Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

8 Irresolute

Denise / Venise's POV

Iminulat ko ang mga mata ko.

Unang nakita ko ang medyo nandidilaw na ilaw. Agad na rumehistro sa utak ko ang sakit sa binti at ang kirot sa balikat ko. Agad akong bumangon nang mapagtanto kong wala pala ako sa tinitirhan ko.

Patay na si mama.

Hindi ako si Venise.

Hanapin ko raw si Ash.

Napahawak ako sa ulo ko nang biglang sumakit ang ulo ko. Ako si Denise Villaverde. Nag-aral ako sa Laketon.

Patay na dapat ako.

Ash's POV

Napatitig ako sa katawang nakahandusay sa harap ko. Agad na sinara ni Philip ang tarangkahan habang si Thania nama'y napatakip sa bibig niya upang pigilan ang pagsigaw. Hindi ko siya masisisi sa naging reaksyon niya. Sino ba namang hindi magugulat kung lilitaw ang isang taong dapat ay patay na?

Et mortua est. She is alive.

Buhay siya. Si Denise.

"P-patay n-na d-dap-p-pat siya d-dib-b-ba?" nauutal na sambit ni Thania. "Sinigurado nating walang dapat matira!"

Hindi ako makapagsalita. Maskin ako, hindi ko alam paano nangyari to. Hindi ko alam na posible palang buhay siya. Biglang tumakbo si Thania sa loob ng bahay. Bigla ring gumalaw ang katawan ni Denise. Saka ko napansin na parang naligo siya sa dugo. Puno ng dugo ang kanyang puting damit. Medyo marumi rin ito. May mga napunit na parte rin sa kanyang suot na pajama.

Gusto ko siyang lapitan ngunit naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang bumalik si Thania na may dalang kutsilyo. Agad naman siyang pinigilan ni Philip.

"Bitawan mo ko Philip! Putangina!" singhal niya. Lumapit ako sakanya at pilit na kinuha ang kutsilyo sa kamay niya. "Ash ano ba!"

"Thania tama na." mahinahon kong sabi. "Hindi ka ba nagsasawang pumatay?" natulala siya ngunit biglang napalitan ng galit ang pagkatulala niya.

"Ash nag-iisip ka ba? Ikaw ang inatasang pumatay sakanya! Saan ka nakatira? Dito sa pamamahay na 'to! Hindi mo ba napagtatanto na baka nandito siya para patayin tayo? Para maghiganti Ash! May balak siyang maghiganti!"

"Thania, utang na loob huminahon ka." pilit na niyayakap ni Philip si Thania ngunit nagpupumiglas ito. "Huminahon ka muna."

Nilapitan ko ang nakahandusay na katawan ni Denise at kinarga ito papunta sa loob ng kwarto ko. Napansin kong may tumutulong dugo galing sa paa niyang mukhang sinaksak, pati na rin sa balikat niya. Anong nangyari? Agad ko siyang nilapag sa kama. Agad kong hinanap ang lalagyan ng mga panggamot at pilit na inalala ang mga tinuro ni Nurse Tin sa akin. Nurse Tin...

Kinuha ko ang sinulid at karayom. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinatanggal ang damit ni Denise na puno ng dugo. Dumudugo pa ang sugat niya sa balikat. Dahan dahan kong nilinis ang sugat bago ito tinahi. Ganoon rin ang saksak niya sa paa. Habang tinatahi ang mga saksak niya, naalala ko ang pagpatay ko sakanya. Tatlong saksak. Sa balikat, tagiliran at dibdib.

Ngunit paano? Paano siya nabuhay sa ganoong klase ng saksak?

Hindi ko alam kung saan ako mas natatakot.

Sa katotohanang buhay si Denise, o sa katotohanang hindi siya patay?

Kumuha ako ng pamunas para matanggal ang mga dumi sa katawan niya. Marahan kong pinunasan ang braso niya pati na rin ang iba pang mga parte ng katawan niya maliban sa mga pribadong parte. Napatayo ako nang bigla siyang gumalaw at dumaing na para bang sobra siyang nasasaktan. Umiwas ako ng tingin. Pinilit kong hindi makagawa ng kahit anong ingay nang kumuha ako ng damit sa aparador ko na ipasusuot sakanya.

Mahal na mahal kita, Ash.

Dahan dahan kong isinuot sakanya ang isang damit at pajama na medyo maliit para sa akin. Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Hindi ko napigilang haplusin ang pisngi niya. Medyo pumayat siya. Kung payat na siya noong huli ko siyang nakita, mas lalo siyang pumayat. Kapansin-pansin na ang mga buto niya.

Pero kahit ganoon, siya pa rin ang Denise na huli kong nakita halos dalawang taon na ang nakalipas. Siya pa rin ang Denise na pinatay ko.

Gumalaw siya ulit kaya napaatras ako. Paano kung gigising na siya? Anong gagawin ko? Ano kayang gagawin niya? Papatayin niya kaya ako? Maghihiganti ba siya sa pagpatay ko sakanya? Hahayaan ko ba siya sa mga balak niya?

Anong gagawin ko?

Napakamot ako ng ulo. Hindi ko alam anong gagawin ko. Kinuha ko na lamang ang mga duguang damit ni Denise para itapon ito nang may mahulog na piraso ng papel mula sa pajama niya na medyo nakunot. Pinulot ko ito at binuksan. Nanlaki ang mga mata ko.

Sulat kamay ito ni Nurse Tin! Address ng tirahan namin ang nakasulat.

Napatingin ako ulit kay Denise na mahimbing na natutulog.

Anong koneksyon mo sa nangyayari, Nurse Tin?

---x---

Irresolute (adj.) : not certain about what to do; uncertain how to act or proceed.

WAAAAAAH 600 READS AND COUNTING I LOVE YOU ALL. Salamat sa mga munting readers na sumusubaybay sa kwentong to na hindi ko naman alam saan patutungo HAHAHAHHAAH. The best kayo kahit ang tahimik niyo. XDD

Nakapagupdate ako dahil feel kong magupdate char lang

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro