UNEDITED RAW VERSION
Here's the raw version of the story Class Picture. Expect lots of grammatical errors, typographical errors and plot holes in this version.
Prologue
Sa isang paaralan na nagngangalang St. Venille, mayroong isang klaseng may itinatagong madugong sikreto.
Mga sikretong babasag sa katahimikan ng buong paaralan.
Every student is a link.
Every link is a life.
If you belong in the 6th section or mas kilalang "The devil's class"
Humanda ka, malapit nang magsimula ang "Class Picture."
-
After ng sembreak...
Nagkita-kita muli ang magkakaklaseng kabilang sa sixth section. Tinawag itong cursed class dahil sa mga kababalaghang naganap dito noong mga nakaraang taon. Napagdesisyunan ng principal ng St. Venille na buksan muli ito dahil naniniwala siyang ang mga kwento rito'y purong mga haka-haka lamang at walang matibay na ebidensya.
"Oh my God! I miss you na guys! I hate you na talaga, you didn't bother to text me last vacation." Wika ni Angela ng may maarteng boses. Pagkatapos niya itong sabihin ay nagpout pa siya habang nakaharap kina Pau at Catherine.
"Stop it na nga, malalate na tayo girl! Tama na muna kaartehan at baka maguidance nanaman tayo nito. Masisira ang image ko bilang Campus Princess." Sagot ni Pau kay Angela habang inaayos ang kanyang sling bag. Ilang sandali pa ay hinila niya na ang kanyang dalawang kaklase sa hallway papunta sa kanilang classroom. Bago pa man sila makarating, mayroon silang nadaanang lumang classroom na may nakapskil na "Off Limits" sa pintuan. Napatigil si Catherine at tila ba nadala ng kanyang curiosity na alamin kung anong nada likod ng pintuan.
"Oh look? Tara pasok tayo off-limits daw eh, may libreng lotion diyan panlaban sa lamok." Biro ni Catherine.
Nagtawanan ang magkakaibigan ngunit agad din itong naputol nang bigla silang makarinig ng malakas na kalabog sa loob ng classroom.
"Shems! Ano yun? Pasukin mo nga Catherine,mukhang sanay ka naman sa madidilim na lugar." Utos ni Pau sa kasama.
"Oo nga naman Catherine! You look like you're used to that ambiance naman, kaya go na!" Dagdag ni Angela
"Eh kung kayo na lang kaya pumasok? Baka ma-Julievega ako riyan ng very light ni miss P." Angal ni Catherine habang nakanguso.
"Let's go girls, Late na tayo oh!"
Anyaya ni Pau sa dalawang kaibigan habang itinuturo niya ang kanyang rolex watch. Tumango sina Angela at Catherine bilang sign ng oo. Sakto namang pagkaalis nila ay mayroong kalabog na namang naganap mula sa lumang classroom. Walang ano-ano'y may lumabas na isang studyante na puno ng dugo ang kanyang uniporme at may bitbit na nakalolokong ngiti sa kaniyang labi.
"Ayst! Napuno na naman ng dugo ang uniform ko! Kasalanan 'to ng isang walang kwentang studyante! Maghanda kayo sixth section! Malapit na ang oras niyong lahat! " Nangigigil niyang bulong sa sarili, pagkatapos ay nasundan ito ng kahindik-hindik na tawa. Mabilis siyang kumilos at agad nagpalit ng bagong uniporme. Matapos siyang magpalit, agad siyang dumiretso sa classroon ng 6th class.
"Good morning classmates! Namiss ko kayong lahat!" Bati nito sa kanyang mga kaklase. Umupo siya sa gilid suot ang isang matamis na ngiti. Mahahalata mo sa kanyang mukha na mayroon siyang malalim na iniisip laban sa kanyang mga kamag-aral.
"Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyong pumasok sa section na to." Malamig niyang bulong sa kanyang sarili.
CHAPTER 1
Umagang pa lamang sa paaralan ay maririnig na ang sigawan ng mga studyante. Ang iba'y nagtatakbuhan,nagpapanik at hindi magkandaugaga sa kanilang nasaksihan. Ito ay dahil sa natagpuang bangkay sa isang lumang classroom. Hindi makilala kung sino ito dahil sa kanyang malalaking sugat sa mukha. Hindi pa nagtagal, dumating na rin ang punong guro ng paaralan sa nasabing classroom. Agad tumaas ang kanyang mga balahibo nang makita ang kahindik-hindik na sitwasyon ng babae. Punong-puno ang kanyang uniporme ng dugo at nagkalat ang malalaking saksak sa kanyang katawan. Tumayo ang janitor at may iniabot na papel sa kanya, napakunot ang kanyang noo at sandaling napaisip. Hindi niya masyadong maaninag ang nakasulat dito dahil sa dugong natuyo sa papel. Dahan-dahan niyang itinapat ang papel sa ilaw at nagbasakaling malinawan. Mariin siyang napalunok nang mabasa niya ang nasakasulat rito na "I'm coming from hell to get you". Kahit na kinakabahan, hindi siya nagpakita ng kahit anong kahinaan sa tapat ng maraming studyante.
"Oh ano pang tinitingin-tingin niyo riyan? Hindi ba't may mga klase pa kayo?" Wika ng principal habang nakatingin sa mga studyante.
Dali-daling nagsi-alisan ang mga studyante at dumiretso sa kanya-kanyang mga classroom. Naiwan sa may tapat ng lumang classroom sina Erika at ang bestfriend niyang si Arsela.
"Tara na Erika! Naturingang class president ka ng section naten tas late ka. Tara na nga wala naman tayong mapapala rito eh, baka malate pa tayo niyan." Bulong ni Arsela kay Erika.
"Sige. Tara na nga." Tugon ni Erika.
Habang papunta ang magkaibigan sa kanilang classroom, napansin niyang pinagbubulungan sila ng mga nadadaanan nilang studyante. Hindi na napigilan ng dalaga ang kanyang sarili. Napatigil si Erika nang marinig niya na isinisi sa kanilang seksyon ang pagkamatay ng babae sa lumang classroom.
"Walang kinalaman ang section namen sa pagkamatay niya." Buong-lakas na sigaw ni Erika.
"Huwag mo na ngang patulan, mga trying-hard lang kasi yang mga yan." Saway ni Arsela sa kaklase.
Pagdating ng dalawa sa classroom, sumalubong sa kanila ang kanilang mga kaklase na para bang mga batang nagsusumbong. Imbis na pakinggan, dumiretso lang siyang pumunta sa harapan habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaklase. Makikita sa mata ng dalaga ang inis at pagkayamot sa ibang section. Ito ay dahil sa ikinakalat na ma chismis patungkol sa kanilang seksyon.
"Ano? Papaapekto ba tayo sa kanila? Alam kong tayo ang sinisisi nila sa nangyari, pero wala naman talaga tayong kasalanan hindi ba? Alam kong tinatawag nila tayong mga demonyo, alagad ng impyerno at kung anu-ano pa. Hetong tandaan niyo, cursed section man ang tawag nila satin, best section pa rin kayo sa para sakin." Wika ni Erika. Nagsitayuan ang kanyang mga kaklase sa at pinalakpakan ang dalaga.
"Go Erika! Push mo yan!" Pagche-cheer ni Pau.
"Oo nga! Love, love, love lang tayo dito sa seksyon na ito." Dagdag ni Catherine.
"Shut up! Hindi kita kausap." Pambabara ni Pau. Tumingin siya kay Catherine at binelatan ito. Tinawanan lang siya ni Catherine at ngumiti.
"Go 6th section! Fight!Fight!Fight!" Wika ni Melcy.
"Ajaaaa! Ajaaaa!" Sigaw ni Zoey habang hawak-hawak ang kanyang stufftoy na palagi niyang dala-dala.
"Go guys!" Napatingin ang mga babaeng kaseksyon niya nang tumayo si Zack Ethan Rovick Oriztta o mas kilalang "Zero". Siya ay kilala bilang Campus Heartthrob dahil sa kanyang angking kagwapuhan at medyo mysterious na attitude.
Napatigil ang lahat nang biglang tumayo si Kyle. Naglakad siya papuntang harapan ng may bitbit na matamis na ngiti. Kilala siya sa buong campus bilang isang threat. Napakawarfreak niyang babae at walang sinasanto pagdating sa pakikipag-away.
"Erika, Erika, Erika, huwag ka ngang tanga? Hindi mo ba alam na tayo ang laman ng usapan sa buong school? Alam niyo, kung ayaw niyong masira image niyo, umalis na kayo sa section na 'to." Pabalang na sagot ni Kyle kay Erika ng may napakataray na tono. Pagkatapos niyang sabihin ito, nagbalak si Kyle na lumabas ng kwarto. Sinubukan siyang pigilan ni Eugene ngunit nagmatigas ito. Dumiretso siya sa may cr ng girls at nagkulong. Hindi natiis ni Jacob ang mga nangyare at agad sinundan ang dalaga.
"Kyle nariyan ka ba? Bumalik ka na nga sa classroom at baka mapahamak ka. Alam mo namang labag sa school rules ang pagcucutting classes." Babala ni Jacob habang kinakatok ang pintuan ng cr.
"Leave me alone!" pasigaw na sagot ni Kyle kay Jacob.
"Sige ka, Ikaw rin. Gusto mo bang mas lalong masira ang image mo at ang pangalan ng section naten? Alam mo namang hindi na pwedeng magpatransfer ng section diba?" Mahinahong sagot ni Jacob. Hindi pa nagtagal, lumabas si Kyle ng cr at inirapan si Jacob. Nauna siyang maglakad pero bigla siyang napatigil.
"Pangalan ng section naten? Matagal ng sira iyan, pero kung image ko ang nakasalalay, ibang usapan na iyan." Bulong ng dalaga, pagkatapos ay nauna na itong bumalik sa classroom. Nagulat na lang ang mga studyante nang biglang may nagsalita sa speaker, isang announcement mula sa principal.
"Students, I'm here to inform you that the taking of class pictures will be held tomorrow." Napalitan ng saya ang takot at galit ng mga studyante. Lahat ay excited na nagkwe-kwentuhan kung anong possibleng mangyare kinabukasan.
3rd Person's POV
Matagumpay ang ginawa ko kahapon. Wala man lang nakapansin at nagsuspect sa akin. Wala naman akong pakielam kung sisihin ang section namin sa nangyari, dahil mula naman talaga ako sa 6th section at proud ako rito. Go Erika! Patunayan mo na hindi totoo ang sinasabi nila. Ngayon masaya pa kayo ha? Let's see kung hanggang saan ang kaya ng pinagmamalaki niyong 6th section.
Oh look! Bukas na pala ang kuhaan ng class picture. That's my cue! I'm so excited kung sino ang makakaligtas at kung sino ang hindi. Let the games begin!
CHAPTER 2
Siksikan ang mga comfort rooms ng parehong babae at lalake. Lahat ng studyante ay abala sa kanilang pag-aayos ng sarili, nilalagyan ng wax ang buhok, nagpapatong ng kolorete sa mukha at kung anu-ano pang klaseng pag-aayos. Sa may lobby ng paaralan, nakaupo ang sixth section sa isang mahabang upuan habang tahimik na hinihintay na sila'y tawagin. Panghuli silang kukuhanan ng litrato dahil sa request ng maraming studyante't teacher. Itinuturing kasi silang black sheep ng buong eskwelahan, sila ang itinuturong may kasalanan sa mga masamang nangyayare sa school. Kahit na ganito ang tingin sa kanila ng maramig tao, mayroon pa ring mga studyante na gustong-gusto sila. Ang section kasi nila ay binubuo ng mga kilalang studyante mapaloob o mapalabas man ng paaralan. Nandirito rin ang campus royalties, scholars, student council officers, heartthrobs at iba pa.
"Oh guys, kailangan maganda at gwapo kayo sa class picture natin ha?" Wika ni Erika.
"Sige! Wait lang ha, pupuntahan ko lang si Zoey, nasa cr kasi siya ngayon eh." Paalam ni Chantelle kay Erika.
"Sige, basta wag na kayong lumayo ha? Malapit na tayong tawagin." Tugon ni Erika kay Chantelle. Habang naghihintay, sumagi sa isip ng dalaga na mayroon siyang gamit na nakalimutan sa kanilang classroom. Lumapit siya sa kanilang adviser at magalang na nagpaalam,. Agad din siyang pinayagan ng guro at sinabihang huwag nang magtatagal dahil malapit na silang kuhanan ng litrato. Kumaripas ng takbo si Erika papuntang classroom at kinuha ang kanyang asul na notebook. Matapos niyang makuha niya ito, dali-dali siyang naglakad papunta sa lobby. Papasok na sana siya ng lobby nang biglang napahinto siya sandali. May napansin siyang buhok na nakalaylay sa may sahig katapat ang pintuan ng janitor's room. Sinubukan niya itong buksan ngunit nakalock ang pintuan. Buong pwersa niya itong itinulak at sinipa-sipa ngunit ayaw parin nitong bumukas.
"Erika! Bilisan mo! Nagkakagulo na sila!" Sigaw ni Bianca sa dalaga, dahilan para huminto si Erika sa kanyang ginagawa. Magkasabay silang pumunta papuntang lobby. Sumalubong sa dalawang dala ang kanilang mga kaklase na nagaaway-away dahil sa maliit na bagay.
"Oist, huwag nga kayong magulo. Kaya tayo huling kukuhanan ng litrato eh, ang gugulo niyo kasi!" Saway ni Cameron sa dalawa niyang kakalse na sina Cheska at Kyle.
"Masama na ba magsalita?" Sarkastiko at maangas na sagot ni Cheska sa binata.
"Don't mind him na nga, masyado siyang good boy para pansinin natin." Dagdag ni Kyle. Nagtawanan ang dalawang babae ng biglang sumingit si Arsela.
"Grabe naman kayo, ang rurude niyo talaga no? Alam kong ayaw mo sa section natin Kyle, kaya kung pwede magpatransfer ka na lang sa iba? Baka sakaling may magtyaga diyan sa nilalangaw mong ugali." Mahinhing pagkasabi ni Arsela habang nakatingin kay Kyle.
"Aba kung pwede lang eh? Teka nga, akala mo ba porket Campus Queen ka hindi kita papatusin?" Lumapit si Kyle kay Arsela na para bang inaangasan ito. Agad siyang hinarangan ni Cameron para pumagitna sa dalawang dalaga.
"Tama na nga!" Sigaw ni Cameron, Napalakas ang boses niya kaya't napatingin sa kanila ang ibang mga studyante.
"Oh ano tinitingin-tingin niyo diyan? May palabas ba?" Nakataas ang kilay at nakapamewang na tanog ni Kyle sa mga nakatingin sa kanila. Agad niyang iniliihis ang kanyang tingin kay Arsela at itinuloy ang pangiinis sa kaklase.
"This is going to be fun." Bulong ni Cheska sa sarili.
"Oh my gosh you guys! Stop it na nga, wala namang mangyayari kung papalakihin niyo lang yung away diba?" Singit ni Angela sa usapan.
"Oo nga naman, may point si Angela. Kung ayaw niyong machismis nanaman ang seksyon naten edi tigil-tigilan niyo na to. Non-sense!" Dagdag ni Jacob.
Sa gitna ng kanilang hindi pagkakaintindihan, biglang may tumunog na matinis na ingay galing sa speaker. Agad tinakpan ng mga studyante ang kani-kanilang mga tenga.
"6th Section, kayo na ang susunod na kukuhanan ng litrato. Pumunta na kayo sa venue, hinihintay na kayo ng inyong adviser at photographer." Hudyat na ito na sila na ang susunod na kukuhanan.
"Damn that speaker! Always making irritating sounds before the announcement" Mahinang bulong ni Shina sa sarili. Mabilis na pumila ang mga studyante ng sixth class at agad pumunta sa venue. Sinalubong sila rito ng kanilang adviser at isang photographer. Inayos sila sa kani-kanilang pwesto, may ibang nakaupo sa sahig, ang iba nama'y nakaupo sa upuan. Kinuhanan sila ng litrato sa isang camera na nakalagay sa tripod. Ang pagkuha ng class picture nila ay parang normal na classpicture lamang, ngunit hindi nila alam na may mangyayare na palang hindi kaaya-ayaw sa ilang sandali. Matatapos na sana silang kuhanan, ngunit nung huling kuha na sa kanila ng photographer ay biglang nagloko ang camera nito. Nagulat ang mga studyante nang biglang sunod-sunod ang pagclick ng camera kahit na hindi ito pinipindot ng photographer. Agad nagtakip ng mukha ang mga studyante dahil sa pagkasilaw sa flash. Hindi na nagtagal ay nagpanik na ang bung klase dahil sa kakaibang nangyayari. Todo saway si Ms.Gomez at an photographer sa mga studyante ngunit hindi sila nito pinapakinggan. Mabilis na pumunta si Erika sa may pintuan, hinarangan ito ng isang armchair at inilock ang pintuan.
"Hey! Cut it out!" Napakalakas na sigaw ni Erika, unti-unti na ring huminto ang kataka-takang pagcl-click ang camera mag-isa. Natahimik ang lahat habang pinagmamasdan siya. Maraming studyante ang nasa harapan ng pintuan kung saan nakatayo si Erika, nagbabadyang alisin ang upuang nakaharang upang makalabas ng pintuan.
"Umalis ka riyan kung ayaw mong masaktan!" Sigaw ni Xyza kay Erika , halata sa dalaga ang kaba na nararamdaman dahil sa panginginig ng boses nito. "Oo nga, Alis diyan!" dagdag ng ibang studyante. Nagmatigas si Erika at hindi umalis sa kanyang kinatatayuan.
Nabigla ang lahat nang lumapit sa kanya si Hashikawa Lee. Mahigpit niyang hinawakan si Erika sa braso, pagkatapos ay itinulak niya ito. Si Hashikawa Lee ay isang studyante na kilala bilang tahimik at matipid magbitaw ng mga salita. Siya yung klase ng studyante na masungit at walang pakielam sa paligid.
Mabilis na bumagsak si Erika sa sahig at walang nagawa kung hindi tignan na buksan ni Lee ang pintuan. Mabilis na nagsilabasan ang mga studyante sa venue. Nagtatakbuhan at naguunahan papunta sa kani-kanilang dorm, ngunit piniling magpaiwan sa venue nila Angela, Pau, Catherine, Chantell at ang magkapatid na sina Aliza at Alina.
"Mangyayari ulit ang mga nangyari sa nakaraan. May mga hindi dapat mangyari na nangyayari ngayon. We can run, we can hide but we can't escape." Misteryosong pagkasabi ni Chantell na ikinagulat ng kanyang mga kasama. Nakangisi ito na para bang may nalalaman siyang hindi alam ng iba.
"What the hell are talking about? You're giving me the creeps!" Nakataas na kilay na tanong ni Angela.
"Huwag mo na nga kaming takutin! Hindi ka na nakakatuwa." Dagdag ni Pau.
"Ano bang pinagsasasabi mo?" Sigaw ni Catherine kay Chantelle habang nakapamewang.
"You're such a weirdo! Huwag niyo na lang yang pansinin besides, she's just a commoner! Nananakot lang yang babaeng yan. Attention seeker!" Mataray na sigaw ni Aliza kay Chantelle. Hindi nakuntento ang dalaga at nilapitan pa si Chantelle. Hindi niya napigilan ang sarili at binigyan ng malutong na sampal ang dalaga. Imbis na lumaban si Chantelle, nginitian lang siya nito at tinawanan.
"Tama na nga ate! Watch your words!" Saway ni Alina sa kanyang ate. Sina Aliza at Alina Holmes ay magkapatid na kabilang sa 6th section. Split personality silang magkapatid. Panganay si Aliza dahil mas matanda ito ng isang taon kay Alina. Sikat na sikat din ang dalaqa sa buong campus, dahil na rin sa kanilang pagiging active sa mga activities ng school. Bukod sa magandang mukha, parehas din silang matalino.
"You can do what you want! Go ahead and say whatever you want! You can't escape your own fate." Sagot ni Chantelle kay Alina, pagkatapos, mabilis siyang lumabas ng venue at dumiretso sa library. Naiwan namang nakatayo ang natitirang mga babae sa venue.
"Let's go girls! Huwag niyo na lang pansinin yung weirdong yun." Anyaya ni Catherine sa mga kasama.
"Tara na, umalis na tayo rito sa venue. I'm having a bad feeling na eh." Dagdag ni Angela.
"Sige." Tugon ng iba nilang mga kasama.
Sabay-sabay silang lumabas sa venue ng may nararamdamang hindi maipaliwanag na kaba. Makikita mo sa kanilang mga mata ang pagkatakot na nararamdaman. Hindi pa masyadong nakakalayo ang limang babae sa venue, nang biglang isa-isang namamatay ang mga ilaw sa kanilang likuran, para bang hinahabol sila ng mga 'to. Kumaripas sila ng takbo habang nagsisigawan. Dali-daling naguunahan sa pagbaba ng hagdanan ang mga dalaga na tila may humahabol sa kanila. Nang makababa na sila, nagdesisyon ang lima na huwag nang ipaalam ang nangyari sa iba dahil sa kani-kanilang mga personal na rason. Ang nasa isip lang nila sa ngayon ay may kinalaman si Chantelle sa lahat ng nangyari.
"Let the games begin!"
CHAPTER 3
Hindi nagsalita ang limang babae sa nangyari kahapon. Normal lang ang kanilang mga kilos na para bang wala silang kakaibang nasaksihan. Pagpasok ng lahat ng studyante sa classroom, aga idinistribute isa-isa ang kanilang class picture. Masayang naglilipat ng upuan ang mga studyante sa 6th section, nag-aasaran, nagtuturuan at kung anu-ano pa. After madistribute ang class picture, nagannounce ang adviser nilang si Ms. Gomez.
"Listen up, May gagawin tayo mamaya sa AVR . Magkakaroon tayo ng film showing tungkol sa ating school. Pumunta kayo sa AVR after niyong magrecess, okay?" Mahinahong pagkasabi ng guro.
"Yes Ma'am" Sabay-sabay na tugon ng mga studyante, nang marinig nila ang bell, isa-isa agad silang lumabas ng classroom nang nakapila ng maayos pababa ng building. Habang pababa, naagaw ang atensyon ng buong sixth section sa kanilang nakita. Isang poster mula sa Journalism Club, ang president ng Journalism Club ay walang iba kung hindi si Melcy Limson. Nakadikit ang poster sa campus bulletin board, kulay puti ito at may itim na sulat. Kapansin-pansin din ang mga salitang ginamitan ng red marker. Nilagyan niya rin ng disenyo na parang dugo sa gilid ang poster, kaya naman nagmukha itong nakakatakot at kasindak-sindak. Nakasaad sa poster ang mga rumors, mysteries at comments niya sa sariling section. Puro negatibo ang mga nakasulat dito at parang idinidiin niya pa na may posibilidad ngang may kinalaman ang kanilang seksyon sa mga nangyayare.
--
Poster :
Greetings Venillians! I'm here to exploit the secrets of my dear section. I'm going to give you little facts about the cursed section. I can prove to you that the rumors are true! There is a devil in our classroom. I can feel the dark aura inside. There's always strange happenings inside our class. When were in the class picture venue, the camera clicked itself automatically like there's a ghost pressing the camera's button. This section gives me goosebumps all the time. If you don't want to be involved in their demonic activity, stay away from them! It's better to be safe than sorry.
-Melcy Limson, Journalism Club President
--
Nang makita ng sixth section ang ginawa ni Melcy, mabilis na bumaba si Erika para hanapin ang dalaga. Wala siyang pakielam kahit na tinitignan siya ng maraming studyante. Nakita niya si Melcy na nakaupo sa isang bench malapit sa quadrangle, malayo pa lamang ay sinigawan niya na ito.
"Hoy ikaw! Ano yung sinasabi mo sa section natin?" Nanggigigil na sigaw ni Erika habang naglalakad papunta sa direksyon ni Melcy. Walang namang kibo si Melcy, pinagpag niya lang ang kanyang uniform at tumayo. Pumamewang at tinaasan ng isang kilay ang dalaga.
"Bakit Erika? Hindi ba totoo? Eh anong tawag mo dun? Magic?" Mataray na sagot ni Melcy kay Erika, pagkatapos ay tinawanan niya ang dalaga at tumalikod.
"Makaka-alis ka na, wala 'kong panahon para sayangin ang oras ko sa low-profile na katulad mo." Mataray na paalam ni Melcy.
"Argh! Sh*t ka talagang babae ka!" Hindi na nakapagpigil si Erika at biglang sinabutan si Melcy. Agad nagsisigaw at napaupo si Melcy dahil sa sakit, halatang wala siyang kalaban-laban kay Erika. Hindi pa nakuntento ang dalaga at sinampal pa niya ito ng malakas. Pinalibutan sila ng maraming studyante at tila pinapanood tuwang-tuwa na pinapanood ang kanilang away. Wala man lang gustong umawat dahil natatakot silang madamay sa "demonic activity" kuno raw ng sixth section.
Sa may di kalayuan, nakita ni Grace ang away ng dalawa. Si Grace ang SC President ng St. Venille Campus, kabilang din siya sa pang-anim na seksyon. Ang role niya sa school ay kailangan niyang mag-ikot at mag-bantay sa mga studyante, kailangan niya ring siguraduhing hindi sila lumalabag sa mga school rules. Kasama niyang nag-iikot si Jacob. Si Jacob naman ang hinirang ng principal bilang school rules enforcer. Siya yung lalaking laging by-the-book sa lahat ng situation. Parehas silang matalino at sila lagi ang inuutusan ng principal kapag may mga activities sa school. Papalapit pa lamang si Grace kay Erika ay sigawan niya na ito.
"Erika! Ano ka ba! Naturingang president ka tapos ganyan ugali mo? Mahiya ka nga!" Saway ni Grace. Mabilis ding nagsialisan ang maraming studyante nang makita nilang papalapit si Grace sa dalawa. Lumapit siya sa kay Erika at Melcy. Itinayo niya si Melcy at iniakbay sa balikat ni Jacob.
"Jacob, ikaw na munang bahala sa kanya ha? Dalhin mo siya sa clinic pero bilisan niyo lang, kasi may gagawin pa tayo sa AVR." Malumanay na bulong ni Grace kay Jacob. Agad niya namang hinatak si Erika papunta sa principal's office.
"Let me go! Ako ang presidente ng seksyon naten kaya wala kang karapatan!" Pabalang na sagot ni Erika kay Grace. Napahinto si Grace sa tapat ng Principal's Office.
"I have every right to do this. Number one, ako lang naman ang student council president sa St. Venille. Number two, I saw you violating the school rules. Lastly, that's not the right way to treat your students." Sagot ni Grace gamit ang kanyang napakataray na boses.
"Grace, I'm sorry okay? Can you please let me go na? I promise na hindi na talaga 'to mauulit." Pakiusap ni Erika. Nginitian lang siya ni Grace at ginulo ang kanyang buhok.
"Pasalamat ka't malakas ka sakin." Bulong ni Grace, agad naman siyang hinug ni Erika sa sobrang tuwa. Pagkatapos ng pag-uusap, sabay silang pumunta sa AVR. Nadatnan nila ang iba nilang kaklase at si Ms. Gomez. Hindi pa nagtagal ay pumasok na sila sa AVR. Bago magsimula ang film showing, nagattendance check muna si Ms. Gomez. Napansin ng guro na wala sina Bianca,Chantelle at Tiffany. Napakunot ang noo ng guro at agad niyang itinanong kung nasaan ang mga nawawalang studyante.
"Anyone from the class know where they are?" Maarte nitong pagkakasabi, nagtaas ng kamay si Cameron at tumayo.
"Ang alam ko po ay magkakasabay silang kumain kanina sa cafeteria." Magalang na sagot ng binata. Bago pa man magsalita si Ms. Gomez ay biglang dumating sila Tiffany at Chantelle.
"Sorry Ms.Gomez, we're late. Ang haba kasi ng pila sa cafeteria eh." Excuse ni Tiffany sa kanyang guro habang tinitignan ang bago niyang kyutiks sa kamay.
"Oo nga po." Dagdag ni Chantelle.
Maririnig sa classroom na pinagbubulungan si Tiffany nila Kyle at Aliza..
"I can't believe she's hanging-out with that commoner." Bulong ni Aliza sa kanyang mga katabi.
"Yup! Tignan mo, parehas na silang weirdo!" Dagdag ni Kyle.
"Hey! Tigilan niyo na nga iyang pinagsasabi niyo. Masama yan." Saway niya sa dalawang dalaga. Narinig ng guro ang pagbubulungan ng dalawa kaya lumapit siya rito.
"Hindi ba kayo nahihiya? Mga elites pa naman kayo tapos ganyan ugali niyo?" Tanong niya sa dalawa, hindi kumibo ang mga studyante at nakayuko lamang. Pagkatapos niya itong sawayin, mabilis siyang nagtungo sa harapan at inayos ang projector. Nakakakabit ito sa kabilang room kung saan ang technician's room.
"Ok class, let's start the film showing!" Anunsyo ng guro. Nanahimik ang lahat at umupo ng maayos. Ang iba nama'y may tinatagong pagkain sa loob ng kanilang mga bag, patagong kumakain habang nanonood. Ang iba nama'y walang interes sa pinapanood kaya mahinang nagkwe-kwentuhan na lamang. Nasa kalagitnaan na sila ng film showing nang biglang maputol ito. Natahimik ang buong klase at nagtaka kung anong nangyare. Nagulat ang lahat nang biglang may narinig silang kakaibang tunog mula sa speaker. Biglang may isang ipinalabas na video na ikinagulat ng lahat. Nagsitayuan ang mga studyante at lumapit sa projector. Makikita sa screen si Bianca, nakagapos siya at wala siyang suot kung hindi ang kanyang underwear.
"S-Si Bianca yan ah?!" Sigaw ni Eugene habang itinuturo ang projector.
"Oh my God! Ba't siya anjan?" Naguguluhang tanong ni Pau.
"Grabe ang scary naman!" Dagdag ni Catherine.
Rinig na rinig sa labas ang sigawan ng mga studyante. Ang iba nama'y parang natutuwa pa sa kanilang nakikita. Sa gitna ng nagkakagulomg studyante, biglang napasigaw si Ms. Gomez. Pinipindot niya ang computer ngunit walang nangyayare. Gusto nang lumabas ng AVR ang ibang studyante pero hindi nila ito magawa. Mahigpit na nakalock ang pintuan ng AVR, hindi pa nagtagal ay mayroon silang narinig na boses mula sa video.
"Let's play a game! Easy lang ang mechanics ng game. Kapag tama ang sagot niyo, little miss Bianca will live. Kapag mali naman, say goodbye to her. It might be your last chance to see her alive!" Wika ng misteryosong tao gamit ang kanyang kasindak-sindak na boses. Hindi pa nagtagal, muli nilang narinig ang boses.
"Okay, Let the game start! Sure naman akong nakikita ninyo si Bianca sa video. Nakahiga siya sa isang malambot at manipis na higaan. Nasa ilalim niya ay ang nagbabagang apoy, kapag hindi niyo to nasagutan, unti-unting mamatay si Bianca."
Biglang may lumabas sa laptop ni Ms. Gomez, isang program na may timer. Nakalagay dito ang iba't-ibang choices pero puro numbers lamang ito.
--
Question: "?"
Please type the answer :
____________________________
--
Lahat ay natulala at halatang hindi alam ang gagawin. Nagsisigawan ang mga babae at ang iba nama'y pinipilit pa ring buksan ang nakalock na pintuan. Pabawas ng pabawas ang oras na natitira para kay Bianca. Unti-unti ring nalalapnos ang kanyang katawan dahil sa init. Sigaw siya ng sigaw ng "tulong,tulungan niyo ko" ngunit wala siyang magawa. Wala siyang kalaban-laban sa taong gumagawa sa kanya nito. Nagulantang ang lahat nang biglang may bumuhos na kumukulong candle wax sa buong katawan ni Bianca galing sa kisame. Hindi niya man lang natakpan ang kanyang mukha dahil nakagapos ang kanyang mga kamay. Bawat galaw niya sa kanyang kamay at paa ay nakakaramdam siya ng sakit, ito ay dahil nakatali siya sa isang alambreng tusok-tusok ang disenyo. Lahat ay nandiri,ang iba nama'y tinakpan nila ang kanilang mga mata, habang walang humpay paring sumisigaw ang ibang babae. Unti-unting natuyo ang candle wax sa buong katawan ni Bianca. Dumikit din ito sa kanya at mabilis na natuyo. Natahimik ang lahat ng nakita nilang hindi na gumagalaw ang katawan ng dalaga.
"Once it's done. It can't be undone. Once it starts, it can't be stopped." Malamig na paalam ng misteryosong tao sa video.
"Sh*t pala to eh, Magtatanong siya tapos ganyan? T*** *** !" Bulong ni Maki habang nakaakbay kay Grace.
"Oh my God Cameron, save me!" Maarteng pagkakasabi ni Xyza, pagkatapos ay hinug niya si Cameron.
"Slut." Mahina bulong ni Zero sa sarili habang nakatingin kay Xyza.
"One down, twenty-nine to go." Biro ni Aliza na ikinagalit ng kanyang kapatid.
"Shut up! Namatay na nga ganyan ka pa?" Angal ni Alina sa kanyang ate, pagkatapos ay hinanpas niya ito ng mahina sa braso.
"Cut it out you two, Let's just pray for Bianca's soul." Wika ni Arsela sa buong klase.
Nanahimik ang lahat at tahimik na nag-alay ng dasal para kay Bianca. Hindi maikaila na mayroong nararamdamang takot ang bawat isa sa kwarto. Hindi pa nagtagal, chineck ni Hunter ang pintuan. Nagulat sila nang makitang nakabukas ito. Sa labas ng AVR ay mayroon silang natagpuan. Isang cartolina na nakadikit sa pader. Ang mga nakasulat dito ay ....
"There's a murderer in your classroom. Everyone will be the suspect. From now on, you can't trust no one except yourself. You need to kill the murderer before the murderer gets you. It's to kill or to be killed.
PS: I had fun playing with you today, See you later!"
CHAPTER 4
Nabalot ng magkahalong kaba at takot ang mga studyante ng St. Venille nang kumalat ang nangyari kay Bianca. Hindi pa rin makapaniwala si Erika na mayroong namatay sa kanilang klase. Si Bianca ay yung tipo ng tao na tahimik, simple at inosente. Siya yung laging walang kibo sa lahat ng bagay. Magaalas-nueve na ngunit hindi pa rin makatulog si Erika. Paikot-ikot lang siya sa kanyang kwarto, kitang-kita sa kanyang noo ang butil-butil na pawis. Hindi siya mapakali sa isang lugar, natutulog na ang mga kasama niyang sina Arsela at Xyza. Nakita siya ni Tiffany na paikot-ikot sa tapat ng dorm nila kaya naman nagdesisyon itong lumapit kay Erika para kausapin.
"Oh? Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong sa kanya ni Tiffany ng may masayang tono. Umupo ang dalaga sa bench at nakapangalumbaba habang tinitignan si Erika.
"Wala, naalala ko lang si Bianca. She's too innocent para ganunin siya." Sagot ni Erika kay tiffany, nasundan ito ng pagbuntong-hininga ng dalaga.
"Aww, whoever that killer is, I hope na sana masaya na siya." Padabog na sinabi ni Tiffany. Tumayo siya at tumingin kay Erika ng nakataas ang isang kilay. Nagulat si Erika sa reaksyon ni Tiffany na para bang may masamang binabalak ito.
"T-tiffany?" Naguguluhang bulong ni Erika sa pangalan ng kaklase. Isang nakalolokong ngiti ang pinakawalan ni Tiffany kay Erika. Lumapit ang dalaga at malakas na itinulak si Erika sa sahig. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may hawak na kutsilyo ang kaklase. Pinapadulas-dulas niya ito sa kanyang braso habang nakangiti.
"Alam mo Erika, hindi ako tanga at ayoko pang mamatay. We deserve better than this. Alam ko namang nagpapanggap ka lang, pero deep inside, ikaw talaga ang killer." Natatawang pagkasabi ni Tifdany habang nakatitig kay Erika. Nanlaki ang mga mata ni Erika nang marinig niya ang sinabi ng kaklase.
"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo Tiffany! Tigilan na natin to!" Pagtatangging sigaw ni Erika sa kaklase ng may naginginig na boses. Sa sobrang lakas ng boses ng dalaga ay nagising ang dalawa niyang kadorm na sina Arsela at Xyza. Binuksan ni Arsela ang pintuan at nadatnang nasa lapag si Erika.
"What's the meaning of this?" Tanong ni Arsela kay Tiffany.
"Oh my God! Nasaan na ba kasi si Cameron, I need my savior! Tiffany is coming to get me." Dagdag ni Xyza kay Arsela ng may napakaarteng tono.
"A-ah? Wala, nanghiram lang kasi ako ng kutsilyo kay Erika and I decided to give it back na, total tapos na 'kong magluto. Ang dulas kasi ng floor niyo rito, kaya yan tuloy, nadulas siya. Sisihin niyo yung janitors sa school, hindi ba Erika?" Pagpapaliwanag ni Tiffany sa dalawa, pagkatapos ay nginitian niya ang mga 'to. Lumapit siya kay Erika at tinulungang makatayo ang kaklase. Bago pa man tuluyang makatayo si Erika, binulungan ni Tiffany ang dalaga sa tenga. "Don't you dare to exploit this incident if you don't want to die." Umalis si Tiffany sa dorm nila Erika ng may suot na magalak na ngiti sa kanyang labi. Mabilis na pumasok si Erika sa loob ng kanilang dorm at natulog. Kapansin-pansin ang tagaktak na pawis niya sa katawan, hindi rin siya mapakali sa kanyang pwesto.
Ilang metro lang ang layo mula sa dorm nila Erika, nag-iikot sina Jacob at Grace sa mga dorm. Chine-check nila kung lahat ng mga studyante ay sumusunod sa school curfew. Para mapabilis ang kanilang ginagawa, napagdesisyunan ng dalawa na maghiwalay. Si Jacob ang magchecheck sa Dorm A na dorm ng mga lalake, at si Grace naman sa Dorm B na dorm naman ng mga babae.
"Let's split-up para mapadali yung pagche-check natin. Inaantok na rin kasi ako eh. Magkita na lang tayo rito sa may ilalim ng punong balete ha?" Preposition ni Grace kay Jacob. Tumango naman ang binata at agad din silang naghiwalay. Habang nagiikot si Grace, may mabigat siyang naramdaman na para bang may nagmamasid sa kanya. Binilisan niya ang kanyang paglakad dahil may naririnig siyang footsteps na para bang hinahabol siya. Nagulat siya nang may biglang nagtakip sa kanyang mga mata.
"Sh*t! Kung sino ka man, I don't like to play games right now!" Matapang na sigaw no Grace. Hinawakan niya ang mga kamay na nakapiring sa kanya at pinipilit alisin ito.
"Let's play a game." Bulong nito sa tenga ng dalaga ng may pagkaseductice ang boses. Agad namang nakilala ni Grace kung sino ito kaya agad siyang nanlaban.
"Sh*t ka talaga!" Sigaw ni Grace na may matapang na boses. Siniko-siko niya ang nasa likuran niya at biglang napalayo ito. Pagtalikod niya, tama ang kanyang hinala, si Maki lang pala.
"Haha? Very funny mister rebel kid!" Sagot niya na may halong sarcasm.
"It's just a joke babe." Sagot ni Maki habang papalapit kay Grace.
"Get away from me! And please, huwag ka ngang maingay, baka machismis pa ko niyan dahil sayo. Alam mo namang secret lang yung tayo hindi ba?" Naiinis na tugon ni Grace kay Maki.
"Pero babe..." Sagot ng binata na may paawang boses.
"Bahala ka nga riyan, teka nga, pupuntahan ko na muna si Jacob, baka kanina pa niya 'ko hinihintay." Paalam ni Grace. Agad naglakad papalayo ang dalaga kay Maki pero sinundan pa rin siya nito hanggang sa makapunta sila sa ilalim ng punong balete. Naratnan nila rito si Zoey, akap-akap ang kanyang stufftoy habang tahimik na nagmamasid sa paligid.
"Oh? Nasaan na si Jacob?" Tanong ni Grace kay Zoey. Umiling lang si Zoey at tumakbo papalayo sa dalaga. Naghintay pa ang dalawa kay Jacob hanggang magalas-dose ngunit hindi pa rin dumating ang binata. Nagdesisyon sila na ipagpabukas na lamang ang lahat, dahil sigurado silang magkikita-kita rin naman sila sa classroom.
Kinabukasan, nagulat ang buong St. Venille sa kanilang nasaksihan. Nakita ng beasts na maraming tao sa quadrangle. Ang beasts ay isang grupo sa sixth section na kilala at tinitingala sa buong St. Venille. Kinabibilangan ito nila Angela, Pau, Catherine, Kate, Melcy at Sam. Tinawag silang Beasts dahil sila ang nangungunang grupo na kinakatakutan sa eskwelahan.
"Shems! Ano yun bakit andaming tao?" Maarteng tanong ni Pau sa kanyang mga kasama.
"Andito kasi ako, I'm so popular talaga!" Biro ni Catherine.
"Bilisan natin ha? Magvavandalism pa ko sa cr ng girls." Bulong ni Kate sa mga kasama na nasundan ng smirk.
"Oh, nandoon pala si Cj sa harap! Let's go girls makisingit na tayo." Anyaya ni Sam sa mga kasama. Nanghina ang mga dalaga sa kanilang nakita. Kasalukuyang nasa loob si Jacob ng isang box. Malaki ang box na ito, see-through at gawa sa makapal na salamin. Walang gustong makielam, lahat sila ay pinagmamasdan lang si Jacob sa loob. Nakatali ang dalawang kamay ng binata sa dalawang pagitan ng mirror box. May mga kutsilyong nakaform na parang kamay sa shoudlers ni Jacob. Kapansin-pansin din ang nakatali na shotgun sa harapan ng binata. Hindi pa nagtagal ay may narinig silang ingay sa speaker.
"Good morning St. Venille! Nandirito na naman ako para makipaglaro sa mga studyante ng sixth section. Nakikita niyo sa loob ng mirror box si Jacob. Madali lang naman ang mechanics natin. Kapag sumigaw si Jacob, matritriger nito ang baril na nasa harapan niya, at kapag natrigger ang gun, boom! Bye Jacob! Hahahahahaha!"
"Let the game begin!" Anunsyo ng misteryosong tao na parang nawawala sa kanyang sarili.
Mabilis na nagkagulo ang mga studyante sa quadrangle. Ang beasts ay agad pinuntahan sa harapan si Jacob at sinusubukang basagin ang makapal na salamin. Tinatapik-tapik nila ito at sinusubukang makausap si Jacob, ngunit hindi sila nito marinig. Kinuha ni Kate ang pentelpen niyang dala-dala at sinulatan ang mirror box.
"Kahit anong mangyare, huwag kang sisigaw."
Tumango lang si Jacob sa kanyang nabasa bilang pagsang-ayon, nagulat silang lahat nang makitang bumaon ang mga kutsilyo sa balikat ni Jacob, pababa ito hanggang sa kanyang kamay nang paulit-ulit. Makikita sa sitwasyon ni Jacob na para bang binabalatan siya nito ng buhay. Ramdam sa mga mata ng binata ang sakit na nadarama.
Humarap si Jacob sa beasts at umiling ng paulit-ulit, sumesenyas siya na hindi niya na kaya ang sakit na iniinda. Napakunot ang noo ni Angela at dali-daling tinapik ang salamin.
"Wag kang susuko!" Alam nilang hindi sila naririnig ni Jacob sa loob ng glass box, pero umaasa sila na kahit papaano ay maintindihan niya ito sa pagbasa ng kanilang mga labi. Umiling siya ng tatlong beses at yumuko. Nagdesisyon si Jacob sumigaw na lamang kaysa pahirapan at balatan siya ng buhay.
Nagulat ang lahat nang biglang pumutom ang baril sa harapan ni Jacob. Mabilis na sumirit ang dugo sa ulo ni Jacob. Nabilis napuno ng dugo ang apat na sulok ng glass box. Nang wala ng buhay ang binata, dahan-dahang huminto sa paggalaw ang mga kutsilyo. Sa sobrang lalim at diin ng mga kutsilyo sa balikat ni Jacob, malapit mo nang makita ang mga buto ng binata.
Nandiri ang lahat ng studyante sa kanilang nasaksihan. Ang iba nama'y sumusuka na dahil sa karumaldumal na nangyari. Napaluha ang lahat ng beasts dahil sa insidente. Pagbaba ng beasts ay bigla nilang nakita si Erika na tumatakbo papunta sa kanilang direksyon.
"Oh ano nangyare?" Tanong ni Erika sa beasts.
"You're late! Patay na si Jacob!" Nakapanghihinang bulong ni Angela kay Erika. Agad niyakap si Catherine si Erika dahil hindi niya nakayanan ang mga nangyari.
"Nasaan ba yung iba nating mga classmates? Bakit ba nangyayari sa atin 'to!" Nagpapanik na tanong ni Kate kay Erika. Hindi maipaliwanag ang mukha ni Erika nang malaman niya ang balitang iyon. Nagdesisyon siyang ipatawag ang buo nilang seksyon para ipaalam ang nangyari kay Jacob. Itinipon niya ang kanyang nga kaklase sa isang classroom.
"Okay guys, nandito 'ko sa harapan ninyo para sabihing p-patay na si Jacob." Pautal-utal ba anunsyo ni Erika. Halata sa mga mukha ng kanilang mga kaklase ang pagkagulat. Ang iba'y nakatulala at parang hindi makapaniwala sa kanilang nabalitaan.
"Sayang! Ang gwapo pa naman din ni Jacob. Hmmp!" Maarteng bulong ni Xza. Tumayo si Tiffany at mabilis na naglakad papunta sa harapan ni Erika.
"Oo, wala na si Jacob dahil pinatay mo siya!" Eskandalosang sigaw ni Tiffany. Tinulak niya si Erika sa sahig. Sinisisi niya ang kaklase sa nangyari kay Jacob. Nasa sulok ng classroom si Grace, nakatulala lang siya at hindi makapaniwala sa nangyari. Ang iba nama'y kung ano-ano ang sinasabi, nagsusupetsyahan na ang bawat isa kung sino talaga ang killer at bakit niya ito ginagawa. Nakielam na si Cameron sa harapan at inawat ang dalawa.
"Enough! Ano ba? Wala namang magandang mangyayare kung mag-aaway lang kayo hindi ba?" Sigaw ng binata sa dalawang babae.
"How Childish. Tch!" Bulong ni Zero sa sarili habang pinagmamasdan silang nagkakagulo. Tumayo si Cheska at pumunta rin sa harapan na para bang susugurin si Cameron.
"Hindi niyo ba nakita na iniisa-isa na tayo? Ayoko pang mamatay! Sino susunod sa atin? Ako? Ikaw? Sino!" Naghahalucinate na pagkasabi ni Cheska.
"Tama na!" Saway ni Erika sa nagkakagulong seksyon.
"Simula ngayon, wala nang bubukod. Mag-aassign ako ng isang lalake para bantayan ang mga classmates natin sa Dorm A. Ako naman ang bahala sa inyo sa Dorm B. Kapag nasa academic building tayo, magsasama-sama tayo para hindi tayo maisa-isa ng pesteng killer na 'yan!" Anunsyo ni Erika sa harap ng buong klase. Isa-isang nagsilabasan ang mga studyante sa classroom. Iniisip ng bawat isa kung sino ang susunod sa kanila. Lahat ay hindi alam kung ano ang kanilang gagawin. Ang alam lang nila sa ngayon ay sundin ang plano ni Erika at subukang huwag kumalas sa grupo.
3rd Person's POV
Walang hiyang Erikang yan, chinachallenge talaga 'ko. Pasalamat siya dahil hindi siya ang susunod. Buti na lamang at wala na si Bianca, dahil kung nabuhay pa 'yan, malalaman ng lahat ang sikreto ko. Tama lang namang namatay na siya agad, wala rin namang kwenta ang buhay niya eh. Hmmm? Sino kaya ang isusunod ko? Matignan nga sa class picture. Ah, siya na pala ang next?
This is going to be fun! Humanda ka sakin, you're next b*tch! Hahahahahaha!
CHAPTER 5
Pumasok ang mga studyante sa sixth section ng may nararamdamang takot sa dibdib. Hindi mo makikita sa kanilang mga mukha ang saya. Lahat ay napalitan ng takot sa posibilidad na sila na ang susunod. Hindi na rin sila magkasundo ng maayos. Ang buong seksyon ay nagkakagulo, nag-iisip ng kung ano-ano at wala nang pinagkakatiwalaan bukod sa kanilang sarili.
"Hindi talaga 'ko makapaniwala na wala na si Jacob. Nawala siya ng parang bula at wala man lang akong nagawa para iligtas siya." Mahinang bulong ni Grace sa saili. Pumunta si Xyza sa harap at marahang umupo sa teacher's table.
"Alam niyo kasi guys, you're taking this whole sh*t seriously. We should have some fun kahit paminsan-minsan lang." Suggest ng dalaga habang may nginunguya na bubblegum.
"How can you say that? Knowing na iniisa-isa na tayo?" Mahinahong pagkontra ni Zoey kay Xyza.
"Life is full of sh*ts, kung iispin lang natin masyado, mast-stress lang tayo. Patay na nga sila hindi ba? It's too late kung magluluksa lang tayo." Mataray na sagot ni Xyza kay Zoey, pagkatapos ay inirapan niya ang dalaga.
"You know Xyza, you're right. We're taking this whole thing seriously. We need to relax and have some fun, para na rin makapag-isip tayo ng maayos. Tara? Mamayang gabi, may alam akong bar na malapit sa school." Pagsang-ayon ni Tiffany sa kaklase.
"Count us in!" Sabay-sabay na tugon ng grupong beasts.
"Ok it's settled, let's have some fun!" Magalak na sigaw ni Cj.
"Kayo na lang ha? Hindi ako makakasama, nagform kasi ako ng study group, kami-kami nila Chantelle. Bilang isang elite, we need to maintain our grades." Singit ni Resha sa usapan.
"Huwag ka ngang kill joy, have some fun for pete's sake!" Mataray na pagkontra ni Kyle kay Resha. Inirapan niya rin ang dalaga at sinabing "Tch! Nerds" ng mahina sa sarili.
"Mabuti 'yang ginagawa ninyo, para hindi naman kayo masyadong mastress. Mag-iingat lang kayo ha? Huwag na rin kayo mag-alala, iniimbestigahan na ng mga pulis ang nangyari." Mahinahong paalala niya sa kanyang mga studyante.
"Class Dismissed!" Dagdag ni Ms. Gomez.
"Sige! Magkita-kita na lang tayo mamayang 6:00 pm sa may tapat ng school gate." Huling anunsyo ni Erika sa klase. Malakas na nagring ang bell bilang hudyat na time na. Nakapilang lumabas ng classroom ang mga studyante. Pinili namang magpaiwan sa classroom ni Erika at Ms. Gomez. Nililinis ni Erika ang room at idinidikit ang mga designs para sa kwarto. Nang matapos ng guro ang pag-aayos ng kanyang gamit, agad siyang nagpaalam kay Erika.
"Oh Erika, ikaw nang bahala sa mga classmates mo ha? Mauuna na 'ko at may gagawin pa 'ko sa faculty." Paalam ng guro kay Erika. Matapos ang labing-limang minuto ay natapos na ang dalaga sa kanyang ginagawa. Napansin niyang mag-isa na lang siya sa 3rd floor ng Academic Building. Inayos niya ang kanyang bag at agad lumabas ng kwarto.
Habang naglalakad, napansin niyang wala na yung buhok na nakita niya dati sa may Janitor's room. Muli niyang nilapitan ito at sinubukang buksan ang pinto, pero nabigo siyang gawin ito. Paglingon niya sa dulo ng hallway ay may nakita siyang isang taong nakamaskara. Isa-isang namatay ang mga ilaw papunta sa direksyon niya. Nagpanik si Erika at agad-agad siyang bumaba ng Academic Building. Nang nasa 2nd floor na siya, nakasalubong niya si Chantelle. Nilapitan niya ito at sinubukang pakiusapan.
"T-Tulungan mo 'ko, ako na yata ang susunod." Utal-utal at nanginginig na pagkasabi ni Erika. Nanlaki ang mga mata ni Chantelle sa kanyang narinig.
"....." Sa halip na sumagot si Chantelle ay tinitigan niya lamang si Erika. Sinamahan niya rin maglakad pababa ng building ang kaklase. Tahimik silang dalawa, nagpapakiramdaman ang bawat isa. Nabasag ang kanilang katahimikan nang bigla narinig nila ang sigaw ni Hunter. Hinihingal na lumapit ang binata sa dalawa at agad hinawakan sa braso si Erika.
"May kailangan kang makita, sumunod ka sa'kin! Bilis!" Nagpapanik na utos ng binata.
"H-ha? A-ano yun? Bakit?" Nalilitong tanong ni Erika. Hinatak siya ni Hunter papunta sa library, iniwan nila si Chantelle mag-isa sa baba ng Academic building.
Nadatnan nila si Shini na nakatayo sa gitna. Si Shini ay ang bookworm ng sixth class. Siya yung tipo ng tao na hindi sociable. Gusto niya lang laging tumambay sa library at magbasa ng kung iba't-ibang klase ng libro. Maganda siya, nakasalamin pero kaunti lamang ang kaibigan dahil siya'y may pagkamahiyain.
Mayroong mga nakatahing barbed wire sa balat ni Shini. Makikita mo na para siyang isang puppet, isang manikang pinaglalaruan. May mga sinulid din sa sahig sa kanyang harapan. Nakakonekta ito sa isang shotgun na nakatutok kay Shini. Hindi niya alam kung ano gagawin niya. Makikita mo ring may nakatutok na spear sa likuran ng dalaga. Maya-maya ay tumunog na ang speaker...
"Hello Shini, nadadalasan na yata ang pagbabasa mo ng libro. Let's play a game this time para may thrill naman ang pagstay mo sa library. Nakatali ang buong katawan mo sa barbed wire at nakaform ka ng parang isang marionette. Ang cute mo naman tignan, para kang isang manika!" Anunsyo sa speaker.
"Bullsh*t ka! Wala 'kong panahon para makipaglaro sa'yo! Stop this madness!" Nagkukumahog na sigaw ni Shini.
"F*ck you! Kung sino ka man, please tigilan mo na 'to. I'm begging you!" Pakiusap ni Erika sa killer habang unti-unting lumuluhod.
"Whoever you are, you're gonna pay for all of this! Stop this sh*t, kung gusto mo, ako na lang. Huwag mo na silang idamay dito!" Dagdag ni Hunter sa sinabi ni Erika. Isang nakapangingilabot na tawa lamang sa speaker ang nakuha nilang sagot, nasundan pa ito ng tatlong palakpak.
"Bravo! Bravo! Pang teleserye ang drama niyo. Ang tapang mo Shini ha? Tignan natin kung hanggang saan 'yang tapang mo. Kailangan mong alisin ang pagkakatahi ng barbed wire sa balat mo sa pamamagitan ng pagkalas mo rito. Mayroon ka lamang 60 seconds para gawin 'to. Habang nauubos ang oras mo, lalong lumalapit ang spear sa iyong likuran. Huwag niyo ring susubukang mangielam sa larong 'to. Once na may tumapak sa mga nakataling thread sa floor,vthe gun in front of her will trigger."
Nanghina si Erika sa kanyang narinig. Nakatayo lang siya at natatakot na makita ang kaklase niya na unti-unting namamatay. Alam niyang wala siyang magagawa sa mga mangyayari. Ilang saglit lang at muling tumunog ang speaker.
"Enough with the drama, let the game begin!"
Mabilis na nagcountdown ang timer. Sinumulan na ni Shini na isa-isang kalasin ang mga barbed wire sa kanyang balat. Kitang-kita sa mga namumula niyang mga mata ang walang humpay na pag-agos ng luha. Sinimulan niya ang pagkalas sa kanyang mga kamay. Makikita sa nga mukha ng mga studyante ang pandidiri sa kanilang nakikita. Nagkukumahog na sumisigaw si Erika habang nakatulala lang si Hunter at para bang wala sa kanyang sarili. Sigaw ng sigaw si Shini sa sakit, binibigla niya ang pagkalas sa mga barbed wire sa kanyang balat. Kasabay ng kanyang pagbiglang pagkalas sa bared wire ay ang pagsirit ng dugo sa mga sariwang sugat ng dalaga.
Nang matanggal niya na ang barbed wire sa kanyang mga kamay, sinimulan niya naman sa kanyang mga paa. 30 seconds na lamang ang natitira, tuloy-tuloy ang pagdanak ng dugo sa kanyang mga sugat. Napinturahan ang sahig ng kulay pula dahil sa sugat ni Shini. Makikita mo ring natalsikan ng dugo ang kanyang uniporme at salamin. Tuklap-tuklap ang balat ng dalaga dahil sa pagka-alis nito sa nakatahing barbed wire. Sampung segundo na lamang ang natitira ngunit hindi niya pa rin natatanggal ang isang paa niya sa barbed wire.
Hirap na hirap na ang dalaga at halata sa kanyang namumutlang mukha ang kawalan ng pag-asa. Isang tahi na lamang ang natitira nang biglang may tumunog ang timer. Bigla-biglang tumusok sa katawan ni Shini ang spear na nakatutok kanyang likuran. Tumalsik ang dugo ni Shini sa iba't-ibang sulok ng library. Napaupo si Erika sa kanyang nasaksihan nang makita niyang wala ng buhay si Shini.
"Magpahinga ka muna, kailangan mo 'yan." Mahinang bulong niya kay Erika. Tumango lang si Erika at inihatid na siya ni Hunter sa kanyang dormitory.
Lumipas ang buong araw hanggang sa mag-alas sais ng gabi. Lahat ng studyante sa sixth section ay nakabihis ng magagarang baro dahil mayroon silang lakad. Masaya silang nagtungo sa isang club na may kalapitan sa paaralan. Hindi ipinaalam ni Erika at Hunter ang nangyari kay Shini dahil ayaw nilang matakot ulit ang kanilang seksyon. Masayang nagsasayawan, nagtatawanan at ang iba nama'y umiinom ng iba't-ibang klase ng alak. Lahat ng natitira sa sixth section ay kasama sa party.
Tinititigan ni Tiffany si Erika habang nagsasayaw ang dalaga. Bahagya siyang ngumiti at sinundot sa tagiliran ang dalaga.
"E-Erika?" Nahihiyang bulong ni Tiffany.
"Oh?" Matipid na tugon ni Erika.
"Sorry sa nangyari kahapon ha, hindi ko naman ka-" Bago pa man niya mapatuloy ang sinasabi ay bigla na lamang sumagot si Erika.
"Wala 'yun, kalimutan na natin ang nangyari." Malumanay na sagot ni Erika. Ngumiti silang dalawa at umupo sa isang table. Sa gitna ng masayang pagsasayawan ng lahat, bigla na lanang nagulantang ang lahat kay Xyza. Napansin nilang lasing na lasing na siya dahil sa rami ng nainom na alak. Nakatayo si Xyza malapit sa table ng kanyang mga kaklase at para bang hindi mapakali. Pagewang-gewang ang galaw niya at halatang wala na sa kanyang sarili.
"Ahhhhhhh! Sh*t! Get it off ! Get it off!" Nagpapanik at napakalakas na sigaw ni Xyza. Umi-ikot ang mga mata ng dalaga sa apat na sulok ng club. Naghahalucinate siya hanggang sa kinakalmot niya na ang kanyang lalamunan ng paulit-ulit. Madiin niya itong ginagawa hanggang sa mamula na ito. Agad naman siyang nilapitan ni Resha para pigilan si Xyza.
"Ahhhh! There's something on my throat! Get it off! Get it off!" Nagwawalang sigaw ni Xyza. Mabilis na tumayo si Resha sa kanyang kinauupuan at pinuntahan si Xyza.
"Xyza! Stop it! Xyza! Stop it already!" Sigaw niya sa dalaga, pagkatapos ay nasundan ito ng napakalakas na sampal. Ngumiti lamang si Xyza at kumuha ng isang shot glass sa pinakamalapit na table sa kanya. Humalakhak ang dalaga ng parang isang baliw, pagkatapos ay malakas niyang ibinasag ang shot glass sa kanyang ulo. Mabilis na lumabas ang dugo sa sariwang sugat ni Xyza dahil sa mga bubog.
Napaupo sa sahig si Resha sa kanyang nakita. Halos lahat ng tao sa club ay nagkagulo at nilayuan si Xyza. Nawawala na siya sa kanyang katinuan, ipinagpatuloy niya parin ang kanyang pagkalmot sa lalamunan hanggang sa may lumabas ng dugo rito. Wala pang isang minuto ay napahiga si Xyza sa sahig at biglang bumula ang bibig. Naglabas ito ng kulay puting likido na mayroong hindi maipaliwanag na amoy. Palihim na naglakad papunta sa table nila Xyza si Zoey at inamoy ang pinaginuman ni Xyza. Napakunot ang kanyang noo nang may naamoy siyang kakaiba rito.
"Sinasabi ko na nga ba, may naghalo ng iba't-ibang drugs sa inumin ni Xyza kaya siya naghallucinate kanina." Bulong ni Zoey sa kanyang sarili. Paglingon niya ay may nakita siyang isang taong nakasilip sa may gilid. Nakangiti ang maskarang suot niya habang nakatingin sa direksyon sa wala ng buhay na katawan ni Xyza. Sinubukan niya itong sundan ngunit wala naglaho ito ng parang isang bula. Isang note na lamang ang kanyang natagpuan sa sahig.
"Too much alcohol kills."
Kinilabutan si Zoey sa kanyang nabasa. Pinulot niya ang note at agaf itinapon sa basurahan. Nagyaya na lang siya na umuwi na lamang dahil sa nangyari kay Xyza. Mayroon na namang mga pulis sa labas ng club at inadvise silang bumalik na muna agad sa kanilang dorms sa school. Bumalik ang buong sixth section sa St. Venille ng tahimik. Hindi na nila alam kung anong gagawin. Sinubukan nilang magsama-sama pero mayroon pa rin nabibiktima sa huli. Hindi na nagsasalita si Erika sa mga nangyayari, hindi niya na alam kung ano ang dapat niyang gawin. Dalawang studyante na sa kanilang seksyon ang namatay sa iisang araw. Nakakatawa mang isipin na marami sila sa klase ngunit wala silang kalaban-laban sa isang misteryosong killer.
CHAPTER 6
Walang ganang pumasok ang mga studyante ng sixth section sa kanilang classroom. Lahat sila ay walang imik at pinapakiramdaman ang bawat isa. Marahang bumukas ang pintuan, dahan-dahang pumasok si Ms. Gomez sa kwarto. Kapansin-pansin sa mukha ng guro ang lumbay at kaba dahil sa mga nangyari. Natatakot na siyang pumasok sa section na 'to at para bang ayaw nang magturo rito. Nanginginig siyang naglakad papunta sa teacher's table at mahinhing inilapag ang kanyang mga gamit.
"O-Okay class, I'm here to announce that we will be having your field trip next week. After this, I'll be resigning." Nanginginig niyang pagkasabi. Agad nagkaroon ng bulung-bulungan sa buong kwarto. Halata sa mga mukha ng mga studyante ang pagkalagulat sa sinabi ng guro.
"So you're telling us that we're on our own now?" Mataray na tanong ni Kyle sa teacher.
"It's not what it looks like..." Pabulong na sagot ng guro. Imbis na sagutin ang dalaga, iniwasan niya ito at mabilis siyang lumabas ng kwarto. Hindi pa nagtalagal, nagsitayuan ang ibang mga studyante at nagbalak na lumabas.
"Hey! Huwag nga kayong lumabas" Saway ni Erika sa kanyang mga kaklase.
"Oo nga, alam niyo namang labag sa school rules yan hindi ba?" Dagdag ni Grace.
"Pumasok na nga kayo rito sa loob bago pa kayo mapahamak. Isang kahihiyan na naman 'yan ng seksyon naten pagnagkataon." Wika ni Cameron. Dahan-dahang naglakad palapit si Kyle kay Cameron, pagkatapos ay hinawakan niya ng mahigpit ang collar ng binata.
"We're all gonna die anyway." Misteryosong bulong ni Kyle sa binata. Nakaramdam ng takot si Cameron sa kanyang narinig. Nakatayo lang siya na parang isang estatwa. Hindi na nila napigilan ang mga studyante na magsilabasan. Nagkawatak-watak na ang ang mga studyante ng sixth seksyon. Umalis na rin ang tatlo sa classroom. Nagiikot-ikot lang sila sa hallway at nagmamasid kung may kakaiba bang mangyayari. Sa gitna ng kanilang paglalakad, nakita niya si Ms. Gomez sa tapat ng faculty room. Nilapitan nila ito pero iniwasan lang sila. Pagbaba nila ay nagusap-usap sila sa maaring maging solusyon sa nangyayari.
"Grabe noh? Sunod-sunod na tayo." Mahinang bulong niya sa dalawa. Nagbuntong-hininga si Erika at humarap kay Cameron.
"Hindi ko na nga alam gagawin ko eh. Andami-dami naten pero hindi tayo makalaban sa isang killer. Alam mo, minsan naisip ko kung anong rason niya't baket niya to ginagawa satin." Sagot ni Erika.
"Bakit hindi kaya tayo magsumbong sa pulis?" Tanong ni Cameron sa mga kasama.
"Maari nating gawin 'yan. Sasabihin ko 'yang suggestion mo sa ating guro, nang sa gayon, mabigyan agad ito ng aksyon." Wika ni Arsela sa binata.
"Hayaan niyo, matatapos rin lahat ng to." Dagdag ni Erika. Lumapit ang beasts sa kinauupan ng tatlo. Nagyaya sila na pumunta sa covered court para manood ng isang basketball match. Pumayag naman ang tatlo na pumunta sa court pero bago pa man sila makapunta, may ay napansing kakaiba si Arsela sa may school monitor. Black and white lang ito at parang nawawala-wala ang graphics.
Napalingon si Pau at napansing nakatitig lang si Arsela sa screen. Bahagya siyang napangiti at kinawayan ang dalaga.
"Arsela, tara na." Tawag ng dalaga habang kinakawayan ito.
"Si-sige, mauna na kayo. Susunod na lang ako." Sagot ni Arsela kay Pau habang hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa monitor. Nang makalayo-layo na sila Pau kay Arsela, nagulat siya nang biglang may ipinalabas sa school monitor. May naririnig siyang parang may sumisigaw, unti-unti siyang napaatras lapalayo rito. Nagulat siya nang biglang narinig niya ang tawag ni Erika.
"Psssst! Hoy dalian mo na, magsisimula na ang game!" Anyaya niya kay Arsela. Pagtingin niya muli sa school monitor, agad nawala ang kanina niyang napansin. Napakunot ang noo ni Arsela at inisip niya na lamang na guni-guni niya lamang ito.
Lumapit sa kanya si Erika at hinawakan siya sa kanyang braso. Hinatak niya ang dalaga papunta sa basketball court at nanonood ng laban. Masaya ang lahat ng nanonood ng laban, kitang-kita sa mga mukha ng studyante sa sixth section ang tuwa na nadarama, na para bang wala silang matinding pinagdadaanan.
Nang matapos ang laban, isa-isa nang umalis ang mga studyante sa covered court. Naiwan ang pang-anim na seksyon na nakaupo sa bleachers para magpulong. Magsasalita na sana si Erika nang biglang namatay ang lahat ng ilaw. Tumagal ito ng halos dalawang minuto. Mararamdaman mo sa mga sigaw ng studyante ang takot na kanilang nararamdaman. Hindi mapakali at lingon ng lingon si Erika sa kanyang mga kaklase. Sinisigurado niyang okay ang lahat. Nang mabuksan ang ilaw, nagulat sila sa kanilang nakita. Isang malaking TV ang nakalagay gitna.
Malakas ang kutob ni Erika na mayroon na namang mangyayaring masama, kaya naman inutusan niya ang iba niyang mga kaklase na magikot-ikot. Palabas na sana ang beasts ng court nang biglang silang napahinto. Biglang bumukas ang TV, makikita sina Grace at Maki sa loob. Nasa sahig silang dalawa at puno ng dugo ang kanilang uniporme. Sigaw ng sigaw si Grace ng tulong habang pinapakalma naman siya ni Maki. Nagulat sila ng biglang hinalikan ni Maki si Grace sa labi. Hindi sila makapaniwala ang na may relasyon si Grace kay Maki.
Si Grace ang student council president ng kanilang school. Kilala siya bilang perfectionist. Lagi siyang kasali sa mga school activities at hindi rin siya nawawala sa top. Siya rin ang president ng isa sa mga outstanding club ng paaralan, ito ay ang History Club. Si Maki naman ay kilala bilang isang basagulero sa paaralan. Siya yung tipo ng tao na walang pinapakinggan kun'di ang kanyang sarili. Marami siyang records dahil sa pagrerebelde pero mayroon siyang magandang academic standing sa loob ng classroom.
"Look who's next.." Bulong ni Kate kay Angela habang nakatingin sa kanyang mga kuko.
"Oh-em-gee! Sila na ang next?" Gulat na tugon ni Angela. Nagsama-sama ang buong seksyon sa covered court. Nag-iisip sila ng pwede nilang gawin para mailigtas ang dalawa habang maaga pa.
"Alam ko 'yang room na 'yan. Iyan yung lumang AVR sa Academic Building." Napangiti si Erika sa kanyang narinig. Agad niyang inutusan si Hunter, Cameron, Xhan at Cj na tignan ang nasabing AVR. Kumaripas ng takbo ang mga binata papuntang Academic Building habang naiwan ang iba sa covered court. Hindi pa nagtagal, may umalingawngaw na boses sa buong court.
"Sorry to interrupt your conversation pero mas masaya 'tong larong gagawin natin." Wika ng misteryosong tao sa speaker, pagkatapos ay nagsmirk ito. Nang marinig ni Grace ang anunsyo, agad niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kasintahan.
"M-Maki, kahit anong mangyare huwag mo 'kong iiwan ha?" Pautal-utal na wika ng dalaga. Tumango si Maki at mahigpit na niyakap si Grace.
Nakarating na ang tatlong lalake sa tapat ng lumang AVR. Sinubukan nila itong buksan pero nakalock ito. Sinubukan din nilang gamitan ng pwersa at magbakasakaling mabuksan ito ngunit hindi pa rin nila magawa.
"Cj,pumunta ka sa main office at kunin mo yung susi nitong AVR room. Bilis!" Utos ni Hunter sa kaklase. Sumama ang tingin ni Cj at nagpout, na para bang hindi niya gusto ang kanyang narinig.
"Ha? Eh sa kabilang building pa yun eh." Reklamo ng binata, pero tinignan lang siya ni Hunter. Wala nang nagawa ang binata at sinunod na lamang ang utos ng kaklase. "Bakit pa kasi ako ang kailangan utusan, pwede naman si Xhan eh." Mahinang bulong niya sa sarili.
"Ang sweet nilang dalawa noh? Bagay ba sila sa isa't-isa?!" Mapangasar na tanong ng misteryosong tao sa speaker. Nasundan din ito ng katakot-takot na tawa.
"Please let us go! Parang awa mo na! Bakit mo ba 'to ginagawa samen!? Inaano ka ba namen?" Pagmamakaawa at paos na sigaw ni Grace. Kitang-kita rin sa mga mata ng dalaga at unti-unting pagbagsak ng kanyang mga luha.
"I'll kill you with my bare hands kapag nalaman ko kung sino ka!" Matapang na sigaw ng binata.
"I don't kill for a reason dear, I kill for my own pleasure." Wika ng misteryosong tao sa speaker.
"Ang boring kaya rito sa St. Venille. I'm just here to have some fun with you guys. Ang sweet niyo ngang dalawa eh, too bad ayoko sa loveteam ninyo. Ngayon, alam na ng buong paaralan ang tinatago-tago mong relasyon Grace." Napuno ng takot ang buong court. Nakatayo lang ang beasts at sina Arsela sa tapat ng malaking TV. Wala silang magawa kung hindi isipin na sana'y makaligtas sina ang kanilang mga kaklase sa kanilang sitwasyon.
"Simple lang naman ang gusto ko para makaligtas kayo, mayroong table sa harapan niyo na mayroong dalawang kutsilyo. Kung may nararamdaman kayong kakaiba, ito ay dahil may ininject akong poison sa katawan niyo. 15 minutes na lang ang natitira bago pa tuluyang kumalat ang lason sa inyong katawan. Nakikita niyo ang isang box sa gilid, ito ay naglalaman ng isang antidote. Magbubukas lamang ang kahon kapag namatay ang isa sa inyo. Oh? Ang saya 'diba? Huwag na natin 'tong patagalin pa. Let the game begin!" Tumayo si Maki at kumuha ng isang kutsilyo sa mahabang lamesa. Nanlaki ang mga mata ni Grace sa nakita, nakapikit siya at para bang handa siyang mamatay para mabuhay si Maki. Nagulat siya nang biglang hinawakan ni Maki ang kanyang kamay. Marahang iniabot ni Maki ang kutsilyo kay Grace. Ngumiti ito at umupo sa kanyang tabi.
"You deserve to live." Mahinang bulong niya kay Grace. Kahit na may mga luhang tumutulo sa kanilang mga mata, hinigpitan ni Grace ang kanyang hawak kay Maki.
"Yung mga pangarap natin... Sa kabilang buhay natin 'to isa-isang tutuparin." Bulong ni Maki sa dalaga, pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo.
"Masaya ako, dahil sa huling hinanga ko, ikaw ang makakasama ko. We may end our lives in this world, we can still continue it on the other side.." Mangiyakngiyak na bulong ni Maki. Dahan-dahang inalis ang pagkakahawak ni Grace ang pagkakahawak ni Maki at tumayo. Isinandal niya ang kutsilyo sa pader habang nakatutok sa kanyang ulo. Ngumiti siya kay Maki at sinabing.. "I'll be waiting for you in the other side."
"My life will be nothing without you." Mahinhing dagdag niya sa binata, pagkatapos ay nasundan ito ng matamis na smirk. Hindi pa nagtagal, hinampas-hampas ng dalaga ang kanyang ulo sa kutsilyo. Nakangiti pa siya habang tuloy-tuloy ang pagdanak ng dugo. Hindi niya iniinda ang sakit na nadarama. Sinubukang pigilan siya ni Maki pero huli na ang lahat. Napaluha ang binata nang makita niyang bumagsak sa malamig na sahig ang katawan ni Grace. Bumukas ang box na may lamang antidote. Imbis na kunin niya ang antidote, kinuha niya ang kutsilyong ginamit ni Grace at pinagsasaksak niya ito sa kanyang sarili. Nang malapit na siya mawalan ng malay, tumabi siya kay Grace at bumulong "I'm glad to spend my eternity with you". Matapos niya itong sabihin, dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata, ilang saglit lang ay nawalan na rin siya ng buhay.
Huli na nang dumating si Cj sa Academic Building. Hingal na hingal ang binata, agad niyang ibinigay ang susi kay Xhan. Binuksan ni Xhan ang pintuan nang biglang may narinig na malakas na tunog ng bala. Natamaan sa ulo si Xhan na agad nitong ikinamatay. Tumagos ang bala sa kanyang bungo ng ilang segundo lamang. Nadatnan nila Hunter at Cj sina Grace at Maki na wala ng buhay at tila naliligo sa sarili nilang dugo. Agad silang dumiretso sa mga guards para isumbong ang kanilang mga nakira, pagkatapos ay mabilis silang nagtungo sa court para ibalita ang nangyari ngunit hindi sila pinansin ni Erika.
"From now on, It's to kill or to be killed." Bulong ni Erika sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang mga bangkay ng kanyang kaklase.
CHAPTER 7
Pagkatapos nang nangyaring trahedya sa St. Venille, nagdesisyon ang principal na magpamisa para sa sunod-sunod na namatay. Nasa harapan ang buong pang-anim na seksyon. Taimtim na silang nagdaradal. Iisa lang ang kanilang hiling sa Diyos, ito ay ang hiling na sana'y matigil na ang walang awang pagpakitil sa kanilang seksyon. Sa unang pagkakataon, dinamayan sila ng ibang seksyon. Nagkaisa ang buong St.Venille sa pagdarasal. Makikita mong lahat ay tahimik at walang iniisip na iba kung hindi ang kaligtasan ng ika-anim na seksyon. Matapos ang misa, agad silang pinabalik sila sa kani-kanilang mga kwarto.
"I heared na may mga bago daw tayong classmates." Wika ni Resha sa katabing si Arsela.
"Oo,alam ko naconfirmed na raw." Wika ni Arsela sa katabi. Hindi naman maiwasang makinig ni Cameron sa usapan ng dalawang dalaga.
"T-Talaga?" Sabat ni Cameron sa usapan ng dalawa.
"Panigurado, magiging masaya lalo ang seksyon natin." Mahinhing sinabi ni Alina at ngumiti. Bigla namang umiksena ang kapatid niyang si Aliza sa usapan.
"No we're not! Hindi ba nila alam na cursed ang seksyon na 'to? Hindi ba nila alam na iniisa-isa na tayo?" Naghyhysterical na sagot ni Aliza.
"Sus! Ang killjoy mo talaga Aliza, ayaw mo nun? The more the merrier?" Singit ni Kyle kay Aliza, pagkatapos ay inirapan niya ito. Naputol ang kanilang usupan nang biglang pumasok ang dalawang guro sa classroom.
"Okay class, what are you going to say?" Mahinang sinabi ng kanilang adviser sa harapan. Tumayo ang lahat ng studyante at nagbow.
"Good Morning Principal!" Sabay-sabay nilang bati at umupo. Lahat ay tahimik, ang iba nama'y nag-aayos ng sarili na upang maging presintable sa harapan tao ng prinsipal.
"First of all, I'm deeply saddened about sa mga nangyayari sa seksyon na 'to but don't worry, nagfile na ko sa mga police para imbestigahan ang mga nangyayari. You will also be having new classmates from another school, sana'y mainit niyo silang tanggapin bilang kaklase." Malumanay na wika ng principal.
"We're also here to announce that your prom will be held on Thursday. Alam naming marami na ang nangyari sa atin these past few days, pero it doesn't mean na magcacancel tayo ng activities, we will stick to the school's activities calendar no matter what." Dagdag ng principal.
Nang marinig ito ng buong seksyon, napalitan ang kanilang mga takot ng pananabik. Excited sila sa magaganap na prom, agad nagbulungan ang mga babae kung sino ang kanilang gustong maging escort sa prom. Pagkatapos ng anunsyo, agad lumabas ang principal sa kwarto upang mag-ikot sa ibang sensyon. Masaya siya dahil
nakita niyang kahit na maraming nangyari sa pang-anim na seksyon, nagagawa pa rin nilang ngumiti.
Lumipas ang araw sa paaralan na para bang isang normal na araw lang sa paaralan. Naglelecture ang mga teachers, gumagawa ng seatworks, quizzes, activities at kung ano-ano pa ang mga studyante. Nang matapos ang klase, isa-isang nagsisibabaan ang mga studyante sa Academic Building.
Naiwan sa 3rd floor sina Samantha, Kate at Cj. Dumiretso ang dalawa sa girl's comfort room. Naiwan si Cj sa labas para hintayin ang dalawang kaklase. Patingin-tingin siya sa kanyang kaliwa't kanan dahil sa mabigat niyang nararamdaman sa paligid. Feeling niya, mayroong nagmamasid sa kanila. Nakaagaw nang kanyang pansin ang sahig sa tapat ng Janitor's Room. May napansin siyang natuyong dugo rito.
"G-Girls? Bilisan niyo, I'm having a bad feeling about this." Ninenerbyos niyang sigaw habang kumakatok sa banyo ng mga babae.
"Wait lang, matatapos na 'ko. Magpupulbos na lang ako." Excuse ni Kate habang busy sa pananalamin sa banyo.
"Kate, tara na nga." Mahinang bulong ni Sam sa kasama, pagkatapos ay hinatak niya si Kate palabas ng banyo.
"I know it's weird pero tignan niyo oh, may natuyong dugo dun sa may sahig ng janitor's room." Wika no Cj sa mga kasama. Tinitigan lamang siya ni Kate at tinaasan ng kilay.
"Malamang? It's their job to clean up the mess." Pagtataray niya sa binata sinabi habang arms crossed. Bigla namang humakbang nang tatlong beses patalikod si Sam.
"We should check it out." Anyaya ng binata sa dalawang dalaga.
"Sige, let's go." Naeexcite na sagot ni Kate. Sabay-sabay nilang nilapitan sila sa janitor's room, nang nasa harapan na sila ng pintuan, dahan-dahang inilapat ni Cj ang kanyang kamay sa doorknob. Nanlaki ang mga mata niya nang mabuksan niya ito. Hinawakan siya ni Sam sa balikat at bumulong sa kanyang taenga.
"We should get out of here, kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari." Ninenerbyos na pagkasabi ng dalaga. Napangiti't napailing si Cj, kaya nama'y ningon niya agad si Sam upang pakalmahin.
"It's now or never Sam. Ayaw mo nun, may thrill?" Wika ni Cj. Pagkabukas nila ay nabigla sila sa kanilang nakita. Nakasabit sa kisame't nilalangaw na ang bangkay ni Bianca. Lasog-lasog ang katawan at mayroong nakasusulasok na amoy. Napasigaw silang taltlo sa kanilang nasaksihan, natatakot kung sino ang gumawa nito. Naguunahan silang bumaba ng hagdan habang walang humpay na nagsisigaw. Nakita sila ng isang misteryosong tao sa dulo ng hallway, kaya nama'y agad itong nagtatakbo papunt sa Janitor's closet.
Natahimik na lamang ang tatlo nang makasalubong nila ang kanilang adviser sa hallway. Sabay-sabay silang tatlo sa pagsusumbong sa guro ng kanilang mga nasaksihan.
"Teka nga, isa-isa lang, at bakit parang gulat na gulat kayo nang makita ako? Para kayong nakakita ng multo ah?" Natatawang wika ng guro sa tatlong studyante. Hindi makapagsalita ang tatlo, sa halip ay puro senyas lamang ang ginagawa nila. Hinatak ni Cj si Ms. Gomez sa may harapan ng Janitor's Room, pagkatapos ay humarap siya kay Ms.Gomez at ikinuwento ang nangyari.
"Si Bianca, nandito sa loob ang bangkay niya." Malamig na pagkasabi ni Cj sa guro.
"Ha? Ano bang pinagsasasabi mo? Tigilan niyo na nga 'tong kalokohang 'to, pati katawan ng patay pinagtritripan niyo." Mahinahong saway ng guro kay Cj. Napakunot ang noo ng binata sa sinabi ng guro.
"Maniwala po kayo, tignan niyo. I'll prove it." Optimistic na sabi ni Cj sa kanilang guro. Tumango ang dalawang babae at sinusubukan ring kumbinsihin ang guro sa sinasabi ni Cj.
Hinawakan ni Cj ang doorknob, dahan-dahan niya itong binuksan. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang wala na ang katawan ni Bianca sa loob ng Janitor's Room. Malinis na rin ang sahig na kung saan niya nakita ang natuyong dugo kanina, ngunit maaamoy pa rin ang hindi maipaliwanag na amoy sa kwarto. Humarap si Ms. Gomez kay Cj habang umiiling-iling.
"Oh? Nasaan? Alam mo, pagod lang 'yan. Pumunta na nga kayo sa baba. Magpahinga na kayo, don't stress yourself too muc okay? Subukan niyo ring pumunta muna sa clinic bago dumiretso sa mga dorms niyo." Mahinahong paalala niya sa tatlo. May ipinaparating ang tono ng kanyang boses habang sinasabihan sila, na para bang pinaghihinalaang nababaliw lamang si Cj. Yumuko lang ang tatlo at bumaba. Habang naglalakad papunta sa kanilang mga dorm, muling pinagusapan ng tatlo ang kanilang nakita.
"Can you believe it? Biglang nawala ang katawan ni Bianca na parang bula." Naiinis na wika ng binata sa mga kasama.
"Alam mo, baka tama nga si Ms. Gomez, we must be seeing things." Wika ni Sam sa dalawa.
"No! I know kung ano nakita ko and I'm willing to know the story behind it." Palabang pagkasabi ni Cj. Bigla na lamang nilang nakita nila si Zoey na tumatakbo sa hallway habang bitbit niya ang kanyang stuff toy. Hinawakan ni Sam si Zoey sa braso para pigilan. Nang mahawakan niya ang dalaga, agad niya itong tinanong kung bakit siya tumatakbo.
"Zo-Zoey! Ano nangyayare? Bakit ka tumatakbo?" Magkasunod na tanong sa kanya ni Sam.
"She's going to get me. Let me go!" Hinihingal at maluhaluha niyang pagkasabi kay Sam. Napatingin si Cj sa sinabi ni Zoey at lumapit.
"Who's going to get you?" Curious na bulong ng binata.
"Erika." Matipid na sagot ni Zoey sa binata. Nanlaki ang mata ng tatlo nang marinig nila ang pangalang iyon. Napaisip din ang tatlo na kung si Erika nga ba ang totoong killer. Paglingon nila sa dulo ng ground floor ay nakita nila si Erika na mabagal na naglalakad. May dala-dala siyang kutsilyo sa kanyang kamay habang may suot-suot na katakot-takot na ngiti.
"E-Erika! What's the meaning of this?" Sigaw ni Ch habang papalapit nang papalapit ang dalaga. Huminto si Erika sa kanyang paglalakad at humalakhak. Malakas na tumawa ang dalaga na para ba siyang isang maliit na bata.
"There's a killer inside our classroom. Sa tingin ko, si Zoey ang killer! Can't you see? Tahimik siya, and sino bang naka-alam na may drugs sa drink ni Xyza? Hindi ba siya? I'm going to kill her to stop this madness." Ngumiti ang dalaga at tumakbo papunta sa direksyon ni Zoey. Nataranta si Zoey nang makita niyang hinigpitan pa lalo ni Sam ang pagkakahawak sa kanya. Siniko niya si Sam para makatakas, pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo. Hindi niya namalayang nahulog ang kanyang stufftoy. Kahit na kinakabahan, naglakas-loob siyang balikan ito at pinilit na hindi matakot kay Erika.
"Pinagod mo pa ko? It's your turn to suffer and die!" Nababaliw na sigaw ni Erika. Sasaksakin na sana ni Erika si Zoey nang biglang hinawakan ni Cj ang kamay ni Erika.
"Walang mangyayari kung gagawin mo 'yan. Paano kung hindi si Zoey ang killer? You turned yourself into a murderer." Malamig na bulong ng binata kay Erika. Nabitawan ni Erika ang kanyang hawak-hawak na kutsilyo nang marinig ang sinabi ni Cj. Napaupo ito sa sahig at nagsimulang umiyak.
"Hindi ko na alam gagawin ko. I need to kill the murderer before the murderer gets us." Pautal-utal na wika ni Erika. Tinulungang itayo ni Cj si Erika sa sahig at niyakap. Kinuha rin ni Cj ang kutsilyo at itinapon ito sa malapit na basurahan. Palihim namang tumakbo si Zoey papalayo habang tinutulungan nadidistract si Erika kay Cj.
"Cj, can you do me a favor?" Nakangiting wika ni Erika, pagkatapos ay niyakap niya ito. Napatingin ang binata sa kanya at biglang nanlaki ang mga mata. Naramdaman niyang mayroong nakasaksak na gunting sa kanyang tiyan. Agad napaupo si Cj sa ginawa ni Erika't nanghina. Sa may hindi kalayuan, tahimik na nagmamasid si Zoey kila Erika at Cj.
"Sorry, pero it's for our section's sake. Sa ginagawa mo, baka ikaw ang killer! Tinutulungan mo siguro si Zoey sa pagpatay ng mga kaklase natin!" Nababaliw na sigaw ni Erika sa binata. Kumurba ang isang matamis at katakot-takot na ngiti sa labi ng dalaga bago siya umalis. Naglakad papalayo si Erika papuntang dorm habang tumatawa. Wala na rin sila sa Sam at Kate dahil nagtago sila nang makita ang ginawa ni Erika. Nang makita ni Zoey na nakalayo na si Erika, tumakbo siya papalapit kay Cj. Sumigaw siya ng tulong, sakto namang nakita niya sina Cameron, Hunter at Zero na naglalakad papunta sa direksyon nila. Nang makita ni Cameron ang sitwasyon, kumaripas ang binata ng takbo at agad pinuntahan ang dalawang kaklase.
"O-oh? Ano nangyare?" Umiling lamang si Zoey at tinignan si Cameron.
"M-mahabang kwento." Pautal-utal at matipid na sagot ni Zoey.
"Tara! Tulungan niyo 'ko, dalhin natin si Cj sa clinic." Utos ni Hunter sa mga kaibigan.
"Okay." Matipid at seryosong sagot ni Zero kay Hunter. Itinayo nila si Cj sa sahig, pagkatapos ay iniakbay nila siya sa balikat nila Hunter at Zero.
Pagpasok nila sa clinic ay naratnan ng apat dito si Erika. Nakangiti siya kay Zoey na para bang may binabalak na masama, ngunit hindi nagtagal ay biglang nagbago ang mukha niya na parang alalang-alala kay Cj. Nawalan na ng malay si Cj dahil kahit papaano'y marami na ring dugo ang nawala sa kanya. Natatarantamg lumapit ang nurse kay Cj at agad pinahiga ang binata sa kama. Mabilis na kinuha ng nurse ang kanyan mga gamit para mabigyan ng paunang lunas ang binata. Lumabas ng tahimik si Erika, pero sinusundan pa rin siya ng tingin ni Zoey na para bang tinitignan kung ano ang susunod na gagawin ng dalaga.
"Ano ba kasing nangayari dito kay Cj?" Tanong niya sa apat, pero walang may gustong sumagot. Nagkibit balikat lang sila at halatang gulong-gulo rin sa mga nangyari. Nakayuko lamang si Zoey at umiiyak, natatakot kasi siyang magsalita. Sinusubukan siyang patahanin ni Cameron ngunit ayaw pa rin nitong tumahan. Napatingin si Zero at bumulong "This is why I hate kids." ng mahina sa sarili.
"Oh siya-siya, na, Ako nang bahala rito kay Cj. Ipapahatid ko na lang siya sa Dorm A kapag medyo maayos na ang kalagayan niya." Malumanay na wika ng nurse sa apat. Nagbow ang mga studyante at sabay-sabay na lumabas ng clinic. Nagdesisyon sila na ipagpabukas na lamang ang lahat ng nangyari.
Pagpasok ni Zoey sa kanyang dorm, sumalubong sa kanya ang isang sulat sa sahig. Kulay pula ang envelope nito at may puting sticker sa gitna. May nakasulat na "Zoey" sa gitna ng sticker. Mariing napalunok si Zoey sa kanyang nakita pero nagdesisyon siyang buksan ito upang mabasa.
"Hi Zoey! Gusto ko sanang humingi sa'yo ng sorry sa nagawa ko kanina. Wala ko sa sarili nun. Huwag mo ring balaking ipagkalat sa buong classroom ang nangyari kung ayaw mong maagang mamatay. Good night! Sweet dreams!"
Nanlaki ang mga mata ni Zoey sa kanyang nabasa. Nanginginig niya itong nilukot at agad itinapon sa basurahan. Wala mang pangalan ang sulat, alam niyang galing ito kay Erika. Pagdungaw niya sa bintana ay nakita niya si Erika na nakatingin sa kanilang dorm ng nakangiti. Siya na lamang kasi ang gising sa loob ng dorm nila. Wala na si Bianca at tulog na si Cheska. Agad niyang hinarangan ng kurtina ang bintana at humiga. Kinakabahan siya kung dapat niya bang sabihan ang kanilang mga kaklase na mag-ingat, ngunit natatakot din siya na baka malagay sa panganib ang buhay niya kapag ginawa niya iyon.
CHAPTER 8
Pumasok si Zoey sa classroom nang may halong takot sa dibdib. Umupo siya sa bandang dulo dahil iniiwasan niya si Erika. Normal namang kumilos si Erika sa klase na parang walang nangyaring kakaiba kahapon. Hindi pa nagtagal ay pumasok si Ms.Gomez sa classroom na may kasaman walong mag-aaral. Nagulat si Zoey nang makita niyang may dala-dala ring stufftoy ang isang studyante. Tinignan niya ang studyante sa mga mata nang biglang nagkasalubungan sila ng tigngin. Agad inilihis ni Zoey ang tingin dahil dito.
"Class, I'm here to inform you that these students will be your new classmates. Our school St Venille did a student exchange program o S.E.P. with Xavier Academy. I'm expecting na magiging good role models kayo sa bawat isa sa kanila." Paliwanag ng guro.
"Tell us about yourselves." Mahinhing wika niya sa mga bagong studyante.
Naunang nagpakilala ang isang babaeng punong-puno ng confidence sa kanyang sarili. Ang kanyang pangalan ay Erizel Fajardo. 5'4 ang height niya, maputi,brown-haired at galing sa isang kilalang elite na pamilya. Isa siyang adventurous na tao, lahat ay kanyang hahamakin para lang sa kanyang curiosity. Tumayo siya sa gitna nang nakataas ang kilay habang nakapamewang.
"I decided to join the S.E.P mainly because I know that this section was cursed." Prangkang pagkasabi ng dalaga, nagulat ang mga studyante kanilang narinig kaya hindi nila mapigilang mag-react dito.
"Look who's talking? Transferee na transferee ka ganyan ka kapal ang mukha? 'Yan ba ang tinuturo sa school niyo? How cheap." Pagmamataray ni Kyle kay Erizel. Hindi pumalag si Erizel at binigyan lamang siya ng isang misteryosong ngiti.
Sumunod namang pumunta sa harapan si Caleb Pascual. Siya ay tinatawag na "dead kid" sa classroom. Nagdesisyon ang binata na sumali sa S.E.P. dahil sawang-sawa na siya sa pambubully ng kanyang mga kaklase sa Xavier Academy. Matalino siya at kakilala niya si Shini, naging magkaibigan sila sa isang math quizbee. Parehas sila ng attitude na mahilig tumambay sa mga tahimik na lugar.
"Hello, I'm Caleb Pascual, an exchange student from Xavier Academy." Nagbow lang ang binata at agad umalis. Matangkad siya, maputi, nakasalamin at medium-built ang katawan.
Sumunod namang nagpakilala si Sakura Castaneto. Siya yung tipo ng babae na iiwasan mo talaga sa classroom. Maganda siya pero natatago ang kanyang ganda sa likod ng napakahaba niyang buhok. Inaasar siyang paranoid sa Xavier Academy dahil gustong-gusto niya sa dugo. Iniiwasan din siya dahil may kakaibang hilig ang dalaga sa mga matutulis na bagay. Sinasabihan siyang baliw minsan dahil madalas niyang kinakausap ang kanyang stuff toy na si Mika. Lumapit siya sa harapan at para bang kinontrol ang kanyang stuff toy. Kinaway-kaway niya ang kamay ni Mika sa harap ng buong klase.
"Heyow sha inyo, ako nga paya shi Sakura." Wika ng dalaga gamit ang maliit na boses, nasundaan din ang kanyang pagpapakilala ng nakakapangilabot na tawa. Nakaagaw naman ng attensyon ang isang babae na nakayukong pumasok sa classroom. Nagbow lang siya bilang sign ng repespeyo at agad nagpakilala.
"Ako nga pala si Lacus Yamato." Pakilala niya, pagkatapos ay dumiretso siya sa pinakasulok na bangko sa classroom at umupo. Siya ang tipo ng tao na hindi marunong magtiwala agad-agad. Matipid siyang sumagot at laging mag-isa sa sulok. Sumunod na nagpakilala ay ang isang binatang nagngangalang Jeffrey Casar.
"A-ako nga pala si J-jeffrey." Nahihiya niyang sinabi sa harap ng klase, pagkatapos ay bumalik na ulit siya sa kanyang upuan. Magpapakilala na sana si Alyssa De Lara nang bigla siyang shinove ni Alexandra, wala kasi ang dalaga sa mood at inaatake nanaman siya ng kanyang pagkamasungit. Maarteng naglakad ang dalaga sa harapan habang nakatingin sa kanyang mga kuko sa kamay.
"Alexandra Bartolome is the name, and oh! I don't trust you." Ngumiti siya sa harap ng klase at kumindat. Mabait si Alexandra at friendly pero kapag wala siya sa mood, nagbabago ang ugali niya at bigla-bigla nagiging masungit sa kanyang paligid. Napatingin siya kay Hunter na para bang nagkaroon agad ng crush dito. Kinindatan niya ito pero nilihis lang ni Hunter ng tingin sa kanya. Huling nagpakilala si Alyssa. Si Alyssa De Lara ay isang happy-go-lucky na tao. Siya ay isang magandang babae na may katamaraman. Charming, maamo at friendly ang appearance ngunit makikita mo sa kanyang mukha na mayroon siyang tinatagong attitude. Humarap siya sa klase at nagbow.
"Hi my name is Alyssa and I'm looking forward na maging close ko kayong lahat." Natapos ang kanyang pagpapakilala ng may paflying-kiss pa.
Mararamdang puno ng pagdududa at kawalan ng tiwala ang buong seksyon sa mga bagong studyante. Tahimik ang pang-anim na seksyon na para bang pinapakiramdaman nila ang kanilang mga bagong kaklase. Bago matapos ang araw, binisita sila ng principal sa kanilang silid na may kasamang isang babae. Nakatingin ito ng masama sa buong klase at umirap. Napabulong ang magkatabing Kyle at Aliza sa nakita nilang pangiirap ng bagong babae.
"My name is Miles, and sana maging friends tayo." Pagpapakilala niya sa sarili na may painosenteng tono. Ngumiti siya pagkatapos pero mahahalata mong peke. Alam niya sa sarili niya na may pagkabitchy ang attitude niya at madalas siyang hindi makipagkasundo sa kanyang mga kaklase. Sa likod ng mataray na babaeng'to ay mayroong malambot na puso. Nagdesisyon siyang sumali ng S.E.P dahil hindi niya na nakayanan ang pambubully sa kanya sa Xavier Academy. Pagkatapos magpakilala ni Miles, tsempuhang biglang nagring ang scholl bell.
"Ok class, I hope na sana magkasundo-sundo kayong lahat." Agad nagpaalam ang dalawang guro sa silid nang marinig ang tunog ng bell. Lumabas ng grupo-grupo ang mga studyante sa kwarto. Agad namang dumiretso ang mga transferees sa library.
"Alam niyo ba kung bakit ko kayo rito dinala?" Tanong ni Erizel sa mga kasama pero nagkibit-balikat lang sila.
"Kailangan natin malaman kung ano ang nakaraan ng pang-anim na seksyon." Mahinang paliwanag niya sa mga kasama. Tulung-tulong silang naghanap sa mga libro at nagbakasakaling may makitang impormasyon. Sa gitna ng kanilang paghahanap, may nakitang class picture na nakaipit sa isang yearbook si Miles. Agad niyang tinawag ang atensyon ng kanyang mga kaklase para ipakita. May letrang "X" sa mga mukha ng maraming studyante sa litrato. Isang lalaking studyante lamang ang natirang walang "X" sa kanyang mukha. May nakasulat din sa likod ng litrato ngunit hindi na ito masyadong mabasa. Nakita sila ng isang librarian na nagkukumpulan kaya't nilapitan sila nito.
"Huwag niyong pakielaman 'yan. Hindi niyo alam kung anong nangyari sa mga studyante sa larawang 'yan." Babala sa kanila ng matandang librarian. Ikinagulat nila ito at bigla na lamang silang pinalabas ng library. Sinubukan nilang kausapin ang librarian tungkol sa class picture ngunit pilit umiiwas ito. Bago pa man makalabas ng library, palihim na kinuha ni Sakura ang class picture at binulsa. Nagdesisyon silang lahat na bumalik na lamang sa kani-kanilang dorm. Papunta na sila sa kanilang mga dorm ng bigla nilang nakita na palakad-lakad si Cheska sa gilid ng hallway. Matamlay ang dalaga kaya sinubukan nila itong lapitan.
"Oh? Bat ang tamlay mo?" Mahinahong tanong niya kay Cheska. Tinignan lang siya ng dalaga at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Dinaanan lang siya nito na para bang walang taong nagtanong sa kanya. Halatang walang balak makipagkaibigan ang mga natitirang studyante sa mga exchange students. Ayaw nilang makipaghalobilo dahil alam nilang pahamak lang ang dala nito sa kanila. Sa may ilalim ng punong balete, naroon nakatambay ang ilang mga studyante. Nagpupulong-pulong sila at pinaguusapan ang mga bagong kaklase.
"Ipapahamak lang nila tayo." Wika ni Erika.
"They shouldn't be here." Dagdag ni Angela.
"I have a plan. Ipakita't iparamdam natin sa kanila na hindi sila welcome sa classroom. Ipamukha nating hindi sila belong na kasama natin." Wika ni Pau.
"Wow? Ang kontrabida naman ng peg naten." Pabirong reaksyon ni Catherine. Late nang dumating sina Zoey at Cj. Makikita mong masama ang tingin ng dalawa kay Erika pero nginitian lang sila nito. Nagdesisyon ang dalawa na manahimik para na rin sa kaligtasan ni Zoey. Papasok na sana ang mga exchange students sa kanilang dorm nang makitang nagpupulong-pulong sina Erika kasama ang buong seksyon.
"Alam naming nagulat kayo sa bigla naming pagpasok, pero sana naman maging okay tayo, kasi tingin namin eh parang ayaw niyo samin." Nakngiting wika ni Erizel kay Erika.
"Alam niyo naman palang ayaw namin sa inyo eh, 'bat hindi pa kayo umalis?" Mataray na sagot ni Kyle.
"Aba,aba? Ano ba gusto mo? Away?" Lumapit si Alexandra kay Kyle na para bang naghahamon. Tinulak siya ni Kyle at kaya nagkagulo ang dalawa. Aga silang inawat ng mga lalake at hinawakan sila sa kanilang mga braso.
"Alam naming ayaw niyo sa amin pero sana, kahit kaunting respeto?" Mahinhing wika ni Caleb.
"Hindi na dapat kayo nagpatransfer dito. Hindi niyo alam kung ano ginagawa niyo. Pagsisisihan niyo lang 'to." Napahinto ang lahat ng marinig ang sinabi ni Chantelle. Hinawakan siya ni Erizel sa kanyang mga balikat at yinugyogyugyog ang dalaga.
"Anong nalalaman mo? Sabihin mo sakin!" Tanong ni Erizel kay Chantelle. Nginitian lamang siya ng dalaga at inalis ang pagkakahawak sa kanya ni Erizel. Para hindi uminit ang tensyon, naisipang ilabas ni Sakura ang class picture na nakuha sa library. Nagulat si Chantelle sa kanyang nakita at dahan-dahang kinuha ang class picture kay Sakura.
"The past is going to repeat itself. Can't you see? Iniisa-isa tayo in a random order. Una si Bianca, Sumunod si Jacob at kapag hindi pa natin nalaman kung sino ang killer, pagpapatuloy niya ito hanggang sa matira na lang siyang mag-isa sa seksyon natin." Nagulat sila sa sinabi ng dalaga. Dahil sa kaba, isa-isa nang nagsilaisan at nagkanya-kanya na ang mga studyante ng sixth section.
Sa dorm ng mga exchange students, nagpapanik sila't iniisip kung anong mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw. Nagdesisyon si Miles na magimpake na ng kanyang gamit habang maaga pa.
"I'm getting out of here before it's too late." Paalam ni Miles sa kanyang mga kasama. Agad naman siyang pinigilan nila Caleb at Alyssa.
"Iiwan mo na lang kami ng ganun-ganun lang?" Nakakunot noong tanong ni Caleb sa dalaga.
"Hindi naman siguro tayo tanga right? Alam niyo na ayaw nila satin right? Besides, why the hell ko pa pagpipilitan ang sarili ko sa mga taong may ayaw sakin?" Matapang na sagot ni Miles kay Caleb.
"You can't undone what's already done." Bulong ni Sakura sa stufftoy niyang si Mika. Napatingin ang mga exchange students kay Sakura dahil mayroon itong inilabas na pocket knife sa bulsa, pagakatapos ay pinaglaruan niya ito sa pamamagitan ng pagdudulas ng matalim na blade sa kanyang balat.
"I have a suspect kung sino ang killer." Misteryosong at malamig na bulong ni Sakura kay Mika. Walang nagtatangkang sumagot sa kanyang mga kasama dahil natatakot sila sa hawak-hawak na kutsilyo ng dalaga.
"Wala na tayong takas, kabilang na tayo sa seksyon ng demonyo. Ang natitira na lang nating gawin ay..." Pinutol ni Sakura ang kanyang sasabihin dahil nagmatapang na lumapit sa kanya si Erizel at umupo sa gilid nito.
"Is? Sabihin mo!" Pasigaw na pagkasabi ni Erizel kay Sakura pero nginitian lang siya ng dalaga na parang nananakot.
"We just need to play the game." Mahina niyang tugon na nagdulot ng takot at kaba sa mga exchange students. Lumabas si Sakura ng kwarto at iniwang magulo ang isip ng mga kaklase. Dahil dito, nagkaroon sila ng ideya sa kanilang mga sarili na mayroong tyansa na malagay sa panganib ang kanilang buhay.
3rd Person's POV
May mga bagong studyante sa klase. Okay lang 'yan, diba sabi nga nila the more the merrier? At least ngayon eh may katulong na 'ko sa pagiisa-isa sa mga natitirang studyante sa seksyon. Buti na lamang at dumating siya. Magiging masaya ang mga susunod na mangyayare. Bukas na ng gabi ang JS prom. May gagawin kami na ikakagulat ng lahat ng studyante.
"Exchange students, hold on to your seats. I'm coming from hell to get you. Hahahahaha!" Mahina niyang bulong sa sarili habang nakatingin sa dorm ng mga transferees. Pumasok siya sa dorm nila na may bitbit na ngiti sa kanyang labi.
CHAPTER 9
Kinabukasan, sunod-sunod na nagdaratingan ang iba't-ibang magagarang gowns, tuxedo at kung ano-ano pang gamit sa loob ng campus. Ngayong araw kasi gaganapin ang pinakahihintay na araw ng mga juniors at seniors ng paaralan. Ngayong araw magaganap ang JS promenade sa St. Venille, hindi masyadong binigyang pansin ng mga studyante ang Academic Building, ito ay dahil excited ang lahat sa prom mamayang gabi. Gaganapin ang aktibidad sa isang venue na kung tawagin ay "The Glass Gardens". Ito ay pinalilibutan ng iba't-ibang klaseng bulalak, may mga ilaw na nakasabit sa mga puno at mayroong isang malaking spasyo sa gitna kung saan dito ginagawa ang mga events. Hanggang ngayon, hindi pa rin masyadong nakikipaghalobilo sila Erika sa mga exchange students. Kapag nagkakasalubong ang dalawang panig ay parang hindi sila mga magkakakilala. Alas-singko na nang hapon nang nagkaroon ng maikling briefing tungkol sa gaganaping prom.
"Okay class, huwag kayong maghihiwa-hiwalay after the event ha? Huwag din kayong masyadong mga pasaway. Malalaki na kayo." Paalala niya kaharap ang buong klase.
"Yes Ma'am!" Sabay-sabay na tugon ng mga studyante.
"Nga pala, kailangan ko ng isang student na magre-represent sa section natin para sa program mamaya, sino ba rito ang marunong kumanta?" Tanong ng guro sa klase, walang may gustong magtaas ng kanilang kamay dahil mga nahihiya sila. Hindi pa nagtagal ay biglang tumayo si Kyle.
"I'll do it." Confident na wika ni Kyle sa buong klase.
"Okay, that's it! It's settled. Ano nga pala yung kakantahin mo?" Curious na tanong ng guro sa dalaga.
"On my own by Whitney Houston" Mabilis na sagot ni Kyle.
"Nice choice! I'm looking forward to watch you perform later. Good luck!" Excited na dagdag ni guro, nginitian lamang siya ni Kyle sa kanyang sinabi. Ilang saglit lamang ay biglang tumunog na ang school bell.
"Class dismissed!" Anunsyo ng guro, pagkatapos nilang maranig ito ay biglang naggrupo-grupo ang mga studyante sa klase. Nagtatanong-tanong kung sino ang maaring makapartner sa darating na prom. Mabilis namang lumapit si Alexandra kay Hunter.
"Hi Hunter, Can you be my escort later?" Mahinhing tanong ng dalaga.
"Sorry ha? Kami na kasi yung magkapartner eh." Mahinang sagot ni Lacus kay Alexandra. Nayamot si Alexandra kaya bigla niyang itinulak si Lacus. Dahil dito, naagaw nila ang atensyon sa iba nilang kaklase.
"Boy fight? Really?" Tanong sa kanila ni Erika ng may napakasarcastic na tono.
"Ang checheap naman nila. Hahahahaha" Bulung-bulungan ng beasts. Agad tumayo si Lacus at bumaba papuntang Dorm B upang umiwas sa gulo. Ilang kilometro lang ang layo ay makikita sina Tiffany at Zero na nakaupo sa isang bench.
"Hmmmm, May gagawin ka ba mamaya?" Tanong ni Tiffany sa binata.
"Wala eh." Nakapokerface na sagot nito.
"Ikaw nalang partner ko ha?" Bulong ni Tiffany kay Zero, hindi na nagsalita si zero at tumungo lang ito. Sa sulok naman ng academic building ay nakatambay ang ilang babae ng seksyon six.
"Hayst! Wala nanaman tayong partner." Malungkot na wika ni Arsela sa kanyang mga kasama.
"Tssss. Hayaan mo na, lilipas din 'yan." Tugon ni Resha sa dalaga, kasabay ang pagtapik nito sa likod ng kaklase.
"Huwag na kayo magpartner. Mapapahamak lang kayo, lalake 'yan eh." Mataray na singit ni Cheska sa mga kasama.
"Sus! Bitter ka lang teh." Pabirong wika ni Melcy. Maya-maya ay nakita nila si Cameron na kasama si Alina, habang tinitignan nila ang dalag, pumangalumbaba si Resha.
"Buti pa siya may partner" Bulong ni Resha sa sarili, pagkatapos ay nagbuntong-hininga.
"Nako-nako! Tigilan na nga 'yang kadramahan na 'yan. Tara na't mag-ayos na tayo para mamaya." Anyaya ni Cheska sa mga kasama ngunit piniling magpaiwan ni Melcy.
"Oh? Hindi ka sasama?" Taas kilay na tanong ni Cheska kay Melcy.
"Sige, una na kayo ha? Ang Journalism club kasi ang in-charge sa mga posters para sa prom. Marami pa 'kong gagawin, susunod na lang ako." Excuse niya sa mga kasama. Iniwan nila si Melcy sa dulo ng academic building. Nandito rin kasi nakalocate ang printing press ng Journalism Club. Pumasok na si Melcy sa loob ng Journalism Club room at sinimulan na ang kanyang dapat gawin.
Habang busy ang dalaga sa kanyang ginagawa, biglan siyang nakarinig ng tatlong katok mula sa pintuan. Dali-dali niya itong binuksan sa pag-aakalang si Cj ang kumakatok, ngunit wala namang tao, dumungaw-dungaw din siya sa gilid ng pintuan ngunit wala talaga siyang makitang tao. Inilock niya na lamang ito at agad bumalik sa kanyang ginagawa.
Naglalakad papunta sa main room ng Journalism Club si Cj. Kakausapin siya ni Melcy tungkol sa mga gagawin nilang posters. Si Cj ang VP ng Journalism Club. Malayo pa lamang siya nang may nakita na siyang isang tao na harapan ng kwarto. Isang babaeng nakasuot ng isang nakakatakot na maskara. Kapansin-pansin ang mga natuyong dugo sa maskarang suot niya. Natakot si Cj at nagdesisyong magtago at balaan si Melcy.
***
Kahit anong mangyare, wag mong bubuksan ang pinto.
Nanganganib ang buhay mo.
***
Agad namang nareceive ni Melcy ang text ni Cj. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabasa ito. Tuloy-tuloy pa rin ang pagkatok ng babaeng nakamaskara sa pintuan, palakas ito ng palakas na siya namang mas lalong ikinatakot ni Melcy.
"Whoever you are! Stay away from me! Psycho!" Sigaw ni Melcy. Sa sobrang lakas ng sigaw niya ay narinig ito ni Cj. Pawis na pawis siya at hindi niya alam kung anong gagawin. Nagroroam naman si Erizel nang makita niyang nagtatago't takot na takot si Cj. Napakunot ang noo niya kaya't napagpasyahan niyang lapitan ito at tanungin.
"Oh? What happened?" Tanong ni Erizel sa binata.
"Yu-yung killer, next na si Melcy." Utal-utal na sagot ni Cj. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa kanyang narinig. Kumuha ng isang libro si Erizel sa kanyang bag at ibinagsak sa sahig. Malakas ang pagkakabagsak nito kaya nagdulot ng echo. Nakaramdam naman ang babaeng nakamaskara at agad siyang umalis sa tapat ng kwarto. Sinundan nila Cj at Erizel ito ng tingin ngunit mabilis itong nakatakas at nawala nang parang isang bula. Kumaripas sila ng takbo at dali-daling pinuntahan si Melcy sa main room ng Journalism club.
"Me-Melcy? Buksan mo yung pinto. Nandirito na kami ni Erizel." Wika ng binata habang kinakalabog ang pintuan. Nang marinig ni Melcy ang boses ng kaibigan, agad niya itong pinagbuksan. Niyakap niya si Cj ng mahigpit habang naluluha-luha dahil sa takot.
"I'm so glad na dumating kayo, akala ko mamatay na ko." Nanginginig na wika ni Melcy sa dalawa. Agad silang dumiretso sa kani-kanilang dorm para maghanda sa gaganaping prom sa Glass Gardens. Sinabihan na rin nila si Melcy na 'wag nang sumama ngunit mapilit ang dalaga kaya't naghanda pa rin ito.
Alas-singko na sa St.Venille, punuan ang tao sa parehong dorm. Halos lahat kasi ay inaayusan ng buhok, ang iba nama'y nagpapamamake-up. Nagbihis naman kaagad ang mga lalake.
Nang mag5:30 na, sinumulan na ng mga binata sunduin ang kani-kanilang mga partner. Makikita mong sunod-sunod ang labasan ng mga magagarang sasakyan sa campus. Naunang dumating sa venue ang beasts.
"Oh? Ang pretty naman ng mga flowers dito. I'll tell dad to buy me one of these, pagkatapos ay ipapalagay ko siya sa greenhouse namin sa roof top." Maarteng wika ni Angela habang hinahaplos ang mga bulaklak na kanilang nadaraanan.
"Really? Wala kayong ganyan sa bahay niyo? Kasi kami mayroong ganyan, halos lahat na yata ng klase ng bulaklak naroon na." Pagmamayabang ni Pau sa mga kasama.
"Ako ayoko, bat pa 'ko mag-aalaga niyan. Pagod lang at ang gastos pa." Praktikal na wika ni Catherine sa mga kaibigan.
"Yuck! Ang cheap mo talaga Catherine." Mataray na wika ni Samantha sa dalaga, pagkatapos ay inirapan ito.
"Oo nga, kabilang ka ba talaga sa beasts?" Mataray na tanong ni Kate ngunit hindi siya pinansin ni Catherine at nagpatuloy lamang sa kanyang paglalakad.
Maya-maya ay dumating na si Melcy na may bitbit-bitbit na posters. Ikinuwento niya ang kanyang karanasan sa may journalism club room sa klase pero hindi siya pinaniwalaan ng kanyang mga kaklase. Gumagawa lang daw ng kwento ito para mas lalo silang matakot. Isang napakalakas na tunog ng horn ang kanilang narinig, ito'y hudyat na magsisimula na ang programa.
"Good Evening Venillians! My name is Eulzimara Gomez of the sixth class and I'm going to be your emcee for tonight." Nagpalakpakan ang mga studyante nang makita ang guro sa stage.
"Are you ready for this night Venillians?" Masigla niyang tanong sa lahat, agad sumagot ang mga studyante ng "yes ma'am!".
"Then what are we waiting for? Let's start this thing!" Sigaw ng guro, agad tumugtog ng malakas ang mga naglalakihang speakers na nakakalat sa venue. Kung ano-anong mga music ang maririnig, may mga pangparty at mayroon ding mga pangslow dance.
Sa table ng sixth section, ang sama ng tingin ni Alexandra kay Lacus dahil nakapartner nito si Hunter imbis na siya. Maya-maya ay lumapit sa kanya si Caleb.
"Hmmm? Naunahan ka no?" Natatawang tanong ni Caleb kay Alexandra
"Oo eh." Mahinahong tugon ng dalaga habang umiiling-iling.
"Would you like to dance?" Nang marinig ni Alexandra ang alok ni Caleb ay agad siyang napayuko at ngumiti.
"S-Sure?" Sagot niya sa binata, agad silang dumiretso sa gitna kung saan maraming studyante rin ang masayang nagsasayawan. Mararamdaman mo ang pag-ibig sa bawat kanto ng glass gardens. Ang iba nama'y iba ang inaatupag, kumakain at nagaasaran habang pinapanood ang iba sumayaw.
"Oh? Ingat-ingat lang ha? Baka matulad kay Xyza." Pabirong paalala ni Cheska sa mga kaklase.
"She deserve to die anyway, she's the campus girlfriend for fun's sake!" Mataray na wika ni Aliza. Tinapik naman siya ng kanyang kapatid na si Alina na laging nakabuntot sa kanya.
"You're so evil ate!" Binalewala lang siya ni Aliza at tinuloy ang pagsabi kay Xyza ng masasamang bagay tungkol kay Xyza.
"Let's face it, our section is much better without her. We don't need that girl inside our class. Besides, dagdag lang siya sa mga epal sa classroom. Hahahahaha!" Wika niya habang sumasayaw kaharap ang iba niyang kaklase. Hindi naman umimik si Erika sa nangyare at nagmamasid-masid lang sa kanyang paligid.
"Alam mo Aliza, you're drunk! Tara na't ihahatid na kita sa kotse mo." Anyaya ni Arsela, hinawakan niya si Aliza pero nagmatigas siya at tinaasan lamang ng kilay ang kaklase.
"You don't have the guts to fight me!" Naghahamong bulong ni Aliza. Bago pa man magkairingan ang dalawa ay pumunta si Ms. Gomez sa stage.
"Okay, let me call your attention guys. I'm here to proudly introduce one of my students, she's going to perform a song in front of you guys." Mahinhing anunsyo ng guro.
"Please give her a round of applause, Ms. Kyle Dominique Comsti!" Proud niyang pagpapakilala sa mga studyante. Biglang tumugtog ang pyesa niyang "Try it on my own" ni Whitney Houston. Natahimik ang mga studyante at itinaas ang kanilang mga dalawang kamay. Nagdilim din ng kaunti ang buong venue habang kumakanta si Kyle na para bang nasa kanya lamang ang spotlight.
Kyle:
"And I am not afraid to try it on my own
I don't care if I'm right or wrong
I'll live my life the way I feel no matter what I'm gonna keep it real
You know
Time for me to do it on my own"
Mararamdaman mo ang malaanghel na boses ni Kyle sa kanyang pagkanta. Kahit na maypagka warfreak siya sa lahat ng bagay, makakalimutan mong masama siyang tao kapag narinig mo ang boses niya. Habang nasa gitna siya ng kanyang kinakanta ay biglang nagliyab ang harapan ng stage. Mabilis na nagkagulo ang mga studyante sa glass garden. Nagsisigawan at nagtatakbuhan sa iba't-ibang direksyon. Hindi naman nila matulungan si Kyle dahil napapalibutan ang dalaga ng apoy.
"Guys, kunin niyo yung fire extinguisher sa entrance." Wika ni Cameron kay Cj na para bang nagpaparamdam na siya na ang kumilos.
"Oh ano? Ako nanaman?" Angal niya kay Cameron
"It's not my responsibility." Singit ni Zero kay Cameron habang nakapokerface. Tumingin naman si Cameron sa paligid nang nakita niya si Hunter na kasama si Lacus paalis ng venue.
"Ako na nga kukuha, ang lalaki ng katawan niyo ayaw niyo gamitin." Prankang sinabi ni Tiffany sa tatlong lalake. Agad kumaripas ng takbo ang dalaga papunta ng entrance para kunin ang fire extinguisher.
Makikita mo si Kyle na nasa gita ng nagliliyab na stage, unti-unting natutuklap ang kanyang balat dahil sa sobrang init. Humakbang siya paatras nang bigla siyang natisod sa isang manipis na sinulid. May narinig siyang malakas na tunog galing sa itaas, pagtingin niya rito ay nakita niyang babagsakan siya ng isang maliit na chandelier. Itinakip niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha. Natahimik na lamang ang nang mayroon silang narinig na malakas na ingay. Bumagsak sa mukha ni Kyle ang chandelier na agad niya namang ikinamatay.
Pagkabalik ni Tiffany galing sa entrance, agad niyang ibinigay ang fire extinguisher sa mga lalaki. Agad nilang napatay ang apoy na bumabalot sa stage, pero nagulat at nandiri sila sa kanilang nasaksihan. Basag-basag ang buong katawan ni Kyle at makikita ang malalaking glass shards mula sa chandelier na bumaon sa katawan ng niya. Nagdesisyon ang paaralan na huwag nang paabutin pa ng alas-dose ang programa dahil sa nangyaring insidente. Bumalik lahat ng studyante ng luhaan dahil sa pagkawala ng isa na namang kaibigan. Nagsimula ang araw ng masaya ngunit nagtapos naman ito ng lungkot at takot sa bawat puso ng studyante.
CHAPTER 10
Naging headline sa St. Venille Chronicle ang nangyari sa prom. Mabilis kumalat ang balita sa buong paaralan. Napagpasyahan ni Melcy na kailangan na ring makielam nang ibang seksyon sa pagtugis sa nasabing killer. Naisip niya na kapag hindi niya pa ito gagawin, iisa-isahin silang lahat. Alam niya sa sarili niya na malaki ang posibilidad na siya na ang susunod, dahil sa naranasan niya sa journalism club room. Agad ikinabahala ni Erika ang kanyang nabasa sa isinulat ni Melcy ukol sa kanilang seksyon. Sa loob ng classroom, dumiretso siya't nilapitan ang upuan ni Melcy. Malakas niyang ibinalibag ang school's newspaper sa harapan ng dalaga.
"Ano nanaman 'to Melcy?" Naiiritang tanong ni Erika. Tumayo si Melcy at humarap kay Erika, mararamdaman ang tensyon sa dalawang studyante sa kanilang mga mata.
"Ito na lang ang nakikitang kong paraan Erika. Kapag hindi pa ako hihingi ng tulong sa iba, eh baka maubos tayo." Kalmadong paliwanag ni Melcy.
"Bakit? Kasi ikaw na ang susunod?" Sarkastikong tanong ni Erika. Nanlaki ang mga mata ni Melcy nang marinig niya ang tanong ng kaklase.
"Oisst! Tama na nga 'yan, magkakainitan pa kayo eh." Saway ni Hunter sa dalawa. Tatayo sana si Alexandra para makisali sa away pero pinigilan siya ni Lacus.
"Huwag ka nang mangielam, mapapahamak lang tayo niyan eh." Tinaasan lang siya ng kilay ni Alexandra at inirapan.
"Pakielam mo ba? Dun ka na nga sa Hunter mo." Mataray na sagot ni Alexandra kay Lacus. Natahimik naman si Lacus nang marinig niya ang sinabi ni Alexandra. Pumunta siya sa harapan kung saan nagkakainitan na ang dalawang babae. Tumabi siya kay Hunter at para bang crinoss ang kanyang balikat sa balikat ni Hunter.
"Go Erika, kaya mo yan." Pagche-cheer ni Alexandra habang pinagmamasdan ang dalawang kaklase.
"Tch. Another warfreak in our class." Bulong ni Zero sa sarili ngunit narinig siya ni Cj sa kanyang likuran kaya't tinapik siya nito sa likuran. Napalingon naman si Zero at nakitang nakangiti sa kanya ang binata.
"Sinabi mo pa." Matipid na bulong ni Cj kay Zero.
"Alam niyo guys, hindi makatutulong sa atin 'to eh." Singit ni Pau sa usapan.
"Oo nga, Guys magtulungan tayo." Dagdag ni Catherine.
"Sus? Kami lang kaya, hindi ka kasama. Huwag kang feeler Catherine." Asar ni Pau sa kaibigan. Natahimik ang dalawa at nagdesisyong hindi na magpansinan. Habang nagka-klase, naisipang lumipat ni Sakura sa tabi ni Melcy. Napatingin naman siya rito at nagtaka kung bakit siya lumapit sa kanya. Hawak-hawak niya ang stuffed toy na bear niyang si Mika.
"Ang cute naman ng stufftoy mo, parehas kayo ni Zoey." Pagpupuri ni Melcy habang tinitignan si Mika. Narinig siya ni Zoey na nasa likuran lamang nilang dalawa.
"No we're not! Mine's better." Angal ni Zoey habang niyayakap ang kanyang rabbit stuffed toy. Hindi pinansin ni Sakura ang sinabi ni Zoey. Lumapit siya sa mukha ni Melcy hanggang sa nakatapat na ang kanyang bibig sa taenga ni Melcy.
"You're next." Bulong ni Sakura sa dalaga. Tumaas ang balahibo ni Melcy at nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig niya ito. Dala ng sobrang kaba, naitulak niya ang armchair ni Sakura ng malakas.
"No way! I'm not going to die today, tomorrow or soon!" Nagpapanik na sigaw ni Melcy na siyang ikinagulat ng lahat. Humarang si Cameron sa pintuan dahil nakita niyang nagbabalak lumabas si Melcy ng kwarto.
"Huwag kang lalabas." Babala ni Cameron kay Melcy
"I need to hide from the killer! Let me out!" Nangigigil na sigaw ni Melcy kay Cameron. Ginugulo-gulo niya ang kanyang buhok na para bang nawawala sa sarili. Nagmatigas si Cameron at hindi umalis sa harap ng pintuan. Tumingin sa paligid-ligid si Melcy at may nakitang ballpen sa sahig. Dali-dali niya itong kinuha, pagkatapos ay sinaksak si Cameron sa mukha gamit ang ballpen. Napalakas ang pagsaksak ni Melcy kaya nagdulot ito ng mga sugat, ngunit hindi pa rin umalis ang binata sa kanyang kinatatayuan. Hinawakan nila Caleb ang mga braso ni Melcy upang pigilan makalabas ng kwarto. Sigaw siya ng sigaw ang dalaga na parang isang baliw habang sinusubukang kumawala sa mahigpit na hawak sa kanyang mga braso. Iniisip niya na kapag hindi siya nakalabas dito ay mamatay lamang agad siya. Tumayo si Zoey at marahang naglakad papuntang harapan habang hawak-hawak ang kanyang stufftoy.
"Kumalma ka ate Melcy, walang magandang idudulot 'yan sa'yo kung ipagpapatuloy mo yang paghahallucinate mo." Napaupo si Melcy sa sahig nang marinig niya ang sinabi ni Zoey. Nilapitan siya ni Erika sa gilid nito upang patahanin.
"Sorry ha? Hayaan mo, matatapos din lahat ng 'to kapag nalaman natin kung sino ang killer." Bulong ni Erika sa kaibigan. Pagpapakalma niya sa kaklase. Napatingin sa kanya si Melcy, pagkatapos ay mahigpit niyang niyakap si Erika.
Ilang saglit lamang ay nagring na ang school bell. Lumabas na agad sila para maghanda't pumasok sa kanilang P.E class. Nagpuntahan ang mga studyante sa kanya-kanyang locker room upang magbihis. Nahuling pumunta si Cheska sa locker room dahil mayroon pa siyang kinopya na notes sa blackboard. Pagdating niya rito ay may napansin siyang kakaiba. Mayroon siyang mabigat na nararamdaman sa kanyang paligid ngunit hindi niya ito masyadong binigyang pansin at dumiretso lang para kuhanin ang kanyang gamit sa locker. Pagbukas niya ng locker ay bumungad ang isang CD na nakaipit sa kanyang P.E uniform. Dahil sa takot naramdaman, nagmadali siyang nagbihis at kumaripas ng takbo papuntang gym upang ipakita ang kanyang nakuhang CD.
"Look guys, I saw this thing na nakaipit sa may P.E. uniform ko." Wika ni Cheska habang winawagayway ang CD sa harap ng klase.
"Maybe that can help us to find who is the real killer." Wika ni Zero.
"Meron akong laptop pero nasa Dorm B. Tara!" Anyaya ni Arsela sa mga kasama, total ay wala pa naman ang kanilang P.E. teacher sa gym.
"Pero may klase pa tayo ah? Baka mamaya dumating si ma'am." Angal ni Cameron.
"Kung ayaw mo edi huwag, simple lang naman eh." Mataray na tugon ni Aliza.
"Tch. Kayong bahala, basta pagnagkahulihan labas ako riyan ah." Pagmamalinis ni Cameron.
"Whatever." Matipid na sagot ni Aliza. Agad dumiretso sina Zero, Cheska, Aliza at Arsela sa Dorm B. Habang papasok sila ng dorm, nakita niyang magkasama sina Cj at Melcy. May dala-dala silang tig-isang paper bag na may lamang groceries. Exempted sina Cj at Melcy dahil parehas silang officers ng Journalism Club. Dahil sa kyuyosidad, nilapitan ni Arsela ang dalawang kaklase upang tanungin.
"Para saan yan?" Tanong ni Arsela habang sinisilip ang laman ng paper bags.
"Hindi ba bukas na yung field trip natin? Heto, maghahanda kami ng barbequeng baon para bukas." Paliwanag ni Cj. Nagulat na lang si Cj nang makita niyang nasa likuran niya na pala si Chantelle at tahimik na nakikinig sa kanilang usapan.
"Ang aga niyo naman maghanda ng baon, ako nga mamayang gabi pa lang ako maghahanda kasama sina Erika." Wika ni Arsela.
"Ganun talaga kaming mga taga-London, maagang nagpreprepare. Charot." Biro ni Cj, pagkatapos ay nagsmirk.
"Oo, mayaman yan si Cj. Siya ata yung pinakaelite sa lahat ng elite." Dagdag ni Melcy na may halong sarcasm.
"Huwag niyo nang ituloy yan." Babala ni Chantelle sa dalawa. Napatingin sila at nailang dahil sa sinabi ng kaklase. Tinaasan siya ng kilay ni Cj habang hindi naman makagalaw si Melcy sa kinatatayuan dahil naalala niya ang sinabi ni Sakura.
"Huwag ka ngang KJ diyan, hayaan mo bibigyan ka rin namin para naman madama mo kung gaano ko kasarap magluto." Biro ni Melcy kay Chantelle, nagtawanan ang tatlo habang nauna na pala sina Zero sa dorm nila Arsela. Binatukan naman ni Cj si Melcy nang mahina.
"Ikaw talaga, puro ka kalokohan! Tara na nga." Wika ni Cj kay Melcy.
"Sige Arsela, balitaan mo na lang ako." Paalam ni Cj kay Arsela habang kinakaway-kaway ang kamay na sign ng babye. Dumiretso si Arsela sa Dorm nila, naratnan niya sina Cheska na nakaupo na sa sahig at hinihintay na lamang sila.
"Ang tagal mo." Reklamo ni Cheska habang nakatingin kay Arsela.
"Sorry ah, tinignan ko lang kung anong binili nila Cj." Excuse ni Arsela.
"I-play niyo na nga lang nang matapos na yan." Utos ni Aliza sa mga kasama. Umupo si Arsela sa sahig katapat ang laptop. Pinasok naman ni Zero ang CD na nakuha ni Cheska sa kanyang locker. Nagplay bigla ang isang video, wala itong laman na litrato kung hindi audio lamang. Nang pinindot ni Arsela ang play button ay biglang silang kinabahan. Maririnig ang sigaw nang isang lalake, sigaw lang siya nang sigaw ng "saklolo" hanggang matapos magplay ang video. Kinabahan sina Arsela sa kanilang narinig dahil pakiramdam nila'y mababawasan na naman sila sa klase. Pagkatapos magplay ng CD ay biglang may nagpop-up na mensahe sa screen.
***
Made of stainless steel,
Connects to country's symbol.
Pulled up at Monday
***
"Ano 'yan?" Curious na tanong ni Arsela sa mga kasama.
"Ewan ko, baka clue yan?" Tugon ni Aliza na nasundan ng pagkibit-balikat.
"Isulat niyo na lang sa papel, pagkatapos ay ireport mo kay boss." Suggestion ni Cheska sa mga kasama. Napatingin naman si Zero kay Cheska na may halong curiosity sa mga mata nito.
"Sinong boss?" Nakataas na isang kilay niyang tanong kay Cheska.
"Sino pa? Edi si boss Erika, ang bossy kasi nun porket president lang." Natatawang sagot ni Cheska kay Zero.
"Tss. Inggit ka lang e." Asar ni Zero kay Cheska. Ang sama naman ng tingin ni Cheska kay Zero dahil konte lang ang nakakagawang mangasar kay Cheska, ito ay dahil sa maangas at pagkaboyish na attitude nito.
"Gusto mo nito?" Tanong ni Cheska kay Zero habang pinipit-point ang kanyang braso na habang flineflex sa harap ni Zero. Walang pakielam si Arsela sa asaran ng dalawang magkaibigan. Nang matapos niya nang isulat ang nakitang mensahe, kumaripas siya ng takbo papunta sa gym upang ipamalita ito.
Sa dorm naman nila Melcy ay abalang-abala ang dalawa sa pag-aayos ng mga pinamiling grocery. Hinanda na ni Melcy ang kanilang griller sa may backyard ng dorm nila para mag-ihaw. Sinet-up niya na rin ang mga kailangan nilang gamitin. Habang nasa gitna ng pagluluto ay biglang nagtext si Arsela kay Cj.
***
Punta ka rito sa Gym, may kailangan kang malaman
-Arsela
***
Napakunot naman ang noo ni Cj nang mabasa ang text ni Arsela. Nakita naman ni Melcy ang reaksyon ng kaibigan kaya agad siyang nilapitan ng dalaga.
"Oh? Bakit? May problema ba?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Melcy. Hindi sumagot ang binata at kinuha lang niya ang kanyang bag sa upuan sa gilid ng griller.
"Oy Melcy, wait lang ha? Tinatawag kasi ako nila Arsela, pumunta raw akong gym sandali. Mukhang may importanteng sasabihin eh, saglit lang naman ako eh. Diyan ka lang ha?" Paalam ni Cj kay Melcy na abalang nagpapaypay sa binabarbecue niyang steak. Sinarado ng binata ang pintuan habang naiwan ang kaibigan na mag-isa sa dorm.
"Ano ba to! Ang usok-usok." Mahinang bulong niya sa sarili. Wala pang limang minuto nang maka-alis si Cj ay biglang bumukas ang pintuan papunta sa backyard nang dorm nila Melcy.
"Oh? Ambilis mo naman Cj. Namiss mo ko noh?" Pabirong wika ni Melcy habang tuloy pa rin ang paypay, hindi siya masyadong makakita dahil sa makapal na usok na tumatama sa kanyang mga mata. Nagulat na lamang siya nang bigla nalang may nanabunot sa bandang likuran niya, hinampas ang kanyang mukha sa griller. Sigaw siya nang sigaw pero walang tao sa Dorm B sa mga oras na 'to dahil brienifing ang lahat ng studyante sa mangyayaring fieldtrip kinabukasan.
Makikita sa mukha ni Melcy ang mga linya-linyang paso. Hindi siya makalaban dahil iniinda niya pa rin ang sakit sa pagkakahampas sa kanya sa griller. Hindi rin siya malinaw na makakita, nanlabo ang kanyang paningin dahil sa pasong natamo sa kanyang mga mata. Sinabunutan ulit siya sa buhok, pagkatapos ay malakas siyang inuntog sa pader ng misteryosong tao. Kapansin-pansin ang tuloy-tuloy na danak ng dugo sa sahig. Kinaladkad si Melcy papasok ng dorm at idiniretso sa banyo. Binuksan ng nakamaskarang babae ang gripo ng bathtub at inilagay sa "hot" ang temperatura ng tubig. Nakaupo si Melcy sa sahig na para bang nawawalan na ng consciousness sa sarili.
"P-p-parang ahh-waa mo n-n-na, Let m-me g-goo." Mahinang pakiusap ni Melcy, binaliwala lang siya nito't hindi pinansin. Nang makitang puno na ang bathtub ay inilublob niya ang mukha ni Melcy sa tubig. Sigaw nang sigaw si Melcy sa sobrang sakit, agad nagkulay pula ang tubig dahil sa dugong lumalabas sa kanyang mga sugat. Tawa naman nang tawa ang babae habang paulit-ulit niya itong ginagawa kay Melcy.
3rd Person:"Masaya ba magswimming?!" Mahina niyang bulong kay Melcy at nasundan ito nang nakakapangilabot na tawa. Hindi niya na pinatagal at nilunod niya na ang dalaga sa tubig. Punong-puno ng dugo ang buong banyo at makikita ang blood trail nito mula backyard papuntang banyo. Nang makabalik si Cj sa Dorm nila Melcy ay agad itong nagsisisigaw sa kanyang nasaksihan. Narinig naman ito ng ilan niyang mga kaklase kaya dali-dali siya nilang pinuntahan.
"B-B-Bakit anong nangyare?" Tanong ni Hunter kay Cj. Napayuko si Cj habang kaharap si Hunter at naluha dahil sa nangyare.
"W-w-w-w-w-walaa na s-s-s-si " Pautal-utal na sumbong ni Cj kay Hunter
"Si?" Naguguluhang tanong ni Hunter.
"Melcy." Matipid na sagot ni Cj. Nanlaki ang mga mata ni Hunter at dumiretso sa nasabing dorm. Nagulat siya sa kanyang naratnan. Makikita mong kalat-kalat ang bakas nang dugo sa sahig. Nabalitaan naman nila Erika ang nangyare kay Melcy. Nalate namang dumating si Zoey habang hawak nito ang papel na sinulatan ni Arsela.
"Isang haiku ang ginamit ng killer." Wika ni Zoey sa kanyang mga kasama.
"Haiku?" Tanong ni Tiffany.
"5 7 5 ang pattern ng haiku, mayroon itong 17 syllables at ito ay isang uri ng poem. Dumidescribe ito sa isang bagay. Ang sagot sa haiku ay isang -" Paliwanag ng dalaga pero hindi niya na itinuloy ang kanyang sinasabi. Napaatras siya ng tatlong hakbang nang makita niyang dumating na ang isa sa kanilang mga kaklaseng babae. Marahan itong lumapit sa kanila habang suot ang isang napakatamis at mapaglarong ngiti.
CHAPTER 11
Sa halip na ituloy ang kanyang sinasabi, pumasok na lamang si Zoey sa kwarto. Bago pa man niya masarado ang pintuan ay iniharang ni Tiffany ang kanyang paa. Kumatok ito ng tatlong beses at ngumiti.
"Ahmmm? Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya habang nakatingin kay Mister Nameless, ang pangalan ng stuffed toy bunny ni Zoey.
"Sige." Matipid sagot ni Zoey. Binuksan ng dalaga ang pintuan at pinatuloy ang kaklase sa loob. Umupo silang magkatabi sa sofa at nagsimulang magkwentuhan.
"I know na this is kinda weird pero kasi nacurious lang ako.." Pagsisimula ni Tiffany.
"Ano ang sagot sa haiku?" Tanong ng dalaga kay Zoey na may halong kyuryosidad. Inilapit ni Zoey ang kanyang bibig sa taenga ng dalaga at bumulong.
"Flagpole." Malamig na bulong ni Zoey. Pagkatapos niya itong sabihin ay bigla siyang lumayo kay Tiffany at niyakap si Mister Nameless.
"Alam kong may alam ka sa lahat ng nangyayare, paano mo nalamang si Melcy na ang susunod?" Sumunod na tanong ni Tiffany na may halong panginginig ng boses.
"May kasagutan ang lahat ng bagay. Sa tamang panahon mo lang ito malalaman." Misteryosong tugon ni Zoey sa dalaga. Napalunok si Tiffany at nagdesisyong lumabas na sa dorm. Paglabas niya ay nakasalubong niya si Chantelle, sinubukan niya itong titigan sa mata. Mahahalatang may ibig-sabihin ang titig ni Chantelle kay Tiffany. Pagkatapos nang nangyaring insidente, nagdesisyon ang lahat na ipagdasal na ang kaluluwa ni Melcy bago magtapos ang araw. Nagfile na rin ng report ang school sa pulisya matapos ang insidente.
Kinabukasan, maagang nagsigisingan ang mga studyante sa St. Venille. Nagsisilabasan sa kani-kanilang dorm at hinahanda ang mga gamit na kailangan para sa magaganap na fieldtrip. Maaga pa lamag ay umaalingawngaw na agad ang sigawanan ng mga studyante. Papunta pa lang quadrangle ang magkakaibigang sina Sakura, Alyssa at Erizel nang marinig nila ang sigawan. Habang nagiikot-ikot sa campus ay nakita nilang maraming tao ang nasa quadrangle.
"Oh? Bakit ang daming tao sa quadrangle? Akala ko ba eh may last briefing tayo sa may court bago magsimula ang tour?" Tanong ni Erizel sa mga kasama.
"Ewan ko? Mga excited lang siguro." Natatawang sagot ni Alyssa.
"Someone died." Malamig na bulong ni Sakura habang hawak-hawak ang kanyang stufftoy na si Mika. Napatingin naman bigla ang dalawang magkaibigan sa kanya. Kitang-kita sa kanyang mukha na seryoso siya habang nilalaro ang stufftoy. Napakunot naman nang noo si Erizel.
"H-ha? Paano mo naman nasabi 'yan aber?" Kinakabahang tanong ni Erizel kay Sakura.
"Go there and find out." Wika ni Sakura sa dalawang kasama, tumalikod siya at dumiretso sa kanyang dorm para ayusin ang kanyang gagamitin sa fieldtrip.
Mabagal naglakad papunta ang dalawang dalaga sa quadrangle. Nanlaki ang kanilang mga mata nang makitang may nakasabit na lalaki sa hook ng flagpole. Nakatagos ang lalamunan niya sa hook na para bang ginawa siyang damit na isinasampay lang sa hanger. Tinakpan ni Erizel ang kanyang bibig dahil sa gulat at kaba sa kanyang nasaksihan. Napadock naman si Alyssa sa sahig habang sumisigaw. Hindi nila masyadong makita ang mukha ng lalaki dahil sa sobrang layo. Sinubukan nilang lumapit sa flagpole para masilayan kung sino ang lalaking namatay. Nadatnan nilang nasa harap na si Sakura habang pinagmamasdan ang lalake.
"Flagpole, flagpole ang sagot sa haiku." Malamig niyang bulong sa sarili.
"Kailangan 'tong malaman nila Erika." Wika ni Erizel. Nanginginig niyang inilabas ang kanyang cellphone at dali-daling pinindot ang mga numero ni Erika upang tawagan.
"Oh? Napatawag ka?" Bungad ni Erika sa kabilang linya.
"Kailangan niyo 'tong makita, pumunta kayo sa quadrangle. Ngayon na! Nandito kami sa harap ng flagpole." Natataranta niyang pagkasabi kay Erika.
"Bakit? Anong nangyayare?" Naguguluhang tanong ni Erika.
"Basta! Mahabang kwento." Tugon ni Erizel. Agad ibinaba ni Erika ang telepono at tinipon ang kanyang mga kaseksyon. Sama-sama silang nagtungo sa flagpole at sinubukang kilalanin ang lalake.
"I know him..." Bulong ni Erika sa mga kasama.
"Diba si Mr. Lee yun?" Tanong niya sa beasts.
"Lee? Who is he?" Pabalik na tanong niya sa mga kaklase. Napatingin si Kate kay Angela habang ngumunguya ng bubblegum.
"I don't care who he is, tignan niyo oh? Bagong manicure ako today." Pagmamayabang ni Kate sa barkada.
"Ohhh? Ang cute naman niyan, color pink yung kyutiks mo." Excited na wika ni Samantha habang tinitignan ang mga kuko ni Kate.
"Hahaha? Ikr. Sayang wala na si Melcy, papakita ko pa naman sana 'to." Bulong ni Kate kay Sam habang nakatitig sa kanyang mga kuko.
"Siya si Hashikawa Lee, yung isa sa mga dead kid ng klase. Ang pagkakaalam ko eh ayaw niyang makipaghalobilo sa ibang tao ng husto. Siya yung tumulak kay Erika nung class picture taking day. Ang sungit kasi niyan e. Remember?" Pagkwe-kwento ni Catherine.
"Ayieeee, siguro kaya kilala mo siya kasi crush mo siya no?" Pangaasar ni Pau sa kaibigan habang sinusundot ang kaklase sa kanyang tagiliran.
"Tigil-tigilan mo ko Pau ah? Kakagising ko lang." Nanabagot na sagot ni Catherine.
"Ahh? Siya pala yun? Hindi ko ramdam e." Mataray na pagkasabi ni Aliza kasabay ang paghawi niya sa kanyang mahabang buhok. Bigla silang nakarinig ng pito mula sa likuran ng quadrangle. Agad itong nakaagaw atensyon sa lahat ng studyante. Nakita nila si Ms.Gomez kasama ang prinsipal. Nakachin-up ang punongguro at dali-daling binuksan ang kanyang hawak na megaphone.
"All students, punta sa gym for the guidelines about sa camping tour!" Mataray na anunsyo ng principal. Nang marinig ang anunsyo, nagmadali ang mga studyante magsipuntahan sa gym. Bago lumisan ang principal sa quadrangle, mayroon muna siyang nilapitan na guard at binulungan.
"Ireport mo rin ito ha? Ikaw nang bahala, kailangan ako sa court ngayon." Bulong niya, pagkatapos ay dumiretso na ang punongguro sa court.
Pagdating nang prinsipal ay maayos nang nakapila ang bawat seksyon. Kilala kasing terror na tao ang principal ng St. Venille. Gagawin niya ang lahat para mamaintain ang standing ng school sa Top 10's most outstanding school. Mga elite lamang ang maaring makapasok sa prestihiyosong school na 'to. Ang iba naman ay mga "scholar" lang kaya nakakapasok. Kailangan mo ng 90+ average sa grade para matanggap bilang scholar.
Habang naglalakad papuntang gym, may napansin si Kate na kakaiba sa isang room na kanyang naraanan. Tumingala siya at tumingin sa room number. Room 666, iyan ang nakalagay na numero sa taas ng pintuan. Napalunok siya sa kanyang nakita at napaatras ng dalawang beses. Nagulat ang dalaga nang bigla na lamang may yumakap sa kanya at sinaksakan siya ng syringe sa leeg. Unti-unting bumagsak ang dalaga hanggang sa nawalan na siya ng malay.
Maya-maya ay nagumpisa na ang pagaanunsyo ng guidelines para sa gagawing camping tour. Magst-stay ang lahat ng studyante sa loob ng iisang camp. Nagpakita ang prinsipal ng iba't-ibang features ng kanilang destinasyon. Tatagal ng tatlong araw ang kanilang camping tour. Ang camp na kanilang tutuluyan ay tinatawag na "Koch's Camp". Maganda ang mga features ng camp na ito. May iba't-ibang klaseng mountain activities para sa lahat ng studyante. May rapelling, mountain climbing, hiking at iba pa. Bago matapos ay biglang may nagpop-up na icon sa gitna ng screen. Nagtaka naman ang lahat nang studyante nang makita ito dahil unang beses pa lamang nagkaroon ng technical problem ang school. Pinindot agad nila ang "X" sa nagpop-up na icon.
"Oh? Anong nangyare! Paayos niyo nga sa technician!" Nangagalaiting utos ng principal sa isang operator.
"Yes Madam!" Mabilis na sagot ng technician at dumiretso agad sa operations room ng gym.
Pagkaexit nila rito ay biglang may nagplay na video sa gilid. Ang nasa video ay walang iba kung hindi si Mariel Kate Pascual. Nakaupo't nakapatong ang kanyang kamay sa isang malapad na mesa. May mga maliliit na kutsilyo na nakasingit sa kanyang mga kuko. Mapapansin din ang iba't ibang issue ng newspaper ng Journalism Club na nakakalat sa sahig. Mayroon ding hacksaw na nakadiin sa kanyang dalawang wrists. Maya-maya, may tumunog na kakaiba sa speaker. Agad naman nagsitakipan nang tenga ang mga studyante. Napatingin ang punongguro sa kanyang kaliwa't kanan. Inutusan niya ang mga guro na lipunin ang kanilang mga studyante at pabalikin na muna sa classroom.
Si Kate o Mariel Kate Pascual ay kabilang sa grupong beasts. Siya ang tinatawag na "The Gossip Queen" dahil halos lahat ata ng studyante sa school ay kaibigan niya. Nakuha niya ang title dahil siya ang may pinakamaraming source kapag sa rumors or news tungkol sa school. Siya ang pinagkukuhanan ni Melcy kung ano ang bagong balita o chismis na kumakalat sa paaralan.
"Amboring no? Gusto ko ulit makipaglaro sa inyo. Nakikita niyo naman siguro kung sino ang taya hindi ba?!" Nakapangingilabot na anunsyo ng misteryosong tao sa speaker.
"Tigilan mo na ang kalokohang 'to! Kung ayaw mong ipapulis kita." Pananakot ng prinsipal. Hindi naman ito masyadong pinansin at tinawanan lang siya na parang isang bata. Tataas ang mga balahibo mo kapag narinig mo ang kanyang tawa. Mararamdaman mong parang demonyo ang tumatawa.
"Matagal-tagal na rin tayong hindi nakapaglaro mahal kong seksyon six. Heto ang papabaon ko sa inyo sa field trip niyo." Mapaglarong wika ng misteryosong tao sa speaker.
Biglang nagising si Kate mula sa kanyang kinauupuan. Nang makita niyang may mga kung anu-anong nakakabit sa kanyang mga kamay ay sinubukan niyang galawin ito. Kaunting urong niya lamang ay agad itong nasugatan dahil sa nakadiing hacksaw sa wrists niya. Maya-maya ay may narinig siyang tunog ng isang makina galing sa kanyang harapan.
"Masyado ka nang maraming chismis na ipanapakalat Miss Gossip Queen. This time, ikaw ang star ng chismis na 'to. Oh diba? Ang saya? Let the game begin!" Mapaglarong wika ng misteryosong tao.
"F*ck! Kung sino ka mang demonyo ka! Makonsensya ka, bullsh*t ka! Let me go!" Sigaw ni Kate habang pinapakiramdaman ang mangyayari sa paligid. Maya-maya ay may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang baby finger o mas kilalang "pinky" finger. Unti-unting inaangat nito ang kuko ng dalaga. Agad namang sumirit ang dugo sa kanyang unti-unting natatanggal na kuko.
"Ahhhh! Sh*t ka! Alam mo bang bagong manicure ko lang?" Nagkukumahog na sigaw ni Kate. Maya-maya ay marahang umangat ang kanyang kuko sa ring finger. Nanginginig ang dalawang kamay ni Kate, gusto niya mang makaalis pero hindi niya magawa dahil sa hacksaw. Nasundan pa ang pagtutuklap o pagtatanggal ng mga kuko ng dalaga hanggang sa maubos ang lahat ng ito. Iyak lang siya nang iyak at sigaw nang sigaw ng iba't - ibang klasing mura sa kwarto. Makikita mong halos mapuno na ng dugo ang lamesa.
"Ano? Sana masaya ka na! F*ck you! I swear na pagbabayaran mo to! G*go ka!" Pagbabantang sigaw ni Kate ng may nanginginig na boses. Bigla namang may bumuhos na alcohol mula sa kisame na nagdulot ng hapdi sa dalaga. Dumiretso ito sa mga nagdudugong kamay ni Kate. Napasigaw siya sa sobrang sakit. Alam niya sa sarili niya na mamatay na siya pero hindi niya alam kung bakit pa siya pinapahirapan nang ganito.
"Pleasse? Patayin mo na lang ako!" Pagmamakaawa't mangingiyakngiyak niyang sigaw na may kasama pang piyok. Nawawalan na siya nang boses dahil sa kakasigaw. Natahimik ang lahat nang nasa paligid niya. Umiiyak na si Cj habang pinapanood ang kaibigan na magdusa. Wala naman sina Hunter at Cameron sa gym dahil sinusubukan nilang hanapin kung saang room ikinulong ng killer si Kate. Alam nila na nasa loob lang ng campus si Kate. Sumisigaw na si Kate nang "tulong" at nagbabakasakaling may makarinig sa kanya. Saktong-sakto dahil nasa 4th floor ng MAPEH Building sina Hunter at Cameron nang marinig nila ang paghingi ng saklolo ni Kate. Maraming alam na lugar si Hunter dahil sa pagiging outcast niya. Dahil nga wala siyang masyadong kaibigan, paglilibot sa napakalaking school ang ginagawa niya.
"Narinig mo yun? Si Kate ata yun eh?" Tanong ni Hunter kay Cameron.
"Pero nasaan?" Tugon ni Cameron.
"Tignan natin dun sa may lumang music room sa dulo." Anyaya ni Hunter. Kumaripas sila ng takbo papunta sa music room. Nagaalinlangan ang dalawa na baka may trap nanamang nakahanda kapag binuksan nila ang pintuan. Pumunta sa gilid si Cameron para kapag binuksan niya ito ay nasa gilid siya.
"Okay, 1, 2, 3!" Bilang niya, pagkabukas niya ay wala silang narinig na putok ng baril. Dumungaw si Hunter sa pintuan at nakitang may matulis na bakal na tumusok mula sa likod ng ulo ni Kate. Nakakonekta ito sa pintuan ng kwarto. Kapag binuksan mo ang pinto ay biglang may tutusok na matulis na bakal sa likod ng ulo ni Kate. Tumagos ang bakal sa kanyang skull, makikita mo ang dulo sa kanyang kanang mata. Lumuwa ang kanyang kanang mata dahil sa pagkakalakas ng pagkakatusok dito. Nandiri ang dalawa sa kanilang nakita. Dahil dito, agad silang bumaba upang ipamalita ang nangyare. Nagulat na lamang sila nang makitang nagsisiiyakang paalis ng gym ang lahat ng studyante. Alam nilang madilim ang nangyari bago sila makaalis ng St. Venille, pero nagmatigas ang principal na ituloy pa rin ang fieldtrip.
CHAPTER 12
Isa-isang nagpasukan ang mga studyante ng pang-anim na seksyon sa kanilang bus. Kasama nila sa bus si Ms.Gomez at ang kanilang tour guide na si Ms. Torres. Excited sila sa gaganaping camping tour. Sa kabila ng nangyare kay Kate, pinipilit pa rin nilang ngumiti at tignan ang lahat nang bagay ng positibo. Nasa harapan ang mga tahimik, matatalino at mga scholar. Sa bandang dulo naman ng bus ay ang mga exchange students. Sa bandang gitna ay naroon nakaupo ang beasts. Magkakatabi ang kanilang upuan at tila ba'y may malalim na pinaguusapan.
"Guys, iniisa-isa na tayong mga beasts." Nababahalang bulong ni Catherine sa mga kasama.
"Oo, ikaw na daw yung sunod." Asar ni Pau kay Catherine sabay binuksan ang baon niyang chips. Agad namang nagtawanan ang mga magkakaibigan. Nakayuko lang si Catherine at para bang malungkot dahil sa iniisip nito.
"Seriously, iniisa-isa na nga tayo. Una si Melcy, sunod naman si Kate. Sino susunod sa atin?" Nag-aalalang wika ni Catherine sa mga kasama.
"You're taking this whole thing seriously Cath, why won't you just sit back and relax. Siguro naiwan na yung killer sa St. Venille by this time?" Mahinahong sagot ni Angela kay Catherine habang dumudukot ng chips.
"Eh what if kung isa sa classmates natin ang killer?" Nagaalinlangang tanong ni Sam sa mga kasama. Napatingin naman ang lahat dahil napalakas ang pagkakasabi niya nito.
"There's something you guys need to know. There's actually a pattern." Wika ni Chantelle. Napatingin mula sa harapan ang dalawang teachers. Ayaw ni Ms. Gomez i-open ang topic ang mga nangyayare sa loob ng kanilang sekyon sa ibang tao. Tumayo ang guro at humawak sa isang bakal na hawakan ng bus.
"Ang pattern ay isa-" Napalunok si Ms.Gomez nang marinig niya ang sasabihin ni Chantelle. Alam niyang kapag nalaman ni Ms. Torres ang sikreto ay baka iwan sila nito sa ere.
"Class, please be quiet. Oh Chantelle? Bakit ka nakatayo riyan?" Natatarantang tanong ng guro kay Chantelle nang may kakaibang tono. Mahahalata mo sa kanyang pagkakasabi na siya'y kinakabahan sa sasabihin ni Chantelle.
"Nevermind. Sorry ma'am!" Mahinhing sagot niya sa guro na nasundan ng isang bow bilang sign ng paggalang. Hinawi niya ang kanyang buhok at umupo. Katabi ni Chantelle sa bus si Miles at nasa gilid niya naman si Sakura.
"Ano ba kasi yung sasabihin mo?" Curious na bulong ni Miles kay Chantelle.
"Wala ka na dun." Masungit niyang tugon kay Miles. Agad namang napakunot ang noo ni Miles, pagkatapos ay tinaasan niya ang dalaga ng isang kilay.
"Ang sunget mo naman? Ikayayaman mo ba 'yang sasabihin mo?" Mataray na sagot ni Miles kay Chantelle. Napatingin si Sakura kay Miles dahil narinig niya ang pag-uusap ng dalawa. Tinitigan ni Sakura sa mata si Miles na nagdulot ng pagkailang sa dalaga.
"Sino kaya ang susunod? Excited na ko." Malamig na bulong niya habang nakatitig sa mga mata n katabi. Nanlaki ang mga mata ni Miles nang marinig ang sinabi ni Sakura. Nasundan ito nang nakakatakot na ngiti. Biglang nanindig ang mga balahibo ng dalaga. Nagdesisyon siyang makipagpalit ng upuan kay Zoey dahil sa kaba.
"Hi Sakura?" Misteryosong pagbati ni Zoey sa kaklase habang nakatingin sa kanyang stuffed toy na si Mister Nameless. Nang mapatingin siya kay Sakura ay may hawak itong gunting, isinasaksak niya ito kay Mika ng paulit-ulit. Ang nakakatakot dito, mayroon siyang malapad na ngiti habang ginagawa ito. Nanlaki ang mga mata ni Zoey sa kanyang nakita. Maya-maya ay biglang napatingin si Sakura kay Zoey. Tumawa ito nang mahina habang pinapadaan ang hawak niyang gunting sa kanyang pisngi. Naisipan niyang ibaling ang tingin sa iba upang mawala ang kaba, napalingon siya't may nakitang isang lumang envelope sa sahig. Naisipan niya itong kunin at buksan.
"Hmm? Ano 'to?" Tanong niya sa sarili, laking gulat niya nang makita niya ang kanilang class picture sa loob. May mga markang "X" sa mukha ang mga namatay nilang kaklase. Nagdesisyon siyang itago ang nakitang class picture para dahil sa kanyang pansariling rason. Pagkatapos niya itong ilagay sa bag, nagulat siya nang makitang nasa harapan niya na si Sakura. Lumapit ito sa mukha ni Zoey at bumulong.
"They're coming for you Zoey. They're coming to get us." Misteryosong bulong ni Sakura. Hindi siya pinansin ni Zoey at tumingin lang sa bintana sa gilid. Maya-maya at biglang huminto ang bus sa tapat ng isang convenience store.
"Oh? Why did we stopped?" Tanong ni Tiffany sa katabing si Hunter.
"Ewan." Sagot ng binata na nasundan ng pagkibit-balikat. Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng bus. Tumayo sina ang mga guro para maganunsyo. Kinuha ni Ms. Gomez ang mic na nasa harapan, pagkatapos ay tinapik-tapik niya ito ng tatlong beses.
"Okay class, we finally reached our pitstop! It means na malapit na tayo sa Koch's Camp. Umihi na yung mga naiihi diyan at pwede rin kayong bumili ng foods niyo sa convenience store. Bumalik kayo agad sa bus ah?" Paalala niya sa kanyang mga studyante.
Agad nagsilabasan ng grupo-grupo ang mga studyante. Dumiretso agad si Resha sa CR ng girls. Napansin niyang medyo nahuli siya dahil inayos niya pa ang kanyang gamit sa bus bago bumaba. Habang umiihi si Resha ay may narinig siyang kumatok sa kanyang cubicle.
"May tao! Ano ba?" Reklamo ng dalaga. Biglang nabalot ng nakabibinging katahimikan sa loob ng banyo. Tapos na siyang umihi at inaayos niya na lang ang kanyang palda nang biglang may tubig na pumasok sa sahig ng cubicle niya. Paglabas niya ng cubicle ay nakita niyang may nakasulat sa salamin. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabasa ang mga nakasulat dito. "Goodbye my friend!" 'yan ang nakasulat sa salamin. Tumambad din sa kanya ang mga lababong may mga sirang gripo, tuloy-tuloy ang pag-agos ng tubig rito. Sinubukan niyang maghanap nang bagay na pwedeng ipanira sa pintuan pero wala siyang makita. Kinakalabog niya ang pintuan ng restroom dahil umabot na ang tubig sa kanyang tuhod. Kinakabahan siya dahil tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng tubig sa mga sirang gripo. Handa na lahat umalis nang biglang may napansin ang guro.
"Is everybody here?" Tanong niya klase habang nakatingin sa upuan ni Resha. Tumango naman ang lahat pero tumingin-tingin si Cj sa kanyang paligid at nakitang wala pa rin ang kanyang katabi.
"Ma'am wala pa po si Resha." Mahinahong wika ni Cj.
"Ha?! Sige, hanapin niyo si Resha! Dalian niyo." Utos niya sa mga studyante. Agad nagsibabaan ang lahat. Naghiwa-hiwalay sila sa iba't-ibang kanto ng pitstop para hanapin ang kaklase. Habang naglalakad, narinig ni Cj ang sigaw ni Resha mula sa CR ng girls. Lumapit siya sa pintuan at kumatok nang tatlong beses.
"R-Resha? Nariyan ka ba?" Tanong ng binata, narinig niya naman ang tuloy-tuloy na kalampag ni Resha sa kabila. Nang marinig ni Resha na nasa kabila si Cj, medyo nabawas-bawasan ang kaba sa kanyang dibdib.
"Cj! Cj! Tulungan mo ko! Please help me!" Nagmamakaawa niyang sigaw habang kinakalampag ang pintuan.
"A-ah?! Oh sige! Wait ka lang diyan ah?" Hindi mapakali si Cj sa harap ng pintuan at paikot-ikot ito. Hindi niya alam ang gagawin niya nang bigla siyang makita ni Cheska.
"Oh? Nakita mo na ba si Resha?" Nakataas noong wika niya sa kaklase.
"Nasa loob siya ng C.R. ng girls pero hindi ko mabuksan kasi may padlock sa pintuan e." Nanginginig na wika ni Cj kay Cheska. Makikita mong maputla na ang mukha ni Cj sa kabang nadarama. Nang marinig niya ito, kumaripas ng takbo si Cheska sa management para kunin ng susi. Pagdating niya rito, ikwinento niya ang nangyari, agad ibinigay ng janitor ang susi kay Cheska, dali-dali siyang bumalik sa pwesto ni Cj at binuksan ang pintuan.
Sa loob naman ng C.R. ay naroon pa rin si Resha at halos nakatingala na ito dahil sa lalim ng tubig. Biglang lumabas ang tubig sa C.R. nang mabuksan nila Cheska ang pintuan. Makikitang parang basang sisiw si Resha nang makalabas. Naghahabol siya ng hininga at hindi makapagsalita sa nangyare. Agad silang bumalik ng bus para mapagpalit ng damit at makapagpahinga ang dalaga. Sinubukang kausapin ni Ms. Gomez si Resha pero ayaw nitong ikwento kung anong nangyare sa kanya. Nakatulala lang siya habang nanginginig ang kanyang dalawang kamay. Sa bandang likuran, masayang nagchichismisan ang mga babaeng exchange students tungkol sa nangyare kay Resha.
"Alam mo Lacus? Dapat nagpalipat nalang tayo ng seksyon nung umpisa pa lang e. Baka madamay pa tayo sa kademonyohan nila rito!" Biro niya sa katabi.
"Huwag ka ngang ganyan, ikaw talaga kung anu-ano iniisip mo." Mahinahong tugon ni Lacus. Tumaas naman ang kilay ni Miles at nagcross ng arms.
"Puro freaks ang nasa section na 'to. Pagbalik na pagbalik natin sa St. Venille, magpapalipat na talaga ko. Promise!" Narinig naman ni Alexandra ang pag-uusap ng dalawa dahil nasa likuran lang siya ng dalawa.
"Edi magpatransfer ka, walang pipigil sa'yo. Basta ako, hindi ako titigil hangga't hindi napapasaken si Hunter." Singit niya habang nakataas ang kilay. Narinig ito ni Lacus at para bang nailang dahil sa sinabi ng kaibigan. Alam niya na inaasar lang siya ni Alexandra dahil sa nangyare sa prom, pero hindi pa doon natapos ang pangyayamot ni Alexandra sa kanya.
"Excited na 'ko sa camping tour, I'll make sure na mapapasaken si Hunter bago matapos ang tour na 'to." Pagmamayabang ni Alexandra. Tinignan siya ni Lacus at nginitian. Mapapansin mong peke ang kanyang ngiti at may selos sa kanyang mga mata.
"Good luck!" Wika ni Lacus habang nakatitig kay Alexandra. Hindi na nagsalita si Alexandra at inirapan na lamang si Lacus. Nanahimik bigla ang buong klase ng muling tumigil ang bus.
"Okay guys, nandirito na tayo sa Koch's Camp. I-ready niyo na yung mga gamit niyo. Bababa na tayo. Kunin niyo na lang yung susi ng cabin niyo kay Ms. Gomez." Paliwanag ni Ms. Torres sa klase. Agad namang nagsiayusan ng gamit ang mga studyante.
"Oh my God! Nandito na rin tayo sa wakas!" Wika ni Aliza sa kanyang kapatid na si Alina.
"Oo nga ate, mukhang magiging masaya 'to!" Dagdag ni Alina habang sinusuot ang kanyang pink backpack sa likod.
"Hindi niyo ba alam na itong camp na 'to ay ipinangalan kay Ilse Koch." Singit ni Cameron sa pag-uusap ng magkapatid.
"Oh? Ano namang masama roon?" Curious na tanong ni Alina kay Cameron habang inaayos ang iba niyang gamit.
"Si Ilse Koch ang babaeng gumawa ng human skin lampshade." Malamig na wika ni Cameron. Napalunok si Alina sa kanyang narinig at biglang bumigat ang pakiramdam. Hindi naman ito masyadong pinansin ni Aliza at tila tinaasan lang ng kilay si Cameron.
"Human Skin L-lampshade? Ano yun?" Kinakabahang tanong ni Alina sa binata.
"It's a cover for a lamp, used to soften or direct its light. It's one of the holocaust mystery during the nazi time." Pagkwe-kwento ng binata.
"Naguguluhan pa rin ako eh." Wika ni Alina habang kinakamot ang kanyang ulo.
"Isa siyang pantakip sa ilaw na gawa mula sa balat ng tao." Malamig na pagkasabi ng binata habang nakatingin sa labas.
"Really? Please cut it out? Nandito tayo para magrelax hindi para takutin ang isa't-isa. Give me a break! Alam mo namang matatakutin si Alina, siya pa kwinentuhan mo ng mga kabalbalan mo." Mataray na wika ni Aliza kay Cameron. Isa-isa nang nagsibabaan ang mga studyante sa bus. Sinalubong sila ng malakas na hangin na nagdulot ng mabigat na pakiramdam sa bawat isa.
Ang camp na ito ay napapaligiran ng maraming puno't halaman. Mahahalata mo ring luma na ang mga cabin at masyadong tahimik ang paligid. May lake rin sa gilid at napakaraming isda. Sinalubong sila ng isang matandang babae na nagbabantay ng camp na ito. Binati sila at hinatid sila sa main building kung saan doon nakalagay ang kanilang mga susi.
"Ang bigat ng pakiramdam ko, parang may something na mangyayare rito." Mahinang bulong ni Arsela kay Erika.
"Alam mo, gutom lang 'yan teh. Tara na nga!" Anyaya ni Erika sa kaibigan.
"Okay class, kunin niyo sakin yung susi ng cabins niyo ha?" Anunsyo ng guro sa harap ng klase. Isa-isang nagsikuhaan ng mga susi ang mga studyante. Hanggang ngayon ay wala pa ring balak sila Erika na makipagkaibigan sa mga exchange students.
"Hunter, nakakatakot yung ambiance rito sa camp no? Parang feeling ko nasa horror movie tayo." Maarte niyang pagkasabi kay Hunter.
"Tss. Whore" Mahinang bulong ni Lacus sarili habang nakatingin kay Alexandra. Tinaasan naman siya ng kilay ng kaibigan dahil narinig niya ang sinabi nito.
"Anong sabi mo Lacus?" Plastik na tanong ni Alexandra sa dalaga.
"Ahmmmm? Wala ang ganda mo sabi ko." Sarkastik na sagot sa kanya na nasundan ng nakalolokong ngiti.
"Pasalamat ka ... Hmmp!" Mahinang tugon ni Alexandera na nasundan ng pekeng ngiti. Habang nagpaparinigan ang dalawa ay nakatingin lang si Zero sa kanila. Nakapokerface ito at nagmamasid sa paligid.
"I smell trouble." Mahinang bulong ng binata sa sarili sabay inikot ang mga mata. Nasa tabi niya naman si Tiffany, nagpupulbo siya ng marinig si Zero. Napatawa siya ng mahina sa kanyang narinig. Tinulak niya ito ng mahina kaya napangiti ang binata.
"Ikaw talga, ang adik mo." Natatawang wika ng dalaga kay Zero.
"Bakit?" Tanong ni Zero habang nakapokerface.
"Wala nevermind. Hahaha" Sambit ni Tiffany, tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pumunta sa entrance para bumili ng chips.
3rd Person's POV
Oh? Looks like we're already here! This is going to be fun! The ambiance is perfect and all of my supplies are ready for the party. Masyado ko kayong mahal sixth section at dahil diyan, papatikimin ko kung ano talaga ang ibig-sabihin ng pagmamahal sa paraang alam ko. Habang naglalakad ako ay nakita ko rin ang aking kaibigan. Kaya naman hinatak ko siya papasok sa isang cabin.
"Sino ba uunahin natin sa kanila?" Bulong ko sa kanya.
"Hindi ko alam e." Sagot niya sa akin habang nagkakamot ng ulo.
"Anong hindi mo alam?" Tanong ko habang nakacross ang arms. Bakit hindi niya alam? Hindi pwede 'to.
"Basta. Abangan mo na lang yung surpresa ko sa kanila." Misteryosong sagot niya sa akin at nasundan pa ng nakapangingilabot na tawa.
Pagkatapos nila mag-usap ay pumunta sila sa harapan ng kanilang cabin.
"Mahal kong seksyon, humanda-handa na kayo sa gagawin kong surpresa. Sana nga lang at magustuhan niyo ito dahil pinaghirapan ko 'to. Mag-iingat kayo dahil ang surpresang ito ay pwede niyong ikaligtas, at pwede niyo ring ikamatay. Good luck!" Malamig na bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaklase na abalang nag-aayos ng gamit sa kani-kanilang mga cabin.
CHAPTER 13
Pagkatapos mag-ayos ng mga studyante, agad nilang narinig ang isang announcement mula sa kanilang adviser.
"Section six, please proceed in front of the main building at exactly 6 o'clock." Anunsyo ng guro sa harap ng kanyang mga studyante.
Sa cabin naman ng beasts ay tahimik na nagpapahinga ang bawat isa dahil sa haba ng kanilang byinahe.
"Anong mayroon? Bakit tayo pinapapunta roon?" Tanong ni Angela sa mga kasama habang nakaupo sa kama. Napangiti si Pau sa sinabi ni Angela. Umupo ang dalaga sa kanyang tabi habang abalang tinitignan ang sarili sa salamin.
"Ewan ko ba, sisimulan na yata ang mga activities." Imbyernang sagot ni Pau. Lumapit sa kanila si Catherine habang may hawak-hawak na potato chips sa kanyang kamay.
"Alam niyo girls, pagbalik na pagbalik sa camp, magpapalipat na ko." Wika ni Catherine habang papalapit sa kanila.
"Oh talaga? Sige, magpapaparty ako." Asar ni Pau sa kaibigan.
"Pahingi naman niyan." Wika ni Angela kay Catherine sabay dukot sa bowl ng chips. Masaya silang nagtatawanan nang may marinig silang tatlong katok mula sa pintuan. Nacurious ang tatlo nang marinig ang katok kaya agad silang nabahala.
"Sino 'yan?" Sigaw ni Pau sa kwarto habang nakatingin sa pintuan. Napailing na lanang ang dalaga't tumayo upang buksan ang pinto. Dumungaw siya sa labas at nakitang walang tao. Napangiti lang siya't bumalik sa kama.
"Sino 'yon?" Tanong ni Angela sa dalaga. Wala namang sinagot si Pau at nagkibit-balikat lamang sa kaklase. Maya-maya ay narinig ulit nila ang tatlong katok mula sa pintuan.
"Hoy! Hindi na nakakatuwa ah?" Mataray na sigaw ni Samantha. Muling lumapit si Pau sa pintuan at pabalibag niya itong binuksan. Wala pa rin siyang naratnang tao ngunit may nakita siyang tissue paper sa sahig. Marahan itong pinilot ng dalaga. Napansin niya rin ang ilang simbolong nakasulat dito. Hindi niya ito maintindihan dahil nakasulat ang mga salita sa wikang griyeko. Nakasulat rito ang mga katagang...
"εσείς Δεν μπορεί να ξεφύγει από την τύχη σας"
Pinulot niya ito at ipanikita sa kanyang mga kaklase.
"Oh? Ano nanaman to?" Naiinis niyang tanong sa mga kaklase sa pag-aakalang pinagtritripan lamang sila ng ibang kaklase.
"Ewan ko, drawing ata yan e." Biro ni Catherine kay Pau.
"It looks familiar, ang alam ko lang is foreign language yan." Maarteng dagdag ni Angela.
"Tara, baka alam ng ibang kaklase natin ang tungkol dito."Agad nagdesisyon ang tatlo na lumabas ng kanilang cabin para ipaalam sa iba ang kanilang napulot. Nagtipon-tipon sila sa isang malaking lamesa. Nasa kanan ang mga babae, nasa kaliwa naman ang mga lalake. Nang makumpleto na ang lahat ay nagsimula na silang magusap-usap tungkol sa nakita nila Pau.
"Anyone know what this means?" Tanong ni Erika sa mga kasama habang winawagayway ang tissue. Nagtaas ng kamay si Sakura habang hawak-hawak ang kanyang teddy bear. Pumunta ang dalaga sa harap at tumuntong sa lamesa. Naglakad siya nang tatlong beses papunta sa gitna at umupo.
"Greek ang language na ito." Mahinang bulong ni Sakura sa mga kasama na nasundan ng ngiting nakapangingilabot. Nagsilapitan ang lahat dahil gusto rin nilang malaman kung ano ang ibig-sabihin ng mga letra sa tissue.
"Ang ibig sabihin ng εσείς Δεν μπορεί να ξεφύγει από την τύχη σας ay ... "
"Ay? Ano? Sabihin mo na nga! Kailangan ko pang magmake-up para mamaya. I need to stay pretty." Angal ni Aliza kay Sakura habang nakacross ang arms. Napatingin ang dalaga kay Aliza at napailing. Nagbuntong-hininga si Sakura at yumuko. Nakayuko siya habang ngumingisi. Nakatingin ng masama si Erika kay Sakura habang nakayuko ito. Bigla niyang inilapag ang kanyang dalawang kamay sa lamesa nang padabog. Nagdulot ito ng malakas na ingay na nakapagagaw ng atensyon ng lahat.
"Ano ba? Sasabihin mo ba o hindi?" Nasusurang reklamo ni Erika.
"You cannot escape your own fate." Malamig na bulong ni Sakura habang nakatitig sa mga mata ni Erika. Matapos mapakinggan ni Erika ang sinabi ni Sakura, agad nanlamig ang kanyang katawan, tumakbo siya pabalik ng cabin para puntahan si Arsela.
Pabalibag na binuksan ni Arsela ang pintuan, pagkatapos at tumakbo siya papuntang sulok ng kwarto habang nanginginig ang kanyang buong katawan.
"E-Erika!" Sigaw ni Arsela sa dalaga habang hinawakan ang pulso ng kaklase.
"Ano! Wala na kong magagawa, iniisa-isa niya na tayo!" Nagpapanik niyang sigaw sa kaibigan. Mapapansin mo sa boses ni Erika na parang nababaliw na siya sa mga nangyayare. Ginugulo-gulo niya ang kanyang buhok at hindi mapakali.
Habang naglalakad, napansin niya si Erika sa kanilang dorm na parang wala sa sarili. Napakunot ang kanyang noo at naisipang pumasok. Dali-dali niyang hinawakan ang dalawang kamay ni Erika. Tumutulo ang luha ng dalaga habang hawak-hawak ni Caleb ang kanyang mga kamay.
"Ano ba! Akala ko ba kaya natin 'to? Akala ko ba walang susuko!" Sigaw ng binata habang yinuyugyog ang katawan ng dalaga. Natigil si Erika sa kanyang ginagawa. Napalunok siya't napaupo sa sahig. Tumingala ang dalaga at ngumiti. Nagulat ang dalawa sa nangyaring reaksyon ni Erika. Inalalayan ito ni Arsela sa kwarto ng dalaga para makapagpahinga. Habang inaalalayan siya ni Arsela ay nakatingin lang si Tiffany sa kanya. Katabi niya si Zero, kinalabit niya ang binata.
"Z-zero?" Tawag niya sa binata. Napalingon naman agad si Zero sa dalaga. Nakataas ang kilay nito at nakapokerface. Seryoso ang kanyang mukha pero makikita mo sa kanyang mga mata na may nararamdaman din siyang takot sa kaloob-looban.
"Oh?" Matipid na sagot ng binata habang nakataas ang kanyang dalawang kilay.
"G-gusto ko kapag ako na yung next... Ililigtas mo ko ah?" Nanginginig na pakiusap ni Tiffany sa binata. Hindi niya na napigilan ang sarili at niyakap ito.Nagulat naman si Zero sa ginawa ni Tiffany, wala siyang nagawa at inilagay niya na lang ang kanyang dalawang kamay sa likod ni Tiffany.
"S-sige." Mahinang bulong ng binata. Nakatingin sa kanilang dalawa si Alexandra habang nakasakay sa swing. Tinutulak siya ni Cameron. Nakataas ang kanyang kilay habang tinitignan ang dalawang magkayap. "Slut." Mahina niyang bulong sa sarili. Hinawakan niya ang hawakan ng swing at inilapag ang paa sa lupa para huminto ito. Kinuha niya ang kanyang face powder at nag-apply sa kanyang mukha.
"Cameron, maganda ba ko?" Confident na tanong ni Alexandra sa lalaki habang tinitignan niya ang sarili sa salamin.
"Ha-a? Oo naman, maganda ka kaso..." Naiilang na sagot ng binata. Napatingin si Alexandra sa mga mata ni Cameron. Tinigil niya ang kanyang paggamit ng facepowder at binulsa ito. Tinaas niya ang kanyang kilay at crinoss ang kanyang arms.
"Kaso?" Mataray na tanong ni Alexandra.
"Kasi a-" Bago pa makapagsalita si Cameron ay tinapat ni Alexandra ang kanang kamay kay Cameron.
"Hep! Tama na, ang tinanong ko lang eh kung maganda ako. Ang sabi mo oo, huwag mo ng dagdagan pa. Okay? " Mataray niyang wika. Hinawi niya ang kanyang buhok at tumayo. Nginitian niya muna si Cameron at kinawayan.
"Toodles." Paalam ng dalaga, pagkatapod ay pumunta siya sa cabin ng mga transferees. Pagpasok niya sa pintuan ay nakita niya sina Cj, Resha at Erizel.
"Oh? Okay na ba si Resha?" Nagaalalang tanong ni Alexandra kay Cj habang nakatingin kay Resha. Napakunot ang noo ni Cj nang marinig ang tanong ni Alexandra. Nilapitan siya ni Cj at tinapik-tapik ito sa kanyang balikat.
"A-alexandra? Ikaw ba yan? Nilalagnat ka ata." Biro ni Cj sa kaibigan.
"Ofcourse! Don't touch me nga, concern lang ako sa kaibigan ko." Mahinahon niyang angal kay Cj na nasundan ng isang matamis na ngiti. Hindi pa rin nagsasalita si Resha dahil sa nangyaring insidente sa convinience store. Pinipilit nila itong kausapin pero parang natrauma ito sa mga nangyare. Maya-maya ay may narinig silang ingay mula sa speaker.
"Class, pumunta na kayo sa may harap ng main building." Anunsyo ng guro. Napatingin si Erizel sa orasang nakasabit sa cabin. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinext na ang lahat ng exchange students na magsipuntahan na. Gusto niyang maunahan ng mga exchange students ang mga luma para na rin pampagood-shot sa teacher nila. Pagdating nila ay nagtagumpay siya sa kanyang plano. Nalate ang mga old students na makapunta sa harapan ng main building ng 15 minutes. Nang makompleto na ang buong seksyon, kinuha ng kanilang adviser ang mic at nagtungo sa harapan.
"Okay, is everybody here? Kumpleto na ba?" Tanong niya sa kanyang mga studyante.
"Yes Ma'am!" Sabay sabay nilang sagot. May kinuhang dalawang flag si Ms.Gomez. Isang blue at isang red. Nakangiti siya habang hawak-hawak ang mga flags sa kanyang kamay. Ibinigay niya ang kulay asul na bandila kay Ms. Torres. Itinaas nilang dalawa ang mga flag at iwinagayway sa ere.
"Bukas na bukas, Mahahati kayo sa dalawang grupo. Ang iba ay sasama kay Ms. Gomez at ang natira naman ay sa akin." Paliwanag ni Ms. Torres.
"Para san ba 'to?" Tanong ni Hunter sa kanyang katabi.
"Ewan ko nga e." Pabulong na sagot ng dalaga sabay nagpout.
"Pero bago tayo pumunta sa gagawing activities bukas, gusto ko maging masaya naman kayo at madama niyo ang camp na ito. Ms.Torres and I decided to make a campfire just for you, para naman makapagbonding na rin tayo." Excited na anunsyo ng guro. Pagkatapos niya itong sabihin ay agad nagbulungan ang mga studyante. Ang iba'y pumapalakpak dahil nasasabik sila sa mga mangyayare. Itinabi na ni Ms. Torres ang dalawang flag at dinala naman ni Ms. Gomez ang mga studyante kung saan nakapwesto ang campfire. Isa-isang nagsiupuan ang mga studyante pabilog ng campfire. May dalang flashlight si Aliza. Binuksan niya ito at itinapat sa kanyang mukha.
"Gusto niyo bang kwentuhan ko kayo nang nakakatakot na storya?" Tanong niya sa mga kaklase nang may nakakatakot na boses. Nakangiti ang kanyang kapatid sa kanya. Pinipilit niyang kunin ang flashlight pero ayaw ibigay ni Aliza.
"Ang cute niyo naman dalawa mag-away." Sambit ni Chantelle. Napatigil ang dalawa sa ginagawa. Maya-maya ay nagsimula na silang magkwentuhan nang mga nakakatakot na storya. Ang iba'y nanginginig na sa takot pero ang iba naman ay tuwang-tuwa pa sa kanilang mga napapakinggan. Nabanggit sa kanilang pagkwekwentuhan ang mga aswang, engkanto at kung anu-ano pa. Mas lalong natakot ang lahat nang inopen ni Erika ang usapan kung sino ang pumapatay sa kanilang classroom. Kinuha niya ang flashlight kay Aliza at itinapat ito sa kanyang mukha.
"Sa tingin niyo? Sino kaya pumapatay? Sure naman akong andito siya e." Biglaang tanong ni Erika sa mga kaklase. Nagulat ang lahat sa sinabi ng dalaga. Napalunok si Arsela sa kanyang narinig. Alam niya na kapag nagtuloy-tuloy ito ay baka mawala na naman sa sarili si Erika. Pinilit niyang kunin ang flashlight kay Erika pero nagpumilit ito.
"Alam niyo? Tama na nga 'to. Tara na bumalik na tayo sa camp." Anyaya ni Arsela sa mga kaklase. Tumango naman ang iba at nagsitayuan. Pumayag na rin si Ms. Gomez dahil magaalas-nueve na ng gabi. Alam niyang delikado ring magpahating-gabi sa may gilid ng kagubatan. Naiwan sa may campfire ang dalawang exchange students. Ito ay sina Jeffrey at Miles. Nakita ng dalaga na nagsi-alisan na ang kanilang mga kasama kaya tumayo na ito pero pinigilan siya ni Jeffrey sa kanyang braso. Napatingin siya sa binata habang nakataas ang isang kilay.
"Dito muna tayo." Angal ng binata.
"Jeff ano ba? Gabi na oh." Sagot ni Miles. Tumayo si Jeffrey at niyakap ang dalaga. Hinalikan niya ito at ngumiti. Makikita sa mukga ni Miles ang pagkakilig dahil sa kanyang kasintahan.
"Tara babe, tagu-taguan tayo. Hahaha" Anyaya ng binata sa dalaga.
"Tss! Ang childish mo talaga. Pasalamat ka mahal kita." Natatawang wika niya kay Jeffrey. Hindi pa rin sila umalis at nagtagutaguan pa, masaya silang naglalaro sa may gilid ng gubat. Naghahabulan na para bang nasa paraiso. Nang si Miles na ang naging taya, palakad-lakad siya at hindi makita si Jeffrey. Sumandal siya sa isang puno at napaupo. Biglang may humawak sa kanyang kamay. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil mahigpit ang pagkakahawak nito.
"Bulaga! Hahahaha!" Asar ni Jeffrey sa dalaga.
"Arggh! I hate you!" Maarteng pagkakasabi ni Miles.
"Oh sige, ako naman ang taya. Magtago ka na ha?" Sweet niang pagkasabi sa kasintahan. Tinakpan niya ang kanyang mga mata at nagsimula nang magbilang. Tumakbo ang dalaga at nagtago sa likod ng isang puno. Naririnig niya pa ring nagbibilang ang binata. Natatawa siya dahil alam niyang hindi siya agad mahahanap nito. Habang nasa likod ng isang payat na pinetree, may narinig siyang kakaibang tunog. Isang tunog na para bang may nagpuputol ng puno. Napalunok ang dalaga sa kanyang narinig, agad ding pinagpawisan ang kanyang buong katawan. Humakbang siya nang tatlong beses paabante at lumingon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang pabagsak ang puno sa kanya. Nakailag siya rito pero naipit naman ang kanyang kanang tuhod.
"Ahhh! Jeff! Tulungan mo 'ko." Sigaw ng dalaga pero wala na si Jeff sa gubat. Nagdesisyon ang binata na pumunta na lang pabalik sa camp sa pag-aakalang nakabalik na si Miles. Hindi niya rin kasi mahanap ang dalaga. Hinawakan niya ang kanyang kanang tuhod at nagpupumilit na alisin ito sa pagkakaipit sa natumbang puno. Hindi niya ito magawang maiangat dahil hindi niya rin magalaw ang kanyang tuhod, namanhid na ito at wala siyang maramdaman. Sigaw siya ng sigaw ng tulong pero wala siyang naririnig na sagot. Umiiyak siya nang biglang may bumukas na ilaw. Napangiti siya sa kanyang nakita, inaakalang si Jeff ang nakasakay sa kotse at matutulingan siya sa kanyang sitwasyon.
"Jeff! Tulungan mo ko rito dali." Masayang wika ni Miles. Nagulat siya nang biglang nagtuloy-tuloy ang kotse at may balak na sagasaan siya.
"What the f*ck? Jeff! Ano bang ginagawa mo! Hindi ka na nakakatu-" Naputol ang kanyang sinasabi nang maaninag niya na hindi si Jeffrey ang nakasakay sa kotse. Isang taong nakamaskara. Nakita ni Miles sa mga mata nito na tila masaya pa siya sa kanyang ginagawa. Nagtuloy-tuloy ang kotse at ginulungan ang kanyang kanang siko. Biglang huminto ang kotse. Sigaw naman ng sigaw ang dalaga sa sakit. Halos madurog ang buto sa kanyang siko dahil sa pagkakagulong nito. Bumaba ang misteryosong tao mula sa kanyang sinasakyan. Papalapit ito ng papalapit kay Miles. Makikita mong ang dumi-dumi na ni Miles, punong-puno na ng dugo ang kanyang buong katawan. Parehas niyang hindi magalaw ang dalawang bahagi ng kanyang katawan.
"Ano bang kailangan mo saken! Bullsh*t kang hayop ka! Demonyo." Nanggagalaiting sigaw ng dalaga. May kinuha namang palakol ang misteryosong tao mula sa kanyang kotse.
"See you in hell." Malamig na bulong niya kay Miles. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang nakita niyang inangat ang palakol nitong hawak. Malakas niya itong ibinagsak sa leeg ni Miles, dahilan upang mapugutan ang dalaga. Kinuha ng nakamaskarang babae ang ulo ni Miles at isinabit sa isang road sign. Pinaandar niya ulit ang kanyang kotse at pumunta diretso sa camp. Mabagal itong naglalakad pabalik sa kanilang cabin habang may suot-suot na mapaglarong ngiti.
"This is just the beginning." Bulong niya sa sarili na at tumawa ng mahina. Binuksan niya ang pintuan at nakita ang kanyang mga kaklase na masayang nagkwekwentuhan. Puro putik ang kanyang damit, hindi niya pinansin ang kanyang mga kaklase at dumiretso lang sa banyo para makapagpalit.
CHAPTER 14
Kinabukasan, maagang nagising si Jeffrey para hanapin si Miles. Paikot-ikot siya sa buong camp at nagbabakasakaling may nakakita sa kasintahan. Sinubukan niya rin itong puntahan sa cabin nila pero ang sagot lang ng kanyang mga kasama ay hindi pa raw umuuwi si Miles hanggang ngayon. Nagdesisyon ang binata na pumunta ulit sa gubat kung saan sila nagtaguan kagabi. Lakad lang siya nang lakad at sinisigaw ang pangalan ng kasintahan.
"Miles! Miles! Nasaan ka ba?" Sa sobrang pagod niya ay napaupo siya sa sahig. Nagbuntong-hininga ang binata at tumingin-tingin sa kanyang paligid. May nakita siyang isang mapayat na puno na nakatumba. Nilapitan niya ito at napansing may bakas ng dugo sa mga dahon nito. Nanlaki ang kanyang mga mata mula sa kanyang nakita. May naramdaman siyang tumu-tulo sa kanyang buhok. Nanginig agad ang kanyang buong katawan sa kaba. Napatingala ito, laking gulat niya nang makita ang isang katawan ng babae na nakasabit sa puno. Wala na itong ulo at para bang durog-durog na ang buto sa kanyang hita at kanang siko. Napasigaw siya sa takot, dali-dali siyang tumakbo para humingi nang tulong. Napadpad ang binata sa gilid ng kalsada. Habang naglalakad papalayo sa gubat ay may nakita siyang isang road sign. Napaupo siya sa sahig sa kanyang nasaksihan. Nakita niya ang ulo ni Miles na nakatusok sa sign na ito. Punong-puno ng dugo at hindi na halos mabasa ang nakasulat sa road sign. Nilapitan niya ito sa paniniwalang hindi ulo ni Miles ang nakatusok.
"M-m-miles?" Pautal-utal na bulong ni Jeffrey sa sarili. Halos mangiyak-ngiyak siya sa kanyang nakita. Inalis niya ang pagkakatusok sa road sign ang ulo ni Miles at niyakap. Halos napuno na ang kanyang damit pero hindi niya ito masyadong pinansin. Naglakad siya ng pagewang-gewang sa kalsada, para siyang namatay dahil sa kanyang nalaman. Bago man sila makarating sa mismong camp ay tinitigan niya ang mukha ni Miles at ngumiti.
"Nandito na tayo Miles. Ligtas ka na." Bulong niya habang kaharap ang ulo ng kasintahan. Hinalikan niya rin ito sa labi. Nasaksihan naman ito ni Tiffany at biglang napasigaw sa kanyang nakita.
"Je-Jeff? Ano yang hawak mo?" Pautal-utal na tanong ni Tiffany sa binata. Makikita mo sa mukha ni Tiffany na nandidiri siya sa kanyang nakita. Hindi niya maisip kung bakit niya hawak-hawak ang ulo ng kaklase. Nagpatuloy pa rin si Tiffany sa kakasigaw at agad naman itong nagdulot ng atensyon sa lahat ng studyante. Agad lumabas ang magkapatid para tignan kung anong nangyare. Sabay silang lumabas ng kanilang cabin at tinignan si Tiffany.
"Oh bakit? Anong nangya-" Naputol ang sinasabi ni Aliza nang makita niya si Jeffrey. Nanlaki ang kanyang mga mata at tinakpan ang kanyang bibig. Diring-diri siya sa kanyang nasaksihan dahil nilalangaw na rin ang ulo ng dalaga. Wala namang bayolenteng reaksyon ang binata sa mga babae. Lumapit lang ito kay Tiffany at ngumiti. Hinawakan ni Jeffrey ang kamay ng dalaga at ipinatong sa ulo ni Miles.
"Ligtas na siya." Nakalolokong bulong niya sa dalaga. Agad namang nandiri ang dalaga at hindi nakontrol ang kanyang sarili. Hinawakan niya ng mahigpit ang bunok ni Miles at ibinalibag ito sa sahig na para bang isang bola. Yumuko si Jeffrey at nagdilim ang kanyang paningin, bigla siyang lumapit kay Tiffany at sinakal ang dalaga. Napaupo si Tiffany dahil sa ginawa ni Jeffrey. Agad namang tinulungan ng magkapatid si Tiffany pero hindi nila ito kinaya. Makikitang parang nakalutang na sa ere si Tiffany at sinusubukang sipain si Jeffrey sa pamamagitan ng kanyang mga paa, pero wala itong saysay. Makikitang galit na galit at nanlilisik na ang mga mata ng binata sa ginawa ni Tiffany.
"Walang sinuman ang maaring manakit kay Miles!" Pagbabantang sigaw niya kay Tiffany. Nagpapanik na ang magkapatid dahil baka mamatay si Tiffany dahil sa binata. Nakakita si Aliza ng isang bote ng soda. Nagmadali niya itong kinuha at sumigaw. Kumaripas ng takbo ang dalaga papunta sa direksyon ni Jeffrey. Malakas niyang hinataw ito sa ulo, agad nabitawan ni Jeffrey ang dalaga. Nakahawak si Tiffany sa kanyang leeg at para bang naghahabol nang kanyang hininga.
"O-okay ka lang ba?" Tanong ni Aliza sa dalaga, tumango naman siya bilang sagot. Inalalalayan ng magkapatid si Tiffany na makabalik sa kanyang cabin habang naiwan naman ang binata na nakahilata sa sahig. Nang maiupo na nila si Tiffany sa upuan, agad nagsalita si Alina.
"Ate, hindi ko na kaya yung mga nangyayare satin. Hindi kaya si kuya Jeff ang killer?" Tanong niya kay Aliza habang nakahawak sa balikat ng kapatid.
"Sabi ko na nga ba, walang magandang maidudulot 'yang mga transfereeng 'yan!" Mataray na sagot ni Aliza sa kapatid. Magsasalita sana si Alina nang may nakita siyang matang nakasilip sa bintana. Hindi mo ito mahahalatang nakasalip dahil mahabang kurtina. Nacurious siya sa kanyang nakita kaya habang tuloy na nagsasalita ang kanyang ate ay hindi niya ito pinapansin. Tumayo siya at binuksan ang pinto upang alamin kung sino ang nakasilip.
"A-alam ko nadiyan ka, bakit ka nakasilip sa cabin namin?" Matapang na sigaw ni Alina. Wala siyang narinig na sagot at bumalik na lanang sa loob. Nagulat ang si Aliza sa ginawa ng kapatid kaya't sinabihan na magpahinga na muna ito.
Sa may hindi kalayuan, nakatambay ang magkakaibigang sina Erika, Arsela, Zoey, Chantelle, Cj at ang mga natitira sa beasts sa isang kubo. Hindi nila masyadong narinig ang eksena nila Tiffany dahil sa lakas nang tugtog ng speaker.
"Oh? Guys? Ano plano mamaya?" Tanong ni Catherine sa mga kasama.
"Umuwi ka na raw." Asar ni Pau sa kaklase. Nagtawanan silang lahat. Ang iba nama'y napapakanta sa tugtog ng kanta. Masaya silang lahat at pinagiisahan si Catherine. Sumingit naman si Cj sa usapan nang makita niyang mga nakatambay ito.
"Kayo talaga, lagi niyo na lang inaaway si Catherine." Saway ng binata. Binatukan siya ni Pau at ngumiti.
"Oh sige, naawa ka diba? Sumama ka na!" Biro sa kanya ng dalafa. Masaya silang nagtatawanan nang bigla silang may narinig na parang basag na bote. Napakunot ang noo nilang lahat. Nagtataka kung saan galing ang tunong na yun.
"Oh my gosh! What's that sound ba? Ang creepy naman, shemay!" Wika ni Angela habang nakakapit sa balikat ni Samantha.
"I don't know eh. Guys, let's check it out." Anyaya ni Samantha sa mga kaibigan, pero makikita mo sa kanilang mukha na parang ayaw nilang sumama.
"Kaya niyo na 'yan, malalaki na kayo." Pagdadahilan ni Catherine.
"Oo nga, tinatamad din ako eh." Dagdag ni Pau.
"Tsk! You should use your legs while you still have them." Pabiro't sarkastik na wika ni Angela.
Sinubukan nilang hanapin kung saan galing ang tunog na kanilang narinig. Nagikot-ikot sila hanggang sa dinala sila ng kanilang mga paa sa harapan ng isang abandonadong cabin. Mayroong makikita na puro alikabok at may mga sapot ng gagamba sa mga sulok nito. Nakaramdam ng matinding kaba ang dalawang dalaga. Nakatingin sila sa isa't-isa kung itutuloy ang pagpasok. Mariing napalunok si Angela at humakbang ng tatlong beses papunta sa harapan ng pintuan. Tumalikod siya kay Samantha at sumignal na umabante.
"L-let's go?" Anyaya niya sa kaibigan. Makikita mo sa mga mata ni Angela na natatakot siya sa kung anong mayroon sa loob ng lumang cabin. Nang dalawa na silang nasa harapan ng pintuan ay kumatok sila nang tatlong beses. Nang wala silang narinig na sagot ay hinawakan ni Angela ang door knob at unti-unting binuksan. Madilim ang paligid at mayroong nakasusulasok na amoy. Kinakapa naman ni Samantha ang switch ng ilaw para maliwanagan ang buong kwarto. Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ang pira-pirasong katawan ng tao na nakasabit sa kisame. Napaupo si Angela sa kanyang gulat at nagsimulang magsisigaw. Agad siyang narinig ng ibang beasts mula sa bahay-kubo.
"Guys,narinig niyo ba yun?" Tanong ni Cj sa mga kasama habang hinihinaan ang speaker.
"Ang alin?" Tanong ni Pau sa kaibigan.
"Parang sila Angela yun ah? Tara sundan natin." Nag-aalalang wika ni Cathreen. Agad silang nagsikilusan para hanapin ang dalawang kaibigan. Makikitang alalang-alala ang ibang myembro ng beasts dahil ayaw na nilang mabawasan pa.
Sa may lumang cabin, palabas na sana ang dalawang magkaibigan nang biglang sumarado ang pintuan. Hindi nila alam kung anong gagawin, sinubukan nilang sipain ang pintuan pero hindi pa rin ito mabuksan. May nakita si Angela na isang maliit na butas, lumapit siya rito at sinubukang sumilip. May nakita siyang dalawang tao na may hawak-hawak na gas. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil alam niyang may balak silang sunugin ng buhay. Lumipas ang ilang minuto at wala pa rin silang naririnig na ingay mula sa labas. Nagbuntong-hininga si Sam at lumapit sa may maliit na butas. Habang papalapit siya rito ay sinusubukan niyang umaninag kung anong nangyayari sa labas. Nilapit niya ang kanyang mukha at sumilip sa maliit na butas. Habang nakasilip siya rito ay biglang may tumusok na aspile sa kanyang mata. Agad siyang napalayo dahil sa sakit. May narinig silang malalakas na tawa mula sa labas. Nakahawak si Samantha sa kanyang natusok na mata. Tuloy-tuloy ang pagdanak ng dugo rito. Punong-puno na rin ng dugo ang kanyang mga kamay. Iyak lang naman ng iyak si Angela sa sulok dahil sa nangyari sa kaibigan. Niyakap niya ito nang biglang may narinig silang may bumabaklas ng pinutan. Sinisira sa pamamagitan ng isang chainsaw. Maya-maya ay narinig na nila ang boses ng mga kaibigan. Nakita nila Cj na may dalawang tao na nasa harapan ng pintuan. Agad siyang kumaripas ng takbo at nauna na sa barkada, pumulot siya ng isang bato at malakas na ibinato sa lumang cabin.
"Hoy! Sh*t! Tigilan niyo yan!" Babala ni Cj, agad namang nakaramdam ang dalawang misteryosong tao at tumakbo pabalik ng camp. Habang papalapit si Cj ay may na-amoy siyang gas. Dali-dali siyang pumunta sa pintuan at sinubukang buksan ito. Tumakbo na rin ang iba niyang kasama para tulungan sila Angela at Sam na makalabas sa cabin. Nang may nakitang chainsaw sa gilid, kinuha agad nila ito para mabuksan ang pintuan. Nadatnan nilang magkayakap ang dalawang magkaklase. Napansin din nilang tuloy-tuloy ang agos ng dugo mula sa mata ni Samantha. Agad nila itong tinulungan at lumabas.
Ilang kilometro pa lamang sila nakakalayo mula sa cabin ay bigla na lamang itong nagliyab. Nagpanik silang lahat at tumakbo pabalik sa kanilang camp. Nasa harapan pa lang sila ng camp ay nakaratnan nila si Jeffrey na nakaupo sa isang gilid. Masama ang tingin ng binata sa kanila habang kinakausap ang sarili. Napalunok si Angela nang makita niya si Jeffrey. Dineretso nila si Sam sa may Nurse's room. Agad naman siyang binigyan ng paunang lunas doon. Nang malaman ni Angela na maayos na ang kaibigan ay nakahinga na rin siya ng maluwag. Iniwan niyang naguusap-usap ang kanyang mga kaibigan sa may Nurse's room at sinubukang kausapin si Jeffrey. Nakasandal ang binata sa isang puno ng mangga, sa likod dumaan si Angela at dahan-dahang nilapitan si Jeffrey. Hinawakan niya ito sa kanyang balikat at nginitian.
"Jeffrey, Okay ka lang ba?" Tanong ni Angela at ngumiti, papaupo na sana siya nang makitang nakasilid ang ulo ni Miles sa kanyang bag. Nanlaki rin ang kanyang mga mata nang nakita niyang may hawak-hawak si Jeffrey na aspile. Binasa ni Jeffrey ang kanyang labi, ngumiti at tumingin kay Angela. Napatawa ito nang mahina at tinitigan si Angela sa kanyang mga mata.
"Ako? Okay na okay!" Sagot nito sa dalaga, tumaas ang kanyang balahibo nang marinig ang nakakatakot nitong tawa. Biglang natigil ang pagtawa nang binata at yumuko.
"Papatayin niya tayong lahat. Ang saya hindi ba? Hahahahaha" Nababaliw na sigaw ni Jeffrey. Napaatras si Angela sa kanyang narinig at tumakbo pabalik ng nurse's room. Agad niyang ikwinento ang nangyare sa mga kaibigan pero hindi nila ito binigyan ng pansin. Nakafocus sila sa nangyari kay Sam at umiisip ng iba't-ibang paraan para maging safe sila. Maya-maya ay itinipon sila nang dalawang teacher ang mga studyante para sa mga gagawing activities.
"Class, please participate! Lahat nang gagawin niyo rito sa camp ay recorded kaya wag kayong mag-alala. The best team will be rewarded with a generous grade." Mahinahong pagpapaliwanag ng kanilang adviser. Agad namang nagbulong-bulungan ang mga studyante. Nakaagaw din ng atensyon si Samantha dahil sa bandage niya sa mata. Gustong alamin ng iba ang nangyare pero walang nagsasalita sa magkakaibigan. Ginusto nilang isarili na lang ang buong pangyayare.
"What's with her?" Nakakunot noong tanong ni Erizel habang tinuturo si Samantha.
"I don't know eh, ayaw nga nilang sabihin kung anong nangyare." Bulong ni Alyssa sa kaibigan.
"Nako! Ang chichismosa niyo talaga." Masungit na singit ni Alexandra sa dalawang kaklase. Napatingin naman ng masama si Erizel kay Alexandra.
"Chismosa agad? Hindi ba pwedeng curious muna?" Natatawang wika ni Erizel. Nginitian lang siya ni Alexandra pero makikita mong peke ang kanyang mga ngiti. Hindi pa nagtagal ay nakarinig sila ng isang pito.
"Today, your adviser and I planned na magcamping tayo for tonight. Imbis na matulog kayo sa inyong mga cabins, magseset tayo ng tent sa gitna ng gubat. Dito tayo matutulog for this day." Paliwanag ni Ms. Torres sa klase. Iba't-ibang opinyon ang maririnig. May mga ayaw dahil nandidiri sila. Ang iba nama'y andaming rason pero nangingibabaw sa lahat ang takot.
"Ayoko ng aarte-arte kayo sa activity na ito. Kung ayaw niyo, maaari kayong maiwan dito pero mawawalan ng saysay ang pagsama niyo. Automatic na failed ang grade na makukuha mo kapag hindi ka nakipagcooperate." Pananakot ni Ms. Gomez sa mga studyante. Agad nagsitaasan ng kamay ang iba para sa mga karagdagang tanong pero nang tatawagin sana ng guro ang may mga katanungan ay pumito si Ms. Torres at sumigaw ng "No excuses!". Agad nagsitayuan ang mga studyante at dumiretso sa kani-kanilang mga cabin. Inihanda nila ang kanilang mga gagamitin para sa magaganap na camping activity. Napatingin si Erika sa kanyang bestfriend na si Arsela dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman.
"Tama ba tong napasukan naten?" Tanong niya sa kaibigan habang inaayos ang kanyang gamit. Napatigil si Arsela sa kanyang pagiimpake at napatingin kay Erika.
"Nariro na tayo eh, aatras pa ba?" Tugon niya sa kaibigan. Nang matapos na sila ay sumalubong sa kanila si Zoey habang hawak-hawak si Mister Nameless.
"T-tara na? Late na po tayo sa assembly." Anyaya ni Zoey sa dalawa. Tumango naman ang mga dalaga sa anyaya ni Zoey. Si Arsela ang pinakaclose ni Zoey dahil itinuturing niya na ito na parang totoo niyang ate. Kumapit si Zoey sa kamay ni Arsela habang naglalakad papunta sa iba nilang mga kaklase. Simula ng pinagtangkaan ni Erika si Zoey ay hindi na muli naging malapit ang bata sa dalaga.
CHAPTER 15
Maagang gumising ang mga studyante sa Koch's Camp. Inihanda nila ang kanilang sarili para sa gaganaping overnight activity mamaya. Nagpunta sila Zoey, Arsela at Erika sa assembly area kung saan nakapila na ang kanilang mga kaklase. Kapansin-pansin sa mga studyante ang mga naglalakihang backpacks sa kanilang likuran. Magaalas-otso na ng umaga nang dumating ang dalawang teacher.
"Students, katulad nga nang sinabi ko ay mahahati kayo sa dalawang grupo." Pag-uumpisa ni Ms. Gomez.
"Oo nga, ang unang grupo ay sasama kay Ms. Gomez at ang isa namang grupo ay sa akin." Dagdag ni Ms. Torres. May kinuha ang guro na isang papel mula sa kanyang bulsa, isinuot ang kanyang reading glasses at umupo sa harap ng mga studyante.
"Each team will be having 13 members. Ang RED team ay sa akin at ang BLUE team naman ay kay Ms. Torres. Lahat ng tatawagin ko ay pumunta sa harapan. Is that clear?" Pagpapaliwanag ng kanilang adviser.
"Yes Ma'am!" Sabay-sabay na sagot ng mga studyante. Mayroon kang maririnig na nagkwe-kwentuhan tungkol sa mangyayaring event. Excited silang lahat kung anong gagawin sa activity at kung sinu-sino ang kanilang mga magiging kasama.
"May I call the attention of the following students. Kayo ang magiging RED team. Alina, Angela, Catherine, Cheska, Pau, Samantha, Zoey, Caleb, Eugene, Zero , Sakura, Alyssa at Tyrone." Mabilis na anunsyo ng guro. Agad sumunod ang mga nabanggit na studyante sa sa sinabi ng guro. Tumayo si Ms. Gomez at pumunta sa bandang kanan, tinipon niya ang mga studyante na kabilang sa RED team.
"We are the RED team!" Maangas na sigaw ng guro, pagkatapos ay hinipan niya ang kabyang pito.
Nagpalakpakan ang mga studyanteng kabilang sa RED team at nagsimulang maghiyawan. Makikita mo sa kanilang mga mukha ang hindi maipaliwanag na ngiti at excitement.
"May I call the attention of the following students. Kayo naman ang mapapabilang sa team na mananalo sa activity na 'to." Pagmamayabang na wika ni Ms. Torres. Nagtawanan naman ang lahat. Nagreact ang RED team sa kanya at sinabing "Ows? Hindi nga?!" pero hindi ito pinansin ng guro at ipinagpatuloy lamang ang kanyang sinasabi.
"Sumunod kayo sa akin Arsela, Aliza, Chantelle, Erika, Resha, Tiffany, Cameron, CJ, Hunter, Erizel, Jeffrey, Alexandra at Lacus." Magalak na anunsyo ng guro. Agad nagsitayuan ang mga nabanggit na studyante at pumunta sa bandang kaliwa. Napatingin si Ms.Torres kay Ms.Gomez at nginitian ito. Tumango lang si Ms.Gomez dito bilang senyas na naiintindihan niya ang gustong iparating ng kapwa guro.
Sa magkabilang grupo, inatasan ng dalawang guro na gumawa ng kanilang sariling cheer at kung sino ang kanilang magiging leader. Hindi na rin nila pinayagan na maging si Erika ang leader ng Blue team dahil gusto nila ay makaranas ang iba sa pagiging lider. Nagtipon-tipon agad ang magkakagrupo at nagsimula ng magpraktis ng kanilang cheer. Magaalas-onse na ng tanghali sa mga oras na 'to, kaya naman nagdesisyon ang dalawang guro na maglunch break na ang mga studyante para makakain.
"Sige na class, maglunch na muna kayo. 30 minutes lang ha, then balik kayo rito. One more thing, kailangan pagbalik niyo handa na kayo magcheer." Mahinahong anunsyo ni Ms. Gomez sa klase. Pumalakpak ang guro ng tatlong beses bilang sign na dismissed na ang meeting. Agad nagsimulang mag-alisan ang mga studyante nang marinig ang tatlong palakpak.
Nagdesisyon ang dalawang leader ng red at blue team na magsabay-sabay na lang silang kumain bilang isang grupo. Ang red team ay kumain sa gilid ng lake habang nasa gilid naman ng greenhouse ang blue team. Ang leader ng red team ay si Angela, mapapansing kumpleto ang beast sa iisang team. Sa blue team naman, ang kanilang leader ay si Hunter. Masaya siyang kasama ang kanyang mga kaklase habang kumakain. Ayos na sana ang blue team bukod sa kabilang dito ang magkaribal na sina Alexandra at Lacus. Magkatabi ang dalawang dalaga sa lamesa. Maya-maya ay ngumiti si Alexandra at bumulong sa taenga ni Lacus.
"He's mine." Malandi nitong pagkasabi pero sobrang hina lang nito. Pagkatapos, humarap ulit siya sa kanyang mga kaklase at ngumiti.
"What the-" Bago pa man makapagsalita si Lacus ay biglang nagsalita ang binatang si Hunter. Malakas niyang ibinagsak ang kanyang dalawang kamay sa lamesa. Dahilan para makagawa ito ng malakas na ingay na ikinagulat ng kanyang mga members.
"Okay team, let's do this thing!" Enthusiastic na sigaw ng binata, pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang kanang kamay.
"Fight! Fight! Fight!" Sabay-sabay na sigaw ng mga myembro ng blue team habang itinataas-baba ang kanilang kanang kamay. Nilabas ni Hunter ang kanyang beatbox at inupuan ito. Pinalo-palo at sinusubukang makakuha ng magandang beat para sa kanilang cheer.
Ilang dipa lang sa pwesto ng blue team ay naroon naman ang RED team. Sabay-sabay silang kumakain at naghahatian pa ng ulam ang bawat isa. Ang kanilang leader na si Angela ay tumayo at nagtungo sa harapan ng kanyang mga myembro. Kinuha niya ang kanyang pito sa bulsa at hinipan. Nakaagaw ito ng atensyon ng kanyang miyembro.
"Are you ready RED team?!" Energetic na sigaw niyang tanong sa lahat. Mahahalata mo sa kanyang boses na umaapaw ito ng confidence at yabang.
"Yes!" Sabay-sabay na tugon ng kanyan mga myembro. Napangiti si Angela nang marinig niya ito. Muli, hinawakan niya ang kanyang pito at ito'y hinipan.
"Oh ano? Simulan na natin ang cheer na 'to?!" Magalak na anyaya ng dalaga. Nagsitayuan ang kaniyang mga miyembro at nagsimula na silang magpractice. Abalang-abala ang dalawang grupo sa kakapraktis ng kani-kanilang cheer. Alam nila na extra-credit din ito sa grades nila, lalo na sa kanilang mga kaklaseng scholar. Mahalaga rin ito para kay Zoey dahil running siya for Valedictorian sa St.Venille. Maya-maya pa ay biglang may narinig silang ingay mula sa speaker na nakadikit sa puno. Kalat-kalat ang mga speaker sa Koch's Camp para madali itong marinig ng mga tao kapag may announcements na nangyayare. Agad itong napansin ng magkabilang grupo. Ilang saglit lang ay narinig nila ang mahinhing boses ni Ms.Gomez.
"Class 4-6, pumunta na kayo sa assembly area. It's already twelve o' clock! We will be starting the activity in a few minutes.." Mahinahong anunsyo ng kanilang adviser. Agad itong umagaw sa atensyon ng dalawang lider. Sabay silang dumating sa assembly, kasama ang kani-kanilang mga miyembro. Nagulat sila dahil akala nila ay ang dalawang guro lamang ang manonood sa kanila magcheer. Naroon din ang iba nilang mga kaschoolmates na dumayo pa mula sa ibang camp. Kinuha ni Ms. Torres ang dalawang mic at tinapik ito ng talong beses. Sinubukan para i-sound check, pumunta siya sa harap ng may suot na ngiti sa kanyang labi. Hindi niya na ito pinatagal pa at sinimulan na ang activity.
"We're here at Koch's Camp for the cheering activity by the sixth class! Kaya kayo narito ay para ijudge kung sino sa dalawang grupo ang may mas better na performance." Masiglang panimila ni Ms. Torres. Nakasuot ang dalawang guro ng white shirt, faded denim pants at sneakers. Ilang saglit lamang ay binanggit na ni Ms. Gomez ang criteria.
"The criteria for judging are the following:
Unity is 50 %
Creativity and Originality is 25%
Projection is 15%
Costume is 5 %
Audience Impact is 5%"
Tinawag ni Ms. Torres ang dalawang lider ng magkabilang grupo. Pumunta sina Hunter at Angela sa harapan at halatang handa na sa kanilang mga gagawing cheer.
"Mayroon ako ritong dalawang stick sa kamay. Isang mahaba at isang maikli. Kung sino man ang makakuha ng maikli ay siyang mauunang magpresent. Claro?" Tanong ng guro sa dalawang studyante. Tumango naman sila bilang senyas ng oo. Unang pumili ng stick si Angela dahil sabi ni Hunter ay "ladies first" daw. Napalunok naman si Angela sa sobrang kaba. Pumikit siya't kumuha ng stick mula sa kamay ng guro. Untii-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata, laking gulat niya dahil mahaba ang kanyang nakuha. Ang ibig-sabihin nun ay sila Hunter ang unang magprepresent.
Napasigaw siya sa sobrang tuwa, medyo nabawasan din ang kaba niya at ng kanyang mga kagrupo. Pumunta ang sila Hunter sa harapan at inayos na ang kanilang formation. Lahat ng blue team ay nakasuot ng blue shirt, pantalon at sneakers. Mayroon din silang mga indian hats na nakasukbit sa kanilang ulo. Kapansin-pansin ang makukulay na war facepaint na nakapinta sa mukha ng bawat miyembro. Nasa gitna si Hunter at bumulong nang "One, two, three." bilang senyas na simulan na ang cheer.
----
BLUE TEAM'S CHEER..
TO THE B - L - U - E . Kada letra ay nasusundan nang apat na mabibilis na palakpak. Maya-maya ay kinuha ni Hunter ang isang megaphone na nakapatong sa lamesa. Lahat ng sinasabi ni Hunter ay ginagaya ng kanyang members.
"Go! Go! BLUE team!" Go, Go, Blue Team.
"We will be the champions" We will be the champions...
"Goooooo Blue team!" Sabay-sabay nilang sigaw na nasundan ng masigabong palakpakan. Akala nang mga nanonood ay tapos na sila sa kanilang presentation pero biglang pumunta ang mga babae na kabilang sa blue team. iplinay naman ni Hunter ang isang kanta na nakaminus-one. Ang kantang ito ay pinamagatang "I Saw The Sign". Chorus lang ang kanilang kinuha rito.
Tono ng I Saw The Sign ng Ace of Base: (Chorus)
"I love my team and we're always here to fight !
and we're all happy now, knowing that you'll lose
We'll laugh at you, you know!
I love my team, and it opened up my eyes! Go, go BLUE team!" Sabay-sabay na kanta ng mga babae. Naghiyawan ang mga manonood dahil magaganda ang boses at malalambot din ang mga katawan ng mga babae sa blue team. Hindi rin maitatanggi ang kanilang synchronization sa bawat steps.
"Would you like to add something?" Excited na tanong ni Ms. Torres. Tumango si Hunter at ngumiti. Kinuha niya ang mic sa guro at nagsalita sa harapan. Kasama niya rin ang apat na myembro niya na sina Tiffany, Cameron, Cj at Arsela. Mayroon silang tig-iisang hawak na construction paper na kulay blue. Bawat construction paper ay may nakasulat na isang letra. Luminya ang apat, naunang humakbang paabante si Tiffany, na sinundan nang iba niyang kagrupo.
"B for Brave." Sigaw ni Tiffany na nasundan ng pagsuntok sa hangin.
"L for Loving." Malambing na wika ni Arsela habang nakaform ng parang heart ang kanyang mga kamay.
"U for Unique." Confident na wika ni Cameron habang nakapogi points sign.
"And E for Environment Friendly" Huling banat ni Cj.
"Anything na gusto mong sabihin sa kabilang team?" Palabang tanong ni Ms. Gomez kay Hunter. Napangiti lamang ang binata't napailing.
"Hold on to your seats RED team, the blue team is coming to haunt you." Natatawang wika ng binata.
Natapos sila sa kanilang presentation na puno ng tawanan, hiyawan at kung anu-ano pa. Nagpalakpaan ang lahat ng audience dahil halatang nag-enjoy sila sa cheer ng blue team. Pagkatapos nilang magpresent ay nagakbay-akbay silang lahat at nagform ng isang bilong. Lahat ay nakangiti at proud sa kanilang ginawang performance.
"I'm so proud of you guys! Ang importante ay masaya tayong lahat! GO BLUE TEAM!" Sigaw ni Hunter sa mga myembro. Nagtawanan ang kanyang mga kagrupo. Sabay-sabay nilang itinaas ang kanilang kanang kamay at sinabi ang mga salitang "Fight! Fight! Fight!".
Ang susunod na magpeperform ay sina Angela. Napalunok si Angela nang makita ang performance ng BLUE team. Pinagpapawisan na rin siya dahil sa sobrang kaba. Alam niyang nay laban ang BLUE team kaya kailangan nilang mas husayan. Hinarap niya ang kanyang mga members bago magsimula. Mariin muna siyang lumunok at nagbuntong-hininga bago magsalita.
"Ready?" Kinakabahang tanong ni Angela sa kanyang mga myembro. Tumango naman ang lahat.
"Then let's get this thing started! Remember, be classy never trashy." Sigaw niya sa mga kasama bago magsimula ang cheer.
Hindi na nila pinatagal at finorm na nila ang kanilang formation. Nagbuntong-hininga si Angela, kinuha niya ang kanyang pito sa bulsa, pagkatapos ay hinipan niya ito ng buong lakas. Ito ay bilang senyas na magsisimula na sila sa kanilang cheer. Nakasuot sila ng red shirt, denim pants at sneakers. Mayroon ding nakasukbit sa kanilang mga ulo. Mga koronang gawa sa papel na kulay pula. Kumikinang-kinang ito dahil mayroon itong makikintab na pulang glitters sa gilid. Hindi na nila pinatagal pa at sinimulan na ang cheer..
RED Team's Cheer..
"GO RED TEAM! Sabay-sabay nilang sinabi nang dalawang beses.
We're gonna beat you! We must, we must!
When you're up, you're up,
When you're down, you're down,
We're gonna beat you UP and DOWN!
Maya-maya ay tumugtog ang minus-one ng kantang "Royals" ni Lorde. Nang marinig ng ibang studyante ito ay agad silang naghiyawan. Ang blue team naman ay tahimik na nanonood ang kalabang grupo.
"Today, we're gonna be winners!
It do run in our blood!
This kind of luxe are just for us,
We crave a different kind of buzz.
Let me call you losers!
You can call us RED team!
And baby, we'll rule! we'll rule, we'll rule ...
This is aint your fantasy!"
Ngayon naman, si Ms. Gomez ang nagsalita sa mic. Pumunta siya sa harapan at ngumiti. Proud na proud siya sa kanyang grupo at alam niya na may ilalaban sila sa kabila.
"May gusto pa ba kayong idagdag?" Tanong niya kay Angela, tumango naman agad ang dalaga. Pumunta sa harapan ang kanyang tatlong kagrupo na sina Cheska, Zero at Sakura. May bitbit-bitbit silang tatlong illustration board na nakadikit sa isang maliit na kahoy para sa hawakan nito. Sabay-sabay nila itong itinaas, may mabubuong isang word dito. Ang salitang "RED". Naunang nagsalita si Cheska, itinaas niya ito hangga't sa kanyang makakaya at iginewang-gewang sa ere ang sign board.
"R for Respectful." Buong lakas na sigaw ni Cheska na nasundan ng isang bow.
"E for Engaging." Wika ni Zero, pagkatapos ay kumindat. Dahilan para maghiyawan ang mga babae sa audience.
"And D for Diligent." Seryosong wika ni Sakura.
"May gusto ka bang sabihing mensahe para sa kabilang grupo?" Tanong ng guro kay Angela. Ngumiti lang ang dalaga at kinuha ang mic mula sa guro.
"RED Team is going to give you the true definition of the word underdog, and it starts with the letters B-L-U-E." Mataray na pagkakasabi ng dalaga. Nagpalakpakan ang mga nanonood sa kanila. Naghihiyawan din naman ang iba. Alam ng dalawang grupo na maganda ang ginawa nilang presentation. Bukas pa nila malalaman ang resulta ng pagjujudge ng kanilang mga kaschoolmate. Nakasulat ang binoto ng kanilang mga schoolmate sa isang maliit na piraso ng papel. Hinulog nila ito sa isang ballot box, ang grupo na makakakuha ng mataas na boto ay makakatanggap ng mas mataas na grado.
Magaalas-kwatro na natapos ang kanilang cheering battle. Nag-ayos na sila ng kanilang mga gamit dahil sa gitna ng gubat sila magpapalipas ng gabi. Excited ang lahat sa overnight dahil first time ng lahat itong gawin. Bilang isang elite na tao, sanay sila sa mararangyang gamit. Dito masusubukan ang kanilang wilderness at survival skills. Magkabukod ding natulog ang dalawang grupo, ang RED team ay binabantayan ni Ms. Gomez at ang BLUE team naman ay kay Ms. Torres.
CHAPTER 16
Kulay kahel na ang kalangitan nang nagdesisyong ihanda na ng RED team ang kanilang mga tent para mamaya. Nakaupo lahat sila sa isang mahabang kahoy. Nagkwekwentuhan, nagkakatuwaan at ang iba nama'y magchichismisan. Tumayo ang kanilang adviser at dahan-dahang naglakad papunta sa harapan.
"Gawa na tayo ng campfire natin." Masiglang wika niya sa mga studyante. Bahagyang napangiti si Angela sa kanyang narinig.
"Sige! Masaya po 'yan, kaso sino gagawa ng apoy? Wala pa nga tayong mga punong kahoy e." Angal ni Angela sa kanyang guro, pagkatapos ay nagpout. Napangiti lang si Ms. Gomez sa kanyang narinig, tumingin siya kay Caleb at Zero. Inutusan niya ang dalawang binata na bumalik ng camp upang kumuha ng mga kahou na gagamitin para sa bonfire. Nakapokerface pa si Zero habang pinagmamasdan ang guro, tila walang interes an binata sa sinabi ni Ms. Gomez.
"What?" Matipid niyang tanong sa guro habang nakataas ang isang kilay. Napatawa naman ang kanyang mga kaklase dahil kalalaking tao, ang sungit masyado. Mayroon siyang narinig na isang babae na nagsalita na "napakagentleman talaga. Tss!" pero hindi niya pa rin ito pinansin. Wala kang pakiramdam na madarama kapag tinignan mo ang kanyang mga mata. Hindi pa pinatagal ng dalawang lalake at tumayo na sila.
"Tyrone ! Tara na nga, ang batugan masyado ng iba eh.." Padabog niyang tayo dahil sa pagkainis sa katamaran ng kaklase. Napailing na lang si Zero at sinundan ang dalawang binata. Habang nasa gitna ng daan, nagkalokohan ang tatlong binata.
"Pre, May natitipuhan ka ba sa mga classmates nating babae?" Nagulat ang dalawa sa tinanong ng Caleb. Si Caleb kasi yung taong mahiyain, introvert, o outcast sa klase. Pero habang tumatagal ay nagiging sociable na siya pagdating sa iba't-ibang bagay. Napatingin lang si Zero sa kanya at nakapokerface pa rin. Bumungisngis naman si Tyrone dahil sa tanong ng kaklase.
"Oh? Ikaw Tryrone? Sino nga ba 'yang nilalaman ng puso natin? Hahahaha" Asar ni Caleb sa binata sabay umakbay. Nakatingin lang sa kanya si Tyrone at nakangiti. Tinaggal niya yung pagkakaakbay ng binata at napatingin sa kanya.
"Eh! Ayoko nga, pagkakalat mo pa." Pabirong tugon ng binata. Napataas ang kilay ni Caleb nang marinig ang sagot ng kaklase. Tumingala siya pero kaunti lang ang naaaninag niyang liwanag mula sa buwan. Mabuti na lamang at may dala silang flashlight sa daan, dahil kung wala ay baka naligaw na sila sa pasikot-sikot na daan.
"Si ano crush mo no?" Malakas na tanong ni Caleb kay Tyrone
"S-sino?" Nahihiyang sagot ni Tyrone, biglang namula ang kanyang mukha at napaiwas ng tingin sa kaklase.
"Crush mo si Arsela no? Lagi mo kasi siyang tinitignan, baka matunaw 'yon! Hahaha" Natatawang wika no Caleb sa binata.
"Aa-ah-h? H-hinde ah!" Pautal-utal na sagot ni Tyrone nang may nanginginig na boses. Malapit na sila sa Koch's Camp nang may narinig silang tunog ng baril. Kinilabutan sila rito dahil malakas ang kanilang pagkakarinig dito, para bang malapit lang sa kanila ang pinagputukan ng baril. Napalingon si Caleb sa kung saan-saang direksyon sobrang kaba.
"Narinig niyo yun?" Tanong niya sa mga kasama. Tumango lang si Tyrone habang si Zero nama'y nakapokerface pa rin. Wala man lang siyang sagot sa tanong ng kaklase at hindi ito pinansin. Nakatingin lang siya sa kanyang harapan habang may supt-suot na headset. Sinaksak niya ito sa kanyang iPod at ipinasak sa kanyang dalawang taenga. Nauna na si Zero sa paglalakad habang nag-uusap ang dalawang binata sa kanyang likuran. Napakunot ng noo si Caleb sa ginawa ng kaklase. Hinabol niya ito at mariing hinawakan ang balikat at hinatak paharap sa kanya.
"Ano bang problema mo?!" Pasigaw at maangas na tanong ni Caleb kay Zero. Hindi sumagot si Zero at nagkibit lamang sa binata. Naasar si Caleb kaya't mabilis niyang hinigit ang headset na suot ni Zero. Hindi niya ito pinansin at tinaasan lamang siya nang kilay. Nagdesisyon naman si Tyrone na tignan kung saan galing ang narinig na putok ng baril. Lumayo siya sa dalawang kaklase habang bitbit ang kanyang flashlight. Mabagal kanyang lakad dahil sa kanyang takot na nararamdaman. Napaupo sa takot ang binata nang may narinig na naman siyang putok ng baril. Ngayon ay mas malakas kaysa sa nauna.
"S-Sino yan?" Nagpapanik na sigaw ng binata. Biglang nagalot ng katahimikan ang kanyang paligid. Mabilis gumapang ang takot sa kanyang mukha. Napalunok siya ng mariin at nagtago sa gilid ng isang puno. May narinig siyang mga hakbang na papunta sa kanyang direksyon, kaya nama'y mas lalo siyang nakaramdam ng takot. Paglingon niya ay nakita niya ang isang tao na nakamaskara na parang clown. May dala-dala itong matalim na kutsilyo at pinapadaanan ito sa kanyang mga nadadaanang puno.
Dahil sa kanyan nasaksihan, mas lalo siyang nakaramdam ng magkahalong kaba at takot. Alam niya na kapag hindi siya makakatakas dito, siya na ang susunod. Delikado ang kanyang sitwasyon lalo na't magisa na lamang siya sa gubat, hindi niya na rin mahanap ang kanyang mga kasama. Kakaibang lamig ang kanyang naramdaman sa buong katawan nang marinig niyang papalapit nang papalapit ang misteryosong tao sa kanya.
Muling natahik ang kanyang paligid. Masyadong delikado kung lalabas siya sa kanyang pinagtataguan kaya't pinili niyang huwag lumabas. Nakahinga na siya ng maluwag nang lumipas ang ilang minuto, inaakalang wala na ang kanyang nakita. Nanlaki na lamang ang kanyang mga maya nang may narinig siyang nakapangingilabot na tawa. Humakbang siya ng tatlong beses paharap mula sa puno at unti-unting lumingon. Nagulat siya nang makitang nasa likuran na niya ang nakamaskarang tao, sakto namang inatake siya nito. Mabuti na lamang at nakailag ang binata at tanging daplis lamang ng kutsilyo sa pisngi ang kanyang inabot. Tumatawa ito at kumakaway sa kanya na parang isang bata. Bigla siyang napasigaw sa takot. Kumaripas siya ng takbo habang iniisip ang kalagayan ng dalawa niyang kasama.
"Caleb! Zero! Nasaan na ba kayo!" Paulit-ulit niyang sigaw sa ang pangalan ng dalawang kaklase habang tumatakbo. Sa gitna nang kanyang pagtakbo ay bigla siyang napahinto. May nakita siyang maliwanag na ilaw. Hingal na hingal siya sa kanyang pagtakbo pero nabuhayan siya ng loob nang makita ang ilaw na ito. Alam niyang natakasan niya na ang gustong pumatay sa kanya, unti-unti niya itong nilapitan sa pag-aakalang ligtas na siya. Malapit na siya sa ilaw, tatlong yapak na lang ang kailangan para makapunta rito. Nakita niyang walang tao pero itinuloy niya pa rin. Nang pangalawang hakbang niya na ay bigla siyang nahulog sa isang pit hole. Napilayan siya sa lakas nang kanyang pagkabagsak. Sigaw siya nang sigaw ngunit walang nakakarinig sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Sumandal siya sa gilid nito at nagbuntong-hininga.
"Bakit ba kasi ang tanga-tanga mo Tyrone eh! Pinuntahan mo pa 'yon!" Sisi niya sa kanyang sarili. Ang rumi-rumi na ng kanyang damit dahil napuno na ito ng lupa at alikabok. Nakatingala lang siya at pinagmamasdan ang mga mga bituin. Naalala niya rito ang kanyang mga magulang. Si Tyrone ay kabilang sa isang mahirap na pamilya, scholar lang siya sa St. Venille. Hindi man siya kabilang sa mga top students, nagagawa niya namang mamaintain ang pagiging iskolar.
Maya-maya ay narinig niya muli ang tawa na katulad ng kanina. Tumaas agad ang kanyang mga balahibo. Napalunok siya at iniisip na sana ay hindi ang gustong pumatay sa kanya ang taong iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ito. May hawak-hawak itong water container, binaba niya ito sa tabi niya at umupo. Pinagmamasdan niya lang si Tyrone nang maigi.
"Hayop ka! Sino ka ba ha! Paalisin mo nga ko rito!" Sigaw niya, pero hindi siya nito pinansin at tumawa lang ng napakalakas.
"Alam mo, ang lamig ngayon no? Gusto ko sanang magpainit kasama ka." Wika niya kay Tyrone ng may paawang boses. Nakatitig lamang si Tyrone sa maskara ng taong ito at sinusubukang alamin kung sino ang nasa likod ng kanyang maskara.
"Hindi mo na kailangan magpainit! Demonyo ka! Masusunog ka sa impyerno! Pakawalan mo ko rito." Padabog niyang sigaw sa babaeng nakamaskara. Kinakalmot-kalmot ni Tyrone ang lupa at sinusubukang makagawa ng daan upang makaakyat. Yumuko naman ang babaeng nakamaskara at tumawa.
"Hindi ako tanga para sumunod sa inuutos mo! Hangal! Mamatay ka dahil mahina ka. Hindi mo ko kilala, at alam kong hindi mo ko kaya! Mamatay ka katulad ng iba!" Nangigigil na sigaw ng babae sa kanya na nasundan ng parang nababaliw na tawa.
"Alam mo, masyadong mainit ang ulo mo. Halika painitin pa natin. Kontrahin mo ang dalang lamig nitong gabi." Dagdag niya. Unti-unti niyang binitbit ang water container sa kanyang tabi na may lamang gas. Walang alinlangang ipinaligo niya ito kay Tyrone. Tuwang-tuwa siya sa kanyang ginagawa habang sigaw ng sigaw ang binata.
"Pagsisisihan mo tong ginagawa mo!" Pananakot ng binata, dahilan para mapahinto ang kanyang kausap sa ginagawa.
"See you in hell." Malamig na bulong ng nakamaskarang tao sa kanyang sarili. Pagkatapos niya itong sabihin ay itinuloy niya ulit ang kanyang ginagawa. Nang maubos na ang laman ng gas container ay umalis siya upang kumuha ng posporo.
Alam ni Tyrone na mamatay na siya ilang minuto lamang sa mga oras na 'to. Pinili niyang umupo sa gilid at ngumiti. Sa huling pagkakataon, alalahanin ang kanyang masasayang alaala kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.
"It's been a long journey, hindi ko inakalang mamatay ako dahil sa carelessness ko. Curiosity do kills, but it was worth it while it lasted." Bulong niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa malawak na kalangitan.
-
Ang dalawa niya namang kasama ay nakabalik na sa camp. May dala-dala silang mga bitak-bitak na punong kahoy sa kanilang mga kamay. Hindi na sila nagaksakayanpa ng oras at sinimulan na ang paggawa ng apoy.
"Teka, nasaan si Tyrone?" Tanong ng guro sa dalawang binata.
"Ayt? Oo nga no, nasaan na nga ba 'yon?" Tanong niya kay Zero pero hindi siya sinagot ni Zero. Nakapokerface lang siya habang tinitignan ang mga punong-kahoy na kanilang dinala.
"Ahh? Ma'am baka naman may pinuntahan lang. O kaya baka nahuli." Sagot ni Caleb sa kanilang guro habang nakahawak sa kanyang batok.
"Ahh? Ganun ba? Text niyo nga, sabihin niyo bumalik na rito." Utos niya sa kanyang studyante. Tumayo naman si Angela pagkatapos kalikutin ang bag ni Tyrone. Kinuha niya ito ay lumapit sa guro.
"Ma'am, heto po yung cellphone ni Tyrone. He left it here eh." Wika niya, pagkatapos ay ibinigay ang keypad phone ni Tyrone sa adviser.
"Ganun ba? Sige, huwag kayong mag-alala, magsesend na lang muna ako nang announcement sa Koch's Camp." Mahinahong sagot niya sa kanyang mga studyante. Naupo na silang lahat at nagkwentuhan ng kung anu-anong mga storya. Nakapalibot sila sa campfire na ginawa ng dalawang binata. Nasa gilid naman ang kanilang adviser at busy sa pagcontact sa Koch's Camp at pulisya para ireport ang nangyare.
-
Sa may hindi kalayuan, naroon pa rin si Tyrone sa pithole. Kalmado ang binata na nakasandal sa gilid habanf nakangiti. Hindi maganda kung magpapanik siya sa mga oras na 'to, lalo na alam niya naman na sa sarili niyang talo na siya. Mamatay na siya.
"Patayin mo na 'ko, huwag mo nang patagalin ang kalokohang ito." Wika ni Tyrone habang nakatingin sa babae.
"Hmmm, Music to my ears." Nababaliw niyang pagkasabi, kumuha siya ng isang posporo sa kahon at agad sinindihan ito. Napailing na lamang si Tyrone sa kanyang nakita. Dahan-dahan niyang ipinikit ang dalawa niyang mata. Ihinagis ng babae ang posporong hawak-hawak sa pithole at naglakad papalayo. Bigla itong nagliyab, unti-unting lumapit ang apoy sa kanyang kinasasandalan. Nagdulot ito ng makapal na usok sa paligid. Tahimik lang si Tyrone habang nilalamon ng apoy ang kanyang buong katawan. Nakangiti lang ang binata habang inaalala ang kanyang mga magulang at kaklase. Nauna man siyang mawala, alam niyang balang araw, masusugpo rin nila ito.
"I'll might die soon, but it doesn't mean I'll be gone." Bulong ni Tyrone sa kanyang sarili, pagkatapos ay unti-unti niya nang tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata.
-
Nakita ang makapal na usok mula sa camp ng RED team. Masayang silang nagkwekwentuhan at nagtatawanan nang biglang makita ni Eugene ang usok.
"Nakikita niyo ba yung usok na 'yon? Mukhang may nasusunog." Pinutol niya ang pagkwekwentuhan na agad namang napansin ng iba niyang kaklase.
"Oo nga no? Tara tignan natin!" Anyaya ni Alyssa sa kanyang mga kaklase.
"Huwag, masyadong masukal ang dadaanan, baka mapahamak pa tayo." Angal ni Cheska.
"Oo tama si Cheska, hayaan na lamang natin ang awtoridad na ang magasikaso riyan." Paliwanag ng guro. Nakumbinsi naman ang mga studyante sa RED team at ipinagpatuloy ang kanilang masayang pagkwekwentuhan. Nang nakita nang babaeng nakamaskara ang lasog-lasog na katawan ni Tyrone ay agad niya na ring inapula ang apoy. Umupo siya sa isang gilid at uminom ng soda. Kinuha niya ang kanyang pistol mula sa kanyang bulsa at binaril-baril ang katawan ni Tyrone. Tuwang-tuwa siya habang ginagawa niya ito. Nang makuntento na siya, nagdesisyon ang dalaga na iwan na lamang ito sa ere. Alam niyang lumalalim na ang gabi kaya inalis niya na ang kanyang maskara at itinapon kung saan. Bumalik na siya sa camp ng RED team. Naratnan niyang masayang nagkwekwentuhan ang kanyang mga kaklase. Sinalubong agad siya ni Angela.
"Oh? Saan ka galing? Ang tagal mo naman." Tanong ng kaibigan, ngumiti lang ito at itinaas ang kanyang hawak-hawak na soda.
"Ay sorry, bumili lang kasi ako ng soda e." Paliwanag niya sa kaibigan.
"Ahh okay, oh halika na, upo ka rito." Masaya niyang anyaya sa kaibigan. Maya-maya ay bigla siyang kinabahan sa tinanong ni Samantha.
"Nakita mo ba si Tyrone?" Bigla siyang pinagpawisan at nanginig. Iniiba niya ang tingin at kung anu-ano ang naiisip. Naguiguilty siya sa kanyang ginawa at ngayon, binabagabag siya ng kanyang konsensya.
"H-hinde eh? B-ba-ket?" Pautal-utal niyang sagot ng may nanginginig na boses. Mahahalata mo rin sa kanyang boses na kinakabahan ito. Naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang may narinig silang tunog ng isang horn. Ito ay bilang signal na kailangan na nilang matulog dahil marami-rami pa silang gagawing activities bukas. Naglights-out na ang camp ng RED team at nagsipuntahan sa kanilang sari-sariling tent.
CHAPTER 17
Magsisix-thirty na nang nagdesisyong ayusin ng BLUE team ang kanilang mga tent. Masaya silang lahat at proud sa kanilang performance. Lahat sila ay maraming dalang gamit, lalo na si Aliza. Dalawang bag ang kanyang bitbit. Isang backpack at isang gym bag; kapansin-pansin na kung anu-ano lamang naman ang mga laman nito. Nakatingin si Alexandra sa mga bag ni Aliza habang nakataas ang isang kilay.
"Oh? Marami ka yatang dala, ano ka magbabakasyon?" Sarkastiko't mataray niyang tanong sa dalaga. Napatigil si Aliza sa kanyang pag-aayos ng gamit at humarap saglit kay Alexandra.
"Ano bang pakielam mo ha? Inggit ka ba?" Mataray niyang tugon sa dalaga, pero tinawanan muna siya nito bago sumagot.
"Hindi naman. Nagtatanong lang.
Hihihi." Mahinhing wika ni Alexandra. Nagngitian silang dalawa pero peke ang mga ngiting ito. Tahimik na pinapanood sila ni Tiffany ilang hakbang lamang ang layo sa kanila.
"Ang chachildish niyo talaga." Bulong niya sa dalawa habang umiiling. Napatingin sa kanya ang dalawang dalaga at sumagot.
"Ano ka ba? Joke, joke lang 'yun! Peace tayo Aliza right?" Tanong niya kay Aliza habang tinatapik sa balikat. Nginitian din naman siya ni Aliza at sinakyan ang dalaga. Natigil ang kanilang pag-uusap nang makita nilang tumayo si Ms. Torres upang lipunin ang mga studyante.
"Okay, so ano gusto niyong gawin ngayon?" Nagagalak na tanong ng guro habang papaupo sa isang upuang gawa sa kahoy.
"Alam ko na, maglaro na lamang po tayo." Excited niyang wika sa mga guro't mga kaklase.
"Gabi na. Delikado maglaro sa gubat, lalo na't nilalamon ng kadiliman ang buong kalangitan." Babala ni Chantelle sa kanyang mga kaklase. Napatingin si Aliza sa kanya at kumunot ang noo.
"Why? Natatakot ka ba sa multo?" Pang-aasar ni Aliza na nagboses bata, pagakatapos ay pumalakpak siya't tumawa ng malakas. Napayuko si Chantelle sa hiya habang pinagtatawanan siya ng iba niyang mga kaklase. Kahit na napahiya, muli niyang binalaan ang mga kamag-aral.
"Huwag niyo nang ituloy ang binabalak niyo." Bulong ng dalaga kasabay ng kanyang pagtayo. Dumiretso siya sa kanyang tent at nagdesisyong magkulong; nagbasa na lanang siya ng isang libro na tungkol sa Greek Mythology.
Dahil sa pag-alis ni Chantelle, nabalot ang buong paligid ng nakabibinging katahimikan. Papatulugin na sana sila ng guro nang bigla siyang makatanggap ng isang text mula sa isang unknown number.
-----
Miss Torres, bumalik ka sa Koch's Camp, mayroong naghahanap sa iyo.
-----
Napakunot ang noo ng guro dahil sa kanyang nabasa. Kinusot niya muna ang kanyang kanang mata dahil inaantok na rin siya. Mariin muna siyang lumunok bago nagpaalam sa mga studyante.
"Class, I'll be right back. Pinapatawag kasi ako sa camp, may naghahanap daw sakin. Mukhang importante eh, I'll bring you biscuits na lang din when I return." Paliwanag niya na sinangayunan din lahat ng studyante. Tahimik na nakasilip si Chantelle sa kanyang tent habang nagpapaalam ang guro.
"For the mean time, si Hunter na muna ang bahala sa inyo." Wika ng guro, pagkatapos ay humarap siya kay Hunter. "I'll be trusting your classmates to you ha? Ikaw na ang bahala." Huli niyang paalala sa binata bago tuluyang umalis.
"I smell something fishy." Malamig na bulong ni Chantelle sa sarili habang pinagmamasdan ang unti-unting pag-alis ng guro. Nang makita ni Hunter na wala na ang guro, masaya siyang pumunta sa harapan at nagyaya.
"Oh ano? Game?" Excited niyang alok sa sa kanyang mga kaklase. Pumalakpak si Arsela at itinaas ang kanyang right hand.
"Game! Paano ba gagawin?" Tanong niya kay Hunter. Nagsitaasan ng kamay ang iba nilang kamyembro; gusto nilang makasali sa larong naiisip ni Hunter.
"Count me in Hunter." Bulong ni Tiffany na nasundan ng ngiti.
"Ako rin." Dagdag ni Cj.
"Kami rin." Wika ng iba habang nakataas ang kamay.
"Maglalaro tayo ng Hide & Seek" Enthusiastic niyang wika sa mga kaklase.
"It's okay, stop explaining na. Just make sure lang na hindi ako ang taya." Pabebeng paginterject ni Alexandra sa binata.
"Sige,sige mukhang masaya yan!" Pagsang-ayon sa kanya ni Erizel.
Napatingin si Alexandra kay Erizel at inirapan nang walang rason. Nagulat si Erizel at natawa ng mahina, napailing na lamang siya't bumulong. "Wow ha? Ang ganda mo". Sarkastikong bulong niya sa sarili pero nagawa siyang marinig ng dalaga. Napataas ang kilay ni Alexandra dahil sa kanyang narinig.
"Ano sabi mo?" Mataray na tanong niya sa dalaga, hindi siya pinatulan ni Erizel at nginitian na lanang siya.
"Wala. Sabi ko po ang ganda niyo." Plastick na wika ni Erizel pero napangiti pa rin si Alexandra sa kanyang narinig.
"Good! Mabuti't alam mo." Wika ng dalaga. Napatingin sila kay Hunter nang pumunta ito sa gitna.
"Dalawa ang magiging taya. Bawal lumayo okay? Alam ko namang marunong kayong maglaro ng Hide and Seek. Matatanda na kayo." Seryosong paliwanag ng binata. Kumuha siya ng isang soda bottle, pagkatapos ay tinawag niya ang kanyang mga kasama para pumaikot sa bote. Nagbilang si Hunter ng tatlo, pagkatapos ay pinaikot niya ang bote. Kung sino man ang matapatan ay siyang magiging unang taya. Nagkataon at huminto ito kay Erizel. Napangiti ang binata habang nakatingin kay Erizel.
"Oh? Ikaw yung unang taya ah?"
"Ang daya niyo! Ulet! Ulet!" Wika niya, pagkatapos ay nagpout. Napatingin dito si Alexandra at halatang asar sa kaklase. "Sino kayang mas maarte?!" bulong niya sa sarili. Napahinto't napatingin si Erizel kay Alexandra dahil dito.
"Ano sabi mo friend?" Tanong ni Erizel na nasundan ng mapang-asar na ngiti.
"Wala 'yon friend! Goodluck sabi ko. Hihihi." Mahinhing tugon ni Alexandra.
"Okay, may isa na tayong taya. Ngayon, kung sino naman ang tapatan ng pangalawang ikot ay siyang magiging katulong ni Erizel." Paliwanag niya na sinangayunan ng lahat. Nagbilang ulit siya ng tatlo at muling pinaikot ang bote. Tumapat ito kay Lacus. Mariing napalunok ang dalaga't nakaramdam ng nerbyos. Napangiti ang binata at tinignan ang dalaga sa kanyang mga mata.
"Ikaw taya." Matipid nitong wika, hindi sumagot ang dalaga at nakapout lamang.
"I hate this game!" Pabirong wika ni Lacus.
Nagsitayuan na ang mga studyante upang maglaro. Nagkanya-kanyang tago na ang mga studyante nang magsimulang magbilang ang dalawang taya. Mayroon din silang binaon na flag para may palantandaan sila kung saan ang camp nila sakaling maligaw sila sa daan.
"Kayong dalawa ang taya right? Kailangan niyong magbilang ng 30 seconds habang nagtatago kami. Okay?" Paliwanag niya sa mga taya. Tumango ang dalawang dalaga at tinakpan ang kanilang mga mata. Agad nagsitakbuhan ang lahat upang magtago. Tawanan sila ng tawanan at halatang nag-eenjoy sa kanilang nilalaro. Medyo lumayo-layo sa boundary ang magkaibigang sina Cameron at Resha. Napadpad sila sa parang isang terrace. Kitang-kita ang madilim na kagubatan at malawak na kalangitan dito. May nakita silang isang lumang maliit na bahay. Napangiti ang binata sa kanyang nakita, hinawakan niya sa kamay si Resha at hinatak papunta dito.
"Tara. Dito tayo magtago." Anyaya niya sa dalaga. Kumawala si Resha sa pagkakahawak ng binata at yumuko. Nanginginig ang buong katawan ng dalaga dahil sa nararamdamang takot.
"Ayoko." Angal niya sa binata. Napangiti lang si Cameron at dahan-dahang niyakap ang dalaga.
"Huwag kang matakot, nandito ako. Hindi kita iiwan." Mahina niyang bulong kay Resha. Namula si Resha sa kanyang narinig at ngumiti. Maya-maya ay may narinig silang malalaking hakbang papunta sa kanilang direksyon. Dahil dito, agad hinatak ni Cameron ang dalaga papasok sa bahay.
"B-Baki-" Naputol ang sasabihin ng dalaga dahil tinakpan ni Cameron ang kanyang bibig. Nagulat ang dalaga dahil bigla na lamang siyang pinasok ni Cameron sa loob ng madilim na silid. Hinampas ni Resha ng malakas ang binata sa balikat dahil sa ginawa nito.
"Ano ba kasi 'yon?!" Pabulong na sigaw niya kay Cameron.
"Sshhhh! Wag kang maingay, may paparating." Paliwanag ng binata. Natahimik ang dalaga sa sinabi ni Cameron at nagcross na lamang ng arms. Papalakas ng papalakas ang naririnig nilang hakbang. Ibig-sabihin nito ay may papalapit sa kanilang tao. May nakitang maliit na butas si Resha sa loob nang kwarto kaya agad niya itong nilapitan. Nakita niya na si Jeffrey lang pala ang papunta sa kanila. Nagbuntong-hininga ang dalaga at sumandal sa pader.
"Si Jeffrey lang pala eh, tara na!" Anyaya niya sa binata, tatayo na sana siya nang biglang hinatak siya pababa ng binata para mapaupo. Nanlaki ang mga mata ni Resha dahil sa higpit ng grip ni Cameron sa braso niya.
"Ano ba Cameron?! Nasasaktan na 'ko ha?!" Napalakas niyang angal sa binata. Tinitigan siya ni Cameron sa kanyang mga mata at inilapat ang kanyang hintuturo sa labi.
"May isa pang paparating, 'wag kang maingay kung ayaw mo pang mamatay." Babala sa kanya ng binata. Dahil dito, hindi niya makontrol at bigla na lamang nanginig ang kanyang dalawang kamay. Unti-unti siyang lumapit sa butas at nakitang si Erika. Nakapangalumbaba si Jeffrey mula sa terrace habang kinakausap ang sarili.
"Ang ganda ng view rito Miles!? Alam mo ba, ang saya-saya ko ngayon lalo na't kasama kita." Bulong niya sa sarili. Papalapit ng papalapit si Erika kay Jeffrey habang may hawak-hawak na isang maliit na bote sa kanyang likuran.
"I love you Miles!" Sigaw ni Jeffrey sa kawalan. Lumapit si Erika sa binata upang itapat ang kanyang bibig sa taenga ng binata.
"I love you too!" Nababaliw niyang bulong kay Jeffrey. Napalunok ang binata sa kanyang narinig at hinarap ang dalaga. Nakita niya si Erika na may hawak-hawak na bote ng asido. Nagmamadaling binuksan ito ng dalaga at itinapon sa mukha ni Jeffrey. Agad nalusaw ang mukha ng binata sa asido. Sigaw siya ng sigaw sa sobrang hapdi habang nakahawak sa kanyang nasusunog na mukha. Hindi pa nakuntento si Erika at kinuha ang kutsilyo sa kanyang bulsa. Sinaksak niya si Jeffrey sa likod ng tatlong beses. Napaatras ang binata sa ginawa ng dalaga. Hindi niya namalayan at nasobrahan pala ang kanyang pag-atras. Mabilis siyang nahulog mula sa terrace hanggang sa kanilang camp. Bumagsak siya sa flag ng blue team na may patulis na tuktok. Napangiti ang dalaga sa kanyang nakita. Nakatagos ang lalamunan ng binata sa dulo ng flag ng blue teams Punong-puno ng dugo ang damit ni Erika pero tuwang-tuwa pa rin ang dalaga. Napa-upo siya sa kanyang nagawa at nagsimulang umiyak. Nagbuntong-hininga siya at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang kanyang mga kamay.
"S-Sorry Jeffrey! Kailangan ko talagang gawin 'to eh." Nanginginig niyang sinabi sa sarili. Kinuha niya ang bote at kutsilyo para itapon kung saan. Kumaripas siya ng takbo pabalik ng camp para palabasin na siya ang unang nakakita ng bangkay ni Jeffrey, sa gayon ay hindi siya mapagbintangan.
Hindi makapaniwala si Resha sa kanyang nakita. Tinakpan niya ang kanyang bibig ng kanyang dalawang kamay dahil sa sobran pandidiri. Hindi siya makapagsalita sa kanyang nasaksihan. Ikwinento ng dalaga ang kanyang nakita sa kasama. Napailing lang si Cameron sa kanyang narinig. Sabay bumalik ang dalawa sa camp. Naratnan nila ang mga kaklase nilang nakapalibot sa flag. Kumaripas ng takbo si Resha para alamin kung anong nangyare.
"Anong meron?" Tanong niya kay Lacus.
"S-si Jeffrey!" Nanginginig na sagot sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Resha nang makita ang katawan ni Jeffrey na nakatusok sa flagpole. Nakapandidiri ang mukha nito dahil sirang-sira na ito at may kaunting bula pa. Napaupo siya sa lupa at nagsimulang magsisigaw sa takot. Naalala niya ang nangyare kanina. Sa may hindi kalayuan ay biglang napasigaw din si CJ dahil sa kanyang nasaksihan. Nakapangagaw ito ng atensyon sa lahat. Nagtakbuhan sila para pinuntahan si Cj.
"S-S-Si Ms. Torres!" Pautal-utal na wika ni Cj habang nakaturo sa guro. Nakagapos si Ms. Torres sa isang pillory na gawa sa salamin. Ang kanyang ulo at dalawang kamay ay nakasuot sa mga masikip at maliit na bilog. May mga sugat siya sa katawan at may malaking laslas sa kanyang bibig. Naratnan siya ng kanyang mga studyante na sumusuka na ng dugo. Unti-unting humarap si Ms.Torres sa kanyang mga studyante. Nahirapan siyang magsalita dahil sa laslas sa kanyang bibig, pero sinubukan niya pa rin ito.
"Tu-Tulungan niyo ko!" Utal-utal niyang sinabi habang tuloy parin ang pagdanak ng dugo mula sa kanyang bibig. Hindi rin ito masyadong maintindihan. Naghahabol ang guro nang kanyang hininga at umiikot na rin ang kanyang mga mata. Nataranta ang mga studyante at hindi alam ang kanilang gagawin. Nagulat sila nang marinig ang anunsyo sa speaker na nakasabit sa isang puno.
"Gusto ko sanang maglaro tayo, BLUE team. Sa ayaw't sa gusto niyo makipaglaro sakin, wala kayong magagawa. Masyado na kasing maraming alam yang pesteng guro na yan! Kailangan na niyang manahimik habangbuhay."
"Kung sino ka man, tigilan mo na 'to! Maawa ka samin!" Pakiusap ni Hunter. Hindi siya pinakinggan nito bagkos ay tinawanan lang siya. Napaupo si Erika sa lupa. Iyak lang siya ng iyak pero masama ang tingin nina Cameron at Resha sa kanya.
"Mayroon lang kayong limang minuto para maalis ang madaldal niyong guro sa pillory! Kung hindi naman, mapupugutan siya ng ulo, at the same time maalisan rin siya ng dalawang kamay!"
Napalunok si Hunter sa kanyang narinig. Naniniwala siyang kaya nila 'tong gawin bilang isang grupo. Ayaw niya ng may mangyare pang trahedya sa kanila. Agad pumaikot ang kanyang mga myembro sa guro. Sinusubukang alamin kung paano nila maalis ang guro sa pillory.
"Subukan niyo muna alisin yung sa ulo." Suggestion ni Erizel sa mga kaklase. Sumangayon naman ang lahat sa sinabi ng dalaga. Sinubukan nilang galaw-galawin ang ulo ni Ms.Torres mula sa pagkakatrap nito sa pillory, pero kapag ginagalaw ito, nakakarandam ang guro ng matinding sakit. Nagkakasugat siya dahil sa matulis na salamin. Umiling ang guro pero pinagpatuloy pa rin ng mga studyante ang kanilang ginagawa. Umaasa ang lahat na mailigtas ang guro mula sa nakamamatay na trap.
"The hell! Bakit niya ba kasi 'to ginagawa satin?!" Naiinis na sigaw ni Arsela habang nagpapanik.
"Walang mangyayare kung magsisisigaw ka lang diyan. Tulungan mo kame." Bulong ni Erizel sa kaklase. Lahat sila ay nakahawak sa likod ni Ms. Torres at marahang hinahatak ang katawan ng guro patalikod. Umaasa silang lulusot ang ulo rito.
"R-ready?" Kinakabahang tanong ni Hunter. Nagbuntong hininga siya at nagsimulang magbilang ng tatlo. Humawak ang lahat sa katawan ni Ms. Torres at hinigit paatras. Napasigaw lang ang guro sa sakit, pero mahina na lang ito dahil nawawalan na siya ng boses. Nagdulot ang kanilang ginawa ng maliliit na sugat sa kanyang leeg.
Masikip ang pagkakasuot ng ulo at dalawang kamay ng guro sa pillory, kaya naman nahirapan ang mga studyante alisin siya rito. Nawalan na ng pag-asa ang lahat dahil kahit konting galaw lang ay nagdudulot ng matinding sakit sa guro. Napaupo na lang sila at pinaikutan ang guro. Lahat sila ay umiiyak at isa-isang nagsasabi ng kanilang mga huling mensahe sa guro. Alam nila na kahit papaano ay napasaya nila ito. Nagulat sila't mas lalong nalungkot nang marinig nila ang isan tunog ng honk.
"Oooops! Times up! Good night teacher!" Wika sa speaker. Nasundan pa ito ng nakapangingilabot na tawa. Biglang may narinig sila na parang tunog ng isang makina. Tumingin si Ms. Torres sa kanyang mga studyante at ngumiti.
"G-G-Good B-B-Bye!" Utal-utal niyang paalam sa kanyang mga studyante. Sumakto rito ang biglang pagbaba ng nasa taas na part ng pillory. Napugutan si Ms.Torres ng ulo at dalawang kamay. Nagsigawan ang lahat nang babaeng studyante nang gumulong ang ulo ng guro sa kanilang harapan. Ang iba'y tinakpan ang kanilang mga bibig at diring-diri sa nakita. Ang iba nama'y tumakbo para magkulong sa tent. Hindi na nila alam kung anong gagawin nila. Halos hindi rin nakatulog ng husto ang ibang myembro ng BLUE team dahil sa pangambang sila na ang susunod.
CHAPTER 18
Kinabukasan, puno ng katatakutan at pangamba ang naging usapan nang magkita ang dalawang grupo. Gusto niya sanang ianunsyo kung anong team ang nanalo, pero sa sitwasyon nila ngayon, mas mabuting hindi na. Ipinanalo niya na lamang ang dalawang grupo at parehas na binigyan ng mataas na grado. Nagdesisyon ang guro na umalis na ng Koch's Camp. Dapat ay tatlong araw silang magstestay dito pero dahil sa mga nangyare, nagdesisyon sila na bumalik na lamang ng St. Venille. Nagkwento ang dalawang team ng kani-kanilang experience sa gabing iyon. Halos lahat sa kanila'y natakot at kinakabahan sa mga susunod na mangyayare. Late na nang nakarating si Ms. Gomez sa assembly dahil sa paghahanap sa kapwa guro. Habang naglalakad-lakad, nakita niya si Hunter. Nilapitan niya ito at kinausap.
"Hunter" Tawag niya sa binata. Napalingon naman si Hunter at hinarap ang guro. Seryoso ang kanyang mukha at halatang natrauma sa nangyare kagabi. Napakunot ang noo ng guro nang makita ang mukha ni Hunter.
"Nakita mo ba si Ms. Torres? Kanina ko pa kasi siya hinahanap eh, hindi ko talaga siya makita." Matamlay na tanong sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Hunter nang marinig ang tanong ng guro. Yumuko ang binata at may tumulong luha mula sa kanyang mga mata. Napalunok si Ms. Gomez sa pinakitang reaksyon ng binata. Hinawakan niya si Hunter sa dalawang balikat ng mahigpit. Nagsimula na ring tumulo ang luha sa mga mata ni Ms. Gomez.
"H-huwag mong sabihingg...." Nanginginig na wika guro sa binata. Unti-unting humarap si Hunter kay Ms. Gomez at tumango. Biglang napaupo ang guro sa kanyang nalaman. Iyak siya ng iyak dahil si Ms. Torres ang kanyang pinakamalapit na kaibigan na guro sa St. Venille. Pinalibutan siya ng kanyang mga studyante at sinusubukang patahin. Ikwinento ni Hunter ang sinapit ni Ms. Torres. Galit na galit siya sa kanyang nalaman. Sigaw siya ng sigaw sa sobrang galit. Maya-maya ay biglang narinig nila ang busina mula sa mga bus. Dumating na ang araw kung saan babalik na sila sa St. Venille. Pinunasan ni Ms.Gomez ang kanyang mga luha at tumayo. Inayos niya ang kanyang sarili at nagbuntong-hininga.
"Class, kunin niyo na ang mga gamit niyo. Aalis na tayo." Utos niya sa mga studyante. Tumango naman ang lahat at nagsimulang magsikilos. Lahat ay nagmamadaling ayusin ang kani-kanilang mga gamit.
Sa cabin nila Aliza, nagche-check siya ng gamit hanggang sa may napansin siyang kulang dito. Nawawala ang isa sa kanyang lipstick. Nagsimula siyang sumigaw na ikinagulat ng kanyang mga kasama sa cabin;sina Alina at Tiffany.
"That darn b*tch! Magnanakaw talaga siya!" Galit na galit niyang sigaw. Nacurious naman ang dalawa niyang kasama at itinanong kung anong problema.
"Bakit ate?" Mahinhing tanong ni Alina. Napataas ang dalawang kilay ni Tiffany at umupo sa harapan ni Aliza.
"Oh? Anong problema?" Tanong niya sa dalaga. Tumayo si Aliza at humarap sa dalawa habang nakapamewang. Makikita mo sa kanyang mukha na surang-sura siya. Napakataray ng kanyang mukha na para bang may susuguring tao.
"Iyang Alexandrang 'yan! Magnanakaw! Insecure kasi saken." Padabog niyang sagot sa dalawa. Natawa lang at napailing si Tiffany sa kanyang narinig.
"Ikaw talaga, alam mo namang masama magbintang hindi ba?" Mahina niyang tanong kay Aliza, pero hindi siya nito pinakinggan. Dumiretso siya sa pintuan para sugurin si Alexandra. Bago pa man ito makalabas ay pinigilan siya ng kanyang kapatid na si Alina. Hinawakan ni Alina ang kanyang ate sa balikat at subukang pigilan.
"Ate tama na. Wala ka namang pruweba eh." Napalakas ang kanyang pagkakasabi kaya mas lalong nainis si Aliza kaya napagbuntungan niya ang kapatid. Hinawakan niya sa shirt si Alina at hinatak palapit sa kanya.
"So ano? Tinataasan mo na ako ng boses? Huwag mo nga kong pakielaman! I don't need your bullsh*t! Kaya kung pwede lang ha, lumayo-layo ka saken! " Pasigaw niyang sinabi sa kapatid, pagkatapos ay itinulak niya ito sa sahig. Napaupo si Alina sa lakas ng pagkakatulak ni Aliza. Napasigaw si Tiffany sa kanyang nakita at agad tinulungan si Alina.
"Aliza! Wala ka talagang manners! B*tch!" Sigaw ni Tiffany habang itinatayo si Alina. Ngayon lang nakita ni Alina ang pagkabadside ni Tiffany. Tinulungan siya ni Tiffany at itinaong kung okay lang ba siya. Tumango naman si Alina at tumayo. Inayos na lang ang kanilang mga gamit at hinayaang makipagaway ang kanyang ate. Dumiretso si Aliza sa dorm ng mga exchange students. Napakalakas ng katok nito na para bang sisirain ang pinto kaya agad siyang pinagbuksan ni Sakura.
"Nandiyan ba si Alexandra?! Bwisit na 'yan! Ilabas mo yung ninakaw mo!" Nang makita ni Sakura na galit na galit si Aliza ay nailang ito't tumango. Dumungaw si Alexandra sa bintana at nakita si Aliza. Napangiti siya na para bang nangaasar. Tumabi si Sakura sa gilid at umupo habang pinagmamasdan ang dalawa mag-away.
"Oh? Bestfriend! Napadaan ka ata?" Bungad niya kay Aliza. Hindi na nakapagpigil si Aliza at biglang sinampal ang kaklase. Nagdilim ang paningin ni Alexandra at itinulak si Aliza palabas ng cabin. Nagsabunutan silang dalawa sa sahig. Halos gumulong-gulong na sila pero wala silang pakielam. Nakita ito ni Sakura at para bang tuwang-tuwa sa ginagawa ng dalawa. May nakita siyang vase sa gilid niya. Kinuha niya ito at ibinagsak. Nagulat ang dalawang dalaga sa ginawa ni Sakura at napahinto. Nagbuntong-hininga siya at seryosong tinignan ang dalawa.
"Tama na! Try acting as an elite sometimes!" Sigaw sa kanila ng dalaga, pagkatapos ay dumiretso siya sa kanyang kwarto para mag-ayos ng gamit. Naguilty ang dalawa sa kanilang narinig. Tumayo si Aliza mula sa sahig at pinagpag ang kanyang damit.
"Sa'yo na lang yung ninakaw mo. Mukhang mas kailangan mo." Mataray niyang sinabi kay Alexandra. Tinaasan siya ng kilay ni Alexandra at bumulong sa sarili "Sino kayang mas low-profile sating dalawa ngayon?". Papaalis na sana si Aliza nang marinig niya ang sinabi ng kaklase. Tumalikod siya't ngumiti.
"Anong sabi mo?"
"Wala bestfriend! Sabi ko mauuna na ko, magaayos pa kasi ako ng gamit ko eh." Excuse ni Alexandra.
"Ahh? Yung gamit bang ninakaw mo? Hihi." Sarkastikong tanong ni Aliza na nasundan ng nakakainis na tawa.
"Ha? Anong sabi mo?" Naghahamong tanong ng dalaga. Ngumiti lang si Aliza rito at tinapik sa balikat si Alexandra.
"Ikaw talaga bestfriend, hindi mo alam yung "joke"! Hahahaha" Masayang wika ni Aliza. Tumawa naman si Alexandra ng pilit.
Nakatingin sa kanila si Sakura. Natatawa sa kanyang mga nasaksihan. Nagbuntong hininga ito at sinabing "Hay nako! Amplaplastik talaga!" ng mahina sa sarili. Nang matapos ang kanilang sagutan, nagdesisyon na silang bumalik sa kanilang bus. Bago sila umalis ay binuksan ng driver ang radyo. Nakaupo na ang lahat ng studyante nang biglang may narinig silang nakakairitang tunog sa radyo. Dahil dito, piangtatakpan nila ang kanilang mga taenga.
Maya-maya ay may narinig silang sumisigaw. Hindi nila ito mabosesan pero alam nilang mayroon nanamang nasa panganib ang buhay. Lalaki ang humihingi ng tulong mula sa radyo. Mariing napalubok si Ms. Gomez sa kanyang narinig, alam niyang mababawasan sila kapag hindi siya agad kumilos. Nagdesisyon ang guro na bumaba ng bus at dumiretso sa main office para iannounce sa buong camp ang pagkawala ni Eugene. Naiwan sa bus ang mga studyante, natatakot silang lahat at hindi alam ang gagawin. Tumayo si Samantha at pumunta sa harapan. Yayayain niya sana ang kanyang mga kaklase na lumabas at tumulong sa paghahanap.
"Kailangan nating kumilos. Tara na!" Sigaw ni Samantha, tumango naman ang kanyang ibang mga kaklase. Lahat ay sang-ayon dito maliban kay Zoey. Nasa bandang gitna siya ng bus nakaupo. Dumungaw siya kung anong meron sa harapan at tinignang mabuti. Nang nakita niyang may paparating na na sibat sa bintana ay bigla siyang napasigaw sa takot. Tumayo siya at itinuro ang paparating na panganib.
"Ate Samantha! Alis jan!" Sigaw niya sa dalaga, napakunot naman ang noo ni Samantha at unti-unting liningon kung ano yung sinasabi ni Zoey. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang may papatusok na sibat sa kanya. Nabasag ang harapang salamin ng bus at sinalo ito ng buong katawan ni Samantha. Nasugatan ang kanyang mukha ng mga maliliit na bubog dahil sa malakas na pagkabasag ng salamin. Namatay din ang driver ng bus dahil natamaan ito ng malalaking parte ng salami, ngunit mas maraming tumamang bubog sa katawan at mukha ni Samantha. Tumusok ang sibat sa tiyan ni Samantha. Unti-unti siyang humarap sa kanyang mga kaklase at ngumiti. Hingal na hingal ito at para bang nawawalan na ng hininga. Bigla itong bumagsak sa gitna. Agad pumunta sina Erizel at Lacus sa harapan para tignan kung buhay pa ang dalaga pero huli na ang lahat. Nagpanik silang lahat sa bus. Kinuha ni Angela ang kanyang pito sa bulsa at hinipan ito. Nakapangagaw ito ng atensyon sa kanyang mga kaklase. Mapapansing natatakot din si Angela at nanginginig ang kanyang mga kamay, pero alam niya sa sarili niya na kapag hindi siya magiging matatag ay mamamatay din siya katulad ng iba.
"Ganito, Tulungan na lang natin si Ms.Gomez na hanapin si Eugene. Alam kong kay Eugene na boses yung narinig natin kanina. Ayokong may mabawas nanaman sa beasts." Mangiyak-ngiyak niyang wika sa harapan ng buong klase. Nakatitig naman sa kanya si Aliza at bumulong na "Tss! Feeling President!" Tumango ang lahat at nagkanya-kanya na para hanapin ang nawawalang binata.
Paikot-ikot sila sa buong camp pero para silang naghahanap sa wala. Magaala-una na ng hapon nang magkita-kita ulit sila. Lahat sila ay pagod na pagod at walang balita kung saan nagtungo ang binata.
"Baka naman nauna na siya." Wika
ni Alexandra.
"Wala siya rito. Nararamdaman ko." Mahinang tugon ni Sakura. Napatingin sa kanya si Zoey at yumuko. Lumapit siya kay Arsela at crinoss ang kanyang braso sa dalaga. Napatingin si Arsela kay Zoey dahil nakita niyang takot na takot ang kaklase sa nangyayare.
"A-ate, natatakot po ako." Paputol-putol niyang sinabi kay Arsela. Napangiti si Arsela kay Zoey at niyakap ang kaklase. Mayroong tumulong luha sa mga mata ng dalaga.
"Hayaan mo Zoey, everything will be okay. Trust me." Pagpapakalma niya kay Zoey. Nakita ni Hunter si Ms. Gomez at agad isinumbong ang nangyareng insidente sa bus, kaya naman bumalik ulit ang guro sa main office para ireport sa school ang nangyare. Nang makabalik ang guro, nakita niya ang mga studyante na walang buhay na nakaupo sa mahabang upuan.
"Hayaan niyo, parating na ang bus natin." Matamlay na wika ng guro. Tinanong naman siya ng kanyang mga studyante kung mayroon ba siyang nalagap na balita tungkol sa nawawala nilang kaklase na si Eugene. Nagbuntong-hininga ang guro at nagsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"W-wala eh, pero humingi na 'ko ng tulong sa mga nakakataas. Mahahanap natin siya, huwag na kayong mag-alala." Malumanay niyang sinabi kahit na may mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Naawa naman ang mga studyante sa kanilang guro at nagdesisyong yakapin ito. Nag-group hug silang lahat at masayang nagtawanan na para bang kahit na marami na silang pinagdadaanang masasakit, hindi pa rin sila sumusuko at naniniwalang matatapos din lahat nang ito.
Biglang dumating ang bus na ipinadala ng St.Venille. Pumarada ito sa tabi ngnaunang bus, pumila na ang mga studyante at isa-isang pumasok. Sinabi rin sa guro ng bagong driver na paparating na ang mga awtoridad para imbestigahan ang nangyare. Alam nilang wala masyadong magandang naganap sa pagpunta nila sa Koch's Camp, pero mayroon naman sila ritong importanteng natutunan. Ito ay maging matatag sa kahit anong problema at laging damayan ang mga kaibigang humihingi ng tulong mo.
CHAPTER 19
Halos lahat ng studyante sa St. Venille ay masayang bumalik ng camp maliban lang sa sixth class. Bawat studyante ay mayroong sari-sariling kwento na maari nilang ishare sa kanilang mga kaibigan. Ang sixth section ay matamlay na nagsibabaan ng bus. Halos lahat sa kanila ay walang makitang kasiyahan sa mukha. Lahat sila ay iniisip ang mga nangyare sa camp.
Pagbaba nila sa bus, sinalubong sila ni Eugene. Masaya itong tumatakbo papunta papunta sa direksyon nila at para bang ang saya saya nito. Agad napalitan ng ngiti ang lungkot ng mga studyante. Halos lahat ay yumakap sa kaklase dahil nag-alala sila rito. Napaiyak naman si Ms. Gomez ng makita ang binata.
"Oh? Bakit? Para namang ngayon lang tayo nagkita-kita." Biro ni Eugene sa kanyang mga kaklase. Nagtawanan naman sila at ikwinento kung bakit sila ganon makapagreact nang makita siya.
"Ahhhh, ganun ba? Eh kasi nauna na kong umuwi sa inyo. Sumabay ako dun sa kaibigan ko sa kabilang class." Paliwanag niya sa mga kaklase. Natawa si Angela at biglang niyakap ang binata.
"Huwag ka na ngang aalis ng walang paalam ha? Ayokong mabawasan pa ang beasts." Nanginginig na pagkasabi ng dalaga. Nang makitang ayos na ang lahat, isa-isa ng nagsibalikan sa kani-kanilang dorm ang lahat ng studyante. Back to normal nanaman ang lahat sa St. Venielle. Wala kahit isa sa seksyon 6 ang nagkwento kung anong nangyare sa Koch's Camp. Habang lahat ay nagpapahinga, biglang may announcement silang narinig sa speaker ng school.
"We will be having our seminar later. Please wait for further announcements. Thank you and have a good day!" Mahinahong anunsyo sa speaker ng principal. Napakunot ang noo ni Caleb sa narinig. Kasama niya sa dorm sina Hunter at Cameron. Napatingin siya kay Cameron na para bang inaayos ang hawak-hawak nitong dslr. Lumapit siya rito at kinalabit sa likod.
"Psssst!" Tawag niya kay Cameron na agad siyang nilingon.
"Oh? Bakit pre?" Tanong niya, pagkatapos ay muling tumingin sa camera.
"Nakakatamad umattend mamaya, tara kain na lang tayo." Anyaya niya sa kaklase. Nagulat ang binata sa sinabi ni Caleb. Tinalikuran niya ito at nagbuntong-hininga.
"A-ayoko nga. Lumayo ka nga saken. Bini-BI mo lang ako e." Tanggi ni Cameron. Natawa naman si Caleb ng malakas na nakapangagaw ng atensyon ni Hunter.
"Tsss! Matagal na talagang BI 'yan si Caleb. Hahahahaha, Joke!" Asar niya sa binata. Maya-maya ay nakarinig sila ng katok sa kanilang pintuan. Tumayo si Cameron at tinignan kung sino ang kumakatok. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at nakita si Cheska. May hawak-hawak na bola habang nakatingin sa binata.
"Tara? Basketball tayo!" Anyaya niya sa mga binata habang pinapatalbog-talbog ang bola. Napakamot naman si Cameron sa ulo at natawa ng mahina.
"Sila na lang, may gagawin pa ko e."
"Sige-sige, wait lang magbibihis lang ako. " Wika ni Caleb sa dalaga. Tumaas naman ang kilay ni Cheska nang marinig ang paliwananag ni Cameron. Pumamewang ito at sumandal sa pader.
"Baket? Ano nanamang gagawin mo?" Naiiritang tanong ni Cheska sa kaklase. Alam niya na isa lang ito sa mga walang kwentang excuse ng binata. Napatingin si Cameron kay Cheska at mabilis na kinuhanan ng litrato. Nagulat si Cheska sa ginawa ng binata pero tawa lang ng tawa si Cameron.
"Wala lang. Gusto ko lang magsolo, tas kukuha na rin ako ng litrato ng iba't-ibang parts ng school natin." Seryoso niyang sinabi at ngumiti.
"Ahh? Ganun ba? Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na lang 'yan?" Tanong niya kay Cameron na halatang nagpapaawa sa binata. Lumabas si Caleb galing banyo na nakabihis panlaro. Mayroon din itong bimpo na nakasabit sa kanyang kaliwang balikat.
"Sus! Crush mo lang si Cameron eh. Hahahaha! Ayieee!" Asar ni Caleb sa dalaga. Nabwisit si Cheska at biglang binato ang bola kay Caleb. Natamaan ang binata sa kanyang tyan pero hindi niya ito ininda at ipinagpatuloy ang pangaasar sa dalawa.
"Tsss! Tama na nga 'yan, maglalaro pa ba tayo o ano?" Tanong ni Hunter sa dalawa. Tumango si Cheska at lumabas na ng dorm kasama sila. Nang makitang wala na ang dalawang kasama, nagdesisyon si Cameron na magikot-ikot na muna sa buong campus. Bawat magandang scene ay kanyang kinukuhanan ng litrato. Nagdesisyon siyang pumunta sa 4th floor ng Academic Building.
Habang naglalakad siya pa-akyat ay napansin niyang may sumusunod sa kanya. Napahinto siya nang makaakyat na siya sa 4th floor. Nagdesisyon siyang magtago sa gilid ng isang room. Inabangan niya kung sino ang taong sumusunod sa kanya. Nakita niya si Sakura na hawak-hawak ang kanyang manika. Pumunta ito sa gilid ng 4th floor at napangiti. Ngumingisi si Sakura habang nakatingin sa pinagtataguan ng binata.
"Huwag ka nang magtago, alam kong nariyan ka." Napalunok si Cameron sa sinabi ni Sakura. Unti-unti siyang nagpakita kahit na kinakabahan.
"A-ah? Sorry! Bat mo pala ko sinusundan?" Tanong niya sa dalaga.
"Hindi kita sinusundan. Gusto ko lang manood." Sambit niya sa binata. Napakunot ang noo ni Cameron dahil wala itong kaide-ideya sa sinabi ni Sakura. Timabihan niya si Sakura at tinitigan ito.
"Manood? Ng ano?" Naguguluhang tanong ng bianata. Binigyan lang siya ni Sakura ng nakapanlolokong ngiti bilang sagot sa kanyang tanong.
"Ano pa? Edi palabas. May mga hindi ka pa alam sa St. Venille. Kailangan mo silang unahan bago ka maisahan. Isa sa pamilya ko ang naging biktama, patay na siya dahil sa isang trahedya sa St. Venille. Hindi normal ang mga tao rito, kailangan mong mag-ingat. No matter what happen, don't let your guard down."
"H-ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ng binata. Ngumiti lang si Sakura at lumapit sa mukha ng binata. Pinikit naman ni Cameron ang kanyang mga mata dahil sobrang lapit na ng mukha ni Sakura. Naririnig niya ang tawa ni Sakura na para bang pinaglalaruan siya nito. Tinapat ni Sakura ang kanyang bibig sa harap ng taenga ng binata.
"Ikaw Cameron, naranasan mo na bang...." Naputol ang sinasabi ng dalaga at nadugtungan ito ng nakapangingilabot na tawa. Napalunok si Cameron sa ginagawa ni Sakura. Binuksan niya ang kanyang mga mata at nakitang wala na ang dalaga na para bang nawala ng parang bula. Lumingon-lingon siya para tignan kung saan nagpunta si Sakura, pagtingin niya sa baba ay may nakita siyang pulang stickynote. Ipinulot niya ito't binasa na nagdulot ng kakaibang lamig sa kanyang katawan.
"-It's to kill or to be killed."
Mahahalatang sulat ito ng isang babae, alam niyang si Sakura ang nagsulat nito. Gusto niyang malaman kung anong mayroon at kung ano ang mga naganap na trahedya sa school. Naniniwala siyang may connection ang nangyare sa nakaraan sa nangyayare ngayon. Nagdesisyon siyang maglibot-libot muna sa fourth floor at magbakasakaling makita si Sakura, pero nabigo siyang mahanap ang dalaga.
Pababa na sana siya ng fourth floor nang may narinig siyang sigaw mula sa isang kwarto. Agad niya itong hinahanap, may nadatnan siyang isang babae na nakatayo sa isang upuan sa Computer Room A. Hindi niya ito maaninag masyado dahil natatakpan ang mukha niya ng kanyang mahabang buhok. Sinubukan niya itong lapitan. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan, napahinto sa pag-iyak ang babae at biglang tumawa ng pagkalakas-lakas. Napalunok si Cameron at biglang nagdalawang-isip na lapitang ang babae.
"M-Miss? Okay ka lang ba?" Tanong niya sa babae. Hinawi ng dalaga ang kanyang buhok at unti-unting inangat ang kanyang mukha. Nakita ni Cameron si Lacus. Nilapitan niya ito't sinubukang patahanin.
"B-Bakit? Anong problema?" Tanong niya sa dalaga habang nakangiti, bigla siyang niyakap nito at nagsimulang umiyak.
"W-Wala na kasi kami ni Hunter eh, ewan ko kung bakit pero hindi niya sinabi yung reason. That's so unfair!" Naiinis niyang sinabi kay Cameron. Niyakap naman siya ng binata ng mahigpit at pinatahan ang dalaga. Maya-maya ay nagulat si Cameron nang biglang tumawa si Lacus na parang nawawala sa sarili. Tinulak niya ang binata kinuha ang kutsilyo sa kanyang bulsa.
"Akin ka na lang Cameron at siguraduhin mong hinding-hindi mo ko lolokohin! Hahaha" Wika ng dalaga sa binata na may nakakatakot na boses. Tinutukan niya si Cameron ng kutsilyo at para bang wala na talaga siya sa sarili. Napatingin si Cameron sa lapag at may nakitang mga pinagbalatan ng gamot. Pumasok agad sa isip niya na nasobrahan si Lacus kaya nagkakaganyan ang dalaga. Humakbang ng tatlong beses paatras ang dalaga kay Cameron.
"Huwag kang lalapit kung ayaw mong mamatay!" Nanginginig na wika ng dalaga. Nagsimula nang umiyak ang dalaga at manginig ang buong katawan niya. Tumayo si Lacus sa isang office chair sa Computer Room A. May nakita si Cameron na parang lubid na nakatali sa kisame. Alam niyang may plano ang dalaga na magbigti.
"Ganyan ka ba katanga? Magpapakamatay ka para lang sa isang lalake? Marami pa riyan, hindi ka mauubusan. You deserve better!" Pagpapaklma niya sa kaklase. Nanlaki naman ang mga mata ni Lacus at para bang galit na galit ito.
"You're right! I deserve better! But ang hindi ko matanggap eh bakit pa sa lahat-lahat ng babae na ipapalit sakin ay si Alexandra pa! Sh*t yung babaeng 'yon! Ang kati-kati niya talaga!" Sigaw ni Lacus kay Cameron. Hinawakan ni Lacus ang lubid at dahan-dahang isinuot sa kanyang leeg. Tumingin si Cameron kay Lacus at biglang niyakap ang dalaga. Agad namang kinuha ni Lacus ang dala-dala niyang bread knife at sinaksak si Cameron. Hindi ininda ng binata ang sugat na kanyang natamo. Ang importante sa kanya ngayon ay mailigtas ang buhay ng dalaga.
"M-Makinig ka saken, hindi rason ang pag-ibig para sayangin mo ang buhay mo. Mayroon ka pang makikilalang ibang tao na magpapasaya sa'yo. Hindi mo kailangan gawin 'to para patunayan sa isang tao kung gaano mo siya kamahal. Katangahan ang gagawin mo, wala rin namang mangyayare pagkatapos ng lahat ng 'to. Hindi mo parin makukuha ang taong mahal mo." Nanginginig na wika ni Cameron. Biglang napayakap ang dalaga sa sinabi ni Cameron. Narealize niya na tama ang sinabi ng binata.
"Bakit mo ba to ginagawa? Bakit ba ang bait mo sakin? " Tanong niya sa binata habang umiiyak. Napangiti lang si Cameron at tinignan ang dalaga.
"Cause I know that we're siblings under one section." Seryoso niyang pagkasabi. Lumayo si Cameron at para bang napaupo dahil sa sugat. Unti-unti niyang inalis ang nakabaong kutsilyo mula sa kanyang tiyan. Tuloy naman sa pag-iyak si Lacus dahil naguilty siya sa kanyang ginawa. Inayos niya ang kanyang buhok at pinunasan ang kanyang mga luha. Ngumiti siya kay Cameron at tumawa ng mahina. Nakangiti rin si Cameron sa dalaga habang inaalalayan ang dalaga bumaba sa office chair.
"Salamat ha? You're one good friend. I almost gave up on life, but sinubukan mo pa rin saking iparamdam kung gaano kaimportante ang buhay ng tao." Mangiyak-ngiyak na wika ni Lacus.
Hinawakan ng dalaga ang lubid na nakatali sa kanyang leeg upang alisin ito, pero biglang dumulas ang kanyang kanang paa sa rocking chair. Nanlaki ang mga mata ng dalaga, nagulat din si Cameron sa biglang nangyare kay Lacus. Lumayo ang rocking chair sa pagkakadulas nito, biglang tumaas ang dalaga sa kisame. Nakahawak ang dalaga sa lubid na nakapulupot sa kanyang leeg at sinusubukang alisin ito. Hindi masyadong makatayo si Cameron dahil sa sugat na natamo pero sinusubukan niya pa rin.
Nang makatayo si Cameron ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin, pinagmasdan niya lang ang dalaga na masakal. Kinuha niya ang bread knife at pinadaan ang kutsilyo ng tatlong beses sa mukha ni Lacus. Maririnig ang ngarag na boses ng dalaga na halatang sakal na sakal sa lubid. Mayroong tumutulong dugo mula sa mukha ni Lacus kay Cameron. Hindi nagtagal ay nawalan na ng buhay ang dalaga. Hindi nakuntento ang binata sa kanyang ginawa. Kumuha siya ng isang monoblock chair at tumayo rito. Inalis niya sa pagkakabitin ang dalaga. Lumapit ito ng dahan-dahan sa taenga ng dalaga at bumulong.
"Keep your friends close, and your enemies closer." Nasundan ito ng napakalakas na tawa. Kinuha niya ang kutsilyo at sinubukang gilitan ng leeg ang dalaga. Sumirit ang dugo ni Lacus sa mukha ni Cameron pero hindi ito ininda ng binata. Nang makita niyang wala ng ulo si Lacus, kinuha niya ang lubid at itinali ulit ito ng patiwarik sa kisame. Ang ulo naman ng dalaga ay inipit sa dalawang pagitan ng salamin.
Hinubad niya ang kanyang polong punong-puno ng dugo at dumiretso ng C.R. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at nagawa niya 'yon. Ang alam niya lang ay kapag hindi siya kumilos, mauunahan at mauunahan siya. Naghilamos siya ng kanyang mukha at nagdesisyong bumalik sa kanilang dorm. Umarte siya na para bang walang nangyare, na para bang isang panaginip lang ang kanyang ginawa. Maya-maya ay kumatok ang kanyang mga kaklase na sina Cheska, Hunter at Caleb. Pagbukas ng pintuan ng tatlo ay para bang gulat na gulat ito at pinagpapawisan ang kanyang buong katawan. May benda ito sa tyan pero hindi nila nahalata dahil nakataho ito sa kanyang shirt.
"Oh? Para kang nakakita ng multo? Hahahaha, tara na nga! May seminar pa tayong aatendan." Masayang sinabi ng dalaga. Tumayo si Cameron at inayos ang sarili, sabay-sabay silang umalis ng dorm na para bang walang nangyare.
CHAPTER 20
Hindi mapakali ang binata sa seminar, iniisip kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon sa kaklase. Napatingin si Hunter kay Cameron at hinawakan sa balikat. Nagulat si Cameron sa ginawa ni Hunter at napasigaw. Napakunot ng noo si Hunter sa reaksyon ni Cameron. Pawis na pawis ang binata at halatang may bumabagabag sa kanyang pag-iisip.
"Okay ka lang ba dude?" Tanong ni Hunter. Mariing lumunok si Cameron at tumango bilang senyas na "Oo". Habang nasa gitna ng seminar, biglang tumabi si Sakura kay Cameron. Nailang ang binata sa ginawang pagtabi ni Sakura at nagbadyang umalis, pero pinigilan siya ni Sakura. Tumawa ng mahina ang dalaga na silang dalawa lang ang nakarinig.
"Alam ko kung anong ginawa mo." Wika ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Cameron at napaupo sa sinabi ni Sakura. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay dahil sa kaba at takot na malaman ang kanyang ginawa. Nginitian siya ni Sakura at hinawi ang kanyang buhok. Kinuha niya sa kanyang bag ang kanyang stuffed toy, si Mika. Hinawakan niya ito sa leeg at unti-unting pinilipilipit, habang ginagawa niya ito ay sinasabayan niya ng katakot-takot na halakhak.
"You don't need to kill to stay alive, she's still going to get us." Bulong niya sa binata. Sumandal si Cameron sa upuan at nagsimulang mag-isip ng kung anu-anong mga bagay. Inilabas ni Sakura ang kanilang class picture, kumuha siya ng ballpen at isa-isang minarkahan ang mga nasawi nilang kaklase. Nagsmirk siya kay Cameron at tinitigan ang binata sa kanyang mga mata.
"You're next."
"H-ha? P-pano mo naman nasabi yan." Pautal-utal niyang sagot kay Sakura. Napatingin si Zoey sa kanilang dalawa nang marinig niya ang pag-uusap.
"Stop scaring him, iyan ka nanaman sa mga non-sense predictions mo." Saway niya sa kaklase. Hinintay ni Sakura na matapos ang seminar. Nang makita niyang sila na lamang ang naiwan, tumayo ang dalaga at nilapitan ang kaklase. Mapapansing may tensyon sa pagitan ng dalawang magkaklase. Inilabas ni Sakura ang isang kutsilyo mula sa kanyang bag at hinawi sa kanyang leeg.
"I don't play the game sister. I just give signals before the game starts." Bulong ni Sakura. Tumayo si Zoey at tinulak ang dalaga, hindi niya napigilan ang kanyang sarili sa galit. Napalakas ang kanyang pagkakatulak kaya napaupo si Sakura sa sahig. Naunang bumagsak ang kutsilyong hawak niya bago siya bumagsak, bumaon ito at nasaksak siya sa bandang kanang tyan. Imbis na magsisisigaw sa sakit ay nanlaki ang mga mata nito at nagsimulang tumawa ng malakas.
"That's not the right way to treat your sister!" Sigaw niya. Napaatras si Zoey ng tatlong beses at napalunok. Napaupo siya sa sahig at nagsimulang umiyak habang yakap-yakap si Mister Nameless.
"You'll never be my sister! Ampon ka lang! Ampon!" Nagkukumahog na sigaw ni Zoey. Nakaupo siya sa sahig na parang isang manika. Pinupunasan niya ang kanyang mga luha ng kanyang mga kamay. Kahit na may sugat si Sakura, unti-unti siyang lumapit kay Zoey at niyakap ito.
"I'll always be your older sister." Bulong ng dalaga. Nagulat ang lahat dahil unang beses nilang nakitang ganito si Sakura. Tumayo si Zoey at inalalayan si Sakura papuntang clinic dahil sa natamong sugat. Magkapatid silang dalawa sa nanay. Si Sakura ay sumama sa kanyang tatay habang si Zoey sa kanilang nanay at ang bago nitong kinakasama. Kahit minsan ay hindi itinuring ni Zoey na kapatid si Sakura dahil kinamumuhian niya ito. Natatakot din siya dahil hilig ni Sakura ang paglaruan ang iba't-ibang klase ng kutsilyo kahit na nung bata palang sila. Nagkaganyan si Sakura dahil nakaranas siya ng pangaabuso sa kanyang ama. Sinasampal, sinusuntok at minsan ay ginagapos at ikinukulong sa isang madilim na kwarto. Hindi niya nakayanan ang ginagawa ng kanyang tatay at nagdesisyon na siyang lumaban.
***
"Sakura! Ano ba! Ang kupad mo talagang bata ka! Nasaan na yung kape ko!" Sigaw nito sa walang kamuwang-muwang na batang babae. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanyang tatay upang ibigay ang tinimplang kape. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa takot na masaktan at mapagalitan. Sa sobrang panginginig niya ay aksidenteng natapon ang tasa ng kape sa kanyang ama. Nagkukumahog sa galit ang kanyang ama at walang humpay na pinagsasampal si Sakura.
Umiyak si Sakura at nagpunta sa sulok. Nilapitan siya ng kanyang ama at nagbadyang molestyahin ang bata. Hindi niya na nakayanan ito, kailangan niya nang lumaban. Palihim na kinuha niya ang kutsilyo sa kanyang bulsa at pinagsasaksak ang lalaki. Matapos ang insidente, kinupkop si Sakura ng pamilyang Velasco at doon siya pinalaki, doon din unang nagkakilala ang magkapatid na Zoey at Sakura.
***
"Salamat, pangako, gagawin ko ang lahat para protektahan ka." Bulong niya sa kapatid. Napangiti si Zoey at kinuha ang dalawa nilang stuffed toy, nilapag niya ito sa tabi ni Sakura.
"Salamat ate, 'wag ka na kasing magbibigay ng warnings. Pagnagkataon, tayo na ang isusunod niya." Bulong niya sa kanyang ate. Napangiti si Sakura at tumango.
Papalabas na sana si Zoey sa clinic nang biglang may nakita siya sa lapag na envelope. Dahan-dahan niya itong kinuha at binuksan. Nanginginig ang kanyang mga kamay at kinakabahan kung ano ang nasa loob ng envelope. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang laman ng envelope, class picture. Lahat ng kanilang mga namatay na kaklase ay may ekis sa kanilang mga mukha. Tinignan niya sa likod kung may nakasulat dito, nanlaki ang kanyang mga mata nang mabasa ang sulat.
- "Sometimes, it's better to keep our mouths shut."
Hindi niya ito masyadong pinansin at nagdesisyong tuluyang lumabas ng clinic. Paglabas niya ay bumungad sa kanya ang isang trail ng manipis na sinulid. Nung una, nagdadalawang-isip siya kung susundan niya ito dahil baka isa lamang itong patibong ng killer, pero nangibabaw ang katapangan sa dalaga kaya sinundan niya ito. Nakita niyang papaakyat ang trail ng 2nd floor sa Academic Building. Bago pa man siya makaakyat ay nakita siya ni Erizel.
"Z-Zoey! We need your help!" Hingal na hingal niyang sigaw sa dalaga. Pawis na pawis si Erizel at ang dumi-dumi ng kanyang damit. Walang kaalam-alam si Zoey kung anong nangyayare at nagkakaganyan ang dalaga.
Tumakbo silang dalawa papunta sa Dorm B kung saan ang dorm ng mga babae. Napdpad sila sa dorm nina Alina. Sinusubukan nilang buksan ang pinto pero hindi nila ito mabuksan dahil may nakaharang sa pintuan. Makikita sa bintana si Alina na nakaupo sa sofa at takot na takot. Wala siyang saplot sa kanyang katawan kung hindi underwear lamang. Iyak siya ng iyak na parang isang musmos. Mayroon ding lubid na nakatali sa paa't leeg ng dalaga. Punong-puno ang sahig ng matutulis na pako, bubog at may mga maninipis ding sunilid na makikita. Kaparehas ng sinulid na nakita ni Zoey. Hindi nila alam kung para saan ang mga sinulid. Dumating na ng dorm si Aliza, nagtataka siya kung bakit ang daming tao sa harap ng dorm nila.
"Oh? Ano meron? May artista?" Biro niya sa mga taong nasa harap ng dorm nila. Halatang galing itong convenience store sa loob ng school dahil marami siyang bitbit na paper bags. Dahan-dahang lumapit si Erizel sa kanya at bumulong.
"Si Alina, nasa loob ng dorm niyo. Siya na ang susunod." Napalunok si Aliza sa kanyang narinig at nagsimulang magsisisigaw.
"Hindi! Sinungaling ka! Hindi kapatid ko ang susunod!" Agad niyang nabitawan ang kanyang ipinamili dahil sa kanyang narinig. Dali-daling dumiretso siya sa bintana upang silipin ang kalagayan ni Alina. Pinukpok niya ng tatlong beses ang bintana upang maaagaw nito ang atensyon ni Alina.
"Alina! Kaya mo 'yan. Huwag kang susuko. Huwag kang magpapatalo!" Sigaw niya habang nagsisimulang tumulo ang kanyang mga luha.
"A-Ate! Natatakot ako, tulungan mo ko..." Pautal-utal na paghingi ng saklolo ni Alina. Napaupo sa sahig si Aliza at nagsimulang magsisigaw, tuloy-tuloy din ang pagtulo ng kanyang luha sa mga mata ng dalaga. Nagbuntong-hininga siya at pinunasan ito. Sa kadahilanang ayaw niyang nakikita ni Alina na umiiyak siya. Tumayo ang dalaga at hinarap muli ang kapatid.
"Hayaan mo Alina, nandito si ate. Sundin mo lang yung sasabihin ko ah? Be strong. Huwag kang matakot, nandito ako." Nanginginig niyang sinabi sa kapatid. Tumango si Alina at tinignan ang kanyang kapatid sa mata. Nasa gilid naman si Erizel at naghahanap ng malaking bato na maaring ipambasag sa salamin.
Maya-maya ay may narinig silang wangwang, nanginig ang buong katawan ni Alina sa takot. Napalunok si Aliza dahil alam niyang hindi magandang senyas ito. Tinapik niya ang bintana at sinimulang gabayan ang kapatid.
"Alina, subukan mong buksan ang pintuan mula sa loob."
"P-pero ate!" Angal niya sa kapatid habang nakatingin sa mga nakakalat sa sahig. Alam niyang magkakasugat siya dahil wala siyang sapin sa kanyang paa.
"Kailangan mong subukan, magtiwala ka kay Ate." Mangiyak-ngiyak niyang sinabi kay Alina. Napalunok si Alina at sinubukang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Kakatayo niya pa lamang ay agad tumusok sa kanya ang mga bubog.
"A-ate! Tulungan mo ko.." Nagmamakaawang sigaw ni Alina, mahahalata sa mukha ng dalaga ang hirap na kanyang dinaranas sa sitwasyon na ito.
"Kaya mo yan, ilang steps na lang naman. Konting tiis Alina, koting tiis." Pinagpatuloy ni Alina ang kanyang paglalakad sa mga bubog. Wala pa siya sa kalahati, punong-puno na ng dugo ang kanyang paa dahil sa mga sugat. Hindi niya ito ininda at inisip ang kanyang kapatid. Nang makarating na siya sa harapan ng pintuan, isang matamis na ngiti ang kumurba sa labi ng dalaga.
"A-ate, tulungan mo ko." Nanginginig niyang wika sa kapatid.
"Sabi ko na nga ba, kaya mo yan eh. Hahaha" Bati ni Aliza kay Alina. Masaya siya dahil nagawa ng kapatid sundin ang kanyang mga sinabi, dahil dito, lumaki ang pag-asa niyang makakaligtas ang kapatid. Hinawakan ni Alina ang doorknob at tinignan kung may magagawa ba siya para mabuksan ito, ngunit nakasusi ito mula sa loob. Lumingon siya para tumingin ng posibleng pangalis ng lock. May nakita siyang kutsilyo mula sa kichen, nakita niyang medyo malapit ito ng kaniyang kinatatayuan kaya siya napangiti.
Pastudio-type ang mga dorm kaya medyo maliit lang ang pagitan ng banyo, kwarto, dining room at kitchen. Huminga siya ng malalim at sinubukang abutin ang kutsilyo. Nang maabot niya na ito, agad niyang sinubukan ang kutsilyo upang mabuksan ang lock. Itratry niya pa lamang sana nang biglang tumunog muli ang wangwang. Agad napatingin ang dalaga sa kanyang ate at nakitang nag-aalala ito.
"Ate, help me." Mahinhin niyang bulong kay Aliza habang hawak ang tali sa kanyang leeg na para bang sumisikip ito. Biglang tumigil ang wangwang, nagulat sila nang biglang nahatak si Alina. Agad napahiga ang daga sa sahig at nakaladkad sa mga pako't bubog sa sahig. Nakita ni Alina na malapit na siya sa pintuan ng backyard at alam niyang naroon ang killer, hinawakan niya ng mahigpit ang nakuhang kutsilyo at dali-daling pinigtas ang lubid. Laking tuwa niya nang maputol ito. Sobrang dami na ng sugat sa iba't-ibang parte ng katawan ni Alina. Ang ibang bubog at pako ay halos bumaon na sa kanyang balat. Hindi na rin siya makakilos ng maayos dahil dito. Nakahiga siya sa tapat ng ref at nagdasal. Humihingi siya ng tulong mula sa Diyos na sana ay maging maayos ang kanyang ate kahit na wala na siya. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kaliwang kamay bilang senyas na sumusuko na siya.
"Alina! Alina! Huwag kang bibitiw! Sh*t! Bukaan niyo nga tong pinto." Nagpapanik na sigaw ng dalaga habang kinakalampag ang bintana. Ngumiti si Alina at pinikit ang kanyang mga mata. Ilang saglit lamang ay biglang bumagsak ang ref sa kanyang ulo na para bang may tumulak dito. Nadaganan at napisat ng ref ang ulo ni Alina, agad tumalsik ang dugo at nadurog din ang utak ni Alina dahil sa lakas ng pagkakabagsak. Nakulayan ng pula ang mga transparent na bubog sa sahig. Napatingin si Aliza sa kisame at may napansing lubid kaya bumagsak ang ref. Hindi niya na muna ito binigyang halaga dahil sa nangyare sa kanyang kapatid. Maya-maya ay biglang dumating si Chantelle.
"Heto na yung susi ng dorm.." Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa harapan ng pintuan. Inilusot ang susi at agad namang nabuksan ito. Walang makalapit sa bangkay ni Alina dahil sa mga bubog sa sahig. Napaluhod si Aliza sa tapat ng pintuan at nagsisisigaw sa galit.
"I swear to God na magbabayad ang gumawa nito sa kapatid ko! Sh*t siya! Sh*t ang buong pamilya niya!" Pagkatapos niya itong sabihin ay bigla siyang nahimatay dahil sa sobrang stress. Inalalayan siya ng kanyang mga kaklase papuntang clinic. Nagtapos ang araw sa St. Venille na puno ng misteryo at nag-iwan ng sugat sa mga puso ng studyante sa pang-anim na seksyon.
CHAPTER 21
Kinabukasan, nagdesisyon si Aliza na tipunin ang mga natitirang mag-aaral ng sixth section. Agad nagsipuntahan ang lahat, makikita sa mukha ng dalaga ang labis na pangungulila sa kanyang kapatid. Bago siya magsimula ay nagbuntong-hininga muna ito at tumingala. Nanginginig ang kanyang katawan at parang nawalan ito ng lakas na lumaban sa buhay. Lahat ng kanyang mga kaklase ay nagdadalamhati sa pagkawala ni Alina.
"Hindi ko na talaga alam kung anong meron sa seksyon na 'to, at kung baket nangyayare ang mga bagay na to sa atin. If hindi pa tayo kikilos ngayon, may mamamatay at mamamatay nanaman." Matamlay na anunsyo ng dalaga,
"Marami-rami pa naman tayo sa klase. Twenty-one pa tayo, alam kong kaya pa natin tong magawan ng paraan. Meron akong naisip na plano, pero kailangan ko ang cooperation ng bawat isa. Maasahan ko ba yun sa inyo?" Dagdag ng dalaga.
"Maasahan mong gagawin namin ang lahat para sa kaligtasan ng bawat isa." Tugon ni Erika, masama ang tingin nila Resha at Cameron sa dalaga dahil naalala nila ang ginawa niya kay Jeffrey sa Koch's Camp. Ayaw pa ng dalawa na ibunyag ang madugong sikreto dahil sa takot na baka sila ang isunod nito. Kumuha si Aliza ng isang chalk at nagdrawing ng mapa sa board.
"Ito ang mapa ng dalawang dorms, ang plan ko sana is hindi na tayo magwawatak-watak. Kumbaga magkakaroon tayo ng apat na kwarto. Isa sa dorm A at tatlo naman sa dorm B. Sa ganitong paraan, naniniwala ako na magiging ligtas tayo."
"So ano plano? Sinu-sino ang magkakasama sa kwarto?" Tanong ni Resha.
"Sa tingin ko may point ka. Kailangan na nating kumilos bago mahuli ang lahat." Puri ni Tiffany sa kaklase habang nakatingin sa kanyang mga kuko.
Tumayo rin si Alexandra at niyakap si Aliza. Gusto na ng dalaga na makipagbati dahil sa nangyare kay Aliza. Ayaw niya ng makipagaway sa kaklase lalo na't nasa gitna ito ng pagdadalamhati.
"Sorry ha? Condolence na rin." Tumango si Aliza at pinatawad ang kaklase. Pagkatapos nilang magkabati ay ipinaliwanag na ni Aliza ang kanilang mga gagawin. Nagbigay din siya ng iba't-ibang rules and regulations.
"Magkakaroon ng curfew. Kailangan bago mag-8 o'clock nasa loob na kayo ng dorm niyo. Bawal na rin ang mga matutulis na bagay sa dorm. Magkakaroon ng isang assigned guardian sa bawat kwarto. Responsibilidad niya ang kaligtasan ng bawat isa sa kwartong yun."
"Sa Dorm A Room 1065, ang magkakasama rito ay sina Cameron, Cj, Caleb, Eugene, Hunter at Zero. Gusto ko sana na si Cj na yung guardin niyo. Okay lang ba sa inyo?" Tanong niya sa anim na lalaki. Lahat naman sila ay pumayag maliban kay Cj.
"Bakit ako pa? Nako, kapag may nangyareng masama sa isa riyan, for sure sa akin ang sisi. Ambigat naman ng responsibilidad na binibigay mo saken Aliza." Angal ng binata sa kaklase. Tinignan siya ng mataray si Aliza at pumamewang.
"Huwag kang maarte, hindi bagay." Wika ng dalaga na nasundan ng pag-irap sa binata. Tumalikod si Cj at sinagot si Aliza ng pabulong. "Pasalamat ka't namatayan ka, kundi nako! Ako papatay sayo." bulong niya sa sarili. Kinuha ni Cj ang susi sa lamesa at bumalik ulit sa kanyang upuan.
"Sa Dorm B Room 2056, ang magkakasama rito ay sina Angela, Arsela, Cathrine, Chantelle at ako. Ako na rin ang magiging guardian niyo sa kwarto para wala ng magreklamo." Mataray niyang paliwanag. Wala namang kumontra sa kanyang sinabi sa takot na tarayan sila ni Aliza. Kinuha ng dalaga ang susi at agad itong binulsa.
"Moving on, sa kabilang kwarto naman, Room 2077 which is located at the 3rd floor of Dormitory B. Ang magkakasama rito ay sina Cheska, Erika, Pau, Resha at Tiffany. Ikaw na Tiffany ang magiging guardian sa kwarto na yan. Claro?" Tuloy-tuloy niyang sinabi, kinuha niya ang susi at iniabot kay Tiffany. Nginitian lang siya ng dalaga at kinuha ang susi.
"I promise to protect you my fellow classmates." Enthusiastic niyang pagkasabi.
"Syempre, sa Room 2078. Ang magkakasama rito ay sina Alexandra, Alyssa, Erizel at ang magkapatid na sina Sakura at Zoey. Ikaw na ang bahala Erizel ha? Alam ko namang bagay ka maging leader." Seryoso niyang sinabi habang nakatingin kay Erizel. Natawa si Erizel ng mahina at kinuha sa lamesa ang susi ng nasabing dorm. Tumaas ang kilay ng dalaga na para bang alam na alam niya ang kanyang ginagawa.
"Kailangan niyong magdoble-ingat, lalo na't lahat ng buhay natin ay nasa panganib. Kayo nalang ang maasahan ko guardians, nasa sa inyo ang kaligtasan ng inyong mga kaklase. Wala ng pasaway? Please?" Natawa ng mahina si Alexandra dahil ngayon lang nila narinig na nagsabi ng "please" si Aliza. Nakita naman ito ng dalaga kaya pumunta siya sa harapan ng kaklase.
"Oh? Anong nakakatawa?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
"Bakit masama na bang tumawa?"
"Ayokong bumaba sa level mo at wala kong panahon na aksayin ang oras ko sa mga tulad mo." Tumaas din ang kilay ni Alexandra nang marinig niya ang sinabi ng dalaga.
"Actually, ako nga yung nagstoop down sa level mo, at higit sa lahat, ako yung nag-aaksaya ng precious time ko sa'yo. Kaya rin naman namatay si Alina dahil sa'yo eh. Kapabayaan mo!" Pabalang na sagot ni Alexandra. Napatingin si Tiffany sa dalaga dahil sa sinabi nito. Alam niyang mas lalong lalala ang gusot sa pagitan ng dalawang dalaga kapag hindi pa ito natigil.
"Alex tama na! Wala namang mangyayare eh. Kailangan natin to-" Hindi na natuloy ni Tiffany ang kanyang sinasabi dahil biglang sinabunutan ni Aliza si Alexandra. Hindi masyadong makalaban si Alexandra dahil nakatakong ito. Agad inawat nila Cameron at Hunter ang dalawang dalaga. Hinawakan sa kamay ni Cameron si Aliza at si Hunter kay Alexandra.
"Don't test me Alexandra, wala kang alam kung anong kaya kong gawin." Banta ni Aliza. Hindi ito pinansin ni Alexandra at nagawa pang irapan ang kaklase. Tumayo si Erika at niyakap si Aliza.
"Wala nanamang mangyayare kung magaaway-away tayo, kailangan na nating kumilos. Ihanda niyo na yung mga gamit niyo at magsilipat na kayo sa dorms na naka-assign sa inyo. Kayo ng bahala guardians ah? May tiwala ko sa inyo." Pagputol ni Erika sa pag-aaway ng dalawa. Agad nagsikilos ang mga studyante ng seksyon six at nagimpake. Makikita sa kanilang mga kilos na sila'y kinakabahan para sa kanilang buhay. Hindi nila alam kung sila na ba ang isusunod o kung ano.
Sa Dorm B Room 2077, ang room nila Cheska. Sila ang pinaka-unang studyante na nakapaglipat ng dorm sa lahat. Lahat sila'y nakaupo sa malaking sofa sa sala. Mabigat ang pakiramdam ni Resha dahil kasama niya rito si Erika. Alam niya sa kanyang sarili na kailangan niyang magdoble-ingat lalo na't alam niyang kayang pumatay ni Erika ng tao. Habang nanonood ng tv, pinaringgan ni Resha ang kaklase.
"Sa tingin niyo, sino kaya sa mga kaklase natin ang kayang pumatay?" Biglaang tanong niya na ikinagulat ng lahat. Agad kinabahan at nag-iba ang kilos ni Erika. Marahan siyang tumayo siya at nagpaalam sa mga kaklase.
"A-ah? Ewan ko? Sige girls, dun muna ko sa kitchen ah? Magpreprep lang ako ng food para sa ating lahat." Excuse ni Erika. Napangiti si Resha sa reaksyon ng kaklase. Tumawa siya ng mahina at bumulong ng "Marunong din palang makiramdam ang mamamatay tao" sa kanyang sarili.
Maya-maya ay may nagtext kay Tiffany si Aliza. Sinabi ni Aliza na huwag nang palabasin ang kanyang mga kasama dahil oras na ng curfew. Tinawag ni Tiffany ang kanyang mga kasama para pagbawalan ang mga ito.
"Guys, 'wag na kayong lumabas ng room ah? Curfew na't baka may mangyare pa sa inyo. Konsensya ko pa 'yon." Anunsyo niya sa mga kaklase. Lahat sila ay tumango bilang "oo" sa sinabi ni Tiffany.
Habang ang lahat ay masayang nagkwekwentuhan, biglang may naalala si Cheska. Kinapa-kapa niya ang kanyang bulsa at naalalang naiwan niya ang kanyang telepono sa locker room sa gym.
"Sh*t! Nakalimutan ko yung phone ko sa locker. Nagpractice kasi kami kanina ng volleyball. Can I get it? Please? Baka kasi mawala eh." Nagmamakaawa niyang sinabi kay Tiffany. Nagpout naman si Tiffany dahil hindi niya alam kung papayagan niya ba ang dalaga o hindi.
"Hindi ko alam Cheska kung makapapayag ako sa gusto mo. May bukas pa naman eh, makukuha mo rin 'yon. For sure makukuha rin ng guards yun pag rumonda sila sa campus later." Paliwanag niya kay Cheska, pero nagpumilit ang dalaga.
"Eh kasi baka manakaw yun, mahalaga sakin yung phone na yun. I need to get it right now, may inaantay kasi akong mahalagang text eh."
"Bakit? Ano ba yung text na 'yon at sobrang halaga?" Tanong ni Tiffany habang nakatingin sa kanyang smartphone.
"It's about my scholarship for college." Napangiti si Pau sa kanyang narinig at niloko ang dalaga.
"Wow Cheska! Matalino ka pala? Hahahaha" Sarcastic na wika ng dalaga, binatukan siya ni Cheska at tumawa.
"Matagal na. Ngayon mo lang nalaman? Hahaha" Natatawang sagot ng dalaga. Tumayo si Tiffany at kinuha ang susi sa isang kwarto. Dumiretso siya sa pintuan pero bago pa man niya ito mabuksan, biglang nagsisisigaw si Erika.
"Huwag mong gawin yan Tiffany. Madilim na oh, masyadong delikado." Pagbabawal ng dalaga, napatingin ng masama si Cheska kay Erika.
"Baket Erika? Inggit ka? Tara, samahan mo ko." Mataray na anyaya ng dalaga sa kaklase. Ngumiti naman si Tiffany at natawa sa sinabi ni Cheska.
"Erika, samahan mo si Cheska kunin yung phone niya. By this way, siguro naman magiging safe kayo." Utos ni Tiffany habang inilulusot ang susi sa door knob. Pinihit niya ang door knob at agad kinuha ang susi sa loob. Pinayagan niyang lumabas si Cheska dahil panatag ang loob niyang gagabayan siya ni Erika.
Napatingin si Erika kay Cheska pero hindi ito pinansin ng dalaga. Mabilis silang naglakad papunta sa locker room. Nang makarating na sila rito, may naramdaman si Erika na kakaiba sa paligid.
"Bilisan mo ah? Para kasing may nakatingin satin." Kinakabahang bulong ni Erika kay Cheska.
"Yes boss! Masyado kang matatakutin. Hahaha, tinatakot mo lang sarili mo eh. Feeling mo naman may mangyayareng masama? You're overthinking everyhing Erika." Natatawang sagot ni Cheska sa kaklase. Sasagutin sana siya ni Erika pero dumiretso na agad siya sa locker room.
Naiwang nakatayo sa labas si Erika, hinihintay niya si Cheska sa tapat ng pintuan. Paglingon niya sa dulo ng corridor ay nakita niya ang babaeng nakamaskara. Nagulat din siya nang biglang nagring ang phone niya dahil sa natanggap na text message galing sa unregistered number.
---
+639*********
"You can run but you can't hide."
---
Nanlaki ang mga mata ni Erika nang mabasa ang text. Hindi niya na tinawag si Cheska at tumakbo na siya pabalik ng dorm. Nang makabalik siya rito ay hingal na hingal ang dalaga at hindi maikwento kung anong nangyare. Kumuha ng isang basong tubig si Tiffany at pinainom kay Erika.
"Anong nangyare Erika? Nasaan na si Cheska? Bakit hindi mo siya kasama?" Sunod-sunod na tanong niya sa kaklase. Nang nahimasmasan si Erika, nagbuntong-hininga ito at napatingin sa salamin. Nakita niya na parang dumungaw ang babaeng nakamaskara sa salamin. Nagpanik siya at nagsisisigaw. Hindi alam ng kanyang mga kasama ang gagawin kay Erika. Tumayo si Pau at hinawakan sa dalawang balikat si Erika. Sinapal niya ito ng malakas para tumigil sa kakaibang kilos ng dalaga. Nang masamapal niya ito, tawa naman ngayon ng tawa ang dalaga.
"We can run but we can't hide..." Misteryosong bulong ng dalag. Nagulat sila nang biglang natumba sa sahig si Erika, nahimatay siya. Napakunot ng noo si Tiffany dahil sa gulo ng mga pangyayare. Maya-maya ay may narinig silang malakas na kalabog sa pinto. Katok ito ng katok na kulang nalang ay sirain ang pintuan. Unti-unting lumapit si Tiffany sa pintuan, hinawakan niya ang door knob at binuksan. Nagulat siya sa kanyang nakita, hindi niya ito inaasahan.
CHAPTER 22
Sumalubong sa tapat ng bintana si Cheska, nakahiga ang dalaga sa sahig habang naliligo sa sariling dugo. Marami siyang sugat sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan. Nanlumo si Tiffany nang makita ang kanang paa ni Cheska, punong-puno ito ng dugo at nakaipit sa isang bakal na beartrap. Naghahabol si Cheska ng hininga, umiikot na ang kanyang paningin at malapit nang mawalan ng malay. Agad kinuha ni Tiffany ang susi sa kanyang bulsa, marahas niyang ipinasok ito sa door knob para pagbuksan ang dalaga, pero hinawakan siya ni Pau sa braso upang pigilan.
Huwag mong gagawin ang binabalak mo, mapapahamak lang tayo." Babala ng dalaga sa kaklase. Hindi siya pinansin ni Tiffany at itinuloy ang pagbukas sa pintuan. Nakita niya ang naghihingalong kaklase habang gumagapang ito papunta sa kanya. Sinundan ni Tiffany ng tingin ang dulo ng beartrap, nakita niya na mula sa balkonahe ng building ay pababa ito. Napansin niya ring nakakabit ang dulo sa isang pulang kotse. Nakaramdam ng panginginig sa buong katawan ang dalaga nang makita ang sitwasyon ng kaklase. Tumingin-tingin muna siya sa kanyang paligid, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang babae na nakamaskra sa dulo ng hallway. Muli siyang pumikit at inisip na namamalik-mata lamang siya. Idinilat niya ang kanyang mga mata at nakitang wala na ang babae sa dulo ng hallway. Isa niya lamang itong guniguni dahil sa mga nangyayare.
Lumabas na rin si Pau sa kwarto at dali-daling hinatak si Tiffany papasok ng kwarto. Tinignan siya ni Tiffany ng pagkainis sa kanyang ginagawa, kaya naman agad nagpumamiglas ang dalaga.
"Kailangan mong pumasok, mapapahamak ka riyan!" Hysterical na sigaw ni Pau. Nagmatigas si Tiffany at tinitigan sa mga mata ang kaklase.
"I'm willing to die for the sake of others. This way, I can say that I died for a reason. I died in a meaningful and heroic way." Bulong ng dalaga sa kanyang sarili.
Wala ng nagawa si Pau kundi bitawan ang kaklase. Nginitian siya ni Tiffany at dali-daling itinulak papasok ng dorm. Ikinagulat ni Pau ang inasal ng kaklase pero inintindi niya na lamang ito. Bago isara ni Tiffany ang pintuan, nagpaalam siya sa kanyang mga myembro.
"I promised na proprotektahan ko kayo kahit anong mangyare at ayokong sirain ang pangakong yun. Good bye classmates and good luck!"
Tinignan niya muli ang bear trap sa paa ni Cheska. Hinawakan niya sa pisngi ang kaklase at niyakap.
"Everything's going to be fine. Huwag kang susuko okay?" Pagpapakalma niya sa kaklase. Hindi makatingin sa kanya si Cheska, sising-sisi siya sa kanyang ginawa at nahihiya sa kaklase.
Sinuri ni Tiffany kung matibay ang chains ng trap. Napailing siya't tumayo upang sinubukang humingi ng tulong sa iba.
"Dito ka lang ha? Sandali lang ako, kailangan nating humingi ng tulong." Bulong ni Tiffany sa kaklase. Tumango lang si Cheska bilang Oo sa sinabi ng kaklase.
-
Sa room 2078, ang katabing kwarto nila Tiffany. Ayaw pumayag ni Erizel na makialam sa kung anong gulo mayroon sa kabilang kwarto.
"Erizel, mukhang nagkakagulo na sila Tiffany. Hindi ba natin sila tutulungan?" Nangongonsesnyang tanong ni Alyssa. Tinignan lang siya ni Erizel ng nakataas ang isang kilay.
"I can't afford to lose one of you." Malamig na sagot ng dalaga.
Napailing si Alexandra sa kanyang narinig at hinarap si Erizel. Naniniwala kasi ang dalaga na kapag tinulungan nila si Cheska, liliit ang posibilidad na magtagumpay ang killer sa kanyang binabalak.
"Kung hindi tayo kikilos, sinong tutulong sa kanila?" Tanong ni Alexandra. Napayuko lang si Erizel at mariing lumunok bilang bwelo sa kanyang isasagot.
"I'm sorry. They're on their own for now." Nanghihina niyang sagot. Halata sa mga mata ni Erizel na gusto niyang tulungan ang kanilang mga kaklase, pero iniisip niya rin ang kapakanan ng kanyang mga myembro.
"Paano po 'yon? Hahayaan na lang natin silang mamatay? Paano kung pumunta rito yung killer? Baka hindi rin nila tayo tulungan." Nanginginig na wika ni Zoey. Napatingin si Sakura sa kapatid at inilabas ang isang kutsilyo mula sa kanyang bulsa.
"Subukan nila at ipapakita ko kung paano makipaglaro si Sakura." Bulong ni Sakura sa kapatid.
Napailing lang si Alyssa sa mga sagot ni Erizel. Gusto niya talaga lumabas para tulungan ang iba. Ayaw niyang tumanga't magkulong sa kwato lalo na't alam niyang may nanganganib na buhay sa mga oras na 'to.
"If you can't save them, I think I can." Matapang na bulong ni Alyssa. Napatingin lang si Erizel sa kanya habang mahigpit na hawak ang susing nakasukbit sa kanyang leeg. Ngumiti siya't tumayo upang pagbuksan ang dalaga.
"Sige, lumabas ka, pero hetong tatandaan mo, once na lumabas ka sa kwartong ito, hindi na kita responsibilidad." Bulong ni Erizel habang nakatingin sa kaklase.
"If you think selfishness ang pag-iisip sa kaligtasan ng lahat, then you're free to go. Go outside and let that f*cking bastard take your sh*tty life!" Nagkukumahog na sigaw ng dalaga.
Napaupo si Alyssa sa kanyang narinig at para bang natauhan. Nagsimula siyang umiyak na parang bata, niyakap siya ng kanyang mga kasama upang patahanin ang kaklase. Nagbuntonghininga si Erizel, nagpatay malisya sa umiiyak na kasama at dumiretso sa isang kwarto upang magkulong.
-
Sa kabilang kwarto, halos 30 minutes na silang nag-iisip ng solusyon. Tumayo si Pau upang silipin si Cheska sa labas. Nakita niya ang nakalulunong kalagayan ng kaklase.
"R-Resha, subukan mong tulungan si Cheska sa labas." Pautal-utal niyang wika habang nakatingin kay Cheska.
"Bakit ako? Wait kukunin ko yung phone ko. Kailangan natin itong ireport sa pulis. Dapat kasi talaga magtransfer nalang tayo para makatakas sa sitwasyon na to." Wika ni Resha. Tinignan lang siya ni Pau at hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga.
"A-ah? Ganun ba? Sasama ko, bukas aayusin ko na rin yung papers ko." Wika ni Pau. Kinuha niya rin ang phone niya para magreport sa pulis.
Habang busy ang dalawa sa kanilang ginagawa, nagulat sila nang makarinig ng kalabog galing sa salamin. Napasigaw sila dahil sa gulat. Nagtuturuan kung sino ang sisilip kung anong nangyare. Unti-unting lumapit si Pau sa salamin para suriin. Napalunok ang dalaga dahil sa kakaibang katahimikan na bumabalot sa paligid. Nagulat siya nang biglang lumitaw si Cheska sa harap ng salamin.
Sumesenyas ang dalaga na buksan ang pintuan. Hindi maipaliwanag ang mukha ni Pau dahil litong-lito siya kung anong gagawin. Tinignan niya ang paanan ni Cheska at nakita ang bear trap. Napalunok at napaatras ang dalaga sa kanyang nakita. Tinulak siya ni Resha at nagbalak na pagbuksan ang dalaga.
"Ano bang ginagawa mo? Tulungan natin si Cheska!" Nagpapanik na sigaw ni Resha. Napaupo sa sahig si Pau dahil napalakas ang
pagkakatulak sa kanya ng dalaga.
Agad din siyang tumayo upang pigilan si Resha sa kanyang binabalak. Mabilis nilapitan ang kaklase at hinatak ang buhok pababa, dahilan para mapaluhod si Resha sa sakit.
Ilang saglit lang ang lumipas nang bigla nilang narinig ang sigaw ni Cheska. Nasaksihan ni Pau ang buong pangyayare. Mabilis na hinatak si Cheska pababa ng building. Nang makatayo si Resha ay agad siyang umisip ng paraan para mabuksan ang pinto. Kumuha siya ng kutsilyo at inilusot sa may lock ng doorknob, umaasang mabubuksan ang pinto. Napangiti siya nang maramdaman niyang naalis na ang lock. Binuksan niya agad ito at tumingin sa balkonahe.
Nagulat si Resha sa kanyang nakita. Napisat ang buong katawan ng dalaga habang nakakalat ang kanyang mga lamang loob sa sahig. Napatingin dib siya sa isang kotseng kulay pula na nasa gilid. Biglang bumukas ang ilaw nito at sinimulang gulong-gulungan ang mga parte ni Cheska. Nanghina siya nang makitang pinaraan ng gulong ang ulo ni Cheska, sumirit ang mapulang dugo ng dalaga at tumalsik ang utak niya palabas. Napalunok si Resha sa sobrang pandidiri, hindi niya na nakaya ang mga pangyayare. Kumaripas siya ng takbo papasok para ibalita kay Pau ang kanyang nasaksihan.
"Pau, si Ches-" Naputol ang kanyang sinasabi nang makitang may hawak na kutsilyo ang dalaga. Nanlilisik ang mga mata ni Pau habang mahigpit na hawak ang kutsilyo. Humawak si Resha ng mahigpit sa grills ng balkonahe at nagsimulang magsisigaw.
"Anong gagawin mo sakin Pau? Ikaw ba ang may kagagawan nito?!" Tanong niya sa dalaga. Umiling lang si Pau at nilapitan ang kaklase. Hindi siya nagdalawang isip na itulak si Resha sa balkonahe, pero nabigo siya sa kanyang binabalak. Hindi nahulog ang dalaga dahil nagawa niyang makakapit sa grills nito.
Sumigaw si Pau at sinubukang alisin ang pagkakahawak ng kaklase sa grills pero bigla siyang nakaramdam na may paparating na tao. Tumingin siya sa dalawang kanto ng hallway at tumakbo pababa ng building. Wala namang magawa si Resha kundi sumigaw ng "tulong". Laking tuwa niya nang makita niyang nagising si Erika. Agad lumabas ang dalaga at tinulungan ang kaklase. Tinanong niya rin kung nasaan na ang kanilang mga kasama pero walang masagot si Resha.
Kahit na iniligtas siya ni Erika, wala pa rin siyang tiwala sa dalaga. Sabay silang bumaba sa 2nd floor, nagdesisyon din si Resha na isarili na lang ang nangyare. Ayaw niyang magbigay ng masyadong impormasyon kay Erika gawa ng kawalan ng tiwala. Nagdesisyon silang pumunta sa Room 2056, ito ay ang dorm nina Arsela. Kumatok ng tatlong beses si Erika sa pintuan. Agad naman silang pinagbuksan nina Arsela at Cathrine. Nakita nila na ang dumi-dumi ng damit ng mga kaklase. Napansin din nila ang mga mancha ng dugo sa kanilang mga baro.
"Kailangan niyo kaming tulungan Arsela." Nagmamakaawang wika ni Resha. Lumingon si Arsela sa kanyang mga kasama, nakita niya na parang ayaw nilang patuluyin ang dalawang dalaga sa loob ng kanilang kwarto.
"S-sorry Resha ah? Mukhang ayaw kasi nila pumayag eh. Baka kasi sakin sila magalit kapag pinatuloy ko kayo." Nanghihinang sagot ng dalaga sa kaklase. Nagsimula nang umiyak si Resha at lumuhod sa harap ng dalaga.
"Kapag hindi mo kami pinatuloy, baka mamatay kami." Pabulong na sigaw ng dalaga. Napalunok si Arsela sa kanyang narinig. Dumungaw ang kanilang guardian na si Aliza. Umupo siya sa tapat ng pintuan at pinagalitan si Arsela.
"Ano ba Arsela?! Alam ba nila ang ibig-sabihin ng salitang hindi pwede?" Nasusurang sigaw ni Aliza. Wala nang nagawa si Arsela kundi sumunod sa utos ng kaklase. Tinulungan niyang tumayo si Resha sa pagkakaluhod at niyakap ng mahigpit.
"Pasensya ka na talaga Resha, subukan niyong pumunta sa Dorm B. Sa kwarto ng mga lalake, at baka payagan nila kayong makapasok doon." Malumanay niyang bulong kay Resha. Pinunasan niya ang kanyang mga luhaat nagbow kay Arsela. Bago pa man siya makaalis, nakita niyang dumungaw si Pau sa dorm nila Aliza. Hindi na siya nakapagpigil at nagsimulang magsisigaw sa harap ng kwarto habang kinakalampag ang kanilang salamin.
"You monster! Bakit niyo siya pinatuloy dyan? Hindi niyo ba alam na muntik niya na kong patayin? Go ahead ang let the predator take away your precious lives."
Napakunot ng noo nina Angela at Catherine. Ayaw nilang sinisiraan ang kapwa-beast nila kaya hinarap ng dalawa si Resha.
"How dare you?! Hindi porket hindi namin kayo tinanggap eh gagawa ka na ng scene rito? Ang cheap mo naman. Sabagay, mahahalata naman sa'yo from head to toe e. Hahaha" Banat ni Angela.
"Are you talking to me? Or are you talking to yourself? Hahahaha" Dagdag ni Catherine. Binatukan siya ni Arsela at natatawa na rin.
Hindi na nagsalita si Resha sa kanyang mga narinig sa beasts. Ito ay dahil sinabihan na rin siya ni Erika na huwag ngpatulan. Habang naglalakad sa hallway, nakaramdam sila na parang may nakatingin sa bawat galaw na kanilang ginagawa.
"Erika, ang bigat ng pakiramdam ko." Bulong ni Resha sa kaklase. Napangisi lang si Erika sa sinabi ng dalaga, dahil dito, biglang kinabahan si Resha sa reaksyon ni Erika.
"Huwag kang matakot, nandirito naman ako eh." Malamig niyang bulong sa kaklase. Humakbang paatras si Resha kay Erika ng tatlong beses sa takot.
"You can't fool me. Alam kong ikaw ang pumatay kay Jeffrey." Sigaw ni Resha. Nanlaki ang mga mata ni Erika sa kanyang narinig. Dinukot niya ang lagi niyang dala-dalang gunting sa kanyang bulsa at itinutok sa dalaga. Tawa lamang ng tawa si Erika na parang nawawala na sa kanyang katinuan.
"Sometimes, you've gotta play the game to survive." Misteryosong bulong ni Erika.
"Sh*t!" Sigaw ni Resha, pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo palayo kay Erika.
Sa dulo ng hallway, may nakita si Resha na bukas na pintuan kaya agad siyang pumasok dito upang magtago. Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi siya marinig ni Erika. Mayroon din siyang nakitang isang pocket knife sa sahig kaya agad niya itong kinuha. Hinawakan niya ito ng mahigpit upang maging armas panlaban sa kaklase. Mahahalata ang takot at kabang iniinda ng dalaga dahil sa sobrang panginginig ng kanyang mga kamay.
"You can run, but you can't hide." Nakapanindig balahibong babala ni Erika. Nakita ng dalaga ang sapatos ni Resha sa ilalim ng desk. Napangisi siya rito sa pagaakalang mapapatay niya na si Resha. Lumingon siya para hanapin ang dalaga, nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nasa harap niya na si Resha.
"Mamatay ka muna bago ko mamatay!"
Agad pinaraanan ni Resha ng pocket knife ang pisngi ni Erika. Nanghina't napaatras si Erika habang hawak-hawak ang kanyang pisngi. Nakita ni Resha na pagkakataon niya na ito para makatakas kay Erika. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at nagsimulang magtatakbo sa hallway. Nakapikit ang kanyang mga mata habang tumatakbo, ang nasa kanyang isip lamang ngayon ay walang iba kung hindi ay makatakas kay Erika. Nagulat siya nang biglang may nabunggo siya. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at nakita ang isang binata.
"God! Ikaw lang pala, tulungan mo ko. Gusto nila kong patayin." Pagmamakaawa ni Resha habang mahigpit na hawak ang shirt ng lalake.
"A-ah? Sige! Tara. Sumama ka na sakin sa dorm namin." Anyaya ng binata sa dalaga. Nakaakbay siya habang papunta sa dorm nila. Nasa likod ang isang kamay ni Cameron habang may hawak na kutsilyo. Tumingin si Resha kay Cameron ng may suot na ngiti. Isang ngiting muling napuno ng pag-asa na siya'y mabubuhay pa.
"Salamat ah?" Mahinhing wika ng dalaga.
"Wala 'yun..." Malamig na tugon ni Cameron habang nakatingin sa malayo.
CHAPTER 23
Nakasandal sa balikat ng binata ang dalaga habang sila'y naglalakad sa hallway. May crush si Resha kay Cameron kaya magaan ang pakiramdam niya sa binata. Alam ni Cameron ang lahat para maprotektahan siya nito. Naalala niya bigla ang kanilang diranas sa Koch's Camp, kung saan nagtago sila sa isang shed at napanood ang pagkamatay ni Jeffrey.
Napansin ni Resha na medyo madilim ang kanilang paligid at parang papunta sila sa isang lumang classroom. Kahit na nababahala, hindi niya ito pinansin dahil malaki ang tiwala niya sa binata. Tumingin si Resha sa mukha ni Cameron at napansing napakaseryoso nito. Habang nasa gitna sila ng hallway, napayakap siya bigla nang makarinig ng isang kulog. Umuulan ng malakas pero nasa hallway pa rin silang dalawa habang sinusubukang hanapin ang ibang kasama. Tinignan ni Resha ang binata, nakangiti ito habang pinagmanasdan siya. Mariin munang lumunok ang dalaga bilang bwelo sa kanyang sasabihin.
"Bakit? Anong nakakatawa? Nakita mo namang natatakot ako."
"W-wala. Ang cute mo lang kasing matakot eh."
"Tss, gusto mong pektusan kita? Umayos ka nga." Tugon ni Resha at nagpout.
Huminto sila sa harap ng isang lumang classroom sa second floor ng Academic Building. Walang kaalam-alam si Resha kung bakit sila narito. Ang alam niya lang sa ngayon ay magiging ligtas na siya. Dahan-dahang binuksan ni Cameron ang pintuan at pinaunang papasukin ang dalaga.
"Bakit ba tayo nandito? Akala ko ba pupunta tayo sa dorm niyo." Nag-aalalang tanong ng dalaga. Hindi siya pinakinggan ni Cameron habang kinakapa ang switch ng ilaw sa pader. Nang makapa niya ito, agad niya itong binuksan, dahilan para lumiwanag ang buong kwarto. Nanlaki ang mga mata ni Resha nang makita ang nasa loob ng kwarto. Mayroong lubid na nakatali sa kisame. Madumi rin ang paligid ng buong classroom. May mga papel sa sahig na may nakasulat pero hindi ito maintindihan. Hindi niya alam kung anong binabalak ni Cameron sa kanya, pero biglang bumigat ang kanyang pakiramdam. Yumuko ang dalaga at pilit na umiiwas ng tingin sa binata. Hindi niya alam kung papaniwalaan niya ang kanyang suspetya. "Hindi pwede, hindi pwedeng si Cameron ang killer." paulit-ulit niyang sinisigaw sa kanyang isip.
Tinignan siya ni Cameron nang pagkadismaya sa kanyang sarili. Napailing lang ang binata't nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ni Resha.
"Anong ibig-sabihin nito Cameron? G-gusto mo na rin ba kong pata-" Naputol ang kanyang sinasabi nang biglang inilapat ni Cameron ang kanyang hintuturo sa labi ng dalaga.
"Hindi Resha, hindi kita kayang patayin." Bulong ng binata. Itinulak ni Resha si Cameron, pagkatapos ay unti-unting napaupo sa sahig ang dalaga dahil sa mga nangyayare.
"Pero ano ibig-sabihin nito?! Tell me!" Pabulong na sigaw ni Resha habang patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.
"Ayokong mamatay ka tulad ng pagkamatay nila." Nanghihinang sagot ni Cameron. Niyakap niya ang dalaga at nagsimula na ring tumulo ang kanyang mga luha.
Kahit na nalulungkot sa mga nangyayare, kailangan niyang maging matatag. Dahan-dahang tumayo si Resha at muling itinulak ang binata.
"Gusto mo na kong mamatay? Ganun ba?" Buong tapang niyang tanong sa binata. Nagulat siya nang biglang lumuhod si Cameron sa kanyang harapan.
"Resha, ayokong pahirapan ka nung kung sino man ang pumapatay. Gusto kong mamatay ka nang hindi ka nahihirapan. Ayokong matulad ka sa iba." Mangiyakngiyak na wika ni Cameron. Tinawanan lang siya ni Resha't napailing. Nagbuntong-hininga ang dalaga at ngumiti.
"Sabagay, lahat naman tayo rito mamatay eh, unahan lang kung sino ang mauuna."
Tumayo ang binata nang marinig niya ang sinabi ni Resha. Pakiramdam niya'y may binabalak ang dalaga laban sa kanya. Kinapa niya ang dalang kutsilyo sa bulsa at hinawakan ito ng mahigpit.
"Cameron.." Mahina niyang tawag sa pangalan ng kaklase.
"Paminsan-minsan, kailangan nating sumali sa laro para mabuhay."
Biglang sumugod ang dalaga papunta sa direksyon ng binata. Nang mahawakan niya si Cameron para saksakin, nagulat siya nang biglang may tumusok sa kanyang tiyan. Walang nagawa si Cameron kung hindi protektahan ang kanyang sarili. Ngumiti si Resha sa binata at bumulong.
"S-sorry." Pautal-utal na bulong ng dalaga habang unti-unting yumakap sa binata.
Hindi magawang tumingin ni Cameron kay Resha. Nakahawak pa rin siya sa kutsilyong pinangsaksak niya kay Resha. Dahan-dahan niya itong nilabas mula sa tyan ng dalaga. Agad sumirit ang dugo mula sa kanyang sugat, dahilan para mapuno ang kanilang mga damit ng dugo. Humakbang ng tatlong beses paatras si Resha kay Cameron habang nakahawak sa kanyang malalim na sugat. Tuloy-tuloy ang pagdanak ng dugo mula rito, at alam niyang madali siyang maubuubusan ng dugo kapag hindi ito naagapan. Sising-sisi si Cameron sa kanyang ginawa kaya agad niyang nilapitan ang dalaga. Hinawakan niya ito sa mukha habang tinitignan ang mga naghihingalong mga mata ni Resha.
"Resha sorry, sorry talaga. Hindi ko sinasadya Resha. Patawarin mo ko Resha. Huwag kang bibitaw. Huwag mo kong iwanan Resha. Pakiusap." Nangingiyakngiyak na bulong ni Cameron. Isang matamis na ngiti lamang ang binigay sa kanyang sagot ni Resha bago niya isara ang kanyang mga mata.
Napakunot ang noo ni Cameron at sinubukang hawakan ang pulso ng dalaga. Biglang sumabog ang mga luha sa kanyang mga mata nang walang napakiramdaman na tibok ng puso. Wala na si Resha, at ang masaklap pa roon, siya ang kumitil sa buhay ng dalaga.
Nanghihina at sinisisi ang binata sa nangyare kay Resha. Kinuha niya ang ginamit na kutsilyo at ibinulsa. Nagdesisyon siyang bumalik na lang sa kanilang dorm at iwanan ang bangkay ni Resha sa kwarto. Alam niyang tatanungin siya ng kanyang mga kasama kung bakit naliligo ng dugo ang kanyang damit, pero wala siyang magagawa. Para siyang patay na naglalakad sa gitna ng hallway, nabasa rin siya ng malakas na ulan habang papunta sa kanilang dorm.
Mayroon siyang nakitang pulang kotse na nakapark sa gitna ng quadrangle. Mag-isa lamang ang kotse na itong nakapark at nakabukas pa ang front lighta nito. Napansin niyang may bumaba ritong isang babae, pero hindi niya maaninag ang mukha dahil sa kapal ng hamog na pumapaligid dito.
Nasa harap na siya ng kanilang kwarto sa Dorm A, pero bago pumasok, tinignan niya muna ang kanyang orasan. Nakita niyang magaalas-onse na pala ng gabi. Kumatok siya ng tatlong beses sa pintuan at agad di naman siyang pinagbuksan ni Hunter. Lahat ng mga mata ng kanyang mga kasama ay nasa sa kanya, pinagmamasdan ang mga gagawin ng binata.
"Oh pre? Bat ngayon ka lang? Anong nangya-" Naputol ang tanong ni Hunter nang makita niya ang mantsa sa damit ni Cameron. Napatayo si Cj nang makita niya si Cameron. Nagbuntong-hininga lang siya't napailing.
"Papasukin niyo na, umuulan pa't baka magkasakit pa 'yan." Seryosong wika ng binata. Halatang wala siya sa mood dahil sobrang lagpas na ng curfew umuwi ang binata. Sinalubong siya ng maraming tanong ng kanyang mga kaklase, pero kahit isa rito ay hindi niya binigyang pansin. Dumiretso lamang siya sa banyo upang magpalit ng damit.
Kinuha ng mga lalaki ang tyansang iyon para pag-usapan ang kaklase habang nasa loob ito ng banyo.
"Bat ba ganun 'yon? Ano bang nangyare?" Nalilitong tanong ni Caleb sa mga kasama.
"Ewan ko pre, gusto ko ngang tanungin kung bakit may mancha ng dugo sa polo niya." Dagdag ni Hunter.
"Cut it out. Mamaya marinig pa kayo riyan na pinag-uusapan niyo siya." Saway ni Cj sa mga kasama.
"Alam niyo, ipagpabukas na lang nating lahat 'to. Huwag na kayong maingay, pero irereport ko siya kay Aliza bukas." Singit ni Cj.
Lumabas si Cameron mula sa banyo na may suot na white v-neck shirt at boxers. Tinignan niya ang kanyang mga kaklase at nagbuntong-hininga.
"Naririnig ko kayo. Hindi ako tanga." Wika ni Cameron habang nakatingin sa mga kasama.
"Ano ba kasing nangyare pre?" Tanong ni Hunter.
"Oo nga, magkwento ka naman." Dagdag ni Caleb.
Magsasalita sana si Cameron pero piniling putulin ito ni Eugene. Ayaw niya na makarinig pa ng kung ano, gusto niya na laman ipagpabukas an lahat.
"Tama na sabi eh. Magaalas-dose na oh? Magsitulog na tayo't ipagpabukas ang lahat ng 'yan." Reklamo ni Eugune. Sumang-ayon dito si Cj kaya nagdesisyon na siyang magpalights-out. Hindi makatulog si Cameron, binabagabag siya ng kanyang konsensya at sinisisi ang kanyang sarili sa nangyare kay Resha.
Lahat ng studyante ay mahimbing ng natutulog, nabagabag ang room 2078 dahil nakarinig sila ng malakas na kalabog mula sa labas. Nagising silang lahat dahil inulit-ulit ito ng ilang beses. Tumayo si Erizel at agad ginising ang mga kasama.
"Guys, narinig niyo ba 'yon? I think something's going on outside. Wanna check it out?" Curious niyang anyaya sa mga kaklase. Bumangon naman si Alexandra at nagunat-unat ng katawan. Tinignan niya ang orasan at nagbuntong-hininga.
"Gosh! Alas-dos palang Zel, sino ba yan?!" Nababadtrip na wika niya sa kaklase.
"You don't need to shout Alex." Mahinahon reklamo ni Zoey. Nakatayo naman si Erizel habang chine-check ang kanilang mga kasama. Tinuturo-turo niya isa-isa at binibilang kung lahat ba sila'y nasa kwarto. Napakunot ang kanyang noo nang mapansing wala si Alyssa sa kwarto.
"Guys, napansin niyo ba si Alyssa? Wala kasi siya eh." Nag-aalalang tanong niya sa mga kaklase.
"Sinong Alyssa? Yung isang dead kid?" Biro ni Alexandra, pero hindi siya pinansin ng mga kasama.
Dumiretso si Erizel sa isang kwarto at agad kinuha ang susi. Kumuha rin siya ng flashlight at nagbalak na hanapin ang nawawalang kasama. Bago pa niya buksan ang pintuan ay nilingon niya muna ang mga kaklase.
"Dito lang kayo ha? Hahanapin ko lang si Alyssa, baka napano na 'yon." Mahinahon niyang paalam. Tumayo si Sakura sa kanyang narinig at parang nagbabalak na sumama kay Erizel upang hanapin ang nawawalang kaklase.
"Gusto kong sumama, feeling ko kasi magiging masaya 'to." Misteryoso niyang sinabi. Napatingin si Zoey sa kanyang ate habang hawak-hawak si Mister Nameless at Mika. Napatingin si Sakura kay Zoey bigla siyang hinawakan ng kapatid sa braso.
"Ate, Huwag ka nang sumama. Mapapahamak ka lang." Babala ni Zoey. Hindi sumagot si Sakura at nginitian lang ang kapatid. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa ulo ni Zoey at ginulo ang buhok nito. Nagpout si Zoey't nakakunot ang noo habang tuwang-tuwa si Sakura sa kanyang ginagawa.
"Sigurado ka ba Sakura? Baka mapahamak ka pa." Tanong ni Erizel sa kaklase.
"Oo, sigurado na ko." Mabilis na sagot ng dalaga.
"Bumalik ka ate ha? Magpromise ka." Nag-aalalang wika ni Zoey sa kanyang ate. Ngumiti si Sakura't mahigpit na niyakap ang kapatid.
"Promise. I'll get back here alive and breathing." Bulong ni Sakura sa kapatid. Bago pa man sila makalabas ng pintuan, hinawakan ni Sakura si Mika't mahigpit na yinakap.
"Mika, siya muna bahala sayo ah?" Paalam ni Sakura kay Mika, pagkatapos ay muli itong iniabot sa kapatid.
Lumabas na ang dalawa upang hanapin si Alyssa. Parehas silang may hawak na flashlight. Hindi rin nila masyadong makita ang dinaraanan dahil nakalights-off na't mahamog pa dahil sa ulan. Maya-maya ay bigla nilang nakita si Tiffany sa hallway. Tumatakbo ito papunta sa kanilang direksyon at hingal na hingal.
"Oh Tiffany? Anong nangyare sa'yo?" Tanong ni Erizel. Hindi naman nagsasalita si Sakura dahil nakatingin lang siya rito't pinakikiramdaman ang dalaga.
"A-ah? Bumili lang ako ng soda." Paliwanag ng dalaga.
"Gabing-gabi na ah? Nasaan na yung mga kasama mo?" Tanong niya sa dalaga. Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Tiffany, nabagsak niya rin ang kanyang hawak-hawak at napaluhod sa harapan ni Erizel.
"Hindi ko nga alam eh, naligaw ako ng daan kaya nagdesisyon akong lumabas ng campus at magpahangin. Nagkawatak-watak kaming lima."
"Bakit? Anong nangyare?" Malamig na tanong ni Sakura habang nakatingin sa dalaga.
"Una si Cheska, tas hihingi sana ko ng tulong pero..."
"Pero?" Tanong ni Erizel na halatang interesado sa mga susunod na sasabihin ng dalaga.
"Pero wala kong nakitang gustong tumulong samin. Lahat sila'y nagbibingi-bingian at iniiwasan ako." Paliwanag niya, niyakap siya ni Erizel at tinulungang makatayo ang dalaga. Ngumiti naman si Sakura at para bang may naisip na kakaiba.
"Hanggang ngayon ba? Iniiwasan pa rin nila tayo?" Tanong niya sa kaklase. Pinunasan ni Tiffany ang kanyang mga luha at humarap sa mga kaklase. Dinukot ni Erizel ang kanyang panyo sa bulsa upang ipinahiram kay Tiffany.
"Hindi ko nga alam eh, ang akala ko nga okay na eh." Wika ni Tiffany na dahilan para matawa si Sakura. Hinawakan niya si Erizel ng mahigpit sa braso nito at bumulong.
"Kailangan na nating umalis, may nakatingin satin." Babalang bulong niya sa kaklase. Napakunot naman ang noo ni Erizel nang marinig ang sinabi ni Sakura. Gulong-gulo siya at hindi alam kung anong gagawin.
Hinatak niya si Erizel papalayo't papunta sa kanilang dorm. Nang makarating na sila sa harap ng pituan, agad nagpumiglas si Erizel sa pagkakahawak ng kaklase. Mahahalata sa mukha ni Erizel ang pagkabadtrip sa inasal ng kaklase.
"Why did you do that? Iniwan pa natin si Tiffany" Naiirita niyang sigaw sa kaklase.
"Akala ko sumunod siya." Excuse ni Sakura.
"I'm going back there for Tiffany and Alyssa. Who knows? Baka ano pang mangyare sa kanilang dalawa. Besides, kapag may namatay sila, hindi ata kakayanin ng konsensya ko." Pagmamatigas ng dalaga.
"Sige. Go out there and bleed until you're dead. Nagpromise ako sa kapatid ko and I'm not going to break that promise for them." Paliwanag niya kay Erizel. Pumasok na sa loob si Sakura ng kwarto at iniwanang mag-isa si Erizel sa labas.
Napasigaw na lamang si Erizel ng malakas dahil sa sobrang badtrip. Nagbuntong-hininga siya at pinaraan ang flash light sa iba't-ibang direksyon. Tinutok niya ito sa may dulo ng hallway. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang babaeng nakamaskara na nakatingin sa kanya. Habang tinitignan niya ito ay biglang namatay ang kanyang flashlight dahil ubos na ang baterya niyo. Agad din siyang pumasok ng kwarto at mabilis na nilock ang pinto. Sumandal siya rito ang nagbuntong-hininga. Nagsign of the cross habang iniisip ang kanyang mga kaklase.
"Sorry guys, but I think you're on your own for now."
CHAPTER 24
Naging madugo ang planong binalak ni Aliza. Nagdesisyon siyang muling tipunin ang kanyang mga natitirang kaklase upang mag-isip ng posibleng solusyon. Umaga na nang dumating ang mga pulis dahil sa nakuhang report mula kina Pau at Resha. Agad ininterview isa-isa ang mga studyante sa seksyon six para makakuha ng ebidensya upang matukoy ang killer. Nakita nila si Ms. Gomez na kinakausap ang mga pulis. Kinakausap niya ang nanay ni Tiffany na head ng pulisya sa kanilang region. Nahalata rin nilang iniiwasan na si Ms. Gomez ng kanyang mga kapwa guro dahil ayaw nilang madamay sa kinasasangkutang gulo ng pang-anim na seksyon.
"Ano po bang nangyare Ma'am?" Nalilito tanong ni Mrs. Mendoza sa guro.
"Marami na pong mga namatay na studyante." Nanghihina't mangiyakngiyak na sagot ng guro. Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Mendoza sa niya ang guro sa balikat at ngumiti.
"Hayaan niyo, gagawin namin ang lahat upang maayos ang lahat ng 'to." Mahinahon niyang pagkasabi. Hindi na napigilan ng guro at niyakap niya na ang si Mrs. Mendoza. Lumapit si Erika kila Mrs. Mendoza at kinalabit ito sa likod.
"Ano pong plano niyo?" Nakangiting tanong ni Erika sa guro.
"Papaimbestigahan natin ang bawat studyante." Wika ng guro.
"Ahhh, okay po." Matipid na sagot ni Erika. Napataas ang kilay ni Mrs. Mendoza at pumamewang. Muling humarap si Mrs. Mendoza kay Ms. Gomez at nagtanong.
"Bakit ngayon niyo lang po ito isinumbong sa mga nakakataas?" Tanong niya sa guro. Wala namang maisagot ang guro kung hindi yumuko.
Ngumiti lang si Mrs. Mendoza at pilit na inintindi ang guro. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at sumignal na simulan na ang imbestigasyon.
Habang busy ang lahat sa nangyayare sa paaralan, busy si Pau sa pag-aasikaso ang kanyang mga school papers. Alam niyang third quarter na pero gusto niya na talagang magpatransfer sa ibang school. Kumatok siya ng tatlong beses sa kwarto ng school principal upang magpaalam
"Sino 'yan? Tuloy!" Sigaw ng punongguro, dahan-dahang pumasok si Pau sa kwarto't umupo. Sinalubong niya ang guro ng nakapanlolokong ngiti. Alam niya na baka hindi siya nito dahil malapit nang magtapos ang taon, ngunit gusto niya paring subukan dahil natatakot na siya sa mga nangyayare.
"Ano kasi ma'am eh.." Pautal-utal na wika ni Pau. Tumaas ang kilay ng punong-guro at tinignan ang dalaga. Nakita niyang nanginginig ang dalawang kamay ni Pau at hindi maipaliwanag ang mukha ng dalaga.
"Just get over it? Marami pa kong gagawin." Masungit na tugon sa dalaga.
"I decided to transfer to another school." Kabadong wika ni Pau. Nanlaki ang mga mata ng principal nang marinig niya ang sinabi ng dalaga. Tumayo ang punong guro ang ngumiti. Kinuha niya ang school papers ni Pau at agad inaprubahan ito. Bago pa man ibigay ng principal ang naaprubahang papers ng dalaga, tinanong niya muna ito.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" Misteryosong tanong ng punongguro sa studyante. Napalunok si Pau at tumango. Paglabas niya sa kwarto ng punongguro ay nagbuntong hininga ito at sumandal sa pintuan. Nagsign of the cross siya at mabilis na bumaba ng Academic Building. Ayaw niyang makita siya ng kanyang ibang kaklase na magtra-transfer siya. Nagulat siya nang makitang hinihintay siya ng lahat sa baba ng academic building.
"Going somewhere?" Mataray na tanong ni Alexandra. Nakita niyang may iba't-ibang armas na hawak ang kanyang mga kaklase. Alam niyang siya ang pinagbibintangan ng kanyang mga kaklase na killer dahil sa balak na pagtransfer at pag-iwas sa imbestigasyon.
"Anong alam mo Pau? Bakit ka magtra-transfer ng ibang school?" Nalilitong tanong ni Erika.
"It's beca-" Naputol ang sinasabi ni Pau dahil biglang sumingit si Tiffany.
"Isn't it obvious? Gusto niyang takasan ang imbestigasyon. I've got to report this to my mom. Huwag kang makampante Pau. All eyes are on you." Wika ni Tiffany.
"I'm sorry guys, but sa tingin ko ito lang yung way para makatakas ako sa mga nangyayare sa St. Venille. I'm sorry pero sa tingin ko hindi ko na kaya eh." Nanghihinang sagot ni Pau sa mga kaklase. Lumapit si Chantelle kay Pau at bumulong.
"Huwag mo nang ituloy ang binabalak mo." Babala ni Chantelle.
Napalunok si Pau sa narinig niyang sinabi ng kaklase. Nagsitaasan rin ang mga balahibo niya sa katawan. Tinignan niya si Chantelle sa mga mata at alam niyang mayroon siyang nalalaman na ayaw niyang ipagsabi sa iba. Napakunot ang noo ni Pau at hindi napigilan ang sarili. Nagulat ang lahat nang biglang sinampal ni Pau si Chantelle.
"Anong bang alam mo ha? Tigil-tigilan mo na 'yang kaweirdohan mo." Sigaw ng dalaga. Hindi nagawang gumanti ni Chantelle sa kaklase at nakahawak lamang sa kanyang pisngi.
"Maraming sikreto ang paaralan na 'to na hindi mo pa nalalaman. Mga madidilim, madudugo at karumal-dumal na sikreto." Misteryosong bulong niya ng dalaga.
"Chantelle, pwede bang sabihin mo na kung anong nalalaman mo?" Pakiusap ni Arsela sa kaklase habang mahigpit na hawak-hawak ang kanyang notebook.
"20 years ago, nagdesisyon ang eskwelahang ito na magbukas ng pang-anim na seksyon. Kung hindi niyo pa nalalaman, tayo ang pangatlong batch ng sekyon 6."
"What happened to the first two batches?" Tanong ni Arsela. Hindi nila napansin na palihim na umalis si Pau upang asikasuhin ang kanyang school papers.
"So what are you trying to pull?" Tanong ni Alexandra.
"The first batch? They all died in a tour. Sabi nila accident daw, pero I know that there's someone behind that bus accident. The second batch, parang yung situation natin. They are being killed one by one in a random order, pero mas morbid ang pagpatay ng killer ngayon, para bang may gusto siyang patunayan. Dumating sa point na wala na silang choice kundi patayin ang isa't-isa for survival." Madilim na paliwanag ni Chantelle.
"S-sometime's we need to play the game to survive?" Pautal-utal niyang tanong sa mga kaklase. Napatingin si Erika sa binata dahil sa sinabi nito. Tumango naman si Chantelle bilang sign na "Oo" sa tanong ng binata.
"How about the teachers?" Nag-aalalang tanong ni Arsela.
"Alam ng lahat ng teachers ang buong nangyare sa St. Venille, pero pinagtatakpan nila ito sabihin sa publiko. Kabilang sa mga pinakamataas na eskwelahan ang St. Venille sa bansa, at ayaw nilang masira ang pangalan nito ng ganun-ganun na lamang." Paliwanag ni Chantelle.
"I don't get it. Bakit hindi na lang nila tayo tulungan?" Sunod na tanong ni Arsela.
"Lahat ng mga nabalitaang teachers na tinutulungan ang cursed section ay isa-isang namamatay. Ang ibang teachers ay nalalason, at ang iba nama'y bigla nababalitaang nakaaksidente. Dahil dito, natakot na ang mga natirang guro na makialam dahil sa takot na madamay sila." Sagot ni Chantelle.
"How did you get these informations?" Tanong ni Tiffany.
"Gusto ko sa inyong sabihin pero..." Pagbibitin ni Chantelle.
"Pero?" Tanong ni Arsela habang nakatingin sa mga mata ng kaklase.
Piniling huwag ipagpatuloy ni Chantelle ang pagpapaliwanag at nilisan ang grupo. Nabigyan ng kasagutan ang iba nilang mga tanong ngunit hindi maalis sa kanilang isipan kung ano nga ba talaga ang nangyari sa misteryosong nakaraan ng kanilang section sa St. Venille.
Paalis na sana sila nang biglang dumating si Aliza kasama ang mga lalake.
"Ano nangyare?" Bungad na tanong niya sa mga kasama. Napansin niya rin na wala si Pau kaya agad niya itong hinanap.
"Nasaan na si Pau?" Tanong ni Aliza.
"I thought nandiyan lang siya." Sagot ni Angela kay Aliza habang nakatingin sa kanyang mga kuko.
"Hindi ba kabilang siya sa beasts? Bakit hindi mo alam ang nangyayare sa mga kaibigan mo? Nabuwag na ba yung samahan niyo?" Prangkang tanong ni Alexandra. Tinignan siya ng masama ni Angela't ngumiti.
"So, you're blaming me? Huh, Bartolome?" Palabang tanong ni Angela habang nakataas ang isang kilay.
"No I'm not. I'm just asking questions dear." Natatawa niyang sagot sa dalaga. Bago pa man magkainitan ang dalawa, inawat na agad sila ni Arsela.
"Stop it you two! Sa tingin niyo ba this is the right time to argue? Mas mabuti pa, sundan niyo na lang si Pau kung saang school man siya nagenroll." Utos ni Arsela.
"Does anyone know where Pau decided to transfer?" Tanong ni Aliza sa mga kasama.
"As far as I know, nagtransfer siya malapit lang din dito sa school." Wika ni Catherine.
"Hmm, ang pinakamalapit na school sa St. Venille ay ang Ashton High." Wika ni Erizel.
"Ganun ba? Sige, tara let's do this thing. Kami-kami na lang ang pupunta kay Pau. The rest of you, maiwan nalang kayo dito and try to help the police officers investigate." Wika ni Erika sa kanyang mga kaklase na sinang-ayunan ng lahat.
Naiwan ang mga lalake sa St. Venille. Habang nakaupo ang lahat, biglang naalala ni Hunter ang nangyari kagabi. Agad niyang tinapik sa likod si Cameron upang tanungin kung ano ba talagang nangyare sa kanya kagabi.
"Cameron, sabi mo ikwe-kwento mo sa amin kung anong nangyare sa'yo kagabi? Ngayon mo na ikwento." Magalak na wika ni Hunter. Naagaw naman ang atensyon ng lahat dahil napalakas ang pagkasabi ng binata sa kaklase. Nakayuko lamang si Cameron at pilit na iniiwasan ang tanong ng kaklase.
"W-wala 'yun,wag niyo na lamang intindihin." Pautal-utal na sagot ni Cameron sa mga kasama. Napataas ang kilay si Cj at nagtaka. Nagsimula siyang pagsuspetsyahan ang binata dahil sa mga ipinapakitang kilos nito.
"We need to know the truth Cameron. The whole truth." Prangkang wika ni Cj. Dahil dito, tinignan siya ni Cameron ng masama. Nagulat ang lahat nang biglang hinawakan ni Cameron si Cj sa kanyang kwelyo ng nanggigigil.
"Hindi ko kailangan magpaliwanag sa inyo! Lalong-lalo na sa'yo!" Nagkukumahog na sigaw ng binata. Hindi nakuntento si Cameron at malakas na itinulak si Cj, dahilan para mapaupo ang binata sa sahig. Agad pinigilan nila Hunter ang binata bago mas lalong lumala ang gulo.
"Kung inosente ka talaga, then start acting like one! Para naman hindi ka napagsususpetsyahan." Sagot ni Cj, pagkatapos ay kumaripas siya ng takbo palabas ng kwarto.
Halos lahat ng natitirang magaaral sa section six ay nawalan na ng tiwala sa binata. Nagdesisyon muna silang magwatak-watak at hintayin na makabalik sila Erika sa St. Venille.
Sa Ashton High, nakapasok na si Pau sa kanyang bagong eskwelahan. Naaprubahan na rin agad ng principal ito ang kanyang mga papers dahil galing siya sa isang prestihiyosong paaralan.
Habang naglalakad siya sa hallway, bigla na lang nagbago ang panahon at nagsimulang umulan ng malakas. Tumambay muna siya sa balkonahe at magmunimuni. Nilabas niya ang kanyang smartphone at tinitigan lang ito. Inaalala ang kalagayan ng kanyang mga kaibigang beasts. Nagbuntong-hininga ang dalaga at napayuko. Nagsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"I miss them already." Nanginginig na bulong ni Pau sa sarili. Agad niyang pinunasan ang mga ito at pilit na ngumiti.
"Everything's gonna be alright, so f*cking cheer up already. Remember, you're a princess, not a hoe." Pagpapakalma niya sa sarili.
Napatingin siya sa dulo ng hallway at nakita ang isang babaeng nakamaskara. Pinikit niya muli ang kanyang mga mata at inisip na guniguni niya lamang ito. Tumingin din siya sa balkonahe, nagulat siya nang makita ang pulang kotse na nakaparada sa parking area ng building. Nagdesisyon siyang bumaba upang humingi ng tulong. Laking tuwa niya nang makasalubong niya si Alyssa, kaya naman agad niya itong niyakap. Hinawakan siya ni Alyssa sa kanyang mga balikat at tinitigan sa kanyang mga mata.
"Oh Pau? Ano nangyare?" Tanong ni Alyssa sa kaklase.
"She's coming to get me Alyssa, help me." Pakiusap ni Pau sa kaklase, mahahalata ring paos na ang boses ng dalaga sa kakasigaw. Natulala si Alyssa sa kanyang narinig. Kumaripas ng takbo si Pau papunta sa parking area upang sumakay sa kanyang kotse para makaalis sa campus. Sinunukan siyang pigilan ni Alyssa pero nagtuloy-tuloy lamang ang dalaga.
Nang nasa harap na siya ng kanyang kotse, kinapa niya ang kanyang bulsa upang kunin ang susi ng sasakyan. Naalala niyang naiwan niya ito sa bag na nasa couch principal's office. Tinignan niya ang kanyang paligid upang magmasid, hindi siya masyadong makakita dahil sa makapal na hamog na pumapalibot sa kanya.
"Help me! Somebody?!" Nagmamakaawang paghingi ng tulong ng dalaga. Naisipan niyang kunin ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa upang humingi ng tulong. Nang mabuksan niya 'to, napakunot an kanyang noo nang wala siyang mahanap na signal.
Nagdesisyon siyang tumakbo pabalik ng Academic Building ng Ashton High pero nagulat siya nang biglang lumusot ang kanyang kaliwang paa sa isang butas. Sinubukan niyang alisin ang pagkakastuck nito pero wala siyang magawa. Nagpanik ang dalaga at nagsimulang magsisigaw upang humingi ng tulong.
Naunang dumating si Erika sa Ashton High. Nakaupo siya sa bleachers sa gilid ng parking area habang hinihintay ang kanyang mga kasama. Narinig niya ang boses ni Pau, kay naman sinundan niya ito hanggang sa makita ang dalaga. Puro putik ang damit ni Pau habang patuloy na nababasa ng malakas na ulan. Nabitawan ni Erika ang kanyang hawak na payong sa kanyang nakita at agad tumakbo papunta sa dalaga.
"Pau! Okay ka lang ba? What happened?" Sunod-sunod na tanong ni Erika sa kaklase.
"Long story. Help me Erika!" Nagpapanik na wika ni Pau.
Napatingin si Erika sa gilid nang biglang bumukas ang ilaw ng isang pulang kotse. Masyadong malakas ang ulan at tinted rin ang salamin ng kotse kaya mahirap maaninag kung sino ang nagmamaneho rito. Hinahatak pataas ni Erika si Pau para makatakas pero hindi niya ito masyadong mapwersa dahil nasasaktan si Pau sa kadahatak ng dalaga. Nang makita ni Erika na papunta sa kanilang direksyon ang kotse, naramdaman niya agad na may balak sila nitong sagasaan. Mariing napalunok si Erika at nagsimulang magpaalam na sa kanyang kaklase.
"Sorry Pau, but I tried." Matipid na paalam ng dalaga. Kumaripas ng takbo si Erika papalayo kay Pau.
Nawalan na ng pag-asa ang dalaga at nagsign of the cross na lamang. Binuksan ni Pau ang kanyang cellphone at nakitang may signal na ito. Ngumiti si Pau habang may mga tumutulong luha sa kanyang mga mata. Agad niyang pinindot ang numero ni Angela na agad ding sinagot ng kaklase.
"H-hello Pau? Where are you? We're going there to pick you up, okay? Stay safe." Aligagang wika ni Angela. Nagulat ang dalaga nang makarinig siya niya ng nakakapanindig-balahibong sigaw. Bigla ring naputol ang linya matapos nito.
Umiiyak si Erika sa gilid habang pinagmamasdan ang dalaga. Nakita niya na huminto ang pulang kotse sa harapan ni Pau pero hindi siya nito sinagasaan. Bumaba sa pulang kotse ang dalawang taong nakamaskara. Ang isa'y may hawak ng payon, ang isa nama'y may hawak na bomba sa kanyang palad.
"Ano na Pau? Hindi mo kami maaaring takasan. Look's like heto na ata yung pinakamaling desisyon mo sa buhay." Wika ng isang babae. Nabosesan ni Pau kung sino ang nasa likod ng maskara kaya agad niya itong tinitigan.
"Sh*t ikaw lang pala ya-" Naputol ang sinasabi ng dalaga nang bilang ipinasok sa kanyang bunganga ang maliit na bomba.
"Shhh, you said too much already." Matipid na bulong ng isang nakamaskara. Hindi na sila nagtagal at tumungo na pabalik ng kotse.
Nakita ni Erika na umalis na ang kotseng sinakyan ng dalawa, kaya naman agad siyang tumayo at nagdesisyong muling lapitan ang kaklase. Nakakatatlong hakbang pa lamang siya papunta sa dalaga, bigla na lang siyang nakarinig ng malakas na pagsabog. Sa lakas ng pagsabog nito ay natalsikan siya ng dugo sa kanyang baro. Kalat-kalat din ang lamang-loob ng dalaga sa sahig. Sumigaw siya ng malakas at napaupo sa sahig nang gumulong sa kanyang harapan ang isa sa mga mata ng kaklase. Huli nang dumating sina Arsela sa Ashton High, nadatnan nalang nila si Erika na nakaupo sa sahig habang umiiyak. Nakita rin ang mga laman-loob ni Pau na nakakalat sa sahig. Agad nilang niyakap si Erika at dinala sa office ng school upang ireport ang insidente.
CHAPTER 25
Maagang nagising ang mga studyante sa St. Venille dahil sa isang announcement. Inanunsyo sa lahat na bukas gaganapin ang foundation day ng St. Venille. Magkakaroon ng iba't-ibang mga programa sa buong campus. Mayroon ding mga darating na rides at kung anu-ano pang mga attractions sa school.
Tatagal ang celebration ng paaralan ng dalawang araw. Alam ng lahat na hindi pa tapos ang imbestigasyon sa buong campus pero ipagpapatuloy pa rin nila ito. Nalaman rin nilang clueless ang mga detective at pulis kung sino talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito dahil kulang-kulang o hindi matibay ang mga ibedensya. Iba-iba rin ang mga salaysay na binibitawan ng bawat isa na mas lalong nagpahirap sa ginagawang imbestigasyon ng mga nakakataas.
Bawat section sa campus ay may kanya-kanyang nakaassigned na gawain. Ang sixth section ay kailangan mag-isip ng isang palaro or event na gagawin kinabukasan.
"Oh? Bat parang wala pa masyadong tao sa labas? Magse-seven 'o clock na ah?" Tanong ni Arsela sa kasama.
Hindi siya pinansin ni Erika dahil busy ito sa kakatingin sa isang school poster. Matalos tignan, hinarap niya si Arsela ng nakakunot ang noo, hindi niya kasi narinig ang sinabi ng dalaga kanina.
Ngumiti na lamang siya at nagkunwaring narinig ang sinabi ng kaklase. Dinukot ni Erika ang kanyang cellphone sa bulsa at nagsimulang itext ang lahat ng kaklase.
Iniwan naman ni Arsela si Erika sa ere at nagdesisyong maglakad na muna mag-isa. Habang naglalakad siya, nakita niya si Ms. Gomez na nakaupo sa isang bench. Parang wala ito sa sarili at mahahalata sa kanyang mga mata na may malalim itong iniisip.
"Ma'am? Okay lang ho ba kayo?" Tanong ng dalaga, pagkatapos ay umupo siya sa tabi ng guro. Tinitigan siya ng guro't ngumiti.
"Oo Arsela. Okay lang ako, salamat. Huwag mo na akong alalahanin." Mahinhing tugon ng guro. Biglang sumagi sa isip ng dalaga ang sinabi ni Chantelle. Naisipan niyang iopen ito sa guro at nagbasakaling may alam siya rito.
"Ma'am, may alam po ba kayo na nangyare sa St. Venille ng mga nakaraang taon?" Curious na tanong ng dalaga. Nagulat si Ms. Gomez sa kanyang tanong at biglang napalunok. Tumayo ito at hinawakan ang kanyang strap ng bag ng mahigpit.
"W-wala, b-bakit mo naman 'yan natanong?" Pautal-utal na wika ng guro. Alam ni Arsela na kinabahan ang guro dahil sa kanyang mga ikinikilos. Hindi na hinintay ni Ms. Gomez ang kanyang sagot at agad dumiretso na lamang sa 2nd floor ng Academic Building. Napailing na lamang si Arsela't nagbuntong-hininga.
Maya-maya, bigla niyang nakita ang kanyang mga ibang kaklase na nakapulong. Pumunta siya rito para makisali sa usapan. Una niyang nakita si Tiffany, kaya kinalabit niya ito sa likuran upang magtanong.
"Tiffany, ano pinag-uusapan niyo?" Tanong niya sa dalaga. Napatingin si Tiffany sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
"Wala. Nag-uusap lang kami kung anong gagawin nating activity. Si Porsha kasi yung nag-utos eh, yung vice president ng SC mula sa section seven. Kung hindi lang namatay si Grace, edi sana siya namamahala nito." Matamlat na wika ng dalaga at nagpout.
"May naisip na ba kayo?" Tanong niya sa kanyang mga kaklase. Wala namang nagbalak na sumagot sa kanya't dinedma lang ang dalaga. Huli na nang dumating si Erika, medyo nahiya rin siya dahil siya na lamang ang kulang at hinihintay ng lahat.
"At last! Erika! Where have you been?" Bungad na tanon ni Alexandea sa kaklase ng nakapamewang. Tinawanan lang siya ni Erika't dumiretso sa tabi ni Arsela.
"Wala. Tinanong lang ako nung ibang pulis kung ano daw nangyare kahapon." Sagot ng dalaga.
Lahat ay umupo na sa kani-kanilang upuan at sinimulang pagplanuhan ang gagawing event para sa foundation day. Agad nagtaas ng kamay si Aliza para sa kanyang suggestion.
"I have a plan." Napatingin sa kanya si Alexandra at tumawa ng mahina. Dumiretso si Aliza sa harap at agad ibinulong kay Erika ang kanyang plano.
"That's a great idea! Do you mind sharing it with the others? Ikaw na mag-explain sa kanila, total plano mo rin naman 'yan eh." Utos ni Erika. Tumango si Aliza't kumuha ng chalk para isulat ang lahat ng pangalan ng mga kaklase.
"We're going to have a jail booth." Excited niyang sinabi sa harap ng mga kaklase. Nagtaas agad ng kamay si Alexandra upang magtanong.
"Are you sure no one's going to die this time Aliza?" Natatawang tanong ni Alexandra sa dalaga. Nagtawanan ang buong klase sa tanong ni Alexandra, dahilan para mapahiya si Aliza.
Mahahalatang nayamot ang dalaga sa ginawa ni Alexandra. Kaya agad siyang kumuha ng isang libro at ibinagsak ito ng malakas sa teacher's desk. Naputol ang tawanan ng klase dahil sa kanyang ginawa.
"Don't worry Alex, no one's going to die except for you." Nasusura niyang wika habang nakatingin kay Alexandra.
Nagulat ang lahat nang biglang nagwalk-out ang dalaga palabas ng classroom. Natatawa naman si Erika sa harapan dahil sa away ng dalawa. Sinaway siya ni Arsela dahil baka mas lalo lang itong lumala. Sinusundan ng tingin ni Alexandra si Aliza habang nakangiti.
"Tss, feeling president kasi." Bulong niya sa sarili na narinig ng kanyang katabi na si Angela.
"Shh, ikaw talaga Alex. Don't mind her na nga. Ooops! before I forgot I wanna ask you something. Promise me na hindi ka tatanggi ha?" Bulong ni Angela. Tinaasan lang siya ni Alexandra ng kilay at nagpout.
"Okay, promise. What is it?" Tugon ni Alexandra.
"I want you to become one of us, one of the beasts." Proposal ni Angela sa kaklase, pero tinawanan lang siya ni Alexandra.
"Okay, I'll be the new beast in town." Mataray na sagot ng dalaga. Mababa namang itinaas ni Angela ang kanyang kanang kamay na parang makipag-apir sa dalaga.
"Once a beast, always a beast." Bulong ni Angela. Naputol ang kanilang pag-uusap dahil sinaway sila ni Arsela.
"Shhh, be quiet." Bulong ng dalaga. Hindi naman siya nito masyadong pinansin at inirapan lang siya.
"Okay? Any other suggestions?" Tanong ni Erika sa mga kaklase. Halos lahat ay nagsitaasan ng kamay. Bawat isa sa kanila ay mayroon iniisip na pakulo para sa foundation day. Binura ni Erika ang nakasulat sa blackboard at kumuha ng panibagong chalk. Nakarating din si Ms. Gomez sa classroom bago pa man sila magsimulang magbigay ng kanya-kanyang suggestion.
"What's happening here?" Magalak na tanong ng guro sa klase. Tumayo ang lahat upang batiin ang guro. Lahat sila'y nagbow bilang sign ng paggalang.
"We're planning an event for foundation day." Sagot ni Erika. Bahagyang ngumiti ang guro at umupo sa harap ng teacher's table. Tinignan ni Ms. Gomez si Erika at tumango bilang sign na ituloy niya na ang kanyang sinasabi.
"So guys ano? Any suggestions? I'm only going to pick five students with their suggestions, okay na ba 'yon?" Tanong ni Erika sa mga kaklase.
Unang tinawag ni Erika si Cameron. Sumunod naman ay si Sakura, kasunod ni Sakura ay si Chantelle. Pagkatapos ni Chantelle ay si Zero at ang huli niyang tinawag ay si Hunter.
"Okay guys, let me hear your suggestions." Masaya niyang pagkasabi kaharap ng mga tinawag na kaklase. Ang mga hindi natawag ay nanatili sa kanilang upuan at nagpalakpakan.
"I'm planning to have a marriage booth?" Suggestion ni Cameron. Natawa ang lahat sa sinabi ng binata. Napatingin tuloy si Erika sa kanya't parang niloloko-loko ito.
"Seriously? A marriage booth? You must be kidding." Natatawa niyang tanong sa binata.
Tumayo si Ms. Gomez dahil nakita niyang inasal ng buong klase. Napansin niya ring naoffend si Cameron dahil pinagtawanan siya ng buong klase ang kanyang naisip na suggestion.
"Marriage booth is not a bad idea, it's actually a great one. You have my vote Cameron." Puro ng guro sa studyante. Napangiti't nabuhayan ang binata dahil sa pagpuri sa kanya ng guro.
Ang sumunod na tinawag ni Erika para iparinig ang kanyang suggestion sa buong klase ay si Sakura Castaneto. Agad tumayo ang dalaga nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Erika.
"I want us to have something different. A haunted classroom booth would be nice." Nagulat na may kasamang excitement si Erika sa kanyang narinig.
"That's a great idea! It's something new and interesting! We can dress-up murderers with make-up and everything. Hihihi." Masaya niyang sinabi sa harap ng klase. Sunod niyang tinanong si Chantelle.
"We can open a food stall that offers foods that can be found in the streets." Matipid na wika ni Chantelle.
"Okay, that's nice, pero marami na kasing magfufood booth eh. I want something different, wacky and freah. What about your suggestion Zero?" Tanong niya sa binata. Nakapokerface lamang ang binata at parang walang kaemo-emosyon habang sinasabi ang kanyang suggestion.
"I don't know, a photobooth I guess?" Bulong ng binata.
Ngitingngiti si Tiffany habang abalang pinagmamasdan ang binata. Nakita rin niyang nagkakasalubong ang kanilang mga tingin kaya nama'y agad niyang inilihis ang tingin sa binata. Sinangga ni Cathrine si Tiffany dahil napansin niya itong aligaga at parang wala sa kanyang sarili.
"Tss, ikaw ah, lumalovelife ka na." Bulong sa kanya ni Catherine. Natawa't napailing lang si Tiffany sa kanyang narinig. Narinig ni Cj ang sinabi ni Catherine kaya sumingit na rin ito sa usapan.
"Nako Tiffany, tigilan mo ko. Study first muna oy!" Biro ng binata sa kaklase kaya naman mas lalong natawa si Tiffany dahil sa dalawa. Naputol ang kanilang pag-uusap nang itininuloy na ni Erika ang pagtatanong. Tinignan niya si Hunter at pinatayo para sa kanyang suggestion.
"How about a film showing?" Suggest ni Hunter sa mga kaklase. Halos lahat ng kanilang mga suggestion ay sang-ayon ang guro. Hindi makapili si Erika kaya hiningi niya ang tulong ng kanyang mga kaklase.
"So ano guys? What do you think?" Tanong ng dalaga. Halatang lahat ay gulong-gulo kung ano ang kanilang pipiliin. Mayroon ang bawat isa ng opinyon sa bawta suggestion ng kanilang mga kaklase. Ang iba'y nagkakamot ng ulo, ang iba nama'y nakatingin sa kisame at tila may malalim na iniisip. Napangiti ang guro habang tinitignan ang kanyang mga studyante na nag-iisip.
"What if gawin na lang kaya natin lahat 'yan? I'll talk to the principal about this. Hmmm, the booth still needs a name Erika." Wika ng guro.
"We'll call it the sixth booth, para naman kilala nilang tayo ang may-ari ng booth na 'to." Wika ng dalaga.
"Ang corny naman ng name ng booth. Masyadong literal, make it more interesting." Reklamo ni Catherine na sinang-ayunan din ng kanyang mga kaklase. Nagbuntong-hininga si Zero't tumayo.
"How about booth#6?" Malamig na bulong ng binata na sinang-ayunan ng lahat.
"That sounds cool! We'll call it booth #6 then?" Excited na wika ni Catherine. Napataas ang kilay ni Erika na tila gulong-gulo kung bakit sila sumang-ayon kay Zero at hindi sa kanya.
"Pero binaliktad niya lang yung sinabi ko ah? I don't get it." Bulong niya kay Arsela. Tinawanan lang siya ng kaklase't napailing.
"You'll never understand how the cool kids roll. Hahaha, tara na nga. Let's start this thing." Anyaya niya sa kaklase kasabay ng pagring ng school bell.
Dumiretso ang buong klase sa kanilang pwesto para simulang gawin ang booth. Inayos naman ng kanilang adviser ang school papers na kakailanganin para sa booth. Bawat isa sa kanila ay may nakaassign na gawain. Busy ang lahat sa kanilang ginagawa nang biglang nagpaalam si Erizel sa klase upang umihi.
"Guys, magccr lang ako ah? Wait lang." Paalam niya sa mga kasama. Tumango sila habang busy sa pag-aayos ng booth, tumayo rin si Erika para sumama kay Erizel sa banyo.
"Wait lang Erizel, sasama ko. Guys, break muna tayo ha? Balik kayo rito after 15 minutes." Anunsyo ng dalaga habang inaayos ang sarili.
Agad umalis ang ilang studyante nang marinig ang anunsyo ni Erika. Ang iba'y pumunta sa canteen para bumili ng makakain, pero ang iba nama'y piniling magpaiwan sa classroom upang ipagpatuloy ang kanilang ginagawa.
Sabay naglakad papuntang cr ang dalawang dalaga. Naunang natapos si Erika kaysa kay Erizel. Nakaharap siya sa salamin habang abala sa pagsusuklay sa kanyang mahabang buhok gamit ang mga kamay.
"Erizel, una na ko ha?" Paalam niya sa dalaga habang inaayos ang sarili. Nakatingin si Erizel sa kisame nang marinig niya ang paalam ni Erika. Mariin munang lumunok si Erizel bago sumagot kay Erika.
"Si-sige, hintayin mo na lamang ako sa labas, matatapos na ko." Sigaw niya na agad ding narinig ni Erika.
Habang nasa labas si Erika, kinukusot niya ang kanyang mga mata. Kumatok siya ng tatlong beses sa pintuan ng cr upang signal kay Erizel na bilisan. Napatingin siya sa kanyang paligid ng nakaramdam siya ng mabigat sa paligid, parang may nagmamasid sa kanya mula sa malayo.
Naglakad siya palayo ng girl's bathroom. Nakita niya muli ang janitor's closet na nagpaalala ng misteryo ng kwartong iyon. Napalunok siya nang marinig niyang may kumakalabog sa loob nito. Tumakbo siya pabalik sa classroom dahil sa takot, nakalimutan niya ng balikan si Erizel dahil dito.
Naiwan si Erizel na mag-isa sa banyo. Nasa loob pa rin siya ng cubicle at habang may malalim na iniisip. Narinig niyang bumukas ang pintuan ng pagkalakas-lakas, hindi niya na ito masyadong inintindi dahil sa kanyang iniisip. Hinawi niya ang kanyang buhok habang pinapaikot-ikot ito sa kanyang hintuturo. Nang matapos na siyang umihi, agad siyang lumabas sa cubicle. Naghilamos muna siya sa lababo't nanalamin. Dahan-dahan niyang hinawakan ang door knob palabas ng pintuan, palabas na sana siya nang bigla siyang may narinig na tawag galing sa kanyang likuran.
"Pssst." Mahinang sitsit sa kanya, dahilan para mapalingon siya.
"S-sino yan?" Natatakot niyang tanong habang mariing nakasarado ang kanyang dalawang palad. Muli niyang hinawakan ang door knob upang buksan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdamang nakalock na ito. Inulit-ulit niya itong tinulak upang ito'y mabuksan, pero nabigo siya. Agad niyang hinapas-hapas ang pintuan at nagbabasakaling may makakarinig sa kanya mula sa loob.
Maya-maya, naririnig niya nanaman ang sitsit. Palakas ito ng palakas na para bang nagagalit. Tinakpan niya ang kanyang mga taenga't napaupo dahil sa takot.
"Pssst!! Psst!!! Pssst!!" Pabulong na sigaw na sitsit sa dalaga.
"Leave me alone!" Buong lakas niyang sinagaw. Nanginginig ang kanyang buong katawan at habang mahigpit na nakahawak sa kanyang damit.
Binaybay ng kanyang mga mata ang apat na sulok ng kwarto habang pinakikiramdaman ang nakabibinging katahimikan. Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng dulong cubicle. Bago pa man niya ito lapitan ay dinukot niya ang kanyang cellphone at nagbakasakaling makahingi siya ng tulong galing sa labas.
"Argh! Sa kamalas-malasan nga naman oh! Ngayon pa nawalan ng signal..." Naiinis na bulong ng dalaga sa kanyang sarili. Nagpout siya't pinatay na lamang ang kanyang phone. Pinatay niya ang kanyang cellphone. Sumandal muna siya sa gilid at nagbuntong-hininga.
Pinagmamasdan niya ang bumukas ng cubicle nang biglang nagpatay bukas ang cr. Napakunot an kanyang noo't ibinaling ang tingin sa ilaw. Wala pang kalahating minuto ay nagsimulang magpatay-bukas ito. Sa kada bukas ng ilaw ay nakikita niya na papalapit ng papalapit ang isang babaeng nakamaskara sa kanya na galing sa dulong cubicle. Napansin niyang puno ang uniporme nito dugo pero hindi niya makita ang mukha ng dalaga dahil natatakpan ito ng kanyang mahabang buhok. Sa sobrang lapit nito sa kanya ay biglang tuluyan ng namatay ang ilaw.
Hindi na makita ni Erizel kung ano ang nasa kanyang paligid. Sigaw lang siya ng sigaw habang kinakapa ang nasa kanyang harapan. Nagulat siya nang makaramdam ng pagsaksak sa kanyang tyan. Mariing binaon ng babaeng nakamaskara ang gunting sa kanyang tyan habang pinaglalaruan ito.
Hindi niya magawang makalaban dahil wala siyang makita. Maya-maya ay biniglang inilabas ang gunting sa pagkakabaon sa kanyang tiyan. Kinapa ni Erizel ang kanyang paligid at naramdamang mayroong tao sa kanyang harapan. Tinulak niya ito ng malakas at muling nagsisigaw ng tulong.
"Ahh! Help me! Somebody? He- " Naputol ang kanyang pagsisigaw nang biglang hinatak ang kanyang kamay. Naramdaman niya ring binalot ang kanyang mukha sa isang makapal na tela.
"Shh, I know it hurts. Don't worry, I'll take good care of you Erizel." Mapaglarong bulong sa kanyang taenga na nasundan ng nakakapangilabot na tawa. Naramdaman niya na binalutan ang kanyang sugat ng isang tela. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na may magliligtas sa kanya kahit na nawawalan na siya ng boses.
"Ahhh! I swear to God na magbabayad ka sa ginagawa mo." Matapang niyang sigaw. Tinawanan lang siya nito't sinabutan.
"Shut up! You don't know everything!" Biglang nagliwanag ang buong paligid nang bumukas ang ilaw. Hindi na masyadong makakita si Erizel dahil nanlalabo na ang kanyang mga mata. Kinaladkad siya papunta sa dulong cubicle at hinapas ng paulit-ulit na hinampas ang kanyang mukha sa inidoro. Halos mabiyak ang mukha ng dalaga dahil sa brutal malalakas na pagkahampas sa kanya sa marmol na inidoro.
"Good bye dear, see you in the other side." Paalam ng misteryosong babae. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang maskara't itinago sa kanyang bag. Lumabas siya ng cr na para bang walang nangyare't iniwan lang ang dalaga sa ere.
CHAPTER 26
Umaga pa lamang ay marami ng tao sa St. Venille. Lahat ay nagaayos ng kani-kanilang booths. Inaassemble na rin ang iba't-ibang atraksyon katulad ng carnival rides at iba't-ibang klase ng stalls para sa mga studyante. Maagang nagkita-kita ang mga studyante ng sixth section para ayusin ang kanilang booth. Magaalas-syete na sila ng umaga nang makapagsimula dahil nahuli ng dating ang kanilang guro na si Ms. Gomez. Ipinatigil rin ng pansamantala ng principal ang imbestigasyon dahil sa gaganaping foundation day ng eskwelahan upang paimbestigahan muna ang misteryosong babae na natagpuan sa dulong cubicle ng girl's bathroom.
"Hindi ako makapaniwala, patay na si Erizel." Bulong ni Alexandra kay Hunter.
"Wala tayong magagawa, siguro napressure siya sa mga nangyayare kaya nagpakamatay na lang"
Wika ni Zero.
"Nag-iwan si Erizel ng suicide note sa desk niya kahapon, talagang tsinempuhan niya pa talagang busy ang lahat." Malumbay na wika ni Arsela.
"Nakakalungkot, dapat pala pinigilan ko siya kahapon. Kasama niya pa naman ako." Bulong ni Erika sa sarili. Nagbuntong-hininga ang dalaga't muling ibinaling ang atensyon sa kanilang booth.
"Okay guys, let's do this thing!" Wika niya sa harap ng klase at nasundan ng matamis na ngiti. Tumango ang lahat at nagsitayuan. Hinatihati ng guro ang mga studyante at binigyan ng kanya-kanyang gawain.
Nagdesisyon ang klase na dalawang booth lamang ang gagawin dahil alam nilang kukulangin sila sa oras sa paghahanda ng mga 'to. Photobooth at Haunted Classroom ang booth na kanilang napili. Lahat sila ay busy sa paglalagay ng props at pagaassemble ng mga gagamitin para sa dalawang booths. Nagsimula magsibukas ang mga booth ng alas-nueve ng umaga. Lahat ng studyante sa St. Venille ay pakalat-kalat at sinusubukan ang iba't-ibang klaseng booth na pakulo ng ibang studyante.
"Oh guys? Magmake-up na kayo, mananakot pa tayo mamaya. Zero and Tiffany, kayo na muna bahala sa photobooth natin ah? " Wika ni Erika.
"Okay." Matipid na sagot ng binata. Napatingin siya kay Tiffany dahil napansin niyang nakatingin ito sa kanya. Napailing siya nang biglang inilihis ng dalaga ang kanyang tingin nan mahuli ito.
"Baka matunaw ako..." Bulong ni Zero sa sarili. Kahit na sa iba nakatingin, nagawa pa ring marinig ni Tiffany ang binata.
"Huwag ka ngang feeler diyan. Tara na nga at marami pa tayong gagawin." Indenial niyang anyaya sa binata. Makikita sa mukha ng dalaga ang pagkamula ng kanyang dalawang pisngi. Sabay umalis ang dalawa upang puntahan ang photo booth at para na rin ayusin ito.
"Guys, ako na at si Arsela ang magaasikaso sa harapan ng booth ah? Yung iba naman sumunod dun sa photobooth, tulungan niyo sina Zero at Tiffany." Anunsyo ni Erika sa mga studyante. Nakita ni Ms. Gomez na parang aligaga si Erika sa mga nangyayare, kaya niya tinapik ito sa likod at binulungan.
"Ayos ka lang ba Erika? Mukhang pressure na pressure ka ah?" Mahinang tanong ng guro sa studyante. Nagbuntong hininga lang si Erika at sumandal sa pader.
"Oo nga ma'am eh. I want everything to be perfect. Gusto ko kasi ipakita sa kanila na may ilalaban ang section natin pagdating sa mga extra curricular activities." Enthusiastic na wika ni Erika. Nginitian lang siya ng guro at inilapat ang kanyang kamay sa ulo ni Erika.
"Don't worry Erika, everything's going to be fine." Wika ng guro, dahilan para mapangiti si Erika. Tinignan niya ang relos at nakitang twenty minutes na lamang ang natitira upang ayusin ang lahat. Tinignan niya ang mga mananakot at nakitang hindi pa nakakapagayos si Catherine.
"Oh ano yan? Bakit 'di ka pa nakakapagayos Catherine?" Naiirita niyang tanong. Bago pa man makapagsalita ang dalaga ay inasar na siya ng kanyang mga kaibigan.
"She doesn't have too Erika, nakakatakot na yung hitsura niya." Mataray niyang tanong, nagsitawanan naman ang ibang studyante sa biro sa kaklase. Tinignan ng masama ni Catherine si Angela ng napakataray.
"Minsan nakakatuwa kayo, pero minsan nakakainis na." Naiiyak na wika ni Catherine na nasundan ngnpagwowalk-out. Nakayuko lang si Angela at tila nakokonsensya sa kanyang ginawa. Umupo si Erika sa tabi ng dalaga upang akbayan.
"Okay lang 'yan Angela, magkakaayos din kayo ni Catherine." Mahinahon niyang bulong sa kaklase.
"Hindi ko naman sinasadya eh, I was just joking." Excuse ng dalaga.
"Jokes are half meant dear, and maybe naoffend talaga siya sa joke mo this time." Wika ni Erika na nasundan ng isang mahigpit na yakap.
"Don't worry, lilipas din yan." Bulong niya sa kaklase. Tumayo si Erika at tinignan muli ang kanyang relos, nang makita niyang alas-nueve na ay dali-dali niyang kinuha ang megaphone sa teacher's table at binuksan ito.
"Okay sixth section ! It's show time!" Nagpalakpakan ang lahat nang marinig ang sinabi ng dalaga. Lahat ay agad pwumesto sa kanilang posisyon. Handa na sila sa dalawang booth at hinihintay na lamang ang mga studyanteng dadalo sa mga 'to.
Matapos ang kanyang anunsyo, agad dumiretso si Erika sa labas upang puntahan at samahan si Arsela sa front table. Nakita niyang nakangiti ang dalaga at tila hinihintay na lamang siya sa kanyang pagdating.
"Oh ano? Anyare? Hahaha" Natatawa bati ni Arsela. Nakangiti lang si Erika habang papalapit sa kanya. Agad umupo ang dalaga sa tabi ni Arsela, sumandal siya sa monoblock chair at nagbuntong hininga.
"Ayun, may away ata ang beasts." Wika ni Erika na nakapagtawag ng interes ni Arsela.
"Bakit? Ano nangyare sa beasts? You make kwento." Conyo na may halong excitement na wika ni Arsela.
"Eh ka-" Ikwe-kwento pa lamang sana ng dalaga ngunit naudlot ito dahil biglang dumating sina Eugene at Cj sa front table.
"Erika, may problema." Aligagang wika ni Eugene habang nakatingin sa kanyang cellphone.
"Oo nga, malaking problema." Dagdag ni Cj.
Agad tumayo si Erika dahil sa kanyang narinig. Nilapitan niya ang dalawang binata na tila alalang-alala sa isinusumbong ng dalawang binata sa kanya.
"Oh bakit? Saan? Ano? " Sunod-sunod na tanong ng dalaga. Tinawanan lang siya ng dalawa na para bang nakikipagbiruan lamang sila sa kanya.
"Joke lang, masyado kang stress. Nakakatawa ka, hahaha" Biro ni Eugene sa kaklase. Yamot na yamot naman ang hitsura ni Erika sa dalawa. Isang pekeng ngiti ang kumurba sa kanyang labi at marahang nilapitan ang dalawang binata. Pumunta siya sa likuran nila Cj at Eugene at malakas na binatukan ang dalawa.
"Kayo talaga, wala bang nakaassigned na task sa inyo? Wala ba kayong lakad?" Tanong niya sa dalawang binata na tila natatawa.
"Bakit? Mayroon, kung ililibre mo kami." Pabirong wika ni Cj.
"Oo nga, dali na manlibre ka na kahit soda't cupcake lang. Hahaha" Dagdag ng binata na tila nagcrecrave sa kanyang paboritong cupcakes.
"Ayoko nga, pero keysa mambwisit kayo rito, edi umalis na lang kayo." Mataray na wika ni Erika.
"Wow Erika ah, umaalexandra ka na. Hahaha" Singit ni Arsela sa biruan ng tatlo. Nilingon agad siya ni Erika na para bang natatawa na rin dahil naalala niya ang banggaang Alexandra at Aliza.
"Ako Arsela tigil-tigilan mo ah?" Natatawang wika ni Erika, hindi pa nagtagal ay nagpaalam na ang dalawang binata upang tulungan ang ibang kaklase sa haunted booth. Bigla ring dinagsa ang dalawang booth nila kaya mas lalo sila naging busy sa araw na 'to.
Sa loob ng haunted classroom naroon sina Zoey, Sakura, Chantelle, Alexandra at Eugene. Lahat sila ay kasalukuyang nagooperate ng booth at halatang pagod na pagod sa kanilang ginagawang pananakot buong araw.
"Tch, asan na ba yung iba? Bakit puro dead kid kasama ko rito?" Mahina bulong ni Alexandra sa sarili. Napatingin sa kanya si Sakura at napailing.
"We're not dead, but we will be." Bulong niya kay Alexandra na agad ikinatakot nito. Hinawi niya lang ang kanyang buhok at pumamewang.
"Stop it weirdo, hindi ka nakakatulong. Kainin kita eh, rawr! Hahaha" Biro ni Alexandra sa dalaga na nasundan ng nakakapangilabot na tawa. Kinalabit siya ni Eugene sa likuran upang sawayin siya. Nilingon siya agad nito habang natatawa pa sa kanyang biro.
"Bakit? Gusto mo rin bang kainin kita. Hahahaha" Natatawa niyang tanong sa binata na may halong awkwardness. Nakita niyang seryoso ang mukha ni Eugene kaya yumuko na lamang siya't nagbow.
"Ang daldal mo masyado, kababae mo pa namang tao. Hindi ka na nakakatuwa, and besides ang corny mo magjoke kaya tigil-tigilan mo na." Saway niya sa dalaga. Ngumiti lang si Alexandra at nagbuntong hininga. Itinaas ang kanyang kilay at tinignan ang binata sa mga mata.
"I don't need to listen to you Eugene, you're not the boss of me." Mataray niyang sagot ni Alexandra at tinalukaran ito. Bago pa man siya makalabas sa pintuan muling siyang tumalikod para tignan sa binata.
"Oh! One more thing, I don't need to change my precious attitude just to be liked by others. English 'yan para hindi mo maintindihan." Dagdag ni Alexandra.
-
"Nasaan na ba si Erika? Anong oras na oh? Mageeleven-thirty na, hindi pa ba tayo maglulunch break? I'm starving already!" Maarteng pagkasabi ni Alexandra habang nakatingin sa kanyang mga kuko sa kamay. Tinawanan lang siya ni Zoey dahil nakita niyang nakapout ang dalaga habang paikot-ikot ito sa isang lugar.
"You should tell Erika besides, nasa labas lang naman siya eh. Kasama niya si Arsela." Wika ni Zoey, na agad ding sinunod ni Alexandra. Napangiti siya nang makita niya agad si Erika sa front table kasama si Arsela, kahit na nakacostume pa, kumaripas na agad siya ng takbo dahil sa kagustuhang magluchbreak na sila.
"Erika, anong oras na oh? Nagugutom na kami, hindi pa ba tayo maglulunch break?" Pareklamong tanong niya sa dalaga..
"Eleven-thirty pa lang eh. Sige idismiss na natin sila. Photobooth na muna magooperate ngayon, after niyo magbreak, isub niyo yung mga tao sa photo booth para sila naman makapagbreak. Arsela, ikaw muna magsabi sa iba nating classmates ha? Sabihin mo na after nilang maglunch dumiretso sila sa photobooth natin." Tuloy-tuloy na paliwanag ni Erika. Tumango lang si Arsela habang naglalaro ng snake sa kanyang cellphone.
"Okay, I'll stay here for a few minutes, in case lang na pumunta rito yung iba nating classmates." Sagot ni Arsela. Pumasok siya sa loob ng haunted classroom para idismiss ang mga natirang studyante sa loob.
"Guys, dinismiss na tayo ni president, you can go and take your lunch break na. Balik na lang kayo after thirty minutes" Walang buhay niyang anunsyo sa mga studyante.
"Gusto niyo dito tayo maglunch? Bonding na rin nating magkakaklase." Excited na anyaya ni Cj sa mga kaibigan. Tumango naman ang lahat bilang sign ng pagsangayon sa naisip ng binata.
"Magandang ideya 'yan, para naman maging super close na natin ang isa't-isa." Wika ni Zoey sa binata. Nakangiti lang si Sakura habang nilalaro ang kanyang stuff toy na si Mika.
"Go ahead, Iwanan niyo na lang ako rito. May hinihintay lang ako." Mahinhing wika niya sa mga kaklase. Tumango si Eugene sa kanyang narinig at ngumiti.
"Sige-sige, bibilhan ka na lang rin namin ng lunch mo." Excited na wika ng binata. Sabay-sabay sina Eugene, Sakura, Zoey, Arsela at Erika bumaba ng Academic Building para bumili ng kanilang lunch sa cafeteria.
Naiwan mag-isa si Chantelle sa loob ng classroom. Nakaramdam ang dalaga na para bang mayroong kakaiba sa kanyang paligid. Nagdesisyon si Chantelle na maghanap ng kahit anong armas na panlaban. Ngumiti lang siya at natawa ng mahina nang napansing may nakatingin sa kanya mula sa malayo. Narinig niyang unti-unting bumukas ang pintuan habang tahimik siyang nakaupo sa kanyang upuan. Marahan siyang tumayo at dahan-dahang naglakad papunta sa gitna para hintayin kanyang inaasahang bisita.
Look's like your late..." Mahina niyang bulong na nasundan ng mapaglarong ngiti.
"We'd meet again Chantelle, its been a long time huh?" Tanong ng misteryosong babae habang nakatingin kay Chantelle. Hawak-hawak niya ang isang kutsilyong mahaba sa kanyang kamay, pinaglalaruan niya ito sa pamamagitan ng pagpapadulas ng kutsilyo sa kanyang kanang braso.
"Let's stop this non-sense, ihinto mo 'tong kahibangan mo." Pabulong na sigaw niya sa babaeng nakamaskara. Tinawanan lang siya nito na parang isang baliw. Humakbang si Chantelle paatras ng tatlong beses nang makitang parang wala sa sarili ang dalaga.
"Not yet, until I killed everyone. I won't stop until I'm the only student left." Nanggigigil na sigaw sa kanya ng babae. Mas lalo itong nagdulot ng takot kay Chantelle, hinawakan niya ng mahigpit ang gunting sa kanyang bulsa bilang armas panlaban sa babaeng nakamaskara. Tinignan niya ang kanyang paligid at sinusubukang humanap ng maaaring daanan palabas ng kwarto.
"You'll never win this fight, pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo." Babala ni Chantelle. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa at bigla na lamang siyang nitong sinugod. Nakailag si Chantelle at kumaripas ng takbo sa harap ng pintuan. Nanlaki ang kanyang mga mata ng pagkabukas niya rito. Sumalubong sa kanya ang isa pang babaeng nakamaskara. Itinulak niya ito ng malakas palabas pero nahagip ang kanyang kanang braso ng kutsilyo. Laking tuwa niya ng makita niya agad sina Eugene, Sakura at Zoey. Nagulat ang kanyang mga kaklase nang makita ang sitwasyon ni Chantelle. Nabagsak ni Eugene ang kanyang dala-dalang pagkain at dali-daling tumakbo papunta kay Chantelle.
"Oh? Ano nangyare sa'yo?" Nagaalalang tanong ni Cj. Hingal na hingal naman si Chantelle at hindi makapagsalita. Maya-maya, bigla na lamang siyang hinimatay, agad siyang sinugod sa clinic ng kanyang mga kaklase. Nadatnan nila sa clinic sina Tiffany, Zero at Erika.
"Oh? Anong nangyare?" Nalilitong tanong ni Tiffany. Nakakunot naman ang noo ni Erika at halatang walang alam sa mga nangyayare.
"Oh dali, ihiga niyo na siya diyan. Kami nang bahala sa kanya Eugene. Salamat sa pagdala kay Chantelle rito." Mahinanong bulong ni Erika habang nakatingin kay Chantelle.
"Too much drama." Mahinang bulong ni Zero sa kanyang sarili. Naiwan sa clinic sina Tiffany, Erika at Sakura upang bantayan si Chantelle. Tinignan ni Erika si Sakura sa kanyang mga mata ng seryoso.
"Oh? Sige na, makakaalis ka na. Kami nang bahala kay Chantelle, total closed nanaman yung booth natin for today eh. Pakisabi nga pala sa mga classmates mo na we won't be having the haunted classroom booth tomorrow. Magpho-photobooth na lang muna tayo for safety purposes." Paliwanag at utos niya kay Sakura. Habang nagpapaliwamag si Erika ay tila hindi nakikinig si Sakura at pinagmamasdan lamang ang natutulog na katawan ni Chantelle.
"I know everything Erika. I know all the secrets of this campus. We don't want to let the past repeat itself, hindi ba, Erika?" Misteryosong tanong ni Sakura sa kaklase na nasundan ng isang misteryosong ngiti. Agad lumabas si Sakura ng clinic para puntahan ang kanyang kapatid na si Zoey. Napalunok lang si Erika sa sinabi ni Sakura at tila kinabahan.
"Ano kaya pinagsasasabi nun?" Kabadong tanong ng dalaga kay Tiffany.
"Ewan ko ba, weirdo talaga yung babaeng 'yun. Don't mind her Erika, ang importante okay na si Chantelle." Nakangiting tugon ni Tiffany sa kaklase. Napatingin ang dalawang dalaga nang biglang bumukas ang pintuan sa clinic, tuloy-tuloy pumasok ang isang tao rito at dumiretso sa kama ni Chantelle. Umupo ang dalaga sa gilid ng kama at binulungan ang dalaga.
"Hi Chantelle, don't worry okay? Nandito na ko." Pagkatapos niyang bumulong ay humarap ito kina Erika. Ngumiti lang siya at para bang walang alam sa nangyare.
CHAPTER 27
Paglabas na paglabas ni Sakura sa clinic, hindi niya muna hinanap ang kanyang kapatid na si Zoey. Nagdesisyon ang dalaga na pumunta sa lugar kung saan nasaksak si Chantelle.
Dahan-dahan niyang pinasok ang haunted classroom. Tahimik, madilim at nakakapangindig balahibo, ilan lamang yan ang maaaring maglarawan sa aura ng kwarto. Naglakadlakad siya at nagmasid, nagbabakasakaling mayroong ebidensya kung ano ba ang totoong nangyare. Palabas na sana siya ng classroom nang bigla siyang may napansing kumikinang sa ilalim ng teacher's table. Ngumiti ang dalaga at agad itong sinuri. Napangiti siya sa kanyang nakita, isang I.D. ng kanyang kaklase na may mga mancha ng dugo. Dali-dali niya itong binulsa upang itago.
"Sinasabi ko na nga ba eh, this is it. I'm gonna make a show out of you." Malamig na bulong ni Sakura sa sarili.
Tumayo siya sa pagkakaupo sa sahig at manilis na lumabas ng classroom. Dala-dala ang ebidensyang nakuha, dumiretso siya sa photo booth kung saan naratnan niya sina Arsela, Zoey, Angela, Cj at Alexandra. Naiwan naman sa clinic sina Erika at Tiffan. Sinalubong siya ni Zoey ng mahigpit na yakap. Makikita sa mata ng dalaga ang pag-aalala sa kanyang ate.
"Ate, san ka ba nagpunta? Hindi mo ba alam na alalang-alala na kami sa'yo? Paano kung napahamak ka? Paano kung ikaw na yung isunod nung killer. Ayokong maiwang mag-isa ate." Mangiyak-ngiyak niyang bulong sa kanyang ate. Ngumiti lang si Sakura at ginulo-gulo ang buhok ng kanyang ng kapatid.
"Don't worry Zoey, kilala ko na kung sino ang killer." Bulong niya sa kapatid. Napahinto ang lahat sa kanilang ginagawa nang marinig ang sinabi ng dalaga.
Tumayo si Arsela sa kanyang kinauupuan at unti-unting nilapitan si Sakura. Hinawakan niya ang dalaga ng mahigpit sa kanyang dalawang braso at tinignan diretso sa mga mata.
"Tell me Sakura, sino ang killer?" Pabulong na sigaw ni Arsela.
"The real killer is -" Pambibitin niya sa kanyang mga kaklase. Naputol ang kanyang sinasabi nang dumating sina Erika at Tiffany. Makikita sa mukha ng dalawang dalaga na alalang-alala sila at tila kinakabahan sa mga susunod na mangyayare.
"You've got to see this, wala na si Chantelle." Anunsyo ni Tiffany. Natigil ang pag-uusap nilang lahat at nagsimulang magpanik. Sunod-sunod ang tanong ng iba't-ibang studyante. Nakaupo lang sa gilid si Alexandra habang pinapanood magpanik ang kanyang mga kaklase.
"How pathethic." Mahina niyang bulong sa sarili habang tinitignan ang kanyang mga kuko. Dinukot niya ang kanyang royal blue headset, ipinasok niya ito sa phone at isinuot sa dalawang taenga. Paglingon niya ay nakita niya si Hunter, ang boyfriend niya. Nakangiti ang binata habang papalapit ito sa kanya. Nagdesisyon ang dalaga na tumayo na upang siya sa kanyang kinauupuan upang salubungin ang binata.
"Oh? San ka galing? Kanina pa kita hinahanap eh." Nangaakit na tanong ng dalaga. Nginitian lang siya ng binata habang hawak ang kanyang dalawang kamay.
"Diyan lang, halika sumama ka sakin." Anyaya ng binata. Ngumiti lang si Alexandra sa narinig na alok at agad sumama.
Habang busy ang lahat, nagulat si Arsela nang biglang nawala ng parang bula ang magkapatid na sina Zoey at Sakura. Habang nagmamasid, may nakita siyang kakaiba sa uniporme ni Erika. Mayroong maliit na mantsa ng dugo rito pero mapapansin mo lang ito kapag malapitan. Napakunot ang kanyang noo at humakbang palayo ng tatlong beses kay Erika. Wala silang kamalay-malay nang biglang tumakbo papalayo si Arsela. Mabilis na lumayo ang dalaga sa grupo at nagdesisyong puntahan si Chantelle sa clinic. Pagpasok niya rito, bumungad sa kanya ang walang buhay na katawan ng kaklase. Nagulat din siya na patay na rin ang nurse na nakaduty sa clinic.
Pinatay silang dalawa gamit ang iba't-ibang syringe na pinagsasaksak sa kanilang katawan. Tinakpan ni Arsela ang kanyang bibig dahil sa nakita. Nandiri rin siya nang makita ang kulay puting likido na patuloy na lumalabas sa bibig ng dalawang biktima. Bumubula-bula rin ang mga 'to at naglalabas ng hinfi kaaya-ayang amoy. Hindi pa nagtagal, nagsimulang magsisigaw ang dalaga.
Nagdesisyon siyang agad lumabas ng clinic upang humingi ng tulong. Nagulat siya nang maramdamang nakalock ang pintuan mula sa labas. Hinampas-hampas niya ito ng tatlong beses, pero natigilan siya nang may naaninag siyang tao mula sa bintana. Hinawi niya ang kurtina at nakita si Erika na papalayo mula sa clinic. Napaupo siya sa sahig at nagsimulang magisip tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayare sa St. Venille.
"I should have known from the start. Ikaw pala 'yon Erika, ang best friend ko." Bulong niya sa sarili. Kinuha ni Arsela ang kanyang wallet mula sa kanyang bulsa at agad binulatlat ito. Inilabas niya ang litrato nilang dalawa ni Erika na masayang magkasama. Hindi niya matanggap na kayang gawin ito ni Erika sa kanya. Nagsimulang sumulpot sa utak ng dalaga ang iba't-ibang klaseng tanong. Gulong-gulo ang kanyang isip at hindi alam kung ano ang dapat gawin.
Napatingin siya kay Chantelle nang makita niyang gumalaw ang kamay nito. Tumaas ang balahibo ng dalaga, tumayo siya at sinubukang lapitan ang kaklase. Alam niyang may nais sabihin si Chantelle sa kanya, pero hindi niya ito magawa dahil hindi siya makapagsalita. Nakaramdam ng kakaiba si Arsela sa kanyang paligid, kaya dumiretso siya sa cr ng clinic upang magtago. Tinakpan niya ang kanyang bibig at umupo sa sulok ng banyo. Nakasilip siya sa isang maliit na butas mula sa pintuan ng banyo.
Pumasok sa clinic ang isang babaeng nakamaskara. May hawak-hawak siyang syringe na may lamang kulay pulang likido. Agad siyang dumiretso kung saan nakahiga si Chantelle, hindi nagalinlangan ang babae at itinurok agad ito sa braso ng dalaga. Wala pang isang minuto ay nagseizure na agad si Chantelle. Nakita niyang unting-unti tinanggal ng dalaga ang kanyang maskara. Nanlaki ang mga mata ni Arsela nang makita ang babaeng nagtatago sa likod nito.
"Sabi ko naman sayo Chantelle, ako ang mananalo sa laban na 'to, and I won't make any exemptions. Kahit na ex-best friend ko pa. I'm sure my mom will be proud of me." Bulong ni Tiffany kay Chantelle. Gustong iligtas ni Arsela ang kaibigan, pero hindi niya magawa, alam niyang isusunod siya kapag nahuli siya nito.
Dahil sa kanyang nasaksihan, mas lalong dumami at gumulo ang utak ng dalaga. Agad binalik ni Tiffany ang kanyang maskara at dali-daling lumabas ng clinic. Hindi makapagsalita si Arsela dahil sa trauma. Nanginginig siyang tumayo sa malamig na sahig ng banyo at agad lumabas ng clinic. Hindi na siya makapagsalita ng maayos. Naratnan siya ni Sakura sa may hallway patungong clinic. Punong-puno ang kanyang damit ng dugo at pagewang-gewang kung maglakad. Nagulat si Sakura sa sitwasyon ng kaklase, kaya naman kumaripas na siya ng takbo upang salubungin ang dalaga.
"She died." Matipid na bungad ng dalaga kay Sakura. Napaatras siya nang makita niyang tumatawa ng parang isang bata si Arsela habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Nawawala na sa sarili si Arsela, tumatawa siya mag-isa, at minsan kinakausap ang sarili. Nakita niya na naroon pa rin ang grupo ng sixth section, kaya nagdesisyon siyang puntahan sila para ipaalam ang nangyare.
Napahinto siya nang makita niya sa gitna si Erika. Gulat na gulat ang kanyang best friend sa kalagayan ni Arsela. Mahahalata sa mukha ni Erika at pag-aalala at pagkatakot. Bihasa talaga siya sa pagpepeke ng nararamdaman at pagpapaikot sa mga tao sa kanyang paligid. Mahigpit siyang niyakap ni Erika at bumulong sa tenga ng dalaga.
"Bakit nabuhay ka pa? You should have died there." Mahinang bulong ng dalaga.
"What can you say? I'm from the cursed class. You can't defeat me easily Erika." Pabulong na sagot ng dalaga na nasundan ng isang matamis at nakapanlolokong ngiti.
"Arsela plea-" Hindi pinatapos ni Arsela si Erika at agad siyang tinulak.
"What? Protect your secret from being revealed? For what Erika? Para may iba pang kaklase natin ang madamay? Huwag mo 'ko itulad sa'yo." Palabang wika ni Arsela. Napailing lang siya't mataray na tinalikuran ang kaklase.
"One more thing, that's not the proper way to treat your bestfriend." Paalam niya sa kaklase.
Nagulat ang lahat sa ginawang eksena ni Arsela. Kilala kasi siyang tahimik, mahinahon at hindi nagtataas ng boses. Hindi makagalaw si Erika sa kanyang kinatatayuan at tila hindi makapaniwala sa kanyang mga narinig. Tinignan niya ang kanyang paligid at nakitang nasa kanya nakatingin ang lahat, kaya naman mariin siyang lumunok at kinakabahan dahil hindi niya na alam ang sasabihing excuse sa mga kaklase.
"Sh*t!" Sigaw ni Erika. Kumaripas ng takbo ang dalaga papunta sa kanyang dorm dahil sa hiyang natamo.
-
"Oh ano? Ang taray ni Arsela ah? Lumelevel-up.." Pagbabasag ng katahimikan ni Cj, kaya naman agad nagtawanan ang kanyang mga kaklase. Binatukan agad siya ni Catherine habang tumatawa. Napatingin agad ang binata sa dalaga at itinaas ang kanyang kaliwang kilay.
Naputol ang kanilang kasiyahan nang dumating ang kanilang adviser. Makikita sa mukha ng guro na may malalim siyang iniisip. Tinignan ng guro si Arsela at hinawakan ng mahigpit sa dalawang braso.
"Please Arsela, I know you're a good girl. Huwag kang maingay kung ano man ang nalalaman mo." Nagmamakaawang pakiusap ng guro sa dalaga. Hindi namamalayang tumutulo na pala ang mga luha sa kanyang mata habang pinapakiusapan ang dalaga.
Nagulat si Arsela nang biglang lumuhod ang guro sa kanyang harapan. Lahat ng studyante ay gulat na gulat at hindi makapaniwala sa ipinapakita sa kanila ng adviser. Lahat ay naawa pwera lamang kay Angela, kinuha niya ang kanyang iPhone5s sa bulsa at nagsimulang kunan ng litrato ang nakaluhod na guro.
"This is going to be fun." Mahina niyang bulong sa sarili. Hindi niya alam na narinig siya ni Aliza sa kanyang likuran. Tinaasan siya nito ng kilay at agad kinuha ang kanyang smartphone, kaya naman napalingon sa kanya si Angela.
"The hell? What's your problem Aliza?" Mataray niyang tanong sa dalaga. Nginitian lang siya ni Aliza at nagsimulang maglakad papunta sa basurahan. Nagulat siya ng biglang itinapon ni Aliza ang kanyang cellphone.
"Learn the word respect Angela, baka kasi hindi pa sa'yo naituturo 'yan." Mataray niyang banat sa dalaga. Hindi naman makapaniwala at shock pa rin si Angela sa ginawa ng kanyang kaklase. Agad siyang tumakbo papunta sa basurahan at nagsimulang hagilapin ang kanyang cellphpne.
Buko sa kanyang cellphone, mayroon din siyang napansing class picture na nakatapon sa basurahan. Halos lahat ng studyante rito ay may markang "X" sa mukha, maliban na lamang sa isang lalake. Nagdesisyon siyang kunin ito at ayusin sa pagkakalukot.
"What's this? It's kinda scary.."Bulong niya sa sarili habang tinititigan ang lalakeng walang marka ng "X" sa mukha. Agad niyang nilagay ang napulot na class picture sa kanyang fuchsia satchel bag upang itago.
Nakapalibot ang lahat ng studyante ng sixth section kina Ms. Gomez at Arsela . Hindi makapagsalita ang dalaga dahil sa sobrang gulat. Nag-iisip siya ng kahit anong paraan upang bigyang solusyon ang lahat ng bagay. Nagdududa rin siya sa kanyang guro at sa lahat ng tao sa kanyang paligid.
"I-I don't know Ms.Gomez. I need to go and think about it. I'm sorry.." Magalang niyang wika na nasundan ng bow. Dumiretso siya agad sa Dorm B upang magkulong. Nilock niya ang kanyang pinto at umupo sa sofa. Nag-iisip siya ng kung ano ang maari niyang gawin at ang outcomes ng kanyang mga gagawing kilos. Kahit na nagawa sa kanya ni Erika ito, alam niya na labag ito sa loob ng kaibigan. Ayaw niyang mapahamak si Erika, at ayaw niya ring mapahamak ang iba niyang kaklase. Sa gitna ng kanyang pag-iisip, nakarinig siya ng tatlong katok mula sa pintuan. Kinuha niya ang unan sa sofa at hinawakan ito ng mahigpit. Hindi niya alam pero mas lalo siyang kinabahan nang marinig ang isang pamilyar na boses.
"Arsela are you there? We need to talk. Let me explain, please?" Nagmamakaawang wika ni Erika habang patuloy na kumakatok sa pintuan. Mariing pumikit si Arsela at sinagot ang kaklase.
"No need to explain Erika, I know everything. I know everything about you and your secrets. Tigilan mo na ko Erika, please leave me alone!" Buong lakas niyang sigaw.
"I'm sorry Arsela, please open the door, I promise na tutulungan kita na sabihin yung totoo sa kanilang lahat. Please Arsela, huwag na tayong mag-away." Pakiusap ni Erika na patuloy pa rin sa pagkatok sa pintuan. Unti-unting nakumbinsi si Arsela sa sinabi ng kaibigan, kaya naman agad siyang tumayo at nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ng pintuan.
"Promise?" Nanginginig na tanong ni Arsela.
"Promise." Mahinhing sagot ni Erika. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at unang binuksan ang isang lock. Hindi niya muna binuksan ang chain door lock para makasigurado. Nagaalinlangan pa rin siya dahil sira na ang tiwala niya kay Erika. Nagulat siya nang biglang itinulak ito ng malakas. Napaupo siya sa sahig dahil sa gulat. Bukod kay Erika, mayroon pang isang babaeng nakamaskara ang nakasilip sa pintuan.
"Some secrets are better left untold Arsela."
CHAPTER 28
Hindi makagalaw si Arsela sa kanyang kinauupuan dahil sa sobrang takot. Nanginginig ang kanyang buong katawan habang pinagmamasdan si Erika na nakasilip sa kanyang pintuan. Nagsimulang namuo ang butil-butil na pawis sa kanyang noo. Palakas ng palakas ang kalabog at tila may balak na sirain ang lock nito. Nakititig si Arsela lamang siya kay Erika at iniisip kung paano sa kanya nagawa ito ng kaibigan. Naalipungatan siya nang mapansing malapit nang masira ang chain door lock ng pintuan.
Dahan-dahan siyang tumayo habang nagmamasid sa paligid. Laking tuwa niya nang maalala ang exit door na sa dorm lang nila mayroon. Tinignan niya ang mga nag-aabang sa kanya sa pintuan bago umaksyon. Napangiti siya nang makitang wala na ang dalawa. Inisip niya na hindi nila kayang sirain ang lock kaya sumuko na lang ito. Bago umalis, nagbulsa siya ng isang kitchen knife mula sa kusina. Nagmadali siyang nagtungo sa likod ng dorm. Marahan niyang ipinihit at binuksan ang pintuan. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang hinihintay siya ni Erika rito.
"Bakit ka narito? Stay away from me Erika." Malamig na bulong ni Arsela habang nakatingin sa malayo. Iniiwasan niya ng tigin si Erika dahil sobrang nasaktan siya sa ginawa ng kaibigan.
"I'm sorry Arsela..." Nanghihinang paghingi ng pasensya ni Erika. Marahan siyang lumuhod sa harap ni Arsela at nagsimulang umiyak. Tinignan lang siya ni Arsela sa mga mata habang hawak-hawak ng mahigpit ang kutsilyo sa kanyang bulsa.
"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? Maibabalik mo ba lahat ng buhay ng mga pinatay niyong tao? Maibabalik mo ba ang buhay ni Chantelle? Erika, alam kong marami kang alam tungkol dito at sa-" Hindi na naituloy ang kanyang sinasabi nang tumayo sa kanyang harapan si Erika.
Hinawakan niya ang braso ni Arsela ng mahigpit at hinatak papunta sa isang classroom. May kalayuan ang classroom na ito sa paaralan at masasabing luma na ito't hindi na ginagamit dahil sa rami ng basura't sapot na nakakalat sa kwarto. Hindi makapagsalita si Arsela dahil sa sobrang gulo ng isip. Hindi man lang siya nakapanlaban sa kaibigan.
"Erika please let me go! Nasasaktan na 'ko" Reklamo ng dalaga. Napahinto sila nang marating ang tapat ng kwarto, dito na rin binitiwan ni Erika ang pagkakahawak sa kanyang braso.
"I'm going to explain Arsela, sasabihin ko sa'yo lahat ng nalalaman ko, pero kailangan muna nating magtago. She's coming to get you." Bulong ni Erika. Napalunok si Arsela sa kanyang narinig at malayang sumama kay Erika. Pagkarating na pagkarating nila sa kwarto, agad kinandado ni Erika ang pintuan. Umupo siya sa sahig habang nakayuko. Dahan-dahan ding umupo si Arsela sa tapat ng kaklase at sinumulang iinterrogate ang kaklase.
"Bakit mo 'to ginagawa Erika? Presidente ka pa naman, pinagkatiwalaan ka namin. Ang akala kong kakampi ko ay siya palang kalaban ko." Nanghihinang bulong ng dalaga.
Dahan-dahang iniangat ni Erika ang kanyang ulo upang tignan ang kaklase. Mayroong mga namumuong luha sa kanyang mga mata at ilang saglit lamang, hindi niya na napigilan at tuluyan na itong bumagsak.
"I'm really sorry, pero kaya ko lang naman 'to ginagawa is hindi para maprotektahan ko ang sarili ko, kundi para maprotekthan ko ang pamilya ko. Hindi naman ganun kadali yun eh. Mahirap mawalan ng kaibigan, pero mas mahirap mawalan ng pamilya Arsela. Please, sana maintindihan mo ang sitwasyon ko." Nanginginig niyang sagot sa dalaga.
Pinunasan ni Arsela ang kanyang mga luha at tumayo. Pinagpag ang kanyang palda at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Tinititigan lang siya ni Arsela habang umiiyak. Sa loob ng bulsa, hawak-hawak niya ang kanyang cellphone at agad pinindot ang record button. Alam niya sa kanyang sarili na baka hindi na siya makalabas sa loob ng classroom na 'to ng buhay, kaya nagdesisyon na lamang siyang irecord ang mga susunod na pag-uusapan nila ni Erika.
"Naiintindihan kita pero kailan mo pa alam na si Tiffany ang killer? Anong motibo niya para gawin 'to? Bakit sa dami-rami ng studyante sa St.Venille, eh kami pa?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga. Nagbuntong-hininga si Erika at nagsimulang guluhin ang kanyang buhok.
"Matagal ko ng alam lahat ng ito. Pumayag akong maging kasasbwat nila para sa proteksyon ko at ng aking pamilya. Gusto niya tayong patayin, gusto niyang ulitin ang mga nangyare." Biglang tumaas ang balahibo ni Arsela nang marinig ang sagot ng kaibigan.
Nag-iba bigla ang tono ng boses ni Erika, kaya naman agad nakaramdam ang dalaga. Humakbang siya ng tatlong beses paatras at mahigpit na hinawakan ang kutsilyo sa loob ng kanyang bulsa. Dahan-dahang tumayo si Erika ar naglakad papunta sa direksyon ni Arsela. Tinilt niya ng kaunti ang kanyang ulo at ngumiti.
"Oh bakit Arsela? Mukhang natatakot ka yata?" Nagtaka si Arsela dahil biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid. Kapansin-pansin din ang malamig at mapaglarong tono na ginagamit ni Erika, maangas ito at may pagkagaragal. Napansin ni Erika na nanginginig ang kamay ng kaklase, alam niyang kinakabahan ang kaibifan at natatakot sa mga possibleng mangyare. Napailing lang siya't ngumiti.
"Arsela." Mahinang bulong ni Erika sa pangalan ng kaibigan.
Mariing lumunok si Arsela at hindi na napigilan ang sarili. Dali-dali niya ng inilabas ang kutsilyong bulsa at agad itinutok kay Erika. Makikita na medyo nanginginig-nginig ang pagkakahawak ng dalaga sa kutsilyo.
"Hindi ako natatakot sa'yo Erika. Huwag mo kong subukan, kahit na magbestfriends tayo, hindi mo pa kilala kung sino talaga ang totoong Arsela." Nagpapanik na sigaw ng dalaga. Hindi sumagot si Erika at tinawanan lang ang dalaga.
"Kilala kita Arsela, mula ulo hanggang paa. Don't act brave and strong, tandaan mo, ako lagi ang nagtatanggol sa'yo since first year natin dito sa St. Venille. Hayaan mo, hindi ako ang tatapos sa'yo, kahit papano naman may pinagsamahan tayo." Nakapangingindig balahibong wika ng dalaga. Muling umupo si Erika sa sahig at pinagmamasdan lamang si Arsela.
Sa sobrang takot ni Arsela ay nabitawan niya ang kutsilyong hawak niya. Kumaripas siya ng takbo palabas ng kwarto upang humingi ng saklolo. Naiwan naman si Erika sa kwarto na kasalukuyang tumatawa. Hawak niya ang kutsilyong naiwan ni Arsela. Pinaglalaruan niya ito sa pamamagitan ng pagkakaskas nito sa sahig.
Pagkalabas na pagkalabas ng dalaga ay napansin niyang hindi siya ganoon kapamilyar sa paligid. Mariin siyang lumunok at agad humanap telephone booth para tawagan ang landline ng St. Venille. Hindi niya magamit ang kanyang cellphone dahil nagfefail ang signal nito. Sa kabila ng mga nangyayare sa kanya, positibo pa rin siya dahil nagawa niyang mairecord pinagusapan nila ni Erika.
Pagkatapos ng ilang minutong paghahanap, nakakita na rin siya ng telephone booth sa kanto. Tinignan nita muna ang kanyang paligid upang suriin kung nasundan ba siya nila Erika. Napangiti siya ng makasigurado. Kumaripas siya ng takbo sa telephone booth at agad ikinulong ang sarili sa loob. Mabilis niyang pinindot ang mga numero sa telepono upang humingi ng saklolo.
"Pick it up! Come on, pick it up!" Natetense niyang bulong sa sarili habang hinihintay may sumagot sa kabilang linya. Napatingin siya sa kanyang gilid ng nakita ang isang kotse papaatras sa kanyang direksyon.
"What the.." Mahinang bulong ni Arsela sa sarili. Agad niyang ibinaba ang kanyang hawak na telepono upang makaalis sa telephone booth, pero huli na ang lahat.
Nabasag ang isang salamin sa booth. Malakas ang impact ng pagkakabasag dito kaya nasugatan ang dalaga sa kanyang dalawang binti. Napaatras siya nang makitang nakapasok ang tambutso ng kotse sa loob ng telephone booth. Hindi siya makalabas ng pintuan dahil nahaharangan ito ng pulang kotse. Agad niyang tinapik ng paulit-ulit ang mga salamin at nagbakasakaling mabasag niya ito, pero hindi siya nagtagumpay sa kanyang gustong mangyare.
Hindi pa nagtagal ay biglang nagsimulang buksan ng driver ang makina ng kotse. Agad lumabas sa tambutso ang makapal at nakasusulasok na usok. Kahit na nahihirapan siyang huminga ay hawak-hawak niya parin ang telepono at naghihintay pa rin ng sagot galing sa paaralan. Ubo siya ng ubo at hindi na makahinga dahil sa naipong usok sa loob ng telephone booth. Hindi niya na kinaya ang kapal ng usok kaya bigla na lamang siyang napaupo at nabitawan ang telepono. Hindi pa nagtagal ay nawalan na ng buhay ang dalaga dahil sa kapal ng usok na pumasok sa kanyang katawan.
Namatay si Arsela ng nakadilat ang kanyang mga mata. Mapapansing nagkulay dilaw ang mga 'to dahil sa usok. Liningon ng driver si Arsela at nakitang wala ng buhay ang dalaga. Mabilis niyang pinaharurot ito upang mabilis na makalayo sa telephone booth.
-
Sa St. Venille, nasa school garden sina Hunter at Alexandra. Nakatingin sa kanya si Hunter at parang may balak na gawin sa dalaga. Napalunok si Alexandra ng makita niya ang nakapanlolokong ngiti ng binata. Humakbang patalikod si Alexandra ng tatlong beses at itinaas ang kanyang kanang bilang signal na "stop".
"Hunter please don't. I may look like a bad girl, but I'm still pure. Some people think that I'm the school's slut, but I'm really am not. Kahit ganito 'ko kumilos, may galang pa rin naman ako sa sarili ko." Wika niya sa binata.
May idadagdag pa sana ang dalaga nang biglang may inilabas si Hunter na isang bouquet ng mapupulang rosas galing sa kanyang likuran. Mayroon ding nakasabit na sulat sa gilid ng bulaklak. Agad namula ang pisngi ng dalaga at hindi napigilan ang sarili. Niyakap niya ng mahigpit si Hunter at hinalikan sa kanang pisngi.
"I love you babe, you're the best thing I've ever had." Mahinhing bulong ni Alexandra sa kasintahan. Hinawakan niya si Hunter sa pisngi at tinitigan sa kanyang mga mata.
"Hahaha, ngayon ko lang yan narinig sa'yo." Masayang pagkasabi ng binata, natigil ang kanyang sinasabi nang bigla siyang hinalikan sa labi ni Alexandra.
Habang busy ang dalawa, nasa garden din sina Cj, Cameron at Catherine. Pagala-gala lang ang tatlo sa school gardens nang mahuli nila ang dalawa. Agad tinakpan ni Cameron ang mga mata ni Catherine habang nakanganga. Nakataas naman ang kilay ni Cj na tila hindi makapaniwala sa nakikita.
"G-Get a room." Nahihiyang wika ni Cj.
"Tigil niyo nga 'yan, ambabata niyo pa eh." Saway ni Cameron sa magkasintahan. Hinawakan ni Catherine ang kamay ni Cameron at pilit itong tinanggal sa pagkakatakip sa kanyang mga mata.
"Huwag mo nga kong takpan, sanay na 'ko riyan." Bulong ni Catherine sa binata. Huminto ang dalawa sa kanilang ginagawa nang makita ang tatlo. Hiyang-hiya si Alexandra sa kanyang ginawa kaya nagbow muna ito sa harap ng tatlo at dali-daling nagwalk-out.
Hunter:"Kasi kayo eh, yan tuloy umalis." Angal ng binata sa tatlo niyang kaklase. Agad rin namang nagsimulang magturuan ang mga magkakaibigan.
"Kasi ikaw Cj eh, ang daldal mo masyado." Natatawang sisi ni Catherine sa kaklase.
"Anong ako? OA ah? Si Cameron kaya yung nagturo kaya natin sila nahanap." Depensa ni Cj sa kanyang sarili habang itinuturo si Cameron.
"Ako nanaman? Ayos ah?" Sarkastikong wika ni Cameron.
Nagpunta si Alexandra sa likuran ng school kung saan naroon nakatayo ang isang punong balete. Sumandal siya rito at nagbuntong-hininga. Inilapat niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang labi at unti-unting napangiti.
"Moment na namin 'yun eh, nawala pa." Panghihinayang niya.
Napalingon siya sa iba't-ibang direksyon ng maramdaman niyang mayroong kakaiba sa paligid. Pakiramdam niya ay may nakasubaybay sa kanyang bawat kilos. Kinuha niya sa bulsa ang kanyang cellphone at agad itong binuksan. Sinubukan niyang kontakin ang mga kaklase dahil sa kanyang mga napapansin. Una niyang tinawagan ay ang kanyang kasinatahang si Hunter. Agad rin naman itong sinagot ng binata ang kanyang tawag.
"Hello Alex, nasaan ka na ba? Bakit ka biglang umalis? Galit ka ba? Kanina pa ko hanap ng hanap sayo eh." Nalilito't sunod-sunod na tanong ng binata.
"Nandito ako sa likod ng school natin. Doon sa may punong balete, malapit sa gate ng mga dorms. Hunter bili-" Biglang naputol ang linya nang biglang naibagsak ni Alexandra ang kanyang smartphone. Mayroong babae sa kanyang likuran na pilit siyang iniinjectan ng syringe sa leeg.
"Alex? Alex? Hello? Hintayin mo ko Alex, papunta na ko!" Nag-aalalang wika ng binata. Nakita ng tatlo ang pagpapanik ni Hunter, kaya naman nagdesisyon silang sundan ang binata. Hindi niya pa binababa nang biglang may kakaibang boses siyang narinig sa kabilang linya.
"Hi Hunter, I'll be waiting." Maarteng wika ng isang babae, alam ng binata na hindi ito si Alexandra kaya mas lalo siyang nagmadali papunta sa lugar kung nasaan ang dalaga. Pagkadating niya rito, napaluhod siya sa kanyang nasaksihan.
"Alex! Alex! Ano nangyare sa'yo? Sh*t! Tulungan niyo 'ko." Aligagang sigaw ng binata. Sumunod na dumating sa lugar sina Cj, Catherine at Cameron. Nakita nila si Hunter na nakaluhod sa tapat ni Alexandra, kaya naman kumaripas sila ng takbo upang tulungan ang binata.
CHAPTER 29
Lahat sila ay nagulat nang makitang nakabitin si Alexandra sa puno ng balete. Mayroong nakapulupot na makapal na lubid sa leeg niya. Nakahawak si Alexandra rito habang pilit na itinatanggal ito sa pagkakasuot sa kanyang leeg. Tumuntong si Cj sa isang malaking bato upang tulungan ang dalaga tanggalin ang tali. Agad sinalo si Alexandra ng matitibay na bisig ni Hunter. Ubo ng ubo si Alexandra habang naghahabol ng hininga. Nakahawak siya sa kanyang leeg at tila hirap makakuha ng hangin sa paligid, sa sobrang higpit ng pagkakatali sa kanya, mayroong marka ng lubid na matatagpuan sa kanyang leeg. Mahigpit siyang niyakap ng kasintahan habang unti-unting bumabagsak ang kanyang mga luha. Huli na nang makarating sina Angela at Aliza, galing kasi sila sa teacher's faculty kung saan kinausap nila ang guro ukol sa mga nangyayare.
"Ano nangyare sa'yo Alex? Promise me you won't leave me like Lacus did." Nag-aalalang wika ni Hunter habang pinagmamasdan ang kasintahan sa kanyang mga mata.
"Oh? What happened?" Naguguluhang tanong ni Angela sa mga kasama. Nginitian siya ni Cj at inakbayan.
"Late ka na girl, nagspiderman si Alexandra sa punong balete." Bulong sa kanya ng binata. Inalalayan ng mga lalaki si Alexandra papuntang clinic, habang nakasunod naman ang iba. Nahuli ng kaunti sina Hunter at Aliza sa kanilang mga kasama. Habang naglalakad, naisipang iopen ni Aliza ang topic tungkol sa mga kababalaghang nangyare sa kanilang seksyon.
"Don't you think it's kinda weird around here?" Tanong niya sa binata habang nakacross ang arms. Tinaasan siya ng isang kilay ni Hunter at natawa ng mahina.
"Don't you think it's kinda late you said that? I don't know, but I'm actually enjoying it. Knowing that someone is after for your life, is kinda thrilling." Pabulong niyang sagot sa dalaga. Hindi na sumagot si Aliza at nagpout na lamang. Muling bumalik ang kanyang ngiti nang maisipang asarin ang binata sa kanyang mga nagiging kasintahan.
"You should stop dating girls who loves to hung their selves on trees or ceilings, Hunter." Biro niya sa binata habang mahinang hinampas sa braso. Napatigil ang binata sa sinabi ng dalaga, nagbuntong hininga at ngumiti.
"Kailangan mo rin sigurong iwasan makielam sa buhay ng iba. Don't act strong in front of our classmates, it makes me sick. Iyang pinapakita mo sa labas, cover-up mo lang yan, piling mo ang lakas-lakas mo pero deep inside, takot ka katulad ng iba... " Dire-diretsong wika ng binata. Napangiti siya nang makita niyang natauhan si Aliza sa kanyang mga narinig. Napailing si Hunter at kumaripas ng takbo upang habulin sina Cameron.
-
Sa labas ng campus, magkakasama ang magkakaibigang sina Alyssa, Zero, Zoey at Sakura. Papunta sila sa isang convenience store para bumili ng chips. Kinuha ni Alyssa ang isang pack ng Oreos sa kanyang royal blue slingbag. Binuksan niya ito at kumuha ng isang piraso para kainin. Nakaagaw ng atensyon nila ang isang telephone booth sa kanto. Basag ang isang bahagi nito at punong-puno ng maitim at nakasusulasok na usok ang loob. Ibinaba ng kaunti ni Alyssa ang kanyang Ray-Ban Blue Flash lens shades upang mas malinaw na makita ang nasabing booth.
"Oh? Anyare rito? Wanna check it out?" Curious na anyaya niya sa mga kasama. Ngumiti lang si Zoey at tinignan ang kanyang ateSakura.
"Sige, pero pagkatapos we need to go back to school. Baka kanina pa tayo hinahanap ng mga kaklase natin." Paliwanag ni Sakura sa mga kaklase. Tumango naman ang lahat at dumiretso sa tapat ng booth. Nagpahuli ang binatang si Zero at piniling pagmasdan at magmasid sa malayo. Nagbuntong-hininga siya at sumandal sa pader ng convenience store habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaklase papalayo. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang kanyang iphone5s at binuksan ito. Makikita ang picture ni Tiffany sa kanyang phone bilang background nito. Nakasuot ng skater skirt ang dalaga na may suot na floral cropped top. Nakalugay ang buhok, nakasuot ng bamboo shades at nakapose na peace. Napangiti siya sa kanyang nakita, dahan-dahan niyang inilapit ang phone at para bang hinalikan ito.
"I wish I can but I can't" Nanginginig niyang bulong sa sarili. Natimingan naman na palabas si Tiffany sa convenience store, dahilan para makita niya ang kaklase. Napangiti si Tiffany at kumaripas ng takbo upang lapitan ang nakasandal na binata.
"Huy lalake! San ka ba galing kanina pa kita hinahanap eh." Bati niya sa binata habang kinaway-kaway ang kanyang dalawang kamay.
"Tch, I've been here all along." Pa-cool niyang sagot sa dalaga. Nagpout lang si Tiffany habang nakacross ang kanyang arms.
"Oh? 'Bat mag-isa ka nanaman? Nasaan na mga kasama mo?" Nagbago ang tono ng pananalita ng dalaga at biglang naging seryoso. Tinignan ni Tiffany ang kanyan paligid upang magmasid. Napakunot ang noo ng binata ng makita ang biglang pagbabago ng ugali ni Tiffany.
"Pumunta sila dun oh." Matipid na sagot ni Zero habang nakaturo sa kanto.
"Sh*t, this is bad..." Bulong ni Tiffany sa sarili, pero malakas ang pandinig ng binata kaya agad siyang kinalabit nito upang tanungin.
"Is everything alright Tiffany?" Tanong ng binata, pero isang nag-aalinlangang ngiti lamang ang kanyang natanggap bilang sagot. Hinawakan ni Tiffany ang kanyang kanang kamay at hinigit papunta kina Alyssa.
Halos lahat sila ay hindi makagalaw sa kanilang nakita. Nakahandusay sa gilid ang wala ng buhay na katawan ni Arsela. Maraming tao rin ang nakapaligid dito kaya nahihirapan silang makisiksik at makapunta sa harapan. Malakas na ang kutob ni Sakura na si Tiffany ang pumapatay, kaya kailangan niya ng kumilos. Hinawakan niya si Zoey at agad binulungan sa taenga.
"Pakisabi kay ate Alyssa mo salubungin niyo sina Tiffany para mahanap nila kung nasaan tayo. Dito lang ako, hihintayin ko na lang kayo ha?" Utos niya sa kapatid. Ngumiti lang si Zoey at tumango. Hinawakan niya sa kamay si Alyssa at inilayo sa telephone booth. Hindi nagalinlangan si Alyssa na sumama kay Zoey at sa kanyang plano.
Isang mapaglarong ngiti ang kumurba sa labi ni Sakura nang makitang unti-unting papalayo ang kanyang mga kaklase. Ngayong mag-isa na lamang siya, mas makakakilos siya ng maayos. Tinignan at sinuri niyang mabuti ang insidente hanggang sa makakita siya ng clue. Nakita niya ang color green na cellphone ni Arsela na medyo nakaangat sa bulsa ng dalaga.
Naisipan niyang kunin ito dahil baka mayroong siyang makuhang ebidensya. Tumayo muna ang dalaga para tignan kung malapit na sina Zoey. Laking tuwa niya ng makitang malayo pa't nagchichikahan ang kanyang mga kaklase habang papunta sa insidente. Lumipat siya ng pwesto kung saan naroon ang butas ng salamin. Pasimple niyang inilusot ang kanyang kanang kamay dito upang kunin ang cellphone ni Arsela. Nasugatan siya ng kaunti dahil aksidenteng nasagi niya ang isang matulis na salamin. Laking tuwa niya nang mapansin niyang malinis ang pagkakagawa niya sa ginawang pagkuha. Dali-dali niya itong ibinulsa at tumayo na para bang walang nangyare.
"Humanda ka na, sixth section will soon haunt you." Bulong ni Sakura sa sarili na nasundan ng isang mapaglaro't misteryosong ngiti. Nakita niya na papunta pa lamang sila Zoey sa telephone booth, pero kailangan niya nang mauna sa paaralan kaya nagdesisyon siyang mauna na kaysa sa kanyang mga kaklase.
-
Nagkagulo sila nang makita si Arsela. Napahawak ng mahigpit si Zoey sa braso ni Alyssa habang umiiyak. Naalala niya kasi si Arsela, isa sa mga tinuring niyang tunay na ate sa kanilang seksyon. Agad bumitaw si Zoey sa kanyang pagkakahawak nang makita si Tiffany. Kumaripas siya ng takbo papunta kay Zero at nagtago sa likod nito. Niyakap siya mula sa likuran ng mahigpit na ikinagulat ng binata. Yinuko ni Zero si Zoey ng nakangiti. Kitang-kita niya na takot na takot si Zoey kaya hinawi't ginulo-gulo niya ang buhok nito.
"Don't cry Zoey, everything's going to be alright. Your kuya Zero is here." Unti-unting napangiti si Zoey sa kanyang narinig. Napakunot ang noo ni Tiffany sa ipinakitang pagcocomfort ni Zero sa kaklase. Tumingkayad si ni Zoey at pilit na iniaabot ang mukha ni Zero. Natawa lang si Zero rito kaya siya na mismo ang naglean para kay Zoey, nagpout ang binata nang biglang pinisil-pisil ni Zoey ang kanyang pisngi.
"Kuya Zero, ang cute mo pala kapag ngumingiti ka eh" Natawa ang binata ng mahina at tinignan si Zoey sa kanyang mga mata. Maaring snob, laging seryoso at hindi palakausap si Zero sa iba niyang mga kaklase, pero malapit ang puso niya sa mga bata. Minsan, kapag wala siyang pasok sa school, pumupunta siya sa isang park at umuupo sa bench. Pinagmamasdan niya lang ang mga bata na maglaro, kapag nakikita niyang nakangiti ang mga ito ay napapangiti na rin siya sa tuwa.
"Si kuya Zero muna bahala sa'yo ha? Sige, tara punta na tayo sa St. Venille at baka hinahanap ka na ng ate Sakura mo." Wika ni Zero. Tumango't napapalakpak si Zoey sa alok ng binata. Nagulat siya ng biglang pinasan siya nito sa kanyang likuran. Isinandal ni Zoey ang kanyang mukha sa braso ni Zero. Malapit ng lumubog ang araw ng sa oras na 'to, kaya kailangan na nilang bumalik ng paaralan. Hindi pa sila nakakalayo nang bigla silang pinigilan ni Tiffany.
"Z-zero" Mahina niyang tawag sa pangalan ng binata. Nasa likuran ni Tiffany si Alyssa na nakahawak sa balikat ng dalaga. Napahinto sa paglalaka sila Zero't nilingon ang dalawa ng nakapokerface.
"Ano 'yon Tiffany?" Malamig na tanong ng binata sa dalaga.
"K-kami nang bahala kay Zoey, mauna ka na muna sa school, may pupuntahan lang kami." Pautal-utal niyang wika sa binata. Tinaasan sila ng isang kilay ni Zero dahil sa pagsususpetsya sa kanilang dalawa. Dahan-dahan niyang ibinaba si Zoey at hinawakan n mahigpit sa kamay.
"It's starting to get dark, saan naman kayo pupunta? Hindi na ligtas para kay Zoey, we're going back to St. Venille together. Sorry." Paliwanag ng binata sa dalawa.
Nagulat si Tiffany dahil ito ang unang beses na nireject siya ni Zero. Biglang sumulpot si Erika sa likuran ng binata na may hawak-hawak na bato at tila may balak hampasin ang binata mula sa likuran. Nanlaki ang mga mata ni Tiffany at napasigaw nang unti-unting itinaas ni Erika ang bato.
"Huwag!" Malakas na sigaw ni Tiffany, pero huli na ang lahat. Agad napahiga ang binata sa sahig at unti-unting nabitawan ang pagkakahawak kay Zoey. Hindi makapaniwala si Zoey sa kanyang mga nasaksihan. Nakaupo siya sa tabi ni Zero habang shine-shake ang katawan ng binata.
"Kuya Zero, gising na. Sabi mo babalik na tayo kina ate Sakura? Kuya 'wag mo kong iwan dito." Pakiusap niya sa binata habang umiiyak, pero hindi ito sumasagot. Nagsisigawan naman sina Erika at Tiffany dahil sa nangyare.
"Why the hell did you do that?" Galit na galit na tanong ni Tiffany kay Erika.
"Bakit? I only did it for our safety? Huwag mo sabihing you fell for that jerk." Pabalang na sagot ni Erika. Nagbuntong hininga si Tiffany at napayuok. Mapapansing may mga luhang marahang bumabagsak sa kanyang mga mata.
"Don't even try to compete with me Erika, know your limits." Babala ni Tiffany sa dalaga. Natawa lang ng mahina si Erika at hindi makapaniwala sa sinabi ng kaklase.
"Watch your words Tiffany, I know everything and I'm not afraid to exploit your shitty doings to the whole school." Nagmamatapang niyang sagot sa kaklase. Hindi nagpakita ng tako si Tiffany at nginitian lang si Erika.
"Go ahead, see if I care" Palabang sagot ni Tiffany. Hindi na nagsalita si Alyssa sa nangyare at nginitian lamang si Erika. Nagtulong sina Tiffany at Alyssa sa pagbuhat kay Zoey papunta sa kotse.
Nakalayo na sila Tiffany at pabalik na sana ng paaralan si Erika nang biglang nakareceive ng isang text ang kanyang cellphone. Agad niya itong idinukot ang kanyang cellphone sa bulsa. Pagkabukas niya ng phone, isang unknown number ang nagpadala sa kanya ng text.
*** Fr: +63927********
You're next.
***
Napalunok si Erika sa kanyang nabasa at agad nanginig sa takot. Dali-dali niyang inayos ang sarili at kumaripas ng takbo pabalik ng paaralan. Pagkadating niya sa paaralan, una niyang tinignan ay kung bukas pa ang principal's office. Alam niya na madalas magover-time ang kanilang principal sa kanyang opisina, lalo na ngayon dahil nasasangkot ang paaralan sa maraming issue. Laking tuwa niya nang makitang nakabukas pa ang ilaw nito sa kwarto, kaya naman kumaripas siya ng takbo papunta sa kwarto nito. Bago niya buksan ang pintuan ay nagsign of the cross muna siya't nagsambit ng isang maikling dasal. Kumatok siya ng tatlong beses bago dahan-dahang buksan ang pintuan para pumasok.
"Oh? Erika bat ka naparito? Anong oras na oh?" Mahinahong bati niya sa dalaga habang may binabasang papel. Pumunta sa harapan ng principal's desk si Erika at nagbow bilang sign ng paggalang. Pagkatapos ay umupo siya sa isang upuan sa tapat ng principal's desk. Nagbuntong-hininga ang dalaga dahil hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang kanyang balak na paglalaglag kay Tiffany.
"I need to tell you something, but please promise me na walang makakaalam na ako ang nagsabi sa inyo nito." Nanginginig na wika ni Erika. Punong-puno na ng takot sa buong katawan ng dalaga dahil hindi siya mapakali at matindi na ang panginginig ng kanyang dalawang kamay. Hindi nagsalita ang principal, tinitigan lang siya ng ilang segundo't tumango, at muling itinuloy ang kanyang ginagawa.
"A-alam ko po kung sino ang responsable sa lahat ng pagpatay dito sa St. Venille." Kinakabahang bulong ni Erika. Napatigil ang principal sa kanyang ginagawa't tinitigan si Erika sa mga mata.
"I know." Matipid at seryosong sagot ng principal sa dalaga. Napalunok si Erika dahil sa inasal ng punong guro at tumayo. Dali-dali siyang pumunta sa harapan ng pintuan para umalis na ng kwarto, pero bago pa man siya tuluyang makalabas, isang babala ang iniwan sa kanya ng punongguro.
"Don't even try to tell this to your classmates. Tandaan mo Erika, malaki ang utang ng pamilya mo sa mga Mendoza. Be quiet for your family's sake. The game's not over, please don't ruin it." Babala ng guro. Hinawakan ni Erika ang malamig na door knob at dahan-dahan itong pinihit. Bago pa siya makalabas ay tinignan niya ang isang salamin sa gilid na maaaring makita kung anong ginagawa ng principal. Nakita niyang ngumiti ang principal sa kanya't bumulong.
"You're Next..."
Ell's Note --------
Memento Mori - an object serving as a warning or reminder of death
CHAPTER 30
Pagkalabas niya sa principal's office, umupo muna siya sa gilid ng staircase sa hallway. Nag-isip si Erika kung paano niya masasabi ang buong katotohan sa kanyang mga kaklase. Nag-isip siya ng isang bagay na alam niyang kahit na mawala siya, makakatulong pa rin ito panlaban sa mga Mendoza. Naalala niya ang kanyang dark blue cattleya notebook na nakatago sa kanyang locker. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinakiramdaman ang kanyang paligid. Nakarinig siya ng mahihinang yabag ng sapatos sa sahig, sa pag-aakalang sila Tiffany ito, kumaripas na siya ng takbo papuntang P.E building. Walang kaalam-alam si Erika na pinagmamasdan na pala nila Tiffany ang kanyang bawat galaw sa malayo. Ang hindi nila alam ay mayroong itinatagong notebook si Erika na naglalaman ng mga bagay na maaaring ipanlaban sa kanila.
Dumiresto si Tiffany sa principal's office habang sinundan naman ng isa niyang kasama si Erika. Dahan-dahang silang pumasok at agad isinarado ang pintuan. Napakunot ang noo ng principal sa ginawang pagbalibag ni Tiffany sa pintuan.
"Oh, any news for me?" Bungad na tanong ni Erika, pagkatapos ay umupo siya sa antique chair sa tapat ng principal's desk
"Y-yes, Erika told me everything." Pautal-utal na sagot ng principal.
"Hmmm, I need you to do something for me." Mapaglaro niyang wika sa punong-guro. Napataas lang ang kilay ng guro sa tanong ng dalaga. Kumuha siya ng isang ballpen at papel, nagbuntong-hininga at muling tinitigan si Tiffany sa kanyang mga mata.
"What can I do for you this time, Tiffany? Hindi ba kayo nagsasawa sa mga gi-" Naputol ang sinasabi ng punong-guro nang biglang malakas na ibiniagsak ni Tiffany ang kanyang mga palad sa principal's desk.
"At sinong nagsabi sa'yo na maari kang magreklamo? Tandaan mo, sa eskwelahang ito, ako ang batas. Kung hindi ka susunod, pwede ka nang magpaalam sa pamilya mo." Babala niya.
Mariing napalunok ang punong-guro sa kanyang narinig, tumalikod at may kinuha sa kanyang drawer. Pagkaharap niya, agad niyang itinutok ang kinuhang kutsilyo kay Tiffany, pero hindi niya inaasahan ang sumalubong sa kanya. Nakangiti sa kanya si Tiffany habang tinututukan siya nito ng baril.
"Oh? Ano? Gusto mo kong patayin? Hahaha, you've got to be kidding me." Nahihibang na wika ng dalaga.
Nanginig sa takot ang punong-guro sa kanyang nasaksihan. Bigla niyang nabitawan ang hawak na kutsilyo dahil sa naipong kaba't takot sa kanyang dibdib. Tumawa muli ng pagkalakas-lakas si Tiffany at umupo na mismo sa principal's desk. Inilapit niya ang kanyang mukha sa punong-guro upang itapat ang kanyang bibig sa taenga nito.
"Hmmm, let's make this more interesting..." Malamig na bulong ni Tiffany. Inilapag niya ang kanyang hawak na baril sa desk at ngumiti.
"Syempre, hindi naman magiging kumpleto ang laro kung hindi ako makikipaglaro sa'yo hindi ba? Simple lang naman eh, pipili ka lang sa dalawa." Mapaglarong wika ng dalaga. Tumayo si Tiffany kanyang inuupuan at naglakad papunta sa sofa. Marahang umupo ang dalaga sa sofa at ipinatong ang kanyang dalawang paa sa maliit na table sa harap nito.
"Go kill yourself my dear principal, or your family will be killed." Marahas na utos niya sa punong-guro na mas lalong nagbigay ng takot sa guro.
Habang abala ang dalaga sa pakikipag-usap sa punong-guro, tahimik na nakikibig sa labas ng pintuan si Ms. Gomez. Nagulat siya sa inasal ng kanyang studyante, tinakpan niya ang kanyang bibig dahil sa gulat. Ipinikit ng guro an kanyang mga mata at bumulong...
"Diyos ko, tulungan mo po ang aming mahal na punong-guro sa mga oras na 'to." Nanginginig na wika ng guro sa sarili.
Dahan-dahang kinuha ng principal ang nasa harapan niyang baril at marahang ipinasok ito sa loob ng kanyang bungaga. Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ng principal, pero hindi siya pinansin ng dalaga at tila nagalit pa ito. Kinuha niya ang vase na nakapatong sa isang lamesita at malakas na inihagis sa sahig.
"Ano ba! Gagawin mo ba o ano? Naiinip na ko, marami pa kong kailangang gagawin." Sigaw niya sa guro. Alam niya na maaari niyang patayin si Tiffany dahil hawak niya ang baril, pero natatakot siya na baka galawin ng pamilyang Mendoza ang kanyang pamilya matapos niyang gawin ito. Mariing ipinikit ng punong-guro ang kanyang mga mata at agad pinakawalan ang trigger ng baril. Narinig ang napakalakas na putok ng baril sa buong second floor ng Academic building. Kumalat ang dugo ng guro sa buong kwarto. Namanchahan ang mga libro, documents at kung anu-ano pa. Lalong-lalo na ang painting ng kanyang pamilya sa likod ng kanyang desk.
Napaupo't nanghina ang nakikinig sa labas na si Ms. Gomez. Nanlalaki ang mga mata ni Tiffany at dahan-dahang ngumiti. Maya-maya, bigla na lamang itong tumawa na parang isang bata. Tumayo siya sa sofa at nilapitan ang walang buhay na guro. Pinadulas niya ang kanyang hintuturo sa dugong tumalsik sa desk upang tikman ito. Marahan niyang ipinasok ang kanyang hintuturo sa kanyang labi at tila nilalasaplasap ang amoy metal na dugo ng principal.
"Iyan ang mga napapala ng mga kumakalaban sakin." Wika ng dalaga. Napatingin siya sa gilid at may nakitang CCTV Camera na nakalagay sa isang sulok ng kwarto. Ngumiti siya rito at kumaway-kaway na parang bata.
"It's a good thing na may defects and sira ang mga CCTV cameras na ibinigay ni Dad sa school." Mahina niyang bulong sa sarili. Kinuha niya ang kanyang bag at agad lumabas sa opisina ng principal na para bang walang nangyare. Sumalubong sa kanya sa labas si Ms. Gomez na kasalukuyang nakaupo sa sahig at umiiyak. Ngumiti lamang siya rito at nilapitan ang guro.
"You've become a monster." Nanginginig na wika ng guro. Tinawanan lang siya ng dalaga, pagkatapos ay nilapitan siya nito't ginulo-gulo ang buhok na parang isang bata.
"There's always a monster living inside us." Wika ni Tiffany habang naglalakad papalayo sa guro.
Pinalayo muna ng guro si Tiffany bago siya nagbalak na pasukin ang opisina ng punong-guro. Napuno ng takot ang kanyang dibdib sa sumalubong sa kanya sa kwarto, dahilan upang walang humpay siyang magsisisigaw sa panik.
Sa may kabilang building ay nasa loob pa rin ng girl's locker room si Erika. Hawak-hawak niya na ang kanyang notebook na naglalaman ng mga madudugong sikreto. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan at tila naghihysterical sa kanyang paligid.
Inilagay niya muli ang kanyang notebook sa loob ng locker, pagkatapos ay iniba niya ang passcode nito. Dumiretso siya sa banyo na katabi ng locker room at humanap ng tissue paper. Nakakita siya sa isang cubicle kaya agad niya itong kinuha upang sulatan. Isinulat niya rito ang panuto at passcode ng kanyang locker. Bago pa man siya makalabas ng banyo, nagulat siya nang biglang bumukas ang dulong cubicle. Iniipit niya muna ang tissue sa isang upuan na matatagpuan din sa girl's locker room. Matapos niyang maitago ito, agad siyang kumaripas ng takbo papuntang sa Dorm B, una niyang nakita ay ang kwarto nila Aliza. Bago siya tumungo rito ay pinakiramdaman niya ang kanyang paligid. Tumalikod siya at nagmasid-masid, laking gulat niya nanh makita si Tiffany na nasa dulo ng hallway. Hawak-hawak niya pa lamang ang kanyang maskara at akmang isusuot pa lamang ito.
Alam niya na kapag hindi siya kumilos, maabutan siya nila Tiffany. Dumiretso siya sa kwarto nila Aliza at sinumulang bulabugin ang mga tao rito. Pilit niyang ginigising ang mga kaklase pero nabigo siya. Napaupo na lamang siya dahil sa kawalan ng pag-asa. Napatingin siya sa dulo ng hallway nang makarinig ng mga mabibigat na yapak ng dalawang tao.
Papunta sa kanyang direksyon ang dalawang nakamaskarang babae. Ang isang maskara'y masaya, samantalangang malungkot naman ang isa. Napalunok siya sa kanyang nakita at umatras ng tatlong beses. Papatakbo pa lang sana siya nang biglang hinagis ni Tiffany ang kutsilyo ng punong-guro kay Erika. Natamaan siya sa bandang likuran, dahilan para mapaupo ang dalaga sa sahig. Malalim ang pagkakabaon ng kutsilyo sa kanyang likod kaya hindi na siya masyadong nakagalaw ng maayos.
"You think you can get away from me huh?" Tanong ni Tiffany sa dalaga habang sinisipa si Erika. Tinanggal naman ng isa ang kanyang maskara at ngumiti.
"Let's end her bago pa may makakita saten." Seryosong bulong ni Alyssa. Hinatak palabas ni Alyssa ang kutsilyo mula sa mariing pagkakabaon sa katawan ni Erika. Hindi na nakasigaw si Erika dahil wala na siyang boses sa kakasigaw kanina. Itinaas ni Alyssa ang kutsilyo at itinutok ito sa direksyon ng ulo ni Alyssa.
"Any last words?" Tanong niya sa kaklase, pero isang nakalolokong ngiti lamang ang ibinigay ni Erika sa kanya.
"It's not too late for you Alyssa, pwede ka pang magba-" Hindi na naituloy pa ni Erika ang kanyang sinasabi dahil ibinaon na ni Alyssa ang kutsilyo sa kanyang ulo. Hinatak nilang dalawa ang bangkay ni Erika palayo upang dalhin ito sa lugar na kasama sa kanilang plano. Huli na ng magising si Aliza, wala na si Erika, Tiffany at Alyssa nang buksan niya ang pintuan. Nagulat siya sa kanyang nakita, punong-puno ng dugo ang kaninang malinis at maputing sahig.
"A-ano nangyare rito?" Nagtataka niyang tanong sa sarili. Muli siyang pumasok sa loob ng kwarto upang gisingin ang iba niyang kasama.
"Cath, you need to see this. There's blood all over the floor." Nagpapanik na sigaw ni Aliza pero hindi siya nito pinansin at bumalikwas lamang.
"You must be seeing things Aliza, go back to sleep. It'll be over soon." Nasusurang wika ni Catherine. Umupo si Aliza sa couch at nagisip-isip. Hindi siya matahimik dahil mayroong bumabagabag sa kanyang isipan.
"I can't let them do this to my other classmates." Matapang niyang bulong sa sarili. Kinuha niya ang isang flashlight sa drawer at nagbulsa ng isang pocket knife. Dahan-dahan siyang lumabas ng dorm at iniwang mag-isa si Catherine sa loob na nagising na rin ng tuluyan dahil sa kanya.
Sinundan ni Aliza ang dugong sa sahig. Dinala siya sa nito sa bandang likuran ng paaralan. Napalunok siya ng makitang nawala na ang dugo sa sahig. Dahan-dahan niyang itinangala ang kanyang hawak-hawak na flashlight. Laking gulat niya't napaupo siya sa kanyang nakita. Nakabitin ang walang buhay na si Erika sa puno ng balete. Nakatingala lang siya rito habang pinagmamasdan ang kaklase. Hindi siya makapagsalita sa sobrang takot. Napasigaw siya sa takot nang biglang may tumulong dugo sa kanyang mukha. Dahan-dahang dumulas din ang kutsilyo sa ulo ni Erika. Tinakpan ni Aliza ang kanyang ulo at nagsisimulang magsisigaw sa takot.
Nagmamasid-masid naman si Catherine habang naglalakad nang marinig ang sigaw ng kaklase. Agad niyang sinundan niya ang tunog na 'to. Nakita niya si Aliza sa harapan ng isang nakabitin na babae sa puno ng balete. Kumaripas siya ng takbo papunta kay Erika at agad niyakap ang kaklase. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Erika pala ang nakabitin dito. Dahan-dahan niyang itinayo si Aliza at inutusang bumalik ng dorm.
"Bumalik ka na ng dorm, I'll try to call the cops for some help." Mahinahon niyang bulong sa kaklase. Tumango naman si Aliza at kumaripas ng tumakbo pabalik ng dorm. Dinukot ni Catherine ang kanyang smartphone sa bulsa upang sinubukang tawagan ang pulisya. Laking tuwa niya ng mayroong sumagot, pero may napansin siyang kakaiba sa kabilang linya.
"Hello is this the police? You need to help us, there's a dead body here in St. Venille. Please, tulungan niyo kami, parang awa niyo na." Pagmamakaawa ni Catherine sa telepono. Nagulat siya nang biglang kahidik-hindik na halakhak lamang ang kanyang narinig sa kabilang linya.
"Shhh, don't be scared. Nakikita kita ngayon, akong bahala sa'yo." Napalunok siya sa kanyang narinig at agad nanginig ang sa takot ang kanyang buong katawan. Nabitawan niya rin ang kanyang cellphone at nagsimulang tumakbo ng mabilis sa pag-aakalang malapit sa kanya ang killer. Bago maputol ang linya, isang babala ang iniwan ng babae sa kabilang linya.
"I'll help you alright, I'll help you end your silly pathetic lives."
Ell's Note --------
Le Pendu means "The Hanging Man". It represents passivity, the events over which we have no control. It is also a stage of mysticism.
CHAPTER 31
Wala nang ibang nagawa si Catherine kung hindi tumakbo ng tumakbo dahil sa kanyang takot. Hindi niya maiwasang isipin ang mga binitawang salita ng kanyang nakausap sa kabilang linya. Malapit na siya sa kanilang dorm nang bigla niyang nakita si Eugene, nakasandal ang binata sa pader sa gilid ng kanilang kwarto. Wala na siyang naisip na ibang paraan kung hindi hingin ang tulong ng binata.
"E-Eugene, you've got to help me. Erika's dea-" Hingal na hingal niyang wika at pawang hindi maintindihan ang ibang salita dahil paputol-putol ito. Inilagay ni Eugene ang kanyang dalawang kamay sa braso ni Catherine. Inilapit niya ang kanyang sarili sa dalaga at binilungan.
"Calm down, calm down. You need to rest. Bukas na lang natin 'to pag-usapan. Okay?" Mahinahong bulong ni Eugene. Ngumiti si Catherine kay Eugene at marahang niyakap ang binata.
"Thank you gene, for always being there for me." Nanghihinang wika ng dalaga. Hindi pa nagtagal ay bumalik na ng Dorm B si Catherine upang magpahinga. Naiwan namang mag-isa si Eugene sa labas dahil gusto niya munang magmuni-muni.
Naagaw ang atensyon ng binata dahil sa malakas na ingay na nanggaling sa may Academic Building. Dahil sa kanyang kyuryosidad, pinuntahan niya ito. Nakakita siya ng isang babaeng nakamaskara na may hawak-hawak na palakol. Kinakaladkad niya ang kanyang palakol sa sahig habang naglalaka papunta sa Academic Building, Agad nagdulot ito ng hindi maipaliwanag na kaba sa binata. Napalunok siya ng mariin nang makitang huminto ang dalaga. Humakbang siya ng limang beses paabante sa building upang mas makitang mabuti ang misteryosong babae. Tumaas ang kanyang mga balahibo sa katawan ng maramdaman niyang tumingin sa kanyang direksyon ang babae. Napatakbo siya sa takot ng biglang kumaway sa kanya ito at humakbang ng tatlong beses palapit sa kanya.
-
Kinabukasan, sa may hindi kalayuan sa school, nagising si Zero sa isang hotel. Pagkabangon na pagkabangon niya ay agad siyang nakaramdam ng matinding pagkahilo. Pinilit niyang tumayo sa kama upang dumiretso sa banyo para manalamin. Nakita niya na nabigyan na rin siya ng paunang lunas sa kanyang sugat sa ulo.
Agad pumasok ang napakaraming tanong sa kanyang isipan. Bumalik siya sa kama at humiga, tinignan niya lang ang kisame at sinusubukang alalahanin ang mga nangyare. Makalipas ang ilang minuto, mayroong pumasok na babae sa kwarto. Mabilis niyang nakilala ito dahil sa kanyang uniporme. Umupo ito sa kanyang tabi at inakbayan siya. Napansin niya rin ang ngiti ng babae na parang nagagalak dahil sa kanyang maayos na kondisyon.
"Oh, kumusta pakiramdam mo?" Masiglang tanong ni Ms. Gomez sa binata. Tinignan lang siya ng binata sa mga mata. Walang kaemoemosyon ang kanyang mukha kahit na gulong-gulo na siya sa mga nangyayare.
"Anong nangyare? Bakit ako naririto? Nasaan na si Zoey?" Sunod-sunod na tanong ng binata sa kanyang guro. Kumunot ang noo ni Ms. Gomez nang marinig ang tanong ni Zero.
"Akala ko ba eh kasama mo si Zoey?" Wika ng guro. Dahan-dahang tumayo si Zero at naglakad papunta sa direksyon ng pintuan. Napatayo rin si Ms. Gomez at nagbalak na pigilan ang binata. Hindi pa masyadong magaling ang sugat ni Zero sa ulo, masyadong delikado kung agad magkikikilos ang binata ng husto.
"Oh? San ka pupunta? Hindi pa masyadong magaling yung sugat mo. Magpahinga ka muna." Wika ng guro. Napahinto ang binata sa kanyang paglakad at lumingon.
"I need to find Zoey." Matipid na sagot ng binata.
Nakalabas na ng pintuan si Zero pero nanatili pa rin sa loob ang guro. Lumuhod siya sa tapat ng nakasabit na krus sa kwarto at nagdasal. Nagsimulang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata dahil sa kanyang naalalang kapabayaan.
"Oh Diyos ko! Sana po ay mapatawad niyo ako sa aking kapabayaan. Kung una pa lamang ay tinulungan ko na sila, sana hindi runami ang buhay na nawala. Sana po ay gabayan niyo ang aking mga studyante at gawin niyo po silang ligtas sa lahat ng oras." Mangiyakngiyak na dasal ng guro.
Matapos ang kanyang pagdarasal, nabalot ang buong kwarto ng nakakabinging katahimikan. Nakayuko lamang siya at tuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha. Napatingin siya sa pinto dahil mayroon siyang narinig na tunog ng sapatos. May dumulas na pulang sobre sa ilalim ng pintuan at saktong huminto ito sa kanyang harapan. Dahan-dahan niyang pinulot ang sobre gamit ang kanyang dalawang nanginginig na kamay. Nagulat siya nang makitang mayroong lamang litrato ang sobre. Ito ay ang kanilang class picture. Lahat ng mga namatay na studyante ay may mga markang ekis sa kanilang mga mukha. Napansin niyang mayroon nang "X" sa mukha ng kanyang dalawang studyanteng si Eugene at si Zoey, kaya naman agad siyang kumilos. Pinuntahan niya muna ang front desk para tanungin kung saan nagtungo si Zero.
"Miss, may napansin ba kayong binata na nakauniform ng St. Venille? Uhmm, may sugat siya sa kanyang ulo." Tanong niya sa babaeng receptionist pero tinuro lang nito ang pintuan.
"Ahh, opo ma'am. Chineck-out niya na rin po yung room and siya na rin po nagbayad. Nagmamadali po siyang lumabas eh, para pong may hinahabol." Sagot sa kanya ng babae.
Hindi na nagaaksaya ng oras ang guro at nagdesisyon na siyang agad bumalik ng paaralan . Sa kasamaang pagkakataon, hindi siya makasakay ng taxi o ng kahit anong sasakyan dahil palaging puno ng mga pasahero ang mga 'to. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakalagay sa bag at sinubukang tawagan si Erika, ngunit walang sumasagot sa kanya sa kabilang linya. Alam niyang medyo may kalayuan ang paaralan sa kanyang kinatatayuan pero hindi siya nagdalawang-isip na takbuhin ito para sa kanyang mga studyante.
"If I can't save myself, atleast I can save them. It's a teacher's obligation to look out for her students. Mas gugustuhin ko pang mamatay nang may nagawang mabuti sa mundo. Buong buhay akong naging sunod-sunuran sa iba, sa tingin ko ito na ang oras para kumilos ako. Hindi man ako maalala ng ibang tao bilang isang magaling na guro, atleast maalala man lang ako ng mga studyante ko. " Determinadong bulong ng guro sa kanyang sarili.
-
Sa loob ng St. Venille, magkakasama ang mga studyante ng sekyon six sa kanilang classroom. Nakaupo sila according sa kanilang seat plan. Dama ng bawat isa ang kalungkutan dahil sa kanilang nauubos na bilang. Mayroon ding mga nakalagay na bulalak sa mga upuan ng mga sumakabilang-buhay nilang kaklase bilang senyales ng kanilang pagluluksa.
Nagulat ang lahat nanh makitang pumasok si Zero sa loob ng classroom. Agad dumiresto ang binata sa harap at nagsimulang magmasid kung sino ang mga nawawala sa kanilang mga bangko. Napansin ni Zero na wala sa kanilang mga upuan ang kanyang mga kasama nung gabing nawalan siya ng malay. Ito ay sina Tiffany, Alyssa at Zoey. Dahil sa kanyang obserbasyon, malakas niyang ibinagsak ang kanyang mga palad sa lamesa.
"Where's Zoey?" Tanong niya sa mga kaklase. Napatigil bigla si Sakura sa paglalaro ng rubber band sa narinig niyang tanong ng binata.
"Eh diba kasama mo siya? Nasaan na nga ba si Zoey? Kagabi ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita." Nakakunot noong tanong ni Sakura.
Napatingin lang siya sa binata at muling ipinagpatuloy ang kanyang paglalaro. Ipinapaikot-ikot niya ang isang rubber band sa dalawa niyang hintuturo. Nag-iisip siya ng kanyang mga susunod na gagawin laban sa killer.
Maya-maya, nabulabog muli ang buong klase nang biglang tumunog ang speaker para sa isang anunsyo. Ang pinagkaiba lamang ng speaker na 'to sa iba, tanging sa kwarto lamang ng pang-anim na seksyon maririnig ang anunsyo.
"Hi classmates, namiss kong makipaglaro sa inyo, sana mapagbigyan niyo ko sa larong ito. Gusto ko lang naman matest kung talagang mataas ang IQ ng Top 1 ng seksyon na 'to eh. Kung gusto niyong sumali, lumabas kayo sa kwarto, at doon ninyo makikita ang hinahanap niyo."
Biglang napigtas ang nilalarong rubber band ni Sakura sa kanyang narinig. Nakaramdam siya ng mabigat na kaba sa kanyang dibdib at biglang naalala si Zoey. Agad siyang lumabas ng classroom upang tignan kung ano ang sinasabi ng misteryosong tao. Iniisip na sana'y walang masamang mangyare sa kanyang nakababatang kapatid.
Naiwan si Eugene at Angela sa loob na parang walang pakielam sa nangyayare. May nakitang isang box ng cupcakes si Eugene sa gilid at napaginteresan ito. Pasimple niya itong kinuha para sa kanyang sarili. Wala siyang balak na ishare ito sa iba dahil paborito niya ang cupcakes. Kinalabit niya si Angela sa likuran pero hindi agad siya nito pinansin dahil busy ang dalaga sa paglalagay ng contact lens.
"Psst, gelai may nakita kong cupcakes dito sa lapag oh. Want some? It's about time for St. Venille to give us free food. I'm starving already!" Excited niyang anyaya sa dalaga.
Mula pagkabata ni Eugene ay hindi siya pinapayagan ng kanyang mga magulang na kumain ng sweets, kaya ganoon na lamang ang excitement niya kapag nabibigyan siya ng chance makakain ng mga 'to. Ang pwede niya lang kainin sa loob ng kanilang bahay ay puro gulay, sa kadahilanang vegetarian ang kanilang pamilya.
Binuksan niya ang kahon at sumalubong sa kanya ang limang cupcakes na may iba't-ibang kulay ng frosting. Naliligo rin ang bawat cupcake sa makulay na springkles at kisses. Dahil dito, mas lalo siyang natakam sa kanyang nakita. Napansin niyang silang dalawa na lamang ni Angela ang nasa loob ng classroom dahil lumabas ang iba para tignan ang sinasabi ng misteryosong tao sa speaker. Papakagat pa lamang siya nang biglang naudlot dahil tumayo si Angela.
"Eugene, wanna go outside? Naroon kasi silang lahat and baka may mamiss tayong interesting scenes. Let's go?!" Anyaya niya sa binata pero nginitian niya lamang ang dalaga't tumango. Hinawakan niya ng mahigpit ang box ng cupcakes at mariing lumunok bilang bwelo sa kanyang susunod na sasabihin.
"S-sure, I'll be there in a bit, I'll just eat these cupcakes." Wika ng binata. Nagsign language naman si Angela ng letrang "K" sa harap niya bago tuluyang umalis.
Nang maiwan si Eugene sa loob ay nagbuntong hininga muna ito at dinasalan muna ang pagkain. Pagkatapos na pagkatapos niyang magdasal ay kumuha agad siya ng isang cupcake sa loob ng box.
"I deserve to have this." Bulong niya sa kanyang sarli at inumpisahang kagatan ang cupcake. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang parang nabibilaukan siya. Agad niyang inilabas ang kanyang dila at pilit na iniluwa ang cupcake sa kanyang bibig. Mayroong lamang mga thumbtacks ang cupcake na kanyang kinagat. Nagdulot ito ng mga sugat sa iba't-ibang bahagi ng kanyang bunganga. Mabilis na sumirit ang dugo sa kanyang bibig dahil sa malalalim na sugat, lalong-lalo na sa kanyang dila na parang nabitak-bitak dahil sa rami ng nakatusok na thumbtacks.
Tinakpan niya ang bibig at nagsimulang magpanik sa takot. Naisip niyang uminom ng tubig at nagbakasakaling mapatigil nito kahit papaano ang pagdudugo ng mga sugat. Nakita niya ang kanyang water bottle sa sahig kaya dali-daling niya itong kinuha upang inumin. Hindi niya napansin na kakaiba ang kulay ng tubig dahil sa sobrang panik. Mabilis niyang ininom ang tubig hanggang sa naubos niya ang laman ng bote. Napahinto siya't napaupo sa kanyang umupan habang nakalabas ang dila. Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng dugo sa mga sugat at kapansin-pansin din ang kanyang nagkulay pulang mga ngipin. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdamang unti-unting humihinto sa pagfunction ang kanyang lungs. Huli na nang naisip niyang mayroong droga na nahalo sa kanyang tubig. Agad siyang bumagsak sa sahig, nangisay at mabilis na binawian ng buhay.
Sa labas ng classroom, nagkukumpulan ang mga magkakaklase sa harap ng tv. Nakaplay sa isang maliit na monitor ang isang footage ng CCTV camera. Nagulat ang lahat nang unang ipakita sa video ang dalawang stuffed toy na sina Mr. Nameless at Mika na wala ng mga ulo. Sumunod na ipinakita sa video ay ang sitwasyon ni Zoey. Nakahiga siya sa isang kahoy na kasing laki niya. Nakapako ang kanyang mga kamay at paa rito, dahilan para hindi siya makaalis. Iyak lamang ng iyak ang dalaga habang isinisigaw ang pangalan ng kanyang kapatid na si Sakura.
"Ate Sakura! Help me, you promised na hindi mo ko papabayaan but if I won't survive this ate, please avenge my death." Paghingi ng tulong ni Zoey na halatang nahihirapan sa kanyang sitwasyon. Napaupo si Sakura sa sahig at nagsimulang magsisigaw na tila nawawala sa kanyang sarili.
"Please 'wag si Zoey! Ako na lang. I'm willing to die for my sister. Ako na lang ang ipalit mo sa sitwasyon niya, total wala na namang kwenta 'tong buhay ko. Please kill me! I'm begging you, ako na lang ang patayin mo! Huwag mo nang idamay ang kapatid ko rito." Pagmamakaawa niya sa harap ng monitor, pero tinawanan lamang siya ng babae sa likod ng speaker. Mabilis na inilabas ni Sakura ang kutsilyo sa kanyang bulsa at agad itong inihagis sa monitor. Saktong tinamaan ito dahilan para tuluyang mabasag ang salamin.
"Ahhhhhhhhh!" Nababaliw na sigaw ni Sakura. Nagkatinginan ang mga magkakaklase at agad nilapitan si Sakura upang magoffer ng tulong. Sinusubukan nilang bulungan si Sakura na maayos din ang lahat, na maliligtas nila si Zoey pero sadyang nawawalan na ng pag-asa si Sakura. Makalipas ang ilang minuto, nagulat sila nang biglang bumukas ang lahat ng monitor sa hallway. Dahil dito, mas lalo nilang nakita ng malinaw ang kinalalagyan ni Zoey ngauon.
"Aww, nakakatouch ka naman. I'm sorry Sakura but I want to play with St.Venille's Valedictorian. Hahahaha!" Bulong ni Tiffany sa mic habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaklase sa isang screen.
CHAPTER 32
Nakahiga si Zoey sa isang kahoy na kasing hugis at kasing tangkad niya. Para bang pinasadya ito para sa kanya. Nakaunat ang kanyang kamay at nakabukaka, 'yan ang hitsura ngayon ng dalaga. Sa apat na kanto ng kahoy ay nakabaon sa malalaking pako ang kabyang paa't kamay. Nakasuot ang dalaga ng sira-sira uniporme ng St. Venille. Nagkulay pula rin ang maputing uniporme dahil sa dugo galing sa kanyang mga sugat. May malaking butas sa bandyang tiyan ang kanyang damit, sa gitna nito ay may ekis na kulay pula. Mahahalata rin sa kanya ang mabilis na paghinga dahil sa kaba. Mayroong nakapwestong kahoy na lamesa sa gilid ni Zoey, dito nakapatong ang stuffed toys nila na sina Mister Nameless at Mika. Wala ng ulo ang dalawang stuffed toys. Mariin siyang napalunok nang mapansing kakaiba ang kulay ng bulak sa loob ng stuffed toys. Kulay itim ito at mayroong pang mga gumagapang na malalaking uod.
Gusto mang gumalaw ni Zoey pero hindi niya magawa dahil sa malalim na pagkakapako sa kanya sa kahoy. Pinagmasdan niya ang paligid at nagbakasakaling may mahahanap na pangtanggal dito, ngunit nabigo siya. Dahan-dahang bumukas ang lumang pintuang kahoy sa kwarto. Kasabay ng unti-unting pagbukas ng pinto ay ang mabilis na pagtibok ng puso ng dalaga. Narinig niya ang mabibigat na hakbang ng isang babaeng nakamaskara. Nakasuot ito ng maskara na kamukhang-kamukha ng kanyang stufftoy. Tumalon-talon ito na parang isang bata habang papalapit kay Zoey. Tumawa ito ng mahina habang nakatingin sa dalaga, kinaway-kaway niya rin ang kanyang dalawang kamay na parang isang bata.
"Hi Zoey! Gusto mo bang maglaro? Tara, laro tayo." Anyaya niya sa dalaga na nasundan ng nakakahindik balahibong tawa. Umupo siya sa sahig at agad naglabas ng dalawang manika
-
Sa loob ng St. Venille ay mayroong mararamdamang nakabibinging katahimkan sa hallway. Lahat ng kanilang mga mata ay tutok na tutok sa lcd. Nakayakap si Alexandra sa kanyang kasintahan na si Hunter. Paraan ito ng binata upang huwag matakot ang kanyang kasintahan. Mahigpit na mahigpit din ang akap ni Alexandra na para bang kulang na lamang ay isiksik niya ang kanyang sarili sa binata.
"H-Hunter, I'm scared." Nangigninig niyang bulong sa binata. Tinignan lang siya ni Hunter sa kanyang mga mata at kinindatan habang suot ang isang matamis na ngiti.
"Don't worry baby, your superman will always be here." Biro ni Hunter sa dalaga. Yumuko lang si Alexandra at nagpout. Isinubsob ng dalaga ang kanyang mukha sa kanang braso ng binata para maiwasang mapanood kung anong mangyayare kay Zoey. Walang buhay na nakaupo si Sakura sa gitna ng hallway habang nakatitig sa lcd. Nanginginig ang kanyang buong katawan habang malalim na nag-iisip. Nangigigil siya pero wala siyang magawa. Mas lalo silang kinabahan nang muling makarinig ng isa pang anunsyo.
"Simple lang naman ang gusto ko eh, gusto mong iligtas si Zoey 'di ba? Halika, maglaro tayo Sakura!" Anyaya niya sa dalaga. Dahang-dahang tumayo si Sakura sa kanyang kinauupuan na para bang isang basang sisiw. Nakayuko lamang siya at agad sinagot ang alok ng dalaga.
"I'll do whatever you want me to doZ Just p-please let Zoey go." Mahina niyang tugon, pero tinawanan lang siya ni Tiffany.
"Simple lang ang larong 'to, sa ilalim ng desk ni Ms. Gomez ay mayroong nakadikit na class picture. Gusto ko sanang markahan mo ng sunod-sunod ang pagkamatay ng mga kaklase niyo. Huwag niyo rin subukang mangielam kung ayaw niyong mapadali ang buhay nitong pinakamamahal na Valedictorian niyo." Babala niya sa buong klase habang nasa harapan ni Zoey. Pinapadulas-dulas niya ang kutsilyo sa pisngi ng dalaga. Agad kumilos si Sakura nang marinig ang utos. Agad niyang kinuha ang nakadikit na clas picture sa ilalim ng desk. Hindi niya na masyadong binigyang pansin ang katawan ni Eugene dahil sa pagmamadali. Mayroong kulay asul na likido ang lumalabas sa bibig na binata na nay kasamang bula.
Agad siyang umalis matapos makuha ang litrato. Pagkalabas niya ng kwarto, sinalubong siya ng isang kulay pulang marker na dahan-dahang gumugulong sa kanyang harapan. Napatingin siya sa kanyang mga kaklase na halatang takot na takot sa mga posibleng susunod na mangyare. Dahan-dahan niyang pinulot ang marker at agad inalis ang takip nito.
"Tandaan mo, isang beses ka lang pwedeng magkamali kung hindi.." Babala niya sa dalaga habang pinadaan ang kanyang hintuturo sa kanyang leeg na senyas na papatayin si Zoey kapag siya'y nagkamali. Umupo si Sakura sa harapan ng kanyang mga kaklase at inumpisahang markahan ng ekis ang mga naging biktima. Una niyang minarkahan ay si Bianca, sumunod si Jacob, na sinundan naman ni Shini, Xyza at iba pa. Napahinto siya nang sisimulan niya nang markahan ang mga kaklase niyang mamatay pa lamang. Nagbuntong hininga siya at halatang hindi alam kung sino ang lalagyan ng markang ekis sa mukha.
"Ano na? Bilis-bilisan mo naman kung ayaw mong mamatay ang kapatid mo. Tsaka bakit nga ba concern na concern kay Zoey ha? Eh hindi ba't hindi naman talaga kayo tunay na magkapatid? Sabagay, mas mainam na ngang hindi kayo magkapatid, kasi alam ko namang hindi mo talaga siya kayang iligtas." Sarkastikog wika ni Tiffany habang pinagmamasdan si Sakura sa screen. Agad napaluha si Sakura nang marinig ang masasakit na salita ng kaklase. Pinilit niyang ngumiti na lamang at dahan-dahang ginuhitan ng ekis ang kanyang mukha sa class picture. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Sakura. Agad tumayo si Cameron at pinigilan ang dalaga sa kanyang ginagawa.
"Tama na nga yan Sakura! Niloloko ka lang niya. Kahit na maitama mo ang pinapagawa niya, eh hindi ibig-sabihin nun ay basta-basta niya na lang papakawalan si Zoey. Pinaglalaruan niya lang ang emosyon mo Sakura, 'wag kang magpatalo sa kanya." Naiinis na sigaw ni Cameron habang yinuyugyog ang dalawang braso ng dalaga. Dahan-dahang itinaas ni Sakura ang kanyang ulo upang tignan sa mga mata ang binata.
"Ano pa bang pwede kong gawin Cameron ha? Tumanga na lang ako rito habang pinapanood na unti-unting namamatay yung kapatid ko. Sa tingin mo ba madali 'tong sitwasyon ko? Nandito ko oh? Sa harap niyo, habang pinapanood na patayin ng p*tang inang killer na 'yan si Zoey! Hindi mo ba ko maintindihan? Wala kong sense sa mundong 'to kung mawawala rin siya. Matagal kong hinintay na tanggapin niya ko Cameron, iyun lang ang pangarap ko sa buhay, ngunit ang naging daan kung bakit kami nagkabati ay siya rin palang daan kung saan kami magkakahiwalay." Mangiyakngiyak niyang tugon sa binata. Napahinto si Cameron sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang mga pinakawalang salita ni Sakura. Tumakbo si Angela at Catherine sa tabi ni Sakura upang sinubukang patahanin. Hindi pa nagtagal ay narinig nila muli ang boses sa speaker. Naghikab ito at mahahalata sa kanyang boses na wala siyang kainteinteres sa kung ano man ang nararamdaman ni Sakura sa sitwasyong kanyang nasasadlakan.
"Tapos na ba kayo riyan? Sayang Sakura, pero sa kasamaang palad. Mali ang sagot mo. Gusto mo bang malaman kung sino na ang susunod? Bago muna 'yon, huwag na nating pahirapan pa ang pinakamamahal mong kapatid. Hayaan mo, ako na ang tatapos sa wala niyang kwentang buhay para sa'yo." Matapang at seryosong wika ni Tiffany. Napalunok si Sakura sa kanyang narinig at dahan-dahang napaluhod sa harap ng LCD. Sa mga oras na 'to, wala na siyang ibang maari pang gawin kung hindi ang magmakaawa.
"Huwaaag! Parang awa mo na kung sino ka man, ako nalang! Please, huwag mo nang idamay ang kapatid ko rito." Buong lakas na pakiusap no Sakura habang patuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha.
Biglang ipinakita ang isang nailgun na hawak ng isang babae sa camera. Direkta itong nakatutok sa payat na katawan ni Zoey. Hindi pa nagtagal, sinimulang pakawalan ng walang humpay ni Tiffany ang mga pako rito. Maihahalintulad ang bilis ng pagpindot niya sa trigger sa isang machine gun.
Agad natamaan sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang dalaga. May bumaon sa kanyang mga mata, kanang bahagi ng ilong, pisngi at iba pa. Naglantang gulay ang buong katawan ni Zoey dahil sa mabilis na pagdanak ng dugo sa kanyang mga natamong sugat. Mabilis kasi ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang mga sugat. Bago pa mawalan ng buhay ang dalaga, mayroon siyang mga binitiwang salita para sa kanyang kapatid.
"I love you Ate, alam kong maikling panahon lang tayong nagkasama as sisters, pero you gave me indelible memories that will last forever. Nagpapasalamat ako sa'yo dahil pinunan mo ang hinihiling kong pagmamahal kila mommy at daddy. Now, it's time to bid farewell. Maraming-maraming salamat Ate , I love you." Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin ito ay dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi pa nagtagal ay nawalan na ng buhay si Zoey. Kahit na punong-puno ang buong katawan niya ng dugo't sugat ay nangingibabaw pa rin sa kanya ang isang magaan at matamis na ngiti sa kanyang labi.
Napasigaw na lamang si Sakura at biglang nagtatakbo palayo. Kahit-anong bagay na makita niya ay sinisira o itinutumba niya. Hindi niya matanggap ang nangyare kay Zoey, sa tingin ng dalaga, kasalanan niya ang nangyare sa kanyang kapatid. Naiwan na nanonood ang iba niyang mga kaklase sa hallway. Papaalis na sana sila dahil sa akalang tapos na ang palabas, ngunit muli nilang narinig ang isang pamilyar na boses.
"Gusto niyo bang malaman kung sino ang susunod?" Misteryosong tanong sa kanila. Napahakbang si Angela ng tatlong beses dahil sa sobrang kaba. Hindi pa nagtagal ay narinig ang napakalakas na tira ng nailgun sa video. Napakatulin nito at tumama sa mismong ekis sa tiyan ni Zoey. Mayroon ditong nakadikit na class picture ngunit isa lamang ang may nakaekis na mukha rito, at ito ay walang iba kung hindi si Cameron.
"Good luck Cameron! See you soon." Paalam niya sa kanyang mga kaklase. Matapos niyang sabihin ito ay agad ding namatay ang lahat ng lcd sa hallway. Nakahawak ang dalawang kamay ni Cameron sa kanyang ulo. Sinasabunutan niya ang kanyang sarili habang nagsisisigaw.
"Hindi totoo 'yan.. Hindi totoo 'yang pinagsasasabi mo.." Paulit-ulit niyang sigaw sa kanyang mga kaklase at sarili. Nagdesisyon din an binatang layuan ang kanyang mga kaklase para makapagtago sa killer.
Napadpad si Sakura sa PE Building. Mag-isa siya ritong nakaupo habang sinisisi ang sarili sa nangyare. Kahit na wala na siyang luhang mailuha ay dama parin ang matinding lumbay sa kanyang mga mata. Papalabas na sana siya ng locker room nang mapansin niya ang isang tissue paper na nakaangat sa upuan. Dahil sa kanyang kyuryosidad, nilapitan niya ito at kinuha. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabasa ang nakasulat dito.
-
Kung sino mang ang makakuha nito, kuhanin mo ang notebook ko sa aking locker. Ako nga pala si Erika Tablan ng class 4-6. Tulungan mo kaming labanan ang mga pumatay sa amin, sa akin.
03281996
-
Mariin siyang napalunok at marahang naglakad papunta sa direksyon ng locker ni Erika. Nagbuntong hininga muna si Sakura bago iinput ang nakuha niyang code sa tissue paper. Nakaramdam siya ng kakaibang lamig na gumapang sa kanyang buong katawan nang makita ang isang kulay asul na kwaderno. Agad niya itong kinuha't niyakap. Alam niyang maari itong maging susi sa mga misteryo na bumabalot sa kanilang paaralan.
CHAPTER 33
Dahan-dahang pumasok si Sakura sa kanyang kwarto habang mahigpit na hawak ang kwarderno. Umupo siya sa sofa at napatingin sa gilid kung saan laging nakaupo si Zoey. Nagbuntong hininga siya at sumandal sa sofa. Bago pa man niya buksan ang notebook ay tumingala siya sa kisame at bumulong.
"I'll avenge your death sister. I'm willing to end my life for justice." Agad niyang binuklat ang kwaderno upang suriin. Sa ikatlong pahina, nagulat siya nang makita ang listahan ng mga pangalan ng kanyang mga kaklase na namatay na. Nakaipit sa susunod na pahina ang isang litrato, at ito'y hindi lamang isang ordinaryong litrato. Ito ay ang kanilang class picture. Mayroong mga markang ekis sa kanilang mga mukha ang mga studyanteng kanilang nabiktima.
Mas lalo siyang naging curious dahil sa kanyang mga nalalaman. Agad siyang tumayo sa kanyang kinauupuan dahil mayroon siyang naalala. Kinuha niya sa kanyang drawer ang isang ID na may litrato ni Tiffany. Natagpuan niya ito noong nagmasid siya sa classroom nang mabalitaang nagkaroon ng engkwentro si Chantelle sa killer. Nagulat siya na iba ang nakalagay na pangalan ng kaklase sa natagpuang ID na may litrato nito. Hindi niya kasi binasa ito noong nakuha niya ito dahil sa sobrang pagmamadali.
"S-Shana Mendoza?" Nalilito niyang bulong sa sarili. Agad-agad niyang isinara ang kwaderno at nagdesisyong lumabas para sabihan ang iba. Gusto niya mang ibalita ang kanyang nalaman ngunit hindi niya magawa, mayroon kasing event ngayon sa paaralan. Nakatingin sila sa isang lumang classroom na nakabukod sa ibang mga building. Gawa ito sa mga kahoy na pinagtagpi-tagpi. May kalakihan ang classroom na ito at mapapansin din ang iba't-ibang seals na nakadikit sa paligid. Wala siyang ideya kung anong nangyayare kaya nagdesisyon siyang hanapin ang ibang kaklase. Nakita niya agad ang magkasintahang Alexandea at Hunter. Nakahawak sa bewang ni Alexandra si Hunter habang nakatingin sa lumang classroom.
"A-Alex" Tawag niya sa dalaga na agad naman siyang nilingon.
"Oh Sakura? Condolence ha?" Mahinhing tugon ni Alexandra. Ngumiti si Sakura at yumuko. Tinapik-tapik siya ni Alexandra sa balikat na para bang kino-comfort ito. Nagbuntong hininga si Sakura at dumiretso na sa kanyang tanong.
"A-anong nangyayare? Bakit parang ang dami yatang tao?" Tanong niya sa kaklase.
"Susunugin na 'yan." Wika ng dalaga. Nagulat si Sakura sa kanyang narinig at halatang walang kaalam-alam sa nangyayayare.
"B-bakit? Ano meron?" Muli niyang tanong sa kaklase. Halatang nasa mood si Alexandra ngayon kaya hindi siya pabalang sumagot kay Sakura.
"Ayon sa nasagap kong chismis, every year daw ginagawa 'to ng St. Venille. Gumagawa ang school ng isang medium-sized classroom para lang dito. Halos lahat ng studyante ay nagooffer ng kahit anong gamit na nagpapaalala sa kanila ng bad memories. Sinusunog ang mga 'to at inaalayan ng mga dasal ng isang witch doctor. Madalas talaga nila 'tong gawin two months before the school year ends." Paliwanag ng dalaga, ngumiti si Sakura at naisipang makilahok sa pag-aalay ng mga gamit.
Dahan-dahang inilabas ang isang kutsilyo sa kanyang bulsa. Ang kutsilyong ito ang inihagis niya para mabasag ang LCD TV sa hallway nung araw ng kamatayan ni Zoey. Unti-unti siyang ngumiti at napaluha. Naging emosyonal ang kanyang pagpila hanggang sa makapunta siya sa harapan. Sinalubong sa kanya sa harapan ang maamong na ngiti ni Ms. Gomez. Niyakap siya ng guro at binulungan sa kaliwang taenga.
"Huwag kang umiyak, magiging okay din ang lahat." Pampalubagloob na bulong ng guro. Ngumiti si Sakura nang marinig ito at dahan-dahang inabot ang kutsilyo. Huling nag-alay ng gamit si Cameron. Nagulat ang kanyang guro nang makita na ang kanilang class picture ang gusto niyang sunugin. Napatingin si Ms. Gomez sa mga mata ng binata dahil sa gulat. Naramdaman niya ang takot at pangamba sa mga mata ni Cameron.
"B-bakit?" Nalilito niyang tanong sa studyante, pero yunuko lamang ang binata.
"The new principal stated that we can burn whatever we want. So it means that it's non of your business to know our reasons po. Huwag mo na lang po akong pakielam total wala ka rin namang nagawa para mailigtas ang iba kong kaklase." Seryosong wika ng binata. Sabay silang dalawa pumasok sa kwarto upang ilagay ang litratong gustong sunugin ni Cameron. Paglingon ni Ms. Gomez ay nakita niyang may kutsilyong papunta sa kanyang direksyon. Mabilis na yumuko ang guro upang makailag. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang tumana ang kutsilyo sa pintuan ng kwarto. Nagpanik si Ms. Gomez at agad lumabas para tumakbo papalayo ng classroom upang puntahan ang kanyang mga studyante. Agad ipinasara ng bagong principal ang kwarto nang makita ang pangyayare. Naligtaan nilang nasa loob pa si Cameron ng nasabing kwarto. Nagsisigaw ang binata nang makitang sumara ang pintuan.
"Nandito pa ko! Buksan niyo ang pinto!" Nagkukumahog na sigaw ng binata habang paulit-ulit na hinahampas ang kahoy na pintuan. Halos mawalan na siya ng boses sa kakasigaw kaya nagdesisyon siyang umupo na lamang muna sa isang sulok.
Gulo-gulo ang buhok, puno ng pawis ang damit at halatang kinakabahan. Ito ang hitsura ngayon ni Cameron. Napansin niyang mayroong isang babae na nakaupo rin sa isang sulok ng kwarto. Napangiti siya dahil nakita niyang may makakatulong siya sa pag-isip ng paraan para makalabas sila ng kwarto. Mabilis siyang tumayo at nilapitan ang babae.
"A-akala ko ako lang mag-isa ang nasaraduhan dito. Ako nga pala si Cameron Lawrence ng class 4-6. ikaw? Anong pangalan mo?" Masiglang tanong ng binata. Unti-unti siyang tinignan ng babae. Napaatras si Cameron ng tatlong hakbang nang makitang nakasuot ang babae ng isang puting maskara.
"Hi Cameron! Hahaha!" Bati sa kanya na nasundan ng nakapangingilabot na tawa. Nagulat si Cameron nang bigla na lamang siya nitong inatake. Hinawakan ni Cameron sa mukha ang babae upang alisin ang kanyang maskara, pero hindi niya namalayang sinaksak na siya nito ng isang syringe sa kanyang tiyan. Hindi na nakapalag ang binata sa dalaga, pero nagawa niya pa ring maalis ang maskara ng babae.
"T-T-Tiffany?" Nagulat na wika ni Caneron. Nginitian lang siya ni Tiffany at tinawanan. Mabilis na kumalat ang gamot sa syringe sa kanyang dugo. Unti-unting namanhid ang kanyang buong katawan, dahil dito, nahirapan ng makagalaw ni Cameron. Napahiga siya sa sahig at nangisay. Nakangiti lang si Tiffany habang pinagmamasdan ang kaklase. Inilapit ng dalaga ang kanyang mukha sa taenga ng binata at binulungan.
"I told you Cameron, I'm coming to get you." Mapaglarong wika niya sa binata. Hindi makapagsalita si Cameron dahil manas na ang kanyang mukha. Tanging mga putol-putol na ingay lamang ang lumalabas sa kanyang bibig.
Hinatak siya ni Tiffany sa gilid at isinandal ang binata. Nagikot-ikot si Tiffany at naghanap ng pwedeng gamitin para ipangtali sa kanya. Nagulat siya nang makita ang kanilang class picture katabi ng isang makapal na tali. Napangiti siya rito at agad nilingon si Cameron.
"Oh Cameron! Look what I just found? A remembrance that you'll take with you to the other side." Biro niya sa binata. Agad niyang binalikan si Cameron at sinimulang itali ang binata sa malapit na lamesang bakal. Hindi pa siya nakuntento at tinalian pa niya ang kaklase sa leeg, pero hindi niya ito hinigpitan. Kailangan laging tumingala ng binata upang hindi siya masakal ng tali na nakapulupot sa kanyang leeg. Kinuha ni Tiffany ang stapler na nakapatong sa isang desk at inistaple ang class picture sa damit ni Cameron. Napalingon siya nang marinig ang tunog ng trumpets sa labas.
"Oooooohh, that's my cue! Bye Cameron! See you in hell." Paalam ng dalaga. Dali-dali siyang tumayo at agad binasag ang makapal na salamin sa bandang likuran. Kumaripas siya ng takbo palayo sa kwarto at agad humalo sa mga taong nanonood. Pagkatapos ng mga dasal ng witch doctor, agad nilang pinaliyaban ang classeoom. Nasa loob si Cameron ng kwarto nang makitang unti-unting lamunin ng sunog ang kwarto. Dahan-dahang natutuklap ang kanyang mga balat dahil sa init, para bang ipriniprito siya ng buhay. May mga bula ring pumuputok sa kanyang balat gawa ng gamot na isinasaksak sa kanya kanina. Hindi na siya nagdalawang-isip pa na ibaba ang kanyang ulo at sakalin na lamang ang sarili hanggang mamatay kaysa masunog ng buhay. Bago pa man matapos ang kanyang buhay, sinubukan niyang alisin ang class picture na nakastapler sa kanyang uniform. Ayaw niya itong baunin sa kabilang buhay dahil sa tingin niya, ito ang rason kung bakit sila isa-isang namatay.
-
Nakangiti si Tiffany habang pinapanood ang paglapit ng torch sa classroom, pero bigla siyang hinatak ng isang tao palayo. Naramdaman niyang mahigpit ang pagkakahawak sa kanya kaya agad niyang sinubukang kumawala. Napakunot ang kanyang noo nang makitang si Sakura ang humahatak sa kanya. Dinala siya ng kanyang kaklase sa likod ng garden kung saan walang tao.
"Why did you do that Sakura? Hindi ka ba tinuruan ng proper etiquette sa school mo dati?" Mataray na tanong ni Tiffany.
"I learned it from my professors and teachers in Xavier Academy. Ikaw Tiffany? May nagturo ba sa'yo ng salitang konsensya?" Sagot ni Sakura. Napaatras ng dalawang hakbang si Tiffany sa kaklase at halatang kinabahan sa tanong ni Sakura.
"A-ano bang kailangan mo sakin Sakura? I-I need to go, may kailangan pa 'kong gawin. S-sige? Bye?!" Natataranta niyang paalam sa kaklase. Napailing lang si Sakura. Madiing nakasara ang kanyang dalawang palad dahil sa sobrang galit. Halata rin sa mga mata ng dalaga ang pagkainis sa mga ipinakitang kilos ni Tiffany sa kanya.
"Don't mess with me! I know all of your secrets Tiffany! Or should I say Shanna Mendoza!" Nangigigil na sigaw ni Sakura. Nanlaki ang mga mata ni Tiffany at napahinto sa kanyang narinig. Yumuko lamang siya nagsimulang tumawa. Unti-unting dinukot ni Tiffany ang nakatagong ice pick sa kanyang bulsa at hinarap si Sakura.
"Looks like you found out my real name." Seryosong bulong ni Shannah. Isang mapaglarong ngiti ang kumurba sa kanyang labi. Kumaripas ng takbo si Shannah papunta sa direksyon ni Sakura upang sugurin ang dalaga. Ngumiti lang si Sakura at kinapa ang kanyang bulsa. Napalunok siya ng maalala niyang naibigay niya pala ang kanyang kutsilyo sa guro. Nakaramdam ng kaba ang dalaga at halatang hindi alam ang gagawin. Sinusubukang saksakin ni Tiffany si Sakura ng ice pick pero hindi niya matamaan si Sakura. Lubhang maliksi ang kilos niya kaya siya mabilis na nakakailag.
"I don't need weapons to finish you." Malamig na bulong ni Sakura sa kanyang sarili. Nanlaki ang mga mata ni Shannah nang bigla siyang tinisod ng kaklase. Naunang bumagsak sa lupa ang icepick bago sa siya. Dahil dito, tumama ang ice pick sa kanyang kanang mata. Biglang bumulwak ang matingkad na kulay ng dugo sa kanyang kanang mata. Nagsisisigaw si Shannah sa sobrang hapdi at nagpapanik. Nakangiti lang si Sakura habang pinagmamasdan ang paghihirap ng kaklase. Mabikis na binunot ni Sakura ang ice pick sa kanang mata ni Shannah, pagkatapos ay sinaksak niya 'to ng tatlong beses sa likod. Napansin ni Sakura na nagkabutas ang kanang mata ni Tiffany na siya niyang ikinatuwa. Pinagsisipa niya si Tiffany ng walang humpay dahil sa sobrang galit. Naaalala niya kasi ang ginawa ng kaklase sa kanyang kapatid.
"This is for Zoey's death!" Buong lakas na sigaw ng dalaga. Itinulak niya si Shannah sa bangin na malapit. Napangisi siya nang makitang nakahiga na lamang ang katawan ni Tiffany sa baba ng bangin. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kabilang bulsa at tinawagan ang pulisya. Tumakbo siya palayo upang balikan ang kanyang mga kaklase. Gusto niya rin ipamalita ang magandan balita, patay na si Tiffany, wala ng killer.
-
Nasa loob sila ng classroom kasama ang kanilang butihing guro na si Ms. Gomez. Puro bakante na ang upuan dahil sampu na lamang ang natitirang studyante sa sixth class. Tumayo si Sakura at tumungo sa harapan upang inanunsyo ang kamatayan ni Tiffany. Hindi rin siyan nagdalawang-isip na sabihin na siya ang tumapos ng buhay ng dalaga. Ibininyag niya rin ang kanyang mga nalaman sa notebook ni Erika.
"We're all now safe! Tapos na ang impyernong pinagdadaanan natin ngayong patay na si Tiffany. She's the one responsible for all the murders in this classroom." Matapag niyang anunsyo sa harap ng klase na ikinagulat ng lahat. Napalitan ang mga mukhang seryoso ng ngiti at galak. Nagpalakpakan ang buong klase sa narinig na balita ni Sakura. Lahat sila ay masaya maliban lamang sa isa, si Alyssa. Kapansin-pansin sa dalaga ang mahabang mukha sa kanyang narinig. Hindi siya mapakali at tila naiinis sa kanyang narinig.
"Lyssa, okay ka lang ba? Aren't you happy that we're all going to be safe?" Tanong ni Angela sa katabi dahil napansin niyang malungkot ito.
"D-don't mind me, I'm fine." Nanghihinang sagot ni Alyssa, pero mahahalata sa kanyang mukha na mayroon itong malalim na iniisip. Sumunod na naganunsyo si Ms. Gomzez. Naluluha ang guro at halatang hindi makapaniwala sa kanyang nabalitaan.
"H-hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayon. P-pero isa lang ang alam ko, masayang-masaya ko ngayong alam kong magiging ligtas na kayo." Maluhaluhang wika ng guro. Dahil sa masayang balita, naisipan ni Aliza na magcelebrate din sila kagaya ng iba.
"I know what we're going to do! Lahat ng mga last batch dito sa St. Venille mayroon silang tradition. Sampung araw bago sumapit ang araw ng pagtatapos, nagkakaroon sila ng isang party. Pinaniniwalaan na magdudulot daw ito swerte sa pagpasok sa college. Hmmmm, Let's have a small celebration then!? Kahit tayong 10 lang kasama si Ms. Gomez okay na yun." Masigla niyang anyaya sa mga kaklase. Naghiyawan ang lahat ng studyante dahil lahat sila ay sang-ayon sa dalaga.
"What can you say po, ma'am?" Excited na tanong ni Aliza sa guro. Lahat sila ay nakatingin kay Ms. Gomez para sa kanyang magiging sagot. Ngumiti ang guro at marahang itinaas ang kanyang kanang kamay.
"It's settled! The sixth class will gonna have a party!" Excite na sigaw niya. Agad naghiyawan ang lahat nang marinig ang pagpayag ng kanilang adviser. Hindi maalis ang ngiti ng guro habang kaharap ang kanyang mga studyante. Pinaalalahanan niya rin sila na mag-aral ng mabuti dahil babalik ulit sila sa normal ang lahat. Muling pinapagturo ng bagong principal ang mga guro sa kanilang classroom.
"Mag-aral kayong mabuti ha? Dapat lahat kayo gragraduate this March. Okay?" Tanong niya sa kanyang mga studyante. Tinaas ng kanyng mga studyante ang kanilang kamay ng nakasign ng "Okay!".
--------- Ell's Note
Requite means make appropriate return for (a favor, service, or wrongdoing).
CHAPTER 34
2 months later..
Sampung araw na lamang ang natitira bago sumapit ang araw ng pagtatapos. Ang lahat ng studyante sa St. Venille ay naghahanda para sa isang tradisyunal na party para sa mga magtatapos ngayong taon. Nakabukod ang plano ng pang-anim na seksyon, wala silang balak na sumama sa ibang mga studyante na magsaya. Nagdesisyon silang siyam na bumukod na lamang upang iwasan silang pag-usapan. Abala ang ibang studyante sa pag-aayos sa venue ng party, samantalang sila nama'y nasa kanilang classroom lang. Kahit na hindi sila sasama sa ibang mga studyante, masaya't excited pa rin ang lahat sa kanilang sariling party mamaya. Hindi pa nagtagal ay pumasok ang kanilang guro sa loob ng classroom. Nakasuot ang guro ng white dress na off-shoulder.
"Ready na ba kayo para sa party niyo mamaya?" Mahinhing tanong ng guro sa kanyang mga studyante.
"Yes ma'am!" Excited na sagot ng mga studyante na nasundan ng masigabong palakpakan. Napalingon bigla ang guro nang makarinig ng katok mula sa pintuan. Nakita niya rito ang kanilang guidance councelor na nakatingin sa kanya. Agad niya itong pinuntahan, sinabihan siyang pumunta sa main office dahil ipinapatawag siya ni Mr. Lim, ang bagong principal ng paaralan ngayon.
"Class, dito lang kayo ah? Sandali lang, pinapatawag ako sa office eh." Paalam niya sa kanyang mga studyante. Tumango lang naman ang iba pero ang karamiha'y abalang nakikipagkwentuhan sa kanilang mga kamag-aral. Sumalubong sa kanya sa opisina ang dalawang pulis at isang abogado. Agad nakaramdam ng kaba ang guro dahil dito. Pinapupo ang guro sa sofa at sinimulang kwestyunin. Gusto nilang malaman kung sangkot ba ang guro sa mga nangyaring patayan sa seksyon na kanyang hinahawakan.
"Mayroon kaming nakitang mga dokumento na illegal sa pamamahala ng nakaraang punong-guro. Narito nakasaad ang mga karumaldumal na patayan iyong mga studyante. Maaari mo bang ipaliwanag sa amin ang ibig-sabihin ng mga 'to?" Seryosong tanong sa kanya ni Mr. Lim.
"W-wala po akong alam at kinalaman sa mga pinagsasasabi niyo." Nanginginig na wika ng guro. Pilit niyang iniiwasang tignan si Mr. Lim dahil sa sobrang kaba. Napangiti ang abogado sa kanyang nakita, tinabihan niya ang guro sa kanyang kinauupuan para sa kanyang pakay. Mayroon siyang hawak na red folder. Inilagay niya ito sa lamesa ng mahinahon at bumulong sa taenga ng guro.
"Maaari mo bang buksan ang folder sa harapan mo at ipaliwanag kung ano ang lahat ng iyan." Malamig na bulong ng abogado. Kahit na kinakabahan, sinunod ng guro ang nais ng abogado. Dahan-dahan niyang binuksan ang folder at nakita ang lahat ng pangalan na sa tingin nila ay sangkot sa mga nangyareng pagpatay. Nakita niya ang kanyang pangalan na nakapaloob sa listahan, pero isang pangalan ang hindi niya nakita. Wala na siyang takas, wala na siyang magagawa pa kung hindi sabihin ang katotohanan.
"Napilitan lang po akong magsawalang-bahala dahil sa pera. Tinakot rin lahat kaming mga guro na kapag nangielam o nagsumbong kami ay tatanggalan kami ng trabaho. Okay na sana kung trabaho lang, pero ang kinakatakot namin ay ang balak nilang gawan ng masama ang aming mga pamilya oras na mag-ingay kami." Naluluhang wika ng guro na ikinabigla ng lahat. Tumayo si Mr. Lim at malakas na ibinagsak ang kanyang dalawang kamay sa lamesa.
"Isa sa mga studyante mo ang may kagagawan ng lahat ng 'to, pero hindi mo man lang kayang disiplinahin? Anong klaseng guro ka! Trabaho nating mga guro ang maghubog ng mga studyante na magbibigay karangalan sa kanilang bansa at lumaki silang maayos na may respeto sa kanilang kapwa. Pero a-. " Hindi na naituloy ni Mr. Lim ang kanyang sinasabi nang sumigaw ng pabalang sa kanya si Ms. Gomez.
"Siguro tama ka, pero kung ikaw ang nasa posisyon ko, masakit mang isipin pero kailangan ko 'yon gawin para sa pamilya ko!" Mangiyak-ngiyak na sagot ng guro. Tinapik-tapik siya ng abogado sa kanyang likod at muling tinanong.
"Maaari mo bang sabihin sa amin kung sino ang studyanteng 'yon?" Seryosong tanong sa kanya ng abogado. Biglang nagring ang kanyang cellphone sa bulsa na agad niya namang kinuha upang tignan ito. Isang text message ang kanyang natanggap mula sa isang unregistered number.
*****
Subukan mong mag-ingay at may kalalagyan ka at ang 'yong pamilya sa mundong ito.
*****
Napatingin bigla siya sa kanyang likuran at nakitang pinagmamasdan siya ng nanay ni Tiffany. Nginitian lang siya nito at kumaway-kaway. Agad pumasok sa kanyang isipan na makapangyarihan talaga ang pamilyang Mendoza. Hawak-hawak ni Mrs. Mendoza ang buong kapulisyahan dahil sa kanyang mataas na posisyon habang si Mr. Mendoza naman ang nagmamay-ari sa isang leading clothing company sa Japan. Alam niyang kayang-kaya siyang ipatumba nito at ipanalo ang kaso dahil sa pera. Wala siyang nagawa kung hindi umiyak ng umiyak. Yumuko ang abogado at sinubukang patahanin ang teacher.
"Sige, binibigyan ka namin ng isang araw para pag-isipan ang lahat ng mga 'to. Magpahinga ka muna at subukan mong alalahanin ang mga nangyare sa nakaraan." Mahinahong paalala sa guro. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan upang lumabas at subukang kausapin ang nanay ni Tiffany pero nabigo siyang makita ito. Pabalik na sana siya sa classroom nang bigla siyang nakatanggap ng text mula kay Angela.
***** Angela Angeles:
Hi ma'am, we already left the classroom para magprep for the party later.
Sige po, see ya nalang sa practice ng graduation. Love lots ma'am! xoxo <3
*****
Kinuha niya ang kanyang bag at ibang folders sa faculty room. Dumiretso agad siya pababa ng Academic Building dahil masama ang tingin sa kanya ng ibang mga guro. Kahit na nagmamadali, napatindin siya sa isang babaeng nakayuko na nakasalubong niya sa hallway. Pilit niyang tinitignan ang babae, ngunit hindi niya maaninag ang kanyang mukha dahil nagtatago ito sa kanyang mahabang buhok. Aksidenteng nabunggo siya nito sa kanyang pagmamadali na nagresulta nang pagbagsak ng kanyang mga dala. Hindi man lang humingi ng pasensya ang studyante at di nagbalak na tulungan ang guro. Nagulat siya nang makita ang kanilang class picture sa sahig. Kompleto ang lahat ng ito maliban sa isang babaeng may letrang ekis sa mukha, at ito ay si Tiffany. Mariing siyang napalunok dahil sa takot at agad nilingon ang babae, pero malayo na ito sa kanya. Inayos niya agad ang kanyang gamit upang maagang makauwi.
Pagdating niya sa kanyang bahay ay sinalubong siya ng sampung kulay itim na envelope sa sahig. Bawat envelope ay may kalakip na numero sa harap. Una niyang binuksan ang envelope na may number 1. Nasa loob nito ang kanilang class picture. Halos lahat ng kabilang dito ay may ekis sa kanilang mga mukha, maliban na lamang sa mga natitirang buhay. Nasa likod ng litratong ito ang apat na litrato ng mga transferees. Nakita niyang may ekis sa mukha ni Aliza na agad niya namang ikinabahala. Tumakbo siya sa kanyang kwarto upang kunin ang cellphone. Kailangan niyang kontakin ang kanyang mga studyante sa mga oras na 'to. Hindi na siya magsusunod-sunuran pa, lalaban na siya kahit na ano pang mangyare. Mabilis niyang idinial ang numero ni Aliza sa kanyang cellphone, pero ring lamang ito ng ring.
-
Masaya naghihiyawan at nagsasayawan ang mga studyante ng St. Venille sa isang club na pagmamay-ari mismo ni Angela, pero ang kanyang mga tauhan muna ang namamahala rito habang wala siya. Napagpasyahan nilang gawing exclusive party ito para sa lahat ng studyante ng St. Venille, pero sila lang ang nakapabilang sa VIP's ng club. Mayroon silang sariling kwarto na matatagpuan sa 2nd floor ng club. See-through ang salamin dito kaya makikita mo ang lahat ng nangyayare sa buong club. Halos lahat sila ay sumasayaw kahit na lasing na ang iba. Nakayakap naman nang parang linta si Alexandra kay na ikinabahala naman ni Aliza. Nagbungtong hininga ang dalaga't iniikot ang kanyang mga mata.
"Get a room for fun's sake Alexandra. Hindi yung pinagkakalandakan niyo yang kalandian niyo." Mataray na wika ni Aliza. Tumigil si Alexandra sa kanyang ginagawa at pilit na tumayo. Naoout of balance na siya dahil sa rami ng kanyang nainom.
"Why Aliza? Ha? Naiinggit ka ba? Go and grab one guy downstairs and have a one night stand with him. Hindi yung nangengeelam ka sa lovelife ng may lovelife. Ang dapat kasi sa'yo e-" Hindi na naituloy ni Alexandra ang kanyang sinasabi nang bigla siyang nilapitan ni Aliza at sinampal. Napatayo bigla si Hunter at agad hinawakan ang kanyang kasintahan. May balak gumanti si Alexandra kaya agad siyang pinigilan ni Hunter.
"Huwag mo kong itulad sa'yo Alexandra. Iniluwa na nga ni Lacus kinain mo pa. I'm sorry to spoil your party guys, but I'm hella out of here." Paalam ni Aliza. Dumiretso siya pababa ng club upang magpalamig at magyosi. Sumandal siya sa isang poste sa gilid ng club at nagsindi ng isang stick.
"Ang laking epal talaga niyang Alexandra na 'yan. Bakit pa kasi nagtransfer-transfer pa eh. Tss! Sakit sa ulo, buti nalang nandito ka Alina, pinapahinahon mo pa rin ako kahit wala ka na." Bulong ng dalaga sa sarili habang hawak ang pendant na may litrato nilang dalawang magkapatid. Napatingin siya bigla sa kanyang phone nang makitang tumatawag sa kanya si Ms. Gomez. Ngumuso't iniikot niya lamang ang kanyang mga mata at agad nireject ang tawag.
"Pssst Aliza." Tawag sa kanya ng isang boses na agad naman siyang napalingon. Pamilyar ang boses na 'yon kaya agad niyang hinanap ito. Isang babae na nakauniporme ng St. Venille at naglakad papunta sa isang madilim na alley sa gilid. Hinawi ni Aliza ang kanyang buhok at agad sinundan ang babae. Narating niya ang dulo ng alley. Tanging ang liwanag na lamang ng buwan at isang patay-sinding street light ang nagbibigay ilaw dito.
"A-ate, tawag mo ba ko?" Nakakunot noong tanong niya. Ilang saglit pa'y tuluyan nang nagloko ang ilaw ng street light hanggang sa mapundi na ito. Agad siyang nakaramdam ng matinding kaba at humanap ng maaring gawing ilaw sa gitna ng dilim. Umatras siya ng tatlong beses at binuksan ang cellphone upang maging ilaw niya sa dilim.
"A-ate? Nasaan ka na?" Paulit-ulit na tanong niya habang itituturo ang cellphone sa ibang direksyon para maliwanagan ito. Nanlaki ang kanyang mga mata nang nakaramdam na may sumaksak sa kanya sa bandang likuran. Mahigpit na hinawakan ang kanyang leeg at marahang bumolong sa kanyang taenga.
"I'm here. Hahahahahaha!" Nang marinig niya ang boses na 'yon ay bigla siyang napasigaw sa takot. Ngunit hindi roon nagtapos ang kanyang paghihirap. Sinindihan ng babae ang dalawang sigarilyo at mariing itinusok ito sa dalawang mata ni Aliza. Tinapos niya ang buhay ni Aliza sa pagsasaksak sa kanya ng anim beses sa bandang leeg. Isinilid ang katawan ni Aliza sa isang garbage bag na nakalagay sa pinakasulok ng alley.
-
Sa bahay ng mga Gomez, tahimik na nakaupo ang guro habang hinihintay na sagutin ng kanyang mga studyante ang kanyang tawag. Nagulat siya nang biglang nireject ni Aliza ang kanyang tawag. Dahil dito, ang sumunod niya nang tinawagan ay si Angela. Habang hinihintay sagutin ni Angela ang tawag, binuksan niya na ang pangalawang envelope. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Sakura naman ngayon ang mayroong markang ekis sa mukha. Bahagya siyang napangiti nang marinig na sinagot ni Angela ang kanyang tawag.
"Hello Angela? Nasaan kayo? Pupuntahan ko kayo riyan, nanganganib ang buhay niyo. Kahit anong mangyare, tignan niyo ang isa't-isa, hindi siya tumitigil hangga't siya na lamang ang natitira." Nanginginig na paalala ng guro sa dalaga, ngunit hindi naman siya masyadong marinig ni Angela dahil sa lakas ng ingay sa club.
"A-ano ma'am? I can't hear you." Wika ng dalaga habang dinidiin ang kanyang cellphone sa taenga. Hinold niya muna ang call dahil bigla siyang kinalabit ng kanyang best friend, si Catherine.
"Gelai, tama na 'yan. C'mon, let's have some fun!" Anyaya ni Catherine sa kaibigan. Inagaw ni Catherine ang cellphone ng dalaga at agad binabaan ng linya ang guro. Hinatak niya si Angela pababa upang makiparty sa mga taong nagsasayawan sa baba.
Tahimik na nakaupo lang sa gilid ni Sakura. Mapapansin ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Inaalala niya ang masasayang ala-ala nilang magkapatid. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanya ang pagkamatay ni Zoey. Napalingon siya bigla dahil nakarinig siya ng kakaibang ingay. Nagulat siya nang makita ang kulay asul na notebook sa sahig. Dahan-dahan niya itong kinuha at binuksan. Puro pilas ng mga papel ito maliban sa isang pauina. May nakadrawing sa pahinang ito pero hindi niya maintindihan dahil kakaiba ang pagkakaguhit nito. Itinabi niya muna ito sa gilis at nagbuntong hininga. Nagdesisyon siyang maghilamos na muna upang mahimasmasan at magbakasakaling mabawasan ang sakit na kanyang iniinda.
"J, cr lang ako ah? Pakibantayan na lang yung bag ko." Paalam niya sa kasama.
"Ge, bilisan mo lang ah? Maya-maya aalis na tayo." Wika ng binata. Tumango naman si Sakura at ahad dumiretso sa banyo. Habang kaharapan ang salamin, bahagya siyang napangiti. Hindi pa nagtagal ay unti-unting bumagsak ang kanyang mga luha. Pagod na siyang magpanggap na malakas sa ibang tao. Akala niya kakayanin niyang mawala si Zoey, pero hindi pala.
"Dapat ako na lang ang namatay, hindi ka na dapat nadamay Zoey.." Naiinis niyang sa kanyang sarili. Sinabunutan niya ang kanyang sarili't walang humpay na pinagsasampal. Sinisisi niya an kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Bago lumabas ng banyo, nagdesisyon siyang maghilamos muna ng mukha. Sa kanyang pag-angat, nanlaki agad ang kanyan mga mata. Mayroong taong nakamaskara sa kanyang likuran. Hawak-hawak nito ang kanyang kutsilyo na nakasilid sa kanyang bag.
Ang kutsilyong ito ang ipinanghagis niya sa lcd nung araw na mamatay ang kanyang kapatid. Tatalikod pa lang sana siya nang bigla siyang pinagsasak-sak sa iba't-ibang bahagi ng katawan. Isinilid ang kanyang bangkay sa bandang dulo ng cubicle. Naiwan naman sa VIP room ang natitirang walong magkakaklase.
"Oh? Nasaan na yung iba?" Tanong ng binata sa kanyang mga kasama habang may hawak na baso ng tubig sa kanyang kaliwang kamay.
"Hindi ko alam eh, pero si Sakura nagbanyo lang. Kapapaalam palang sakin." Paliwanag ng binata. Tumayo naman si Catherine at parang hindi mapakali. Tinapik-tapik niya si Angela habang busy na nagtetext sa kanyang cellphone.
"Gelai, samahan mo naman ako sa cr. Kanina pa ko nawiwiwi eh, feeling ko sasabog na 'to. Bakit ba kasi ganyan ang alcohol na sineserve sa club niyo, laging nakaka-ihi." Nanginginig na wika ni Catherine. Tinawanan lang siya ni Angela at inakbayan.
"Alam mo, natural lang 'yan for a first time drinker dear. Kapag nasanay ka, wala na 'yan. Hahaha, tara na nga." Natatawang bulong ni Angela sa kaklase. Hinatak niya si Catherine papunta sa labas ng VIP room, pero bago sila tuluyang makalabas, sinabihan muna sila ni Cj.
"Guys, hanapin niyo na rin si Sakura ah? Magtwe-twelve na. I need to go home na, okay?" Paalala niya sa dalawang dalaga. Itinaas lang ni Angela ang kanyang kanang kamay na nakasign na "Okay" bilang "Oo" sa sinabi ng binata. Habang nasa loob ang dalawa ng banyo, abalang-abala sila sa pag-aayos ng kanilang sarili. Kinuha ni Angela ang kanyang suklay sa bag at nagsimulang paraanan ang kanyang mahabang buhok nito.
"Nasaan na ba si Sakura? Pinapahanap siya ni Cj." Tanong niya sa kasama, pero tinaasan lang siya nito ng kilay.
"Idk. Kanina pa siya nagcr diba? Baka naman nauna nang umuwi? Tignan mo si Aliza, maagang umuwi dahil sa alitan nila ni Alex." Sagot ni Cathreen sa dalaga habang naghuhugas ng kamay. Napatingin si Angela kay Cathreen at tinaasan din siya ng kilay.
"I thought you're going to pee?" Nakapamewang na tanong ni Angela sa dalaga.
"Nope, gusto ko lang mag-ayos. Mayroon kasing hot guy sa labas na kanina pa 'ko tinitignan. You know, I want him to notice me more. Sa gandang kong nakakasilaw sa buong universe, hindi pa ba ko mapapansin? Ang ganda ko talaga!" Aroganteng wika ni Catherine.
"Hay nako, push mo 'yan teh! Siguraduhin mo lang landi-landi lang 'yan ah?" Biro ni Angela.
Biglang nahinto ang dalawa dahil sa kanilang naamoy na kakaiba. Nagsimulang silang umubo at agad nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Naghahanap agad si Catherine ng exhaust fan sa banyo pero nakita niyang nakasarado ito. Pagtingin niya kay Angela ay nakahiga na ang dalaga sa sahig at naghihingalo. May sakit na hika si Angela kaya mabilis sumikip ang kanyang dibdib. Agad siyang dumiretso sa pinto para humingi tulong, pero nakalock ito sa labas. Sinubukan niyang kalabugin ang pintuan, nagbabasakaling mayroong makakarinig sa kanya sa labas. Hindi siya masyadong marinig dahil sa makapal na pader sa pagitan, dagdag na rin ang napakalakas na hiyawan at musika ng club.
"Oh my! Don't worry Angela, I'm going to call the cops." Natatarantang sigaw ni Catherine habang nakatingin kay Angela. Naiwan ni Angela ang kanyang baong nebulizer sa VIP room kaya nahihirapang umisip ng paraan ni Catherine. Hindi pa nagtagal ay biglang nagseizure ang dalaga na mas ikinatakot ng kanyang kaklase. Hinawakan niya sa bandang leeg si Angela upang suriin ang pulso nito. Naluha siya nang maramdamang wala ng pulso ang kaklase. Idadial niya pa lang sana ang numero ng pulisya nang napansin niyang biglang nanlabo ang kanyang paningin. Unti-unti siyang bumagsak sa sahig dahil sa kanyang dami ng kanyang nalanghap. Hindi na siya masyadong gumalaw dahil hindi na siya makahinga ng naayos.
Huli na nang makita niyang bumukas ang pintuan. Isang babaeng na nakasuot ng gas mask ang pumasok ng banyo. Agad ring sinarado ito para walang makakita. Ipinikit na lamang ni Catherine ang kanyang mga mata upang magpekepekeang namatay na siya. Narinig niya ang mga hakbang ng babae papunta sa kanyang direksyon. Nagulat na lamang siya nang biglang tinakpan ng punting panyo ang kanyang bibig at ilong, dahilan para hindi tuluyang makahinga ang dalaga. Ilang saglit pa ang lumipas ay tuluyan na ring binawian ng buhay si Catherine. Pagkatapos niyang isilid ang dalawa sa isang cubicle, nagmadaling lumabas ang babae at muling kinandado ang pintuan ng banyo.
Sa VIP room, naiwan ang anim na magkakaklase. Nagpaalam na sila sa bawat isa dahil medyo lumalalim na ang gabi. Tinext nalang nila si Angela na umalis na sila ng club. Nasa 5th floor parking area naman si Caleb at hinahanap ang kanyang sasakyan. Nagulat siya nang makatanggap ng tawag galing sa kanyang guro. Napailing lang ang binata't sinagot ito.
"Yes ma'am? Anong pong problema?" Bungad ng binata.
"Nasaan ka? Pupuntahan ko kayo, may importante kayong dapat malaman." Natetense na wika ng guro.
"Nandito po kami sa Alchohol Lab, dalawang sakay mula sa school. Yung club na pagmamay-ari nila Angela? Yung iba po pauwi na, medyo pagabi na rin po kasi." Magalang na paliwanag ng binata habang tinitignan ang mga kotseng kanyang nadaraanan.
"Caleb, makinig ka. Ikaw na ang isusunod niya. Kahit anong mangyare, 'wag kang bubukod sa mga kaklase mo." Napakunot ang noo ng binata at natawa sa sinabi ng guro.
"Ha? Ano ba pinagsasasabi niyo ma'am? Tama nga si Mr. Lim, nakausap ko kasi siya kanina eh, na-trauma ka lang po siguro sa mga nangyare. Get some rest ma-" Hindi niya na naituloy pa ang kanyang sasabihin nang biglang umilaw ang kotse sa dulo, katabi ng kanyang kotse. Humarurot ito papunta sa kanyang direksyon na tila may balak siya nitong sagasaan. Nabitawan na niya ang kanyang cellphone at nagsimulang tumakbo palayo. Nagkaroon siya ng pag-asa nang makita ang inclined plane pababa sa 4th floor, pero hindi niya inaasahan ang kanyang nakita. Isang sasakyan ang papaakyat sa ngayon, at nang makita siya nito ay mas lalo pa nitong binilisan. Hindi na nakatakbo pa si Caleb at nasagasaan na ng tuluyan ng sasakyang papaakyat. Mabilis na sumirit ang dugo sa mga brasong nadurog ng binata. Nagulungan ang kanyang ulo't katawan nang malalapad na gulong ng kotse. Dahang-dahang kumorte ang isang nakapanlilinlang na ngiti sa mukha ng babaeng nagmamaneho. Ngiting nagpapahayag ng excitement at kaginhawaan sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang nagkalat na laman-loob ng binata sa sahig. Bumaba siya sa kanyang kotse at pinulot ang cellphone ng binata.
"Hello Ms. Gomez, kung sa tingin niyo eh titigil ako ng basta-basta, pwes nag-kakamali kayo. I won't give-up hangga't may natitira pang studyanteng buhay sa klase mo." Biglang ibinaba ni Ms. Gomez ang kanyang cellphone nang marinig ang boses na 'yon. Agad siyang nagbihis para puntahan ang kanyang mga studyante. Kailangan niyang gumawa ng aksyon at subukang pigilan ang maitin na balak ng babaeng 'yon. Dahil dito, nabuhay muli ang kanyang hinala na baka buhay pa nga talaga si Shannah, o mas kilala bilang Tiffany Mendoza.
CHAPTER 35
Agad niyang inihanda ang kanyang mga gamit sa bag. Pumara siya ng isang taxi at tumungo sa Alcohol Lab. Pagkarating niya rito ay sumalubong sa kanya ang napakalamig na simoy ng hangin. Nagtaka siya nang makita niyang napakaraming tao ang nagkukumpulan sa harapan ng nasabing bar. Kinalabit niya ang isang lalake sa kanyang harapan at itinanong kung anong nangyayare.
Ms. Gomez:"Ahmm, kuya pwede po ba kong magtanong?" Mahinhin niyang tanong. Nilingon siya agad ng lalake at tumango.
"May alam ho ba kayo kung anong nangyare? Bakit po parang andami atang tao?" Nalilitong tanong niya habang mahigpit na nakahawak sa kanyang bag strap.
"Mayroon pong natagpuang mga bangkay ng studyante sa loob ng bar. Grabe nga eh, iba-iba yung pagkamatay nila. Kaya lang, nakakapagtaka, ayon sa aking narinig sa mga bulung-bulungan, sila raw ay nasa iisang section lamang." Nakakunot noong wika ng lalake. Napalunok ang guro at nagsimulang manginig ang kanyang buong katawan. Dali-dali niyang binuksan ang kanyang bag para kunin ang kanyang cellphone, pero nagulat siya nang bumungad sa kanya ang litrato ni Cj na may ekis sa kanyang mukha. Sa kasamaang palad, lowbat na ang kanyang cellphone, kaya naman nag-ikot na lamang siya upang magtanong-tanong kung saan nagtungo ang ibang studyante.
Sa gitna ng kanyang pag-iikot, nakasalubong niya si Zero. Mayroong headphones na nakapasak sa kanyang dalawang taenga, seryosong siyang nakatingin sa mga katawan ng kanyang mga kaklase na isa-isang ipinapasok sa ambulansya. Mahinhing lumapit si Ms. Gomez kay Zero, huminto siya sa harapan nito upang tanuning.
"Zero, alam mo ba kung nasaan ang iba mong mga kaklase?" Tanong ng guro, pero sa halip na sagutin siya nito, dinedma lang siya at nilakasan pa lalo ang sounds sa kanyang headphones. Binatak ng guro ang headphone sa kanyang kaliwang tenga muling sinabihan ang binata.
"Huwag ka ngang bastos, ganyan ba ang itinuro ko sa inyo? Tulungan mo kong hanapin ang iba mong mga kaklase, nasa panganib ang buhay nila." Nasusurang wika ng guro sa binata. Ngumiti lang si Zero at natawa ng malakas. Hindi na nacontrol ng binata ang kanyang sarili, tinulak niya ang guro sa sahig nang pagkalakas-lakas. Saktong tumama ang kanang binti ni Ms. Gomez sa isang matulis na bato sa lansangan, dahilan para magkasugat siya.
"Tulong? Are you really serious about that Ms. Gomez? O baka naman binayaran ka nanaman para gawin 'to? Kung hindi man, kailangan ba munang madami ang mamatay bago mo kami tulungan? Ipinaalam sa amin ni Mr. Lim lahat-lahat ng ginawa mo. Is it really worth it na walang gawin habang pinagmamasdan mo kami isa-isang mamatay?" Padabog niyang sinabi sa guro na ikinagulat nito. Dahan-dahang tumayo si Ms. Gomez sa sahig. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng binata at lumuhod sa harapan nito.
"Hindi mo ko naiintindihan Zero, buhay ko at ng aking pamilya ang nasa panganib kung hindi ako susunod sa mga gusto nila. Masakit mang isipin, pero wala kong magawa sa mga oras na 'yon. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, gagawin mo rin ang ginawa ko. A life without family is not worth living." Mangiyakngiyak na pagmamakaawa ng guro, pero hindi pa rin siya nito pinansin. Marahas niyang inalis kanyang mga kamay sa pagkakahawak ng guro.
"At first, I thought you're a great person, but I was wrong. You're just the same as the others, selfish, self-centered and cruel. You should have known better." Bulong ng binata, pagkatapos at iniwan niya na ang guro. Pinagmasdan lang ni Ms. Gomez si Zero hanggang sa makalayo na siya. Nakaupo lang siya sa gilid ng tulay habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Maya-maya ay mayroong isang binata ang lumapit sa kanya at inabutan siya ng panyo. Dahan-dahan niyang itiningala ang kanyang ulo, napangiti siya nang makita si Cj.
"Don't mind him ma'am, natrauma lang yan si Zack. Sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa pagkamatay ni Zoey." Nagbuntong hininga si Cj at inalalayang makatayo ang guro.
"Is it true that this isn't over? Akala ko ba deds na si Tiffany? Bakit ba nangyayare pa 'to?" Diretsong tanong ng binata habang nakatingin sa kawalan. Hinwakan ni Ms. Gomez ang kanang kamay ni Cj at yumuko.
"Gagawa tayo ng paraan para mailigtas ko kayo pe-" Hindi na natuloy ang sinasabi ng guro dahil agad sumagot si Cj.
"Sinabi samen ni Mr. Lim na iwasan ka namin dahil sa mga ginawa mo. Alam ko namang masakit mawalan ng pamilya, pero sana gumawa ka man lang nang paraan. Maaari ka namang tumawag ng pulis o investigators nung una palang. Hindi sana kami umabot sa ganito." Wika ng binata, dahan-dahan niyang inalis ang pagkakahawak sa kanya ng guro at nagbow sa harap nito.
"Alam ko na namang hindi ko matatakasan ang kapalaran ko. Alam ko na hinahanap na ko ni Tiffany sa mga oras na 'to. Alam ko na mamatay na 'ko mamaya. Alam ko na h-" Hindi na naituloy ni Cj ang kanyang sinasabi nang bigla siyang sinampal ng kanyang guro.
"Ano bang pinagsasasabi mo Cj? Hindi pa huli ang lahat, kaya natin 'tong lagpasan. Hindi mo kapalaran ang mamatay ngayong araw, pero magiging posible ito kung ikaw papayag ka." Seryosong wika ng guro. Nakayuko lang si Cj habang tumawa ng mahina. Kapansin-pansin ang mga luhang bumabagsak sa kanyang mga mata .
"It's too late. Alam ko na pinadalhan niyo isa-isa ang mga magulang namin ng letters na nagsasabing patay na kame. Nagpadala kayo ng mga sunog na katawan at sinabing kami ang mga 'yon. Inalis niyo ang kahit anong possibleng paraan para macontact namen sila. Hindi lang pala kayo ang responsable dito, pati ang buong school. It's all about the f*cking silly game 'di ba? Laro lang ang lahat ng ito sa inyo, at kung akala mo si Tiffany ang pumatay sa kanila? No. I blame you for all of this." Malamig na wika ng binata sa guro. Dahan-dahang umakyat si Cj sa may tulay at nilingon ang guro.
"Total alam na naman ng magulang ko na patay na ko, baket hindi pa naten totoonin diba? Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang papatay sa sarili ko kesa mapatay ako ng mga taong katulad niyo." Malamig na bulong ni Cj. Hindi siya nagdalawang-isip na tumalon sa tulay, pero isang bagay ang nangibabaw sa kanya. Ito ay ang kanyang matamis na ngiti sa kanyang labi, na para bang masaya pa siya sa kanyang ginawa.
"Ceeee-jaaaaay!" Buong lakas na sigaw ng guro. Dali-daling sinilip ng guro ang binata sa tulay. Nakita niyang malakas na bumagsak ang katawan ng studyante sa tubig. Nakita niya ang unti-unting pagkalunod ni Cj. Nanginginig ang kanyang buong katawan at hindi hindi makagalaw dahil sa gulat. Isa nanaman sa kanyang mga studyante ang nagpakamatay sa kanyang harapan at wala man lang siyang nagawa. Kahit na nanghihina, hindi siya sumuko. Inayos niya ang kanyang sarili at nagsimulang hanapin ang apat na natitirang studyante.
Pagewang-gewang na naglalakad si Alexandra, naka-akbay siya sa kanyang kasintahang si Hunter. Napangiti siya nang makita ang isang kulay pulang building. Pinulupot niya ang kanyang dalawang kamay sa leeg ng binata at bumulong.
"I'll make this night a night you won't forget." Nangaakit na bulong ng dalaga na nasundan ng mahinhing tawa. Kinuha niya ang kanang kamay ng binata at hinatak papunta sa loob ng nasabing building. Humarap si Hunter kay Alexandra at tinanong.
"You're drunk Alex, halika na at ihahatid na kita sa condo mo." Anyaya ng binata, pero tinawanan lang siya ni Alexandra. Hinatak ng dalaga papalapit sa kanyang mukha ang collar ni Hunter. Agad namula ang binata at ibinaling ang tingin sa iba.
"Don't be afraid, akong bahala sa'yo." Bulong ng dalaga, pagkatapos ay hinawakan niya ang crotch ni Hunter. Napalunok ang binata at agad inilayo ang sarili sa kasintahan. Habang kinakausap ni Alexandra ang receptionist ay pinagmamasdan niya lamang ito. Pamilyar at parang namumukhaan siya ni Hunter. Tinuro-turo niya ito habang umiiling. Tumayo siya't lumapit sa front desk.
"Have we met before miss? You look familiar." Tanong ng binata pero medyo malabo na ang kanyang paningin dahil sa rami ng alak na kanyang nainom.
"No sir, you're just drunk. Go on and I'll make this night memorable. an-" Naiilang na sagot ng receptionist. Nakita ni Alexandra ang pag-uusap ng dalawa kaya agad itong umeksena at pumwesto sa harapan ng babae.
"He's mine so back off. Come on Hunter, let's go!" Maangas na wika ng dalaga at dali-daling hinatak papunta sa kanilang kwarto. Agad humiga si Alexandra sa kama na sinundan ni Hunter. Agad nagkasalubong ang kanilang mga labi. Mabilis ding gumapang ang kanilang mga kamay sa katawan ng bawat isa. Sa gitna ng kanilang mainit na halikan, may kumatok sa kanilang pintuan ng tatlong beses. Huminto si Hunter sa kanyang ginagawa at sumigaw. Halata sa kanyang mukha ang pagkayamot dahil dito.
"Back off! We're busy!" Nasusurang sigaw ng binata, pero kumatok muli ito ng tatlong beses.
"Room service!" Wika ng isang babae sa labas ng kanilang kwarto. Tumayo si Hunter at pumunta sa harapan ng pinto, samantalang chinecheck naman ni Alexandra ang kanyang cellphone. Nagulat siya nang makita ang text message ni Zero.
** +63927*******
Lex, may problema tayo. Patay na yung iba nating mga kaklase. Natagpuang nakasilid sa isang garbage bag ang katawan ni Aliza sa gilid ng bar. Ang 3 bangkay nila Angela,Cathrine at Sakura sa comfort room ng girls at ang bitak-bitak na katawan ni Caleb sa parking area. Mag-iingat kayo, mukhang hindi pa siya tapos saten.
-Zero
**
Napabangon si Alexandra sa kanyang nabasa. Bago pa man hawakan ng binata ang door knob ay binalaan siya ng dalaga.
"Don't open it Hunter, buhay pa si Tiffany." Nanginginig na sinigaw ng dalaga. Napahinto't napalingon si Hunter kay Alexandra. Halata sa kanyang mukha ang gulat sa kanyang narinig
"W-what do you mean Alex?" Nalilitong tanong ng binata. Iniabot ni Alexandra ang kanyang cellphone para ipakita ang text sa kanya ni Zero. Agad nagbihis ang dalawa at humanap ng possibleng panlaban sakaling si Tiffany nga ang babae sa likod ng pintuan.
Nasa harapan ng motel si Ms. Gomez, dali-dali siyang pumasok sa loob dahil dito itinuro ni Zero sa kanya ang kinaroroonan ng magkasintahan. Magtatanong sana siya sa receptionist ngunit walang tao. Sinilip niya ang likuran ng desk, bigla siyang napasigaw sa kanyang nakita. Nakahilata ang katawan ng isang babaeng nakaunipormeng pangreceptionist, wala na itong buhay dahil sa malaking gilit sa leeg niya. Tinignan niya ang logbook at nakita ang pangalan ng dalawang studyante. Dali-dali siyang nagelevator at umakyat papuntang 5th floor.
Sa loob naman ng kwarto ng magkasintahan, parehas silang kinakabahan at hindi alam ang gagawin. Tuloy pa rin ang pagkatok ng babae sa kanilang pintuan, para bang ayaw nito tumigil hangga't hindi nila ito binubuksan. Nilingon ni Hunter si Alexandra, hinawakan ng mahigpit sa braso at binigyan ng instructions.
"Bubuksan ko yung pintuan, pagkatapos hahampasin ko siya nitong lampshade. Alex, pagnahampas ko na siya tumakbo ka lang palabas ng building ha? Save yourself, susunod nalang ako." Wika nang binata. Mariing napalunok ang dalaga, pagkatapos ay mahigpit niyang niyakap ang kasintahan.
"P-pero paano ka?" Nag-aalalang tanong ng dalaga. Ngumiti sa kanya si Hunter at hinalikan siya sa noo.
"Huwag mo kong alalahanin, naalala mo ba yung sinabi ko sayo dati? Ako yung superman mo kaya akong bahala sa'yo." Masiglang wika ng binata. Nagpout lang si Alexandra at pinisil ang dalawang pisngi ni Hunter.
"Awww, I hate chu." Maarteng pagkasabi ng dalaga. Ginulo-gulo ng binata ang buhok ni Alexandra at nagpaalam.
"Basta Alex ha, sundin mo yung sinabi ko sa'yo. Kahit anong mangyare, don't look back. Just keep on running hanggang makakita ka ng pulis. After that, ireport mo sa kanya ang lahat nang nangyare. Okay?" Paliwanag ng binata. Tumango lang si Alexandra at umatras ng tatlong beses mula sa pintuan. Hinawakan ni Hunter ang doorknob at dahan-dahan itong binuksan. Bumungad sa kanya ang isang babaeng nakauniporme, mayroon siyang hawak-hawak na tray na para bang idedeliver ito sa kanilang kwarto. Dahil sa maling akala ay nahataw ni Hunter ang nasabing babae. Agad itong bumagsak sa sahig pero nasa gilid niya ang isang babaeng nakamaskara't nakauniporme ng St. Venille. May hawak-hawak itong matalim na kutsilyo, agad siyang humarap kay Hunter at sinusubukang saksakin pero mabilis na nakakailag ang binata. Napalingon si Hunter at nakitang hindi pa kumikilos si Alexandra dahil sa takot.
"Alex! Takbo!" Sigaw ng binata kaya agad tumakbo si Alexandra palabas ng kwarto. Dahil sa ginawa niyang paglingon kay Alexandra ay hindi niya namalayang nasaksak siya sa kanyang tyan ng babae. Unti-unting itinaas ni Hunter ang kanyang kamay at pilit na itinanggal ang maskara ng babae. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya na si Alyssa pala ang nasa likod nito.
"Hi Hunter, I told you I'll make this night memorable." Malanding bulong ni Alyssa. Agad bumagsak ang binata sa sahig. Hindi pa nakuntento ang dalaga at pinaraanan ng saksak ang iba't-ibang bahagi ng katawan ni Hunter. Nang makita niyang wala ng buhay ang kaklase, mabilis na binunot niya ang kutsilyo at dinilaan ito.
"Bittersweet." Bulong nito sa sarili.
"Hi Alyssa, did you miss me." Tanong ng isang dalaga. Lilingon pa lamang siya nang biglang tinakpan ang kanyang mga mata ng kulay itim na panyo. Kinuha ng babae ang cellphone ni Alyssa at agad itinext si Ms. Gomez. Habang tumatakbo sa hallway ng motel si Alexandra ay nakasalubong niya ang kanilang guro. Agad siyang niyakap ng mahigpit. Gulo-gulo ang buhok ni Alexandra at hindi matigil ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata.
"You need to help me, naiwan ko si Hunter sa kwarto namin. Someone's after for our lives. We need to report this to the police officers as soon as possible." Sumbong niya sa guro, pero nakayuko lang si Ms. Gomez habang namumutla.
" We can't." Matipid na sagot ng guro. Kumunot ang noo ni Alexandra sa kanyang narinig at ginulo-gulo ang kanyang buhok.
"W-what do you mean we can't? Are you one of them? Are you going to kill me too? Ahhhh! This is so absurb, I can't take it anymore! I'm gonna call my parents about this!" Nasusurang wika ng dalaga. Mabilis niyang idinadial ang numero pero pinigilan siya ni Ms. Gomez.
"A-Alex, alam ng buong pamilya mo na matagal ka nang patay. Hindi rin tayo pwedeng magsumbong sa pulis dahil hawak-hawak ito ni Mrs. Mendoza. Kaya walang tumutulong satin ay pinagbawalan sila ni Mrs. Mendoza. Ang nangyareng imbestigasyon noon ay isang palabas lamang para masabing gumagawa ng aksyon ang pulisya." Paliwanag ng guro, naubusan ng salitang sasabihin si Alexandra at nakatingin lamang sa guro. Bigla namang nagring ang cellphone ni Ms. Gomez at nakatanggap ng isang text mula kay Alyssa.
**
Seonsaeng! Tulungan mo 'ko! Mayroong gusto pumatay saken, andito ako ngayon sa lumang police building sa may likuran ng school.
-Alyssa
**
Habang nag-iisip nang gagawing aksyon si Ms. Gomez ay nakatingin lamang si Alexandra sa kanyang phone. Tinitignan niya ang contacts ng kanyang mga magulang dahil sa sinabi sa kanya ng kanyang guro. Nagbuntong-hininga ang dalaga at pinindot ang call button sa kanyang cellphone. Namuo ang isang matamis na ngiti sa labi ng dalaga nang marinig na magring ito. Agad namang sumagot ang kanyang ina sa kabilang linya.
"Hello who's this?" Tanong sa kanya sa kabilang linya. Napahawak siya sa kanyang telepono ng mahigpit nang marinig ang boses ng kanyang ina. Nakaramdam siya nang excitement at pag-asa dahil alam niyang pwede silang matulungan ng kanyang mga magulang.
"M-ma? Ako 'to si Alex, yung anak niyo. Tulungan niyo ko ma-" Mangiyak-ngiyak niyang wika sa kanyang nanay pero pinutol ito ni Mrs. Bartolome nang bigla siya nitong sinagot.
"Hindi ka nakakatuwa, ibang tao nalang ang lokohin mo. Patay na si Alexandra, limang buwan na ang nakakaraan nang ilibing siya. Huwag mong idamay ang anak ko sa mga kalokohan mo dahil pwede kitang ipakulong sa ginagawa mo!" Galit na sigaw sa kanya at bigla itong binaba. Parang nabagsakan ng langit si Alexandra at natulala. First time niya kasing mapagtaasan ng boses ng kanyang ina. Napalingon naman si Ms. Gomez sa kanya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay.
"We need to save Alyssa, Alexandra. Siya ang pinakamalapit na kaibigan ni Tiffany sa St. Venille. Kailangan nating makakuha ng impormasyon sa kanya laban sa mga Mendoza." Seryosong wika ng guro, pero hindi siya pinansin ng dalaga dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang mga nalaman.
Pagkarating nila sa harap ng lumang building, nadatnan nila rito si Zero. Nakatingin lang siya sa kanyang cellphone habang may binabasa rito. Linapitan ng dalawa ang binata.
"Z-zero.." Mahinang tawag ni Alexandra sa binata.
"Alyssa also texted you?" Tanong ng binata sa kaklase. Tumango si Alexandra at yumuko.
"Tara, wala na tayong oras." Anyaya niya, hinawakan ng dalaga ang kamay ni Zero at sabay silang pumasok sa loob ng building.
Madilim, tahimik at nakakatakot. Ilan lamang ito sa mga salitang naglalarawan sa gusali. Napapalibutan ang loob ng iba't-ibang lumang armas na ginamit ng mga pulis. Nagulat silang tatlo nang biglang bumukas ang isang ilaw sa bandang gitna ng kwarto. Nakaupo ang isang babae rito, nakatali ang kanyang mga kamay, paa at leeg. Nakatakip din ang kanyang mga mata at hindi makagalaw dahil sa higpit ng pagkakatali. Mayroon mga litrato na nakastapler sa kanyang uniporme, pero hindi lamang ito mga ordinaryong litrato. Ito ay iba't-ibang litrato ng mga pinatay niyang kaklase. Hindi pa nagtagal ay bumukas ang isang pintuan sa gilid, lumabas dito ang isang babaeng kilalang kilala nila. Nakasuot ang babae ng isang kulay puting baro, may suot na itim na bag at nakasuot siya ng isang maskarang nakangiti. Mayroon din siyang hawak-hawak na latigo na may mga malalaking tinik na bumabalot dito.
"Hi guys, am I late for the party?" Tanong sa kanila ng isang babaeng nakamaskara. Nanlaki ang mata ng guro nang makita siya, tila hindi makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Imbis na matakot, humakbang nang tatlong beses paharap si Alexandra at sinubukang kausapin ang dalaga.
"Sino ka ba? Bakit mo ba ginagawa samen to?" Mataray na tanong niya sa babae. Tinawanan lang siya nito at humakbang nang tatlong beses paharap.
"My name is Shanna Mendoza." Pakilala ng dalaga sa kanyang sarili, pagkatapos ay dahan-dahang niyang inalis ang kanyang maskara. Binalibag niya ito sa sahig at ngumiti.
"I changed my name to Tiffany when I entered St. Venille. Konting pera lang ang kailangan, kaya ko nang makuha ang gusto ko. Lahat ng bagay dito sa mundo, may katapat na presyo." Wika nang dalaga habang dahang-dahang lumalapit kay Alyssa. Inilapit niya ang kanyang mukha kay Alyssa at ngumiti.
"Nagpapasalamat nga pala ako sa kaibigan kong si Alyssa, kung hindi dahil sa kanya, nabawasan ang kargo sa problema ko." Maangas niyang pagkasabi, pagkatapos ay inalis ang piring sa mata ni Alyssa. Nagulat ang dalaga sa kanyang nakita, nakatayo sa kanyang harapan si Tiffany. Buhay na buhay ang dalaga habang nakatingin sa kanya, suot ang isang malaki't misteryosong ngiti.
"T-Tiffany? I t-thought you're dead?" Pautal-utal na tanong ni Alyssa sa dalaga. Kumunot ang noo ni Shannah at hindi nakapagpigil, sinampal niya ng malakas ang kaibigan.
"Stop calling me Tiffany and I'm not dead. I'm alive and still breathing! Salamat sa pinakamamahal kong Ina. Bago pa man dumating ang investigation team nauna na silang dumating kung saan ako nahulog. Dahil sa Sakurang 'yan, muntik na 'ko mamatay. Pero sabi nga nila, ang masamang damo ay hindi madaling namamatay." Naiiritang wika ni Shannah. Dahan-dahang bumaba sa hagdan si Ms. Gomez para pigilan ang dalaga sa kanyang masamang binabalak.
"S-shanna, itigil mo na ang binabalak mo. Maaayos pa natin 'to." Wika ng guro sa kanyang studyante. Agad siyang nilingon ni Shanna at ngumiti.
"What if I don't want to stop?" Nakapanloloko niyang tanong sa guro, pagaktapos ay bigla niyang hinampas ng latigo si Alyssa. Bawat dikit ng latigo sa balat ng dalaga ay siyang pagbaon ng mga malalaking tinik sa kanyang balat. Kitang-kita ni Shannah ang unti-unting pagtuklap ng balat ni Alyssa sa bawat hampas niya ng latigo. Hinawakan ng dalaga ang dulo ng latigo kung saan nakalagay ang pinakamalaking tinik na gawa sa alambre, bago pa man niya itusok ito kay Alyssa ay binulungan niya muna ito.
"I thought we're friends." Naiiyak na tanong ng dalaga, pero ngumiti lang si Shanna at bumulong.
"We were. Pero iyon ay noong mayroon ka pang pakinabang sa'kin. Too bad wala ka nang sasay sa ngayon. And besides, sino ba nagsabing kaibigan kita? Isa ka lang sa mga pampalipas oras ko." Maangas na wika ng dalaga. Nasundan ito ng kahindik-hindik balahibong tawa. Bago pa man magsalita si Alyssa ay ibinaon niya muna ang dulo ng latigo sa lalamunan ng dalaga. Agad dumanak ang dugo sa leeg ni Alyssa, kaya naman mabilis siyang binawian ng buhay.
Napaupo si Alexandra sa sahig sa kanyang nakita . Nakahawak ang kanyang dalawang kamay sa tuktok ng kanyang ulo habang nagsisisigaw. Tumakbo si Ms. Gomez papunta kay Alyssa at malakas na itinulak si Shanna.
"You've become a monster!" Nanginginig niyang sigaw sa dalaga. Dahan-dahang tumayo si Shanna habang natatawa sa sinabi ng guro.
"You turned me into a monster. Hindi ko naman 'to gustong gawin, pero pinilit niyo 'ko. 10 years ago, nag-enroll ang kuya ko sa St. Venille. He entered the school with full of excitement and dreams. Kabilang siya sa sinasabing 6th section, isa-isang namamatay ang kanilang mga kaklase sa iba't-ibang klaseng aksidente. May mga nasasagasaan, may nababaril, nasasaksak at iba pa. Sa mura kong edad, sinasabi saken ng kuya ko ang mga nangyayare sa kanilang eskwelahan pero kahit na puro masasama ang nangyayare, tinitignan niya parin ito in a positive way." Wika ng dalaga habang naglalakad-lakad. Huminto siya limang hakbang paharap sa guro.
"Masaya, buo at walang problema. Iyan ang pamilya ko noon, pero lahat ng iyon ay biglang naglaho simula nang mamatay si kuya. 10 days before their graduation, nagkaroon sila nang sinasabing traditional party. Kasama kong umattend si mommy at kuya sa event, pero hindi pala party ang napuntahan namin. Lahat sila ay may mga hawak na matatalim na bagay at kung anu-ano pang mararahas na gamit. Nasa harap namin ang iba't-ibang tao, may mga magulang, guro at studyante. Lahat sila'y sinisisi si kuya sa pagkamatay ng ibang mga studyante. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang walang awang pagpatay nila kay kuya. Sinaksak, pinagtatadyakan at pinagsasabihan ng iba't-ibang masasakit na salita. Wala kaming magawa ni mommy sa nangyare kung hindi panoorin lang na unti-unting manghina't mamatay si kuya. Dahil sa possibleng kami ang sunod na pagtulungan, hinatak ako ni mommy papasok ng sasakyan at umuwi. Sabi niya sakin laro lang lahat iyon, magiging okay din daw si kuya. Magiging buo pa rin daw kami pagdating ng araw, pero lahat iyon ay purong kasinungalingan lang pala. 1st year highschool ako non, buo na ang plano. Kontrol na ni mommy ang buong kapulisyahan at kaya niyang pigilan ang paginterfere nila sa nangyayare sa St. Venille. Nang malaman kong okay na ang lahat, doon ko sinimulan ang pakikipaglaro ko sa mga studyante na kabilang sa sixth section." Naluluha't naghihinagpis na wika ng dalaga.
"Mga demonyo kayo! Parehas kayo ng kuya mo! Mamamatay tao!" Naghuhumagpis na sigaw ng dalaga. Agad siyang tinignan ni Shanna sa mga mata. Ramdam na ramdam ni Alexandra ang mga patay at balngkong emosyon ni Shanna sa kanyang mga mata. Agad nagbago ang kanyang expresyon at tinawanan ang sinabi ng dalaga.
"Wala kang alam sa nangyare. After ilang months ng pag-iimbestiga, nalaman nila kung sino ang totoong killer. Napagbintangan lang ang kuya ko. Hindi siya mamamatay tao. I'm doing this whole thing para ipadama ko sa inyong lahat kung paano mawalan ng isang bagay na sobrang mahalaga sa'yo. Kinuha nila sa amin ang kuya ko nang walang kalaban-laban. Now, I'm just returning the favor to your parents. Hahahahaha!" Dahan-dahang itinaas ni Shanna ang kanyang kanang kamay habang itinututok ang baril kay Alexandra. Nginitian niya muna ang kanyang guro bago niya pakawalan ang trigger ng baril. Dahan-dahang bumagsak si Alexandra sa sahig at agad nawalan ng buhay. Sumunod niyang itinutok ang baril kay Zero, pero bago niya ito pakawalan ay hinarangan ni Ms. Gomez si Zero at sumigaw.
"A-Ako na lang ang patayin mo. Wala silang kasalanan sa pagkamatay ng kuya mo Shanna, walang magandang maidudulot ang paghihiganti mo. B-Bakit?! Kapag ba napatay mo na silang lahat maibabalik ba ang buhay ng kuya mo?" Nagmamatigas na tanong nito sa dalaga. Yumuko si Shanna ng ilang segundo, pagkatapos ay tumawa siya ng parang nawawala sa sariling katinuan.
"Tama ka. Hindi maibabalik ang buhay ng kuya ko kapag napatay ko na kayong lahat. Pero ngayon pa ba 'ko aatras kung kailan huli na ang lahat? Isa lang naman ang gusto ko eh, maipadama ko sa inyo ang sakit na nadarama ko. Hindi niyo alam kung gaano kasakit mabuhay nang patay ang buo mong pagkatao." Malamig niyang bulong sa sarili. Hindi niya na pinatagal pa kaya bigla niya nang pinaputok ang baril ng ilang beses. Natamaan si Ms. Gomez ng bala kaya agad itong napaupo sa sahig. Umuubo siya ng kanyang sariling dugo nang lumapit sa kanya si Shanna. Nakatingin siya kay Zero at muling pinakawalan ang hawak na baril ng tatlong pang beses. Napangiti ang dalaga nang makitang naliligo ang binata sa sarili niyang dugo, pero bago tumayo si Shanna ay humalik muna siya sa labi ng binata. Mahahalata rin sa mga mata niya na mayroong mga namuong luha. Yumuko si Shanna at tinignan ang guro. Inilabas niya ang isang black envelope at inilapag ito sa sahig. Dahan-dahan naman itong binuksan ni Ms. Gomez, nanlaki ang kanyang dalawang mata nang makita ang nasa loob nito. Lahat sila ay may markang ekis sa mukha maliban kay Tiffany, ngunit kapansin-pansin na siya ang may pinakamalaking ekis sa mukha. Unti-unting binaling ng guro ang kanyang tingin kay Shanna.
"Game over!" Sigaw ng dalaga kasabay ang pagtapak niya sa ulo ng guro. Tumingin si Shanna sa kisame't tumatawa habang walang humpay na pinapaulanan ng bala si Ms. Gomez sa mukha. Punong-puno ang damit at mukha ng dalaga ng dugo, pero hindi niya ito inalintana. Pagkalabas na pagkalabas niya sa building ay agad siyang sinalubong ng kanyang mga magulang nang may matatamis at malalaking mga ngiti sa kanilang labi.
--------------------
3 months later ...
Isang babae ang pumasok sa classroom habang may hawak-hawak na soda. Bago pa man siya umupo sa kanyang upuan ay hinarang siya ng isang guro.
"E-excuse me miss? Are you new here? Can you introduce yourself to everyone?" Tanong ng guro sa dalaga na nasundan ng ngiti. Inilipag ng dalaga ang kanyang soda sa teacher's desk at nagpakilala.
"My name is Shannah, Shannah Mendoza, sana maging kaibigan ko kayong lahat!" Seryosong pagpapakilala ng dalaga sa kanyang sarili. Pagkatapos niyang magpakilala ay agad itong dumiretso sa last row at umupo.
"As long as I'm breathing, the game's not over." Malamig na bulong ng dalaga sa kanyang sarili.
end.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro