47 B2
Si Rob ang unang nag-abot ng pakikipagkamay kay Aris.
"Robinson Agoncillo, owner of Agoncillo Security and Investigation Agency."
Sumunod si Ralph na nagpakilala bilang legal counsel ko at ni Rob.
I think nakapagkuwento na si Rob kay Ralph. Mukhang hindi naman nakahalata si Engr. Montecillo sa saglit na tensyon sa pagitan namin ni Aris.
"Freidrich Schulz," sabi ko sabay about ng kamay.
Inabot ito ni Aris, "Yes, I remember you from...four years ago... I think?" seryosong sabi nito.
"Oh, that's good! He's an existing client, Aris. We got their contract before the partnership. They're having a new hotel and resort site in El Nido. By the way how did you two guys meet?" tanong ni Engr. Montecillo.
Nagkatinginan uli kami ni Aris. Tinatantya nya siguro kung ano ang sasabihin ko. Ako naman, gusto kong malaman if he has the guts to tell the truth.
"We had lunch at their hotel here in Makati. Got to chance upon him at the lobby," he said.
I wanted to laugh my ass out. No balls, until now, Kho? Pathetic. Masuwerte si Drew at nagkahiwalay sila.
Mabuti na rin na hindi sya nagbanggit about Drew dahil baka maging emosyonal ako at magkaroon sya ng hint na may alam ako sa kinaroroonan ni Drew, kung sakaling hinahanap nya ito.
Umalis na ang dalawang lalaki para umikot sa iba pang bisita.
"That was the reason I gate crashed this party," biglang sabi ni Rob.
Napalingon ako dito.
"It appears he has a grudge on you. Does it have something to do with her?" dugtong nito.
"I'm interested, too, you know," sundot naman ni Ralph.
"Later, guys. Not here," I said. Nakaintindi naman ang mga ito.
We stayed for a little longer to chat with other business people there. As usual, there were some women who tried to hook up with us but no thanks. Ayoko ng complication kay Drew. Though Rob and Ralph got some numbers from a few women.
"Pareng Reid, binago ka na talaga ng pag-ibig," kantyaw ni Rob. Tumikhim ako to warn him dahil dumaan sa likod nya si Aris. Baka may mabanggit itong pangalan.
Bago kami umalis, kinausap namin ni Ralph si Engr. Montecillo for a meeting with him regarding our contract and if the partnership will affect it. He said we will talk about it after the holidays pagpunta nya sa Palawan. That's fine with me.
Nagpaalam ako kina Rob at Ralph na pupunta muna ako ng men's room bago kami umalis. Naghuhugas ako ng kamay nang mag-ring ang cp ko. Wala namang ibang tao sa CR so inilapag ko ang cp sa lavatory sink then put it on speaker phone.
"Half?"
"Oh?"
"Hinahanap ka ni Hope. FaceTime nga kayo, pwede? Kahit sandali lang. Ayaw matulog, it's past her bedtime."
"Ok, wait. I'll call you back in a jiffy. Naghuhugas lang ako ng kamay."
"Ok." Nawala na ito sa linya.
Minadali ko ang paghuhugas ng kamay. I dialled Drew's number and pressed the FaceTime button. Nakatungo ako sa cp ko sa lavatory habang nagpupunas ng kamay gamit ang paper towel.
Hope's face framed the screen, "Daddyyyyyyy!!!" Tuwang-tuwang bati nito. . Ume-echo ang boses nito sa washroom. Natawa ako. "You're so small like in tv!" bumungisngis ito.
"Hello, baby! I'll be back tomorrow. May work lang si Daddy. Sleep ka na. Mommy's worried na," sabi ko dito. Hawak ko na ang phone ko.
Hindi ko naintindihan ang sagot nya dahil merong nag-flash ng toilet. May tao pala sa isang cubicle.
"....miss you. Ga-night, Daddy!" yun na lang ang narinig ko dahil napatuon ang tingin ko sa taong lumabas sa cubicle. Si Aris!
"Alright, baby. I miss you, too. See you tomorrow! Bye!" I immediately pressed the end button. Baka magsalita pa uli si Drew. Di ko pa naman dala ang earphones ko.
Dumiretso ito sa lavatory at naghugas ng kamay. Papalabas na ako ng CR nang bigla itong magsalita.
"So, you have a daughter. The rumor is somewhat incorrect. The child is yours, not the husband's," he said with a smirk.
"I can't believe that a man with stature as yours would believe in gossips, Mr. Kho," sagot ko dito. "You people do not know anything." Hindi ito nakakibo sa sinabi ko. Lumabas na ako ng washroom.
Inabutan ko sina Rob at Ralph sa lobby, flirting with some girls.
"Let's go," sabi ko.
They called the valet for their cars. Sinabi ko kay Mang Badong na sundan ang mga kotse nito.
The three of us ended drinking at a VIP room of a new bar Rob discovered a few days back.
There I told them about Drew and Aris. How I knew her, our encounters and seeing her again in Palawan. Her and her sister like hiding in Palawan...hiding from someone or something.
"Kaya siguro may galit pa rin sa iyo. Natapakan mo ego nya," si Rob.
"Not my fault. Pinapahiya si Drew, wala siyang ginawa," depensa ko.
I trust my friends so I told them about Hope, too.
"Reid, kung anak nga ni Aris iyon at itinago ni Drew, may karapatan pa rin si Aris sa bata," sabi ni Ralph.
"That's the reason I want to marry her, soon. I will give my name to Hope. Kho cannot take the custody of the child since we can very well raise her in a complete family setting. Kung ngayon malalaman ni Aris iyon, kayang-kaya nilang kunin ang bata kay Drew sa grounds na financial incapability, lalo na that I think Hope has health issues. Ayaw lang magsalita nung magkapatid," paliwanag ko.
"When I signed contact with Montecillo Builders for my new site in El Nido, hindi pa ako aware na naroroon si Drew and that we will be in this relationship. Nawala rin sa isip ko yung upcoming partnership nito with Kho, until I learned about the child. Masasaktan si Drew kapag inilayo sa kanya yung bata."
Natahimik yung dalawa.
"I want to have Kho investigated because he has been engaged to Madison Choi the same time Drew flew to Palawan. I was there at the party when the engagement was announced and it was so apparent that Aris Kho was not really happy about it. Arranged marriage among Chinese, you know. Pero bakit hanggang ngyon hindi pa sila kasal? Sinasadya ba nya dahil kay Drew? Also, I do not know if Aris is even aware about the child."
"Did Drew mention anyting to you about it?" si Rob.
"No. Hindi sya nagbabanggit about Aris Kho. Not even a topic about him in the past. Kaya, I think he doesn't know."
"If that is the case, how sure are you na anak ni Kho yung bata?" si Ralph.
Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Hindi nga naman kinumpirma ni Drew iyon. At .... wala akong makitang pagkakahawig ng bata sa ama. In fact, mas nahahawig...mali, parang carbon copy ni Sarah nung bata pa ang kapatid ko.
"Hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Drew. Pero kung hindi si Aris ang ama ng bata, mas mabuti," yun ang nasabi ko dahil iyon ang nararamdaman ko.
"Pag-ibig nga naman!" si Rob. Tiningnan ko ito ng masama. Inangat nito ang dalawang kamay na tila sumusuko. "Wala na akong sinabi." Dugtong nito.
"May picture ka ba nila?" tanong ni Ralph.
Inilabas ko ang cp ko and showed them our pics kahapon sa mall.
"Kaya naman pala habul na habol ka eh," sabi ni Ralph.
"She's off-limits!" sabi ko sa dalawa. Tumawa lang ang dalawang gago.
"Reid," untag ni Rob, "Mas hawig mo pa yung bata kesa kay Kho eh. I mean, walang Chinese blood yung bata. Kita mo nga, mamula-mula na maputi, parang ikaw." Nakatitig ito sa picture ni Hope.
"Ha?" nagulat ako. "Mestisahin ang mother nina Drew. "
"Yung labi at kilay, pareho sa iyo. Tingnan mo," binalik sa akin ni Rob yung phone ko.
Huminga ako ng malalim, "Actually.... the first time I saw Hope, I thought I was looking at my sister, Sarah, when she was still a little girl except for the curly hair which Hope got from the mother side."
Natahimik lalo yung dalawa.
"Anyway," baling ko kay Rob, "si Kho. Sya ang talagang gusto kong may makuhang impormasyon."
"Sige, within January or early Feb, you will have the full report," sabi ni Rob.
Bago mag-alas tres ng madaling-araw, umalis na kami sa bar.
"Talagang pinanindigan mong hindi iinom ng marami, ano?" si Ralph.
"Tigilan nyo nga akong dalawa," sabi ko na lang.
Bago kami maghiwalay, "Ralph, yung contract sa Montecillo, paki-ready at review na rin. Baka maka-apekto ang partnership nila with Kho. We will have a meeting with them early January."
"Sure. "
Nagpahinga muna ako ng dalawang oras sa condo bago pumunta sa airport. Inaantok na ako pero tinatalo ito ng pagkasabik na makabalik ako sa Palawan.
Bago ako sumakay ng eroplano, I received a text message from one of the hotel service drivers na ito ang inatasan ni Drew na susundo sa akin sa Palawan airport. Kinumpirma ko ang oras ng dating ko.
Once at Palawan Airport, tumawag na ako sa Mica's Flower shop for a bouquet of wildflowers but I picked it up myself.
I looked at my watch. Tsk! Gusto ko sanang mauna kay Drew, pero I saw her car going in the hotel basement ahead of us.
I told the driver to hurry up sa lobby. Sasalubingin ko na lang siya sa elevator sa basement. Magugulat iyon pagbukas ng elevator tapos nandoon ako.
"Good morning, Boss!" bati ni Vina pagpasok ko sa reception area.
"'Morning! Dumaan na?" paninigurado ko.
"Hindi pa. Pero nakita ko na yung kotse nya pababa sa basement kanina."
I rode the elevator and hit B2. But when the door opened, there was no Drew in sight. I stepped out of the elevator. Walang tao sa basement. Tsk! Nakaakyat na yata. To make sure, I went to Drew's assigned parking space, baka nasa kotse pa nya.
Her car door is flung open. Pero nasaan si Drew? I looked around the basement parking. Then something caught my eye.
Yung pang-apat na kotse mula sa pinagkakalagyan ng sasakyan ni Drew ay gumalaw, tapos huminto. Then it moved again, then...
"Huwag....!" It was really faint but it sounded like Drew.
I started walking to that direction, until a man's voice became clear to me. It was Art Cena!
"Aayaw-ayaw ka sa akin, puta ka! Ang gusto mo pala, mas matabang isda!" he hissed.
There was a mumbling sound after that.
"Kung makaarte ka akala mo kung sino kang malinis! Tingnan ko lang kung makatingin ka pa sa akin pagkatapos ko sa iyo!"
He was at the back of his car. He looks like pinning someone down. Nakabukas ang pinto noon at kita ang mga paa nila. Nakadapa si Art sa nakadapa ring babae sa likod niyon. Nanlaki ang mga mata ko. Sapatos ni Drew ang nakikita ko!
Nabitawan ko ang bulaklak at briefcase ko at mabilis na hinablot si Art!
"You fucking bastard!" sigaw ko at nagdilim na talaga ang paningin ko. Mas matangkad at malaki ang kaha ko kay Art pero dala na rin siguro ng pagkabigla, hindi na ito nakalaban. The next thing I knew was that there were strong arms stopping me from throwing punches on his face at pilit akong inaalis sa ibabaw nito.
"Sir, tama na,Sir! Baka mapatay nyo!" narinig ko.
"Mr. Schulz! Reid, awat na!" may isa pang tinig.
Doon ako natauhan. Binitiwan ko si Art. Wala na itong halos malay at puro dugo ang mukha. Sinipa ko pa ito bago ko nilayuan.
"Tumawag kayo ng pulis!" sabi ko sa guard.
Hinugot nung isang guwardiya na umawat sa akin ang radyo sa bewang nito. Yung isang umawat, pilit na iniuupo si Art. It was Mr. Caronan, finance manager ng hotel.
Bumalik ako sa likod ng sasakyan ni Art. Nakaupo na si Drew sa sahig ng likod ng kotse at nakasiksik sa kabilang side.
"Drew?" tawag ko. Hindi ito sumagot pero dinig ko ang mahina nitong hikbi.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan para abutin nya pero nagulat ako ng bigla itong pumalahaw...
"Huwag! Tama na! Tama na! Ayoko na!!! "
"Drew! Ako ito, si Reid! " Hinawakan ko sya sa balikat. Binalot ng awa ang dibdib ko dahil ramdam na ramdam ko ang panginginig nya.
Lalo itong nagwala . "Bitiwan mo ako! Huwag kang lalapit! Huwag mo akong hahawakan!"
"Aw!" Nangangalmot si Drew at lalong sumiksik sa kabilang side ng kotse. Ano'ng nangyayari kay Drew?
Ilang kalmot at sipa ang dumapo sa mukha at braso ko bago ko nayakap si Drew. Nanginginig sya buong katawan.
"Tulong! Tulungan mo ako...Aris! Tulungan mo ako!" tahimik na panaghoy nito. Parang tinusok ng ilang kutsilyo ang puso ko. Ako ang yakap nya pero si ....
"Mine...Drew... " bulong ko dito. Tumulo na rin ang luha ko. "Tama na! Ligtas ka na, eto na ako," tuloy kong bulong sa kanya habang mahigpit siyang yakap.
Tumingin ito sa mukha ko at ilang ulit na kumurap.
"Reid? Reid!" yumakap ito ng mahigpit sa akin tsaka umiyak uli ng umiyak sa bisig ko. Nanginginig pa rin sya.
Buhat ko sya paglabas ng kotse. Nadagdagan ang mga tao sa basement. Mga staff ng clinic at dalawa pa uling gwardiya. Naroon na rin si Vina. Nakaupo na si Art sa sidewalk ng parking. Nililinis ang sugat niya
"Putang ina ka! Wag mong lalapitan ni tingnan si Drew!" sigaw ko dito.
Lumapit si Vina at binalot si Drew ng blanket na karga-karga ko. Inayos ko iyon dahil nakalilis ang palda ni Drew. Punit ang gilid nito at sira ang hook kaya hindi na maisara.
"Sir, yung kamay nyo po," turo ng nurse. Manhid pa ang kamay ko pero alam ko ng may cuts din ako sa kamao.
"Pupunta kami sa ospital. Make sure that asshole is brought to the police! And I do not want anybody talking about this incident like fish in the market! Kung hindi lahat kayo dito mawawalan ng trabaho! Babalik ako!"
I tried to settle Drew sa shotgun seat ng kotse nya. Hindi sya bumitaw sa pagkakayakap sa leeg ko.
"Reid, wag mo ko iwan...wag mo ko iwan dito!" pagmamakaawa nito.
"Hindi, hindi." Pangako ko. Pinunasan ko ang luha nya.
"Guard!" tawag ko habang karga pa rin si Drew . "Call a driver now!"
Inabot sa akin ni Vina ang briefcase ko at ang bulaklak na nabitawan ko kanina.
On the way to the hospital, tinawagan ko si Myra na sumunod sa akin sa ospital and have somebody to sit as my secretary for the day.
I also called up Juno. I told her to follow us to the hospital. I need to talk to her. Something is definitely wrong with Drew!
===========
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro