12 Anathematize
Kinilig ako sa dami ng comments HIHIHIHI MARAMING SALAMAT PO <3 kaya eto nag update ako, biniyak ko utak ko para mag update HAHAHAHAHHAHA.
Venise/Denise's POV
Ang sarap ng tulog ko. Ang lambot ng kinahihigaan ko. Nasa langit na ba ako? Ulap ba tong kinahihigaan ko? Tipid akong napangiti. Iminulat ko ang aking mga mata sa pag-aakalang sumakabilang-buhay na ako't makikita ko na si mama ngunit bumungad ang pagmumukha ng isang lalake.
Ash Flores.
Nakangiti siya at nakahiga sa hinihigaan ko. Sa hinihigaan ko...
Agad akong bumangon at biglang nahilo. Pilit kong iniiwas ang mukha kong nag-init. Natulog kami sa iisang kama?
"Venise?" tawag niya. Pinilit kong hindi lumingon.
"Ah, sorry nakitulog ako, sumakit likod ko sa banig." pagpapaliwanag niya. Nakunsensya naman ako. Pakiramdam ko'y naging pasanin niya ako.
"Ako na matutulog sa banig bukas." mahina kong sabi. Agad siyang bumangon at pakiramdam ko'y tinignan ako nang maigi.
"Hindi, okay lang, ako na. Sadyang sumakit lang likod ko kasi may sugat." sabi niya. Tiningnan ko siya. Nakangiti pa rin siya. Di ko nanaman napigilan ang mga paru-paro sa tiyan ko na magwala.
Pinatay niya ako.
Napaiwas ako ng tingin nang bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo. Pumikit ako at marahang huminga ng malalim.
"Anong oras na?" Tanong ko nang dumilat ako. Nakatingin pa rin siya sa akin. Mata sa mata.
"Hmmm." Tumingin siya sa relos niya. "Quarter to 9. Magluluto ako ng almusal." Sabi niya. Napailing na lamang ako.
Hinilot ko ang kumikirot na parte ng ulo ko pagkalabas niya ng silid. Hindi pwedeng sumakit ang ulo ko ngayon.
Madami pa akong dapat gawin.
ASH'S POV
"Anong ningingiti-ngiti mo dyan Abo?" Tukso ni Philip. Siniko ko ang gago.
"Psh."
Ni hindi ko nga namalayan na nakangiti pala ako. Tss. Biniyak ko ang mga itlog at nagsimulang magprito.
"Tulog pa si Thania?" Tanong ko. Nagkibit ng balikat si Philip.
"Hindi ko pa nakitang bumaba." Sagot niya habang nagtitimpla ng kape.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pinadala sa akin ang ulo ni Nurse Tin. Si Nurse Tin pa na kinikilalang nanay ni Denise na iniisip na siya'y si Venise. Isa ba itong babala? Anong pinapahiwatig nito sa akin? Sa amin?
Hindi pa tapos ang laro?
"Pre nasusunog na yung itlog." Agad akong napabalik sa realidad. Umuusok na ang kusina dahil sa nasunog na prinito ko. Pinatay ko ang gasul.
"Hindi ka marunong magluto?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Denise. Tinitigan ko siya. Mata sa mata. Wala ba talaga siyang maalala? Kahit konti?
Imposibleng wala. At kung may naaalala nga siya... bakit wala pa siyang ginagawa?
Teka, ano ba ang dapat niyang gawin? Ang maghiganti?
"Ash?" Tawag ni Denise. Napailing ako saka siya nginitian.
"Magluluto lang ako ng bago." Tipid kong sabi. Umupo siya sa mesa kaharap ni Philip.
"Gisingin ko lang si Thania." Paalam ni Philip. Agad siyang umakyat sa hagdanang patungo sa kwarto ni Thania.
Tahimik akong nagluto. Wala rin namang imik si Denise. Hindi ko mapigilang mapag-isip muli. Paano kung... tama si Thania? Paano kung nandito si Denise para maghiganti? Para isa-isahin kami? Hindi... Inalagaan siya ni Nurse Tin -- Si Nurse Tin ang nagturo sakanya dito. Ngunit bakit?
Bakit siya tinago ni Nurse Tin?
"ASH!" Sigaw ni Philip. Agad kong pinatay ang gasul. Napatayo naman si Denise.
Mabilis na nakababa si Philip; namumutla at nanginginig. Matamlay siyang nagsalita.
"Ash... wala na si Thania."
---x---
Anathematize : to pronounce an anathema upon.
SYET HAHAHAHHAHAHA HELLOOOOOO, maraming maraming salamat ulit sa mga nagcocomment, natats ako ❤️ maraming salamat din sa mga nagvote ng mga kabanata 😍 next update siguro next week 😊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro