Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23 Panda

ARIS' POV

Narito ako ngayon sa parking lot ng isang sikat na bar sa Manila. Halos kalahating oras na akong nakaupo sa loob ng kotse. May mga labas-masok na mga tao doon at may ilang nakatambay sa labas. Ilang minuto na lang matatapos na ang set ng banda ni Andz. Sana di na sya mag-stay ng matagal sa loob. Surprise kasi ang pagsundo ko sa kanya ngayong gabi. Ang alam kasi ni Andz, bukas pa ang uwi ko galing Singapore for a business convention.

It's been months since I graduated from St. Margaret with cum laude honors and a month after , I immediately took my licensure exam. Hanggang fresh pa raw ang pinag-aralan ko, sabi ni Dad. Pero afternoon till evening ako sa review school for that whole month before my exam. Yung morning ko sa kumpanya. Halos di kami magkita ni Andz those times. Well, kahit naman ngayon. Sobra ang workload na pinapasa sa akin ni Dad. Alam kong sinasadya nya iyon para hindi kami laging nagkikita ni Andz. And Andz has to work after school.

Miss na miss ko na ang prinsesa ko. Bihirang-bihira na kami magkita. Kapag weekend, sandali lang kami magkita, pero yung pagsisimba, magkasama pa rin kami with Juno. Ang dami ko nang atraso sa kanya.  Naalala ko tuloy nung last birthday nya. Biglang bumigat ang dibdib ko.

"Arlene, paki-cancel yung dinner reservation ko ng eight mamya," lumabas lang ako sandali sa conference room para tawagan ang secretary ko. Nagpa-reserve ako para sa birthday ni Andz, pero thirty minutes na lang, hindi pa rin kami tapos dito sa meeting. Di ko maintindihan kung bakit narito ako, e wala naman akong masyadong partisipasyon. Ang katwiran ni Dad, I should observe how board meetings are held.

Masama ang tingin sa akin ni Dad pagbalik ko sa loob. "Where have you been?" bulong nito.

"Dad, I was just out for less than 3 minutes. I just called my secretary," bagot kong sagot. Ni hindi ko na nga nagawang magkapag-reply kanina sa text ni Andz about her car being sold.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Si Andz. Tatayo sana uli ako pero hinawakan ako ni Dad sa braso.

"Stay! And turn off that damn phone now!" Mahina pero madiin nyang sabi. Napalingon tuloy sa amin yung mga kalapit namin sa table. Napatiim-bagang na lang ako dahil sa pagkapahiya. In-off ko ang phone ko at muling itinuon ang tingin sa nagpe-present sa harap. Sa totoo lang, wala naman ako halos naiintidihan. Lumilipad ang utak ko kay Andz.

Five past ten na ng gabi natapos yung meeting. Masakit na ang ulo ko. Nagmamadali akong tumayo at lumabas. Narinig ko pang tinawag ako ni Dad pero di ko na pinansin. Kailangan ko pang idaan sa opisina ko ang ilang documents na hawak ko para mai-file agad ni Arlene bukas ng umaga. Wala akong planong pumasok bukas, I want to spend the day with Andz. Babawi ako sa kanya.

Paglabas sa building namin, I drove to the nearest hotel with flower shop. Bukas kasi ito 24/7 para sa mga hotel guests na gustong bumili ng bulaklak. I ordered a bouquet of stargazer liliies with blue iris in a vase for Andz. Sinamahan ko iyon ng isang panda bear ng may hawak na 'Happy Birthday, Princess!' sign. Minsan kasi tinukso ko sya na mukha na syang panda dahil sa kakulangan sa tulog.

Nasa kotse na ako nung naisip ko syang tawagan pero nasa loob nga pala ng briefcase ang phone ko sa backseat. Hindi na bale, papunta na naman ako sa ospital.

I checked the time, it's already eleven in the evening! I drove as fast as I could. I don't want to miss Andz' s birthday! Buti na lang at walang traffic. I got to the hospital in less than twenty minutes. I hurried to the ICU bitibit ang bulaklak at yung panda bear. But I was surprised na wala si Andz doon. Baka nasa canteen. Sumilip ako kay Tita Mina. My heart skipped a beat when there's no one on her bed.

"Nurse, nasaan na po yung patient sa ICU? Si Felomina dela Cruz?" tanong ko sa malapit na nurse station.

"Ah, sir, nasa morgue po. Kanina pang before eight dinala doon," walang emosyon na sagot nung nurse. Ni hindi nga ako halos tiningnan sa dami siguro nung mga chart ng pasyente na inaasikaso nya.

Bumagsak ang ang puso ko. Yung tawag ni Andz kanina na kinansel ko... yung oras na kailangang-kailangan nya ako! Putang ina! Anong ginawa ko?!

Pumunta ako sa morgue pero walang tao sa waiting area. I went to the hospital canteen, wala rin sya doon. O kahit na sinong kilala ko. Bumalik ako sa kotse at hinagilap ang cellphone ko. Sunud-sunod na text ang natanggap ko mula kina Jeff, Mike,Erol at sa mga kaibigan ni Andz. Hinahanap nila ako at binalita nga ang nangyari. Pero walang text galing kay Andz. Nangilid ang luha ko. Napasalampak ako ng upo sa loob ng BMW ko. Umiyak ako. Para ko na ring nanay si Tita Mina. Tapos...tapos si Andz...si Andz...

Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagmaneho. Pumunta ako sa kanila. Nakabukas ang ilaw sa harap ng bahay at sala nila. Nakahinga ako ng maluwag. Time check... twelve forty na nang madaling-araw. Humgugot ako ng malalim na buntung-hininga bago lumabas ng kotse ko. Marahan akong humakbang papunta sa gate nila to find out na hindi pa iyon naka-lock. Pumasok na ako ng hindi nag-doorbell. Si Nida ang nagbukas ng pinto para sa akin.

"Pasok ka," paos ang boses nito at namumula rin ang mata. Tinuring na rin kasi itong parang kapamilya nina Tita Mina.

"Sino ang naghatid sa inyo?" tanong ko rito.

"Sina Sarah. Halos kakaalis lang rin nila, pati yung mga kaibigan mo." Tumango ako. "Nasa taas silang magkapatid."

Umakyat ako. Nauna kong madaanan ang kwarto nina Tita Mina at Tito Ernie. Nakabukas iyon at may mga damit na nakalatag sa kama at sahig. Nakabukas ang kwarto ni Andz.

"Yung formal na white dress na lang, Ate. Yung ginamit nya nung nag-anak sya sa kasal last December," narinig kong sabi ni Juno.

"Sige, yun na lang. Isang beses pa lang naman nya ginamit yun. Malinis ba?" Boses ni Andz.

Pagbungad ko sa pinto, nakatalikod sila sa akin. Nakaupo si Andz sa sahig, habang nagba-browse sa internet gamit ang laptop nya. Nakatayo sa gilid nya si Juno.

"Alin ba dito ang nakausap mo?" si Juno.

"Yung sa Eastern Funeral Services. Kunin mo na yung damit. Kailangan nating bumalik agad sa ospital. Kukunin nila si Mama ng alas tres."

"Andz...." tawag ko sa kanya.

Napalingon silang magkapatid sa akin. Yumuko si Andz at umupo sa kama si Juno. Pumasok na ako sa kwarto nya at lumuhod sa harap nya.

"Princess, I'm ... I'm sorry..." hinawakan ko sya sa mga kamay. Yumugyog ang balikat nya at narinig ko ang paghikbi ni Juno.

Sabay ko silang niyakap magkapatid. Mga ilang minuto rin kami sa ganoong pwesto bago ako muling nagsalita, "I'll drive you back to the hospital. Ihanda na natin ang mga gagamitin ni Tita."

Nung pasakay na kami sa kotse, saka ko lang naibigay sa kanya yung bulaklak at panda bear. Inabot ko na lang sa kanya. Hindi ko kasi alam if it was appropriate to say 'Happy Birthday' when on that same day, her mom died. The panda said it all.

Again, she cried.

It was a very tiring day for all of us. Sa bahay na lang rin binurol si Tita Mina ng tatlong araw. Natuwa ako nang bumisita si Mommy para magpaabot ng pakikiramay though hindi siya nagtagal. Alam nya kasi na di pabor si Dad sa tatlong araw na di ko pagpasok sa opisina at sa St. Margaret sa mga panahong nakaburol si Tita.

"Son, your dad is looking for you," simpleng pasabi ni Mommy.

"I know. He's been pestering me on the phone. Babawi ako pagkalibing ni Tita," tumango lang si Mommy at nagpaalam na rin.

We we're not even able to celebrate our first anniversary dahil nakaburol si Tita Mina. 

"Princess, I know this is not the right time to say happy...but happy first anniversary!"  mahina kong sabi sa kanya habang nakaupo kami sa kusina ng bahay nila at naghahanda ng meryenda ng nakikipaglamay. "Wala man lang akong nabiling regalo para sa iyo."

Ngumiti siya ng tipid. "Thanks, Hon! Thank you na andito ka ngayon. That alone is a great gift." she paused, "Yeah, happy anniversary." matamlay nyang sabi.

Three days pagkalibing ni Tita, pumapasok na uli sa campus ang magkapatid. Malamang nagbawi lang ng tulog. Mabuti at nakahabol ang magkapatid  dahil nasa dean's list pa rin si Andz at naka-graduate si Juno as first honorable mention sa high school.

Naghanda lang ng simpleng hapunan ang magkapatid para sa forty days ng mag-asawa. Gabi na ako nakarating nung kay Tito Ernie pero kinabukasan na ako nakapunta nung kay Tita Mina dahil graduation ko noon. Nagpa-party si Dad para sa akin at di nya ako hinayaang makaalis. Gusto ngang sumaglit noon ni Andz sa PICC para batiin ako sa graduation ko pero pinigilan ko. I told her to focus on Tita Mina's forty days. Alam kong nagtampo sya pero iniiwas ko kasi sya kay Daddy. My father can really be harsh and I did not want her to experience it lalo na sa pinagdaanan nilang magkapatid.

Andz was there noong mag-take ako ng licensure exam ko. Two days consecutive days na paglabas ko sa building ng exam location, she was there waiting. When the results came out, she was the first to call me to congratulate me and she even posted it on her FB account tagging me. I felt happy then but guilty at the same time. Kasi halos wala na akong time para sa kanya.

Kahit sa banda. Hindi na rin palaging available sina Jeff at Mike since they have responsibility sa mga family businesses nila. Napagkasunduan na lang namin na we get to play na lang kapag free kaming lahat, which happened like once a month na lang.

The start of this school year lalo kaming nawalan ng time magkita ni Andz. It was the time she talked to me on a Sunday afternoon. Pagkatapos naming mag-lunch sa bahay, nagpaalam si Juno na pupunta sa bahay ng mga kaibigan nito.

"Hon, akyat tayo sa taas. Pahinga tayo," yaya nya sa akin.

"Ikaw ha! May pinaplano kang masama sa akin," pilyo kong tanong.

"Baliw," matamlay nyang sagot. Napakunot ang noo ko pero sumunod rin ako sa kwarto nya pagkatapos na masigurong nakasarado ang gate at main door ng bahay. Hindi na naman nila uli binuksan ang mini-grocery at binitawan na rin nila ang serbisyo ni Nida. Balita ko ay bumalik na ito sa probinsya.

Inabutan ko siyang nakahiga sa kama ng patagilid. Suot pa rin niya yung pinamsimba kaninang umaga.

Tumabi ako sa kanya then I embraced her from the back. "Princess, my problema ba?"

"It's not a problem. Just something I have to do," sagot nya.

"Ano yun?"

"I need to find a part-time job. Meron ba sa inyo?"

Hindi ako nakakibo.

"I see. I'll take that as a no," she took the hint. "It's your Dad, right?"

Nagulat ako. Does she know something? "Andz, wala kasing part-time post sa amin. But I can ask people I know."

"It's alright, Hon. I'll be fine. Unang option ko sana sa company nyo para kahit papano magkita tayo ng hindi lang Sunday," humarap sya ng pagkakahiga sa akin. "Wala na kasing natira doon sa naiwang pera nina Papa, tsaka yung mga natira sa abuloy and burial benefits nila, ginamit na namin halos pandagdag sa bayad sa hospital bills at pagpapalibing kay Mama. What kept us going last vacation were our personal savings ni Juno."

Umupo si Andz sa kama. "Hindi sapat ang pension namin ni Juno para sa house bills, food at panggastos sa school. Magastos din sa OJT ko. Ayoko namang kumuha ng boarder dito. Delikado kahit babae ang kukunin namin."

"Sabi ko naman kasi sa iyo, ako na sasagot ng house bills nyo, para yung pension nyong magkapatid sa panggastos nyo na lang sa school," ilang beses ko na iyong in-offer kay Andz pero tinatanggihan nya. Ma-pride din kasi ito. Ayaw niyang may masasabi ang ibang tao. Lalo na raw ng mga magulang ko.

"Ayoko nga kasi," naiinis na utas nito.

"Hey, no need to raise your voice. Minsan na lang nga tayo magkita," lambing ko sa kanya.

"I'm sorry," bawi naman agad nya. "It's just that ... your parents, especially your Dad. I feel that they don't like me."

Hindi na naman ako nakakibo.

"See, ni hindi ka nakakibo. Sina Jeff at Mike, pareho mo rin. May inaasikaso sa family businesses nila pero I just can't understand why you're so busy now. Kahit pagte-text or pag-reply lang, di mo magawa agad. We can't even get a long conversation over the phone. I don't know. I thought you moved out from your parents house and bought a condo unit for yourself para maging indepe ---" mapait itong ngumiti. Huminga sya ng malalim. "I'm ... I'm sorry. I don't want to think something bad about you or your parents. Forget what I said."

Tumayo sya at pumasok sa banyo. Naiwan akong natulala at walang masabi. I thought she wouldn't thought of that. Kinikimkim lang pala niya sa sarili nya. With all the problems they were having, she finally exploded. Nararamdaman na ni Andz. Pinipilit ko iyong itago sa kanya.

Kaya eto ako ngayon. Nag-aabang kay Andz to surprise her. She was able to find a job that she enjoyed doing. She auditioned for a vocalist post sa isang variety band na kakanta sa mga bars and she got hired. The pay was good. And she is still able to go to school with complete unit load since madalas ay weekend sila may gig. Bibihira lang nang weekdays kaya may time pa sya para pumasok sa OJT 1 nya this sem. Anyway, konti lang naman ang required hours this sem. Sa second sem OJT sya malamang mahihirapan. What I don't like about it are first madaling-araw na sya nakakauwi. There are times na out of town ako ng weekends kaya she has to take a cab. It's dangerous. Binitawan na ni Andz ang choir and the group understood it. Second, nire-require si Andz na magsuot ng sexy clothes and make up. Though reserved pa rin si Andz, ang lakas kasi ng hatak nya sa audience. A beatiful lady with a golden voice and hot body, nasusuya ako minsan sa mga tingin sa kanya ng mga lalaki sa bar. Nagiging matunog na nga ang pangalan nya sa ilang bars pero from what I heard from one of her bandmates, aloof sya sa mga lalaki which made them more interested in her.

"That is the kind of girl you like. A singer in a bar! Emmanuel, hindi kita pinalaki para mag-asawa ng ganyan!"

"Nag-aaral sya, Dad. Sinusustentuhan nya ang pag-aaral nilang magkapatid. Alam nyo namang kamamatay lang halos ng sabay ng parents nila," depensa ko.

"It's still a no!"

That was the time my father learned about Andz new job. Nagtalo kami sa opisina. Hindi ko alam kung paano o kanino nya nalaman.

Napatingin ako sa backdoor nang bumukas iyon. Lumabas na si Andz at mga kabanda nya. She is just wearing skinny jeans, red white stripped polo and red keds. Kumaway sya sa mga ito at humiwalay ng lakad.

Lumabas ako sa kotse para salubungin sya. Nanlaki ang mga mata nya nung makita ako at ngumiti ng maluwag. Hindi na nya naiayos ang pagkakasukbit ng backpack nya dahil tumakbo sya papunta sa akin. Halos talunin nya ako nung yakapin ko sya.

"Sinorpresa mo ako!" sabi.

"I miss you!" then I kissed her full in the lips and she responded.

"Guys, get a room!" Tudyo nung isa nyang kabanda mula sa malayo. Napalingon tuloy sa amin yung ibang tao sa labas ng bar.

Tumawa lang kami ni Andz at nagpunta na sa kotse.

"May boyfriend na pala kaya mailap," narinig kong sabi nung isang lalaki.

"Mukhang big time rin," sagot nung kausap.

Well, they better know she's taken!

"Home?" I asked her once we were settled in the car.

"Drive thru muna tayo. Bibilhan ko ng pasalubong si Jun. Pwedeng agahan na rin nya," natatawa nitong sabi. "Malamang tulog na iyon pagdating natin."

Inabot ko sa kanya ang bouquet ng bulaklak na nasa backseat bago ko in-start ang kotse.

"Thank you," nanggigil yata sa akin dahil kinurot pa ako sa pisngi after giving me a peck on the lips.

"Kinilig ka na naman," biro ko. Ngumuso lang ito.

"Hon, I'm not sure kung may nagbanggit na sa iyo kina Jeff," sabi nya pagka-order namin sa drive thru ng McDo. "Sarah invited us. Ikakasal uli si Tita Alice sa ex-husband nyang German, yung tatay ng Kuya Rich nya."

"Yeah, I heard. Kelan nga uli yun?"

"Saturday next week. Garden wedding daw sa Tagaytay. Family and chosen friends lang daw invited. I'll be their wedding singer. I hope you can attend."

"Sure," sabi ko. I have to. Malamang andun si Bong.


==============

Don't forget to comment and vote on each chapter!

Thanks and hope you enjoy!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b1ca