CP16:Bloody Remorse
Nababalot nang nakabi-binging katahimikan ang looban ng sasakyang sinasakyan nila Red. Hindi sila makapaniwala sa ginawang pag-talon at pag-iwan sa kanila ni Julyanne. Nagkakaroon na rin ng pagtataka ang magkakamag-aral sa mga nangyayare. Ito ay dahil wala man lamang ginawang aksyon o pinakitang kahit ano ang pulis habang nagtatangkang lumabas si Julyanne. Nakatingin lang ito sa daan at parang wala siyang naririnig, nakikita na kahit ano. Nakatingin lang siya ng diretso habang mayroong nakakurbang napakamisteryosong ngiti sa kanyang labi. Humawak ng mahigpit si Nadine sa kanyang t-shirt at pilit itong pinunit.
Nadine:"Kailangan mo to Red." Bulong niya habang unti-unting pumupunit ng kapirasong tela sa kanyang baro. Nang makuha niya na ito, dahan-dahan siyang lumapit sa kinauupuan ni Red.
Blake:"Okay ka lang ba pre?" Tanong niya sa kaklase, tumango lang si Red bilang tugon.
Nadine:"Hayaan mo na si Julyanne, hindi niya alam ang ginagawa niya." Mapangakit niyang bulong sa binata habang dahan-dahang binabalutan ng kapirasong tela ang sugat ng binata. Nang matapos na siyang balutan ng tela ang sugat ni Red, marahan siyang lumapit sa bandang taenga ng binata at bumulong...
Nadine:"Nandirito pa naman ako eh.. Kalimutan mo na si Julyanne.." Mapanlinlang na bulong ng dalaga. Unti-unti namang inilayo ni Red ang kanyang sarili kay Nadine.
Red:"S-Salamat Nadine pero, mahal ko si Julyanne." Seryoso niyang tugon.Nang marinig ito ng dalaga ay napangiti siya at agad lumayo sa binata. Muli, tinignan niya ulit si Red at hinampas ito sa braso.
Nadine:"Ikaw talaga, niloloko ka lang eh." Pagra-rason niya, narinig ito agad ni Blake kaya agad sila nitong nilingon.
Blake:"B-Bakit? Ano yun?" Nalilito niyang tanong sa dalawang kasama. Napangiti lang naman si Nadine at natawa ng mahina. Pagkatapos ay agad niyang tinignan si Red sa dalawa nitong mga mata. Dahan-dahang inilagay ng dalaga ang kanyang hintuturo sa tapat ng kanyang labi. Ito'y bilang bilin na huwag niyang iparating kay Blake ang kung ano mang sinabi niya sa kanya. Napayuko na lang si Red at sinagot ang binata.
Red:"A-A-Ahh? Wala yun pre." Awkward niyang sagot.
Nagulat na lang sila nang biglang huminto ang sasakyan sa isang station. Makikita sa harapan ng hinintuan nilang building ang isang pamilyar na logo. Dali-daling pumasok ang pulis papunta sa loob. Sumignal lang siya sa loob at kinausap ang taong nakaduty dito. Sa loob naman ng kotse, nagsimulang magusap-usap ang tatlo kung ano sa tingin nila ang nangyayare.
Red:"G-Guys, paano kaya kung tama si Venice?" Nag-aalangang tanong ng binata. Natawa naman dito si Blake habang nakatingin sa side mirror.
Blake:"Hahaha, asa ka naman? Sabihin mo, sa sobrang kasikatan niya, nabaliw na siya." Naiinis niyang tugon sa binata.
Nadine:"Guys, mabigat ang pakiramdam ko sa lugar na to." Nangi-nginig niyang bulong sa dalaga, pagkatapos ay nasundan ito ng madiin na paglunok.
Blake:"Isa ka pa bae eh, masyado ka sigurong nanonood ng mga horror films. Nahawa ka na kay Buenaventura." Pang-aasar niya, nagpout lang si Nadine at inirapan ang kanyang kasintahan. Ilang minuto pa ay muling bumalik ang pulis na kasama nila kanina at isa-isa silang pinababa.
Blake:"Relaks lang kayo guys, pulis yung kasama natin. Alam niya yung ginagawa niya, maliligtas na tayo." Bulong niya sa mga kasama habang dahan-dahang lumalabas ng sasakyan. Napakamot naman si Red at naalalang kailangan niyang kontakin ang magulang niya dahil dito. Agad siya lumapit sa pulis at nanghingi ng pabor.
Red:"Boss, pwede ho bang makitawag?" Pakiusap niya, pagkatapos ay inilagay niya ang isa niyang kamay sa kaliwang balikat ng pulis. Tinitigan lang siya nito sa mga mata.
:"Hindi. Hindi pwede. Sumama kayo sa akin sa loob, kailangan namin kayong tanungin ng ilang mga bagay." Malamig na tugon sa kanila ng pulis, pagkatapos ay agad itong nagsimulang maglakad papasok ng building. Nagkatinginang ang magkakabarkada at ginawa ang iniutos sa kanila. Pinaupo sila sa gitna, parang isang normal na presinto lang ito kung tutuusin. Sadyang kapansin-pansin lang ang tatlong kwartong may kakaibang kulay ng pintuan na matatagpuan sa gilid. Isang pula, isang puti at isang itim.
Red:"G-Guys, ano yun?" Tanong niya sa mga kasama na halata ring nag-iisip kung anong mayroon sa likod ng mga kakaibang kwartong iyon. Bago pa man makasagot ang isa sa kanyang mga kasama, humarap sa kanila ang isang babaeng pulis na kanina pa sila pinagmamasdan.
:"Iparinig niyo sa akin ang mga dapat kong marinig." Masayang bati nito sa kanila. Nang marinig agad ito ni Red, hindi na siya nagdalawang-isip pang sabihin sa babaeng kaharap nila ang lahat ng nangyare.
Red:"Mayroon ho kasing gustong pumatay sa amin." Bungad ni Red na siyang ikinagulat ng babaeng pulis. Hinawakan niya si Red sa isang kamay habang nakakunot ang noo. Mahahalata sa mukha ng babae ang pagkacurious niya sa sinabi ng binata.
:"Pumatay? Mayroong gustong pumatay sa inyo?" Naguguluhang sagot niya sa binata.
Nadine:"Opo. Mayroon pong gustong pumatay sa amin. Kaklase namin." Pagsi-singit niya sa usapan ng dalaga.
:"Taga-saang eskwelahan ba kayo mga hijo at hija?" Sunod niyang tanong sa magkakaklase. Nagkatinginan silang tatlo sa tanong ng pulis.
Blake:"St. Venille, iyan ho ang pangalan ng eskwelahan namin..." Bulong niya habang nakatingin sa babae. Nang marinig ito ng babaeng pulis, kitang-kita nilang tatlo ang biglaang pag-iiba ng ekspresyon nito. Unti-unti ring napabitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Red ang babae. Lumihis ng tingin ang babae, pagkatapos ay muli niyang itinanong ang mga studyante.
:"Anong year at seksyon niyo na?" Nagaalangan niyang tanong. Halata sa boses niya na ito'y parang kinakabahan at natatakot dahil sa panginginig nito.
Red:"Fourth year, section six. 4-6 po ang section naming tatlo." Masaya niyang tugon. Biglang tumayo ang babae sa kanyang kinauupuan at sinabing may kailangan siyang tawagan.
:"Paumanhin, may kailangan pa kong asikasuhin." Rason ng babaeng pulis. Agad itong dumiretso sa loob ng isang kwarto, see-through ang salamin nito kaya naman makikita sa labas kung ano ang ginagawa niya. Nakita nang tatlo ang mabilis at natatarantang pagpindot ng numero ng babae sa telepono.
Red:"Anong ginagawa niya?" Tanong niya sa dalawa.
Nadine:"Siguro dina-dial niya yung number ng school natin. Ipapasundo tayo dito sa presinto nila." Bulong niya sa mga kasama. Ilang saglit lang ay binalikan sila ng babaeng pulis. Hindi na ito nakangiti at kitang-kita sa mukha nito ang walang kaemo-emosyon niyang mga mata.
:"Sumunod kayo sa akin." Malamig niyang bulong sa sarili. Nang marinig ito ng tatlo ay agad silang nagsitayuan. Pumasok ang babae papuntang loob kung saan siya galing kanina. Dire-diretso lang siyang naglakad hanggang sa makapasok siya sa isang kwarto. Pinapasok niya ang tatlong studyante sa isang kwarto na ang tanging laman lamang ay ang isang malawak na black sofa na matatagpuan sa gitna. Kapansin-pansin rin ang kulay ng paligid ng kwarto. Walang ibang makikita kung hindi ang kulay puti. Waring para kang nakakulong sa isang asylum dahil dito.
Nadine:"A-Ano to?" Nalilito niyang tanong niya habang pilit na tinitignan ang umiiwas na pulis.
Blake:"Miss, bakit mo kami dinala rito?" Dagdag niyang tanong sa babae. Nang makaupo na silang tatlo sa sofa, ngumiti ito sa kanila at nagbow.
:"Dito muna kayo habang kinokontak pa namin ang eskwelahan at mga magulang niyo." Mahinhing paalala sa kanila ng pulis. Agad itong naglakad palabas ng kwarto at pinadlock ito. Pagkatapos, dumiretso siya sa office at may idinial na numero.
:"Ma'am.." Panimulang bati niya sa kabilang linya.
:"Anong problema?" Tugon ng nasa kabilang linya.
:"Mayroon ho ditong mga studyante, mula sa St. Venille." Natatarantamg pagpapaliwanag ng pulis. Napakunot ang noo ng matandang nakikinig sa kabilang linya.
:"Oh? Anong problema roon?" Naguguluhang tanong ng matanda.
:"Mga taga 4-6 po sila." Malamig na bulong ng pulis sa telepono. Unti-unting kumurba ang isang nakapanlolokong ngiti sa labi ng matanda.
:"Ganun ba? Gawin niyo na ang dapat niyong gawin." Seryosong pagkasabi ng nasa kabilang linya. Mahahalata sa kanyang boses ang poot at galit na nararamdaman nang marinig niyang mga studyante mula sa sixth class ang nasa poder nila ngayon.
:"Opo mrs. Mendoza, masusunod." Tugon ng pulis. Pagakatapos ay dumiretso agad ito sa harap ng pintuan ng kwarto kung saan ikinulong ang mga studyante. Mayroon siyang pinindot na button na kulay pula sa gilid, pagkatapos nito ay muli na siyang bumalik sa kanyang opisina.
---
Nakaupo at walang kaalam-alam ang magbabarkada sa loob ng kwartong pinagkulungan sa kanila kung anong nangyayari sa labas. Napabuntong-hininga si Nadine at tila kinakabahan sa mga susunod na mangyayare.
Nadine:"Nasaan tayo? Bakit tayo kinulong dito?" Tanong niya sa mga kasama. Natawa naman si Blake sa sinabi ni Nadine. Halata kasi sa boses ng dalaga ang takot dahil sa panginginig nito.
Red:"Hindi naman siguro tayo kinulong.." Wika niya, pagkatapos ay tumayo ang binata para subukang buksan ang pintuan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang nakalock ito at hindi niya magawang buksan.
Red:"Guys.." Bulong niya, agad naman napatingin ang dalawa at mabilis na lumapit sa binata.
Blake:"Bakit anong nangyayare?" Tanong niya habang nakatingin kay Red.
Nadine:"Oo nga? Anong mayroon Red?" Dagdag ng dalaga. Napalunok ng madiin si Red, pagkatapos ay sinimulan niya nang pakawalan ang malalakas na hampas niya sa pintuan.
Red:"Pakawalan niyo kami rito! Huwag niyo kaming ikulong dito!" Nagkukumahog na sigaw ng binata. Gulat na gulat naman ang dalawa at tila nagpro-process pa lang sa kanilang mga isipan ang mga nangyayare. Hindi pa nagtagal ay tumulong na si Blake sa pagkalampag sa nasabing pintuan, samantalang pumunta naman sa sulok si Nadine at nagsimulang umiyak.
Nadine:"We're all going to die. We're all fated to die!" Namamaos na sigaw ng dalaga.
Blake:"Shut up bae! Stand up and help us!" Naiiritang sigaw ng binata. Agad tumayo si Nadine at pwumesto sa likuran ng dalawang binata. Pinagpatuloy lang nila ang pagkakalampag pero wala kahit sino mang pulis ang may pakielam at lakas ng loob na pagbuksan sila ng pintuan.
Red:"This is not working, maghintay na lang tayo." Nakakawalang-ganang sinabi ng binata. Ilang minuto lamang ay may naamoy silang kakaiba na galing sa aircon.
Nadine:"W-W-What's that smell?" Angal ng dalaga habang nakatakip ang dalawa niyang kamay sa kanyang ilong.
Blake:"Ewan ko, pero nahihilo ako." Dagdag ng binata. Umupo sila sa sofa nang tabi-tabi at pilit na tinatakpan ang kani-kanilang ilong para hindi maamoy ang kakaibang hangin na lumalabas sa aircon. Ilang minuto pa ang lumipas nang isa-isa na nilang nararamdaman ang matinding pagkahilo at sakit ng ulo.
Nadine:"H-Hindi ko na ka-" Hindi na natuloy pa ng dalaga ang kanyang sasabihin at bigla na lang siyang natumba sa sahig.
Blake:"N-Nadine" Mahinang bulong ng binata, pagkatapos ay sumunod na itong bumagsak sa sahig. Nakatingin lang si Red sa dalawa at pilit na nilalabanan ang hilo at sakit ng ulo.
Red:"K-Kailangan ko tong gawin para kay Julyanne. Kailangan ako ni Julyanne." Bulong niya sa kanyang sarili, ilang saglit lang ay nakita niyang pumasok ang babaeng pulis na kasama nila kanina. Unti-unting nanlabo ang paningin ng binata at tuluyan na ring nawalan ng malay.
:"I'll be the one who'll guide you guys into your own death." Malamig na bulong ng pulis habang tinitignan ang tatlong studyante na walang malay. Hindi pa nagtagal, isa-isang pumasok ang mga lalaking pulis para buhatin ang mga katawan ng studyante. Isa-isa silang pinasok sa mga kwartong may kakaibang kulay ng pintuan. Si Nadine sa kulay pula, si Blake sa kulay itim at si Red naman sa kulay puti.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro