Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CP11:Hide and Kill

Unti-unting bumukas ang pintuan ng sasakyan habang pinagmamasdan ito ng binata. Isang matandang babae ang lumabas mula sa sasakyan, may suot itong kulay itim na mahabang baro at may nakapatong ring malaking sombrero sa kanyang ulo. Natatakpan ang kanyang mukha ng manipis na fishnet. Kung titignan mong mabuti, halos kalahit ng kanyang mukha ay nasunog, kulo-kulubot ito at halatang natuklap dahil sa sobrang init. Dahan-dahang naglakad papunta ang matandang babae sa harap ng binata.

:"Doctor Oriztta?" Tawag niya sa binata.

Zero:"M-Mrs. Mendoza?" Nag-aalangan niyang tanong sa babae. Tumawa ito nang mahina at napahawak sa kanyang dibdib.

Mrs. Mendoza:"Oo, ako nga." Matipid na sagot sa kanya ng dalaga. Tila natigilan ang binata at halatang hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

Zero:"P-Pero.." Utal-utal na pagkasabi ng binata. Inilagay ni Mrs. Mendoza ang kanyang hintuturo sa labi ng doktor at bumulong...

Mrs. Mendoza:"Bakit? Akala mo ba patay na ko?" Misteryoso at malamig niyang pagkasabi. Dahan-dahang inalis niya ang kanyang kamay sa labi ng binata at pinaikutan ito.

Mrs. Mendoza:"Tandaan mo, matagal mamatay ang masamang damo." Pabiro niyang sinabi, pagkatapos ay nasundan ito ng nakakalokong tawa.

Zero:"A-Ano hong ginagawa niyo rito?" Naguguluhang tanong ng binata. Unti-unting kumurba ang isang matamis na ngiti sa labi ng matanda.

Mrs. Mendoza:"Ano pa ba? Edi ang trabaho ko..." Malamig na sagot sa kanya ng matanda. Dahan-dahang naglakad palayo sa kanya ang matanda para puntahan ang kanyang mga tauhan. Nakatingin lang si Zero sa lupa at tila hindi pa rin sa kanya nagsi-sink in na buhay ang ina ni Shannah Mendoza, ang taong gustong pumatay sa kanila. Tumakbo papunta ang binata sa matanda at hinawakan ito sa braso.

Zero:"Kayo ang dahilan kung bakit maraming namatay na studyante sa pang-anim na seksyon! Kayo at ng anak mo ang dahilan kung bakit maraming inosente ang namatay!" Nanggi-gigil niyang sigaw sa matanda. Agad silang pinalibutan ng mga tao dahil sa eskandalong ginawa ng binata.

Mrs. Mendoza:"H-H-Hindi ko alam yang pinagsasasabi mo! Bitiwan mo ko!" Natatarantang pagta-tanggi ng matanda habang pini-pilit niyang alisin ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng binata. Unti-unting namuo ang luha sa dalawang mata ng binata at dahan-dahang napaluhod dahil naalala niya ang madugong sinapit ng kanilang seksyon sa mga panahong iyon.

Zero:"W-Wala ho ba kayong awa? Hindi ho ba kayo nakonsensya sa ginawa niyong pagpatay sa mga studyante? Ina ho kayo, alam niyo ho kung paano mawalan ng isang anak! Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pagdudusa ng mga magulang ng kaklase ko habang nakikitang hinahatid sila sa huli nilang hantungan." Nangi-nginig na pagkasabi ng binata. Umatras patalikod ng dalawang beses si Mrs. Mendoza at tinitigan sa mga mata ang binata.

Mrs. Mendoza:"Oo! Ina rin ako! Pero hindi mo alam kaya alam ko kung anong pakiramdam nang mamatayan ng isang anak! Pinagkaitan siya ng hustisya ng mga tao sa paligid! Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano mamatay si Sean! Pero ano? Wala akong kwentang ina, hindi ko man lang nagawang maprotektahan ang anak ko sa mga panahong pinapatay siya ng mga walang kwentang taong katulad niyo!" Sigaw ng matanda, kitang-kita sa kanyang leeg ang mga ugat dahil sa sobrang galit. Pagkatapos niyang magsalita, unti-unti niyang tinalikuran ang binata. Dumiretso siya ng tingin at nagmadaling maglakad papunta sa kotse para magkulong. Ilang hakbang na lamang ang layo niya mula sa kotse nang marinig niya muling magsalita ang binata.

Zero:"Oo! Tama kayo! Pero sa tingin niyo ho ba mabubuhay si Sean sa ginagawa niyo?!" Nangga-galaiting sagot ng binata. Tila natigilan si Mrs. Mendoza sa kanyang paglalakad at nilingon ang doktor.

Mrs. Mendoza:"Hindi, pero katulad nila, pare-parehas na kaming namatayan ng anak.. Yun lamang ang gusto kong iparamdam sa kanila. Gusto kong magdusa sila katulad ng dinanas kong pagdurusa." Malamig niyang pagkasabi, blanko ang kanyang ekspresyon at kitang-kita sa kanyang dalawang mata ang pagkawala ng emosyon. Bago pumasok sa sasakyan, marahan niyang binuksan ang pintuan at saka pumasok sa loob. Hinayaan niya ring nakabukas ang bintana para pagmasdan ang nakaluhod na doktor habang papalayo sila.

Nang makalayo na ang sasakyan ng mga Mendoza, pinalibutan ng iba't-ibang tao ang doktor. Agad siyang nakatanggap ng mga tanong ukol sa nangyaring paghaharap ng dalawa. Imbis na magsalita, nanatiling tahimik si Zero ukol sa nangyare. Pumasok siya sa loob ng kanyang clinic at nagkulong. Tinext niya si Sakura ang lahat ng nangyare at ang kanilang sagutan ng ina ni Shannah Mendoza.

--

*BEEP * BEEP

Rinig na rinig ang malakas na busena ng bus. Pagkatapos ng ilang oras na paglalakbay sa kalsada, narating na rin nila ang kanilang destinasyon. Ito ay ang Villa Des Monyos. Isa-isang nagbabaan ang mga studyante sa bus. Halata sa kanilang mukha ang excitement na nadarama. Kitang-kita sa paligid ng villa ang maraming nakaaaliw na atraksyon. Mayroong sauna, maliliit na farms sa gilid, garden houses at mga nakakaaliw na estatwa na nakakalat sa buong villa. Malaki, malawak at kung minsan, maliligaw ka, iyan ang mga eksaktong maglalarawan sa hitsura ng villa. Pero kung iyong susuriin, maganda at siguradong hindi ka maiinip sa dami ng pwe-pwedeng gawin sa loob ng villa. Kahit na ito'y may kalakihan, ta-tatlong tao lamang ang caretaker sa lugar na ito. Dalawang matandang babae na namamahala sa paglilinis at pagluluto sa kusina, isang matipunong lalake na namamahala sa pangangalaga ng mga halaman at iba pa. Isa-isang nagsilabasan ng kanya-kanyang camera ang lahat at kumuha ng kani-kanilang selfie at groupie. Nakabukod naman sa grupo si Cynah at halatang busy sa pagkuha ng litrato sa magagandang tanawin sa paligid.

Cynah:"This place is epic!" Bulong niya sa sarili, pagkatapos ay dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang dslr at itinapat sa kanyang left eye. Nakatutok ang camera sa corn farm kung saan mapapansin ang isang malaking scarecrow na nakatayo sa bungad ng bukid. Tuwang-tuwa siya sa kanyang pagkuha sa mga paligid, bawat direksyon na matapatan niya ay kinukuhanan niya ng litrato. Gusto niya pa sanang kumuha pa ng maraming litrato nang bigla niyang marinig ang tunog ng pito ni Ms. Castaneto.

Sakura:"Line up 6th section!" Malakas niyang tawag sa klase. Mabilis namang kumilos ang mga studyante at luminya ng dalawa. Isa para sa mga babae, at isa naman para sa mga lalake. Kitang-kita ang dami ng bilang ng mga babaeng studyante kesa sa mga kalalakihan. Nagtaas ng kamay si Esther bilang senyas na mayroon siyang gustong itanong sa mga guro.

Sakura:"Yes Esther?" Mabilis niyang tugon sa dalaga, tumayo naman si Esther at sinabi ang kanyang tanong.

Esther:"Ano hong gagawin natin dito? Bakit ho tayo umalis sa St. Venille? Bakit ho kailangan naming lumiban ng klase?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga. Sasagutin na sana ni Sakura ang mga concerns ni Esther nang biglang sumingit si Kira.

Kira:"Bakit ho ang dami niyong tanong? Hahahaha!" Malakas niyang sigaw, dahilan para mahiya si Esther sa kanyang ginawa. Agad nagtawanan ng malakas ang mga magkakaklase habang tinitignan si Esther.

Ms. Hazel:"Miss Dela Cruz, please stand up." Nayayamot na tawag ng guro sa dalaga. Agad namang tumayo si Kira at pumunta sa harapan.

Ms. Hazel:"Alam mo bang kabastusan ang ginawa mo? Halika, sumama ka sa akin." Seryosong pagkasabi ng guro. Pagkatapos ay dinala niya si Kira papunta sa lobby, kung saan nandoon ang nag-iisang telepono ng villa. Agad naman dumiretso si Ms. Hazel sa lobby at nagpaalam na gamitin ang telepono. Kahit na kasi nasa labas sila ng eskwelahan, kinakailangan pa rin nilang i-report ang lahat ng nangyayare sa mga studyante. Inunat ni Kira ang kanyang katawan na nasundan ng hikab. Nakita niyang busy pa si Ms. Hazel sa pakikipag-usap sa kabilang linya kaya naisipan niyang iwanan ang guro.

Papalabas na sana siya nang maaninag niya na busy pa si Ms. Castaneto sa pagbri-briefing sa kanyang mga kaklase kaya iniba niya ang kanyang landas. Imbis na bumalik at sumama sa grupo, ginusto niya pang mapag-isa upang malibot niya rin ang buong villa.

Kira:"Grabe, solid! Ang ganda dito sa villa!" Natutuwa niyang bulong sa sarili habang hinahawakan ang magaganda at makukulay na rosas sa paligid. Sa gitna ng kanyang paglalakad, nakakita siya ng isang puno. Matatagpuan ito sa gilid ng corn farm kung saan mayroong nakatayong scarecrow. Malaki ito at kapansin-pansin ang malago at maberde nitong mga dahon. Kumurba ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi at tumakbo para puntahan ang puno. Nang makalapit na siya rito, nakita niya ang isang litrato na ikinagulat ng dalaga.

Kira:"C-Class Picture?" Nalilito niyang tanong sa sarili. Ang litrato ng kanilang class picture pero mayroon lamang isang babae na may markang ekis. Nang tinignan niya itong mabuti, unti-unti niyang nabitawan ang litrato. Ang babaeng may markang ekis sa mukha ay walang iba kung hindi siya.

Kira:"Kung sino man ang may gawa nito, hindi ka nakakatuwa!" Naiinis na sigaw ng dalaga. Nakarinig siya ng kaluskos mula sa bukid sa kanyang harapan. Napalunok siya at pinaikot ang kanyang dalawang mata sa iba't-ibang direksyon para pakiramdaman.

Kira:"K-Kapag nalaman ko kung sino ka, humanda ka sa akin! Hindi kita titigilan!" Pananakot ng dalaga. Sa pangalawang pagkakataon, nakarinig ulit siya ng kalusokos pero sa ngayon, mas malakas ito. Biglang umihip ang napakalamig na hangin, unti-unting nangatog ang kanyang dalawang tuhod at nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam sa kanyang tiyan. Dahil sa sobrang kaba, napagpasyahan ng dalaga na bumalik na lamang sa lobby at sumama sa kanyang mga kaklase. Sa kanyang paglingon, nakita niya ang isang babae na nakasuot ng maskara na parang kuneho. May hawak-hawak itong malapad na kutsilyo na nakatutok sa kanya.

Kira:"Sh*t!" Sigaw niya, pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo papuntang bukid. Hinahawi niya ang mga malalaking halawan na kanyang nadadaanan. Hindi niya alam kung saang direksyon siya papunta, ang tanging nasa isip niya lamang sa mga oras na ito ay makalayo sa kung ano mang nilalang ang kanyang nakita. Sa gitna nang pagtakbo ng dalaga, nakarinig siya ng isang nakapangingilabot na boses.

:"You can run! You can hide, but you can't escape your own fate to die!" Nababaliw na sigaw ng tao sa kayang likuran. Dahil sa kanyang narinig, mas lalo niyang bumilis ang tibok ng puso ni Kira. Kahit na napapagod, pinilit niya pa ring tumakbo hanggang sa makita niya ang malaking bahay na nakatayo sa dulo ng farm.

Kira:"At last.." Bulong niya sa sarili. Pumasok siya sa loob ng bahay, laking gulat niya nang sumalubong sa kanya ang mga mannequin na may taklob ng puting tela. Kung iyong bibilangin, kulang-kulang singkwenta ang mga ito. Hindi na nagaksaya pa ng oras si Kira at kinuha niya ang isang puting tela sa katapat niyang mannequin. Naglakad-lakad muna siya ng mga pitong hakbang bago niya ito itinaklob sa kanyang sarili. Nagpose siya ng parang isang mannequin at pinilit na huwag gumalaw. Kitang-kita sa kanyang noo ang mga butil ng pawis na bumabagsak. Mas lalo siyang kinabahan nang marinig niyang bumukas ang pintuan.

:"Hmmm, you like to play games huh?" Nakalolokong pagkasabi ng nakamaskarang babae. Sa likod ng maskara, kitang-kita sa kanyang mata ang excitement na binibigay sa kanya ni Kira. Hindi niya rin mapigilang ngumiti dahil alam niyang makakapatay na naman siya ng isang tao na may kinalaman sa kanyang madilim na nakaraan. Naglakad ang babaeng nakamaskara ng dalawang hakbang papasok ng bahay, pagkatapos ay kinanta niya ang isa sa mga paboritong laro ng mga bata.

:"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan.." Pagkatapos ay sinaksak niya ang mannequin na nasa harapan niya. Dahilan para tumumba ito at gumawa ng ingay. Mas lalong kinabahan si Kira at pinaghusayan na hindi gumalaw sa mga oras na iyon.

:"Masarap maglaro sa dilim-diliman." Pagtutuloy niya ng laro, pagkatapos ay pinaraanan niya ng kanyang kutsilyo ang nasa dalawang gilid niya namang mannequin. Alam ni Kira na kapag hindi siya gumalaw ay may tyansyang mamatay siya pero pinilit niyang huwag umalis sa kanyang pwesto. Nagdadasal siya na sana ay huwag siya mahanap ng babaeng gustong kumitil sa kanyang buhay.

:"Pagkabilang kong tatlo, nakatago na kayo." Pagtutuloy niya ng kanta, pagkatapos ay sunod-sunod niyang pinagsasak-sak ang mga mannequin sa gilid niya.

:"ISA!" Bilang ng dalaga, pagkatapos ay sinunod ang mga nasa gilid na mannequin.

:"DALAWA!" Sunod niyang bilang, tuloy pa rin ang pagsasak-sak ng dala niyang kutsilyo sa mga nadaanan niyang mannequin. Habang patapos na ang kanta, alam din ni Kira na malapit na ang killer sa kanya dahil rinig na rinig niya na ang boses nito.

:"TATLO!" Malakas na sinigaw ng babae. Madiin na pinikit ni Kira ang kanyang dalawang mata at inaakalang siya na ang susunod na sasaksakin. Unti-unti niyang binuksan ang kanyang dalawang mata nang maramdam niyang wala siyang natamong sugat.

:"Hmmm, mukhang wala ka nga talaga rito Kira." Malamig na pagkasabi ng dalaga. Nakahinga na ng maluwag si Kira nang marinig niya iyon. Unti-unting naglakad palayo sa kanya ang babaeng nakamaskara. Narinig niya rin ang pagbukas nito ng pinto kaya alam niya na palabas na ito. Okay na sana ang lahat, ligtas na siya nang biglang...

** Ringgg! Ringg!!

Malakas na tunog ng cellphone ni Kira. Rinig na rinig sa buong kwarto ang malakas na tunog ng kanyang cellphone. Agad niyang inalis ang nakalukbong na puting tela sa kanya. Tinignan niya sa kanyang harapan kung nasaan ang babaeng nakamaskara pero nabigo siya rito. Muli, nakahinga siya nang maluwag dahil sa tingin niya ay lumabas na ito, laking pasasalamat niya dahil hindi naabutan nito ang malakas na pagri-ring ng kanyang cellphone. Binuksan niya ang kanyang cellphone at nakita na unknown number ang tumatawag sa kanya. Napakunot ang kanyang noo at sinagot ito. Unti-unti niyang inilapit ang telepono sa kanyang taenga.

Kira:"H-Hello?" Panimulang bati niya sa kabilang linya.

:"Huwag kang lilingon.." Banta sa kanya ng kabilang linya. Napalunok si Kira sa kanyang narinig at muling nakaramdam ng takot. Unti-unti niyang nilingon ang kanyang likuran at nakita ang isang taong nakamaskara sa kanyang likuran. Niyakap siya agad nito at hinawakan ang kanyang ulo, unti-unting tinurok sa kanyang leeg ang isang syringe na may lamang kulay dugong likido. Pinilit niyang lumaban pero lubhang malakas ang tao na nasa kanyang likuran. Hindi pa nagtagal ay unti-unting nanlabo ang panangin ni Kira. Halos wala na siyang maramdaman pero nagawan niya pa rin makasigaw sa huling pagkakataon bago siya tuluyang mawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro