36 Airport
"Ma'am, narito na po tayo," sabi nung driver.
That pulled me out of my trip down the memory lane. Pagtingin ko sa labas, nasa harap na nga kami ng inuupuhan naming apartment.
Bukas na ang ilaw sa bahay. Rinig ko dito ang tunog ng tv.
Gising pa si Hope, nanonood ng paboritong nyang palabas sa Disney Channel. Malamang nasa sala rin si Juno at gumagawa ng plates nya or nag-aaral.
"Sige po, salamat," sabi ko at bumaba na. "Ano, kuya, kung alanganin po kayo magmaniobra pabalik, diretso lang po kayo dyan," tinuro ko papasok sa kalye namin na may kakitiran, "sa panlimang bahay po, may bakanteng lote, pwede po kayo doong umatras para makabalik kayo sa main road."
Nagpasalamat ito at ganoon na nga ang ginawa. Kasi naman, two lane na nga lang itong kalye namin, tapos yung ilang sasakyan ng mga kapitbahay namin, nakabalandra pa sa kalye. Lalo tuloy sumikip.
Pumasok na ako sa bakod at binagtas ko ang pathwalk papunta sa main door. Ilang hakbang lang naman ang pagitan mula sa mababang gate naming hanggang sa pinto namin. Nakalock na ang screen door pero nakabukas ang pinto namin kaya tanaw at dinig ko sila sa loob. Napangiti ako nang marinig ko si Hope na kumakanta. Nagmana sa akin. Mahilig sa music at kahit hindi pa sya ganoon ka diretsong magsalita, alam kong may boses sya.
Nakita ako ni Juno. Nilagay ko ang hintuturo ko sa bibig ko para di sya mag-ingay kaya tahimik itong tumayo para buksan ang screen.
"Kanina pa yang anak mo, ayaw paawat. Kaya dito na ako sa dining table gumawa ng plates ko," natatawang bulong nito.
Wala pa ring kaalam-alam si Hope na dumating na ako. Nakaharap ito sa tv na sinasabayan ang kanta ng theme ng High 5 habang umiindak, at minsang lumundag pa.
Five in the air
Let's do it together
Five to the side
Who cares about the weather?
Five on the floor
The party's on at your place
Five to the front
There's a smile on my face
Hi, hi, hi, hi, hi, hi
Together
One, two, three, four
Hi-5!
One, two, three, four
Hi-5!
One, two, three, four
Hi-5!
Aaaaaaaaaaaah!
Five in the air
Let's do it together
HI-5!
Napahagikgik ako kaya lumingon ito sa akin.
"Mommy...!" tumakbo ito sa akin at palundag na yumakap.
Sinalubong ko ito at sinalo. Niyakap ko sabay singhot sa may leeg nya, "Hmm...bango na ng baby ko ah!"
Perks of having a child. Nakakawala agad ng pagod sa maghapong trabaho.
"Kung makasalubong ka parang galing sa Saudi si Mommy ah," biro ni Juno kay Hope.
"Lika, baby, kay Tita Dyosa ka muna. Pagod pa si Mommy." Tita Dyosa talaga ang pinapatawag nya sa kanya sa anak ko kasi dyosa naman daw talaga si Juno sa mythology at gandang dyosa rin daw sya. Haha!
Sumama naman agad ito sa kanya. "Ate, may tinira akong ulam para sa iyo. Iiinit ko na ba?"
"Wag na, busog pa ako. Daming pagkain sa dinner meeting namin," sabi ko. "Bihis lang ako."
Madali lang akong nagbihis at naglinis ng katawan. Lumabas ako kaagad, "Baby, it's past your bedtime. Let's go to bed."
"A bit, mommy..." tumawad pa talaga. "Finish High 5." Hinila na ako nito sa kamay paupo sa sahig katabi nya
Madali naman akong lambingin, "Ok, but no more after that, understand? Di ka pwedeng mapapagod."
Tumango naman ito at nakatitig na naman sa tv.
"Ate, pasok na ko sa loob," paalam ni Juno. "May romanian salad sa ref pag nagutom ka."
"Sige, 'night!" Kagandahan sa trabaho ni Juno. Ilang pagkakataon na nakakapag-uwi sya ng pagkain. Pinapayagan silang bumili ng raw food at a lower cost, minsan salary deduction pa. Minsan bigay ng mga customers, lalo na kung pinopormahan sila. Si Juno, di yun tatanggihan, sayang daw ang grasya. Ma-pride rin ang kapatid ko pero praktikal sa mga ganyang bagay. Alam kong may nanliligaw sa kanya, pero di nya masyadong pinagtutuunan ng pansin. Mas gusto nya daw matulog na lang kesa makipag-date.
Tinitigan ko si Hope sa tabi ko. Nalulungkot ako para sa anak ko. Dadating ang panahon, magtatanong siya sa akin tungkol sa ama nya. Wala akong maisasagot, kasi ako mismo, hindi ko alam. Paano ko iyun sasabihin sa kanya na hindi sya masasaktan? Magsisinungaling ba ako sa kanya?
"Walang ibang pwedeng makaalam ng kundisyon ko, Jun," bilin ko dito. "Kilala ako ng mga dumukot sa akin," kinuwento ko na kay Juno na tinawag akong ng Andie ng isa sa mga dumukot sa akin at ang iba pang detalyeng naaalala ko.
"Ibig sabihin, kilala rin nila ang mga kakilala ko. We need to keep everything secret para di tayo masundan. Isa pa, ayokong may ibang madamay." Kakabalik lang namin galing sa ospital dahil sa pangatlong pagkakataon sa loob lamang nang dalawang linggo, nag-spotting ako at nakaranas ng abdominal pain.
Ang mga dahilan....within the same week na matanggap ko yung anonymous letter, nakatanggap kami ng pangalawang sulat na nagpanginig sa akin ng husto : Matitikman din kita.
Sa kalagitnaan naman ng sumunod na linggo, kinatok ako ni Miriam na may hawak na paper bag, "Ate, nakita ko kasi sa labas ng gate nyo. Baka kako naiwan ni Jun. Ihahabol ko sana kaso nakaliko na sya sa kanto."
"Ah, sige salamat!" tinanggap ko ito nang may pag-aalinlangan. Wala namang bitbit si Juno kaninang papasok ng eskwela. Kaagad akong nakaramdam ng pananakit ng puson ng makita ko ang laman niyon. Ang backpack ko nung araw na dukutin ako!
Agad kong tinawagan si Juno para bumalik. Mabuti na lamang at hindi pa sya nakakalabas sa gate ng subdivision.
Hindi na ako naglakas ng loob na tawagan si Aris sa mga pagkakataong iyon. Dahil noong una pa lamang kaming makatanggap ng sulat, wala akong natanggap na reply sa text ko sa kanya. Nung tawagan ni Juno, currently unavailable ang cp nya. Pinilit kong unawain, nakiusap sya that he needs time alone.
Sa pangalawang sulat na natanggap namin, si Juno ang tumawag kay Aris pero ganun pa rin. Di ito makontak sa cp kaya binigay ko ang number sa opisina nya. Kinapalan ko na ang mukha ko. Natatakot na kasi ako.
"Ate, wala daw si Kuya. Nasa Singapore daw. Business trip," Matabang na sabi ni Juno.
"Wag ka mag-alala, ate. Po-protektahan kita." mahigpit akong niyakap nito. Sa kabila ng panginginig ko, kumalma ako sa sinabi ni Juno.
Matapos akong maospital sa pangatlong pagkakataon at masiguradong maari akong bumiyahe, pumunta kami sa Cebu...ang hometown ni Mama. Umuwi kaming bigo ni Juno. Hindi kami kinilala ni Tiya Betty.
Mabilis ang naging desisyon namin ni Juno. Kumausap kami ng isang real estate broker para maibenta ang bahay as semi-furnished. Within four days, marami raw ang interesado sabi nung broker.
"Ate, nagparamdam na ba sa iyo si Kuya?" walang emosyong sabi ni Juno.
"Tumawag na ako sa opisina nila. Nagbilin ako sa secretary nya na importanteng magkausap kami pagbalik nya galing Singapore, " sabi ko.
Totoo iyon, dahil hanggang sa huli, umaasa ako na dadating si Aris, para magkausap kami.Magkausap ng maayos. Hindi ko alam kung anong klaseng maayos, basta ang alam ko, ayoko ng ganito... nakabitin ako sa balag ng alanganin. Tanggap ko naman eh. Ibang-iba na ang sitwasyon. Tanggap ko basta may closure. Pero ang closure na inaasahan ko ay dumating sa tila isang sequel.
Ang part one, isang linggo lamang ay nakahanap na nang buyer sa bahay ang broker para sa amin. Galing kami sa bangko ni Juno para mai-deposito sa account ko ang ibinayad sa amin. Nadatnan namin ang isang kotse sa tapat ng bahay namin. Akala namin noong una ay nakiparada lang pero nung bubuksan na namin ang gate, bumaba doon ang mommy ni Aris. Kinabahan ako. May masama bang nangyari?
"Iha, maari ba kitang makausap?"
"Sige po. Pasok kayo sa loob."
"Ate, sino sya?" bulong ni Juno sa akin. Nag-drop out na ito sa eskwela dahil lilipat nga kami sa Palawan. Ang totoo nyan, may kausap na kami doon. Lilipad kami sa Palawan sa makalawa para tingnan ang mga lugar na pwedeng upahan doon.Hindi ko na sinunod ang bilin sa akin na bedrest. Kailangan muna naming makaalis dito.
"Mommy ni Aris," sagot ko. Kumunot ang noo ni Juno.
Pinaupo ko ang mommy ni Aris. Hindi pa naman halata ang tiyan ko dahil tatlong buwan pa lamang ito at maluluwag ang mga t-shirt na suot ko. Pero kinabahan ako nung dumapo ang mata niya sa tyan ko.
Napansin din iyon ni Juno, "Gusto nyo po ng juice?" alok nya dito para maibsan ang tensyon ko.
"Sige,salamat." malumanay talaga magsalita ang mommy ni Aris, puna ko.
Tumikhim ito nang nasa kusina na ang kapatid ko.
"Iha, kumusta ka na?"
"Ayos lang po. Bakit po kayo nagpunta dito?" diretso kong tanong.
"Tungkol sana kay Aris, iha."
"Dalawang linggo na kaming walang communication ni... ng anak nyo," pigilin ko man, di ko maiwasang magkaroon ng bitterness ang pagkakasabi ko.
Ilang segundo itong hindi nagsalita. "Pilit ka nyang inilalaban sa daddy nya," may tuwang humaplos sa dibdib ko sa nalaman. Nakita ko naman ang effort ni Aris na manatili sa tabi ko noong nasa ospital ako, hangga't kaya nya.
"Pero ilang linggo nang wala sa sarili ang anak ko. Nagsimula iyon noong maospital ka. Kaya nga kita dinalaw." She looked at me in the eyes. "Lalo na nitong mga nakaraang dalawang linggo. Kaya nga pinagbakasyon muna namin siya sa Singapore."
Alam ko kung bakit.Napatingin ako sa mga palad ko na nasa kandungan ko.
" Gusto kong maging masaya ang anak ko, at ikaw ang nagbibigay noon sa kanya. Pero... sa nangyari nitong nakaraan..... My son loves you but there is a burden he is carrying associated with that feelings for you." May pinapatunguhan ang sinasabi nya sa akin.
"My son may win the fight for you but it will be different if there is a child involve who is not in our bloodline."
Naiyak na ako. Di pa pinapanganak ang anak ko, pero hindi na sya tanggap ng ilang tao.
"Iha," hinawakan nya ang kamay ko, "Magiging ina ka na rin. Maiintindihan mo kung ano ang sinasabi ko. Kilala mo naman ang asawa ko. Ayoko ring maranasan ng anak mo ang lupit ng lipunan kung saka-sakali. Kung wala sanang bata, baka sakali... tutulungan ko pa kayo."
Doon napaangat ang tingin ko sa kanya. Unti-unting bumakas ang bangis sa mukha ko.
"Are you suggesting na ipalaglag ko ang anak ko?"
"Ah...eh..hindi...hindi ganun..."
"Akin ang anak ko. Sa inyo na rin ang anak nyo. Lalaking masaya ang anak ko dahil ilalayo ko sya sa mga taong katulad nyo.Makikitid ang isip. Mas importante sa inyo ang pangalan nyo kesa sa buhay ng tao." Madiin kong sabi.
"Huwag ka namang ganyang magsalita, iha." There was a sense of contempt in her voice now.
"Madam," si Juno nakatayo sa pinto ng kusina, "Narinig ko po lahat ng sinabi nyo. Sasabihin namin ang gusto namin sa loob ng bahay namin lalo na kung ganyang ang mga maririnig namin sa inyo. Huwag na tayong magpaka-ipokrita dito. Sinabi nyo lang nang malumanay pero kahit saan natin tingnan, kabastusan at masama ang mga sinabi nyo."
Nanlaki ang mga mata ng mommy ni Aris.
"Umuwi na po kayo. Magpapahinga na kami."
Lumapit si Juno sa pinto at maluwang iyong binuksan. Walang nagawa ang mommy ni Aris kundi umalis.
Tumuloy kami ni Juno sa Palawan as scheduled. Nagustuhan naman namin ang isang maliit na apartment doon sa sentro. Uupa na lang muna kami tulad ng napagkasunduan namin. The next day ay bumalik na agad kami ng Maynila para mag-empake ng mga damit at ilang pangunahing gamit na kakailanganin namin sa pagsisimula sa Palawan.
"Jun, daan tayong Duty Free bago umuwi," yaya ko sa kanya paglabas namin ng airport galing Palawan.
"Feeling balikbayan lang?" biro nito sa akin.
"Tongek! Gusto ko bumili ng chocolates," ngumuso ako.
"Sa mall na lang bukas. Grocery na rin tayo. Kailangan mo na magpahinga. Masyado ka nang natagtag sa byahe." Kontra nito sa akin.
Wala na akong nagawa. Lumabas kami sa airport pick up/ drop off bay para makakuha ng taxi.
Naagaw ng pansin ko ang isang Ford Ranger na huminto sa likod ng taxi na kausap ni Juno ang driver. Mabilis bumaba ang driver noon at sinalubong ang isang pareha na galing din sa airport.
"Nakakainis ka naman eh. Akala ko one month tayo sa Singapore," sabi nung babae. Napalingon ako dahil kilala ko ang boses na iyon.
Si Maddie... nakaangkla ang kamay sa braso ni Aris!
Magkasama sila sa Singapore magbakasyon?! Akala ko he needs time alone to think and all?!
"Ate, halika na!" yaya ni Juno. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sinundan ng tingin ni Juno ang tinitingnan ko. Biglang namula ang mukha nito.
Hindi ko ito napigilan nang humakbang ito papalapit kina Aris. "Kuya Aris!" tawag nito.
Kita ang pagkagulat sa mukha ni Aris at mabilis na inalis ang kamay ni Madie sa braso nya.
"Ahm , Juno..." yun na lang ang nasabi nya dahil mabilis hinatak ng kapatid ko ang isa nyang braso bago tumalikod sa kanya, putting him on the pavement with a perfectly executed hip throw. Next thing I knew, tumili si Maddie while Juno was hovering over Aris giving him two big open palm punches on the face.
"Putang ina mo, paasa ka! Kung wala kang bayag, may bibig ka para magsabi!" gigil na gigil na sabi ni Juno sa nakahigang si Aris habang hawak nya ito sa kuwelyo. "Wag ka na lalapit sa amin!" iyon lang at tumalikod na ito.
Dinaluhan ni Maddie si Aris na sapo ang ilong na nagdugo. Gentleman pa rin naman, sabi ko sa sarili ko. Hindi pinatulan si Juno.
"O, ano, ha?!" Inambaan ni Juno yung driver nina Aris na nagtangkang lumapit. Napaatras tuloy ang pobre.
"Ate, tara!" nagmamadali akong sumakay na taxi. Tahimik kami sa byahe, hanggang sa tumulo ang luha ko. Ang sequel.....Ayun na ang closure na hinahanap ko.
"Ate...." nag-aalalang tawag sa akin.
Nagtama ang tingin naming magkapatid paglingon ko sa kanya.... tapos sabay kaming napabungisngis.
"Para akong tanga!Umiiyak ako tapos tumatawa." sabi ko. "Bunso, salamat ha? Grabe, yung liit mong yan, nagawa mo yun!" natawa uli ako sabay punas na rin ng luha.Five three lang kasi ito tapos five eleven si Aris.
"Gulpe de gulat ang tawag dun! Samantalahin ang pagkatulala, ganun! Kung alam nya ang gagawin ko, mahihirapan din ako, " tapos tumawa ulit. Hinilot nya ang palad nya, " Sakit ng palad ko. Tigas pala talaga ng mukha nun." Nakanguso nitong reklamo.
In less than a week, naiayos namin ang mga gamit naming dadalhin, ang shipping nito at nakalipat kami ng Palawan. Sa loob ng panahong iyon, ilang beses tumawag si Aris sa akin sa cp, pero kina-cancel ko. Pati text messages nya, agad kong binubura ng hindi binabasa. Tama na! Sarili ko naman ang iisipin ko. Tsaka kung gusto nya talaga akong makausap, bakit di sya pumunta sa bahay namin.
Yung araw na palipad kami papuntang Palawan, nag-text ako sa mga kaibigan ko na patungo na kami sa Cebu dahil kailangan ko ng pahinga sa lugar na presko ang hangin and all those lies. Hindi ko na hinintay ang reply nila. I threw my old phone number and used a new sim. I changed my FB's settings to private that even my friends cannot view my account info or photos. Ganun din ang ginawa ni Juno. Mas importante ngayon ang kaligtasan naming tatlo. Ako, si Juno at ang anak ko. Hindi namin kilala kung sino ang nagbabanta sa amin.
Awa ng tadhana, naging tahimik ang buhay namin sa Palawan kahit nahirapan kami sa umpisa lalo na nung nagseselan ako sa pagbubuntis. May kinakargo man kaming problema sa kalusugan ni Hope, masaya ako na wala ang nanggugulo sa amin.
Masakit na masakit, pero tinanggap ko na hanggang doon na lang kami ni Aris. Sa ngayon, priority ko ang pamilya ko : si Hope at si Juno.
Lilipas rin ang sakit...sana ....sana .....
"Mommy, finish na..." narinig kong sabi ni Hope. Napatingin ako dito. "Why crying, mommy?"
"Ha?" napahawak ako sa pisngi ko. Oo nga. Hindi ko napansin sa lalim ng iniisip ko.
"No, baby, sleepy lang si mommy tsaka tired na eyes ko," sabi ko na lang. "Let's sleep?" Tumayo na ako.
Inangat nito ang mga kamay sa akin. Nagpapakarga. Binuhat ko ito tapos pinatay ko na ang tv.
Bago pumasok sa kwarto, sinigurado kong naka-lock ang screen at ang pinto namin.
===============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro