45 Slowly
I stood up karga si Hope. Humarap kami kay Drew whose eyes are so wide with one hand on her mouth. She was holding back her tears. I walked towards her.
"Mine," Yes, I'm claiming her. Mine. Akin. She looked up to me with questions in her eyes. I did not ask her if she wants to make this relationship official because I am not giving her any option.
I walked towards her and hugged her with my free hand while carrying Hope on the other. She hugged back and silently cried on my chest.
"Hey, sshhh..." I tried to hush her.
"Ano'ng pinagsasabi mong half-breed ka?" She said in between sobs and it sounded like a mumble dahil nakasubsob pa rin sya sa dibdib ko. Naramdaman ko pa ang mahina nyang kurot sa tagiliran ko.
"You heard it, so that's it." I simply said.
"Ni hindi mo ko tinatanong," himutok nito.
"I'm not taking no for an answer so why should I bother ask? Ayaw mo yata eh," nilayo ko ng kaunti ang mukha nya sa akin. "Teka, di nga pala ako magtatanong, basta yun na yun!"
"Mommy, you sad?" Si Hope.
"No, baby. Happy lang si mommy kasi daddy kissed her... Ouch!" This time masakit na yung kurot nya sa tagiliran ko. "Mine, baka mabitiwan ko ang bata!"
"Para ka kasing sira," sabi nito habang pinapahid ang luha at sipon gamit ang .... Sleeves ng polo ko! Ayos!
"Nasaan naman ang hustisya sa ginagawa mo, Drew?" Pinunas nya pa talaga sa polo ko ang kamay niyang nabasa ng luha nya.
"Kasalanan mo," sagot nito.
Natawa ako tapos hinalikan sya sa tuktok ng ulo.
"Aw, shit!Yung grocery, naiwan sa pinto. May ice cream doon!" Naalala ko bigla.
"Bibig mo, Reid! Karga mo pa si Hope!"Gigil saway nito sa akin.
Napahawak ako sa bibig ko. "Sorry!"
Bumitaw ako kay Drew para kunin ang mga naiwan kong pinamili sa pinto. Kapit na kapit sa leeg ko si Hope dahil kailangan kong yumuko ng husto para makuha ang mga grocery.
"Daddy, very tall ka," humagikhik na sabi nung halos mapahiga sya pagyuko ko.
"You should eat a lot so you'll be tall like daddy, ok?" Sabi ko habang papasok kami sa sala to the kitchen.
Inilapag ko ang bag ng grocery sa dining table. Yung paper bag ng Play Doh, binigay ko kay Hope.
"Sweetie, this is for you," namilog ang mata nito. "Common, open it!"
Kinuha niya iyon at bumaba sa mga bisig ko. Walang pakialam na naupo sa kitchen floor para buksan ang laruan nya.
"Wow! Mommy, look! The same nung dati pero hindi!" Tumatalon pang sabi nito.
Natawa ako kasi parang ang gulo ng sinabi nya pero I know what she meant. At masaya ako na nagustuhan nya pala yung bigay ko dati at ngayon.
"Baby, don't jump. Don't get too excited," bakas ang pag-aalala sa mukha ni Drew.
Nagtaka ako. Para yun lang, bawal agad?
Ngumuso si Hope. Yumuko ako at kinarga uli ito.
"Come, let's play in the living room," tumango ito at ngumiti ng malapad sa akin. "Mine, can you cook pochero? Andyan yung ingredients sa grocery. Tsaka yung ice cream, baka matunaw na. "
"Alright," sagot nito kaya tumalikod na ako karga si Hope. "Reid?"
Lumingon ako. Her face looks happy yet worried and uncertain.
"Mine, we will talk later once Hope is asleep." Inunahan ko na sya.
Hindi na ito kumibo. Naglaro kami ni Hope sa sala. I really had fun. Ni hindi ko na napansin ang oras hanggang tawagin kami ni Drew para maghapunan. Napansin ko na pili ang mga pagkain ni Hope.
"Mine, maselan ba sa pagkain si Hope?" tanong ko.
Sandali itong nag-isip, "Hindi naman pero may sinusunod syang diet plan."
Siguro para tumaba. Kaya lang, naisip ko, di ba dapat pakainin ng pakainin para tumaba? Hindi na lang uli ako nagkomento.
Madami akong nakain. Masarap magluto si Drew. Inaasahan ko na iyon since HRM ang kurso niya, kasama iyon sa pinag-aaralan sa ganoong kurso.
Tinaboy niya kami uli ni Hope sa sala. Nanood na lang kami ng TV. Totoo ang mga kuwento ni Drew. Halos kabisado na ni Hope ang mga kanta sa mga palabas ng Disney Channel at may patalun-talon pa talaga habang sumasabay sa kanta. Di ko napigilan na kuhaan ito ng video.
Natahimik na sa kusina. Paglingon ko, palabas na si Drew mula sa kuwarto nila na may bitbit na tuwalya at damit nila ni Hope.
"Hope, shower time, baby," tawag nito.
Tumayo naman agad ito para sumunod sa ina.
"Reid, diyan ka lang muna ha." Tumango lang ako.
Mag-isa akong naiwan sa sala. Inikot ko ang paningin ko. Nakakatuwa palang tingnan pag ang kalat sa bahay ay gawa ng isang bata. O baka ako lang ang natutuwa dahil hindi naman ako ang naglilinis? Haha! Sinimulan kong damputin ang mga laruan ni Hope sa sahig at inilagay sa isang plastic box na sa palagay ko ay lalagyan ng mga laruan nya. Naririnig ko ang paminsan-minsang kulitan ng mag-ina sa banyo.
Tumayo ako at nag-ikot sa maliit nilang apartment. Yung dala kong bulaklak, nasa vase sa dining table. Malinis sila talaga mamahay. Lahat nakaayos. No wonder, kating-kati ang kamay ni Drew linisin ang office ko sa unang araw nya pa lang sa akin. Napangiti ko.
May mga pictures na nakasabit sa dingding sa sala. Nilapitan ko iyon. Hhmm. Sundalo pala ang papa nila. May graduation pictures nilang magkapatid noong high school, wedding picture ng mga magulang nila, naka-frame na mga medals and certificates. Pati mga pictures ni Hope, meron ding naka-display. Nakakaaliw lang na sa panahon ng internet, maraming larawang naka-display sa kanilang dingding tapos may mga photo albums pa.
Nagbuklat ako ng mga albums. Nakita ko ang mga pictures ng pamilya nila, pati yung mga nene pa ang magkapatid. Napapaalog ang balikat ko sa pigil na tawa sa ilang kuha nila. May pictures kaya sila ni Sarah? I flipped more pictures. Wala syang pictures ng mga kaibigan nya ng college. Baka nasa facebook or Twitter?
I took out my phone to access the net, then natigilan ako. Locked out nga pala ako sa fb ko dahil di ko na maalala ang log-in ko. Hindi naman kasi mahilig sa social networking websites. Linked In lang ang active ako dahil sa business. Emailing at mga corporate official websites ang madalas kong bina-browse sa net. Ang marketing and advertising team namin ang namamahala ng mga official social network accounts namin.
Hindi naman ako anti-social. Marami naman akong kakilala at acquaintances, pero I really don't have time para mag-facebook pa.
Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo nina Drew. Nakaligo na sila at nakabihis.
"Daddy!" sigaw ni Hope. Kumandong agad ito pagkatapos nyang i-on ang tv.
"Bango naman ng baby," lambing ko dito. Pati yung mommy, mukhang mabango na! Hehe.
Humagikhik ito nang singhutin ko sa batok.
May 3D movie sa Disney Channel. Parang Rapunzel pero iba ang title. Tangled?
Tahimik na nanood si Hope.
Naupo si Drew sa single couch tapos nagbukas ng laptop. Ayaw ba akong katabi nito?
"Mine, ano'ng ginagawa mo?" umpisa ko ng usapan.
"Naghahanap ako ng piyesa ng kanta sa net. Yung theme nyang pinapanood ni Hope. Ilang beses na nyang napapanood yan. Laging sinasabayan nya ng kanta." Sagot nito na halos di umangat ang tingin mula sa screen ng laptop nya.
"Reid, wait lang ha. Ipi-print ko lang ito sa loob," tumayo ito kahit di pa ako nakakasagot.
I watched the movie with Hope. Narinig ko pa na may ilang dialogue na sinasabayan nya. Ilang beses na nga nyang napanood. Haha!
Paglabas ni Drew, hawak na nya ang ilang pages ng bond paper na may print pati ang laptop nya. Ipinatong nya ang mga ito sa piano.
"Sit here!" I told her tapping my side.
She sat there then I put my arms around her shoulders. Ang gaan ng pakiramdam ko.
Ganito ba ang pakiramdam ng may pamilyang uuwian? Masaya pala. Lalo na siguro kung totoong pamilya na kami!
Patapos na ang palabas ng maramdaman ko na bigay na ang bigat ni Hope sa kandungan ko, ganun din si Drew sa balikat ko. Paano ba ako nito kikilos?
Tiningnan ko si Drew. Nakaunan ito sa balikat ko na medyo nakatingala at bahagyang nakabuka pa ang labi. Kawawa naman. Mukhang pagod sa lakad nila earlier pati sa pag-aasikaso sa bahay at kay Hope.
Niyuko ko ito at hinalikan ang nakabuka nyang labi. Parang gustong mahiya sa sarili ko. Nananamantala ako ng tulog! Ok lang, sarap naman eh! Haha!
Gumalaw ng kaunti ang labi nito at bahagyang umungol. Shit! Parang may pumitik sa loob ng pantalon ko. I felt guilty. Kandong ko pa naman si Hope.
Dumilat si Drew tapos naramdaman ko ang mahinang tampal nya sa pisngi ko.
"Bastos! Quota ka na!" bulong nya. Natawa ako ng mahina. Umayos ito ng upo. Nagkaroon ng espasyo sa pagitan namin kaya hinapit ko ulit ito palapit sa akin.
"Mine, I'm happy," sabi ko.
"Yeah, me, too," mahinang sagot nito.
"I want us to take it to the next level," dugtong ko. "Let's make it official."
"Reid, kasi... Parang mali. Boss kita tapos ganito."
"Gusto mo i-terminate kita para wala ka nang masabi," naiinis kong sabi. Tsk! Insecurities ba ito sa panig nya? I don't look at it that way and I do not see her as an insecure person. Ganito ba ang resulta ng ginawa sa kanya ng gagong Aris na yun? Tangna!
Hinampas ako nito. "Para kang tanga!"Nakangusong sabi nito. "May anak akong binubuhay."
"Ako na nga bubuhay sa inyo. Inaangkin ko na nga si Hope. Drew, seryoso ako sa sinabi ko kanina sa bata!" Medyo tumaas ang boses ko. Yung sayang nararamdaman ko kanina, parang nag-dive sa Philippine Deep. Akala ko ok na eh!
Umungot si Hope sa kandungan ko. Tinapik-tapik ito ni Drew sa hita hanggang makatulog uli.
"Which room should I settle her in?" Tanong ko.
"No, dito lang sya. Ihiga mo na lang sa couch. Hindi namin sya iniiwan mag-isa kahit sa pagtulog," sagot nito.
"Huh? Why?"
Natigilan ng saglit si Drew tapos nagkibit-balikat. "Ganun eh."
"Ehem!"
Napalingon kami sa pinto. Nakatayo roon si Juno. May kasama itong babae na halos kasing tangkad nya lang.
"Looks like one happy family ah," nanunuksong sabi nito.
Naramdaman ko na balak lumayo ni Drew sa akin kaya hinigpitan ko ang pagkakaakbay ko dito para di makagalaw.
"You don't have any worries about that, right?" I asked the younger dela Cruz.
Sandali kaming naglabanan ng tingin. Amasona talaga itong kapatid ni Drew.
"No... I guess I don't," she uttered. Nakahinga ako ng maluwag.
"Pero dito sa kasama ko meron," lingon nito sa babae sa likod nya.
Di ko napigilan ang pagtayo ni Drew, "Bakit? Ano'ng nangyari?"
"Turista ito, taga-Maynila. Guest namin sa bar. Nabastos nung ilang tambay sa labas namin. Nadaanan ko papauwi. Sinama ko na," sabi ni Juno.
"Are you alone?" I joined in looking at the young lady. Parang mas bata o kaedaran lang ni Juno.
"No, Sir. I'm with some friends. They got drunk then I got separated. I was about to go home when I got ..."
"Ano nga pala pangalan mo?" Singit niJuno. Gusto kong matawa. Di pa pala nya alam kahit first name.
"Dianne..." Mahina nitong sabi.
"Halika, tingnan natin paa mo. Ang lampa mo kasi!" Si Juno. Ang hard magsalita! Haha!
"Jun!" Saway ni Drew dito. "Ano ba'ng nangyari?" Baling nito dun sa Diane.
"Natapilok po ako pagtakbo namin." Tila nahihiyang sabi ng pobre.
"E papa'no, pagtumba nung nambabastos sa kanya, may apat pa palang kasama. Hirap nun! Tapos ganito kasama mo? Goodluck!" Tinuro si Diane.
"Tumakbo na lang kami. Pati nga pagtakbo, tanga-tanga pa!"Parang gusto kong matawa na mahindik sa sinasabi ni Juno.
"Umiwas ka na sa mga kaibigan mo ha! Ang kaibigan, hindi ka iiwan. Tangna, inuna pa mga bahay alak at kalandian nila. Pati ako, mapapahamak. Alangan namang pabayaan kita!" Tungayaw nito sa kasama.
Lalong nawalan ng kibo yung babae pero tila may pinipigil na ngiti. Na-weirduhan ako dito.
"Jun, isa ha! Yang bibig mo. Eto lang si Hope," banta ni Drew.
Ngumuso si Juno. "Tulog naman si Hopia," bulong nito."Halika, tingnan natin paa mo, tapos hatid kita sa hotel mo," hatak ni Juno dito. Medyo paika-ika ngang lumakad yung Diane.
"Basagulera ba yang kapatid mo?" Bulong ko kay Drew.
Natawa ito ng mahina tapos naupo uli sa tabi ko. "Hindi. Mataas lang ang protective instinct nyan. Parang si Papa," nagkaroon ng lungkot sa tinig nito. "Simula nang mamatay si Papa at Mama, parang inako na ni Jun ang pagprotekta sa akin, sa amin ni Hope. Kaya nga kahit busy at medyo short sa budget, tuluy-tuloy yang nagpa-practice ng kung anu-anong self-defense whatever. Bata pa lang yan, ganyan na yan. Pinabayaan na namin nina Papa at Mama. Napapakinabangan naman nya at nag-eenjoy sya. Yun ang importante."
Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Juno sa Tommy's. Kaya pala matapang magsabi na makikipagbasagan ng mukha sa akin. Small but terrible! Natawa ako.
"Ano'ng nakakatawa?" Si Drew.
"Wala," sagot ko na lang.
"Ate, pahiram kotse. Ihahatid ko lang ito sa hotel nila." lumabas na si Juno at ang kasama nya sa kusina. Bakit parang nagba-blush itong si Diane?
"Use my car," inabot ko dito ang susi ng kotse.
"Naks!BMW, angas ah!" Sabi ni Juno na inangat ang car key ko.
"Jun, kelan ka pa natuto magmaneho? May lisensya ka ba?" Sikmat ni Drew.
Dinukot nito ang wallet sa backpocket ng pantalon,"Grabe ka,'te! Wala kang bilib sa akin," mayabang nitong iwinagayway ang driver's license. "Sige, alis na kami!"
Bigla itong bumalik, "Oy, Amerikanong hilaw," sabi sa akin."Umayos ka dito sa bahay namin. Kung hindi, ibabangga ko yung BMW mo," banta nito.
"I'm half-German, you little twerp!"I snorted.
"Ah, the dog!" Magkapatid nga sila ni Drew.
"Sige na, sige na," taboy dito ng ate nya. "Bumalik ka kaagad. Pasado alas-diyes na."
"Ipapatanggal ko na talaga kay Matt yang kapatid mo. Ibang klase! Boss nya ko tapos ganun. Magkapatid talaga kayo!" Reklamo ko pag-alis ng dalawa.
Tumawa ito ng mahina na may kakambal na tampal sa braso. "Sobra ka naman!"
"Ako pa talaga ang sobra," napapailing kong sabi.
Inayos ko ng higa si Hope sa sofa na nakapatong ang mga paa nito sa kandungan ko. Kinapa naman ni Drew ang likod nito kung basa sa pawis. Tapos inayos nito ang electric fan para masigurong tinatamaan ito ng hangin. Sobrang talagang mag-alaga sa anak. Napangiti ako.
Hinila ko uli sya paupo sa tabi ko.
"Mine," untag ko uli. Naudlot yung momentum ko kanina. "Ano na ba?"
"Ang alin?"
"I'm serious. Whether you like it or not, we're already official. Early Christmas gift mo na sa akin. Ayan, di ka na gagastos," hinampas na naman ako tapos ngumiwi.
"Let's take it to the next level. You, me and Hope." Sabi ko na gagap ang kamay nya.
Tumahimik ito matapos yumuko. Hindi ko gusto ang pananahimik nya.
"Drew, masaya ka ba sa akin?"
Tumango ito.
"Gusto mo ba ako?"
Marahan itong tumango.
"Mahal kita, sigurado na ako doon. Eh ikaw?"Eto na! Finally, I asked the one million dollar question.
Hindi gumalaw si Drew. May tumulo sa kamay naming magkahugpong. Ito ba ang sagot nya? Luha? Fuck, ang sakit naman! Parang mag pumiga sa puso ko, hindi ako makahinga.
"Natatakot ako," mahinang-mahina nyang sabi.
Nahigit ko ang hininga ko. Nakatanaw ako ng pag-asa!
"Scared of what?"
"Baka iwan mo rin ako." Bumitaw ito sa kamay ko para itakip ang palad sa mukha nya. "Baka di ko na kayanin sa pangalawang pagkakataon. Kaya nga gusto ko kay Hope ko na lang ilalaan ang oras ko," umiiyak na talaga sya.
"Halos magmakaawa na nga ako sa iyo at nagpiprisinta na akong daddy ni Hope, tapos iiwan kita? Nakakasakit ka naman talaga ng loob, Drew! Kelan ba kita pinabayaan? I thought you trust me. "
"May nagsabi na nyan sa akin, in a different way though," mapait na sabi nito.
Fuck that douche bag Aris!
"Please, don't compare me to anyone else. I'm offended," sabi ko.
"Sorry," this time tumingin na ito aa mga mata ko. "Wala ka pang alam sa mga nangyari noon, Reid, kaya nasasabi mo iyan ngayon."
"Am I asking you about it? Do you think I care about your past? Wala, wala akong pakialam, kahit sa sasabihin ng iba. Tandaan mo yan, Drew. Mahal kita ng walang kundisyon. Nalito ako pero hindi ako nahirapan sa realisasyong mahal na mahal pala kita!" Nagtataas na naman ako ng boses.
"Kahit wag mo sabihin, ok lang sa akin. Pero kung makakaluwag sa kalooban mo, makikinig ako. Noon ko pa sinasabi na iyo iyan di ba? If you will tell me, I'll be happier. It means you really trust me."
Ganito pala ang pakiramdam kapag nakukwestyon ang pagmamahal mo sa isang tao. Masakit. Pero ilalaban mo.
Ganito ba ang naramdaman nya noon sa gagong Aris na iyon? Iniisip ko pa lang pero nasasaktan na ako para sa nangyari sa kanya.
"Mahal mo ba ako,Drew? Kasi yun ang pakiramdam ko? Or am I just assuming?" Desperado na yata ako.
Iba ang sagot nya, "Reid, you're taking the fast lane. Can...can we do this slowly, please?"
Hindi nya sinagot ang tanong ko, ang sakit pero, "Sige, slowly. I'll take your offer. I'll take it than a no."
I took both her hands and kissed both her palms, "Sorry for rushing you. I...I just can't afford you changing your mind or saying no. Alright. We will take it slowly."
==============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro