Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CP19:Perfidious Savior

Unti-unting minulat ni Lee ang kanyang dalawang mata. Iginila niya ang kanyang paningin sa paligid. Bahagyang ngumiti siya nang makita niya ang kanyang mga kaklase na malapit lang sa kanyang kinatatayuan. Hahakbang na sana siya nang biglang nagsigawan ang kanyang mga kaklase.

Auel:"Huwag mong gagawin yan!" Babala sa kanya ng binata. Napatingin sa kanya si Lee at napaatras muli. Litong-lito ang dalaga kung ano ang mga nangyayari sa kanyang paligid.

Lee:"A-Anong nangyayare?" Mahinang pagkasabi ng dalaga habang nakatingin kay Auel.

Auel:"Kapag natapakan mo ang isang manipis na sinulid sa sahig, maaari mo itong ikamatay." Seryoso niyang pagkasabi. Nanlaki ang mga mata ni Lee nang marinig niya ang sinabi ng binata si Auel. Napayakap siya nang mahigpit sa kanyang alagang pusa na si Keiko. Napasandal muli ang dalaga sa puno, habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaklase sa kanilang ginagawa.

Auel:"A-Ako na ang pupunta sa posisyon ni Lee Miww." Pagre-reprisinta niya sa grupo. 

Karmina:"I have a bad feeling about this.." Bulong niya habang nakatingin kay Auel.

Cheska:"Sigurado ka? Baka mapahamak ka?" Tanong ng dalaga. Napangiti naman si Jassie sa kanyang narinig at sinundot sa tagiliran ang kaibigan. Napatingin naman si Cheska kay Jassie at halatang kinikilig ang kanyang kaibigan sa kanilang dalawa.

Jassie:"Ikaw ha?" Natatawa niyang tanong.

Cheska:"What? Ikaw talaga, tumigil ka nga." Naasar niyang pagkasabi, pagkatapos ay bahagya niyang itinulak si Jassie. Dahil medyo napalakas, napaupo sa sahig ang dalaga.

Cheska:"S-Sorry Jas!" Gulat niyang pagkasabi nang makita niyang bumagsak ang dalaga sa lupa. Napakamot sa ulo si Jassie at kinikilig pa rin kina Auel at Cheska.  lalapitan niya sana si Jassie nang inunahan siya ng isang binata. Tatayo na sana siya nang biglang lumapit sa kanya si Hiroshi. Inalok ang kanyang kamay para makatayo ang dalaga.

Jassie:"A-Ahh? H-H-Hir-r-Hiroshi.."  Pautal-utal niyang pagkasabi habang nakatingin sa binata. Nginitian lang siya nito at tumango. Nang maitayo na siya ni Hiro, nagbow sa harapan niya si Jassie bilang sign ng pasasalamat.

Jassie:"Kamsa.." Bulong niyang pagkasabi. Bago umalis si Hiroshi, napansin niyang nadumihan ang damit ni Jassie, lalo na sa bandang pwetan ng kanyang pants. Hinubad ni Hiroshi ang kanyang jacket at ibinigay kay Jassie.

Hiroshi:"Oh, heto, itakip mo sa pants mo para hindi makita yung dumi." Wika niya, agad namang tinanggap ni Jassie ang jacket, pagkatapos, pinulupot niya ito sa kanyang bewang.

Jassie:"Salamat ulit." Wika niya, pagkatapos ay iniwan na siya ni Hiro at tumabi muli sa kanyang bestfriend,

Myler:"Ang landi mo talaga Bes." Cold niyang pagkasabi sa binata.

Hiroshi:"Malandi agad? Hindi ba pwedeng gentleman lang?" Pagpipilosopo ng binata.

Myler:"Hindi." Matipid na sagot ng dalaga, pagkatapos ay iniwan niya na ang binata at tumabi kina Karmina.

Karmina:"Lumabas na rin yung totoo niyang kulay. He deceived us, just like I suspected." Bulong niya sa kanyang sarili habang nakatingin kay Auel. Hindi na siya nagaksaya pa ng oras at kinuha niya ang atensyon ng kanyang mga kasama. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang right arm habang nakapit point sa direksyon ni Auel.

Karmina:"Guys.." Sigaw niya, habang nakaturo sa direksyon ni Auel.

Auel:"Sorry Lee, pero kailangan mo nang mamatay." Malamig niyang bulong habang nakatingin kay Lee Miww.  Nanlilisik ang kanyang mga mata at parang galit na galit sa dalaga. Narinig ito ni Karmina kaya agad niyang pinagsisigawan ang kaklase.

Karmina:"Auel! Ano yang iniisip mo? Itigil mo yan!" Nagpapanik niyang sigaw. Nasa gitna na kasi si Auel at malapit na sa kinatatayuan ni Lee Miww. Nasa tapat ng binata ang isang manipis na sinulid at nagbabadya siyang tapakan ito.  Tumalikod si Auel at kumaway-kaway sa kanyang mga kaklase. Tumatawa ito na parang baliw at halatang wala na sa kanyang sarili.

Auel:"Are you all dumbs? Ganyan ba talaga kakikitid ang mga utak niyo? Hindi niyo ba napapansin na si Lee Miww lang sa atin ang kakaiba kumilos sa atin? I'm going to end her.. I'm going to end her life!" Sigaw ng binata, pagkatapos ay nagpakawala na naman ito ng kahindik-hindik na tawa. Parang iba na ang Auel na kanilang nakikita sa mga harapan nila, para bang bigla itong nawala sa sarili.

Karmina:"A-Auel... Huwag mong gawin yan. Hindi si Lee Miww ang killer. Hayaan mong lutasin natin ito ng sama-sama. Walang point kung papatay ka, parang ikaw na rin ang naging killer." Wika ng dalaga. Halata sa kanyang boses ang kaba dahil sa panginginig ng kanyang boses. Umiling-iling lang ang binata habang natatawa. Pagkatapos, bigla itong naging pokerface.

Auel:"Eh paano kung..." Pambibitin niya sa mga kasama.

Auel:"Ako ang killer." Malamig niyang pagkasabi habang tinitignan niya sa mga mata si Karmina. Napalunok si Karmina sa kanyang narinig, at napaatras siya ng tatlong beses paurong.

Karmina:"A-A-Auel.." Putol-putol niyang pagkasabi. 

Auel:"Sige, para maging interesting ang mga nangyayare, hindi ko pa papaslangin si Lee Miww. Maglalaro muna tayo.." Wika niya kay Karmina, pagkatapos ay nasundan ito ng napakamisteryosong ngiti.

Hindi nila alam na dahan-dahan na palang kumikilos si Lee Miww sa likod ni Auel. May hawak-hawak siyang malaking bato, ingat na ingat ang bawat galaw ng dalaga. Kitang-kita  rin sa kanyang mukha ang kaba sa bawat hakbang na kanyang pinapakawalan. Butil-butil ang pawis sa kanyang noo pinipilit na huwag gumawa ng ingay para hindi ito mahalata ni Auel. Lahat ng iba nilang kagrupo ay tahimik at hinahayaan lamang na si Auel at Karmina ang mag-usap, pasimple namang sumesenyas si Cheska at Jassie kay Lee Miww para makatakas sa kanyang sitwasyon. 

Auel:"Gusto kong malaman kung anong mayroon sa likod ng litratong 'to." Wika ng binata, pagkatapos ay inilabas niya ang isang litrato galing sa kanyang bulsa. 

"C-Class Picture?" Sabay-sabay na banggit ng mga kagrupo ni Auel. Napangiti lang siya nang marinig niya ang reaksyon ng kanyang mga kaklase.

Auel:"Oo.. Class Picture. We can't escape our own fate. We're all going to die!" Magsasalita pa sana siya nang bigla siyang napahinto sa kanyang sinasabi, ito'y dahil bigla siyang nakarinig ng sigaw. Sigaw ng isang pamilyar na boses, galing ito sa dalaga na nasa kanyang likuran.

Lee:"Go to hell!" Sigaw niya, pagkatapos ay iniangat niya ang hawak niyang bato at nagbadyang ihahampas ito sa ulo ni Auel. Paapalingon pa lang sana si Auel nang makita niya ang gagawin sa kanya ni Lee Miww. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang itutuloy ni Lee Miww ang kanyang balak na gawin.

Lee:"Ahhhhh!" Sigaw niya, pagkatapos ay tuluyan nang hinampas si Auel sa ulo ng kanyang hawak-hawak na bato. Tatlong beses niya rin hinampas si Auel para agad itong mawalan ng malay. Nang makita niyang napahiga na ang binata sa lupa, agad siyang nakahinga ng maluwag. Tuwang-tuwa naman ang kanyang mga kaklase dahil sa ginawa ni Lee Miww.

Karmina:"Lee! Buti na lang at nakaligtas ka." Wika ng dalaga.

Lee:"Devils hide in the most angelic faces." Mysteryosong sagot niya sa kaklase. Papahakbang na sana siya para iwasan ang mga natitirang lubid nang biglang may humawak sa kanyang binti. Si Auel.

Auel:"H-Hindi ka makakatakas!" Sigaw niya, kahit na medyo nahihilo na siya dahil sa kanyang sugat sa noo. Nanlaki ang mga mata ni Lee Miww at pinipilit na kumawala sa binata. Itinaas niya muli ang hawak niyang bato at tinitigan si Auel sa mga mata.

Lee:"See you in hell." Malamig niyang bulong sa sarili, pagkatapos ay tuluyan nang ibinagsak ang bato sa kanyang kaklase. Hindi na muling nakapalag si Auel dahil nawalan na ito ng malay. Dahan-dahan muling iniwasan ni Lee ang kaunting transparent na sinulid sa kanyang daanan, hanggang sa marating niya ang kanyang mga kaklase.

-

Habang busy ang iba sa pagyakap at pagkatuwa sa pagkaligtas kay Lee Miww, hinatak ni Taegan si Sarah palayo ng kaunti sa mga kasama. Pagkatapos, hinawkaan niya sa dalawang kamay si Sarah. 

Taegan:"H-He's the killer." Bulong niya sa katabi na si Sarah, pagkatapos ay napalunok ang dalaga ng mariin. Nanlalaki ang kanyang mga mata at unti-unting namumuo ang mga butil ng pawis sa kanyang mukha.

Sarah:"A-Ang a-akala nating kakampi, ay siya palang papatay sa atin." Bulong niya sa dalaga. Napatingin sa kanya si Taegan at hinawakan ang dalaga ng mahigpit sa braso.

Taegan:"We need to get out of here." Bulong niya sa dalaga pero nakakunot lang ang noo ni Sarah sa sinabi ni Taegan.

Sarah:"But Denisse.." Naghe-hesitate niyang sagot sa kaklase habang tinitignan ito sa mga mata.

Taegan:"Do you want to live? Or gusto mong mapatay dito kasama ng mga taong yan?" Tanong niya sa kaklase. Halata sa mukha ni Taegan ang pagpapanik sa mga nangyayare, hindi na rin ito makapag-isip ng maayos dahil sa trauma.

Sarah:"D-Denisse, kung gagawin natin yan, hindi ba't parang iniwan na rin natin ang grupo? It's like, inabandon natin sila for our own selfish reasons?" Pagkw-kwestyon niya sa dalaga.

Taegan:"Sarah, huwag mong sabihing ta-tanggihan mo 'ko? Tandaan mo, you've been my follower since elementary. Hindi mo kaya kapag wala ako sa tabi mo." Natatawa niyang pagkasabi habang nakatingin sa mga mata ni Sarah.  Imbis na magpakita ng bayolenteng reakson, napangiti lang si Sarah sa sinabi ni Taegan.

Sarah:"I'm tired of your sh*ts Denisse." Dagdag niya.

Taegan:"Woah? What did you say?"  Maarte niyang pagkasabi sa dalaga.

Sarah:"Oo, tama ka. I've been there for you since we're elementary, but you never did treat me as your friend. Alalay mo lang tingin mo sakin. And I'm thankful for this day na pinamukha mo sa akin lahat ng 'to. Thank you for this f*cking wake up call Denisse." Mahina niyang bulong habang unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Nang marinig ito ni Taegan, agad niyang nilapitan si Sarah at niyakap.

Taegan:"No, no, Sarah, huwag mong isipin na ganun. You're my friend right? Now, let's leave them, after that, hayaan mo, sasabihin ko na sa manager ko na gawin ka ring model. Alam ko namang iyon ang matagal mo nang gusto hindi ba? " Wika ng dalaga, nairita lang si Sarah sa tono ng boses ni Taegan na parang may ipinaparating na iba.

Sarah:"No Denisse, you can keep your f*cking modeling career together with your f*cking pervert manager. Alam ko naman na kaya ka lang naging model eh dahil nakipagone night stand ka sa kanya. Don't be dumb Taegan. Social climber." Naiinis niyang sagot sa dalaga, medyo napalakas ang boses niya kaya nakaagaw ito ng atensyon ng lahat. Napakunot naman ang noo ni Taegan at nanggigil sa sinabi ni Sarah. Hindi napigilan ni Taegan ang kanyang sarili at napagbuhatan ng kamay ang kaibigan. Sinampal niya si Sarah sa pisngi, medyo may kalakasan ito kaya rinig na rinig ng iba nilang mga kaklase ang ginawa ni Taegan.

Taegan:"Okay then, if ayaw mong sumama sa akin, it's your loss. Ayokong makikita kitang nagmamakaawa sa akin, na maging kaibigan ulit kita." Pagkatapos bitiwan ng dalaga ang mga salitang ito, agad siyang tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Susundan sana siya ni Mayumi nang pigilan siya ni Karmina.

Karmina:"Hayaan mo muna siyang mag-isa, masyado nang delikado ngayong oras. Malapit ng sumapit ang gabi, kailangan na nating bumalik sa villa." Page-explain niya sa mga kasama.

Myler:"Tama, hindi rin maganda na maghiwa-hiwalay tayo." Dagdag ni Myler.

Sarah:"Mag-iingat ka... Taegan.." Bulong niya habang nakatingin sa kalawakan.

Pagkatapos, agad silang tinawag ni Karmina para sabay-sabay na lumakad pabalik sa kanilang villa. Alam nilang mali ang iwan si Taegan mag-isa pero ayaw na nilang sumugal pa. Malapit ng kumagat ang dilim at ang gusto lang nila muna sa ngayon ay makarating ng villa na kasama si Lee Miww. Hindi man nila alam kung paano ieexplain sa iba ang nangyare, kinakailangan pa rin nilang ipaintindi ang lahat. Lalo na't nacurious sila sa ipinakitang class picture ni Auel.

 + - + - + - + - Ang walang forever at hindi bitter na author's note ni Kuya Ell

Happy Valentine's Day! Inaalay ko itong update na 'to para sa mga walang forever,taken at it's complicated na may status diyan. Enjoy this day and don't forget to spread the love! Keep calm and read Class Picture 2! Sorry kung nalate ng 1 day ang update, nagmidterms po ako. Bear with me. xD

Also, because it's Valentine's Day, I'll be featuring my favorite korean idols na shiniship ko. DARAGON for the win. 

Class Picture - Sandara Park ( Grace Angeles - The SC President )

Class Picture II - GDragon ( Xian Vladimir Leighton - The Math Wizard )

Perfidious - Not able to be trusted

Savior  - Someone who saves something or someone from danger

don't forget to vote and comment  + + +

Special thanks to @haryleu- for the ozum covers

+ - + - + - + - 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro