Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26 Seven

SABIHIN nang kunsintidor akong ate, pero kahit menor de edad pa si Juno, pagdating ng Sabado, sinama ko sya sa Hang Out bilang treat ko sa birthday nya. Kinausap ko na lang yung bar manager dun, pumayag nama nito. Natuwa naman ako para sa kapatid ko dahil nagsama syang dalawang kaibigan. Parehong lalaki.Mga kaklase nya raw. Malapit sa may stage ko sila pinapwesto para malapit sa akin kapag nag-perform na kami. Inimbitahan ko rin sina Sarah, Rika at Sam. Dumating naman ang mga ito pero what surprised me was when my former bandmates came with them, except for Aris. Halata na hinahanap ng mga mata ni Juno si Aris.

Wala pang alam ang kapatid ko. Sina Sarah pa lang ang pinagsabihan ko sa totoong sitwasyon at ang mga kabanda ko, alam kong may hint na sila kahit di ako magkwento, though they never utter a single question.

"Di ka nang-iimbita ha," may tampong sabi ni Erol. "Kung di pa nabanggit ni Rika kay Jeff..."

"Grabe ka naman," mahina ko itong tinampal sa braso, "Di ako yung celebrant. Ayaw nga ni Juno maghanda. Kinumbinsi ko pa nga na sumama dito."

Nagkumustahan kami. Pinakilala ko sa mga kabanda ko ang mga kasama ko. So, yung gusto ni Juno na wag maghanda, naging small party sa Hang Out. Tuwang-tuwa yung manager kasi ang daming inorder nina Sarah at Jeff. Hahaha!

"Naninibago ako sa 'yo, Andie. Ang hot mo sa suot mo," sabi ni Mike. "Pwede ba kitang ligawan tutal... Ouch! Bakit?" Lingon nito kay Jeff na binatukan sya.

"Tumahimik ka nga," sikmat nito.

Iniba ko usapan, "Required eh, tsaka di naman masyadong maikli skirt ko ah."

"Kahit na. You in those black leather mini skirt and leather top with high boots...Roar!" Sabi pa ni Mike.

"Tangna mo, Mike. Pati si Andie, tataluhin mo. Kabisado nyan likaw ng bituka mo. Pahinog ka!" Kantyaw ni Erol sabay binato ito ng binilot na tissue.

Tawanan kami. Na-miss ko talaga mga lokong ito.

"Bawal mag-compliment?" Angal nito.

Umalis lang kami sa table nung set na namin.

"Good evening. Today, I have my sister here. It's her birthday today. Before we start, let's sing a birthday song for her first."

Paswitan ang mga tao, mas maingay yung mga mokong sa table namin. Parang hindi mga professionals. Napangiti ako kasi parang nabalik kami dati nung nag-aaral pa kaming lahat.

Kahit madilim, alam kong namumula si Juno. Hindi sya sanay sa ganitong crowd. Pero game naman itong tumayo na nakataas ang dalawang kamay pagkatapos ng birthday song.

Thank you! Thank you!" malakas nyang sabi.

Tapos nag-intro nasa instrument ang mga kaband ako.

"Our first song is dedicated to my sister, Juno," sabi ko bago nagsimula.


You and I must make a pact

We must bring salvation back

Where there is love

I'll be there

I'll reach out my hand to you

I'll have faith in all you do

Just call my name

And I'll be there

I'll be there to comfort you

I'll build my world of dreams around you

I'm so glad I found you

I'll be there with a love so strong

I'll be your strength

You know I'll keep holding on

Let me fill your heart with joy and laughter

Togetherness well it's all I'm after

Just call my name

And I'll be there


Nangunguna ang kapatid ko sa pagtayo at pagpalakpak pagkatapos ng kantang iyon, " Whoooo! Ate ko iyan!" Sigaw pa. Muntangalang! Haha!

"Avid fan po, pagpasensyahan nyo na," biro ko dito. Nagtawanan ang audience at inirapan naman ako ni Juno.

Si Carl at Nala ang susunod nakakanta kaya umatras muna ako.

"Gandang kapatid mo ah," sabi ni Milo, yung drummer namin.

"Loko mo, bugbugin ka nyan. Belt holder yan sa taekwondo at judo. Ewan ko lang ngayon sa arnis," sagot ko.

"Aw!" sabay na sabi ni Milo at Tom. Narinig pala nito usapan namin.

Natawa lang ako. Pagtingin ko sa table namin, nabigla ako dahil andun na si Aris. Sumikdo ang dibdib ko. Yun nga lang obvious na matabang ang pakikitungo sa kanya ng mga barkada ko.

Sandali pa ay may mga papel at pera na inilagay ang ilang waiters sa stage. Dinampot ito ni Nala. Mga requests at mga tip.

Inabot sa amin ito ni Nala para tingan naming. Pinipili rin kasi naming dahil hindi naman lahat doon ay alam naming tugtugin. Si Nala ang sa unang kanta. Pagkatapos, binasa nya yung dedication sa pangalawang kanta.

"Para sa kaibigan namin. Wag kang panggap," napataas ang kilay ni Nala. "Wow! Intense! Walang pangalan yung nag-request." May nagtawanan sa audience.

Ipinasa sa akin ni Nala ang mic. "Ikaw ang nire-request na kumanta." inabot sa akin yung pinagsulatan ng request. Penmanship ni Sam. Sira talaga ito.

Kinanta ko na nga yung request nya na Don't Speak nang No Doubt


You and me, we used to be together

Every day together, always

I really feel that I'm losing my best friend

I can't believe this could be the end


Grabe talaga itong magparinig ni Sam. Dinaan pa sa kanta ang patama kay Aris. Kahit ako mismo, nasasaktan sa kinakanta ko, but I remained professional. 


It looks as though you're letting go

And if it's real, well I don't want to know

Don't speak

I know just what you're saying

So please stop explaining

Don't tell me 'cause it hurts


Napadako ang tingin ko sa table nina Aris, nakatitig ito sa akin na malamlam ang mata. Dagli kong inilipat ang tingin sa ibang table.


Don't speak

I know what you're thinking

I don't need your reasons

Don't tell me 'cause it hurts


Wag, Andie, wag ka muna umasa hangga't walang linaw! Saway ko sa sarili ko.

May isa pang request na si Nala uli tapos ang kumanta. Natanawan ko na nagsusulat si Juno sa isang tissue nang tabihan ito ni Aris at nagbulungan ang dalawa. Tapos dumukot sa wallet si Aris, tinawag ang waiter. Si Nala ang umabot nito habang kumakanta pa.

"Ok, so itong sunod na request... " napataas ang kilay nito at ngumisi. "Pagbibigyan natin ito. Yung birthday girl ang nag-request ... tsaka ang laki ng tip ... five kiyaw! Yun tip talaga, hindi yung birthday girl!" tawanan mga nanonood.

"The request is Bring Me to Life by Evanescence. Andie," tawag nito sa akin. Tumango ako. "is requested to sing this with her college bandmates, Silent Scream."

Napanganga ako sabay tingin kay Juno. Naka-thumbs up ang dalawang kamay ng luka-luka.

Nagtilian sina Sarah. Natatawang nailing sina Erol, Jeff at Mike, pero nagtayuan ang mga ito at umakyat sa stage kasama si Aris. Nung makita sila ng mga audience, nagtilian ang mga babae at feeling babae.

"Pahinga muna kami," sabi ni Carl na nakangiti matapos ipasa ang mga instrument kina Jeff at maiayos yung mga tablature sa mga stand. Nagtapikan sa balikat ang mga lalaki pagkatapos then bumaba muna sina Nala. Pumwesto ito sa table nina Juno.

"Good evening!" si Mike. Tilian na naman at palakpakan. He introduced the boys briefly. "Ahm, wag po kayong masyadong mag-e-expect. Medyo wala po kaming practice. Binigla kami nung birthday girl," kumindat ito kay Juno. Inirapan ito ng kapatid ko.

May sumigaw pa ng "Mahal na kita kahit wag ka na kumanta!" Tawanan na naman at paswitan.

Nagsimula na si Aris sa pag-plucking sa intro.


How can you see into my eyes like open doors?

Leading you down into my core where I've become so numb

Without a soul my spirit's sleeping somewhere cold

Until you find it there and lead it back home

(Wake me up)

Wake me up inside


Nilingon ko sina Jeff. Sabay-sabay kaming napa-head bang at napaindak. Umugong ang ingay ng audience. Halatang lalong ginanahan sina Mike, Jeff, Erol at Aris. Kita sa ngiti at kislap ng mga mata nila. God, how I miss this!


(I can't wake up)

Wake me up inside

(Save me)

Call my name and save me from the dark

(Wake me up)

Bid my blood to run

(I can't wake up)

Before I come undone

(Save me)

Save me from the nothing I've become

Frozen inside without your touch

Without your love, darling

Only you are the life among the dead

All this time I can't believe I couldn't see

Kept in the dark but you were there in front of me

I've been sleeping a thousand years it seems

Got to open my eyes to everything

Without a thought, without a voice, without a soul

Don't let me die here

There must be something more

Bring me to life


Ganadung-ganado sila lalo na si Mike sa pagra-rap at pagse-second voice sa akin. Halu-halo na yung tunog sa loob ng bar sa kanta namin at pag-iingay ng mga audience hanggang matapos yung kanta.

"Pwedeng mag-apply na girlfriend dun sa gitaristang singkit?!" may sumigaw.

Nagsalita si Aris. "Taken na po kami," sabay tingin sa akin.

Kumabog ang dibdib ko! Shit ka, Aris! Wag mo ko paasahin, kasi umaasa na naman ako na ok na!

Lumapit ito kay Erol at inakbayan, "Ito hindi pa!"

"Huy, wag mo ko ibugaw!" piksi ni Erol. Tawanan na naman sa audience.

Bumaba na ang mga ito sa kabila ng pag-chant ng mga andun ng "More!More!"

Bumalik na sa stage sina Nala at iba pa. Pinagpahinga nila ako sandali kaya bumaba muna ako sa pwesto ng mga kaibigan at kapatid ko.

"Grabe, Bes! Wala pa rin kayong kupas nina Jeff," tili ni Sarah.

"Loko itong si Aris, in-on the spot kami," sabi ni Jeff.

"Sus, yabang. Ang galing nyo kaya kanina," sabi ni Rika.

"Aaayiiieee!" tukso dito nina Sarah at Sam. Inambaan sila ng kamao ni Haponesa.

"Kaya naman pala matapang yung may birthday mag-request, may iyayabang!" narinig kong sabi ni Carl sa stage.

Nagsimula uli silang kumanta. Umakyat na uli ako sa pangalawang piyesa.

Pagkatapos ng ilan pang song request, "Ito na po ang huling request at kakantahin namin tonight," si Nala. Binuklat nito yung papel at napataas ang dalawang kilay. "Ito talaga, wala na akong masasabi. Nagbigay ng seven kiyaw na tip. Si Andie ang nire-request kumanta. This song is dedicated to..." kumunot ang noo ni Nala, " to Andie? Teka... Oo nga, kay Andie rin. Wow! Mabenta si Bunso tonight ah." Ako kasi ang pinakabata sa grupo. May ilang nagtawanan. "Galing daw kay...ang baduy naman nito! Ang laki ng tip mo tapos Anonymous! " pakli ni Nala. Tawanan uli. "Andie, galingan mo!"

Nagtinginan sina Sarah at sina Jeff kay Aris. Umiling sya sa mga ito at kunut na kunot ang noo nito.

Narinig kong nagsimula na sina Carl sa intro ng Crazy For You, kaya kumanta na ako


Swaying room as the music starts

Strangers making the most of the dark

Two by two their bodies become one


Kung hindi si Aris, sino nag-request at nag-dedicate nang kinakanta ko ngayon? At nag-tip ng ganung kalaki?


I see you through the smokey air

Can't you feel the weight of my stare

You're so close but still a world away

What I'm dying to say, is that

I'm crazy for you

Touch me once and you'll know it's true

I never wanted anyone like this

It's all brand new, you'll feel it in my kiss

I'm crazy for you, crazy for you


I suddenly felt uncomfortable. Yeah, I feel a weight of stare from someone.


Slowly now we begin to move

Every breath I'm deeper into you

Soon we two are standing still in time

If you read my mind, you'll see


Singing this line sent shivers thru my spine. I felt the creeps until I was done singing.

Nagpasalamat si Nala at bumaba na kami. Umakyat ang huling banda para ngayong gabi.

Sumenyas ako kina Juno na pupunta lang ako sa dressing room para magpalit ng mas kumportableng damit at mag-alis ng make up. Paglabas ko ng kwarto, nakaabang si Aris.

"Hey, you ok?" he asked. He knew I was somewhat off with regard to the last song.

"Uhuh, sure, why not?" I tried to lie.

"You know what I'm talking about. Does that happen always? I mean, the big tip and dedication stuff?" I see that he was concerned about it.

"Ngayon lang. Medyo nabigla rin ako."

"I don't even like the song choice," he said with grim face. 

"Don't dwell on it. Tara na. Naghihintay sila sa atin sa labas," sabi ko.

Naroon na rin ang mga kabanda ko sa table at nakikipagkulitan sa mga kaibigan ko. Hindi nakaligtas sa akin ang mga makahulugan nilang tingin pag-upo namin ni Aris pero walang nagkomento.

We stayed until matapos ang huling banda. Medyo nakainom na rin yung iba ng marami kaya nagpaalamanan na kami at nagkanya-kanya ng uwi. 

"Andz," si Aris. Saglit kong napigil ang hininga ko. Nilingon ko sya. "Hatid ko na kayo."

Tatanggi sana ako, pero, "Aba'y dapat lang!" Si Juno. 

Oo nga pala. Wala pa syang alam.

Wala na akong nagawa. Si Juno ang madaldal sa kotse, palibhasa hinayaan kong uminom ng bahagya. Nauna itong bumaba ng kotse at binuksan ang gate at bahay.

Bumaba rin si Aris kaya inimbita ko syang magkape para di tamaan ng antok sa pagmamaneho pauwi sa condo nya. Mag-a-alas tres na ng madaling-araw. Umakyat na agad si Juno para matulog.

Nagpaalam naman ito agad pagkaubos ng kape nya. Hinatid ko sya hanggang sa gate.

Bago sya lumabas, "Princess, hapon na lang tayo magsimba nina Juno bukas ha. Magpahinga na muna kayo. Masyado ng late."

Princess.

Wala sa loob na napatango ako. He smiled then scooped my nape and gave me a hot full kiss on the lips. And I kissed him back.

"I miss you," sabi nya.

"Yeah, me too."

Tumingin siya sa leeg ko at hinawakan ang pendant ng kwintas na suot ko. Ang niregalo nya sa akin nung nag-eighteen years old ako. 

"Thank you for not giving up on me, " he said.


==============

Don't forget to comment and vote on each chapter!

Thanks and hope you enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b1ca