Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue


Andie's POV


"Masyado na pong gabi, princess. Ayokong napupuyat ka," sabi niya.

Napangiti ako sa pagtawag nya sa akin ng princess.

Kunsabagay, may dalawang oras na yata kaming nag-uusap sa phone. Anyway, weekend naman.

"Di lang gabi 'no! Konti na lang, madaling araw na kaya. Daldal mo kasi!"

Tinawanan nya lang ako nang mahina.

"Sige, bye na," paalam ko.

"Andz, don't forget to tell your mom, ok?"

"Oo, kulit. Sya, sya!goodnight!"

"Okay, g'night!"

Inilayo ko ang cellphone ko sa tenga para pindutin ang end call button....

"Ahm...Andz....." tawag nya uli.

"Oh, may nakalimutan ka na namang sabihin? Baka abutin uli tayo ng another two hours," biro ko.

"Ahm....." nanatili lang syang tahimik sa kabilang linya.

"Ano na?" untag ko.

Huminga sya ng malalim, "Wala....basta. Sweet dreams, princess!" malambing nyang sabi.

May init na gumapang sa dibdib ko sa huli nyang sinabi at kung paano nya iyon sinabi.

===============

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b1ca