9 Challenger
SOBRANG low batt na talaga ang energy level ko after ng choir practice namin. Tumaas lang ito nang bahagya dahil may surprise sila sa aking personalized birthday cake after. Akala ko nga ay walang nakakaalam sa kanila na birthday ko nung Saturday dahil wala naman akong pinagsabihan.
Gusto ko sanang i-share sa kanila yung cake pero tumanggi na sila dahil gusto na rin nilang magsipag-uwian.
Bitbit ang box ng cake, lumabas na ako ng multi-purpose hall. Dito na kami nagpa-practice dahil kailangan namin nang mas malaking area habang sumasabay sa kanta namin ang dance troupe. Yun mismong program kasi ay gaganapin sa soccer field. Magtatayo daw doon ng stage by Thursday.
Umuwi na ang mga kaibigan ko dahil magre-review daw sila sa quiz namin bukas sa Statistics at isang major subject. Di pa ko nakakalayo sa pinto ng hall nung may tumawag sa akin.
Paglingon ko, si Kuya Bong.
"Ay, Kuya Bong! Umuwi na si Sarah. Nagpasundo na sa driver nyo. Di ka ba tinext?"
"Ahm, ikaw talaga ang hinihintay ko."
"Ha?!"
"Sabi kasi ni Sarah, wala ka raw sundo today. Isasabay na lang kita." nakangiti nyang sabi.
"Ah...eh..."
Teka, di naman kami close nito ah.
Kinuha nya yung cake sa kamay ko, "Let's go."
Napasunod na lang ako sa kanya papunta sa parking ng campus. May ilan kaming nasalubong na estudyante na kandahaba ang mga leeg sa pagsunod ng tingin sa amin.
Kilala rin kasi si Kuya Bong sa campus. Dati itong captain ng school basketball team. Huminto lang noong magkaroon ng injury at di na bumalik after alisin yung semento nya sa paa.
Kwento ni Sarah, nabarkada na ito sa isang grupo ng mga senior batch na mahilig mag-party after nun.
Sabay na kaming sumakay sa chevvy nya. Tahimik kaming bumiyahe.
"Gusto mo mag-music?" basag nya sa katahimikan.
"Di na. Okay lang ako."
"Gusto mo mag-drive thru tayo sandali?"
"Wag na, Kuya Bong. Hinihintay ako sa bahay. Minsan lang naming makasama si Papa sa dinner," sagot ko.
"Ah, oo nga pala. Andyan ang Papa mo,"
Tumikhim sya, "Andie, di mo naman tinatawag na kuya si Kho, di ba?"
"Kho? Si Aris?"
Tumango sya.
"Hindi. Bakit?"
"Magka-batch lang kami nun. Wag mo na rin akong tawaging kuya. Naiilang kasi ako."
Napatikhim ako. May something sa request nya.
"Okay," alanganing kong pagsang-ayon.
Cricket moment na naman kami .... Kri...kri ...kri...
This long silence is making me uncomfortable.
"Bakit di mo dala yung bago mong kotse?" open nya uli ng conversation.
"Di pa ko marunong mag-drive," sagot ko.
"Gusto mo turuan kita?" alok nya.
"Naka-enrol na ko sa driving school. Next week ang start ko."
"Ah," yun lang at di na sya uli nagsalita.
Nagpasalamat ako sa kanya pagdating sa tapat ng gate namin, pero bumaba rin sya.
"Babati lang ako sa parents mo," ang sabi.
Medyo nagulat si Nida nung pagbuksan kami ng gate, "Ay, asan si Aris?"
"May practice. Si Kuy... si Bong nga pala, kuya ni Sarah," pakilala ko.
"Ah, oo. Andito sya nung birthday mo, di ba?"
Ngumiti lang ako kay Nida.
Pagpasok namin sa bahay, pareho ang reaction sina Mama, Papa at Juno.
Nagmano ako sa parents ko at pinakilala si Kuya.... Uhm...Bong pala, sa kanila.
Tsk! Di talaga ako sanay tawagin sya nang ganun.
Sinabi ko rin kung bakit wala si Aris.
"Dito ka na maghapunan, iho," paanyaya ni Papa.
"Uhm, sige po. Salamat."
Inakyat ko lang sa kwarto yung gamit ko at nagbihis sandali. Pagpanaog ko, naghapunan na kami.
"Ikaw yung kapatid ni Ate Sarah, di ba?" tanong ni Juno sa kalagitnaan nang pagkain namin.
Tumango naman ang bisita namin.
"Bakit mo hinatid si Ate Andie?"
Teka, bunso ito pero parang sya ang tatay kung magtanong.
Lihim akong napangiti kasi protective si Juno, nagmana kay Papa.
Nakatingin silang tatlo kay Bong at naghihintay ng sagot.
Ako naman, nakatingin lang sa plato ko.
Binaba niya ng kutsara at tinidor sa pinggan nya.
"Uhm... Sir –" tumingin sya kay Papa.
Bigla kaming nakarinig ng isang maikling busina mula sa labas. Sandali lang, pumasok si Aris sa sala diretso sa dining room.
Halatang nagulat sya nung makita nyang kasalo namin si Bong sa hapunan pero nagawa nya pa ring bumawi.
"Good evening po, Tito, Tita," bati nya.
"Kain," yaya ni Mama.
Tumango ito tapos kusang kumuha ng kubyertos at pinggan nya sa dishboard.
Feeling at home talaga si Kumag!
Umurong ako para magkaroon sya ng espasyo sa bilog naming mesa. Napagitnaan nila ako ni Bong.
Tinuloy namin ang pagkain nang tahimik. Pagkatapos nun, di na ako pinatulong ni Juno sa pagliligpit ng pinagkainan para asikasuhin ang mga bisita ko.
Pinaghanda namin ni Mama ng kape si Papa, Aris at Bong na nagsipagtungo sa sala. Pinaghiwa ko rin sila ng cake na bigay ng choir group namin. Ako nang naghatid nito.
Inabutan kong nagkukuwento si Papa sa dalawa tungkol trabaho nya sa Mindanao.
"Pa, tugtugan kita," nakangiti kong sabi at naupo sa tapat ng piano.
"Sige,'nak. Na-miss ko na yan."
Tinimpla ko sandali ang teklado. Lumabas ng kusina si Mama nung marinig nyang tinitipa ko ang theme song nila ni Papa na Somewhere in Time at sinabayan ko nang pagkanta.
Naupo si Mama sa tabi ni Papa. Napangiti ako nang magkayakap silang nakikinig sa akin. Nakita ko rin ang kapatid ko na huminto sa puno ng hagdan para makinig.
This is one of the moments I will treasure forever.
Pagkatapos ay sinara ko na yung piano at bumaling sa mga bisita kong mga nakangiti. Nag-make face ako kay Aris at nilahad ko ang isang kamay ko sa kanilang dalawa na nakabukas ang palad.
"Oy, bayad nyo sa pakikinig. Nanay at tatay ko lang ang libre dun," biro ko.
"Sige ba," ganting biro ni Bong.
Ngumiti lang si Kumag. Kanina pa ito hindi nagsasalita.
Pagkaubos ng kape, nagpaalam na rin si Bong.
Atas ng kagandahang-asal, hinatid ko sya sa may gate namin.
"Thank you for the dinner and coffee with concert," tipid na ngiti nyang sabi.
"Salamat din sa paghatid. Ingat sa pagmamaneho," sagot ko at kumaway na.
Pagharap ko sa pinto, nakita kong seryosong nakatingin sa akin si Aris habang nakatayo sa may pinto at bahagyang nakasandal sa hamba.
"'Ris, may problema ba?" untag ko sa kanya paglapit ko.
Umiling lang siya, "Nagpaalam na 'ko kina Tito. Una na ako."
Sinabayan ko sya paglabas ng gate hanggang sa kotse nya pero di agad sya pumasok. Nakatayo kami sa tabi ng kotse nya sa may driver seat side.
"Di lang ako nakasundo sa iyo, may iba na agad naghatid sa iyo pauwi," mahina nyang sabi.
"Hala, nagtatampo ang bestfriend ko!" tukso ko sa kanya. "Di ko lang matanggihan si Bong nung inalok nya akong ihatid kasi nalaman nya na wala ka nga."
"Wala na talagang kuya ha? Tsk!" naiinis nyang sabi.
"Eh sabi nya eh, tutal di kita tinatawag na kuya. Magka-batch lang naman daw kayo."
Malalim syang huminga, "Simula bukas ako na uli maghahatid sa iyo pauwi ha?"
"Parang kang ano! Wala yun. Isinabay lang ako nun. Tsaka iba sched nyo sa Falcon's this week, di ba? Chill ka lang."
"Sorry, I can't. Di ko gusto ang grupo ni Bong. Ako na ang bahalang makipagpalit ng slot sa Falcon's."
"Aris, kuya yun ni Sarah. Ni Sarah. Bestfriend ko. Wag kang mainit masyado. Di ako aanuhin nun."
"Basta, hintayin mo ako bukas, and that's final!"
Hinawakan nya ako sa batok at hinalikan sa noo.
Shemay! Please lang, wag mo ako sanayin sa ganyan!
"Alis na ko." ang sabi tapos pumasok na sya sa kotse nya.
"Uy, nagtatampo ka ba?" silip ko sa kanya mula sa bukas na bintana ng kotse.
Nilabas nya ang kamay nya at hinawakan ako sa pisngi, "Text kita pag nasa bahay na 'ko."
"Sige," matamlay kong sabi. "Ingat and goodnight."
"'G'night!"
P-in-adlock ko na ang gate namin dahil nakapagsara na rin ng tindahan si Nida. Inabutan ko pa siyang naghuhugas ng pinagkainan nya pagbalik ko sa bahay.
"Umakyat na ba sina Mama?"
"Oo," sagot ni Nida.
"Kung wala ka nang gagawin pagkatapos mo dyan, matulog ka na rin," bilin ko.
Tumango lang siya at umakyat na ako. Huminto ako sa tapat ng pinto nina Mama at kumatok.
"Pasok," narinig kong sabi mula sa loob.
"Ma, pwedeng paistorbo," mahina kong sabi.
Nakahiga na sila pero may hawak na libro si Mama at nagbabasa habang nakaunan sa balikat ni Papa. Nakapikit na si Papa pero alam kong gising pa sya.
"Ay, ano pa nga bang ginagawa mo?" biro ni Mama.
Naupo ako sa gilid ng kama sa side nya pero wala akong masabi. Huminga lang ako nang malalim.
Binaba ni Mama ang binabasa nya at mataman akong tiningnan.
"Dalaga na ang panganay ko. May mga dumadalaw na sa bahay. Ganda ng lahi natin 'noh?" biro uli ni Mama.
"Si Mama," nakanguso kong sabi.
Ngumiti sya.
"Ayan nga oh. Kahit di ka magsalita, alam ko, nag-iisip ka. Malamang nalilito ka na," hinaplos nya ang buhok ko.
"Galing tumayming nung isa eh. Magsasalita na sana yung una, naudlot," sumabat si Papa.
Humagikgik si Mama sabay hampas nang mahina sa tyan ni Papa. Sabi ko na gising pa ito eh.
"May sinabi na ba sa iyo?"
"Ha? Sino po?"
"Tsk! Parehong mahina," tumawa nang mahina si Papa pero nakapikit pa rin.
"Wag mo na munang isipin yan. Matulog ka na kung wala ka namang gagawing assignment," taboy ni Papa sa akin.
"Gusto ko nang masolo Mama mo. Istorbo ka --- Aw!" sinundot sya ni Mama sa kili-kili.
Natawa ako sa lambingan ng matatandang ito.
"Sige po," humalik ako sa noo nila pareho. "Goodnight!"
Pagpasok ko sa kwarto, hinagilap ko agad ang cp ko. May message ako ... pero galing kay Bong.
Nagpasalamat uli sa dinner at nagsabi na nakauwi na sya. Malamang si Sarah ang nagbigay ng number ko.
Pero... wala pa ring text si Kumag. Tsk!
Tinawagan ko si Sarah.
"Beeeessss!!!" Tili nya sa kabilang linya di pa man ako nakakapag-hello.
Nailayo ko tuloy yung cp sa tenga ko.
"Hoy! Mapatiran ka ng ugat sa leeg," sita ko.
"Andito si Kuya, gusto mo kausapin? Sabi nya, dyan sya nag-dinner sa inyo pagkahatid sa iyo," nahihimigan ko ang panunukso sa boses nya.
"Tongek, hindi! Ikaw ang kakausapin ko dahil dyan."
"Ah, kasi tinanong nya sa akin kanina dahil nakita namin si Aris na umalis. Eh, ayun, sabi ko pareho kayong may practice kaya malamang mag-isa kang uuwi," imporma nya sa akin.
"Malamang, ikaw din nagbigay ng number ko," bintang ko sa kanya.
"Ehehe," guilty nyang pagtawa.
"Bes," untag ko, " Ano bang nasa isip ng kuya mo? Ayaw na rin nyang magpatawag ng kuya sa akin. Bong na lang daw. Ayoko mag-assume."
"Wala ba siyang sinabi?"
"Wala...ahm..parang, kanina kay Papa sana. Ay ewan! Bigla kasing dumating si Aris sa bahay. Alam mo na naman yun. Feeling at home sa amin."
"Ano?! So, nag-abot sila ni Kuya sa inyo?"
"Oo nga. Kulit! Naka-unli ka ba? Paulit-ulit?"
Tumawa ito.
"Seriously, Bes. Parang galit si Aris sa akin ngayon," huminga ako ng malalim. "Dapat kanina pa yun nag-text na nakauwi na sya."
"Aaayyiiii!!! Dalaga na talaga Bessie ko! Sobrang affected sa boy besfriend nya," irit nito.
"Hirap kasi sa inyong dalawa, ayaw nyo pa aminin kahit sa sarili nyo na lang. Ang e-echos nyo!" sermon nito.
Hindi ako nakakibo. Siguro nga in denial ako. Masyado kong pinapahalagahan ang pagkakaibigan namin ni Aris. At ayokong mag-assume. Kaya ayokong i-entertain yung feelings.
"Kawawa naman ang kuya ko."
Para akong nagising sa saglit na pagmumuni-muni nung marinig ko ang sinabi ni Sarah.
"Ha?! Bakit?"
"Wala!" biglang sabi pero narinig ko na huminga sya nang malalim.
"Nag-review ka na ba para sa quizzes natin bukas?" pag-iiba nya ng usapan.
"Medyo. Mas gusto ko pang matulog na."
"Hay, ikaw na ang matalino! O sya, bukas na natin ituloy ito. Kanina ka pang umaga haggard. Magpahinga ka na. G'night, Bessie!"
"Night, Sars! Thanks sa pakikinig!"
"Sus! Sige, bye!"
Saktong pag-pindot ko sa end call button, nag-ring ang phone ko.
Si Aris!
"Hello! 'Ris?"
Di agad sya nagsalita.
"Kanina pa busy ang phone mo. Sino'ng kausap mo?" sabi.
"Si Sarah, tinawagan ko."
"Pinag-usapan nyo si ... yung kuya nya, 'no?"
"Hindi. Yung dalawang quizzes namin bukas," napakagat ako sa labi.
Well, di naman ako nagsisinungaling ... edited lang.
"Si Castillo ba'ng nagbigay nung cake sa iyo?"
Alam ko, si Bong ang ibig nyang sabihin. Castillo kasi ang apelyido nina Sarah.
"Bigay ng choir group. Surprise nila sa akin. Nakauwi ka na?"
"Uh-huh,"
"Kanina ko pa hinihintay text mo. Akala ko kung ano na nangyari sa iyo," sumbat ko. "Galit ka ba?"
"Hindi. Pagod lang ako. Ahm, sige na."
"Okay. 'night," paalam ko.
"Good night, Andz...ko," mahina kong narinig yung huling salita na sinabi nya pero dial tone na agad ang kasunod.
Tumunog ang phone ko uli.
Text message lang ... from Aris.
Matulog ka na. Wag ka mag-alala, di ako galit. Nagseselos lang.
Shemay! Nagpa-palpitate na naman ako!
==============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro