
CP13:A Big Mistake
Sabay-sabay silang bumalik sa villa pero sa ngayon, kasama na nila si Blake. Nakaakbay ito kay Kramer at inaalalayan ang binata. Bakas sa mukha ni Blake ang mga pasa na tinamo niya sa mabibigat na suntok ni Tristan. Umiiyak naman si Louie na nakayakap kay Karmina habang naglalakad. Malayo pa lamang ay nakita na agad sila ng tatlong guro. Hinihintay sila ng mga natitirang studyante ng 4-6 sa tapat ng villa.
Sakura:"Venice!" Malakas na tawag ng guro sa dalaga. Napatingin naman ang mga studyante sa direksyon kung saan tinawag ng guro ang pangalan ng kanilang kaklase. Nang makita nila Louie si Ms. Castaneto ay dali-dali silang tumakbo para salubungin ang mga kamag-aral at guro.
Louie:"S-Si Kira.." Pamungad na sinabi ng dalaga. Nakayuko lang naman si Karmina at hindi alam kung paano niya sisimulang ikwento ang mga nangyare. Nauna namang pumasok sa villa sina Tristan at Kyla, samantalang dinala naman ni Kramer si Blake sa clinic para bigyan ng paunang lunas ang mga pasa nito.
Ms. Hazel:"K-Kira?" Tanong niya kay Louie, pagkatapos ay nilapitan ang dalaga.
Karmina:"S-Si Kira.." Pag-uulit ng dalaga sa sinabi ni Venice. Pagkatapos ay nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ng dalaga. Napakunot ang noo ni Sakura at hinawakan sa dalawang balikat ang dalaga at niyugyog-yugyog.
Sakura:"Sabihin mo sa akin kung anong nangyare! Anong nangayare kay Kira!" Natatarantang pagkasabi ng guro. Yumuko si Auel at nagpasya na siya na mismo ang magsabi kung anong nangyare sa kaklase.
Auel:"Kira's dead. She's dead." Malamig niyang pagkasabi. Napatakip ng bibig si Sakura at halatang gulat na gulat sa kanyang narinig. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang buhok at tila sinasabunutan ang sarili. Kahit na natatakot, hindi nagpakita ng kahinaan si Ms. Hazel at isa-isang pinapasok ang mga studyante sa kani-kanilang mga kwarto sa villa.
Ms. Hazel:"Pumasok na kayo sa mga rooms niyo, huwag kayong lalabas hangga't hindi namin sinasabi!" Nanginginig niyang pagkasabi, pagkatapos ay isa-isa niyang inihatid sa kani-kanilang mga kwarto ang mga studyante. Pagkatapos niyang mahatid ang mga ito, agad siyang dumiretso sa lobby para tawagan si Zero at ibalita ang nangyare.
Sakura:"Sino tinatawagan mo?" Curious na tanong ng dalaga. Hinawi ni Ms. Hazel ang kanyang buhok at nagbuntong-hininga.
Ms. Hazel:"K-Kailangan nating ito ireport sa mga pulis." Nanginginig niyang pagkasabi. Napataas ang kilay ni Sakura nang marinig niya ang sinabi ng kanyang kapwa guro. Dali-dali niyang nilapitan si Hazel at sinubukang agawin ang telepono.
Ms. Hazel:"Ano bang ginagawa mo?!" Sigaw niya kay Sakura.
Sakura:"Huwag mong gagawin yan!" Naiinis na sigaw ng guro. Pagkatapos ay hindi niyang sinasadyang naitulak si Hazel, dahilan para mapaupo ito sa sahig. Sakto namang kakapasok lang ng dalagang si Mayumi at nakita niya ang lahat nang nangyare.
Mayumi:"Ms. Hazel!" Sigaw ng dalaga, pagkatapos ay nilapitan niya ang guro at tinulungan itong makatayo.
Sakura:"H-Hindi ko sinasadya Hazel..." Paghihingi ng patawag ng dalaga, pagkatapos ay nilapitan niya ito at inialok ang kanyang kamay. Hindi ito pinansin ni Hazel at mas piniling tulungan siya ng kanyang studyante.
Ms. Hazel:"Salamat anak..." Wika ng guro ng may matamis na ngiti sa kanyang labi. Nang makatayo na siya, tinignan niya ng masama si Sakura.
Ms. Hazel:"Sakura, may problema ka ba? Bakit ayaw mong ireport natin ito sa mga pulisya? Sila dapat ang una nating pinagsasabihan, sa gayon ay magawan nila ito ng aksyon." Malumanay niyang pagkasabi pero nagmatigas si Sakura. Alam niya na kapag inisumplong nila sa mga pulisya ay maari itong magpalala at tuluyang hindi maayos ang sitwasyon.
Sakura:"B-Basta! Kahit anong mangyare, walang magsu-sumbong sa mga pulis! Hayaan niyo akong mag-ayos ng lahat ng ito." Matapang niyang pagkasabi pagkatapos ay lumabas ito ng kwarto. Nakayakap naman si Mayumi kay Ms. Hazel at tinanong kung anong nangyare pero piniling huwag magsalita ng guro sa nangyare.
Ms. Hazel:"H-Hindi ko na kaya ang mga nangyayare, maaring tama si Sakura pero kailangan tong malaman ng kapulisyahan. Hindi ko pwedeng hayaan na mangyare ang lahat ng ito." Malamig na bulong ng teacher sa kanyang sarili. Pagkatapos ay pumunta ulit ito kung saan nakalagay ang landline at idinial ang numero ng mga pulis.
--
Nasa labas ang lahat ng studyante ng pang-anim na seksyon, magaalas-nueve na sa mga oras na ito. Nadatnan ni Sakura ang mga studyante na kalat-kalat at tila naguusap-usap ukol sa mga kakaibang at katakot-takot na nangyayare sa kanilang mga kaklase. Nadatnan niya sina July Anne, Red, Blake, Louie at Nadine na dala-dala ang kanilang mga bagahe. Nasa tapat nila ang isang montero na kulay puti, sasakyan ito ni Red na pinadala niya sa villa mula pa sa Maynila. Nang makita ng grupo ng mga studyante ang guro, agad silang lumapit dito at nagbow.
Red:"Miss Sakura.." Matipid na bati ng binata.
JulyAnne:"Napagpasyahan po naming magkakaibigan na maunang umalis dito sa villa. Masyado na po kasing nakakatakot ang mga nangyayare, hindi ko na po keri." Dire-diretsong paliwanag ng dalaga.
Louie:"Gustuhin man po naming tawagan ang mga magulang namin pero hindi namin magawa, kinuha kasi sa amin ang mga mobile phones namin pagdating na pagdating namin dito sa villa.. Yung iba nga hindi nag-bigay eh, tulad ni Kira." Naiinis niyang pagkasabi. Bigla namang sumingit sa usapan si Ms. Hazel na kalalabas lang mula sa lobby.
Ms. Hazel:"Ito'y para ma-ensure na walang distractions sa inyo habang isinasagawa ang event na ito Venice. H-Huwag kang mag-alala, maari niyo namang tawagan ang mga magulang niyo after ng retreat." Malumanay niyang paliwanag pero agad hindi sumang-ayon si Taegan sa kanyang mga narinig kaya nakisali na rin sa usapan.
Taegan:"Seriously?! Gaano katagal ko pa ba kailangan mag-tiis dito sa stinky place na to bago ko makapagcommunicate sa mga friends ko?! I hate this feeling!" Sigaw ng dalaga, pagkatapos ay tumayo ito at pumunta sa kanyang kwarto.
Sarah:"I also hate this place!" Dagdag ng dalaga, pagkatapos ay sinundan niya si Taegan.
Sakura:"Walang aalis hangga't hindi ko sinasabi. Alam niyo naman na kapag may nangyareng hindi maganda sa inyo ay kami na naman ang malalagot sa eskwelahan hindi ba?" Wika ng guro pero nagpumilit ang mga kabataan sa kanilang plinaplano.
JulyAnne:"Payagan niyo na po kami ma'am." Mahinahong pakiusap ng dalaga pero nagmatigas si Sakura.
Sakura:"Kapag sinabi kong hindi! Hindi!" Sigaw niya, first time nilang nakitang ganito si Sakura kaya nanahimik ang lahat. Napalunok si Red at tila hindi niya matanggap ang desisyon ng kanilang guro.
Red:"Mawalang galang na po sa inyo ma'am pero ano ho bang hinihintay natin dito? Ang patayin kami isa-isa ng hayop na killer na yan!" Nangga-galaiti niyang sigaw sa guro. Hindi napigilan ni Sakura ang kanyang sarili at napagbuhatan niya ng kamay ang binata. Kitang-kita ng lahat ang malakas na pagkakasampal niya kay Red.
Sakura:"Kung ayan ang iniisip niyo, hindi ko kayo masisisi. Kung gusto niyong umalis, umalis kayo, pero huwag niyo akong sisisihin kapag may nangyareng masama sa inyo." Malamig niyang pagkasabi. Pagkatapos ay itinaas niya ang kanan niyang kamay bilang signal na kailangan nang magsipasok ng mga studyante sa loob ng villa. Nagkatinginan naman ang limang magkakaibigan at nagpakiramdaman kung itutuloy pa ba nila ang kanilang plinaplano.
Red:"Itutuloy pa ba natin to?" Tanong niya sa mga kasama.
Louie:"H-Hindi ko alam pero natatakot ako Red." Bulong niya sa mga kasama.
JulyAnne:"Let's go na?! Bago pa tuluyang lumalim ang gabi." Wika niya sa mga kasama.
Louie:"Natatakot ako Anne.." Bulong niya sa katabi, pagkatapos ay niyakap niya ito ng mahigpit.
JulyAnne:"Saan ka naman natatakot?" Tanong ng dalaga.
Louie:"Natatakot ako sa gagawin natin, sa mga posibleng mangyare." Kinakabahan niyang sagot sa dalaga. Narinig naman ito ng kalapit nila na si Nadine at tila pinagtatawanan si Louie sa kanyang sinabi.
Nadine:"What the hell Louie? Para kang si Sunshine eh, nasosobrahan ang panonood ng mga horror kaya ayan, kung ano-anong pumapasok sa utak mo." Mataray niyang pagkasabi, inarapan lang siya ni Venice at tuluyan nang pumasok sa loob ng sasakyan. Nasa labas naman ang dalawang binata at busy sa pag-pasok ng kanilang mga bagahe.
Red:"Pre, ano palang sabi ni Kyla? Sasama ba siya?" Curious na tanong ng binata pero nagpout lang si Blake sa kanyang narinig.
Blake:"Ewan ko dun pare, hindi raw eh. Mag-sama sila ng Tristan niya, hindi ko naman talaga minahal si Kyla eh. Pampalipas oras ko lang siya. Actually, kami na ni Nadine bago pa kami maging ni Kyla, gusto ko lang talaga makita kung paano masaktan yang Tristan na yan." Seryoso niyang pagkasabi, pagkatapos ay nasundan ito ng nakalolokong halakhak.
Red:"Tss, bad boy ka talaga Blake!" Natatawa niyang sinabi, pagkatapos ay nakipag-apir siya sa binata. Nasa loob naman ng sasakyan si Nadine at halatang inip na inip na at gusto niya ng makaalis sa villa kaya binuksan niya ang salamin at sumigaw.
Nadine:"Matagal pa ba yan?! Naiinip na ko!" Sigaw niya. Agad naman siyang nakatanggap ng sagot mula kay Red.
Red:"Heto na, heto na!" Sigaw ng binata, pagkatapos ay dali-daling pumasok ito sa sasakyan. Nasa front-seat si Blake habang nasa driver's seat naman si Red.
Nadine:"Let's go!" Sigaw niya, pagkatapos ay tuluyang humarurot ang sasakyan palabas ng villa. Nakatayo naman si Miww sa gilid at tila pinagmamasdan ang kotse sa tuluyan nitong pag-alis. Kumurba ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi at sinabing...
Lee:"You should have stayed..." Misteryoso niyang bulong sa sarili habang hinihimas-himas ang alaga niyang pusa na nakalagay sa kanyang kamay. Pagkatapos ay tuluyan na itong naglakad para pumasok sa loob ng villa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro