35 Washbasin
Andie's POV
Tahimik lang akong nakaupo sa likod ng hotel service pagkatapos kong sabihin sa driver kung saan ako ibababa.
Hindi ko inaasahan ang mga nangyari ngayong araw na ito. Pero isa ang sigurado ako. Natutuwa ako. Una, magkakaroon ng oportunidad ang bawat isa sa amin sa promotion. Ibig sabihin, mas malaking kita. Umaasa ako na kahit malipat man lang ako ng department na kahit papaano ay tumaas ang sweldo ko. Hindi na ako nag-aasam ng promotion kasi hindi nga ako college graduate. Sayang, isang sem na lang ako. May ideyang pumaso sa isip ko.
Kung kausapin ko kaya ang management na bigyan ako ng certificate na nag-render ako ng oras para ikonsiderang OJT? Tsk! Mali, kailangan ko pa palang mag-enrol, isa pa di ako sigurado kung make-credit lahat ng units ko sa St.Margaret noon. Saka na lang muna. Gastos pa iyon. Priority namin ang expenses ni Hope sa pagpapagamot.
Pangalawa, natutuwa ako na nagkita kami uli ni Reid...Sir Reid pala! Haha! Napailing ako. Di ko inaasahan na sya yung Freidrich Schulz na may-ari ng Casa Alicia. Kung pagbabasehan, talagang mabait ang pamilya nila. Kita ko iyon sa pamamalakad nila sa hotel. Isa pa, napatunayan ko iyon noon pa mang ilang ulit akong tinulungan ni Reid. Lamang, may hatid itong pag-aalinlangan sa akin. Halata naman na hindi lang kami ngayon nagkakilala nito. Malaki ang posibilidad na magkakaroon ng usap-usapan sa hotel. At iniiwasan ko ang ganito. Gusto ko lang ng tahimik na buhay. Ayoko ng kumplikasyon ...para kay Hope.
Pangatlo, nakaluwag sa dibdib ko ang pagtugtog ko sa dinner meeting. Though sa simula ay naasar ako kay Reid sa ginawa niyang pambubuking sa akin, at the end, nakatulong iyon. It was like a slight therapy for me. I may have thrown into a stunt when I cried, pero pagkatapos niyon, gumaan ang pakiramdam ko. Siguro, na-miss ko lang uli ang pagbabanda o pagkanta sa harap ng mga tao. O baka, nagkaroon muli ako ng pgkakataon na tumugtog ng para sa sarili ko. Ubos ang oras ko sa trabaho, part-time job at kay Hope. Kulang pa ang oras ko para makatulog ng kumpleto sa oras. Mabuti na lang at naririyan si Juno na katuwang ko. Kanina, naramdaman ko ang sinserong pag-aalala ni Vina, nang supervisor ko at ni Reid.
Si Reid. Isa sa mga tao sa nakaraan ko na tila nakalimutan ko na. Pero, isang tao sa nakaraan ko na hindi nagparamdam sa akin ng lungkot ng makita kong muli. Kaya siguro magaan ang pakikipag-usap ko sa kanya at ganoon din sya sa akin. Kahit hindi naging matagal ang interaksyon namin noon, nagkaroon kami ng bond. Special bond. Saksi iyon sa kagyat naming pagkakaintindihan sa simpleng tingin, tango at pagpisil nya sa balikat ko kaninang bago at matapos akong tumugtog sa dinner meeting.
Bigla akong namula. Naalala ko yung pisilan namin ng palad kanina sa stage. Shit! Ang dami ... mali, naroon lahat ng mga opisyal at empleyado ng hotel. Naitakip ko ang palad ko sa mukha ko. Nakakahiya!
Pero naintindihan naman siguro nila. Emosyonal ako kanina.... emosyonal.... kasi ....
Pitong linggo akong na-ospital. I mean, limang linggo dito dahil inilipat ako ni Aris ng ospital malapit sa bahay namin sa Sucat. Dalawang linggo lamang ako sa ospital kung saan ako unang dinala na nasa Marikina.
Last week, tinanggal na yung cast sa isa kong paa. Nakabenda na lang ito pero nakakalakad na ako, medyo may konting paika-ika na lang. I can manage by myself sa loob ng ospital like going to the toilet without any help. Wala na rin ang benda ko sa kamay, and though may malabnaw na mga peklat na naiwan mula sa mga tinamo kong galos alam kong madali lang rin iyung mawawala.Umangat ang kamay ko patungo sa tahi ko sa ulo. Hilom na iyon at tumutubo na ang ang buhok ko sa parteng iyon na inahit dahil kinailangan ngang operahan ang namuong dugo roon.
Mula sa pagkakaupo sa hospital bed, inikot ko ang mga mata ko sa loob ng kwartong iyon. Isa itong regular private room. Mag-isa ako ngayon dito. Nakabukas ang tv pero hindi naman ako nanonood. Ayoko lang ng masyadong tahimik dahil para akong nabibingi.
Noong una hanggang dalawang linggo mula ng magising ako, palaging naririto si Aris. Pero nagsimula na namang dumalang ang pagpunta nya sa ikatlong linggo. Nag-umpisa na namang mamahay ang pangamba sa akin.
Oo, alam ko, mula nang magising ako, meron nang nabago. Though nakikita ko pa rin ang pagmamahal nya sa akin sa mga mata nya, sa kilos at pag-aalala, may nagbago. Naiintindihan ko, naiintindihan ko sya.Ayokong isipin na it is only guilt that was making him visit and take care of me. Pero, parang ...nandidiri ba sa akin si Aris? Hindi, hindi eh. Tanggi ng isip ko.Walang may gusto sa amin sa mga nangyari. Hindi ganoon si Aris ko.
Aris ko...
Aris ko...
Akin pa ba?
Masisisi ba ako kung ganito ang takbo ng isip ko?Ang maging paranoid at mangamba.
Lalo na nung minsang paggising ko ay nakita kong nakatayo sa tabi ng hospital bed ko ang mommy ni Aris at nakatitig sa akin. Ayoko mang aminin, nabasa ko ang awa sa kanyang mga mata. Awa para saan? Hindi ko alam.
"Good ...." tumingin ako sa wall clock sa itaas ng pinto ng hospital roon ko, "Good afternoon po," bati ko rito.
Ngumiti ito ng tipid na tila naaliw pa dahil sinigurado ko muna ang oras bago ko sya batiin.
"Kumusta ka na,iha?" malumanay nitong sabi.
"Ma...maayos naman po kumpara noong nakaraang linggo." Medyo nabigla ako sa sinabi nya at sa pagdalaw nya. Tumingin ako sa likod nya, tapos sa paligid ng kwarto.
Tila nabasa nya ang naiisip ko, "Ahm...wala si Aris. Nasa Pampanga for a project. Mga dalawang araw siguro sya doon."
Hindi ako kumibo.Si Juno kaya? Malamang nasa eskwela pa. Maya-maya, andito na siguro iyon.
"Kani-kanina pa ako rito. Nag-rounds na rin ang doctor mo. So far, ok ka naman daw. Kailangan mo lang magpahinga para gumaling ang mga galos, pilay at tahi mo," imporma nito sa akin."Hinintay lang talaga kitang magising para kumustahin ka. Aalis na ako," tumalikod na ito papunta sa pinto, pero lumingon bago nya isara ito.
"Iha, hindi alam ni Aris ang pagparito ko. Sana ay hindi mo na mabanggit sa kanya. Sobra na syang stress ngayon."
Tumango ako."Salamat po sa pagdalaw," sabi ko na lang.
Matipid itong ngumiti at tuluyan nang umalis.
Binalikan ko ang mga sinabi ng mommy ni Aris. Kinabahan ako. Alam nya kaya ang totoong nangyari sa akin? Nagbilin kami sa doctor na gawing confidential ang mga bagay na ito.
Lalo akong sinaklot ng pangamba.
Naibsan lamang iyon dahil sa panaka-nakang pagdalaw nina Sam at Rika sa akin. Si Sarah naman ay isang beses pa lang dahil raw sa isang family emegency. Di na ako nagpumilit magtanong dahil ayaw daw ni Sarah na mag-alala pa ako sa kanya at makasama pa sa kalagayan ko. Gusto kong mahiya sa bestfriend ko. Gusto ko syang damayan pero di ko magawa.
Dinalaw rin ako nina Jeff, Mike at Erol ng dalawang beses. Nauunawaan ko na hindi nila ako mapupuntahan palagi dahil busy sila sa mga trabaho nila.
Ganoon din sina Nala, Carl, Tom at Nick. Sa pitong linggo ko rito, apat na beses nila akong dinalaw. Yung unang dalawa ay comatose pa raw ako. Kumuha na sila ng bagong bokalistang babae na pansamantalang kapalit ko a month ago. Which was ako na ang nagsabi. Ayokong mag-suffer ang banda dahil sa absence ko. Nagte-text naman sila sa akin para mangumusta at balitaan ako.
Humiga uli ako sa kama. Eto na naman yung pagkahilo na nararamdaman ko. Ang sabi sa akin ng doctor, normal daw iyon.Basta hindi ako nakakaramdam ng sakit na tila binabayo ang ulo ko.
Kahapon ginawa ang last round ng lab tests sa akin para siguradong ok lang ako bago ako i-discharge ngayon. Iyon ang dahilan kaya wala si Juno.Pinatawag sya ng doctor k kani-kanina. Ayokong tanungin kung tungkol saan. Baka tungkol ito sa mga maiiwang babayarin dito. Kawawa naman ang kapatid ko. Hindi ko alam kung saan sya kukuha ng karagdagang pera para sa mgahospital bills ko.May ipon na muli kaming magkapatid pero alam kong hindi sapat iyon para ma-cover ang lahat.
Darating na rin daw si Aris para sunduin kami. Nami-miss ko na sya. Huli ko syang nakita was two days ago, pero nagkausap namin kami saglit kagabi gamit ang cellphone ni Juno.
Kumalam ang tyan ko. Tsk! Halos kakakain ko pa lang ng agahan!
Bumaba ako sa kama para tingnan kung anong pwedeng makain sa mini-fridge na malapit sa pinto ng toilet. Umikot ang paningin ko pagkatapak ng paa ko sa semento kaya naupo ako saglit sa kama para pahupain ang nararamdaman kong hilo.
Sandali lang naman iyon, tulad noong mga nakaraang mga araw. Nagsuot ako ng tsinelas tapos naglakad ako patungo sa mini-fridge at binuksan iyon. Bumuglaw sa akin ang amoy ng rambutan na iniwan ni Juno kagabi. Bumaliktad ang sikmura ko.Mabilis kong isinara ang pinto ng fridge at malalaki ang hakbang na nagtungo sa banyo. Hindi na nga ako umabot dahil medyo paika-ika nga ako kaya nasuka na ako sa palad ko.Sa toilet washbin ko na inilabas ang iba pa. Binuksan ko ng malakas ang gripo para mahugasan na rin ang kamay ko habang patuloy na nagsusuka. Nanlalambot na ako at lalo akong nahilo.
May malakas na bundol sa dibdib ang sumagi sa akin.
Lord, wag naman po, please! Sana kasama lang ito sa mga side effects ng opera at mga nainom kong gamot.
May naramdaman akong humihimas sa likod ko.
"Ate...." mahina pero nginig ang boses niya mula sa likod ko.
Kumalma na rin ang tyan ko. Siguro naghanap lang ako ng haplos ng pagdamay. Naghilamos ako.
Pero pagtingala ko mula sa washbasin, napatingin ako sa salamin.... ang repleksyon ni Aris sa likod ni Juno na tila tinuklaw ng ahas!
Hindi nawawala ang kaba sa akin. Inalalayan ako ng kapatid ko palabas ng banyo,paupo sa hospital bed. Nakita ang bungkos ng mga papel sa side table ng kama. Mabilis itong sinamsam ni Juno. Si Aris ay napakatahimik na nakaupo sa sofa bench na nagsisilbing higaan ni Juno kapag binabantayan nya ako dito.
Tinitigan ko siya pero umiwas sya ng tingin at itinutok ang mata sa sahig habang nakatukod ang siko sa tuhod at nakasalikop ang dalawang kamay sa batok nya.
Tumikhim si Juno, "Ate, ito na discharge papers mo. Hintayin na lang natin yung doctor para sa iba pang bilin at reseta."
"Patingin nga nang mga papel na yan," simple kong sabi.
"Wag na, Ate. Mga resulta lang naman ito ng lab tests mo. Ok naman," tanggi nito. Tiningnan ko sya sa mata pero katulad ni Aris, umiwas ito ng tingin.
"Juno!"
"Ano, wag ka na mag-alala. Bayad na naman lahat." Sabi nito.
"Saan ka kumuha ng pambayad? Kulang ang pera nating ipon. Inaasahan ko ng katulad kay Mama, mag-iiwan tayo ng promisory note. Isa pa hindi iyon ang gusto kong makita. Yung lab tests results ko."
Bago pa makasagot si Juno, we heard warning knocks on the door tapos pumasok na si Dr. Padilla, yung attending physician ko at isa pang doctor na babae.
Seryoso ang mukha nila pareho.Pinaupo muna nila ako sa hospital bed.Tumabi sa akin si Juno. Wala na rin kasing pwesto sa couch at sa tabi ni Aris dahil nakaayos na ang mga gamit namin doon.
Mayroong hindi tama. Kung noong nakaraan, ramdam ko na may nagbago, ngayon, merong hindi tama!
"Iha," simula nito, "Your lab test results are normal. I already signed your discharge papers. I believe everything has been taken cared of...." he trailed.
"Bale may babaguhin lang ako sa set ng medication mo. Anyway, more of pain killers at anti-biotics na lang naman ang kailangan mo...but we have some consideration to make with one of the lab results that came out." Tumingin si Dr. Padilla sa doctor na nasa likod nya.
My forehead creased. Nabibingi ako sa tambol ng puso ko dahil nung lumapit ito sa akin, Nakita ko ang naka-print sa doctor's coat nya... Elizabeth Sia, OB-GYN.
Hindi pa sya nagsasalita, tumulo na ang luha ko at lumipad ang isang kamay ko sa bibig ko para pigilan ang palahaw na gustong lumabas sa bibig ko.
"Ms. Dela Cruz, I'm Dr. Sia," simula nito.
Kaya pala..kaya pala...yung mga sintomas ... hindi ito basta dulot ng opera ko at aksidente. Magaling na talaga ako mula sa mga ito.
May kumawalang matinis na hikbi sa akin.Si Aris, nakatungo pa rin at yumugyog ang balikat.
Niyakap ako ni Juno. "Ate...tama na. Makakasama sa iyo at...." hindi nya itinuloy ang sasabihin nya. Nabasa ang balikat ko sa luha ng kapatid ko.
Naramdaman ko rin ang pagpisil ni Dr. Padilla at Dr.Sia sa mga balikat ko. Hinitay nila akong kumalma bago itinuloy ni Dr. Sia ang mga kailangan nyang sabihin.
"You're going seven weeks....pregnant, Ms. Dela Cruz." She paused, "Thing is, marami kang na-intake na gamot due to your accident. I would recommend na magpa-ultrasound ka today bago ka umuwi, so we can check the condition of the baby."
Ganoon nga ang ginawa namin. Naiwan si Aris sa kwarto while I undergo ultrasound. Kapatid ko ang kasama ko. Sya na nag nagtulak ng wheelchair ko papunta sa ultrasound room.
"There is a heartbeat, however, medyo mahina ang kapit ng bata," si Dr. Sia, matapos ang ultrasound ko. "Reresetahan kita ng mga vitamins at pampakapit. Iwasan mo ang ma-stress at mapagod. At the very sign of any abdominal pain or spotting, pumunta agad kayo sa ospital."
Tumayo ito mula sa likod ng desk nya at pumuwesto sa kaharap kong upuan. Tumikhim ito, " Iha, I know the circumstance of your pregnancy,and it's confidentiality. What is your plan? I hope it is not..."
"No, doc." I cut her off. "If you're thinking na ipapalaglag ko, it's a no." Matatag kong sabi. "I'm not even considering adoption, it's still a no. Dadalawa na lang kaming magkapatid, welcome ang anak ko sa pamilya namin. The circumstance of my pregancy was unwanted but my child is not."
"That's correct, doc," segunda ni Juno na nakatayo sa likod ko.
Ngumiti si Dra. Sia ng malapad at hinawakan ang kamay ko. "Very good! Dr. Padilla's decision to do pro-bono for you was never a mistake. I will do the same. That would also be until you give birth. I want to monitor your baby's development."
Nagulat ako sa sinabi nya. Na libre na ang professional fees nila ni Dr. Padilla."Salamat po...maraming salamat po!" naiiyak kong sabi. Marami pa ring mababait na tao sa mundo.
Mas maluwag na ang pakiramdam ko paglabas ng clinic ni Dra. Sia.
"Ate, ako na ang kukuha ng gamit natin sa kwarto. Dito ka na lang sa lobby. Nasa parking na raw si Kuya Aris para kunin yung sasakyan." Tumango lang ako.
Nakabalik na si Juno bago pumasok si Aris sa lobby. "Let's go," sabi niya sa kapatid ko at ni hindi ako tinapunan ng tingin. Napahinga ako ng malalim.
Siya na ang nagdala ng mga gamit at bag namin. Si Juno ang nag-alalay sa akin papunta sa kotseni Aris na nakaparada sa harap ng hospital entrance. Sa shotgun si Juno at sa likod ako.Tahimik ang buong byahe namin kahit pagpasok sa loob ng bahay.
Mabuti na lamang at patay na oras kami dumating kaya walang kapitbahay kaming inabutan na nasa labas ng kanilang mga bahay.
Si Aris na rin ang nagpasok ng mga gamit namin sa loob ng bahay dahil si Juno ang nakaalalay sa akin.
"Aris, gusto mo bang magmeryenda muna?" malumanay kong tanong sa kanya after he put all our stuff sa sofa. I want to open up a conversation with him to know what he's thinking.
"Hindi na muna siguro. Kailangan mo magpahinga, tsaka magpapahinga rin ako. Kagagaling ko lang sa long drive mulasa site namin sa Pampanga," sabi nya na nakatingin na sapatos nya.
"Pwede ka namang magpahinga sa itaas," Yes, I'm pushing it, I know.
Huminga siya ng malalim tapos nag-angat ng tingin sa akin. Namumula ang mata nya...sa pinipigal na emosyon?
"Andie...."
Andie? Nasaan yung Andz? Yung Princess?
"I need some time alone now... I need to absorb everything that has been happening...." dahan-dahan nyang sabi. Umupo sya sa katapat kong single couch at hinawakan ang dalawang palad ko ng mahigpit.
"I know, this is really hard for you....I want you to know that I'm not breaking up with you, alright...."
Tumulo na ang luha ko. Wala na akong hikbing mailalabas, tahimik na luha na lang.
"Just give me time to digest everything. Everything.... they are not easy for me as well... I need time, please!" pakiusap nya sa akin. Tears were flowing down my face , as well as his.
"Yeah... I .... I understand ... " mahina kong sabi. "I perfectly understand."
"Don't cry please... I will be back... I just need time," assurance nya.
Wala syang sinabi kung kailan sya babalik. I texted him twice after three days nang pag-uusap naming iyon pero wala akong natanggap na reply.
"Ate, tumawag si Kuya Aris, kinakamusta ka. Tulog ka kasi kaya di na kita ginising. " sabi ni Juno.
Pero bakit parang ayokong maniwala? Bakit hindi nya ako kinausap? Bakit tulog ako palagi o nasa eskwela si Juno kapag tumatawag sya sa kapatid ko? Meron na akong bagong phone, though mumurahin iyon, pwede naman nya akong tawagan doon. Gumagawa lang ba ng kwento si Juno para mapagaan ang loob ko?
Nalaman ko na hindi naman totally nagalaw ang savings naming magkapatid. Nag-abot ng tulong ang mga kaibigan namin para sa hospital bills ko at si Aris ang sumagot ng kakulangan. Pinaabot ko ang pasasalamat sa kanila kay Juno.
Dumalaw si Sam at Rika sa bahay minsan at may dalang groceries at pagkain para sa aming magkapatid, "Girl, bakit namumutla ka? Tsaka nangangayayat ka?" sabi ni Sam.
"Medyo matapang kasi ang gamot ko," pagsisinungaling ko.
"Sayang 'no? Di ka namin kasabay mag-graduate. Pero ok lang yun. Mas kailangan mo magpahinga.Bawi ka na lang next time," sabi ni Rika. Nalungkot ako sa sinabi nya.
"Si Sarah? Kumusta na?" sabi ko.
"May pasok ngayon. Sya muna ang nagko-cover para kay Tita Alice kasi naospital si Tita," sabi ni Sam.
"Ay bakit?"
Hindi nakaligtas sa akin ang simpleng panlalaki ng mata ni Rika kay Sam. " Alam mo na, nagkaka-edad," hilaw na sabi ni Sam.
"Meron ba akong di nalalaman?" tanong ko. Medyo na-guilty ako sa sinabi ko dahil ako mismo, hindi naging tapat sa mga kaibigan ko.
"Huh? Wala naman." Di ako naniniwala sa sinabing iyon ni Rika.
Pag-alis nila ngaraw na iyon, una naming natanggap ang isang anonymous na sulat: Nabuhay ka pala!
===============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro