5 Bakod
"GUYS, that's it for today," sabi ni Ms. Clara sabay palakpak, ang choir conductor con trainor namin.
Salamat naman. Pagod na ko. Mula umaga pa ang mga klase ko. Tapos lampas dalawang oras naman sa choir practice.
Yung bagong kanta pala is for the Foundation Day at Valentine's Event ng school next week. Nung una kasi, wala dapat kaming participation. Nagbigay nang short notice ang dance troupe na ang choir na lang ang kakanta para sa sasayawin nila.
Nahahapit ako sa practice. Duet kasi yung kakantahin galing sa stage play ng Phantom of the Opera. Ako at isang tenor ang kakanta, then second voice and harmony naman ang ibang members ng choir.
Ise-set aside daw muna yung practice namin para sa closing party. Tutal mas iyon ang mga ine-ensayo namin nitong mga nakaraan. So polishing na lang ang kailangan.
Araw-araw ang practice namin simula pa nung Monday. Pang-apat na araw na ngayon at kasama na namin ang dance troupe sa practice. Kaya mas nakakapagod. Kasi may ilan pa silang binago sa mga akala namin ay final steps na nila.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Alas-seis na pala. Patapos na rin ang huling klase ni Aris. May practice din sila sa Falcon's today. Ayoko nang sumama. Mas gusto ko na umuwi at mag-relax. Umuwi na rin sina Sarah. Nanood sila kanina sa practice namin pero nagpaalam na rin after an hour. Nagpalipas lang ng oras dito. Malamang may lakad na naman yung mga iyon.
Kailangan kong mag-ipon ng lakas at may P.E. pa ako bukas. Wala naman kasi akong hilig sa sports di tulad ng kapatid kong si Juno. Swimming ang P.E. ko pero di porque mahilig ako sa beach, magaling akong lumangoy!
Naglakad ako sa upuan kung saan ko iniwan ang gamit ko nang bumukas ang pinto ng AVR. Eto na nga si Aris.
"Let's go?" aya nya.
"Uwi na lang ako, 'Ris. Pagud na pagod na 'ko eh. Alam mo namang hapit kami sa practice kasi short notice yung participation namin," sabi ko sa kanya. "Pasensya na. Bawi na lang ako after ng Foundation Day."
"Ganun ba? Sige, hatid na lang kita pauwi. Tapos punta na 'ko sa Falcon's," ang sabi lang tapos kinuha ang mga hawak kong books and folders at inakbayan ako.
"Sure ka?"
"Malakas ka kaya sa 'kin. Para makaidlip ka rin pauwi. Malamang mag-aaral ka pa mamyang gabi."
Hay, Aris! Ikaw na!
Hinayaan ko na. May punto naman sya.
Isa pa, yung P.E. pa namin bukas. Kailangan ko talaga ng energy para lumangoy.
"Tanggalin mo 'yang tapis mo, Andromeda!" sita sa akin ni Sam. "Sexy ka naman at makinis. Haba pa ng legs mo."
"Oo nga. Matatapos na ang sem, ganyan ka pa rin," segunda ni Sarah.
Si Rika naman, nagba-bubbles lang sa gilid ng pool.
Silang tatlo ang dahilan kaya swimming ang P.E. na kinuha ko. Gusto ko magkakasama pa rin kami.
Naiilang kasi ako kahit naka- one piece swimsuit kami dito sa school. Palibhasa ang mga ito, sanay mag-two piece bikini sa beach. Ako kasi hanggang shortkini at tankini lang kapag nagsu-swimming.
Tinaggal ko ang towel sa bewang at nagmamadaling naglublob sa pool.
"Parang tanga lang!" sabi ni Sarah.
"Andie, saan ka mag-e-enroll ng driving? Teka, kelan ba kayo bibili ng kotse?" si Sam.
"Di ko pa alam kung saan ako mag-e-enroll, pero malamang bibili kami bago bumalik si Papa sa Mindanao. One week lang naman yung bakasyon nya," sagot ko.
"Bukas na ang birthday mo. Legal ka na bukas!" hiyaw pa ni Sam. "Party-party tayo. Treat ka namin!"
Sinang-ayunan naman nung dalawa. "After na lang ng Foundation Day!" sabi ko, " Alam nyo namang busy ako sa choir.
"Oh, ayan ha! Promise yan!" sabi ni Rika.
"Oo, papayagan ako nina Mama. Malakas kaya kayo dun," natatawa kong sabi.
Narinig namin ang pagpito ng instructor namin kaya nagkumpulan na kami malapit sa kanya. So far, kailangan daw naming mag-practice nang tatlong klase ng swimming stroke para sa final exam namin. Kailangan daw magamit ang mga iyon para matawid nang balikan ang pool.
Pagkatapos mag-check ng attendance, umalis na si Sir.
Para akong nanlumo.
Hello naman! Fifty meters ang pool ng St.Margaret. Pang- Olympic size! Balikan daw?!
After nang swimming, isinabit ko na lang sa balikat towel ko at sabay na kami nina Sarah at Rika papuntang female locker room. Bago makarating, may humarang sa aming isang estudyante na naka-trunks shorts na may hawak ring towel.
"Hi! Di ba ikaw si Andie?"
Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Sarah.
"Ha? Ah..eh..." nagulat kasi ako.
Naramdaman kong may kumuha ng towel sa balikat ko at inilapat nang pabuka sa balikat ko para matakpan ako nang bahagya.
Paglingon ko... Mali, napatingala ako, si Aris pala.
"Oo, sya nga. Bakit?" may kaangansan na sabi sabay akbay sa akin.
Narinig ko ang ngisngisan ni Sarah at Rika.
"Makikipagkilala lang sana," sagot nung lalaki.
Napakamot pa sa ulo. Nahihiya yata.
"Ano ba'ng pangalan mo?" si Aris.
"Ako nga pala si Jim," sabi na nakatingin sa akin.
"O, ayan. Alam na nya pangalan mo. Okay na. Alis na kami," sagot ni Aris.
Giniya na nya kami sa locker room at naiwan yung Jim na nakatayo.
"Ano yun? Para kang sira, Aristotle," bulong ko.
Pero, deep inside natutuwa ako.
"Bilisan nyo mag-shower, sabay na tayo kumain," kay Sarah at Rika sya nakatingin.
Dinedma ako.
Tumango lang yung dalawa at nakangisi.
"Bakod pa more, di ba, Rika?" sabi ni Sarah habang nagbibihis kami.
Nang-aasar na naman ito. Tumawa lang nang nakakaloko si Rika.
"Ewan ko sa inyo. Wag nga kayo. Dinig kayo sa labas. Andyan lang yun si Aris," saway ko.
Sinukbit ko na ang gym bag at backpack sa balikat ko. Pero kinuha rin ito ni Kumag paglabas ng locker room. Hinintay lang namin matapos magbihis si Sam at nagpunta na kami sa cafeteria. Andun sina Jeff, Mike at Erol na kumaway sa amin. Dumiretso kami sa pwesto nila.
"Musta?" bati sa 'min ni Mike.
"Eto, gorgeous pa rin, di ba, Rika?" sagot ni Sam.
Namula si Haponesa. Wala talagang pinapaglagpas itong si Samuel.
Natawa na lang kami.
Kinalabit ako ni Aris, "Tara, bili tayong snacks."
"Libre mo ko?" nakangisi kong tanong.
"Ikaw pa," game na sagot ni Kumag.
"Guys kayo?" Tanong nya sa mga kasama namin.
"Katatapos lang namin," sagot ni Jeff.
Nagsabi ng pagkain ang mga kasama ko. Di naman na kinuha ni Aris mga pambayad nila. "Ako nagyaya, sagot ko na."
"Kaya mahal na mahal ka ni .... namin pala!"
Bwisit talaga itong si Sam!
Pagpunta namin sa counter, ramdam ko na sinusundan kami nang tingin ng mga estudyante. May iba pang nagbubulungan. Wala bang alam ang mga itong gawin na mas kapaki-pakinabang maliban sa pag-usapan ang ibang tao?
"Wala kaming prof sa last subject. Sama na lang ako sa choir practice nyo," sabi ni Aris pagbalik sa table namin.
"Oo nga," segunda ni Jeff. "Para mapanood ka naman namin nang live. Ganda nung video nyo ni Aris dun sa Through the Fire eh."
"Tama,! May mga chicks din dun sa dance troupe, di ba?" babaero talaga itong Mike.
Napasimangot si Rika.
"Tongek, opera yung genre namin para sa Foundation Day," sabi ko.
"Sama kami," sabi nina Sarah.
"Wala ba kayong practice ngayon? Di ba tutugtog din kayo sa Foundation Day?" baling ko kina Aris.
"Wala. Sa Monday na ulit," si Erol ang sumagot.
Ganun na nga ang nangyari. Binilinan ko na lang ang mga kasama ko na wag maingay during practice ng choir at dance troupe. Pero di pa rin maiwasan na sawayin sila ni Ms. Clara. Kasi kung di pumapalakpak, sumisipol ang mga kamoteng kasama ko lalo na sa mga lifting steps ng dance troupe o kaya ay mataas ang tono ng kanta ko. Isang beses nga ay sinabihan sila na palalabasin na.
After two hours, nag-break muna kami.
"Grabe, ang kukulit nyo," sita ko sa mga lalaki.
"Ganda pala talaga ng boses mo, Andz. Mahal na yata kita," biro ni Erol. "Aray!"
Binatukan sya ni Aris. "Dami mong alam."
Natawa kami.
"Selos ka naman agad," tukso nina Sarah at Jeff.
"Di pwede si Andz. Dadaan muna kayo sa akin," ganti ni Aris, sabay akbay sa akin.
"Bantay-salakay yan, pustahan tayo," bulong ni Sam.
Sa lahat ng bulong, iyon yata ang dinig naming lahat!
"Well, kung kay Andie naman pala, willing naman akong ipaubaya si Boyfie," dugtong pa nito.
Potek, naiilang tuloy ako. Itinago ko ang mukha ko sa balikat ni Aris.
"Tigilan nyo nga ako!" angal ko.
"Asan na ba yung tubig ko?" tingala ko kay Aris.
"Inabot ko sa 'yo kanina sa stage ah. Naiwan mo yata dun," sagot sa akin.
"Sige, balik na ko dun," iwas ko.
Nagpa-palpitate na naman ako. Baka di ako makakanta nang maayos.
Sakto naman tinawag na kami ulit ni Ms. Clara. "Start na uli tayo. Dalawang run na lang, then we're done for the day."
"Go, Andie!" hiyaw nina Erol.
"Silencio!" saway ni Ms. Clara.
Natawa kami sa may stage.
Inabot kami nang halos alas-siyete ng gabi sa practice, tutal weekend naman daw. Iilan lang sa aming taga-choir at dance troupe ang may pasok pag Saturday at mga panghapon pa.
Talagang naghintay sina Aris hanggang matapos kami kaya ang ingay nung papunta na kami sa parking lot ng campus.
"Paano, bukas na lang?" sabi ni Jeff.
"Oo, wag kayo mawawala ha," baling ko sa mga kabanda at kina Sarah. "Six ng gabi nakahanda na kami. Kayo lang naman invited ko, ilang kapit-bahay lang tsaka pamilya ko. Si Jun naman, dalawa lang ang isasabit nun."
"Formal attire ba? Di ba debut mo?" tanong ni Erol.
"Hindi, para ka namang others. Casual lang. Ang kulit nito. Simpleng handaan lang," sabi ko.
Sumakay na ako sa shotgun seat ng BMW ni Aris. Isasabay na namin si Rika dahil di na sya nagpasundo sa driver nila. Si Sarah naman, si Sam na ang maghahatid. Si Erol, sumabay kay Jeff.
Mag-isa lang si Mike at may lakad pa raw. Malamang, manchi-chicks na naman yun.
"Riks, dapat kay Mike ka nagpahatid," tukso ni Aris.
Siniko ko nga.
"Ugh! Bakit?" sabi sa akin.
Sinamaan ko sya ng tingin. Nakasimangot kasi sa backseat si Rika at di nagsasalita.
"Excited na ako bukas," segue ko. "Uuwi si Papa after four months."
"Oo nga. Dapat pa good shot ako kay Tito Ernie," sabi ni Aris.
"Dapat lang, para ma-sure ball natin na pumayag sya na sumali ako sa inyo," sagot ko naman.
"Maliban pa dun," mahina nyang sabi.
"Ha?"
"Wala. Kailangan nyo ba nang extra hand bukas para sa paghahanda? Punta ako nang after lunch," suhestiyon nito.
"Wag na. Kaya na namin yun nina Mama. Dumating na yung inarkila naming tables and chairs kaninang umaga. Ilang piraso lang naman yun."
"Basta, punta ako nang maaga. Tulungan ko kayong mag-set up." pilit nito.
"Bahala ka na nga," pagsuko ko.
==============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro