53 Finally
Andie's POV
It was a very busy week for us. Everyday kaming may out of town meeting na pinuntahan ni Reid. Kasi nga yung dalawang meeting last week na na-cancel, this week ko pinilit isiningit. I want everything clean in his calendar dahil he...I mean, we will be on leave for the holidays, starting bukas. We will still attend the Christmas party at the main office but no work then sa January three na ang balik namin sa trabaho. Sasabak naman kami sa El Nido to check on the development ng pag-aayos ng Schulz Hotel and Resort pagpasok ng taon.
Nakatanggap ako ng tawag galing kay Ate Myra. Kanina pa raw nakaalis ang mga bus na naghatid sa mga empleyado papunta sa isang maliit na community under an NGO support sa outskirt ng Puerto Princesa. Ito ang napili ng admin na maging beneficiary ng gift giving event namin ngayong Pasko at dito na rin kami magki-Christmas party kasama ang mga pamilya sa nasabing community.
We hired people from the agency today to cover for us dahil naka-off lahat ng empleyado para sa Christmas party.
Ang balita ko pa, we will have a live band which they hired from Manila pa raw.
Narito pa kami sa bahay. Naghahanda pa lang para umalis. Ako ang aligaga, ewan ko dito kina Reid at Juno kung bakit tila parang nasa buwan kung kumilos. Nakaligo na kaming mag-ina. We have agreed in the office that everyone would be in a simple casual clothes para makibagay sa mga tao sa community. Kaya naisipan ko na bumili ng mini-dress at black leggings para aming mag-ina. Striped red and black kay Hope, sa akin naman ay checkered na polo long sleeved ang style. Binilhan ko rin si Hope ng katernong doll shoes, ako naman ay yung red strappy low-wedge shoes na ilang beses ko pa lang nagamit. Lumabas kaming mag-ina sa kuwarto. Tinirintas ko ang buhok ni Hope. Ako naman, nag-ponytail lang, then put on cologne sa aming mag-ina at a little make up sa akin.
Nasa labas si Juno at Reid na nag-uusap, then bigla nilang tinapos iyon nang makita kami. Ilang beses ko na nahuhuling nag-uusap ng ganito ang dalawang ito. Parang may tinatago sila sa akin, konti na lang magseselos na ako. Masyado silang close lately. Tapos, may pagkakataon this week na nakita ko Reid na may kausap sa cp nya, at tila itinatago iyon sa akin kasi lumabas pa talaga siya ng office to take the call. Hindi, hindi iyon magagawa sa akin ni Reid, lalo na ni Juno.
"Wala ba kayong balak sumama dalawa?" Nauumpisahan ko na namang mairita. Nagkatinginan ang dalawa. Pati iyon, yung mga tinginan nilang iyon, nakakaduda.
"Magbibihis na nga," sabi ni Juno. Pumasok na ito sa kuwarto niya. Nakaligo na kasi ito, di ko lang malaman kung bakit di pa nagbihis habang nasa banyo kaming mag-ina kanina.
"I'll just take a quick shower," si Reid. Pumasok ito sandali sa kuwarto namin para kunin ang mga damit niya at towel ko na ginagamit nya dito.
Nakabihis na si Juno at nasa sala nung kumatok si Ate Leleng kasama si Rina, yung anak nyang walong taong gulang. Inimbitahan rin sila ni Reid sa Christmas party namin.
Ibinilin ko sandali sa kanila si Hope. Pumasok ako sa kuwarto namin. Kinuha ko ang cp ko na naka-charge pa pati yung DSLR ni Reid.
Napaangat ako ng tingin nung bumukas ang pinto.
"Hey, what's with the poker face?" si Reid. Nakabihis na ito pero nagpupunas pa ng towel sa basa niyang buhok.
Umiling lang ako. Naupo ito sa kama katabi ko.
"Kanina ka pa yata wala sa mood," sabi nito. "Cheer up! This Christmas party was your idea." Inangat nito ang baba ko para magpantay ang mata namin.
He gave me a peck on the lips then gave me a sweet smile. Paano ba naman ako magagalit sa taong ito?
"Come, harap ka sa salamin," sabi ko. "Suklayan kita." Pumuwesto ako sa likod niya matapos kong kunin ang suklay sa drawer ko.
He let me be. Hindi ito nagsasalita. Nagtama ang mata namin sa salamin. Nakatingin sya sa akin. I raised my browse at him giving him a questioning look. He mouthed 'I love you' . Napangiti ako. Itiningala ko siya sa akin then gave him at chaste kiss while our faces are upside down.
"That's more like it," he whispered in my mouth.
"Hoy, lovebirds," si Juno kumatok sa pinto, "Tama na yan. Panis na kami dito!"
Natawa kami ni Reid. Kinuha niya sa akin yung bag ng gamit ni Hope at DSLR. Pero inabot niya kay Juno yung camera.
"As usual, ako na naman ang dakilang cameraman," nakangusong sabi ng kapatid ko. "Pasalamat ka, bet ba bet ko yung Christmas gift mo sa akin." Iningusan nito si Reid. Tumawa lang si Reid.
Binigyan ito ni Reid ng paid vacation leave kasabay ng bakasyon namin plus travel tickets going to Korea at Japan with pocket money. Pinaayos ni Reid ang passport at Visa nito. Iyon pala yung secret na sinabi sa akin ni Reid noon.
Si Reid ang nagmaneho papunta sa location ng Christmas party. Parang mini-fiesta ang itsura ng barangay compound slash basketball court ng community. Doon gagawin yung party. The community people were the ones who decorated the place. Marami nang tao. Ang catering, nasa buffet table sa gilid.
May mga tables na naka-assign sa bawat department, sa executives, community officials at mga community beneficiaries. May isang assigned table para lang sa amin nina Reid, Juno at Ate Leleng. Nagtataka lang ako kung bakit ang laki ng table at marami pang upuan na bakante sa table namin.
"Ate, ang bongga naman ng Christmas party nyo. Pangmasa pero ang daming regalo at handa," sabi ni Juno.
"Maraming nag-sponsor maliban pa sa mga galing sa hotel guests," sabi ko.
Nagkaroon ng opening prayer, tapos ang introduction ng mga officials ng community at executives ng Casa Alicia. Nagulat pa ako nung tawagin ako ni Mr. Borromeo para umakyat sa makeshift stage. May drumset doon, pero wala pa yung banda.
"This beautiful lady here is the brain of this concept," sabi nito. "SchulzAS Corporation's branches are all having the same event today because of her. We thank her for her generous thought for the less fortunate. And we present this plaque of appreciation to her as our company has been tagged to spearhead this kind of gift giving event for the holidays."
Nahihiya akong napangiti. Kinamayan ako ng mga community officials pati ng mga executives ng Casa Alicia pagkatapos nilang iabot sa akin ang plaque.
"Speech..speech!" sigaw ng mga kasama ko sa trabaho. Inabot sa akin ng emcee ang mic.
Tumikhim ako, "Salamat po ng marami. Hindi ko ine-expect na may ganito pa," inangat ko yung plaque. "I want to share this recognition to my boss, Mr. Freidrich Schulz. Without his approval, we won't be having this occassion. Thank you."
"Asus, ang lakas mo kaya kay Boss!" hirit ni Kuya Tim. Tawanan ang mga tao doon. Nginusuan ko ito nung pagbaba ko sa stage.
Sinalubong ako ni Reid sa hagdan. "I'm so proud of you, Mine!" Then gave me a peck on the lips.
"Kitam!" si Kuya Tim uli. Namula tuloy ako. Umalingawngaw uli ang tuksuhan.
Nagkaroon ng presentation ang mga bata sa community. Nagpalaro rin para sa mga ito pati sa matatanda, kasali ang mga empleyado. May ilang games na pinasali ko si Hope, yung hindi masyadong nakakapagod.
Tawa kami ng tawa sa musical chair games para sa adults. Sumali kasi si Juno. Bale kakandong yung mga babae sa mga lalaki. Grabe itong mang-agaw ng lalaking mauupuan.
"Jun, grabe ka. Wag ka mangarate ng kalaro!" sabi ni Ate Leleng. Inirapan nya ito.
Sa apple eating contest, nahila kami ni Reid para sumali as pair. Para raw ito sa mga magkasintahan at mag-asawa. Tuksuhan ang inabot naming dalawa.
"I remember something about apple eating," bulong nito sa akin.
"Reid, wag dito ha!" I hissed. Tumawa lang ito.
Hindi kami nanalo dahil hindi naman ito sineryoso ni Reid. Puro panghahalik ang ginagawa nya sa akin tuwing magsu-swing yung mansanas pagkinakagat ko.
"Hoy, apple eating contest ito! Hindi kissing contest!" sigaw ni Ate Myra. Tuksuhan at tawanan ang nangyayari.
"Ito kasi," turo ko kay Reid.
"What can I do? The apple keeps on swinging," palusot pa nito.
"Reid, nakakainis ka na! Andaming tao tapos may mga bata pa," sita ko dito. "Paano tayo mananalo?!" reklamo ko.
"Panalong-panalo na kaya ako!" sagot nito na ang lapad ng ngiti.
Pagkatapos ng games, inanunsyo na ise-serve na ang pagkain sa bawat mesa.
"Sir,andiyan na po yung banda," narinig kong sabi ng isang taga-marketing na isa sa assigned sa event organizing kay
Tumayo si Reid. Kumakain na sina Juno na siya ring katulong ko sa pag-a-assist sa pagkain ni Hope.
Napa-angat ako ng tingin ng magsalita si Reid sa may stage.
"Good evening, everyone. The band I personally invited with the help of Juno dela Cruz came from Manila. And, Drew, sweetheart," umugong ang 'uuuyyy' sa audience.
"...this is one of my Christmas gifts for you. I hope you enjoy!" nagpalakpakan ang mga tao nung isa-isa nang pumasok ang mga miyembro ng banda.
Ako naman, nanlaki ang mga mata ko at literal na nahulog ang panga ko. Naibaba ko ang kutsarang hawak ko gamit sa pagpapakain kay Hope.
"Good evening everyone!" bati ni Ate Nala at Carl! Naroon rin si Tom, Milo at Nick! Bumaba na sa stage si Reid.
Naghiyawan ang mga tao. Tumulo ang luha ko. Naramdaman ko na may humihimas sa likod ko sabay bulong. "Merry Christmas, Ate!" si Juno.
Nag-umpisa nang magpakilala si Ate Nala. Then, "We would like to invite Andie dela Cruz on the stage.She was our best vocalist before," she paused and scanned the crowd until her eyes stopped at our table. Kumindat ito sa akin. Inginuso ako kina Carl at sa iba pa.
"Common, bunso!" tawag ni Carl. Nanginginig ang tuhod ko sa tuwa. This was really unexpected. Then a handkerchief was handed to me. I looked up. Si Reid.
Kinuha ko iyon, "Mine, they're waiting for you," he said with a big smile. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila patayo.
"Kami na ang bahala kay Hope," si Ate Leleng.
Lalong naghiyawan lalo na ang mga empleyado ng Casa Alicia nung maglakad kami ni Reid papunta sa stage. Bago nya ako bitawan sa may stage,
"Sing for me, Mine! I will listen at our table with Hope," malambing nitong sabi then gave me a modest kiss on the lips.
"Thank you, Half."
"Mamaya na yang tukaan. Kantahan muna. Umaandar metro namin!" sabi ni Ate Nala. Sumabog ang kantyawan at tawanan sa mga audience.
Nagyakap kami ng mga dati kong kabanda sa stage. Pareho kaming naiyak ni Ate Nala. Yung mga boys, nangingilid din ang mga luha.
"One more night of performance, Bunso. Na-miss ka namin ng husto," sabi ni Carl. Tinapik ako sa balikat nina Milo, Tom at Nick.
"Pagpasensyahan nyo na. Wala akong practice," sabi ko nung magsisimula na kamng tumugtog.
"Sabi ni Hope, lagi kayong nagpa-practice ni Boss!" sigaw Ate Myra. Inirapan ko lang ito.
Our first set was a blast. Parang yung dati lang sa Hang Out. Ang pinagkaiba lang ay yung type of crowd. Hindi makapaniwala ang mga taga-Casa Alicia na ganito ako mag-perform sa stage. At di ako makapaniwala that I did not lose my touch on the stage. Na-miss ko siguro talaga.
After eight songs, we had our break. Bumaba kami sa stage at doon sila naupo sa may table namin. Kaya pala malaki ang table na naka-assign sa amin at may mga bakante pang-upuan, para sa kanila.
Umaatikabong kwentuhan ang nangyari sa amin. Nagtataka lang ako na hindi sila nagtanong kung bakit ako umalis bigla. Hindi rin sila nagtanong tungkol kay Hope. In-assume na nila na si Reid ang ama nito lalo na nung marinig nilang tinawag itong daddy ni Hope at kasama ito ni Reid sa pag-iikot sa mga table ng mga empleyado. Tila sinadya ng lalaki na bigyan kami ng time ng mga kaibigan ko.
"Grabe ang asawa mo, Andie! Hindi kami tinigilan hangga't hindi kami naibu-book ngayong araw na ito. Binayaran nya pa yung naunang nag-book sa amin para makuha kami dito sa Palawan. Doon kami mag-i-stay sa hotel nyo tonight. Sagot nya pati flight namin back and forth. Unfortunately, we have to go back to Manila tomorrow. May bookings pa kami pati sa mga susunod na araw," kwento ni Ate Nala.
Nanaba si Nick at Tom. Si Carl naman, ikinasal na pala sa ka-live in nya dati. Si Milo, maliban sa bagong piercing nito na ear gauging, wala namang naiba. Si Ate Nala, may bagong boyfriend.
Nahinto kami sa kwentuhan dahil talent presentation na ng bawat department at galing sa community. Hagalpakan kami ng tawa sa presentation ng mga bellboys namin na sumayaw na nakadamit na seksing pambabae.
"And lastly, before our guest band perform their next set, may we call the representatives of Mr. Schulz office. Anyway, dalawa lang naman sila doon," biro pa ng emcee.
Umakyat kami ni Reid. May naka-set up na doon na isang professional size electric keyboard. Inayos ni Reid ang stand ng mic ko at para sa kanya.
"We will be singing this song dedicated to our daughter, Hope. She loves this Disney movie and its song," sabi ni Reid.
Our daughter... inangkin na talaga niya ang anak ko sa harap ng mga tao. I smiled warmly at him nang humarap na ito sa akin.
"Reid, seryosohan ba iyang pagkanta mo?" may sumigaw mula sa executives' table.
"You wanna bet on it?" nagsalita ako sa mic. Naghiyawan ang audience.
"Parang narinig ko na iyan sa Narra room ah!" sabi ng isang empleyado.
"That's my girl!" sabi ni Reid.
I started playing the piano and sang...
All those days watching from the windows
All those years outside looking in
All that time never even knowing
Tumahimik ang audience.
I'm where I'm meant to be
And at last I see the light
And it's like the fog has lifted
And at last I see the light
And it's like the sky is new
During instrumental, "Ayan na, ayan na si Sir!" sabi ng ilang mga empleyado.
All those days chasing down a daydream
All those years living in a blur
"Ooohhh...." was heard in the crowd.
"Kaya pala mayabang din pumusta si Andie!" si Vina.
All that time never truly seeing
Things, the way they were
Now she's here shining in the starlight
Now she's here suddenly I know
If she's here it's crystal clear
I'm where I'm meant to go
"Boss namin yan!" may sumigaw uli.
Lalong umugong ang ingay ng audience nung sabay na kaming kumanta.
And at last I see the light
And it's like the fog has lifted
And at last I see the light
And it's like the sky is new
And it's warm and real and bright
And the world has somehow shifted
All at once everything is different
Now that I see you
Now that I see you
"Andie, akin na lang si Sir!" hirit ng isang medyo malusog na staff ng housekeeping.
"More ... more..." was the audience chant. Nangunguna sina Juno at Ate Nala.
"Thank you," sabi ni Reid, "Hanggang dun na lang muna. I'm reserving my voice." Sabi nito tapos binitawan na yung mic.
"Half, please stay," I told him. Napataas ang kilay nito. "Can someone give a chair or stool to our boss here on stage, please?"
May nag-akyat nga ng isang monobloc stool doon at naupo si Reid.
"This is for you, boss!" biro ko, then I started playing the piano.
Sa intro pa lang, nagtilian na ang mga babaeng nanonood.
I remember so well
The day that you came into my life
You asked for my name
You had the most beautiful smile
My life started to change
I'd wake up each day feeling alright
With you right by my side
Makes me feel things will work out just fine
Naiiyak ako sa sarili kong kinakanta. Dito ko pinapaabot kay Reid ang mga gusto kong sabihin sa kanya.
Nakita ko na parang naluluha na rin si Vina at ilang babae sa audience.
How did you know
I needed someone like you in my life
That there was an empty space in my heart
You came at the right time in my life
I looked at him. Nakatitig ito sa akin, his face serious and flushed ... and his eyes teary?
I'll never forget
How you brought the sun to shine in my life
And took all the worries and fears that I had
I guess what I'm really trying to say
It's not everyday that someone like you comes my way
No words can express how much I love you
I was still playing the ending instrumental nung magtilian uli ang mga nanonood. Napaangat ako ng tingin mula sa keyboard. Nakatayo si Reid sa tabi ko. Hindi ko na natapos ang ilang huling mga nota. He scooped my head, bent over then gave me a full kiss on the lips!
"Thank you, Mine!" bulong nya sa nanginginig na boses. Nangingilid nga ang luha nya!
"I love you!" I whispered back. That did it. Tears rolled down his cheeks. I wiped them off with my thumb.
"Hey, don't cry," I said softly.
Natawa siya, "Your fault." Pinahid nya ang natitirang luha nya. "Finally, you said those words."
"Ehem,ehem," sabi nung emcee. "I thought this is a Christmas party, bakit feeling ko, Valentine's Day?" Tukso nito.
"Iiiiiiieee!" buyo ng mga nanonood.
"Ang daming langgam dito. Ang tamis!" hirit pa nang isa galing sa community side.
Palakpakan ang mga audience, nung tumayo na ako mula sa tapat ng organ.
"Istorbo kayo," biro ni Reid. It resulted to a burst of laughter from the crowd.
"Videoke night tayo minsan, Reid!" sabi ng mga executives mula sa table nila.
Pagbalik namin sa table namin, niyakap ako ni Vina at Ate Nala. Tinapik naman sa balikat ng mga kabanda kong lalaki si Reid.
"Pwede ba kayong kumanta minsan sa amin?" biro ni Carl.
"Sige, pag may time," sakay ni Reid.
Umakyat na ang mga kabanda ko para sa next set nila. Hindi na ako sumama dahil hindi na binitiwan ni Reid ang kamay ko.
=============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro