ni Louie Venice Ortega o mas kilala sa kanyang stage name na si "Venice". Lumapit siya dito at kinalabit sa likod ang kaklase.

Louie:"Hey!" Tawag niya sa binata pero hindi siya nito nilingon dahil may nakapasak na earphones sa dalawang tenga nito. Napatigil si Skye ng biglang hinablot ni Louie ang earphones dahilan na matanggal ito sa pagkakasaksak sa tenga ng binata. Sinarado niya ang librong hawak-hawak niya, nagbuntong hininga at hinarap ang dalaga.

Skye:"What? Diba tapos na tayo?" Diretsong sinabi ng binata.

Louie:"Alam ko Skye baby, pero alam mo naman na I need to pursue my career that time diba? Ngayon medjo hindi na ko busy. Marami akong ginive-up na projects kasi I want to live a normal life na, lalo na't fourth year high school na ko. Alam mo naman kasi hin-" Napatigil siya ng biglang nilagay ni Skye ang kanyang hintuturo sa bibig ng dalaga.

Skye:"Diba Louie tapos na tayo? TAPOS na diba? Hindi mo ba maintindihan?" Seryosong sinabi ng binata, pagkatapos ay inayos niya ang pagkakasukbit ng kanyang black jansportbag sa kanyang likuran at iniwan ang dalaga. Nakatingin naman si Louie sa sahig na parang hindi parin matanggap ang nangyare.

Louie:"Someday Skye, you'll regret this. I deserve an explana-" Hindi pa rin natuloy ang sinasabi ni Louie ng biglang sumingit si Hannah na nasa likuran niya lang pala kanina pa.

Hannah:"I deserve an explanation ganon? Ha Louie? I deserve an acceptable reason? Ganern? Tigilan mo nga ko, napanood ko na yan." Pagbabara ng dalaga sa kaklase. Masama naman ang tingin ni Louie kay Hannah at inirapan. Naunang nang maglakad si Louie pero sinundan parin ito ni Hannah at patuloy na kinukulit ang dalaga.

Hannah:"Hay alam mo Louie, feeling ko may lovenat ka. Basta ako, hihintayin ko parin si prince charming ko. Ramdam kong nasa tabi-tabi lang siya at sinusulyapan ang kakaiba kong kagandahan." Pagkw-kwento niya kay Venice, napatawa naman siya dahil sa sinabi ni Hannah. Paano ba naman kasi, napakahopeless romantic.

Louie:"Tigilan mo na nga kasi yang panonood at pagbabasa mo ng romance. Masyado ka nang nagiging hopeless romantic eh. Alam mo, dapat nililibang mo yung sarili mo sa ibang genre, katulad ng ho-" Sa ikatlong pagkakataon, hindi na naman naituloy ni Louie ang kanyang sasabihin dahil bigla silang binangga ng dalawang babae na dadaanan mula sa kanilang likuran. Napatingin sa kisame si Louie at sinarado ang kanyang dalawang kamay dahil sa sobrang inis.

Louie:"Sorry ha? Hindi ata uso ang salitang excuse me dito." Sabi niya na parang ineemphasize ang salitang excuse me. Napahawak naman sa likuran ni Louie si Hannah habang tumatango-tango.

Hannah:"Oo nga, oo nga." Tumalikod ang babae na nakablack wedge, cougar animal print party dress at may nakasukbit na louis vuitton bag sa kanyang kanang kamay.

Taegan:"Alam mo namang dadaanan ako eh, di ka pa tumabi." Wika niya sabay irap. Yung isa namang kasama niya ay nakataas ang kilay, binasa niya muna ang kanyang labi bago nagsalita.

Sarah:"Ignore her Denisse, she's just a commoner." Sabat niya. Napanganga si Louie sa sinabi ni Sarah. Paano ba naman kasi, halos araw-araw may commercial si Louie sa telebisyon at active rin siya ngayon sa paggu-guest sa mga talkshow. Bago pa man makapagpatuloy sa paglalakad ang dalawa ay muling bumanat si Taegan.

Taegan:"Close your mouth dear, baka may pumasok na fly." Pangaasar ng dalaga. Nang makita nilang medyo nakalayo na ang dalawang babae, biglang pumutok si Louie at tuloy-tuloy ang pagkwekwento ng kanyang pagkainis kay Hannah, habang si Hannah naman ay todo sang-ayon lang sa kaklase kahit na minsan ay lumilipad ang utak nito. Hindi na sila nagaksaya pa ng panahon at dumiretso na lang sila sa classroom ng 4-6. Medyo nakabukod sila sa ibang building. Mayroong building na nakatayo sa bandang liblib ng campus at tanging ang seksyon lamang nila ang nagcl-classroom doon. Pagkapasok nila sa room ay nadatnan nila ang ilan nilang mga kaklase, yung iba kasi malalate dahil medyo mahirap hanapin ang building na to. Dahil nga liblib ito at sa dulo pa ng campus ito matatagpuan. Tumayo si Travis, ang presidente ng klase, para basagin ang katahimikan.

Travis:"Uhmm, Hi guys! Ako nga pala si Travis Y. Abdera, ang inyong Class President for this school year. Kayo, anong mga names niyo?" Pakilala niya, iba na kasi ang sistema ngayon sa pageelect ng officer. Hindi na mga studyante ang namimili, kundi ang school na mismo. Tinitignan nila ang background ng studyante kung pasok ba siya para sa posisyon na yun. Halos lahat ng mga napipili ay hindi makatanggi dahil mayroon itong kaakibat na discount sa kanilang tuition fee. Tumayo ang isang babae, blonde ang buhok at mukhang koreana.

Mikasa:"Annyeonghaseyo?! My name is Mikasa Kigiri Rochefort. Ang babaeng mahilig maggala at magimbestiga sa bagay-bagay." Masiglang pagpapakilala niya, napatingin sa kanya si Travis at sinabing.

Travis:Hello Mikasa, nice to meet you. Ok, sino gusto sunod na magpakilala?" Tanong niya, pagkatapos ay isa-isa niyang pinapunta ang mga kaklase sa harap para magpakilala. Nasa bandang likuran naman nakaupo nun si Czarinah Yamson. Wala siyang magawa kaya niyuyug-yog yug-yog niya ang kanyang upuan na parang isang rocking chair. Maya-maya ay bigla na lang napukaw ng atensyon niya ang nakasulat sa armchair.

"It only took one click to be on the death list." Napakunot ang noo ng dalaga sa kanyang nakita. Unti-unti niyang itinaas ang kanyang kanang kamay, agad naman itong nakita ni Yuki kaya tinawag rin siya nito at pinapunta sa harapan.
Confident na tumayo ang dalaga at dahan-dahang naglakad papunta sa harap gamit ang kanyang 6 inch heels and black dress. Lahat sila ay nakacivilian pa dahil mayroong gaganaping concert mamaya sa celebration hall ng school. Bilang pagwe-welcome sa mga bagong studyante ng paaralan. Nang nasa harapan na siya, inangat niya ang kanyang sarili para makaupo sa teacher's desk.

Czarinah:"Anyone here na may alam sa nangyare sa past ng St. Venille?" Tanong niya habang tinitignan ang mga kaklase. Biglang tumayo si Sunshine Courtney Buenavista.

Czarinah:"Yes dear? Anything you want to share to everyone?" Tanong niya habang nakataas ang kilay. Ngumiti naman si Sunshine at napahawak ng mahigpit sa kanyang black notebook na may design na Freddy and Jason sa gitna.

Sunshine:"Wala eh, pero alam mo may pagkacreepy ang nangyareng trahedya sa paaralan." Sambit niya. Sa gitna ng pagkwe-kwento, sumabat ang isang babae na may panda chikara hat sa buhok.

Alfheim:"Oo dear, sa tingin ko magkakasundo tayong dalawa. I will recommend you some animes na nasa horror and mstery genre. I'm one hundred one percent sure na you will like it. Hindi ba aaron?" Sambit niya, pagkatapos ay napatingin sa kanya si Aeron ng nakapokerface at tumango. Halos magkasabay na pumasok sina Karmina Joan Lafrades at Lee Miww sa classroom. Pinagtitignan ang si Lee Miww ng halos lahat ng tao sa loob ng classroom, akala naman ni Karmina ay siya yon kaya napataas ang kanyang kilay habang may kagat-kagat pang siopao sa kanyang bibig.

Karmina:"Oh? Ano tinitingin-tingin niyo jan? Nasilaw na naman kayo sa kagandahan ko." Arroganteng bungad ng dalaga sabay natawa, pagkatapos niyang magsalita ay muli siyang kumagat sa baon niyang siopao. Nakasuot siya ng white Commes de Garcon shirt, faded maong pants and sneakers. Napatingin siya sa kanyang harapan at nakitang may bakentang upuan. Inihagis niya ang kanyang vintage themed coach bag at umupo.

Lee:"....." Hindi nagsalita ang dalaga at dumire-diretso lang sa kanyang paglalakad hanggang marating niya ang sulok na upuan sa klase, kung saan malapit sa bintana. Nakasuot siya ng puting dress na may pastel colored floral design. Bobcat ang kanyang style ng buhok at may nakatakip na puting eyepatch sa kanyang right eye. Inilapag niya ang kanyang pusa sa sahig at itinali ito sa gilid ng kanyang armchair.

Nadine:"Pwede pala magpasok ng pets dito, kaya pala nakapasok ka." Biro niya sa katabing lalaki na si Kieffer. Tinignan lang siya nito at ngumiti, pagtapos ay muling naging seryso ang mukha.

Nadine:"Joke lang, ikaw naman hindi ka mabiro. Lols!" Sabi niya pagkatapos ay tinulak ang binata ng mahina. Bago pa man maging awkward, pinagpatuloy ni Sunshine ang kanyang pagkwe-kwento tungkol sa mga napapanood at nababasa niyang horror. Napataas ang kilay ni Aukley sa kanyang mga naririnig kaya napatayo siya at tinuro si Sunshine.

Aukley:"Seriously, you should stop wasting your time watching and reading on that genre. Masyadong exaggerated ang scenes at halatang fictitious ang stories." Nairita naman si Cheska sa kanyang narinig dahil lubusan siyang hindi sumasangayon sa sinabi ng binata.

Cheska:"I'm sorry dude whoever you are but I'm going to disagree with you. Horror stories and movies are obviously made by the director's or author's imaginative playful mind. Why the hell na sasabihin mong fictitious ang plot kung halata naman hindi ba? You should have known better, you are a senior for fun's sake!" Tuloy-tuloy niyang pagbabara sa kaklase. Tinignan ng masama ni Aukley si Cheska, ganun din naman ang dalaga. Nagpout si Kramer sa gilid at tinignan si Cheska.

Kramer:"Tama na yan Cheska, wag ka na makipagaway. Bad yun eh, kanta na lang tayo ng favorite song mo." Pagbababy talk ni Kramer sa dalaga, pero tinignan lang siya ni Cheska ng masama.

Cheska:"Tigilan mo ko Kramer ahh, wala ko sa mood." Inis niyang sabi sa binata.

Kramer:"Awsir, sorry na Cheska." Bulong ng binata habang nakapout pero binelatan lang siya ni Cheska at nagsign ng peace. Nang makita ito ni Kramer at nagsign rin ang binata ng peace at parehas silang nagkangitian pero hindi parin naalis ang masamang tingin ni Aukley kay Cheska, kaya bago pa man magkainitan ay muling binuhay ni Czarinah ang kanyang sinasabi kanina.

Czarinah:"Seriously guys, sinong may alam sa nakaraan ng St. Venille?" Tanong niya. Biglang pumasok ang isang babae sa classroom. Nakasuot ito ng white sleveless sando na may nakapatong na color black na blazer, dark blue skirt na may white dots sa pambaba, at black wedges naman para sa sapatos.

:"Ako." Wika ng isang babae, pagkatapos ay pumasok siya loob ng classroom. Napuno ng nakabibinging katahimikan ang buong classroom. Ang kaninang mga nakatayo ay biglang bumalik sa kanilang mga kinauupuan. Lahat ng mata ay nakatingin sa babaeng pumasok. Kahit isa ay walang may gustong basagin ang katahimikan at tila ba lahat sila ay iniintay ang sasabihin ng babaeng nasa harapan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro