
CP12:Slaughter the Scarecrow
Tapos na ang pagbri-briefing sa kanila ng mga guro at isa-isa na nilang ipinapasok ang kanilang mga bagahe papasok ng villa nang marinig nila ang isang kahindik-hindik balahibong sigaw ng isang dalaga. Nagkatinginan at mahahalatang kinabahan ang lahat sa kanilang narinig. Napahawak sa dibdib si Sunshine at halatang inaatake na siya ng kanyang hika.
Sunshine:"I-I-I can't breathe.." Mahina niyang bulong sa kanyang katabi na si Alfheim. Napakamot sa ulo ang dalaga at biglang nataranta nang makita niyang namumutla na si Sunshine.
Alfheim:"H-Help me guys! Hindi makahinga si Sunshine!" Malakas niyang sigaw sa mga kasama. Pagkatapos ay niyakap niya si Sunshine at tinutulungang pakalmahin.
Alfheim:"Inhale.. Exhale... That's right Sunshine, you can do it, we're all here for you." Mahinahanon niyang bulong sa dalaga. Nang makita ni Rey ang kalagayan ng dalaga, kumaripas siya ng takbo papunta sa loob ng bus para kuhanin ang bag ni Sunshine. Halos itulak niya na ang kanyang mga kaklase na nakaharang sa kanyang dinaraanan. Isa sa kanyang mga nabunggo ay ang mataray na mag-kaibigan na sina Sarah at Taegan.
Sarah:"Ano ba yan! Hindi ka ba marunong ng salitang Excuse?!" Mataray niyang sinabi sa binata, pagkatapos ay nasundan ito ng napakataray na irap.
Taegan:"Talk about proper manners and etiquette." Malamig na bulong ng dalaga. Nang makuha na ni Rey ang bag ni Sunshine ay nagbow ito sa harap ng dalawang dalaga.
Rey:"Paumahin sa inyo mga binibini, kailangan ko kasing bilisan para kay Sunshine..." Mabilis na paghingi ng patawad ng binata. Dumiretso siya sa labas, binuksan ang bag ni Sunshine at hinanap ang inhaler. Napangiti niya dahil nakita niya agad ito na nakalagay sa gilid ng bag. Agad-agad niya itong kinuha palabas at iniabot kay Alfheim. Nang mahawakan naman ni Alfheim ang inhaler ay halatang hindi niya alam ang kanyang gagawin.
Alfheim:"A-Ahh?! Paano to?" Natataranta niyang tanong sa mga kasama. Natatawa naman ang katabi niyang si Aeron at dali-daling kinuha ang inhalersa kamay ng kaibigan.
Aeron:"Ibigay mo kasi kay Sunshine.." Wika ng binata, pagkatapos ay agad ibinigay ng binata ang inhalersa dalaga. Nang mahawakan ito ni Sunshine ay agad niya itong itinakip sa kanyang bibig, pagkatapos ay inalalayan siya ni Aeron sa paghinga. Habang busy ang tatlo sa pagpapaklama, sabay namang bumaba ang dalawang dilag na sina Taegan at Sarah sa bus. Nakita nila ang sitwasyon ni Sunshine, tumaas ang isang kilay ni Taegan habang nakapamewang naman si Sarah.
Taegan:"Tss, akala ko naman kung ano. Tinulak-tulak mo pa kami Rey, hika lang yan. Hindi pa yan mamamatay." Mataray niyang pagkasabi, pagkatapos ay hinawi niya ang kanyang mahabang buhok.
Sarah:"Oo nga.." Matipid na pagsang-ayon ng dalaga sa kaklase. Pagkatapos ay hinawi niya rin ang kanyang buhok. Tinignan lang sila ng tatlo at halatang nainis sa kanilang sinabi. Magsasalita sana si Rey nang bigla siyang hinawakan ni Alfheim sa braso.
Alfheim:"Huwag mo nang patulan Rey, ang imporante ay okay na si Sunshine." Bulong niya sa binata. Tumingin si Rey kay Sunshine at nakita niyang okay na at maayos na ang paghinga ng dalaga. Unti-unting kumurba ang matamis na ngiti sa kanyang labi, hindi naman mapigilan ni Sunshine ang kanyang sarili kaya bigla niyang niyakap si Rey.
Sunshine:"T-Thank you.." Malambing niyang pagkasabi sa binata. Nagulat si Rey sa ginawa ng dalaga at halata sa kanyang mukha na namumula na siya. Napangiti naman si Alfheim kaya hindi niya napigilang asarin ang dalawa.
Alfheim:"Kawaii! Alam niyo dinaig niyo pa ang tambalang Hikari and Kei ng special A sa ginagawa niyo." Masaya niyang pang-aasar sa dalawa habang tumatalon-talon dahil sa saya.
--
Magkatabing nakasandal ang magkasintahang Kyla at Blake sa ilalim ng isang puno malapit sa damuhan. Busy ang dalawa sa paglalambingan habang pinagmamasdan sila ni Tristan mula sa malayo. Halata sa binata na nagtatago ito dahil ayaw siyang makita ni Kyla, ayaw niya kasi na isipin ni Kyla na umaasa siya sa kanilang dalawa kahit na totoo naman. Nakapangalumbaba at halatang may malalim siyang iniisip habang nakaupo siya sa isang bench malayo kila Kyla.Nagpout ang binata at nagbuntong-hininga, tatayo na sana siya nang biglang may humawak sa kanyang likuran.
Keiffer:"Hoy torpe!" Sigaw sa kanya ng binata. Dali-daling napatayo si Tristan at halata sa kanyang mukha ang pagkamutla dahil sa sobrang gulat. Tawang-tawa naman si Keiffer at halatang masaya sa kanyang ginawa sa binata.
Keiffer:"Oh pre? Parang nakakita ka ata ng multo? Huwag ka kasing magka-kape masyado! Hahaha" Asar ng binata sa kaklase, masama ang tingin at madiin na hinawakan ni Tristan si Keiffer sa kanyang collar.
Tristan:"Tangina naman pare e. Alam mo namang ayoko sa lahat ay yung ginugulat ako." Nayayamot niyang pagkasabi kay Keiffer. Imbis na mag-sorry, nagpout si Keiffer at halatang nagpapaawa sa kaibigan.
Keiffer:"H-Hindi ko naman po sinasadya fafa Tristan eh.." Nag-boses bata siya nang sinasabi niya ito. Pagkatapos ay nasundan ito ng katuwa-tuwang halakhak. Hindi natiis ni Tristan at binitawan niya agad si Keiffer. Nang mabitawan, mabilis na naglakad papalayo si Tristan kay Keiffer pero sinundan agad siya ng binata at inakbayan.
Keiffer:"Pre, ano ba kasing ginagawa mo dun?" Curious na tanong niya sa binata. Tinignan lang siya ni Tristan ng masama at patuloy lang sa paglalakad. Ngumiti naman ng bahagya si Keiffer at huminto.
Keiffer:"Dahil ba kay Kyla?" Tanong niya. Hindi alam ni Tristan kung bakit pero bigla siyang napatigil sa sinabi ng kaklase.
Tristan:"Hindi ah.." Pagde-deny ng binata sa kaklase pero tinawanan lang siya ni Keiffer.
Keiffer:"Umaasa ka pa rin sa inyong dalawa? Tss, ewan ko ba sayo pare." Saway niya sa binata. Nagbuntong-hininga si Tristan at dumiretso sa paglalakad. Hindi na siya sinundan pa ni Keiffer at pinili niyang iwanan munang mag-isa ang binata. Sa gitna ng kanyang paglalakad, muli siyang napalapit sa puno kung saan naroon ang magkasintahan. Nakita niya na sweet na sweet na nakayakap si Kyla kay Blake. Dahan-dahan siyang tumalikod at babalik na sana siya sa villa, nang bigla niyang narinig ang sigaw ni Kyla.
Kyla:"B-Blake, ano ba? Nasasaktan na ko. Ayoko na, tigilan mo na to!" Sigaw ng dalaga habang pinipilit na kumawala sa mahigpit na hawak ng binata. Agad lumingon si Tristan at nakita niya ang ginagawa ng binata sa dalaga. Hinahalikan niya ito sa leeg at halatang gustong magsamantalahan ang dalaga.
Blake:"Ano ka ba Kyla, huwag ka na ngang maarte." Malamig na bulong ng binata sa dalaga, pagkatapos ay bumalik ito sa paghalik sa leeg ng dalaga.
Kyla:"Blake! Tigilan mo na sabi to eh! Ayoko na!" Muling sigaw ng dalaga, pini-pilit niyang kumawala pero hindi niya magawa. Hawak-hawak ni Blake ang dalawang kamay ni Kyla na nakasandal sa puno. Agad nangigil at inihanda niya agad ang kanyang kamao ng makita ni Tristan ang ginagawa ni Blake.
Blake:"Akin ka lang Kyla, walang ibang pwedeng magmay-ari sayo." Nakakatakot na bulong ng binata sa kanyang kasintahan, pagkatapos ay hinalikan niya ito ng madiin sa labi. Kitang-kita sa mukha ni Kyla na ayaw niya ang ginagawa sa kanya ng binata, gustuhin niyang mang makatakas ay hindi niya magawa.
Tristan:"Hoy!" Malakas na sigaw ng binata habang nakatingin sa direksyon nila Kyla. Napahinto si Blake sa kanyang ginagawa at tila pinagtatawanan pa si Tristan. Tumakbo naman papuntang bukid si Kyla para takasan si Blake. Kumaripas siya ng takbo hanggang sa marating niya ang kinatatayuan ng dalawa. Agad niyang sinapak si Blake sa mukha dahilan para tumumba ito sa sahig.
Blake:"Ano bang problema mo!" Sigaw niya, pero hindi nagsalita si Tristan at muling pinaulanan si Blake ng suntok. Lumaban din si Blake pero sadyang mabilis at mas malakas ang mga suntok na pinapakawalan ni Tristan kaya agad siyang napatumba nito. Sakto naman na papadaan ang apat na magkakaibigan na sina Louie, Auel, Kramer at Karmina.
Karmina:"I smell trouble.." Mahina niyang bulong sa sarili, pagkatapos ay kumagat sa kanyang dala-dalang happy pao.
Kramer:"Hindi ba't sila Tristan at Blake yun?" Tanong niya sa tatlo.
Louie:"O-Oo nga no? W-Wait.. May dugo!" Natataranta niyang sigaw sa mga kaibigan.
Auel:"Tss. Stop over reacting Venice, we can hear you." Mataray na sinabi ng binata.Pagkatapos nito ay agad kumaripas ng takbo ang dalawang lalake papunta sa kinatatayuan ni Tristan. Agad din namang sumunod ang dalawang babae na nasa likuran lang nila Auel.
Louie:"B-Blake!" Sigaw niya habang nakahawak sa ulo ng binata. Nakahiga kasi ito at walang malay, kitang-kita sa mukha nito ang mga marka ng suntok ni Tristan. Putok ang labi at dumudugo rin ang ilong, yan ang sitwasyon ngayon ni Blake.
Karmina:"A-Anong ginawa mo?" Natatakot niyang tanong sa binata, pagkatapos ay nabitawan niya ang happy pao na kinagatan niya kanina.
Kramer:"Tristan! Magsalita ka!" Naiinis na pagkasabi ng binata, habang tahimik lang naman si Auel at tinitignan ang kalunos-lunos na sinapit ni Blake.
Tristan:"Its none of your business." Malamig na sagot sa kanila ng binata. Pagkatapos ay nagtangkang umalis ang binata nang bigla nilang marinig ang sigaw ni Kyla galing sa bukid.
Louie:"S-Si Kyla yun ah?!" Sigaw niya sa mga kasama.
Auel:"OA." Matipid niyang bulong sa sarili habang nakatingin kay Venice.
Karmina:"Let's find her, baka kung ano nang nangyari sa kanya." Concern na pagkasabi ng dalaga, pagkatapos ay sabay-sabay silang pumunta sa bukid para hanapin ang dalaga. Sumalubong sa kanila ang isang trail ng dugo, napalunok si Karmina sa kanyang nakita pero pinilit na ipagpatuloy ang paghahanap sa dalaga. Mga dalawangpung hakbang lang ang kinailangan para makita nila si Kyla. Nakaupo ito sa damuhan habang pinagmamasdan ang nasa tapat niyang scarecrow. Kung titignan mong mabuti, sa ilalim ng mainit na araw, hindi ito basta-basta isang ordinaryong scarecrow lamang. Si Kira, siya ang babaeng pumalit bilang isang scarecrow.
Nakagapos si Kira sa isang kahoy na may hugis ng isang krus. May mga dayami na nakatakip sa kanyang katawan na punong-puno ng dugo. Hindi kasi tali ang ginamit sa pag-gapos sa kanya sa kahoy, kundi barbed wire. Kitang-kita ang madiin na pagkakabaon sa balat ng dalaga ng matutulis na barbed wire. Punong-puno rin ng dugo at wala siyang makita dahil pati mga mata ito ay madiin na tinusok ng barbed wire, dahilan para mapuno ang kanyang mukha ng dugo. Mayroon ring nakadikit sa buong katawan niya na maliit na bato. Kakaiba ang mga hugis nito ay mayroong mabahong amoy. Hindi niya na napigilan at nagsuka na si Louie sa gilid. Hindi niya kinaya ang metal na amoy ng dugo ni Kira. Halata ring presko pa ang pagkakagapos sa dalaga dahil mapula-pula ang dugong tumutulo kay Kira. Nagulat silang lahat nang unti-unting iniangat ni Kira ang kanyang ulo.
Kira:"H-H-H-Help me.." Malamig niyang bulong sa mga tao sa kanyang harapan. Wala siyang makita at walang ibang maramdaman kundi hapdi at sakit. Dagdag pa ang init na ibinibigay ng araw sa kanyang malalalim na sugat. Maya-maya ay nakita nila na may dumarating na isang flock ng kulay itim na ibon na lumipad-lipad sa langit. Napakunot ang noo ni Kramer at itinuro ang mga ibon.
Kramer:"A-A-Ano yun?" Tanong niya sa mga kasama. Nagkatinginan lang silang magkakaibigan at halatang hindi alam ang gagawin. Tanging si Karmina lang ang naglakas-loob na lapitan si Kira at pilit na inaalis ang mga barbed wire na nakabaon ng mahigpit sa balat ng dalaga.
Karmina:"Ano bang ginagawa niyo diyan? Tulungan niyo ko!" Saway niya sa mga kasama. Imbis na lapitan ay hindi nila ito nagawa dahil isa-isang nagsibabaan ang ibon kay Kira. Bigla ring hinatak ni Auel si Karmina na malapit kay Kira.
Karmina:"Ano bang ginagawa mo?!" Reklamo niya habang pilit na kumakawala sa mahigpit na hawak ng binata.
Kyla:"Ahhhh!" Sigaw niya nang makitang tinuka ng isang kulay itim na ibon ang maliit na bato na nakadikit sa balat ng dalaga. Kitang-kita niya ang unti-unting pagtuklap ng balat ni Kira gawa ng matulis na bibig ng ibon. Sumirit ang dugo mula sa iba't-ibang parte ng katawan ni Kira ng sabay-sabay lumapag ang mga kulay itim na ibon sa dalaga. Lahat sila ay nandiri at halatang hindi makapaniwala ang nangyayare sa kanilang harapan. Walang magawa si Kira kundi sumigaw lamang sa hapdi na kanyang nararamdaman. Nakayakap naman si Kyla kay Tristan, tinatakpan ni Louie ang kanyang bibig samantalang pilit naman kumakalawala ni Karmina kay Auel.
Karmina:"Kira!! Kira!! Kira!!" Patuloy niyang sigaw ng pangalan ng dalaga habang pinagmamasdan niya itong natutuklap ang balat.
Auel:"Karmina stop it!" Saway niya sa binata na biglang nagpahinto sa dalaga. Tinignan niya ito ng masama at bigla niya itong siniko. Agad nakawalan si Karmina sa pagkakahawak sa kanya ni Auel. Nakakita siya ng isang maliit nakahoy sa gilid, agad niya itong kinuha at lumapit kay Kira.
Karmina:"Layuan niyo si Kira! Mga peste kayo!" Sigaw niya habang pinapagewang-gewan sa hangin ang hawak-hawak niyang kahoy. Isa-isang lumilipad paalis ang mga ibon, yung iba nama'y lumaban sa kanya dahilan para makalmot ang kanyang braso ng ibang ibon. hanggang sa matagumpay na npaalis ni Karmina ang lahat. Nang makita niya ang bagong sitwasyon ng dalaga, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. Dahan-dahan niyang nabitawan ang hawak niyang kahoy at napaluhod. Kitang-kita sa mga mata ni Karmina ang pagpatak ng luha galing sa kanyang mga mata.
Karmina:"Kira." Huling tawag niya sa dalaga habang pinagmamasdan niya ito. Tuklap-tuklap ang balat ng dalaga at yung iba niya ay halos makita na ang buto. Patuloy pa rin ang pagtulo ng dugo sa mga malalalim na sugat ng dalaga pero wala na silang nagawa pa dahil nang tignan ni Tristan ang pulso ay wala na ito. Wala na si Kira, wala na ang prankster ng class 4-6.
---------- Ang makulay at masayang author's note ni Kuya Ell ~
Hi classmates (yan daw kasi ang itawag ko sa mga CP readers. lol )! Sana'y nagustuhan niyo ang aking munting update. I want to greet all of you a happy new year! More updates to come and at the same time, sana marami pa tayong matanggap na blessings! Sana maging successful katulad ng CP1 and who knows? Sana malagpasana niya pa yung CP1. Hahaha, sana makapagvote kayo sa chapter na ito at the same time, paki-comment yung reaksyon niyo nung binabasa niyo itong tsapter na ito.
votes + comment are highly appreciated! 12th comment will receive a dedic! strictly no double comments.
cover made by @-cussing // Featuring Mayumi Nakamura for this update's cover~ :3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro