24 Depends
Narito kami nina Sam at Rika sa cafeteria. Monday at first day ng finals week. Salamat at makakapahinga ako ng two weeks ng sem break. Kailangan kong mag-ipon ng lakas dahil mas malaki ang required hours namin sa OJT 2 namin. Yun nga lang ang subject namin ng second sem. Ilang buwan na lang, Andromeda, ga-graduate ka na!
Hinihintay namin si Sarah. Meron pa naman kaming twenty minutes bago ang first exam namin. Nag-text muna ako kay Juno para magbilin na medyo gagabihin ako ng uwi mamaya. Tinawagan kasi ako ng band leader namin na imo-move ng today yung practice namin bukas. Tapos nag-text rin ako kay Jeff to confirm if tuloy kaming magkita sa Wednesday. Ibibigay nya raw kasi kay Juno yung dati nyang mga gamit sa school para di na kami bumili. Architecture rin kasi ang kurso ni Juno dito sa St. Margaret, first year. Natuwa naman ako kasi mahal talaga ang mga iyon.
"Hoy, Andromeda!" untag ni Sam. "Ano na?"
"Ang alin, Samuel?" ganting tanong ko. Umikot ang mata nito dahil tinawag ko syang Samuel.
"May nahanap ka na bang company para sa OJT mo next sem?"
"This week pa lang ako ma-uumpisang maghanap. Hapit oras ko eh. Last Friday ko nga lang nakumpleto yung required hours sa OJT 1 ko. Kayo ba?"
"Meron na kami," sagot ni Rika. "Gusto ka naming isama kaso, full na sila. Isiningit na nga lang itong si Sam."
"Kasama nyo si Sarah?"
"Hindi eh. Doon na yun sa company nila, wala syang choice. Kaya nga HRM kinuha nya," si Sam.
"Nagsisintir nga kasi yung pinakamalapit nilang bar and resto, lampas isang oras ang biyahe plus traffic," kwento pa ni Rika.
"O eto na pala si Sarah," si Sam. "Ay, why simangot?" maarteng tanong ni Tukling.
Naupo ito sa tabi ko, "Bes, sorry, postponed yung kasal ni mommy sa Saturday. Dyahe sa iyo, nag-cancel ka pa sa gig nyo," sabi agad nito sa akin.
"Ah ok lang. Mamaya gabi pa lang sana ako magsasabi," sagot ko.
"Doshite? Nani ga okotta? " bulalas ni Rika. Nag-Japanese na naman ito. Palibhasa nabigla.
"English or Tagalog, please!" reklamo ni Sam.
"Ano'ng nangyari?" si Rika.
"Fucktard kasi itong si Kuya Bong. Pasaway talaga!" inis na sabi ni Sarah. "Kaya nga yan nagloko noon dahil nagkakamabutihan uli si Mommy at Uncle Frank. Syempre, magme-merge ang businesses nila Mommy. Feeling nya aagawin ang para sa kanya. Business daw ni Daddy yun. Hello naman, kung di dahil kay Kuya Rich at Uncle Frank, matagal nang bagsak ang business namin dito. Akala mo naman, may naitutulong sya. Pabigat pa nga! Bwisit lang!"
Ah, iyon pala yun.
"Hey, chill ka lang," hinagod ko ang likod nito. Namula kasi ang tenga nito. Ganyan ito pag nagagalit talaga. "May exams pa tayo. Baka wala kang maisagot," biro ko pa.
"Kunin ko na lang muna yung mga invitation sa inyo. Papalitan na lang kapag naayos na uli namin. Ginagawan pa ng paraan na di ma-revoke yung student visa ni Kuya Bong. Magbe-bente tres na sya, estudyante pa rin! 'Nu ba yan!"
"Sige, nasa bahay eh. Selyado pa rin naman yung sa akin. Di ko pa nabubuksan. Busy," sabi ko.
"Let's go. Baka ma-late na tayo," yaya ni Rika.
Pagkatapos ng mga scheduled exams namin today, humiwalay ako ng lakad sa tatlo. Nagpunta kasi ako kay Ms. Clara para mangamusta. Isinama nya ako sa AVR para bisitahin ang mga dati kong ka-grupo at makilala ang mga baguhan. Tuwang-tuwa kaming nagkamustahan. Si Ms. Gina naman, last year na nya dito. Mag-aasawa na kasi ito at sa Australia na titira.
"Andie, pwede ka namang sigurong kumanta Foundation Day or closing ceremony next year? Last year mo na naman dito. Parang final performance nyo na rin ni Ms. Gina. Solo mo with just piano accompaniment," hopeful na sabi ni Ms. Clara
"Sige po, gagawan ko po ng paraan sa schedule ko para sa practice. Kayo na po ang bahala kung ano'ng kanta," nakangiting kong pagpayag. Napangiti silang dalawa ni Ms. Gina. Pag-uusapan daw nila yung piyesa at sasabihan na lang ako.
Nag-text ako kay Aris para ibalita iyon, pati ang pagka-postponed ng kasal ng mommy ni Sarah. Hindi ko na inaasahang makaka-reply sya agad. Malamang tatawag na lang iyon mamayang gabi.
Lumabas na ako ng campus at naglakad sa may kanto. Doon pa kasi ang sakayan ng public transport. Maaga pa naman kaya kahit mag-commute ako, aabot ako sa studio para sa practice namin.
Kinabukasan, dalawang subjects lang exams namin kaya sumama akong mag-malling kina Sarah. Bumabawi ako sa kanila dahil hindi ko na sila nakakasama palagi. There was a time or two na sila na ang pumunta sa akin sa bar na pinagta-trabahuan ko kahit medyo may kalayuan.
"Si Maddie ba 'yun?" turo ni Sam.
Napatingin kami sa tinuro ni Sam.
"Si Maddie nga! Pero mas pumuti tsaka bumagay sa kanya yung buhok nya ha," si Sarah.
Napalingon ito sa direksyon namin, then kumaway habang humahakbang palapit.
Tumingin kami sa likod namin. Kami ba kinakawayan nito? Himala yata.
"Uy, kamusta na kayo?" Bati nito.
"Uhm, ok lang eto, graduating na," si Sam ang sumagot. "Kelan ka pa dumating?"
"Sunday afternoon lang. With my parents," nakangiti nitong sagot.
"Vacation?" tanong ni Sarah.
"Depends," maikling sabi tapos humarap sa akin. "Ano, Andie, I heard about your parents. My condolences."
May kirot na hatid sa akin ang alaalang iyon. "Ah..salamat."
"Sige, mauna na ako. May dinner pa kasi kami with Kho family," paalam nito at tumalikod na.
Natahimik ako at napatingin sa sapatos ko. Last Sunday, umalis agad si Aris after naming mag-lunch sa bahay. Di nga kami natuloy manood ng sine. Ang sabi nya tumawag daw ang daddy nya at may inutos. Magpahinga na lang daw ako at mag-review dahil start na ng finals namin the next day. We spoke last night but he did not mention about Maddie or having dinner with her family tonight. Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na walang alam si Aris sa narito sina Maddie, pero imposible. Kinakapatid nya ito at family friend nila ito.
Something's going on and Aris is keeping it from me!
"Huy!" sinundot ako si Rika sa tyan.
Nag-angat ako ng tingin to find out na nakatingin silang tatlo sa akin.
"Andie, I know what you're thinking. You should ask Aris about it first," sabi ni Sarah. "Bes, think of the things Aris and you have been through at kung gaano katagal ka nyang hinintay, so at least give him the benefit of the doubt."
"Pero in fairness, mukhang bumait si Madison. Maganda ang hatid sa kanya ng Amerika," pag-iiba ni Rika ng usapan. I know my friends do not want me to worry.
"True! Iba yung aura nya ngayon," sagot ni Sam. "Let's go, hanap tayo ng bagong movie." Agad akong pumayag dahil ayokong mag-alala sila sa akin.
Wala naman kaming nagustuhang palabas, kaya nag-ikot na lang kami sa mall. May nadaanan kaming ammunition and weaponry shop. Nagtaka sila kung bakit ako pumasok.
"Miss meron kayong expandable baton?" tanong ko sa staff.
"Sino'ng pinagpaplanuhan mo ng masama?" biro ni Sam.
"Baliw! Para kay Jun. Alam nyo naman yun mahilig sa mga self-defense," natatawa kong sabi. "Nakita ko kasing tinitingan nya yung ganito online. Birthday na nya next week. Ito na lang ireregalo ko. Ayaw naman nyang maghanda."
"Di naman lesbiana kapatid mo, ano?" si Rika.
"I never asked her. Impluwensya lang ni Papa at Ninong Art," sagot ko habang sinisipat ko yung inabot na baton sa akin nung staff. "Daming picture ni Mario Maurer at Liam Hemsworth sa kwarto nun. Dinaig pa yung poster ko ni Chris Hemsworth at Adam Levine. Ilang beses nga nyang pinanood yung trilogy ng Hunger Games. Kung kiligin akala mo, bulating inasinan. Naumay na ako." Binalingan ko yung sales lady. "Miss, kuha ako ng dalawa. Magkapareho ha."
"Bakit dalawa?" si Sarah.
"Arnis ang kinalolokohan ngayon. Magagamit nya yan. " natatawa kong sabi.
Nag-snack lang kami sa Pizza Hut tapos hinatid ako ni Sam pauwi. Si Rika at si Sarah, humiwalay na sa amin pagdating sa parking lot. May dala rin silang mga sariling sasakyan.
Wala pa si Juno pagdating ko sa bahay. Kunsabagay, six pa lang naman. Alas otso ang paalam nya na makakauwi sya. Kinain na naman ng lungkot ang puso ko. Ang tahimik ng bahay namin.
Nagsalang ako ng sinaing at naghanda ng pansahog para sa chicken curry. Natapos akong magluto ng maaga. Maya-maya pa dadating si Juno. Nag-text ako kay Aris na nakauwi na ako. Habang naghihintay ng reply nya, umakyat muna ako sa kwarto ko para ibalot yung ireregalo ko kay Bunso. Past seven na nang gabi pero wala pa ring reply si Aris kaya tinawagan ko na. I was surprised that he immediately picked up my call and he was panting when he answered.
"Princess!"
"Bakit ka hinihingal? Asan ka ba?" tanong ko.
"Uhm... sa bahay. I'm having dinner with my parents," sagot nya. Pero bakit may narinig akong nagsalita sa background nya na "This way, Ma'am" ?
"Are you sure? Parang hindi tunog ng bahay nyo ang background mo?" Sabi ko.
"Uhm, Andz, I have to go. Narito na kasi si Dad. I will call you later, ok? Love you." Then the line went dead. And I felt my heart too.
Napatingin ako ng matagal sa cellphone ko. Ano yun? What has just happened?
I found myself closing our windows and door. I sat in front of my piano then started playing. Hindi ko na alam kung nakakailang piyesa na ako nung marinig ko ang malakas na pagkatok sa pinto.
Si Juno ang napagbuksan ko, "Kanina pa ako kumakato --- Bakit ka umiiyak, ate?" nagulat nyang sabi.
Napahawak ako sa pisngi ko. Shit! Di ko alam na umiiyak na pala ako!
"Uhm.. wala. Pasok ka na. Kain na tayo. Nakaluto na ako," iwas ko sa tanong nya.
Hinila nya ako paupo sa sofa, "Ate, anong nangyari? Bakit ka nga umiiyak?" nakakunot na ang noo nito.
"Wala 'to. Nalulungkot lang ako, " I can't afford to tell her. Ayokong mag-isip sya ng masama kay Aris at magalit sya dito.
Niyakap ako nito, "Ako rin naman, ate. Pero kaya natin ito. Andito pa naman ako para sa iyo, at ikaw para sa akin, di ba? " Napaiyak na naman ako. Kung narito lang sana sina Mama at Papa.
Nung medyo kumalma na ako, niyaya ko nang maghapunan si Juno.
Binanggit ko kay Juno yung usapan namin ni Jeff bukas. Natuwa naman ito.
Matapos mag-imis ng pinakainan at siguraduhing naka-lock na ang gate at pinto, umakyat na kaming magkapatid.
Medyo distracted ako sa pagre-review dahil maya't-maya akong tumitingin sa phone ko. Wala pa ring tawag or text, mag-aalas-dose na nang madaling-araw. Hindi na ako nakatiis. Tinawagan ko uli sya.
"Hello, Andie," sabi nung sumagot.
"Jeff?" nagtaka ako.
"Oo. Uhm, kasama namin si Aris. Medyo naparami ang inom. Tulog na," parang nahihiya nitong sabi.
"Andyan din sina Mike at Erol? Asan ba kayo?" sunud-sunod kong tanong.
"Oo, narito kaming lahat. Ahm, nasa condo kami ni Aris. Wag ka mag-alala, kami na bahala sa kanya. Boys' night lang."
"Ah, ok," malamya kong sagot. Boys' night out on a weekday? "Sige, bukas na lang. Saan ba tayo magkikita?"
"Oo nga pala. Sa Figaro na lang. Sa tapat ng office building namin. Mga three ng hapon?" sabi nito.
"Sure, hanggang two lang naman exam ko bukas." Yun lang at tinapos na namin ang usapan.
Na-late ako ng ilang minuto sa meet up namin ni Jeff the next day. Nakita ko syang nakaupo patalikod sa may corner ng nasabing coffee shop. Hindi ko muna sya inistorbo dahil may kausap sya sa cellphone nya.
"Don't keep her in the dark. Ang hirap kasi, kaibigan ko rin sya," sabi nito. Sandali itong nakinig sa sinasabi ng kausap. "Wag ka mag-alala, Aris. Hindi sa akin manggagaling. Ikaw ang magsabi kay Andie. Sige na." Tinapos nito ang tawag at lumingon. Nagulat ito na nakatayo ako sa likod nya.
"Ahm, kanina ka pa dyan?" Tumango lang ako. Namutla ito. "Uhm, eto na yung sinasabi ko," may inabot syang maliit na box sa tabi ng mesa nya.
Simple akong umupo sa harap nya. "Salamat." Tipid kong sabi. Tinitigan ko sya. Halatang hindi sya kumportable.
"Gusto mong umorder muna ng coffee?" alok nito. Umiling lang ako nang hindi sya nilulubayan ng tingin.
Humugot ito ng malalim ng hininga. "Andie, it's not my story to tell."
"I'm not asking you anything, why so defensive?" Umiwas ito ng tingin at idinako ang mata sa kapeng iniinom nya.
"This is awkward, you know," dagdag nito.
"It's alright. I perfectly understand that your loyalty is with Aris. You should not explain for him. I was just expecting that he has the balls to tell me, rather than avoiding me or keeping it from me. I can take it you know. Mas masakit sa akin yung ganito."
"He loves you very much, alam mo yun," marahan nitong sabi.
Napangiti ako ng mapait. "Matagal ko nang nararamdaman na merong something. I already gave him the hint more than once. Pero it's been months, wala pa rin" nagkibit ako ng balikat. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.
"I should go," pinigilan ko ang paggaralgal ng boses ko. "Salamat dito," tumayo na ako at tinapik sya sa balikat.
"Andie, do you want me to drive you ---" habol nito na tumayo na rin.
Inangat ko ang isa kong kamay para pigilan ang gusto nya pang sabihin, "No, stop please. I'll be fine."
Wala akong plano mag-taxi papunta sa practice naming ng mga kabanda ko, pero otomatikong pinara ko ang unang taxi na nakita ko. "Kuya, sa Anonas po, " sabi ko sa driver.
Alam kong mapapaaga ako ng dating sa practice namin, pero kailangan ko ng oras para kalmahin ang sarili ko.
Ilang beses kong napansin yung driver na tumutingin sa akin sa rearview mirror. Ibinaling ko ang tingin ko sa labas habang patuloy na pinupunasan yung luha ko. Di ko mapigil kahit anong lalim ng hinga nag gawin ko.
Nag-vibrate ang phone ko. Tumatawag si Aris. Malamang in-inform na sya ni Jeff.
"Andz, asan ka?"
"Sa taxi, may practice kami nina Carl," isa sa mga kabanda ko si Carl.
"Umiiyak ka?" narinig nya siguro ang paghinghot ko.
"Hindi, masayang-masaya ako!" sarkastiko kong sabi at tumawa ako ng pagak.
"Princess," hindi ako kumibo. "Let's talk."
"Nag-uusap na tayo," I cut him off.
"I mean, sa personal. Ngayon sana," mahina nitong sabi.
"Bigla ka yatang available. Ano'ng meron?" nagagalit ako.Nagagalit na talaga ako!
"Andz, naman. Please!"
"Matatapos ang practice namin ng six. Nasa bahay na ako bago mag-eight."
"Susunduin kita. Sa Anonas, right?" maagap nitong sabi.
"I'm happy to know alam mo pa ang lugar na pinupuntahan ko," sarkastiko kong sabi.
"Dadating ako. Papunta na ako. I love you!" Nawala na sya sa linya.
Imbes na tuwa, pait ang hatid sa akin ng huling tatlong kataga na sinabi nya.
Nairaos ko naman ang praktis naming kahit ilang beses akong nag-i-space out. Napuna rin ito ng mga kasama ko.
"Andie, problema?" Si Tom, bahista namin. Nagliligpit na kami ng gamit.
"Medyo stress lang. Alam nyo naman, finals naming this week," palusot ko. Pero yung tingin nila, alam kong di sila naniniwala.
"Ok, sa Friday. Ten to twelve ng gabi ang slot natin. Nine dapat nandun na tayong lahat sa Hang Out," sabi ni Nala. Yung isa pa naming bokalistang babae. Ito rin ang tumatayo naming road manager. Lumingon ito sa akin, "Sis, sabay ka sa akin?"
"May sundo ako," matipid akong ngumiti.
"Aba himala! Magpamisa tayo!" nagtawanan ang mga kasama ko.
"Gagi! May pag-uusapan lang kami," sambot ko. Nakagat ko ang labi ko. Bakit ko ba nasabi yun?
"Aahh, kaya pala ang haba ng mukha mo," si Carl. Nginusuan ko sya. "O sya, una na kami." Lumabas na sila, pero naiwan si Nala.
"Sis, nandito lang kami,ok. Makikinig kami kung kailangan mo," sabi nito bago lumabas.
Nagpahuli talaga ako. Ayokong Makita nila ang obvious na di naming pagkakaunawaan ni Aris.
Nag-aabang na nga sya sa parking lot, paglabas ko ng studio. Pasandal na nakatayo sa tabi ng kotse nya at bagsak ang mga balikat.
==============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro