Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6 Trepidation

Ash's POV

Tinitigan ko ang kahong nasa harap ko. Iniabot ito ni Philip kanina, may nag-iwan daw nito sa labas at nakalagay ang pangalan ko. May kabigatan ito nang nasa kamay ko na ang kahon. May kalakihan din. Ano naman kayang laman nito? Nang naghanap naman ako ng pangalan ng nagpadala, wala namang nakalagay.

Kanino naman kaya galing 'to?

"Wala ka bang balak buksan 'yan? Kanina mo pa tinititigan yang kahon." Iritadong sabi ni Thania.

'Di ko alam, pero nag-aalangan akong buksan ang kahon. Parang kinakabahan ako. Nagulat ako nang biglang niyugyog ni Thania ang balikat ko.

"Pansin ko lang, nagiging magugulatin ka na ha?" Kumento naman niya. Umiling ako.

"Nasobrahan lang sa kape." Pagsisinungaling ko. Tinignan niya naman ako na para bang alam niyang nagsisinungaling ako. Nagkibit balikat na lamang ako at umalis naman siya sa harap ko.

Kinuha ko ang gunting at huminga ako ng malalim bago ko sinimulang putulin ang mga tali at tape na nakapalibot sa kahon. Nang bahagyang napabukas ang itaas na parte ng kahon, napatakip ako ng ilong dahil sa masangsang na amoy na nanggaling sa loob ng kahon.

Amoy dugo at nabubulok na laman.

Dahan dahan kong binuksan ang kahon. Napakabilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Napatitig ako sa malaking jar na walang takip. Naglalaman ito ng pulang likido, dugo, na natipon sa ibabang parte ng jar, at isang bolang itim.

Bahagya kong inikot ang jar para masuri kung bakit puro dugo ang nasa ibaba ng bolang itim. Kinarga ko ito upang matignan ko ang ibabang parte ng jar.

A-ano to?

"Et mortua est." mahina kong bulong. Anong ibig sabihin nito?

Nabitawan ko ang jar sa labis na pagkagulat nang mapagtanto ko kung ano nga ba talaga yung bolang itim. Nabasag ang jar at gumulong naman ang bolang itim kasabay nang pag-agos ng dugo sa sahig. Nang tumigil ang pag-gulong ng itim na bagay na iyon, nakita ko ang mga kayumangging parte  nito.

Kinilabutan ako lalo nang naalis ang pagkakatakip ng mga itim na bagay, buhok, at bumungad ang isang maputlang mukha.

At ang mas nakakakilabot? Bukas ang mga mata nito, puno ng takot; Mga matang walang ibang nagmamay-ari kundi si Nurse Tin.

Venise's POV

Mula sa espasyong pinagtataguan ko, rinig kong nag-uusap ang mga pumatay kay Mama. Pinigilan kong gumawa ng ingay. Pinigilan kong humikbi. Pinigilan kong sumugod nang walang kalaban laban.

Napasinghap ako nang maramdaman kong may tumutulong malapot na likido sa uluhan ko. Bahagya kong nilagay ang darili ko sa uluhan ko at tinignan kung ano ito.

Dugo.

"Libutin natin ulit ang bahay. Patay tayo sa matandang iyon pag hindi natin siya madadala." Narinig kong sabi ng babae.

"Sigurado akong nakapagtago lang iyon dito. Lecheng nurse kasi ito, paharang harang." Rinig ko namang sagot ng isang lalaki. Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko, kailangan kong makatakas.

Patuloy naman ang pagtutulo ng dugo sa aking uluhan. Pakiramdam ko'y naliligo na ako sa dugo. Narinig ko naman ang mga malalakas na yabag na parang lumalayo sa pinagtataguan ko.

Nakahinga ako nang maluwag. Inalis ko ang pagkakatakip ng kahoy sa uluhan ko at bigla namang bumuhos sa mukha ko ang dugo. Sinara ko ang kompartimento at agad akong umakyat at nagtago sa ilalim ng aking kama.

Mula sa pinagtataguan ko, nakita ko ang nakahandusay na katawan ni Mama. Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking mga luha nang makita ko kung gaano karahas siyang pinahirapan at sinaktan. Nagulat ako nang bahagyang bumukas ang mga mata ni Mama.

"Mama?" mahina kong bulong. Napatingin  naman siya sa direksyon ko at napuno ng takot ang kanyang mga mata.

"Ma-magt-tago k-ka..." hirap na hirap niyang sambit. Umiling ako, buhay pa siya at lalabas kaming dalawa. Nagsimula akong gumapang nang muli siyang magsalita.

"D-den-nise V-vil-lla-v-verd-de a-ang p-panga-al-a-an m-mo..."

Napatigil ako. Denise? Hindi Venise ang pangalan ko? Nagsimulang kumirot ang ulo ko.

"W-wag m-mong i-i-inu-m-min a-ang g-ga-m-mot m-mo... Ha-ha-n-na-p-pin m-mo s-si A-ash... A-ash F-flo-r-res-s."

Ash? Ash Flores? 

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at nakakita ako ng apat na paa. Dalawang tao. Isang babae at isang lalaki. Pinilit kong gumapang pabalik sa sikretong kompartimento nang hindi gumagawa ng ingay.

"Napakagaling mo talaga Nurse Tin ano? Sa sobrang galing mo, gusto na kitang patayin." narinig kong sabi ng babae. 

Nakatingin lamang si Mama sa direksyon ko na para bang nagbibigay siya ng isang babala. Ngunit hindi ako makagalaw, natatakot akong gumalaw, natatakot ang iwan siya. Puno ng takot ang mga mata niya.

Nagulat na lamang ako nang biglang may malakas na pagputok ng isang baril at tuluyang tumigil ang pagtaas at pagbaba ng dibdib ni Mama.

---x---

HUHUHUHU WALA NA PATAY NA TALAGA SI NURSE TIN. MALAPIT NA DING BUMALIK ANG ALAALA NI DENISE YEHEY!

Maraming salamat sa mga patuloy na nagbabasa ng kwentong ito, di ko lubos na maisip na may magbabasa pala talaga neto. XD magcomment kayo plishhhh kahit comment nalang XD

Next update is next week :D Pasensya na at di ko naproofread, kailangan ko pang gumawa ng assignment sa accounting HAHAHAHAH

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro