42 Wildflowers
Andie's POV
Hindi ko alam ang iisipin ko ng mga sandaling iyon. Heto kaming dalawa, nakaupo dito sa mall bench, nagmeryenda ng tahimik. Naubos namin yung ice cream na binili ko, habang sinusubuan nya ako...gamit namin ang iisang kutsara!
Pero, I like the feeling I have now, kahit hindi kami mag-usap basta ganito, magkatabi...kuntento ....just serene. I feel safe when he's around.
Am I into that feeling again? I don't know.
Nakalimutan ko ang pigilan ang humugot ng malalim na hininga.
"Problem?" tanong nya.
Sinasabi ko na. Ganito lagi si Reid kapag nagbubuntung-hininga ako. Parang laging problema ang hatid ng ganoong aksyon ko. Bawal ba bumuntung-hininga? Lihim akong natawa sa sarili kong tanong.
Tiningala ko sya sa tabi ko. Ngumiti lang ako at umiling.
Dumukot ito sa bulsa nya, "Tsk! Where's your hanky? I forgot to bring mine."
Inabot ko sa kanya yung ginamit ko kanina. Kinuha niya iyon at binaligtd ng tupi dahil may dumi na iyon mula sa ice cream na nagmantsa sa baba nya kanina.
Medyo napaigtad ako nung punasan nya ng panyo ang bandang pisngi ko. Tapos ginamit nya para punusan ang ice cream sa daliri nya.
"I'll just return this to you after I get it washed."
Wala na akong nagawa dahil ibinulsa na nya iyon. Dinampot na nya ang mga pinamili namin at tumayo.
"Let's go!" yaya nito sa akin at inilahad ang kamay para alalayan ako ng tumayo. Tinanggap ko ito para makatayo na rin. Medyo nangawit na ang pang-upo at isang hita ko.
Tinatagtag ko pa ang isa kong paa pagtayo. Pasimple kong niluwagan ang pagkakahawak ng kamy namin pero hindi sya bumitiw.
"Reid, yung ...kamay ko," mahina kong sabi.
"Keep still. Don't look but those three guys on your left have been eyeing you mula pa kanina," bulong nya pabalik.
Napahigpit tuloy ang kapit ko sa kanya pero di ko napigilan ang paglingon sa kaliwa ko, wala naman akong nakitang mga lalaki. Tatlong babae ang naroroon na mukhang mga turista at nakatingin nga....sa kanya, hindi sa akin!
Niloloko ba ako ng lalaking ito? Bumitiw ako pero lalo nyang hinigpitan ang kapit sa akin.
"Tsk! Likot!"
"Nakakainis ka!" bulong sikmat ko sa kanya. "Puro babae yung nakita ko dun!"
"Nilingon mo pa talaga eh. Tss. Tara na nga!" hinila na nya ako kaya napasunod na lang ako ng lakad sa kanya.
Nag-usap kami tungkol sa mga gagawin bukas sa opisina.
Marami kaming kasalubong na nakatingin sa amin...teka, sa kanya lang yata. Sino ba naman kasi ang hindi, eh maririnig mong nagta-Tagalog nang matatatas ang isang lalaking matangkad, grey ang mata, dark brown na buhok at mamula-mula ang balat! Mas mukha talaga syang European kaysa sa Pinoy. Kunsabagay, kahit hindi ito magsalita, hahabulin talaga ng pangalawa kahit nga pangatlong tingin! Gandang lalaki eh. Naririnig ko nga minsan sa mga empleyado at hotel guests, ang 'yummy' daw. Ganun, 'yummy' talaga ang term?! Hahaha!
Tsk! Ano ba yan, Andromeda! Mga tinatakbo ng isip mo! Saway ko sa sarili.
Nagbitaw lang kami nung pagbuksan nya ako ng pinto ng shotgun seat. Tapos nilagay na lang niya sa backseat yung pinamili namin.
"I'll drive you home, then ..." sabi nya pagka-start ng kotse.
"Nope! We will go back to the hotel, you get off there, then I'll drive going home. Wag mo na abalahin ang mga driver para sunduin ako bukas," sansala ko. Kahit di na nya ituloy, alam ko na ang sasabihin nya.
"Tss."
Nagtaka ako kung bakit sya lumiko sa isang intersection imbes na dumiretso papunta ng hotel. Tumambad sa akin ang isang tindahan doon na tila bagsakan ng mga bulaklak. Huminto sya sa tapat noon.
"Stay here," sabi nya tapos bumaba.
Nakita kong kinausap nya yung tindera then nagtuturo ito ng mga bulaklak. Ilang sandali lang ay nagdadampot na iyong tindera tapos pumasok sa loob. Lumingon pa sa akin sa kotse si Reid tapos nagbigay ng thumbs up.
Ano yun?
Eto na yung tindera, handing him a bouquet of wildflowers in different bright colors. It was wrapped in a simple white thin paper cloth, na nagpaangat sa kulay ng mga bulaklak. Simple yet elegant! Kanino nya ibibigay yun? Parang sumama ang loob ko na may pagbibigyan sya noon.
Mabilis itong bumalik sa kotse pagkabayad.
"Hold this please," sabi nya pagbukas ng pinto sa driver's side. Kinuha ko iyon at tiningnan. Ang ganda!
Nang makita kong nakapag-seatbelt na ito at in-start na uli ang kotse, "Uhm, lagay ko muna sa likod, Reid"?
"Ikaw, sa iyo naman iyan," ganun kasimple niya iyong sinabi pero bigla akong nabingi sa pagkabog ng dibdib ko.
"Ha?!" Para akong tanga. Malinaw na malinaw ang pagkakarinig ko pero yung reaksyon ko, parang di ko narinig.
"It's for you. Sorry, I threw the rose Art gave you," he said after a quick look at me then started driving out of that street.
Napalingon ako sa backseat kung saan naroon ang laptop bag ko. Wala na nga yung rose na isinuksok ko doon na kanina ay nakalabas ang talulot sa zipper.
Napatingin ako kay Reid. Nagtama ang mata namin pero umiwas rin agad siya. Humigpit ang kapit ko sa bouquet ng wildflowers sa kandungan ko.
"Ba...bakit?" mahina kong tanong.
Hindi sya sumagot. Hindi nya siguro narinig. Nahiya naman akong tanungin uli. Isa pa dinig na dinig ko pa ang pagkabog ng puso ko. Kinikilig ba ako? Meron pa ba ako nun sa katawan?
Naging tahimik ang maikli naming biyahe pabalik ng hotel. I looked at my watched. It's almost seven in the evening.
He stopped the car in front of the lobby, unfastened his seat belt but he stayed on the driver's seat.
Huminga sya ng malalim. "I don't know why I did it. I just don't like to see you getting flowers from anybody else. I don't know why it felt good when I threw that rose earlier. I don't know why it felt funny you let your daughter slice those roses and play with it but at the same time I don't know why I am worried that in case I give you flowers, they will end up the same... toys for Hope....but I ..I don't care anymore. You can give those pretty flowers to her and let her play with it. If that would make her happy, I know it would make you happy, too. Reason I chose that bouquet because it has different bright colors. You said Hope was asking for other colors aside from red."
Nakatingin lang sya sa dalawang kamay niya na nakahawak sa manibela . And the whole time he said that lengthy speech of his, napatitig lang ako sa kanya.
Here is a very influential man, courageous enough to show a weakness to me, admitting his confusion yet still wants me to be happy.
"Oh Reid," I reached out to cup his face with my one free hand.
"Thank you." I sincerely told him.
He put his hand on top of mine touching his face. Tila ninamnamnam nya ang init ng palad ko sa pisngi nya. Then he smelled my palm before giving it a soft kiss.
"No, Drew. Thank you. Thank you for giving me a chance to feel something like this. This feeling confuses me yet it's really amazing!"
Wala akong masabi. I was left sitting there dumbfounded.
"I'll just drive you home," I heard him say.
"Reid... I can go home myself...and I need sometime alone. "
"Alright, but promise me one thing."
"Ano yun?"
"Get home safe and let me know if you're already there."
"That's two, Reid." Malumanay kong sabi.
"Oo nga, ano?" natawa sya.
Then he got out of the car, so did I. Lilipat ako sa driver's side. He stayed by the driver's side and handed me the car key.
He just stood there when I started the engine. Yumuko sya and our face were so close to each other sa car window.
"Goodnight, meine Dame," he softly uttered.
"G'night." Then I drove off.
As I look at the rear view mirror, he was still standing there at the lobby, nakatanaw sa akin, hanggang mawala na siya sa line of vision ko.
Laking pasasalamat ko na nakauwi ako nang ligtas dahil lutang ang isip ko.
Naroon na si Juno sa bahay at nagluluto ng hapunan. Si Hope naman ay nanonood ng tv. Tuwang-tuwang ito sa Play Doh set na dala ko.
"My boss bought it for you, baby."
"Pretty," akala ko yung laruan ang sinasabi nya.
Doon pala sya nakatingin sa bouquet ng wildflowers nakatingin. Subconsciously, nagdalawang-isip ako kung ibibigay ko ba ito sa kanya, pero kusa nito iyong nilapitan at hinimas.
"You like it?"
"Uhuh!" tumatangong sagot nito kaya inabot ko na. To my surprise, she put it on the dining room table asking Juno for the pitcher of cold water.
"O saan galing yan?" tanong nito sa anak ko habang inilalapag ang pitsel sa mesa.
"Mommy!" excited na tanong nito. Kinalas nito ang bouquet mula sa pagkakabalot sa paper cloth tapos nilublob nya ang mga tangkay ng bulaklak sa loob ng pitsel.
"Ay ano ba yan!" sabay naming sabi ni Juno dahil umapaw ang tubig.
Dinampot ko kaagad yung face towel ni Hope sa sofa dahil nabasa siya. Si Juno naman ay kumuha ng pamunas ng mesa.
"Sorry, mommy. Thirsty yung flowers," sabi ni Hope na tila naiiyak.
"I understand, baby. Don't cry. Nagulat lang si mommy at Tita Jun," sabi ko.
"Tita Dyosa," singit ni Juno. Baliw talaga. "Wala tuloy tayong inuman. Ano ba yang trip ng anak mo, Ate? Teka, nag-level up yata ngayon yung manliligaw mong bagyo," sabi pa nito.
Bagyo ang tawag nito kay Art, kasi ibang klase raw ang hangin.
"Si Reid ang nagbigay nyan," bigla kong nasabi ko. Simple kong nakagat ang labi ko.
Umangat lang ang dalawang kilay nito, "Aahh..."
"Yun lang masasabi mo?" Tanong ko dito.
Nagkibit lang ito ng balikat. Di tulad nung kay Art. Puro pamimintas ang inabot nung pobre kay Juno.
"Come, baby. Let's change your clothes."
Sumama naman agad ito sa akin. Nagpalit na rin ako ng pambahay pagkatapos ko siyang bihisan.
"Ate! May tumatawag sa cp mo!" sigaw ni Juno. Nasa sala ang bag at gamit ko sa opisina.
Kinarga ko si Hope at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Boss Half calling....
"Hello?"
"You didn't keep part of your promise," sumbat agad nito.
"Uhm, sorry. Pinalitan ko kasi ng damit si Hope. Nabasa ng malamig na tubig."
Tumahimik ito sa kabilang linya.
"Hello, Reid?"
"I'm still here. I'm just listening .... ahm, sige. Just checking on you. Goodnight!" yun lang at nawala na sya sa linya.
Napapangiti ako na inilapag ang cp sa center table.
Napansin ko ang nanunuksong ngiti ni Juno na pilit nya namang pinipigilan. Inirapan ko sya.
"Kain na," tawag nito sa amin.
Matagal nang tulog si Hope sa tabi ko. Wala na rin akong naririnig na ingay mula sa kwarto ni Juno. Malamang malalim na rin ang tulog nito. Ako na lang yata ang gising sa bahay o kahit sa buong barangay namin. Kasalanan ito ni Reid. Hindi nya ako pinapatulog dahil sa mga sinabi nya kanina. Napag-isip-isip tuloy ako sa mga nangyari.
Binalikan ko noong tinulungan nya ako doon sa enforcer, sa may taxi at sa harap ng hotel nila. Napapangiti ako. Tapos, yung pagkikita namin uli dito sa Palawan after almost four years. Hanggang ngayon, nandyan sya, tumutulong, nagpoprotekta.
Naisip ko rin ang mga araw nang pagtatrabaho ko sa kanya bilang assistant nya. Madalas, hinihingi nya ang opinyon ko at binibigyan nya iyon ng halaga.
At kanina, totoong nawindang ako sa mga sinabi nya. Hanggang ngayon, kapag naiisip ko iyon, nagiging iregular ang takbo ng puso ko.
Eto na naman ba? Sabi ko noon, ayoko na ...tama na ... noong panahong lubug na lubog ako sa depresyon ng paghihiwalay namin ni .... Tsk! May hatid pa ring sakit kapag naaalala ko. Naramdaman ko ang mainit ng likido na tumulo sa gilid ng mata ko. Hindi ko na dapat inaalala ang mga nangyari noon. Iba na ngayon. May bago na akong buhay. May Hope na ako ... at si ..... Reid?
Napangiti ako sa ideya. Iniisip ko na naman ang mga sinabi nya kanina.
Nag-vibrate ang cp ko. Text message... galing kay Reid? Anong oras na ba? Mag-aalas dose na nang gabi!
(Sorry, can't sleep. So, what happened to the flowers? Naging gulay ba?)
I texted back.
(She liked it. Nilagay nya sa pitsel namin na may tubig. Thirsty daw yung flowers. Naka-display sa dining table)
Biglang nag-ring ang phone ko.
"Drew? Gising ka pa?"
"Obviously, nag-reply ako sa text mo tapos kausap mo ako ngayon."
Tumawa ito ng mahina. "Labas ka. Narito ako sa tapat nyo."
"Ha?"
Napabalikwas ako ng bangon at dumungaw sa labas mula sa bintana namin. Meron doong lalaking nakasakay sa motor. Hindi ako sigurado kung siya iyon dahil na-leather jacket na itim at black helmet.
"Saan ka?"
"Tinitingnan mo na nga ako."
"Nakamotor ka?"
"Uhuh."
"Sigurado ka? Bakit wala namang hawak na phone yung tao sa labas?"
"Eerr... I'm using blue tooth headset?"
Natampal ko ang noo ko. Oo nga naman.
"Let's drive around. Pampaantok lang." Yaya nito.
Ewan ko. Hindi na ako nakaisip tumanggi.
"Wait."
Nagpalit ako ng isang simpleng tshirt at nag-jogging pants. Sinuot ko lang ang isang pares ng sneakers ko nang walang medyas. Hinugot ko sa hangeran ang isang itim na jacket tapos binuhat ko si Hope.
"Jun," mahina kong tawag dito. Lagi namang bukas ang mga pinto ng kwarto namin.
Inangat lang nito ang ulo with her eyes half-closed, "Hhmm...?"
"Tabi muna kayo ni Hope," hiniga ko sa tabi niya ito. "Dala ko yung susi ko. Labas lang ako."
"Bakit?"
"Andyan si Reid. May uhm...ano..." ano nga bang sasabihin ko?
"Sige na. Istorbo sya kako," inakap na nito si Hope sa tabi nya at bumalik na sa pagtulog.
Mabilis pero tahimik akong lumabas ng bahay. Sinigurado kong naka-lock ang pinto bago naglakad papunta kay Reid.
Wala na itong helmet at medyo gulo pa ang buhok. Nakangiti itong nakatingin sa akin.
"H-hi!" bati ko.
"Wear this," inabot nya sa akin ang isa pang helmet. Tinulungan nya akong isuot iyon.
"Let's go?" sabi nya pagkatapos.
"Where to?"
"I don't know. Just hop in."
Umupo ako ng patagilid.
"No, not like that. You might fall," sabi nya na tila natatawa.
I think I'm already falling. Gusto kong sabihin. Grabe, humuhugot lines na rin ba ako?
Bumaba uli ako and rode back with one leg on each side. Hindi ko alam kung saan ako kakapit.
"First time?" lingon nya sa akin. Tumango ako.
Kinuha nya ang dalawang kamay ko at iniyakap sa bewang nya. "Hold tight." So I did.
"Tighter. We will go fast," sabi nya.
"Is it safe?"
"Do you trust me?"
"I do."
"Good!"
Ngumiti ito bago isunuot ang sarili niyang helmet. And off we went. Gusto kong mapatili dahil ang bilis ng andar namin, pero ako rin ang mabibingi dahil makukulong lang ang boses ko sa loob ng helmet na suot ko.
I held on him tight. I can feel his heart beat sa kamay kong nakayakap sa harap nya. Can he feel mine as well? Shocks! Gusto kong mapahiya. I just realized na halos madurog ang dibdib ko sa likod nya sa higpit ng yakap ko.
Wala naman kaming partikular na lugar na pinuntahan. Joyride lang talaga on his big bike. Ni hindi nga kami halos mag-usap. We stopped by a 711 to buy drinks.
Pinagtitinginan kami ng mga iilang bumibili roon. Napatanga pa nga sa kanya yung cashier. Kailangan pang tawagin ulit ni Reid para abutin ang bayad namin.
Bumalik kami kung saan naka-park ang big bike ni Reid habang inuubos namin ang drinks.
Hinatid nya ako pagkatapos noon. He parked his bike sa tapat ng apartment namin. I got off and handed him the helmet.
"Keep it," he said.
"Ha? Bakit?"
"Basta."
"Ok. Thank you sa pasyal."
Tumalikod na ako papasok sa bakod namin.
Napalingon ako dahil narinig ko ang mga hakbang nya sa likod ko and there, we were facing each other very close.
Next thing I knew, he was hugging me tight, smelling my hair.
"God, what are you doing to me!" he softly said as if he was hurting.
I stood still for a moment then as if by reflex, my hands went up to his waist to hug him back. My heart's tumbling for a reason I cannot put a name to.
We were like that for some seconds...maybe minutes. Then I felt him loosen his hug.
"It's really late. Go ahead." He whispered.
Huminga ako ng malalim, "Goodnight, Half!" I whispered back.
Kumunot ang noo nya pero di sya nagsalita. Tumalikod na ako at pumasok. I waved at him before closing the door.
I peeked from our window curtain. He was still standing where I left him looking at our door. After a minute or two, he went back to his bike then drove off.
Para akong nakalutang pabalik sa kuwarto ko. Mabilis akong nakatulog habang nakatitig sa helmet na nakapatong sa bedside table ko.
===============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro