Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7 Papa

Pagbaba namin, kumpleto na ang mga kaibigan ko plus si Kuya Bong.

Nasa sala na rin si Juno na nakasabit sa leeg ang DSLR namin. Sya ang nag-volunteer na photographer tonight.

Si Rika ang unang nakakita sa amin pagbaba ng hagdan.

"Andie! Happy birthday!" hiyaw nya. 

Napalingon lahat sila at napangiti nang maluwang matapos mapababa ang tingin nila sa kamay namin ni Aris na magkahawak. 

Pasimple akong bumitaw.

Bumeso sila sa akin at inabot ang mga regalo nila.

"Happy birthday, Bes!" salubong sa akin ni Sarah. 

" Wow, ang ganda ng kwintas mo ah!" bulalas nya.

"Yung kwintas lang talaga ang napansin eh," biro ko.

"Siyempre, lalo ka na. Nagniningning pa nga mga mata mo," ganti ni Sarah.

"Oo nga, pati si Boyfie," banat ni Sam. 

Inirapan ko nga.

Nakita kong tumayo si Kuya Bong at lumapit sa akin. Akma syang bebeso pero inakbayan ako ni Aris pahapit sa kanya kaya naudlot.

"Happy birthday, Andie. Pasensya na at sumabit ako," sabi na lang nya at may inabot na maliit na regalo.

"Okay lang yun. Salamat!" sabi ko. 

Inilagay ko ang mga regalo sa center table na inurong namin kanina sa tapat ng TV. 

"Dun tayo sa garahe," yaya ko.

Andun na rin pala ang mga miyembro ng Silent Scream, minus si Maddie. Sine-set up nila yung pwesto ng mga gitara at cajon beat box sa may garahe. Napansin kong binuksan na nila nang tuluyan ang gate, hindi lang basta ang pedestrian passage.

"Ayun na ang bagong muse ng banda! Happy birthday!" bati ni Jeff pagpunta namin sa garahe.

Bumati rin sina Erol at Mike. Nung lumapit sila, 

"O, wag na bumeso. Nakabati na kayo!" saway ni Aris.

"Grabe namang guardia sibil ito," reklamo ni Mike. 

Nagtawanan kami.

"Salamat! Talagang kinarir nyo ang live band sa birthday ko ah!"

"Ikaw pa, malakas ka sa 'min," sagot ni Erol.

"Bagay na bagay ah," si Jeff.

"Alin? Sila?" tanong ni Sam na nakaturo sa amin.

"Yung kwintas na regalo ni Aris," sabi ni Jeff.

"Aaahhh....!" Sabay-sabay na sabi nina Sarah, Rika at Sam.

"Kaya pala suot agad. Special kasi," dugtong pa nung tukling.

"Syempre, basta si Andz ko! Di ba, Andz?" sabi ni Aris, sabay akbay na naman sa akin.

"Ehehe...'" Parang nag-cramps ang tyan ko. 

Wala akong ibang masabi. 

"Gusto nyo bang mag-dinner na? Nasa kusina yung buffet table. Tara!" segue ko.

Bumalik kami sa harap ng bahay pagkatapos makakuha ng pagkain. Sa iisang mesa na lang kami naupo. Napagitnaan ako ni Aris at ni Kuya Bong.

Ilang sandali lang, nagdatingan na rin ang mga piling imbitadong mga kapitbahay. Nag-excuse ako sa mga kaibigan ko para salubungin ang mga dumating na bisita. Walang katapusang batian at pag-aabot ng regalo sa may gate ang nangyari. Nilapitan ako ni Aris para kunin ang mga hawak kong regalo at siya na ang nagpasok sa loob.

Dumating na rin ang dalawang kaibigan ni Juno. 

"Ate, happy birthday," sabay abot ng regalo sa akin nina Ian at Janet.

"Salamat. Halika, pasok kayo. Tatawagin ko si Jun," wika ko at giniya ang dalawa sa table katabi ng mga kaibigan ko. 

"Sandali lang ha?" paalam ko sa kanila.

Lumabas na rin ang kapatid ko para estimahin ang mga bisita nya.

Naging busy na rin sina Mama at Nida sa pagsigurong may laman ang bawat bandehado sa buffet table. Mabuti na lang at may dalawang babae sa katanghaliang edad ang kinontrata ni Mama para mag-assist para sa birthday ko. Nagkaroon ako nang mas maraming pagkakataon na makaupo sa pwesto ng mga kaibigan ko. 

Hindi rin magkamayaw sa pagkuha ng pics si Juno. Kanya-kanya rin kaming picturan gamit ang mga phones namin.

Nadagdagan na ang ingay namin. Maya-maya, tumayo na sina Aris sa harap. Tumikhim sya para makuha ang atensyon ng mga bisita.

"Good evening po! Mga kaibigan po kami ni Andie. Uhm, kami po ang tutugtog para sa party nya ngayon. Mamaya po, pwede po kayong mag-request ng kanta. Wala po tayong problema dyan basta alam namin." 

Nagtawanan kami nina Sarah at nagpalakpakan naman ang ibang bisita. Lumabas na rin ang iba pa galing sa sala pati sina Mama. 

Tingin naman ako ng tingin sa gate kasi pasado alas-siete na wala pa si Papa. Nagpipigil ako ng luha. 

Asan na ba sya?

Tinawag ako ni Aris sa harap at kinantahan nila ako ng birthday song. Pagkatapos ay tumugtog na sila at si Mike ang sa vocals. Pagkatapos ng pangalawang tugtog, tinawag ako ni Aris para ako naman ang kumanta. Lalong nagkaingay ang mga bisita. 

May magagawa pa ba ako, eh moment ko ito at hilig ko.

Saktong pag-abot sa akin ng mic ni Aris, may humintong pulang Honda Civic at isang open humvee na may mga sundalong sakay. N

apatingin kaming lahat sa labas. Bumukas ang pinto driver's seat at lumabas si Papa na naka-camouflage pa. 

 Kumaway sa akin.

"Papa!" sigaw ko. 

Binitawan ko yung mic. Tumakbo ako kay Papa at yumakap. Sinalubong din ako ni Papa nang mahigpit na yakap. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Tumawa nang malakas si Papa pati ang mga kasama nyang sundalo.

"Akala ko, iindyanin nyo birthday ko," maktol ko habang umiiyak at tumatawa. Alam mo yun, mixed emotions.

"Pinaiyak mo dalaga mo, mistah," may narinig akong nagsabi.

"Naku, kanina pa di mapakali yang dalaga mo," segunda ni Mama. 

Nasa likod ko na pala silang dalawa ni Juno. Nag-group hug kaming apat.

Nagpalakpakan mga bisita namin at may narinig akong sumipol.

"Tito Ernie, kumpleto na birthday ni Andz!" hiyaw ni Aris. 

Nag-thumbs up si Papa kay Aris bago kumalas na sa amin.

"Happy birthday, Andromeda," paglingon ko, si Ninong Arthur, ang bestfriend ni Papa at ka-mistah nya.

"Ninong Art!" yumakap din ako sa kanya. "Grabe, binuo nyo pa talaga yung pangalan ko, 'Nong!"

Natawa pati yung apat pa nilang kasamang sundalo. Pinakilala sila ni Papa sa amin.

May niyuko si Papa sa loob ng Honda. Pagtayo nya, may hawak syang dalawang bouquet. Inabot ang isa kay Mama, at sa akin. 

"Happy birthday, anak!" 

Napaiyak na naman ako. May idinikit siyang white gift topper sa ibabaw ng Honda. 

"O, eto na yung pangako kong kotse! Hindi kayang ibalot, ribbon na lang!" pakenkoy nyang sabi.

"Toyota lang sabi ko, Honda pa kinuha nyo," umiiyak kong sabi pero ngiting-ngiti rin.

Sinigurado ni Juno na ma-capture sa camera ang nagyayari. 

"Ang pangit mo umiyak sa pic, Ate!" tukso nya sa akin.

May inabot sa aking sobre si Ninong Art, "Etong regalo ko sa 'yo. Fully paid na iyan."

Pagbukas ko, enrollment paper sa isang driving school. 

"Thanks, 'Nong!" hinalikan ko sya sa pisngi.

"Syempre, panganay din kita eh!" sabi pa nito at bahagyang ginulo ang ulo ko.

Pareho namin syang ninong ni Jun. Bunso nya rin daw ang kapatid ko. Wala kasing syang anak. 

"Ay, halina kayo sa loob at nang makakain," yaya ni Mama. 

Magkaakbay silang pumasok sa loob kasama kami. Bumati si Papa sa mga bisita. Nagmano naman si Aris at Sarah kay Papa. Tinapik sila ni Papa sa likod isa-isa. Napadako ang tingin ni Papa sa table ng mga kaibigan ko. 

"Oh, gumaganda tayo ah," biro nya kay Sam. 

Namula si Tukling. Haha!

"May live band kayo? Umaasenso na ha," puna ni Papa.

"Good evening po," sabay-sabay na bati nina Mike, Erol at Jeff. 

Naks! Biglang kababait ng mga aura ah!

"Mga kabanda ko po, Tito Ernie! Regalo po namin kay Andz yang tugtugan ngayon!" ngisi ni Aris.

"Ah, mabuti naman. Salamat! Pasok muna kami. Tuloy nyo lang iyan." 

Pumasok na kami sa loob.

Umaatikabong kamustahan ang nangyari. Nang makakuha ng pagkain sina Papa, niyaya ko silang sa labas na pumuwesto para ma-enjoy nila ang pagtugtog nina Aris.

Inilabas na rin ni Mama yung cake ko para sa blowing of candles. Nagbigay nang maikling message sina Papa at Mama sa mga bisita at sa akin.

"Salamat sa pagbibigay ng oras makisaya sa maliit na kasiyahan ng pamilya namin. Kay Andromeda," napanguso ako ng binuo ni Papa ang pangalan ko.

"Anak, dalaga ka na. Pwede ka na siguro naming payagan magpaligaw basta yung manliligaw mo, magaling umilag sa bala," nagtawanan kami.

"O yung isa dyan magpractice na sa pag-ilag," sabi ni Rika. 

Nagsikuhan sila at nagtawanan. Nilalaglag nila ako sa harap ng mga magulang ko. 

Ang mga talipandas! Kanina pa ko namumula sa kinauupuan ko!

"Feeling ko, dalawa," sabat ni Sarah. 

Napalingon kami kay Sarah at nagkibit-balikat lang sya. Napansin kong naka-smile  si Kuya Bong kaya napakunot ang noo ko. 

Nag-poker face naman si Aris.

"Andie, lagi mong gagabayan ang kapatid mo at aalalayan si Mama mo. Alam mo namang palagi ako sa malayo. Maging lakas kayo nang isa't-isa kapag wala ako. At palagi mong pagbubutihin ang pag-aaral dahil iyan ang pamana namin sa inyo ng Mama nyo na di maaring tumbasan nang kahit ano. Mahal na mahal kita, anak! Kayo nina Juno at Mama mo," gumaralgal ang boses ni Papa. 

Inakap siya ni Mama mula sa likod. At simpleng nagpapahid ng luha si Juno habang kumukuha ng pictures. Nakita ko naman si Aris na vinideohan ang speech ni Papa.

Nung ako na ang magme-message, naiyak ako di pa man ako nakakapagsalita. 

Nilapitan ako ni Aris at inabutan ng panyo.

"Aaayyyiiiiee!" panunukso ng mga bisita, pasimuno ang mga kaibigan namin ni Aris. 

"Bume-bespren daw oh!" habol pa ni Sam. 

Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Salamat po sa pagpunta sa simple kong party. Sa mga kaibigan ko lalo na sa dalawa kong bestfriends. Kay Juno, Papa at Mama! Wala akong masabi sa pagmamahal at suporta nyo sa akin."

"Ay kami, suporta lang...ewan namin si Aris!" hiyaw ni Jeff. 

Nagtawanan sila. Napapakamot na sa batok si Aris kasi nakatingin na sa kanya si Papa pero nakangiti naman.

Pagkatapos nun, tumugtog na ang Silent Scream at salitan kami ni Mike sa vocals. May duet din kami. Tuwang-tuwa ang mga bisita lalo na yung mga sundalong kasama ni Papa. Kumanta rin si Papa, si Ninong Art at isang kasama nilang sundalo. Natatawa nga kami kasi kinapa lang nina Aris sa gitara yung chords dahil di nila masyadong alam yung piyesa.

Di nagtagal, nagpaalam na ang iba naming bisita. Mga kaibigan ko at ni Papa na lang naiwan. Umakyat na si Juno para magpahinga. Dahil gumagabi na, acoustic guitar at yung cajon box na lang ang ginagamit namin. 

Nagpabili si Papa nang tatlong case ng beer tapos naglabas si Mama nang maraming pulutan. Binigyan ni Papa nang tag-iisang bote ang mga kaibigan kong lalaki tutal lahat sila ay di na menor de edad. Sandali lang naman nila itong naubos at tumanggi na sa sunod na alok ni Papa.

Sumabay ako kay Mama pagpasok sa bahay. Napansin kong malinis na sa kusina at sala. Naibalik na sa ayos ang mga sofa. Yung sa garahe na lang ang lilinisin bukas.

"Ma," tawag ko. "Paano na yung sa banda? Gusto ko sanang i-take yung opportunity na birthday ko ngayon para pumayag si Papa."

Napangiti si Mama, "Ikaw talaga. E di kausapin mo ngayon sa labas. Andyan si Ninong Art mo. Kakatigan ka nun!"

Napanguso ako. Kinakabahan kasi ako kaya. Napangiti na lang si Mama.

"Sus! Halika!"

Hinatak ako ni Mama palabas. "Hon, may sasabihin daw yung birthday girl sa iyo."

"Ano 'yon, Andie? May nobyo ka na?" sabay tingin din kay Aris.

"Si Papa, nakakainis!" angal ko. 

Nagtawanan yung mga nakarinig.

"E ano nga? Bilis ka. Paglampas nang alas-dose tapos na birthday mo," birong banta ni Papa.

Huminga ako nang malalim at tumingin kay Aris. "Kasi, Pa, ano... Kailangan nina Aris nang babaeng bokalista sa banda," tumaas ang kilay ni Papa at ni Ninong Art.

"Si Andie po ang napipisil naming kunin, Tito. Magaling po siyang kumanta at maganda ang boses nya," suporta ni Aris sa akin. "Narinig nyo naman po kanina. Ilang beses."

  Nakita kong pigil din ang hininga nina Jeff, Erol at Mike.  

"Tito, mababait po ang mga magiging kabanda ni Andie," hirit din ni Sarah.

"Anak, dami mong abogado ah," biro ni Ninong Art. 

Natawa si Mama.

"Kaya mo ba itinigil ang piano lessons mo?" si Papa.

Saglit akong natigilan. "Nakuha ko na po yung mga dapat kong malaman sa pagpi-piano, Pa. Mas gusto ko ang kumanta."

"Paano ang choir at pag-aaral mo?"

"Hindi ko po pababayaan. Kilala nyo naman ako, Pa." 

Nakita kong nagsisikuhan sina Rika at Sam. Tila gusto rin nilang tumulong sa pagkumbinsi kay Papa. 

"Tito, minsan lang naman po kaming may gig sa mga clubs kapag may pasok sa school. Mas madalas po kaming tumugtog sa mga campus events kapag ganung panahon. Tsaka babantayan namin si Andz. Apat kaming barakong kasama nya. Andyan pa sina Sarah," segunda ni Aris. 

Alam kong kinakabahan din siya.

"Pag-iisipan ko. Malalaman mo ang desisyon ko sa susunod na uwi ko."

Napaungol ako. "Paaaa! Naman eh!" 

Napapadyak pa ako nang bahagya. Napansin kong nagpipigil ng ngisi sina Ninong Art at mga kasama nya.

"Ninong....." hingi ko ng tulong.

"Wag mo na asarin, dela Cruz. Birthday na birthday eh," si Ninong Art.

"Ano ba'ng sabi mo dito, Hon?" baling ni Papa kay Mama.

"Okay lang sa akin. Ikaw na lang ang hinihintay nyan," sagot ni Mama.

Tumayo si Papa at inakap si Mama. "Eh ano pa bang magagawa ko? Pumayag na pala Kumander ko."

"Hoy, Ernie! Andaming tao," saway ni Mama. 

Ang sweet talaga nila. Kaumay!

"YES!" sigaw ko. 

" Thanks po!" Sabay yakap kina Mama. 

Nakita kong nag-apiran ang mga kaibigan namin ni Aris. Nagtama ang paningin namin at nag-thumbs up ako sa kanya.

Bago mag-alas onse, nagpaalam kami kina Papa na ite-test drive yung Honda. Pinagpaalam ako nina Sarah na aabutin kami ng umaga dahil manonood kami ng sunrise sa Tagaytay. Madali namang pumayag sina Papa, dala na rin siguro na birthday ko at may tiwala sila sa aming magkakaibigan.

Si Aris ang magmamaneho nung bago naming kotse. Si Jeff at Erol, sa sasakyan ni Mike. At ang mga kaibigan ko ay sa sasakyan ni Sarah. Si Kuya Bong ang driver nila.

"Aris, yung dalaga ko ha?" bilin ni Papa at Mama.

"She's in good hands, Tito. Don't worry," assurance ni Kumag.

Masaya kaming nagbyahe. Binuksan na namin ang mga bintana pagpasok sa SLEX. 

Nauuna kami, kasunod sina Sarah at Mike.

Huminto kami saglit sa Starbucks sa Shell SLEX para bumili ng kape. Para sigurado raw na gising ang diwa ng mga drivers.

Pumasok sila sa loob ng shop para bumili. Alam naman ni Aris na mocha frapp ang gusto ko . Nagpaiwan ako sa loob ng kotse. Gusto ko pang namnamin ang feeling nang may kotse. Haha!

Nakita kong naunang lumabas si Kuya Bong pero imbes na dumiretso sa sasakyan nila, tinungo nya ang direksyon ko. Sumandal sa sya gilid ng kotse namin sa side ko.

"Oh, favorite mo raw yan sabi ni Sarah," inabutan nya ako ng cookies at mocha frapp.

Kinuha ko ang mga inabot nya, "Salamat." 

Dyahe naman kung tatanggihan ko. Ngayon lang ito nagmagandang-loob sa akin.

"Nililigawan ka ba ni Aris?" 

Medyo nagulat ako sa tanong nya. Kabatian ko lang naman sya sa school at kapag nagpupunta ako kina Sarah.

"Hindi, bestfriend ko sya. Parang lalaking version ni Sarah," sagot ko sabay kibit-balikat.

"Oh, I see," tumahimik na sya. 

Cricket moment na. Yung tipong nai-imagine ko yung .... Kri...kri...kri... sa paligid ng mga insekto.

Uhm.. may gusto bang ipaglaban itong si Kuya Bong?!

"Ah, Andie, si Papa mo b —" simula nya uli pero...

"Andz?" Si Aris. "Let's go." 

Tumango lang sila ni Kuya Bong sa isa't-isa.

Umikot sa driver's side si Aris at huminga sya nang malalim pagpasok sa kotse. Hindi nya agad ini-start ang Honda ko. Nauna na tuloy umalis yung dalawang kasama naming sasakyan. Sumenyas na lang sa amin na sumunod na kami.

"Binilhan kita ng frapp at pumpkin cake, meron ka na pala," basag nya sa katahimikan.

"Kaya ko namang ubusin lahat yan. Alam mo namang malakas akong kumain," sinubukan kong magbiro. May pagkatampururot kasi ito. 

"Nakakahiya kasing tanggihan. Ngayon lang nanlibre yung tao," dagdag ko.

Nagsimula na syang magmaneho. Tahimik lang sya.

Naku, ayoko nang ganitong aura sa paligid. 

"Uy, ba't di ka nagsasalita?" sinundot ko sya sa tagiliran. 

Napapiksi sya.

"Andromeda, nagmamaneho ako," seryoso nyang sabi.

Aray! Tinawag ako ng Andromeda. Nagtatampo talaga.

"Uy, Aris. Ano bang problema?" Hinawakan ko sya sa braso.

Kinuha nya ang kamay ko at pinagsalikop sa kamay nya nang mahigpit. Nahigit ko ang hininga ko. Wag ko na kayang inumin itong dalawang frapp. Ang taas na naman ng heartbeat rate ko eh.

"Wala, Andz. Wala. Sorry," bumaling sya sandali sa akin at matipid na ngumiti. 

==============

Don't forget to comment and vote on each chapter!

Thanks and hope you enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b1ca