27 Cellphone
We had a great day when Sunday came. As promised, Aris came around five in the afternoon so we could attend the six pm mass with Juno. After that, nagyaya akong sa labas na kami mag-dinner para hindi na magluluto. May gig kasi kami ng nine ng gabi. But Aris insisted to just call for delivery sa bahay. It was fine with me para makapaghanda na rin ako para sa gig namin. Matapos mag-dinner, nagpahinga lang ako sandali bago pumunta sa Hang Out. Aris drove me there, kaya maaga akong nakarating, though naroon na sina Milo at Tom.
Monday was Juno's birthday when I handed her my gift. She was ecstatic pagbukas niyon.
"Thanks, Ate. You're the best! Paano mo nalaman?"
"Basta!" pamisteryoso kong sagot.
May schedule kaming practice mula Monday hanggang Thursday that week tuwing gabi. Practice ng mga bagong kanta para maraming pondo sa mga requests.
Sa umaga naman, naghahanap ako ng bar or hotel na pwede akong mag-OJT, tulad ng Miyerkules na iyon. Pinuntahan ko na lang yung hotel kasi ang hirap mahagilap thru phone yung admin officer nila na in-charge sa pagtanggap ng mga mag-o-OJT.
Saktong patanghali na nung matapos ako sa interview at pinalad na matanggap para doon mag-OJT sa restaurant ng nasabing hotel. The manager in-charge even toured me in the restaurant. I was outside the hotel entrance sa tapat ng drop off bay when a familiar grey sports car stopped pero nawala ang atensyon ko doon dahil nag-ring ang phone ko. Tumabi muna ako bago sinagot ang tawag.
"Bes," si Sarah. "O paano? See you sa pasukan. Dun ko na lang ibibigay ang pasalubong ko," sabi nito na halata ang excitement sa boses.
Ngayon na kasi ang alis nila papuntang Bahamas ni Tita Alice. Si Sam at Rika, nung Monday pa nakaalis. Babalik na lang ang mga ito sa pasukan. Wala naman kasing mga problema ito sa pag-e-enrol dahil may mga gagawa na ng mga iyon para sa kanila. Perks of being a rich kid!
"Gusto ko, perlas na nasa kabibe," biro ko. Habang inaayos ang manggas ng suot kong blazer. Nag-corporate attire ako para professional ang dating.
"Try natin. Gusto mo hawak pa ng sirena," humalakhak ito.
"O siya, o siya. Mag-iingat kayo ni Tita at mag-enjoy. Oo nga pala. Meron na ako para sa OJT 2 natin. Andito pa nga ako sa labas ng hotel."
"Very good. O sige na! Bye, Bes. Mami-miss kita! Mwah!" yun lang at nawala na ito sa linya.
Saktong pag-angat ko ng ulo, may tatlong mamahaling sasakyan na huminto sa drop off bay. Isa doon ang BMW na kilalang-kilala ko kung sino ang may-ari.
Humakbang ako palapit pero napahinto midway dahil umibis na si Aris mula roon at nagmamadaling binuksan ang pinto ng shotgun seat. Then emerged...Maddie na nakangiti ng malapad kay Aris. Si Aris naman ay tipid na ngiti lamang ang isinukli rito. Ihinagis ni Aris ang susi ng kotse nya sa valet at tumayo sila ni Maddie sa drop off na tila may hinihintay. Kumapit si Maddie sa braso nya na simpleng pinalis ni Aris pero di bumitaw si Maddie.
Natulala akong nakatingin lang sa kanila. Sunud-sunod ang paghinga ko. Para akong nagha-hyper ventilate. May dalawang pares ng may-edad na mag-asawa ang lumapit sa kanila na galing sa kasunod nilang sasakyan. Saka sila sabay-sabay na humarap sa entrance kung saan ako nakatayo na ngayon.
Nagkulay suka ang mukha ni Aris at nagulat si Maddie. Samantalang andun ang pagtataka ng apat nilang kasama kung bakit sila napahinto.
Ang mommy ni Aris ang unang pumansin sa akin.
"Ah, iha..." may pag-aalinlangan sa boses niya. Hindi ko alam kung para asan.
"Good afternoon po, Ma'am, Sir," magalang kong sabi sabay tingin sa mga magulang ni Aris at sa palagay ko, parents ni Maddie yung dalawa pa.
"Andz...." mahinang tawag sa akin ni Aris. Hindi ako sigurado kung takot ang nababakas kong kasama sa pagbigkas nya sa pangalan ko.
"Kaibigan nyo siya, iha?" tanong nung babaeng sa palagay ko ay mommy ni Maddie.
"Ahm –" sabi ni Aris.
"Ah, yes, Mom. Friend namin ni Aris," mabilis na sagot ni Maddie.
Nagpalipat-lipat ako ng tingin kay Aris at kay Maddie, tapos binaba ko ang tingin ko sa kamay nito na nakaangkla sa braso ni Aris. Madiin kong pinaglapat ang mga bagang ko para makatulong na hindi ako pangiliran ng luha.
"Friends? Really?" kunot-noo kong sabi at sabay tingin kay Aris. Ni hindi nya iyon kinontra. "I see... ok... fine."
Kaya ba pinilit nya na sa bahay na kami mag-dinner last Sunday imbes na mag-restaurant na lang?
All the hope and love he made me feel over the weekend came crashing down, right my very eyes!
Bumuka ang bibig ni Aris ngunit naunahan itong magsalita ng Daddy nya.
"Oh, you're Andie, right? The singer at that junkie bar?" He said with an obnoxious smirk. Does he really need to speak that loud?
Nagpanting ang tenga ko. This is too much. Not only Aris' Dad is humiliating me infront of these people, but the fact that Aris is not doing something about it. My parents did not raise me to be treated like this! I wanted to shout at them but the lump in my throat is keeping me na kahit pagsasalita ay di ko magawa. I know my face is starting to turn crimson red.
"Is there a problem about her being a singer, Sir?" Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko.
I've heard that voice... and that accent! Paglingon ko, again, my eyes met those grey eyes. This time, they were intense and pissed. Napanganga ako. All eyes from me went to him. Was that Maddie I heard gasp?
He walked to my side and felt his arm around my shoulders. Napatingin ako sa anim na kaharap ko. Nagpabalik-balik ang nagtatakang tingin nila sa amin ng katabi ko, maliban kay Aris na dumilim ang mukha at tumalim ang tingin sa aming dalawa. Nakakuyom din ang mga kamao nito.
Tumikhim ang daddy ni Aris, "And you are...?" Sabi sa katabi ko.
"Names and money do not matter, Sir...but attitude does. Especially within my hotel premises," prangka nitong sabi sa daddy ni Aris. Nanlaki ang mata ng matandang lalaki.
"I wonder how the madam is keeping up with you?" Cool na sabi nito bago sumulyap saglit sa mommy ni Aris na mahigpit ang kapit sa braso ng esposo.
"How dare you!" nanggigil na sabi nito.
"No, Sir. How dare you act like a dignified gentleman yet talk like trash to a lady."
Parang gusto ko na syang halikan sa pasasalamat!
"You don't talk to my father like that, you asshole!" Galit na singit ni Aris.
"Oh, we have another trash talker here!" Baling nito kay Aris. "Well, you should have not let your father talked to her like that then, " hamon nit okay Aris. "She is your and your girlfriend's FRIEND, right?" Binigyang diin pa nito ang katagang iyon.
Hindi nakaimik si Aris pero tila gusto na niyang sugurin ang katabi ko. Mahigpit syang hinawakan ni Maddie sa braso.
"Tama na," hinawakan ko ang kamay niya na nasa balikat ko at tiningala ko siya. "I think you've said enough," ngitian ko siya ng tipid ngunit puno ng pasasalamat.
"I won't let anyone talk to my GIRL like that," ngumiti ito ng malapad sa akin matapos akong kindatan ng mabilis. "Come, sweetie. I'm taking you home." I got the hint. I let him lead the way habang nakaakbay sa akin.
"Oh, wait!" Lumingon pa ito kina Aris. "Kung ayaw nyo nang tumuloy sa hotel ko, you may do so. Anyway, this is a free country." Pang-aasar pa nito bago ako hinapit at lumakad.
Bumaling ito sa valet, "I'll do my surprise inspection some other time. Give me back my key."
Matapos makuha ang susi sa valet, sumakay na kami sa kanyang silver gray na sports car.
He immediately buckled my seatbelt pagkaupo ko sa shotgun ng Porsche nya. Akma akong lilingon sa kinatatayuan nina Aris.
"Don't look back and waste my effort doing that stunt back there," he said while he was doing his seatbelt this time.
Nanigas tuloy ang leeg ko at pinirmi ang mata sa hood ng sports car nya. Pagkaliko namin sa unang intersection paglabas ng hotel premises, doon na tumulo ang pinipigil kong luha. Tumingin ako sa labas ng bintana para di iyon makita ng katabi. Pasimple kong itinukod ang siko ko sa cardoor at kunwari ay nangalumbaba pero ang totoo, I'm discreetly wiping my tears with the back of my hand and biting my fist to suppress any sound of my crying from going out.
"You can cry out loud, you know. I won't mind," basag nya sa katahimikan. Shit! Nakakahiya na talaga.
"Here," inabot nya yung box ng tissue sa dashboard. "Go on, I'd rather hear you cry kesa maging masamang hangin yan. Airlocked pa man din tayo dito sa kotse." Then he chuckled.
Gago ito ah! Sinamaan ko ng tingin. "Are you trying to be funny? Well, you're not!" I snorted.
"At least I tried." Balewala itong nagkibit-balikat. "By the way, you're welcome," he said that teasingly.
Biglang nag-init ang mukha ko. Oo nga naman. Napaka-ingrata ko yata. After what he did for me to save my face, sinungitan ko pa. Sheeesh! Kasi naman.
"Uhm... I'm ... I'm sorry... and thank you." I said sheepishly.
"No problem. So... What were you doing at my hotel?" Kaswal na tanong nito.
My hotel?!?! Damn, so magiging boss ko pala ito kapag nag-start na akong mag-OJT doon?
Napatikhim ako. I was about to open my mouth to answer, when my phone rang.
Kinuha ko ito sa bag. Aris is calling!
"What now?!" I snapped at him as soon as I hit the answer button. I pulled a tissue from the box to wipe my tears. Nababasa ang phone ko.
"Who was that, Andie?" Nanggigil na sabi nito.
"Ako pa talaga ha? Ako pa talaga ang pinagpapaliwanag mo kung sino yung kasama ko," hinihingal kong sagot sa kanya. "You bastard!" I ended the call.
"Your ex? Good move," komento ng katabi ko.
Tumunog uli ang phone ko. Tumatawag uli si Aris.
I was about to answer it again, when this guy beside me grabbed it and answered the call himself pero di agad ito nagsalita, mukhang pinakinggan nya muna sinasabi ni Aris, then...
"Princess? Well, Mr. Prince, your explanation is way too late. I'm the one beside your Princess now," he cooly said then he opened the window on his side and threw my phone outside.
"The fuck?!" Gulantang kong nasabi.
"Hey, languange please," saway nito sa akin.
"You literally threw my phone outside the window of your speeding car. Sino'ng hindi mapapamura sa ginawa mo?!" Sumigaw kong sabi. "Kabibili ko lang nung last month!"
At that moment, I totally forgot why I ended up in this car. I forgot about my heartache. Biglang nag-spike ang irita ko sa lalaking ito!
Dumukot ito sa inner pocket ng coat ng kanyang business suit. Inabot sa akin ang Iphone nya. Latest model.
"Aanuhin ko yan?!" sikmat ko.
"Kapalit nung cellphone mo na nasira ko. Last month ko lang rin binili yan. Pakitanggal na lang nung sim. For official business ko kasi yan."
"Correction! Binato mo... intentionally. And I prefer Android!"
Natatawa na ito, "Wait," Binuksan ang dashboard at may nilabas na Samsung phone. "O, ayan. Kagabi ko lang binili. Personal ko sana. Wala pang nakakaalam ng numbe---"
"Ang yabang mo!" putol ko sa kanya.
"Huh?"
"Wala. Wag na! Kaya kong bumili ng sarili kong phone. Kayo talagang mayayaman," nanggigigil kong sabi.
"Hey, I don't like what you're implying," angal nito.
Oo nga naman. Sa ginawa nito kanina, may maganda naman itong kalooban...kaya lang kasi yung phone ko! Hindi na lang ako nagsalita at muling tumingin sa labas. Unti-unting nangunot ang noo ko... at kinabahan.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya, "Ahm... this is the way to...."
"We're here! I mean, this is the farthest I know I can bring you. So, where's your house?" Huminto kami sa gilid ng gate ng subdivision namin.
"Paano mo nalaman? Stalker ba kita?" parang gustong manginig ng laman ko sa takot.
Tumawa ito ng malakas. "You think highly of yourself. Me, stalker? Nah! Not my kind. So, where to?"
"Dito na lang. Salamat!" Nagmamadali kong binuksan ang cardoor...pero...
"Power lock, sweetheart." Nakangisi ito sa akin. "So, saan kita ihahatid?"
"Dito na nga lang. Please open the door!" Pakiusap ko at nangilid na ang luha ko.
Nawala ang ngisi sa mukha nya at napalitan ng pag-aalala. "Hey, I'm sorry. I didn't mean to scare you," magaan na hinawakan ako sa braso. Napapiksi ako.
"I know you live in this village when I followed the taxi you were riding ...uhmm.. I think that was last Thursday. I just want to make sure, kasi there were two hooligans following you that night I saw you along Roxas Boulevard."
Nanlaki ang mga mata. That was him? Yeah, right...gray sports car who honked at those guys and followed my taxi. But why does he look so familiar, even his car? Especially, his grey eyes.... those amazing pair of grey eyes! Amazing?...Amazing.... Then something hit me!
"Reid?" Medyo alanganin kong sabi.
Ngumiti ito ng malapad. "So, finally. You remember me, Andie." Amusement is so evident in his eyes.
"I'm...I'm sorry... I really forgot about it. I mean, that was ... months? A year ago? And it was just a brief encounter." nahihiya kong sabi. "That was why ahm... your eyes... they were familiar and your accent..." bigla akong natawa.
"What was that for?" Nagtataka ito sa pagtawa ko.
"Wala, naalala ko lang yung enforcer na gustong mang-scam sa akin. Napasabak ng Inglisan sa 'yo," sabi ko.
Tumawa ito ng malakas. And his laughter sounds good to the ears. I did a quick scan on him. Deep set grey eyes paired with thick well-shaped eyebrows. Pasensya na, iyon talaga ang unang humahatak sa mga mata ko sa kanya. And his dark brown hair compliments the frame of his face. Nice nose and jawline. Well, malamang, mukhang half-breed eh. Breed talaga, aso lang? Lihim akong natawa na sarili ko.
Hindi ko masabing maputi sya talaga pero mamula-mula ang balat. Broadshoulders, that's all I can say since he's wearing a three-piece suit. Maybe he's around six feet. Kasi kanina, I noticed na mas matangkad sya ng bahagya kay Aris.
Napangiwi ako nung maalala ko si Aris.
"What? You're done assessing me and didn't like it?" sabi nito.
Shit, obvious bang binibistahan ko sya? Nag-init mukha ko.
"Hin..Hindi. I'm just thinking why I didn't recognize you immediately," depensa ko.
"It looks like you were so occupied. Patay na patay ka doon sa ex mo eh,"
"Ex?"
"Yung kanina?" sabi nya.
"Di ko ex yun," napayuko ako, at huminga ng malalim. Napahawak ako sa pendant ng kuwintas ko. Deep inside, alam ko umaasa pa rin ako... Di ako tatalikuran ni Aris... He just needs time, pero ang sakit kasi nung ganun, yung makikita ko ng harap-harapan. Tapos wala syang ginawa. I mean, baka wala pa kasi yung momentum na kailangan nya, di ba? Kaya nga sabi nya, he needs time...kaya lang kasi...
"Looks like it. Another girl was clinging on his arm, and accompanied by their parents," wala rin talaga itong preno magsalita eh. Pero totoo naman sinabi nya. Ang sakit lang!
"Arranged marriage among Chinese. He said he is doing his best not to make it happen," depensa ko.
"Mahal mo nga. Bulag na bulag ka eh!" Napamata ako sa kanya. "Ni hindi ka nga ipinagtanggol nung minamata ka nang daddy nya," And he really has to add insult to injury! Sarap bigwasan eh!
"At sa harap nya pa mismo at mga magulang ni Madison," sabi nito.
"You know her?"
Nagkibit-balikat ito, "I met her once in the US when I visited a friend a month ago. Kaibigan sya nung kaibigan ko, something like that. But, I'm just wondering...." then he trailed off.
"What?"
"Uhm, nothing," then he inched the car going to the guard gate, "Tell me which way, ok?"
Tumango ako and he drove inside. Tinuro ko sa kanya ang daan papunta sa bahay namin.
"Salamat ng marami," I half-smiled at him after I unbuckled my seatlbelt. "Sorry, I can't invite you in. Walang ibang tao sa bahay."
"I understand, you're just being cautious, and that's good," he unlocked the cardoor, "So, see you when I see you then?"
"Thanks talaga!" I gave him a smile and got out of the car. Di sya umalis hangga't di ako nakakapasok sa loob ng gate namin.
==============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro