17 Furor
Sooooo, ilang buwan na ding walang update huhuhu pero eto naaaa...
Ash's POV
Hindi ako mapakali.
Muli kong tinignan ang relos ko; halos isang oras nang hindi bumabalik si Venise. Parang sinisilaban ang pwet ko. Imposibleng naligaw siya. Paano kung...?
Hindi. Hindi maaari.
Tatayo na sana ako nang pinigilan ako ni Philip. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko.
"Wag kang aalis." Madiin niyang sabi. Tinignan ko siya, ngunit nasa malayo ang tingin niya.
Sa stage.
Napatingin ako sa tinitignan niya. Biglang tumigil ang oras. Napaawang ang bibig ko. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hindi ko maialis ang pagtingin ko sa bangkay na puno ng pasa, sugat at dugo ang mga braso, sa gown na suot ng bangkay, itim at kumikintab dahil sa mga dyamanteng nagkalat. Wala na siyang ulo ngunit kilalang kilala ko siya.
Si Denise.
Iniyuyugyog ni Philip ang balikat ko ngunit wala akong maramdaman.
"ASH! ANO BA!" malakas niyang sigaw. Napabalik ako sa realidad. Muli kong tinignan ang kinaroroonan ni Mr. Laketon ngunit wala na siya roon. Inikot ko ang aking paningin upang hanapin siya.
Hindi siya makakatakas.
"Ash kailangan na nating umalis!" Takot na sigaw ni Philip. "Puta alam kong masakit kung mahal mo man siya pero hindi tayo pwedeng mamatay! AYOKONG MAMATAY!"
"Duwag ka." Mahina kong sabi. Nanlilisik siyang tumingin sakin.
"Ano? Anong sabi mo?!"
"Sabi ko, duwag ka!" Agad kong binunot ang baril na itinago ko at pinaputok ito. Alam kong tatama ang bala sa ulo niya. At ito ang magiging sanhi ng kamatayan niya.
Nagsimula akong tumalikod at naglakad papunta sa tinungo ni Denise. Narinig kong may bumagsak, paniguradong katawan ito ni Philip, bumagsak ng walang buhay.
Bago tumuloy, muli kong tinignan ang bangkay ni Denise sa entablado. Patuloy na tumutulo ang dugo mula sa pinugutan niyang katawan. Unti unti kong nararamdaman ang galit.
Duwag ka Mr. Laketon. Ikaw isusunod ko.
---x---
Furor (n.) an angry or maniacal fit: rage.
Hi readers! Sorry ngayon lang ako lumitaw ulit, medyo busy attttt ayun nga busy HAHHAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro