Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13 Ball

Dahil 10:30 pa ang klase ko... Mag-uupdate ako wahahahahaha

DENISE/VENISE'S POV

Tinitigan ko ang nasunog na itlog sa harap ko. Hindi ko sinubukang galawin kahit kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Naalala ko ang mga tumulong dugo sa kwarto ni Thania. Pinatay ba siya?

Kung pinatay siya, bakit hindi iniwan ang bangkay? Bakit hindi iniwang lasog-lasog o putol putol ang mga parte ng katawan niya? Kung ganoon... Kinidnap siya. Maaaring kailangan siya ng taong dumukot sakanya, o di kaya'y papatayin siya ng dumukot sakanya sa ibang lugar.

"Venise." Narinig kong tawag ni Ash.

Napatingin ako sakanya, tapos sa platong pinagkainan niya. Tapos na pala siyang kumain. Tinignan ko naman si Philip na nakatingin din sa akin nang puno ng pagtataka at pagdududa?

"Hindi mo ba kakainin yan? Ayaw mo ba sa niluto ko?" Tanong niya. Umiling ako. Gutom ako pero wala akong gana kumain.

Kinuha ko ang kutsara at tinidor saka nagsimulang kumain. Pinaghihinalaan ba ako ni Philip? Tinignan ko siya muli. Kunot-noo siyang tumitig sa akin, mata sa mata.

Hindi ko siya masisi. May rason naman ako para pumatay.

Dahil pinatay nila ako.

ASH'S POV

Inilapag ni Denise ang pinagkainan niya sa lababo. Saglit siyang nagnakaw ng tingin kaya napangiti ako. Umiwas naman agad siya ng tingin at nagtungo kung saan. Nagsimula naman akong maghugas ng mga pinggan.

"Ash." Mahinang tawag ni Philip. Tinignan ko siya. Bakas pa rin sa mukha niya ang takot at pangamba. Hindi ko alam kung saan ba siya natatakot, sa pagkawala ni Thania, o sa posibilidad na isunod siya.

Sino bang hindi takot humarap sa kamatayan? Ah, ako pala.

"Oh?" Tugon ko. Lumapit siya.

"Ash pakiramdam ko may kinalaman si Denise --"

"Venise ang pangalan niya." Pagputol ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

Pabulong siyang sumigaw.

"Ash baliktarin man natin ang mundo, si Denise Villaverde yan! Ang pinaglaruan! Ang palamuti! Ang pina--"

Binagsak ko ang platong hinuhugasan ko sa biglang pag-alab ng galit sa kaloob-looban ko.

"Philip kung naduduwag kang humarap sa libingang ikaw naman mismo naghukay, umalis ka na dito at magtago-tago ka nalang!"

Napinta ang gulat at di pagkapaniwala sa mukha niya. Bumuka ang bibig niya, akmang may sasabihin siya ngunit pinili niyang itikom ang kanyang bibig. Dahan dahan siyang lumayo. Inis kong pinagpatuloy ang paghuhugas ng mga plato't pinaglutuan.

"Ganyan mo pala kamahal si Denise, na kaya mong magbulag-bulagan sa isang katotohanang pinapakita na sayo." Mahina niyang sabi. Mariin kong hinawakan ang pinggan. Pinili kong tumahimik at hindi na lamang pumatol.

"Bumalik lang siya galing sa impyerno sinimulan niya nang gawing impyerno ang buhay natin." Pagpapatuloy niya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Gaano ka ba kasigurado dyan na may kinalaman si Denise? May pruweba ka ba? Nakita mo ba? Wala Philip, kaya wag kang mambintang." Mahinahon kong sabi. Inilapag ko ang huling platong hinugasan ko.

"Wag kang magulat Ash kung sa paggising mo kinabukasan, maliligo ka sa dugo mo at papanoorin mong hinihiwa niya ang mga parte ng katawan mo."

Napatigil ako. Nagsimula siyang maglakad palayo. Hindi ako gumalaw hanggang sa nawala ang tunog ng mga yabag niya. Napatingin ako sa kutsilyong bago ko lang nahugasan.

Oras na.

THIRD PERSON'S POV

Tahimik ang tinitirhan nila. Bagama't ramdam ang tensyon sa bawat sulok ng establisimyento, nanatili itong tahimik.

Nanatili sa kwarto ni Ash si Denise. Tila hindi ito mapakali. Si Philip nama'y maingat na naghahanda ng mga kagamitan -- damit, pagkain, tubig, panlaban. Mukhang may balak itong sumibat nang walang pasabi. Si Ash nama'y nagtungo sa kwarto ni Thania para makapag-isip.

Napakatahimik. Parang aakalain mong abandonado ang kanilang tinitirhan. Ngunit agad na nabasag ang katahimikan nang kumalampag ang gate.

Mabilis na tumakbo si Ash patungo sa tarangkahan. Lumabas din si Philip para tignan kong anong nangyari. Sumilip si Denise sa bintana.

Napatingin si Ash sa isang sobreng isinuksok sa ilalim ng gate. Itim ito at mukhang mamahalin. Natulala siya.

"Anong nangyari?" Tanong ni Philip bagama't ayaw niyang kausapin ang kaibigan. Hindi tumugon si Ash kaya't lumapit ito.

Napasinghap si Philip pagkakita sa itim na sobre. Ngunit inabot niya ito sa kabila ng takot at panginginig. Maingat niya itong binuksan, para bang takot na takot itong madaplisan ang balat kahit katiting. Inilabas niya ang isang matigas na papel, na mukhang mamahalin.

Nagkatinginan ang dalawa, isang imbitasyon?

Binasa ni Philip ang nilalaman ng imbitasyon.

You are cordially invited to Laketon Academy's Annual Ball!
Come and join us as we celebrate the school's 50th anniversary.
Be in your most elegant selves, and wear a mask.
Because where's the fun when you have nothing to hide?
And what is fun if we will not play?

When: December 25, 2017
Where: Laketon Academy Gymnasium
Theme: Secrets and Lies

Muling nagkatinginan ang dalawa. Ngunit hindi nila alam na may isa pa palang nakatingin sa kanila, nagmamatyag, nagbabantay, handang pumatay.

---x---

WOOOOOOOH medyo mahaba sa ayon HAHAHAHAHAH sino kaya ang nakatingiiiiiin?

Gusto ko ulit magpasalamat sa lahat ng nagbabasa ng munting fan fiction na ito, hindi niyo lang alam gaano ako kasaya sa tuwing may nag aadd ng kwentong ito sa library nila o di kaya'y nagvovote at comment, maraming maraming salamat sa inyo readers! 💗

Update next week :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro