38 Mommy
Reid's POV
This is my second day back in the main office. Nine days lang ako nakapag-stay sa Palawan but I will return two days after. May kailangan lang akong asikasuhin dito.Tumawag ako kanina kay Myra para i-fax ang ilang dokumento na naiwan ko doon at kailangang-kailangan ko ngayon. Nag-uumpisa nang uminit ang ulo ko dahil natagalan bago nya nahanap sa loob ng opisina ko.
"Sir, pasensya na. Wala po kasi sa filing cabinet nyo. Nagpapatulong na ako kay Andie maghanap kasi last time, sya yung nagligpit ng gamit nyo," sabi ni Myra nung tumawag ako uli ako. Malamang natataranta na ito dahil nagsisimula na rin akong magtaas ng boses, at bihirang mangyari iyon.
"Nakita ko na!" Narinig ko mula sa background ni Myra. "Akina yang phone, kakausapin ko." Narinig ko ko ang pagpasa ng phone.
"Hello, Reid... Ay, Sir pala!" Si Drew. Biglang nawala ang asar ko. Natawa pa ako sa pagkalito nya ng tawag sa akin.
"Drew, nakita nyo na?" Tanong ko.
"Oo, wala sa filing cabinet. Nilagay ko ito doon, pero nilabas mo yata uli. Ipinatong mo pa sa ibabaw ng trash bin. Paanong makikita ito? Importante pala, dun mo ilalagay." Sermon nito."Ikaw pa may ganang magalit."
Gusto kong matawa. Pinapagalitan ako ng receptionist namin. Ito lang ang malakas ang loob na sabihan ako sa mga maling nakikitanya sa akin. I appreciate that attitude of hers towards me. At least I get to know how my employees feel about my behaviour. And I get a good grasp on how I can handle them better.
"Sorry,ang dami ko kasing hawak na files bago ako bumalik ng Manila, doon ko pala naipatong. Pakisabi kay Myra, pasensya na."I told her while suppresing a laughter.
"Bakit ako? Ikaw magsabi sa kanya! Ikaw itong may gawa. Mag-sorry ka sa kanya. Ate Myra oh."Ang sungit. May dalaw?
"Sir," si Myra. "Ipa-fax ko na po agad sa inyo."
"Myra, I... Uhm... Sorry kanina."
Narinig ko ang mahinang tawa nito. "Wala yun, boss. Sige po."
Pagkatanggap kong fax, tinawagan ko si Drew.
"Hello, Drew."
"Po?" Maka-po naman ito sa akin.
"Nasa reception area na ka?"
"Uhuh. Why po?" talagang may po. Asar pa ito sa akin.
"Uhm, wala. I just want to thank you for helping Myra earlier. Sorry din." Wala lang gusto ko lang sya kausap sandali. Pampaalis ng stress?
"Ewan ko sa iyo,Reid! Dami mong pera pansweldo ng personal assistant, di ka kumuha para may taga-ayos ka ng mga gamit mo lalo na kapag nasa byahe ka. Teka, mamaya na PO tayo mag-usap. Daming inquiries. Sige na, bye!" Ang sungit talaga! Haha.
Kunsabagay, nag-uumpisa na ang peak season namin dahil November na. At totoo nga ang sinabi sa akin ng supervisor nito. Dedicated ito sa trabaho. Hindi nag-uubos ng work hours sa pakikipaghuntahan lalo na at maraming gawa. Wala nga syang pakialam kahit ako ang may-ari ang kausap nya.
Naalala ko tuloy yung pag-uusap namin nung nag-lunch kami ulit sa office ko dahil sa pag-iwas na naman kay Art. Napag-usapan kasi namin yung mga empleyadong mahilig sa tsismisan sa office.
"Reid, you should be thankful that you have employees na walang pakialam sa mga ganyang tsismis. Lumalaki kasi pag pinapatulan. Anyway, if I know the truth, why explain myself? Hayaan mo silang mapahiya kapag lumabas yung totoo. Tsaka di naman sila ang nagpapasweldo sa akin. I don't put effort on bad vibes. Stress lang yan. I have more important things tothink about. Basta ako, pag oras ng trabaho, trabaho. Pag-out, out na ko. Unless, babayaran mo ako ng OT. Kaya ikaw, wag mo ko iistorbohin kapag naka-duty ako. Di porke ikaw may-ari. Dapat alam mo yun, businessman ka."
Ganun sya kadiretso magsalita sa akin. Natawa ako.
"E bakit kay Art di mo masabi yan?" Banat ko sa kanya."I saw it myself. He's courting you even during work hours."
She rolled her eyes. "Ilang beses ko na syang pinagsabihan noon kapag kami lang, pero makulit pa rin. Tinataon nya lagi na may mga tao na nakakakita kasi alam nyang di ko ugali mamahiya. I know the feeling, you know," mapait syang ngumiti. "Di maawat ang ayaw paawat, pero nakakasuya rin....tsaka... Ano, di ako kumportble sa kanya. Parang ano...basta!"
I agree with her. There's something about Art I myself can't put my fingers on to.
I heard knock on my door. Sumungaw si Wina. "Sir, nasa board room na po yung mga operations managers at marketing officers."
"Alright," tumayo na ako."Wina."
Bumalik ito at nagtatanong ang tingin.
"You think I should get myself a personal assistant?" I asked. Naisip ko kasi ang sinabi ni Drew sa akin.
Ngumiti ito ng maluwag. "Matagal na dapat, sir. Yung lagi mong kasama kahit out of town. Para may taga-ayos ka ng mga dapat ayusin na documents at meeting. Consider mo yung kasundo mo sa ugali at trabaho. Masyado ka kasing worry wart na baka maging problema mo pa sa byahe ang assistant eh."
"Di ka ba talaga pwede?" Tawad ko pa dito.
Tinawanan lang ako nito. "Punta na kayo sa board room. Sayang oras."
Ayaw nya talaga. Tinawanan lang ako eh.
"I was thinking. Can you send email to HR department? Include sa other branches natin. Internal job hiring for my personal assistant. Mag-submit sila ng mga employees na interesado or recommended nila. Review and screen them. Just choose three to five .Then let me know kung sino mga candidates mo. I'll interview them myself."
"Ok, kelan deadline, sir?"
"Three days. I should have the letter of intent and resume ng mga napili mo. Nasa Palawan na uli ako that time. Email mo na lang. Let them know na kung sa province ang short-listed for my interview, sagot natin ang airfare and all going here, or maybe ako na ang bibisita sa branch para isasabay ko na sa inspection."
"Ok, consider it done."
"By the way, if you happen to see the name Andromeda dela Cruz, make sure to short-list it immediately," I added.
Tumaas ang kilay ni Wina. "Now, that's interesting," ngumiti ito ng nanunukso.
"Yeah, right. I'm going," sabi ko na lang then left for my meeting. Ewan ko ba bakit ko nasabi iyon.
The day na pabalik na ako ng Palawan, I texted Drew. Hindi agad sya nag-reply kaya tinawagan ko nung lunch break nya. Di kasi ako kakausapin ng matagal nito kapag naka-duty.
"Hey," bati ko."Did you get my message?"
"Yes, naubusan ako ng load." She simply said.
"So, ano'ng gusto mong pasalubong?"
"J.Co donuts na lang, isang box. Bigyan mo rin si Vina tsaka si Ate Myra. Wag ka kuripot," sabi nito.
"Dami mo namang sinabi. Iisa lang yung tanong ko," biro ko.
Narinig ko ang pagtawa nito. "Para di sila hihingi sa akin." Ako naman ang natawa.
Ibang klasetalaga ito. "Damot! Sige. I'll be there before six."
Tuwang-tuwa ang mga kaibigan nito nung iabot ko ang boxes ng donuts sa kanila pagdating ko sa Casa Alicia. It was five minutes before they're officially off duty. Nauna ko nang ibigay kanina ang kay Myra sa admin office.
"Ay thank you damay, sir!" Sabi ni Vina.
"Thanks, sir!"Si Drew.
In my peripheral, I saw Art coming. Oh no, you won't!
"May kapalit yan. Early dinner with me," sabi ko.
"Sige boss!" Sang-ayon agad ni Vina."Ikaw? Sige na!" Untag nito kay Drew.
Medyo umilap ang mata nito at tila naintindihan iyon ni Vina. Ano'ng meron?
"Pwedeng sa Tommy's na lang tayo? Para sabay na kami ni Juno pauwi?" Sabi ni Drew.
"Sure, not a problem," sagot ko.
"Can I join you, guys? I was about to ask Andie out. Mas okay siguro kung group date tayo,"sabat ni Art.
Thehell?! Di pa pala ito umaalis?
Nagpalitan kami ng simpleng tingin ni Drew. I winked at her.
"Sure," sabi ko.
Nag-excuse muna ang dalawang babae dahil mag-eendorse sila sa kapalit nilang receptionist.
"I'll go get my car," sabi ni Art.
"We will use the hotel van para isang sasakyan na lang," sabi ko sa kanya. Alam ko ang iniisip nito. Doon nya papasakayin si Drew sa kotse nya. Ayaw ni Drew ng mga awkward situation, kaya iyon ang naisip ko.
Wala na itong nagawa.
Nagpaalam ang dalawang babae na sasaglit lang sa locker room para magpalit ng sapatos at kunin ang mga gamit nila. Naunang lumabas si Vina.
"Sumaglit lang sa canteen para magpa-load. May tatawagan daw," sagot ni Vina nung tanungin ko ito kung nasaan si Drew.
I saw that all knowing yet annoying smile on Art's face. What's this asshole smiling about?
Bumalik naman agad si Drew pero bahagyang nakasimangot.
"Problem?" I asked. Di pa yata kami matutuloy.
"Patawag naman. Walang load sa canteen,"sagot nito.
"Tss, akala ko naman kung ano na. Oh!" Inabot ko sa kanya ang phone ko. Nag-excuse ito at lumayo ng bahagya.
I know it's unethical but I can't help it. I eavesdropped. First she called a certain Leng or Lyn something na tila nagpapaalam at humihingi ng dispensa. She informed her na male-late sya ng uwi at sabay na raw sila ni Juno. Second, she called Juno, telling her sister that we will be eating dinner at Tommy's and to reserve a table for four. Sinabi nya rin na alam na nung Leng or Lyn na sabay na silang uuwi.
"Thanks," binalik nya ang phone nya sa akin.
I made note to save the numbers she dialled later kapag di sya nakatingin. I don't know but I have this feeling I need to.
It was a weekday so hindi masyadong maraming tao sa Tommy's Place. Isa itong bar resto sa club strip ng Puerto Princesa.
Mayroong mababang stage doon para sa mga tutugtog na banda pero tonight, videoke lang ang meron. Mamaya pa ang banda dahil medyo maaga pa.
Si Juno ang mismong sumalubong sa amin sa pinto para ihatid kami sa ni-reserved nyang round table for four para sa amin.
Siya na rin ang kumuha ng order naming at nag-serve ng pagkain. Nakakatuwa nga na namumukhaan nya pa rin ako.
"Mr.Schulz, nice to meet you again," bati nito.
"Same here. Reid na lang," sagot ko.
Halata sa mukha ni Art ang pagtataka. Pero hindi ito nagtanong...pa.
During dinner, we were talking about random things. At first, it was smooth, but when Art started to make his moves, like insisting putting some food on Drew's plate despite her numerous refusal, she became uneasy. Nahalata rin iyon ni Vina kaya pilit itong iniiba ang usapan.
"Andie, kanta ka naman, kahit isa lang," eto na naman si Art.
"Uhm ,next time na lang. Ano, kasi," si Drew.
"Sige na, ikaw naman! Bakit nung nakaraan, nag-piano ka pa nga," kulit lang!
"Sir Art,"
"Art na nga lang," singit nito.
"Art, ano kasi, hindi ako kumportable sa crowd dito. Di ko naman kilala ang mga iyan."
Nakikita ko na nauumpisahan nang humulagpos ang pagtitimpi ni Drew dahil nakakuyom na ang palad nito sa kandungan nya.
Well, me too, I'm beginning to be pissed off. Di ba makaramdam itong si Art?
I reached for her clenched hand on her lap. I softly squeezed it and massage it gently. She looked at me and started to relaxed.
"You ok?" bulong ko sa kanya. Tumango lang ito. Kita ko sa peripheral ko ang pagtalim ng tingin ni Art sa amin.
"So, you knew each other before?" tanong ni Art.
"Ha?" si Drew.
"Kayo... si Reid. Your sister, kilala sya," he said.
Ako na ang sumagot, "Yes, we know each other for about four years now. Sa Manila pa lang."
I think he wasn't expecting that dahil kumulimlim ng husto ang mukha nito.
"Bakit parang hindi nya alam na pag-aari ng pamilya nyo ang Casa Alicia?" there was something in his tone that I do not like.
Tumikhim si Drew, "Di naman kasi namin alam ang last name nya. And we didn't talk about social statuses before...kahit ngayon."
"Ah, I see..." his words trailed off, "about four years ago... was that before you had Ho—"
"Ay Sir Reid," Vina suddenly interjected, "di ba may internal job posting kayo? Yung personal assistant nyo."
"Yes, why? You want to apply?" Art was about to say something but I got off tracked.
"Ayan oh, si Andie. Business Management ang kurso nyan. Magaling yan sa paperwork. Tapos magkasundo pa kayo."
Actually, I thought about that. I was expecting Drew's interest on it. I would immediately hire her. I just admitted it to myself when I was on my way to Palawan, I decided to get a personal assistant in the hope that she would be the one to take the post.
"Hindi ako pwede," malumanay na sabi ni Drew, "Di naman ako college grad."
"It was not indicated there that being college grad is one o f my requirements," I rebutted.
"Ahm, hindi ako pwede lagi mag-travel," she said.
"Ah, oo nga pala, Sir. I forgot." Si Vina.
"Why, you have some motion sickness when you travel?" I was surprised that she's uninterested.
"If she doesn't like it, why so pushy?" singit ni Art. He even smirked.
And that pissed me off. "Look, Mr. Cena, " no more Mr.Nice guy now. "First, I am not talking to you. Second, if you are interested in the post, you better line up but that job was supposedly for Drew. She is first on the list, just so you know. She only has to say yes and it's a close deal. You hear me?"
"Reid!" naramdaman ko ang palad ni Drew sa balikat ko. That calmed me down. I'm on the verge of smashing this guy's face. "Hey, chill. I'll think about it, ok."
"I think I'm full, " sumenyas si Art sa isa sa mga waiters para mag-bill out.
Lumapit naman ang waiter.
"Sir, your dinner is on the house po, sabi nung manager," sabi nung waiter.
"Why is that?"
"Mr.Schulz is one of the owners here."
Napatingin ang tatlo kong kasama sa akin. "What?" I asked.
"You didn't tell us?" sumbat ni Drew.
"Nobody asked." Kibit-balikat ko.
"How would we know? Ikaw talaga!"pinanlakihan ako ng mata nito.
"I'm going." Sabi ni Art at tumayo na.
"Go ahead! You can use the hotel van," I simply said.
"I can get myself a cab," sabi ni Art bago umalis.
Yumuko si Vina habang nakatakip ang kamay sa bibig. Nung makalabas na si Art, yumugyog ang balikat nito.
"Grabe ka naman, Boss!"
"He's irritating. No wonder Drew doesn't like him."
I saw Drew waving at her sister kaya lumapit ito. "Jun, alam mo bang isa ito si Reid sa may-ari dito?"
Nanlaki ang mga mata ni Juno, "Eh, hindi, ate. Pero, dalawa nga daw ang may-ari dito. Yung isa lang ang laging naririto, si Boss Matt. Yung isa daw kasi silent partner lang." Tumingin ito sa akin.
"Sabi ng manager nyo." Si Drew.
"Di walang problema. Libre dinner nyo. Tsk, akala ko naman kung ano na. May oorderin pa ba kayo?"
"Wala na," sabay na sagot ng dalawang babae. Tiningnan ako ni Juno, umiling lang ako.
"Hintayin na lang kita," si Drew.
"Isang oras pa bago ako mag-out. Wait ka na lang dyan o kaya dun sa bar," sagot nito bago tumalikod.
Humarap sa amin si Drew, "Mauna na kayo. Kailangan nyo na rin magpahinga. Magkasabay naman kami umuwi magkapatid," tiningnan nito si Vina.
"Oo nga, Sir. Una na tayo," segunda ni Vina.
I can sense that Drew is hiding something, and Vina is also covering it for her...Art knows it, too.
"Alright, then. Drew, I'll wait for your answer about the job post. See you tomorrow," tumayo na kami ni Vina para umalis.
I instructed the hotel van driver to send Vina home. I hailed a cab for myself and headed to the hotel.
I immediately went up my unit, took a quick shower and changed clothes. I put on my black jacket and took my black helmet from my walk-in closet.
Di na ako dumaan sa reception para iwan ang susi ko. Dumiretso na ako sa basement 2 parking lot. Doon ang allotted parking para sa mga executives ng hotel pati na ang hotel service vehicles. Inalis ko ang cover ng Ducati ko at bumalik sa Tommy's Place.
I parked at a safe distance. Ilang minuto na lang.
Nakita ko sina Drew at Juno na lumabas ng Tommy's at naglakad papunta sa sakayan ng mga jeep at mabilis na nakasay.
I followed them. It did not take twenty minutes before they got off the ride. Pumasok sila sa isang residential road. I parked my bigbike sa likod ng isang kotse sa bukana ng street na iyon then started walking. Mabuti na lang at may ilang poste doon na patay ang ilaw kaya I used the darkness for cover. I simply stood behind a stout tree nearby. I saw them knocked at a house. I thought dun sila nakatira, pero they just talked to the lady there then may inabot sa kanilang bag, tapos may lumabas na batang babae at excited na yumakap kay Drew ....
"Mommy!"
================
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro